Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 6

2.3K 92 0
By ShadowlessPersona

"HUFFLE!" kaway ni Eli sa kanya nang makarating sa paroroonan, "Mabuti at nakarating ka na, akala ko hindi ka na tutuloy" ngumiti ito sa kanya.

Nakakahiya naman pero kailangan niyang matuloy, sayang ang pwede niyang magawa sa araw na ito!

"Pasensya na talaga, ano ba ang pwede ko maitulong?" Ngiti niya, "Kagaya ba kahapon?"

Umiling ito, "lbang team ang nagpunta rito para sa medical and dental mission, tayo ngayon ang nakaassign sa children's party" nakangiting sambit nito.

Ah! Kaya pala halos banderitas at mga upuan ang nandoon. Nakakatuwa lang tignan dahil makulay din ang lugar na ito. Iba't iba sa paligid.

"Magpapalaro tayo?" Tanong niya habang tumulong sa paglalagay ng banderitas sa isang poste, "Anu-ano?"

"Yung uso sa atin, trip to Jerusalem tapos Bring Me at Newspaper Dance" Nagkukuwentuhan pa sila nang tawagin ito ni Riyo, naiwan siya doon at kinakabit ang banderitas.

"Kaya mo ba iyan?"

Napababa ang tingin niya at nakita si Theo doon, nakapamulsa at nakatingala sa kanya. Nagrigodon ang buong sistema niya nang naisip na nakatingala itong muli sa kanya.

Parang dati lang ay totoo iyon ngunit ngayon...

"Oo naman" Sambit niya, "Madali lang---" She missed a step! Damn!

Naghiyawan ang mga tao nang makita siyang nadulas, maging siya ay napahiyaw rin. Unang tinakpan ang ulo para sakaling bumagsak ay hindi bumagok ang ulo.

Pero, bakit parang hindi siya sa sahig bumagsak? "Never gets old, Huffle"

Agad niyang inangat ang ulo at nabigla na nasa nasalo siya nito! Malapit lang ang kanilang mukha kaya naman makaramdam siya ng pagiinit ng pisngi.

Kaagad siyang umalis sa bisig nito, "S-Salamat, pasensya na"

"Huffle! Ayos ka lang?" Takbo ni Eli papalapit sa kanya, "May masakit?"

Umiling kaagad siya, "A-Ayos na ako, nasalo ako ni Theo" aniya, "Tara na, Eli? Baka may gagawin pang iba?"

Napatingin si Eli kay Theo at ngumiti, "Ibang klase ka talaga, Sir! Savior na savior!" anito, "Oh, tara! Paparating na rin ang mga bata, need na natin maghanda"

Sa pagtalikod nito kay Theo ay napabuntong hininga na siya, bakit kasi kailangan pang maglapit ang mga katawan nila ng ganon? Bakit?

Hindi tama ito, Huffle! You are better than this! Sabi niya sa sarili ngunit bakit may pagnakaw pa rin ng tingin?

Nagsimula na ang programa at siyempre ay inuna ang palaro. Ang una ay newspaper dance!

Ang mechanics na pinaliwanag ng isang Indonesian na volunteer sa mga bata ay ganito; may sampung news paper sa paligid, sa pagtugtog ng kanta ay dapat wala sila sa loob nito kundi nasa labas at sa pagtigil ay kanya kanya silang hanap ng mapapalooban na dyaryo.

Hindi kaso kung dalawa o tatlong tao sa isang dyaryo basta ay hindi lalagpas ang paa sa papel.  Bawat may matatanggal ay may maalis din na diyaryo at ang ibang mananatiling papel ay tutupiin.

Sounds fun!

Naghahalo ang tawanan at kasiyahan sa unang palaro pa lang! May mga bata na lumapit sa kanya para makiusap kung pwede sumali ulit sa ibang laro dahil natanggal na. Natural pwede dahil para naman sa kanila ito.

"Okay! Down to our final round" Sambit ng babae, inexplain nito ang panibagong rules sa final round.

Isang dyaryo lang ang gagamitin at nakatupi pa iyon. Kailangan magkasiya ang isang pares doon. Yes, they need to chose one pair dahil dalawa silang mananalo.

"Trial!" Sambit ng babae, "Can I ask for the volunteers to show it to them?" Tanong nito sa kanila.

Aba't nanguna si Eli sa harapan, hinila nito siya at si Riyo. 3 pares kasi ang kailangan dahil 3 pares ang mga bata.

Si Eli, Riyo, Siya. Si Ridani, Nympa, at si Theo. Sumali si Theo!

The music started at kinailangan nilang sumayaw dahil nasa mechanics iyon, sinabayan nila ng pagikot para hindi naman makita ang kaliwa nilang mga paa.

Nagtatawanan ang mga bata pero kitang kita ang husay ni Theo sa ganitong bagay. He dances so gracefully na tila ang mga mata ay nandito.

"Stop!" Shit! Nawala siya sa isip! Distraction si Theo! Wait, saan siya aapak? Bahala na! "We have a winner!"

Napabaling siya sa taong nakasabay niyang umapak sa diyaryo. Sino pa ba, si Theo! Her arms were wrapped on his neck,habang ang kamay nito ay nasa pupupot sa bewang niya!

They're too close! Damn it!

Agad siyang napaatras ngunit namali pa ng apak kaya nahila siyang muli ni Theo pabagsak sa dibdib nito! Damn, clumsy!

"Hanggang ngayon, Huffle?" Mapaglaro nitong ngisi. Doon nagsimula ang kantsawan ng mga bata kaya napaatras siya bigla! Damn! He's her best friend's fiancé!

Ang inaakalang huling awkward moment ay nasundan pa ng isa, hanggang maging dalawa, tatlo at apat. Her name is shame!

"Nakakapagod ano?" Tanong ni Theo habang nasa loob sila ng service van, tahimik siyang nakasandal sa bintana at nakatulala.

Tumango siya para hindi obvious na nahihiya, na apektado pa rin. Oo! Apektado pa rin siya!

"Saan masakit?" Tanong nito nang mapansing hinihilot niya ang binti, "Diyan?"

Inalis niya ang kamay, "Ngalay lang pero ayos lang ako"

Kunot noo ang sumalubong sa kanya, "Sa pagkakadulas mo kanina iyan at biglaang pakikilahok sa kanila. Hindi naipahinga, pagkarating sa hotel ay tignan natin baka may pasa" Tama na ang naririnig niya? May himig ng pagaalala doon?

"H-Hindi na, ayos lang ako" Kaso nakarating na sila sa hotel ay hindi nito pinansin ang sinasabi niya. Hinatid siya nito sa silid at nang makapagbihis na ay narinig niya ang pagkatok sa pinto.

She know its him. Sino pa ba? Nang buksan ay tila nagulat pa ito.

"Okay lang ako, Theo" sambit niya rito, ayaw papasukin. Hindi na kailangan, matagal na niyang hindi ito pinagbubuksan ng pinto.

"Titignan pa rin natin" anito "Baka mapaano ka, patay ako kay Crissa" Yes, of course! Niluwagan niya ang siwang ng pinto pagkuwa'y iika ikang lumakad papunta sa kama.

Lumuhod ito sa harapan niya, "Let me?" Agad siyang tumango at masuyong tinaas nito ang pajama na suot. Napapaltak ito, "Sabi na, e.. you got bruised"

Oo nakita niya iyon kanina, "Gagaling na rin naman iyan, makakalakad na ako bukas--"

"No" Putol nito at kunot muli ang noo, "Hindi ka lalabas bukas, ipapahinga mo ito" pinal nitong sambit tila wala siyang kapangyarihang tanggihan.

Sandali? At bakit wala? Inalis niya ang binti sa hawak nito ngunit agad din kinuha, "Huwag matigas ang ulo!"

"Okay nga lang ako!" Pilit niya rito! Hindi pwedeng wala siya bukas! Hindi pwede!

"Talaga?"

She rolled her eyes, "Oo--Aray!" Sigaw niya, "Theo!" Pinisil niya ang binti nito! Masakit!

Ngumisi ito, "Okay pala ha?" Umiling ito at may kinuha sa bulsa, para iyon puting gazo - ah! Salon pas yata.

"This will help" Anito, hindi siya salon pas pero parang ganun kasi ang itsura, "Hindi ka aalis bukas"

"No!"

"Yes!" Aba't matindi nga naman talaga! "You can't stop me--"

"Don't try me" mapanganib nitong boses. She did try him once, before. Sa iba sila napunta kaya alam niyang seryoso ito. "Huffle?"

She rolled her eyes, "Isusumbong talaga kita kay Crissa!" Namilipit siya lalo sa sakit dahil pinagpatuloy nito ang paghilot sa kanya, ngumisi lang ito at hindi na nagsalita.

Pinagmamasdan niya si Theo, may pinagbago din ito sa itsura. Ngunit umayon sa kanya ang panahon, gumandang lalaki ito lalo.

"Paano kayo nagkakilala ni Crissa?" Tanong niya, kahit hindi na gusto malaman ay parang tinatraydor siya ng sariling isip.

Tumingin ito sa kanya, "I was travelling and then we met" he said, "Ganun..."

Bakit parang walang kaliga-ligaya naman ang pagkukuwento nito? Hindi ba ito masaya?

"M-Mahal mo ba talaga ang kaibigan ko?"

"Papakasalan ko ba siya kung hindi?" Sagot nito pagkuwa'y tumayo na, "I gotta go, you need to rest. Ako na magpapaliwanag sa kanila bukas na hindi ka na makakasama"

Huh? "No, wait--Theo!" magmamadali itong umalis! Ano ba yan!

Napahiga siya nang tuluyan at doon muling lumipad ang isipan, how could they do it? Paano nila nagagawang magusap na parang walang nangyari sa nakaraan?

She closed her eyes, bahala na kung sa panaginip ay makita sila, siguro doon na lang niya itatanong ang mga bagay na hindi niya masabi ng harapan.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 249 38
Gabriella Dela Cruz is a very famous model and brand ambassadress who will unexpectedly work for a project with her "almost boyfriend" Ethan Meechael...
1.3M 25.9K 43
The Wattys 2019 Winner | Romance category Silent Lips Series #1 ** Zoey Grace Valderama is known to be the heiress of one of the richest magnates in...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
160K 3K 52
All Viktoria Marie Gochingco ever want was to be loved by the only guy she had eyes on namely Sebastian Valdez.