Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 8

2.2K 97 4
By ShadowlessPersona

Sorry, Baby Girl! My flight was moved this morning! Hindi ko na kayo mamemeet ni Theo this lunch. I hope you understand.

PININDOT ni Huffle ang send button sa email pagkuwa'y huminga nang malalim. Hindi naman siya nagsinungaling, her flight was really moved this morning. Ang kaso, hindi iyon aksidente. Sinadya niyang palitan ang oras ng pagalis.

Hindi na siya magpapakaimpokrito. Hindi niya pa kayang makita ang dalawa na magkasama lalo na walang alam si Crissa tungkol sa nakaraan nila ng lalaki.

Maybe. Just maybe, when Crissa finds out about them, ito na mismo ang maglayo sa mapapangasawa. She won't mind. Iyon naman talaga ang tama.

"Huffle!" Nasorpresa si Catherine nang makita siya, "Napaaga ka yata--" natigilan ito nang bigla niyang yakapin.

Parang nakaunawa ito pagkuwa'y niyakap siya pabalik, "You played fire with fire, Huffle..."

Kinagat niya ang labi, "A-Akala ko kaya ko na p-pero hindi pa pala... Hindi pala madali..."

Hindi na nagsalita si Catherine bagkus hinayaan siyang umiyak sa balikat nito. Inalo siya nito hanggang sa nakatulog na siya sa sariling opisina.

Si Kuya Slyther ang sumundo sa kanya.

"Tahimik ka yata, Huffle" Puna nito sa kanya, "Kumusta ang Indonesia?"

Sumandal siya sa headrest ng upuan, "Nakakapagod pero masaya" aniya.

"Nasaan ang masaya?" napatingin sa kanya ang kapatid, "May problema ba?"

Tumingin siya pabalik rito, ang bigat-bigat sa damdamin, "P-Paano mo pinakawalan si Emma noon?" tanong niya.

Si Emma ang una't huling nobya ni Slyther na nakilala niya. "Hindi ka ba nahirapan? Bakit parang masaya ka na ngayon? Ilang taon pa lang ang nakakalipas, ha?"

Bahagyang tumawa si Slyther, "Matagal na panahon na iyon, Huffle at isa pa, hindi mo siya gusto para sa akin"

Napalabi siya. Guilty sa sinabi ng kapatid, "pero kung gusto mo talaga siya, kahit ayaw ko sa kanya ay ipaglalaban mo hindi ba? Bakit hindi mo pinaglaban?"

Ngumisi ito, "May mga bagay na hindi laging pinaglalaban, kung para sa 'yo ay kusang mapupunta sa 'yo" anito.

Kaya ba nangyari sa kanila iyon ni Theo? Dahil pinilit nila ang bagay na hindi pa para sa kanila?

"Isa pa, hindi ko nga ganun kagusto si Emma" ngumiti ito! Huy! Hindi pala ngiti ang Kuya niya! "May iba na akong gusto"

Nanlaki ang mga mata niya! "What the -- may girlfriend ka na?!" Kaya pala ito nakangiti kahit walang dahilan! "In love ka?"

Hindi na naman umimik ito. Gusto na niyang tumakas sa mga kapatid, parang pinipiga ang puso niya.

Hindi dahil sa ayaw niyang maging masaya ang mga ito kundi ayaw niyang mainggit! Nakakainggit! Bakit siya ang tagal na ay hindi pa rin makausad?

"Gusto ko ng bumalik ng Paris" aniya sa kapatid. Tutal doon naman siya nagaral ng culinary, maaring ipagpatuloy niya pa ang trabaho doon! Magtayo na lang rin kaya siya ng Emery's doon?

Napakunot ang noo nito, "Paano ang Emery's? Sino ang mamamahala?"

Ah! Bahala na! Hinahabol siya ng sariling nakaraan, paano ba ito matatakasan?

Hinatid siya ng kapatid sa sariling apartment. Bumukod na rin siya sa magulang lalo na kaya naman na niyang magisa.

Kaya lang, sa ganitong pagkakataon mas kailangan niya yata ng yakap ng ina.

"Kuya, pwede mo ba ako ihatid kila Mommy?" Sambit niya nang ibaba ng kapatid ang maleta na dala, sa Emery's kasi siya dumiretso kanina pagkababa ng eroplano. "G-Gusto ko matulog doon ngayon"

Tinitigan siya ng kapatid pagkuwa'y tumango, "No problem, let's go? Baka may kailangan kang kunin hihintayin na lang kita sa baba"

Ngumiti siya pagkuwa'y umiling, "Wala na, tara"

"Huffle?" Maligayang sambit ng ina nang makita sila, "Slyther? What brings you here?"

"Mommy!" Yakap niya rito nang mahigpit, "I missed you!"

"Miss na miss ko kayo" Pinugpog siya ng halik sa mukha, ganun din ang kapatid niya, "Dito na kayo kumain, magluluto ako!"

"My, I-I'm sorry I have to go... May lakad pa ako" Pagatras ni Kuya Slyther, "Babawi ako soon"

"Hayaan mo na siya, My! In love na iyan kaya ganyan!" Hatak niya sa ina, "Where's Papa?"

"Is that my princess?" Papa Tristan! Agad niyang sinugod ito at niyakap, "Oh, it's been a while! Ngayon ka na lang nakabisita, ha? How's my princess?"

Kinagat niya ang dila para hindi bumuhos ang luha. Damn! This is harder than she thought, "Namiss ko lang po kayo"

Pumasok ang Mommy nito sa loob at nakiyakap sa kanila, "Nasa taas ang mga kapatid mo, si Arya baka nagmamake-up, si Jacob baka minemake-upan" she chuckled.

Napakamot siya sa pisngi, "Thank you, Mi! I'm just gonna see them" Ngumiti siya, "Uhmm, dito rin po ako matutulog? Okay lang po ba?"

"Kahit dito ka pa tumira ulit, walang problema!" Sambit ng Papa niya, "Manang, pakilinis ang kwarto ng prinsesa ko!" tawag nito sa kasambahay.

"Malinis ang kwarto mo, Huffle. May damit ka pa doon, sige na anak" Mommy na niya ang sumagot, "Manang, tara magluto na lang tayo"

"Sige po, Ma'am"

Umakyat siya sa taas at naabutang sinusuklayan ni Arya si Jacob. Tama nga si Mommy, si Jacob ang minemakeupan.

"Hindi ka pa ba tapos? Nangangati na ako, Arya!" Naiinis nitong sambit.

"Sandali na lang! Para naman itong others! Para sa naman vlog ko ito" Sagot ni Arya na kaagad siyang nakita, "Ate!"

"Ano na naman ang ginagawa mo sa kakambal mo, Arya Ruth?" Pakunwaring saway niya rito. Nagunahan ang kambal sa pagyakap sa kanya, oh her siblings!

"Buti napabisita ka dito, Ate!" Sambit ni Jacob, "Pagsabihan mo ito si Arya, lagi akong ginagawang model sa make-up na iyan!" 

Arya rolled her eyes, "I'm just practicing my look on our 16th birthday!" depensa naman kaagad nito, "You're so KJ, Hakob!"

"Sa December pa iyon!" Angil ni Jacob sa huli na binelatan pa ito, "Ate, oh!"

Kinurot niya ang ilong ng dalawa, "Kayo talaga!" Sabay na umaray pa ito, mas matangkad na kasi si Jacob sa kanya. Habang si Arya ay kasing tangkad na niya halos. "Tumangkad lang kayo pero para pa rin kayong bata kung magaway! Cute niyo"

It was a peaceful dinner with her family. Nakakamiss din talaga ang mga boses nito kahit gaano kaingay. Minsan kailangan niya ng ganitong klaseng ingay para hindi ang utak niya ang magulo.

"How was Indonesia, Princess?" Tanong ni Papa Tristan sa kanya, "Did you have fun?"

Tumango siya, "I did, Pa" she smiled, "Nakakatuwang magbigay ng tulong sa mga pamilya doon, I felt grateful"

"That's good" He said, "Gustong gusto ko nga iyang programa ng kapatid mo, mana sa Mommy"

Natawa siya habang ang kambal ay parang nandidiri na, dati pa naman ay natutuwa siya sa simpleng lambingan ng magulang. She kind of hope she'll has one someday.

Sayang...

"Wala kang pictures, Ate?" Tanong ng kambal sa kanya, "We would like to see!"

Actually, meron. Nilabas niya ang cellphone at pinakita sa mga ito ang litrato, "It's good, right?"

"Mommy, look!" Inabot ni Arya ang cellphone sa magulang, "Ang colorful ng place nila"

Natigilan ang Mommy niya nang makita ang litrato. Hindi umimik. Bakit? May mali ba sa pictures na kinuha niya?

"Kilala ko ito" Turo ni Papa Tristan, "Hindi ba't naging boyfriend mo ito?" Sumeryoso ang tinig nito.

Oh, shoot! "H-Ha?"

"It's Kuya Theo!" Masayang sambit ni Jacob. They're kind of close before.

Tumikhim ang Mommy niya, "Let's finish the food. Pagod ang Ate ninyo, she has to rest" pagsalo nito sa kanya.

Thank you, Mi!

Nang makatapos sa dinner ay hinatid niya ang kambal sa kani-kanilang silid. Hiwalay na sila ngayon dati kasi ay nasa iisang kwarto.

He tucked Jacob, "Ate, nagkabalikan na kayo ni Kuya Theo?" nakita niya ang pagasa sa mga mata nito, "How was he? Kailan siya bibisita?"

Ayaw niyang sirain ang nakikitang ligaya sa mga mata nito pero, "hindi kami nagkabalikan, Jake..." she called him by his nickname, "We're just friends now..."

Bumagsak ang balikat nito, "why?"

Akala naman niya ay makakaligtas siya sa pagiisip sa lalaki kapag nandito sa bahay ng ina pero nagkakamali pala siya.

Napalapit nga pala ang lalaki rito. How could she forget?

"We grew up" aniya kahit na alam niyang hindi pa nito mauunawaan, "Someday you'll understand. Okay?"

Tumango ito at naggoodnight na sa kanya. Sunod niyang pinuntahan si Arya na nagsusuklay na ng buhok, nilapitan niya ito at kinuha ang hawak pagkuwa'y siya ang nagsuklay sa malago nitong buhok.

"Ate, nagkabalikan na ba kayo ni Kuya Theo?" Unlike Jacob, inis ito sa lalaki.

Ngumiti siya, "Don't worry, hindi"

"Sure?" Humarap na ito sa kanya, "Huwag kang marupok, Ate!"

Natawa siya sa kapatid at kinurot ang pisngi nito, "Opo, Ate Arya!" biro niya rito, "Why do you hate him, anyway?"

Napabuntong hininga ito, "He made you cry" tipid na sagot nito, "Lagi kitang naririnig na umiiyak noon, sa gabi. And I know he's the reason" dagdag nito, "Umiiyak ka pa rin ba?"

Parang matanda na ang kausap. Manang mana sa mga pinagmanahan, "Hindi na po" Talaga ba, Huffle? "Okay na ako"

Nang makapasok sa silid ay akala niya tapos na ang diskusyon pero nandoon na ang Mommy niya para kausapin siya.

Great!

"Mi, it's nothing..." depensa niya, "Nagkataon lang na nandoon din siya---"

"Wala pa akong tinatanong, anak" malambing nitong sambit, "But since you mentioned... ano nangyari?"

Umiling siya, "Wala naman, Mi. Parang wala ngang nangyari"

"Wala pero nandito ka?" Diretsa ng ina, "I know you, Puffie."

Oh shoot. Nanay nga pala niya ang kausap. Lying won't matter 'coz she knew it all along.

"What's bothering you, anak?" Tanong nito sa kanya at hinaplos ang buhok, "You can tell me. Mommy is here..."

Agad niyang niyakap ang ina. Parang batang sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito, inalo naman siya ng huli.

"B-Bakit ganun, Mi?" pilit niyang pinipigilan huwag umiyak pero luha na ang kusang sumusuko, "Ang tagal na... pero... nung nakita ko siya ulit..."

Hindi nagsalita ang ina, pinakinggan lang siya.

"He's getting married... and guess what? Kay Crissa pa... sa dinami-dami ng tao sa kaibigan ko pa... ang sakit, Mi... hindi ko alam kung bakit pero masakit..."

Humiwalay ang ina sa kanya at pinunasan ang mga luha niya sa mata, "Tinakasan mo kasi, anak" mahinahon nitong sambit, "You didn't say faced him, there's no proper goodbye"

Goodbye? "Kailangan pa ba talaga niyon?" Hindi ba pwedeng tapos na lang lahat?

"Kailangan pero handa ka na ba?" Natigilan siya sa tanong ng ina. Shit. Hindi pwede yun. "Sa tingin ko anak, kailangan mo ng pakawalan..."

"H-How?" Dahil gustong gusto na niya. Madami kasing nagsasabi sa kanya na magmove on na, hindi nila alam na matagal na niyang gusto pero wala naman sa kanila ang nagsasabi kung paano.

Sasabihin lang nila yung mga ginawa nila, yung effective sa kanila pero sa sitwasyon niya? Hindi.

"I don't know, baby" her Mommy said, "You have to find out on your own... I'm so sorry I can't help you with that"

Nagpakulong siya sa yakap ng ina. Sana pwedeng ibalik yung nakaraan. Kung saan bata na lang siya at walang problema.

Yung walang sikretong kinikimkim. Yung walang sakit na sinasarili. Yung malaya siyang ipahayag lahat.

But then, hindi na nga pala siya bumabata. Sucks, right?

---

"HUFFLE!" Naguusap sila ni Catherine para sa planong expansion ng Emery's nang ginulat sila ng tinig ni Crissa, "I'm back!"

Sinalubong sila nito ng yakap. Mahigpit na yakap.

"K-Kumusta? What brings you here?" aniya. It has been a week since she came back from Indonesia at mula noon ay wala siyang nirereplyan na messages mula rito.

"Hindi mo ako nirereplyan!" napalabi ito, "tapos pag napunta ako rito lagi ka naman wala. Iniiwasan mo ba ako?"

Nagkatinginan sila ni Catherine, "She's just busy, Crissa. May expansion kasi na plano itong si Huffle" salo ng kaibigan sa kanya.

"Wow! That's great" Niyakap siya muli nito. Nakakainis na, ha? Yakap ng yakap.

"So, what brings you here?" tanong niya kahit na alam na gusto talaga nito ipakilala si Theo sa kanila.

Umirap ito, " 'Di ba ikakasal na ako? I'm here to introduce you to my fiancé!" Nabitawan ni Huffle ang hawak na tasa. Damn!

Lumuhod siya kaagad para ligpitin iyon pero nasugatan lamang siya. Stupid! "Huwag mo na hawakan, Huff. Sila na ang bahala diyan, doon na lang tayo sa labas" hila nito kay Crissa, "Sunod ka na lang, Huffle"

Hinugasan niya ang sugat at nilagyan iyon ng bandaid. She looked herself at the mirror. Wait, hindi na niya kailangan magpaganda ano!

But, liptint won't hurt, right?

Mukha mo, Huffle!

Umiling siya nang maglagay ng liptint sa labi at konti sa pisngi. Nilugay niya rin ang buhok pagkuwa'y sumunod na sa mga kaibigan sa labas.

Nagsalubong na naman ang mata nila.

Hi, Theo.. nasabi mo na ba? Please, ayoko na ng ganito. Ayoko na magpanggap na okay tayo

"Hon, ito na! You've met before 'di ba?" Sabi ni Crissa na nagpakaba sa kanya! Wait, nasabi na ba ni-- "Sa elevator nga lang. Gosh, para mo akong iniiwasan Puffie" dugtong ni Crissa.

Matalas ang tingin ni Catherine kay Theo. Maliban sa magkakilala sila, si Catherine ang may alam ng totoo.

"Cath, don't look at my fiancé that way!" Saway ni Crissa, "Anyway, Hon.. This is Catherine and Huffle my college bestfriends! 'Di ba doon ka rin nagaral?"

Fuck. Tumango si Theo at hindi naalis ang tingin sa kanila.

"Anyway, sila din ang magbabake ng cake natin!" Biglang sambit ni Crissa sabay tingin sa kanya. What the hell! "You'll do that for me, right?"

No!

"S-Sure!" Damn it. She's doomed.

Continue Reading

You'll Also Like

65.3K 1.2K 53
Roa, a designer and boutique owner, wanted to move on from the man whom she courted and rejected her when she was in college. But years later, Nixon...
174K 4.5K 50
I've always been a big fan of yours. You're loved by many, owned by no one. I've always known you were meant to be admired from afar, but never to ha...
5.5K 318 25
A man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero...
1M 33.2K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...