Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 7

881K 33.4K 16.3K
By jonaxx

Kabanata 7

Friends


"Kuya, may kilala ka ba sa mga kaibigan mong may galit sa akin?" I asked, trying to sound normal.

I tell you what. Simula noong sa library, mas lalo kong napatunayan na may galit nga si Leandro sa akin.

"Huh? Sino naman?"

"Sa mga boys? Say... si Adriano ba medyo iritado sa akin?"

Litung-lito naman si Kuya Levi sa tanong ko. Malalim na nag-isip tungkol sa kaibigang si Adriano.

"Si George kaya? Si Axel? Si... Leandro? Gano'n?"

"Bakit sila magagalit sa'yo?"

"Nagtatanong lang kung may galit ba," pilit ko.

"Wala, Chayo. Bakit naman magagalit ang mga 'yon sa'yo? May ginawa ka ba?"

Umiling agad ako. At dahil mukhang masyado nang kaduda-duda kung magtatanong pa ako sa schedule ni Leandro, hindi ko na ginawa iyon kay Kuya. Instead, I dedicated my boring and lazy afternoon free time in knowing Leandro's schedule manually.

Ilang beses niya rin akong inignora, isang bagay na talagang hindi ko matanggap. I mean... I am Levi's sister! Kahit ba ngiti hindi niya magagawa sa akin? Not that I want him to like me, I'm just weirded out.

"Hi! Si Levi ba?"

Halos napatalon ako sa nagsalita. Last week during this time, nasa Kiosk si Leandro nakaupo at nags-study dahil pagkatapos ng oras na ito, may pasok na siya sa isa pang subject. Ngayon wala siya rito! Wala ba o nahuli ako o masyado akong maaga? Alin man sa mga iyon ang dahilan.

Kaya lang, nawala ang isipan ko dahil sa nakitang bumati. Chantal is beautiful. She isn't as active as Leandro's ex, Keira, but she is even way prettier. Tamang kulay at mahaba ang itim na buhok. Her features were properly highlighted even without make up and her lips were plump. Hindi na kataka-taka kung bakit usap-usapan din ang karamihan sa manliligaw niya. And it amazes me that she can reject the rich boys of this part of town. Paano ba naman kasi, karamihan sa kilala kong hindi mayayaman kapag niligawan ng may masasabi sa buhay, sinasagot agad.

"Uh, yeah."

Tumango siya. "I think may class siya..."

Tahimik din siya. Hindi gaanong nagsasalita. Mahiyain siguro dahil hindi rin gaanong active sa kahit ano.

Tumango ako. She stepped once and waited for me to say anything. Siguro ay para makaalis na siya kaya lang ayaw ko pa siyang umalis dahil may kailangan akong itanong.

"Ah. Uhm. Classmates sila ni Leandro?"

Kahit na alam ko ang sagot, tinanong ko pa rin para pahabain ang usapan. Umiling siya at tumitig pa rin sa akin. Her cat like eyes are making me nervous. It was as if she is judging me or whatever. Or is that her normal way of looking at someone?

"Kung si Kuya ang hanap mo nasa library siguro siya," sabi niya.

Anong si Leandro ang hanap? Umiling agad ako.

"Ah. Hindi naman. Akala ko lang magkasama sila ni Levi," nahihiya kong sinabi at umatras na. "Thanks, by the way. Uh... Chantal."

"You're welcome."

Mabilis na akong umalis kahit na alam kong nakatingin pa rin siya sa akin. Kunwari didiretso na ako sa gate para umalis o humalo sa mga kaibigang kanina ko pa iniwan. I slowed down and looked back. Nang nakita kong nagpatuloy na ulit si Chantal sa paglalakad ay mabilis akong lumiko patungo sa library.

I know where he usually sits. Hindi na ako nagtagal sa kung saan-saan at dumiretso na roon. Dahil patapos na ang araw, ang mga nagla-library na estudyante ay pauwi na kaya kaunti na lang ang mga naroon. Lalo na sa madalas niyang inuupuan dahil medyo malayo iyon at nasa secluded area ng mga thesis.

Nang nakita ko siya roon, abala siya. Nakatayo at gumuhit ng mahabang linya gamit ang isang mahabang ruler sa isang malaking bond paper. Umangat ang tingin niya sa akin nang napansin ang pagdating ko. I saw him sigh heavily.

That hurt me a bit. Ilang beses niya na akong iniwasan at ilang beses kong sinubukan na makipag-usap. Lagi'y pinapatay niya ang usapan kung hindi man ay sinusuklian ako ng sarkasmo. Ayan tuloy at hindi ko na kinaya, napatanong na ako kay Kuya Levi noong nakaraan.

He continued what he was doing. I am pleased by that. Siguro wala lang siyang choice kasi abala siya at hindi puwedeng biglaang umalis. Sa harap niya ay isang laptop. Tinitigan ko ang itim na laptop at inisip kung kakayanin ba niyan ang software na kakailanganin sa kursong kinuha niya. He should get a Macbook.

Napabaling ako sa bag maliit na back pack kong may nakalagay na Kate Spade. Muntik ko nang makalimutan na iba nga pala kami ng mundo. While I switch bags depending on the heaviness of school day, he can't even buy a new laptop for his important classes.

Ang laptop ko sa bahay ay bago at hindi ko gaanong ginagamit. Tumayo ako at iniwan ang bag sa malayong lamesa para malapitan siya. Tumuwid siya sa pagkakatayo at bumusangot ang mukha nang nakita akong palapit. Come on. I'm just being nice! What's wrong with him?

"Uh..."

Umikot ako at tiningnan ang gamit niyang laptop. It's not the latest but it looks like it is still working. Tumaas ang isang kilay niya nang bumaling sa akin. I nodded when realization hit me.

"Akala ko pareho tayo ng laptop," palusot ko nang naisip na baka mas lalo siyang magalit sakin kung sabihin kong luma na ang laptop niya. That I can lend him mine.

He laughed mockingly once and continued what he was doing. "Sa malayo pa lang alam kong alam mo na na hindi parehas ang gamit natin."

Uminit ang pisngi ko. So much for the damage control. Hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na sa ginagawa.

"Para sa next class ba 'yan?"

He sighed heavily again. Pakiramdam ko sinasadya niyang ipakita na hindi niya nagugustuhan ang presensya ko. The school year is almost over and all I remember for this year is my frequent encounters with Leandro.

"Hindi."

Wala bang paliwanag?

"Para saan? Bukas?"

"Oo."

He really answers with finality. Like he doesn't want me to ask any more.

"Bakit hindi sa bahay mo gawin?" pinapahaba ang usapan.

"Dahil hindi gaya mo, marami akong gagawin sa bahay."

Dead end. Again.

"Tumutulong ka sa Papa mo?"

He nodded and looked at me darkly. "Are you bored, Chayo?"

Umiling ako.

"Go back to your friends."

"Umuwi na sila."

"Umuwi ka na rin," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin.

Umupo ako sa pinakamalapit na upuan niya. He looked problematic now.

"Naghihintay ako kay Kuya Levi."

"Hindi rito ang classroom niya," supladong sagot.

"I know? Can't I wait here?"

"Go back to your friends. I'm sure they are still somewhere in the campus."

He's right, by the way. Hindi nga lang ako aamin at ano ba kasi ang problema niya?

"I'm with a friend now, Leandro," mataman kong sinabi.

Natigilan siya. Tumitig sa akin. Sinuklian ko rin ng titig ang mga mata niya. Then he looked away to mockingly look at our surroundings.

"May hindi ba ako nakikita?" he said with so much sarcasm.

Sinimangutan ko siya. "Why are you so rude to me when Adriano and George, both Kuya's friends, are friendly?"

Mas lalo yata siyang nairita. "Kay Adriano at George ka pumunta, kung ganoon."

Gusto kong umirap pero may palagay ako kung bakit ganito na lang katindi ang galit niya sa akin. That he can't even stand my presence near him. I know as a kid I've been so wrong with my words but people change. I didn't change a lot but at least I still did.

"Gusto ko rito," sabi ko.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. He looked shocked, then pissed, then mad. Ganyan na ba talaga siya ka desperadong ayawan ako? I don't understand. Am I that unforgiveable. Oo at may mga tao talagang hindi mo kayang patawarin gaya na lang ng galit ko sa mga kabit ni Daddy pero ganoon ba ako sa kanya?

"We are friends, right? Like... I'm friends with Adriano and George so you're a friend, too?"

Pumikit siya ng mariin at binitiwan ang mga hinahawakan. Pinasadahan niya ng mga daliri ang kanyang buhok. Tinalikuran niya rin ako bago ibinalik sa akin ang galit na titig.

Should I be insulted? Was he so pissed at what I just said?

"Akala ko ba hindi ka nakikipagkaibigan sa mga pulubi at galing putik na gaya ko?"

There. I knew it. That was the reason!

"Look. I was young when I said that. I'm sorry. I'm just making up right now by righting my wrongs."

"Forgiven," he said with a hint of dismissal.

Nagpatuloy ulit siya sa ginagawa. If he thinks I am giving up, he's wrong. Bago pa ako makapahanap ng sasabihin ulit, sa katahimikan ng buong library, may lumapit sa amin.

Isang college girl na may kasamang dalawang kaibigan. Pinagtutulakan ng mga ito ang namumula at hiyang-hiyang lumalapit. Sa itsura pa lang ng pinagtutulakan nila, alam ko na kung ano ang sadya. Sa itsura at sa pagkakaalala ko sa mga huling Grade twelve last year, I think they were freshmen of the college department.

Pinagmasdan ko ang pag-angat ng isang kilay ni Leandro sa babaeng lumapit. Lalo pa noong nagsalita iyon.

"Leandro, uh... pasensya na p-pero. Puwede bang mahingi ang number mo?"

It was actually harmless. Hindi naman masama ang magbigay ng numero. Nga lang, hindi puwedeng excuse na kailangan sa eskuwela o dahil magkaklase sila dahil halatang hindi. Halata rin na may ibang sadya ang babae kaya hinihingi ito. Sa madaling salita, it's a girl dying for her crush's number.

Hindi ko alam anong mararamdaman ko. Naalala ko bigla ang pinsan ni Nan na si Aria at ang sagot ni Leandro rito. The girl who is asking for Leandro's number is actually not bad. Hindi ko man kilala dahil siguro hindi active at hindi rin anak mayaman pero hindi rin naman pangit.

Pumangalumbaba ako at hinintay ang isasagot ni Leandro. He should give his number. Lalo na dahil may mga kaibigan na nag-aabang. Kung hindi siya interesado, puwedeng huwag na lang reply-an kapag nag-text. He should do it. It sucks to be rejected in public with her friends watching, and me over here.

Kaya naman laking gulat ko sa sinabi ni Leandro.

"Sorry, sweetie. I don't text much so I'd rather not," he was sweet with his words but the thought was lethal.

Napawi ang ngiti ng mga babae. Nangingiti ang nanghingi at umatras. Nararamdaman kong may sasabihin pa sana pero dahil sa hint ulit ng dismissal sa tinig ni Leandro, tuluyan nang umatras.

Supladong nagpatuloy si Leandro sa ginagawa at bahagya akong naantig. Lalo na nang nakitang tahimik na umalis ang magkakaibigan. It wasn't a harsh rejection but I felt it. Napatayo ako roon, hindi makapaniwala sa ginawa niya.

So! Totoo kaya na hindi niya pa talaga nakakalimutan si Keira! Sa bagay, that girl was such a catch but it's been more than a year! Kung tama ang sinabi ni Kuya sa akin noon.

"Anong ginawa mo?" halos maghisterya ako.

He looked at me with a question. Hindi na kailangang sabihin ang tanong.

"That girl was pretty!"

"Hindi lahat ng maganda ay gusto ko," sagot niya. "Is that how you choose a boyfriend? Anyone handsome and rich is fine?"

Paano napunta sa akin ang usapang ito? Hindi ako nakasagot agad.

"Umalis ka na at pumunta ka na sa boyfriend mo, Chayo."

Napakurap-kurap ako. This man isn't over his ex. I was having my very brilliant eureka moment while I watch his eyes darkening at me. Because I have a wrong history with him, I must make up for it through sharing my expertise in getting over exes and moving on from a relationship!

"Break na kami ng boyfriend ko, Leandro at-"

"Kaya ka nandito kasi break na kayo? You're bored," he concluded.

"I am not!" taas noo kong ulit. "I'm here to be good to you. Be a good friend to you."

Hindi ko alam kung bakit problemadong-problemado talaga siya sa pagkakapadpad ko rito. Hindi pa ako kailanman nakalapit sa lalaki at naparamdaman na pabigat ako, ngayon pa lang. I assume that it's because of all the words I threw at him some years ago. I cannot change the past but surely, I can change his prejudice of me.

"I can see that you're still not over your ex!" I concluded.

Tumitig siya sa akin. Muli ay binitiwan niya ang mga hawak. Ibinigay niya ang buong atensyon sa akin. Nakita ko ang multo ng ngiti sa kanyang labi.

I knew it!

"Kaya hindi mo magawang mag entertain ng ibang babae. Tama ba?"

Hindi siya sumagot. Well, based on my experience and expertise, boys really hide their feelings. Except for Kuya Levi. I know how he feels almost all of the time.

"Agree to be my friend and I will help you out," I offered.

I smiled sweetly. Huminga siya ng malalim at humilig sa lamesa.

"I hope this is not what I'm thinking or I am gonna throw you out of here, Chayo."

I tilted my head. Ano ba ang iniisip niya.

"What is it?" he probed, now excited probably.

"Hindi ka pa nakaka move on sa kanya kaya tutulungan kitang bumalik ulit sa pagkakaroon ng interes sa ibang babae-"

"Paano nga?" his voice thundered.

I am kind of disappointed that he sounds so desperate for my knowledge. Ganoon ba kahirap lumimot? Naalala ko ang sinabi ni Edu at Kervin. Umiling ako para maalis iyon sa isip ko. Bakit ka ba kasi nag ganoon, Leandro? Now, I'm scared to do that to a boyfriend. I don't want to be stuck like him.

"I will share to you my knowledge about moving on and forgetting. About starting new friendships," medyo mayabang kong sinabi.

Nabitin sa ere ang kung ano mang gusto niyang sasabihin. Nakaawang ang labi niya ngayon at naestatwa na. I feel so effective.

Tumikhim siya kalaunan, may multo ng ngiti ulit sa labi.

"Depends..."

"This is how I can help you. My way of correcting what I did to you some years ago. Tingin mo, Leandro?"

He chuckled and shook his head. Hindi ko na alam anong klaseng reaksyon iyon pero puwede kong iclassify as kagalakan. He might be very pleased that someone is willing to help. Someone as knowledgeable as me. Wala sigurong kuwentang kaibigan si Kuya Levi. Sa bagay, hindi pa iyon nagkaka girlfriend.

"Deal?" I asked.

Natatawa pa rin, unti-unti siyang tumango.

"At least you have other things to do than jumping from one boyfriend to another."

Glad that my relationship with him is actually leveling up. Hindi na ako iyong Chayo na susupladuhan niya kahit sa malayo. Gosh, even the rejected girls were treated better than me! Kung ako ang lalapit sa kanya, kung hindi sarcasm ay dini-deadma naman ako.

"Friends?" naglahad ako ng kamay.

Ilang sandaling nagtagal ang madilim niyang tingin sa akin. He shook his head in dismay of something before finally shaking my hand. Naghintay ako na magdeklara siyang kaibigan kami pero hindi dumating. Maybe it's too much to ask.

I smiled. Never minding the roughness of his large hand on me. Never minding the racing of my heart and the very sudden sweating of my palms. Inalis ko ang kamay ko at muling ngumisi kay Leandro.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 94.8K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
10.6K 1.3K 103
Happy endings doesn't exist... and if you agree with me, c'mon and enter my world.
64.1K 3.9K 16
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
29.8M 1.2M 43
Crisanta Camila Alcazar is the baby girl of Altagracia. Bunsong anak ng may-ari ng isang malaking azucarera, she was pampered and always prim and pro...