Once A Love Story - #Wattys20...

Per MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... Més

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Twenty-Four

1.2K 57 19
Per MicxRanjo

PINAPASOK si Katerina ng nagpakilalang landlord ng unit na inuupahan ni Erina. Patingin-tingin ito sa kanya habang papasok sila sa maliit na silid, hindi kaliwanagan ang ilaw ngunit napansin pa rin niya ang wala sa ayos na silid.

"Magkapatid kayo ni Erina, ano? Magkahawig na magkahawig kayo e, para lang kayong magkambal." Ngisi ng lalaki, magka-edad lang sila marahil.

Sa halip na sumagot, nagpasalamat siya sa lalaki. "Salamat. Dito ko na lang siya hihintayin."

"Maghihintay ka ng matagal, hatinggabi ng darating iyon dahil sa uri ng trabaho niya." Pinasadahan nito ang kanyang kabuuan, hindi man lang itinago ang malisya sa mga mata nito.

"It's alright. I will wait."

Tumawa ito. "Magkapatid nga kayo, pareho kayong ingglesera e. Tanong lang, Magdalena ka rin ba?"

Napakunot siya ng noo, napamaang. "Magdalena?"

"Alam mo na, si Magdalenang sawing-palad, mababa ang lipad?" Lumitaw ang buong ngipin at gilagid nito sa maluwang na pagkakangisi.

"Hindi. Maraming salamat, makaaalis ka na." Hindi na niya itinago ang pagkadismaya sa tinig. Humigpit din ang paghawak niya sa dalang shoulder bag, humanda sa maaaring gawin nito sa kanya.

Tila napansin naman iyon ng lalaki kaya umatras ito. "Oo na, sige na, aalis na ako. Para ka lang si Erina, ayaw ring magpagalaw kahit sabihin kong libre na siya ng renta ng limang buwan." Tawa pa uli nito.

"Get out! Get out!" Marahas niyang tayo, nanlilisik ang mga matang ipinako rito.

Mabilis namang lumabas ang lalaki. "Shhh! 'Wag kang sumigaw at baka marinig ka ng asawa ko. Aalis na nga." At mabilis na nga itong lumabas.

Nanginginig ang kanyang buong katawan. Hinakip niya ang dibdib, pinakawalan ang naramdamang takot. Mabilis niyang ikinandado ang pinto. Ilang minuto rin ang lumipas bago niya nabawi ang sarili.

Iginala niya ang mga mata, maliit lang ang silid, a studio type. Single bed, single pillow, thin blanket, small electric fan-mga kagamitang tanging mayroon sa silid. May maliit ding ref, maliit na mesa, walang upuan, walang tv, walang couch, walang kurtina sa nag-iisang bintana, walang pagkain.

Muli siyang napaluha. Erina was living a life of a dead. Walang tigil sa pagbalong ang kanyang mga luha, gayundin ang pagsirit ng hapdi sa kanyang damdamin. Erina was punishing herself. And she brought that to her, she did it.

"Erina..." Napaupo siya sa sahig, niyakap ang unan na gamit nito. "I'm so sorry...patawarin mo 'ko..."

Nakarinig siya ng ingay sa may pintuan, naalerto siya. Bigla siyang napatayo, hinablot ang maliit na mesa at handang ibato sa kung sino mang estrangherong magbubukas sa pintuang iyon. Gumalaw ang seradura. Bumukas ang pinto. Humigpit ang paghawak niya sa magaang mesa.

"Fuck...I made it here somehow." Isang pagak na tawa ang pinakawalan ng babaeng pumasok habang mabuway ang pagkakatayo.

"E-Erina?" Nakahinga siya nang maluwag nang masino iyon.

Natigilan si Erina, hinawi ng kamay ang mahaba at kulutang buhok na nakaharang sa mukha nito. Tumitig sa kanyang kinatatayuan.

"Erina..." Ibinaba niya ang mesa, lumapit ng ilang hakbang.

"Y-you." Bumagsak sa sahig ang maliit nitong clutch bag, gayundin ang susing hawak. Hinagip nito ang gilid ng pinto saka inilahad ang isang kamay palabas. "Get the fuck out of here." Sa mariin nitong tinig.

"Erina, it's me."

"Of course, it's you!" she hissed. Biglang nanlisik ang mga mata. "It's you, of all people, it is you." Dahil sa kalasingan, bumabagsak ang mga kamay nito sa tuwing iaangat nito iyon paturo sa kanya. "I...I trusted you, so much! Akala ko kakampi kita, but I was so, so, so... wrong." Kumuyom ang mga palad nito at ibinayo sa sariling dibdib.

"You have no idea how much I wished that you were my mother. I would give anything for you to be my mother because you're the only one who truly loved me." Namasa ang mukha nito sa walang katapusang pagluha.

"Erina, magpapaliwanag ako. Please listen to me." At maging siya'y hilam na rin sa sariling mga luha.

"No!" She threw a punch in the air. "You are way too late for that! Way, way, way too late to undo everything. Sinira mo 'ko, from birth till now, look at me...you did this to me. Why didn't you just kill me before? Look at me!"

"Erina, hindi ko sinasadya-"

"Bullshit! Why didn't you tell me? Why?" Dinampot nito ang clutch bag sa sahig at ibinato sa kanya. Naiharang naman niya ang mga braso sa ginawa nito kaya bumalandra iyon sa sahig, ngunit nasaktan pa rin siya.

Dahil sa nakita, lalo itong nag-init sa galit kaya sumugod na ito saka siya hinambalos, na agad din naman niyang hinarang ng mga braso.

"I hate you. I hate you. I hate you!" sigaw nito habang patuloy sa pananakit sa kanya.

"Hindi ko alam." Kinuha niya ang mga braso nito, pinigilan para patigilin sa ginagawa. "Hindi ko alam."

"Sinungaling!" she screamed at her face.

"Hindi ko alam na anak kita."

Natigilan ito, naudlot sa ere ang kanilang mga galaw, nagtitigan.

"I left you in the hospital. You were born premature and you were not very healthy. Sabi ng doktor ay hindi ka makaliligtas ng gabing iyon. I took my chance and left you. I thought...I thought it was the answer to my prayers because, I did not want you to be born, Erina." Nakagat niya ang labi. Alam niya, ito na ang pagkakataon upang ilabas niya ang sikretong kung maaari lamang niyang ibaon sa hukay.

Tinabig nito ang kanyang mga braso, umatras palayo sa kanya. Lumatay sa mukha nito ang sakit na naramdaman. Napahagulgol siya.

"I was nineteen, so young and pure. Lumaki akong aral sa bibliya. And I fell in love to a man whom I thought God had given me. Alvaro Guerrier was my high school sweetheart, Erina. We promised to marry after we graduate in college. I was so excited. I loved the man, oh God, I loved him so much! Kaya naman iningatan ko ang sarili ko para sa kanya. Iyon lamang ang regalo na kaya kong maipagmalaki sa kanya--"

"I don't want to hear anything about your bullsh--"

"I was raped!" Mabilis niyang tinutop ang bibig. Pakiramdam niya'y mauupusan siya ng hininga. Umiyak siya sa mga palad, nakulong sa maliit na silid na iyon ang kanyang pagtangis. "Nagahasa ako ng gabing magkikita kami."

AYAW paniwalaan ni Erina ang narinig. Gusto niyang isiping gumagawa lamang ng kasinungalingan ang kaharap ngunit alam niyang hindi ito kailanman nagsinungaling sa kanya. Kinurot ang kanyang puso sa itsura nito, sa mga damdaming inilalabas nito na alam niyang mas gugustuhin na lamang nitong itago.

"Maaga kaming naulila ni kuya Enrique kaya siya na ang tumayong magulang para sa aming dalawa. Alam niyang kasintahan ko si Alvaro, at alam din niyang malayo ang agwat ng aming estado kumpara sa mayamang pamilya ng mga Guerrier. He warned me, even asked me to break up with him. Pero mahal ko siya at ayokong mahiwalay sa kanya."

Ipinilig niya ang ulo, ayaw ihalintulad ang kaparehong damdaming naramdaman para sa isa ring Guerrier.

"Maaga akong pumunta sa burol na aming tagpuan upang maipakilala ako ni Alvaro sa kanyang magulang pero...may humila sa akin. Hindi ako nakasigaw, ni hindi nakapanlaban. Nang magising ako..." Muli na namang lumakas ang pag-iyak nito. "Ni hindi ko siya nakilala, pero narumihan na ako. Ang pagkababae kong pinakaingat-ingatan ko para sa lalaking mahal at pakakasalan ko ay naputikan na. Hindi ko napatawad ang sarili ko. I loathed myself. I felt so filthy."

Naipikit niya ang mga mata. Alam niya ang pakiramdam na iyon, alam niya.

"Nawalan na ako ng lakas na humarap pa kay Alvaro para magpaliwanag. Para ano pa? Para saan? Ano pa ang maipagmamalaki ko sa kanya? At ang mas masakit, nagbunga ang nangyaring iyon."

Napasinghal siya, muling nabuhay ang galit sa kanyang dibdib, mas lalong nakaramdam ng pangungutya sa sarili.

"Patawarin mo ako pero sinubukan kitang ilaglag, pero nakaligtas ka, kaya naman itinuring ko iyong senyales mula sa Diyos upang bigyan ka ng buhay. I was so broken. Mas lalo akong nasaktan nang mabalitaan kong ikinasal na si Alvaro. Pakiramdam ko ay gusto ko na ring mamatay ng mga panahong iyon, pero nasa sinapupunan kita, kaya nagpakatatag pa rin ako kahit paano."

Tumingala siya sa kisame, hindi na niya kayang tingnan pa ang itsura nito. They could both die in heartaches in here and nobody would know.

"Nakahanda na akong umalis papuntang Amerika, doon ko binalak na manganak, pero lumabas ka ng wala sa oras. I did not want to see you die, so I left...and at the same time, a part of me was relieved that you may not survive." Humagulgol uli ito.

May gusto siyang itanong, marami kung tutuusin subalit ayaw lumabas ng mga iyon sa kanyang lalamunan, natigil lang sa ere ang pagkaawang ng kanyang bibig.

"I did not know kuya Enrique took you home. Hindi ako nagtaka kung ano ang tunay mong relasyon sa kanila ni ate Lucinda dahil buntis din siya nang ilabas kita. Pero namatay ang una nilang anak nang magsilang si ate Lucinda kaya ikaw raw ang ipinalit nila sa puwestong iyon, Erina. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na akin ka, na ikaw ang sanggol na isinilang ko dahil akala ko...akala ko'y patay ka na."

Tinitigan niya ang kisame. Tumulo ang kanyang mga luha, dumulas hanggang sa kanyang leeg pababa sa dibdib. Hindi siya nag-abalang pahirin ang mga iyon.

"Ang akala niya'y si Alvaro ang nakabuntis sa akin. Dati na niya akong binalaan na walang kahahantungan ang relasyon namin dahil nga mayaman ang mga Guerrier lalo pa nang mabalitaan niyang ikinasal na ito sa ibang babae. Pero hindi ko magawang ipagtapat sa kanya na ginahasa ako, Erina... I couldn't."

"So, you left. You abandoned me heartlessly. You let me die the first time, and you did it again this time. Do you know how cruel you are?"

"Hindi ko sinasadya-"

"But you did! You did. Alam mo ba kung ano ang ginawa ko, ha? You knew how it felt to be so disgustingly filthy, but you still let me believe that Caleb and I did something so horrendously wrong. And because of that, I hurt the very person who truly accepted me. Paano kong babawiin ang lahat ng sinabi ko? Ang lahat ng ginawa ko? Tell me, Katerina, tell me?!"

"H-hindi ko alam, Erina. I'm so sorry..."

"Well, your sorry won't cut it! The damage has been done. Nasaktan na kami. Look at us...look at you, all of us. If only you told everyone the truth, if only..." ngunit alam niya, dahil pinagdaanan niya kaya alam niya na mahirap para rito ang sabihin ang lahat at ipagtapat ang mga iyon. Ayaw niya itong sisihin subalit hindi niya maitatangging dahil sa ginawa nito, nagkandaletse-letse ang kanilang mga buhay.

Katahimikan ang pumagitan sa kanila ng ilang minuto. Mga hikbi lamang nila at pagsinghot ang maririnig sa loob ng silid. Tumayo si Katerina, lumapit sa may pintuan, hindi tumingin sa kanya.

"Alam kong hindi mo ako mapapatawad sa mga ginawa ko, at alam ko ring hindi mo na gugustuhing makita pa akong muli, pero sana Erina, dumating ang araw na mapatawad mo rin ako. At sana, sana mapatawad mo rin ang iyong sarili. You can't stay like this, please...please live, Erina."

Hindi siya umimik. Ni hindi niya alam kung paanong magsisimula, kung saan. Simula't sapul ay kasinungalingan ang lahat sa kanya. Then she thought of Caleb, the only person who was willing to stay with her, to love her and yet...her cries pierced in the darkness of that tiny room. She embraced her body, rocked herself. Hindi niya nakayanan ang mga damdaming nag-umapaw sa kanyang dibdib, sumigaw siya.


KATERINA fisted her hands, bit her lips to stop herself from falling to her feet. Nadudurog ang kanyang puso sa nakikita sa hindi nakilalang anak. Kung sana ay naging matapang lamang siya na hinarap ang mga nangyari sa kanya'y hindi sana sila hahantong sa ganitong sitwasyon.

Gusto niya itong yakapin, aluin, sabihin kung gaano ito kahalaga sa kanya. Itinuring niya itong tunay na anak dahil sa kagustuhan niyang makabawi sa ginawa niya sa inakalang iniwanan na anak. Please live, Erina...you deserve to be happy, bulong niya sa sarili bago nilisan ang lugar na iyon.


STA. BARBARA Community Hospital, basa ni Erina sa mga letrang nakasulat sa itaas ng maluwang na gate ng ospital. Pabilis nang pabilis ang pagtibok ng kanyang puso habang papasok siya sa loob ng hindi kalakihang pagamutan. Iilan lamang ang kanyang nakita na naroon, dumiretso siya sa information, wala ring nakatao roon kaya naghintay siya.

Kumulang na kalahating oras bago may pumasok sa loob niyon at agad naman siyang nakita. Isang alanganing ngiti ang kanyang ibinigay bago nagtanong.

"H-hi. I am here for Dr. Cristobal?" Silip niya sa bilugang butas sa salaming bintana.

Ngumiti rin ang babaeng nurse at lumapit sa bintana. "Dr. Cristobal? Wala yata akong kilalang Cristobal na doktor dito. Ano ang first name?"

Natigilan siya, nag-isip, ngunit malabong malaman niya dahil hindi naman niya personal na kilala ang manggagamot. Umiling siya. "I...I don't know."

Pinasadahan siya ng tingin ng nurse bago uli ngumiti. "May sakit ka bang kailangang ikonsulta? May ibang doktor dito na puwedeng tumingin sa iyo-"

"No. I'm here for Dr. Cristobal. May kilala ka ba rito na baka kilala siya?"

Saglit na nag-isip ang nurse. "Ganito na lang, ibigay mo sa akin ang number mo, kapag nakapagtanong-tanong ako, ite-text ko sa iyo o itatawag, ano, ok lang ba?"

Tumango siya. "S-salamat." Saka na siya umalis.

Written: 1.18.2019

A/N:

One secret is out. What can you say?

Thank you everyone :) Please keep loving me este, this story by voting, commenting and sharing.

Luv, luv,

MicxRanjo :)

Continua llegint

You'll Also Like

95.1K 4.7K 70
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...
65.1K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
96.5K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
Jersey Number Nine Per em

Literatura romàntica

108K 6.1K 20
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.