Beautiful Goodbye

By ShadowlessPersona

126K 5.2K 333

Not all goodbyes are sad. Not all goodbyes are bad. This is Huffle Emery Martinez Delaverde's story. More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue
Author's Note

Chapter 5

2.4K 94 1
By ShadowlessPersona

TATLONG araw.

Tatlong araw ang sinabi ni Crissa na busy si Theo at dahil ba iyon dito? Is Theo busy because of the charity event or dahil sa kanya?

Ang assuming mo, Huffle! Saway niya sa sarili.

Ngunit hindi niya mapigilan isipin iyon. Alam ni Theo na magkikita sila dapat kagabi at nang hindi natuloy ay hinanap siya nito?

That's absurd! Ang lawak ng imahinasyon niyang talaga.

"Ate Huffle, may susundo ba sa'yo?" Tanong ni Riyo. Kakatapos lang nang unang araw ng charity event, nagliligpit na ang iba. "Ihatid ka na daw namin ni Kuya Eli if wala pa"

Napatingin siya sa orasan, mag aalasingko pa lang naman, "Oo meron, salamat pero mabuti pa't dumiretso na kayo ng uwi para makapagpahinga. Madami tayong ginawa ngayon" aniya.

Ngumiti si Riyo, "Sige po, see you bukas?" sinukbit na nito ang backpack na dala.

Tumango na lang siya pagkuwa'y dumating si Eli, "Ano?" tanong nito, "Hatid ka na namin"

"Kuya may service siya" sambit ni Riyo, "Una na ako sa shuttle! Bye, Ate!"

Kumaway siya rito habang si Eli ay lumapit naman sa kanya, "Sigurado kang 'di ka sasabay? Pwede ka naman namin i-drop off sa hotel na tinutuluyan mo" Sumilay ang magandang ngiti rito.

Magandang lalaki si Eli, lakas maka-Mikee Morada ang appeal sa itim na t-shirt nitong suot at salamin. His aura speaks gentleness and security, kaya kahit kakakilala pa lang ay magaan na ang loob niya rito.

"No, I'm good" aniya, "Tsaka magandang makapagpahinga ka na rin agad"

Tumango ito, "Ikaw rin, ha? Pahinga nang mabuti para bukas recharged na ulit" Ngumiti ito. Sa ibang lugar naman sila bukas, iikutin kasi nila ang mga maliliit na lugar dito sa Jakarta.

He advanced and placed his cheeks into hers pagkuwa'y nagpaalam na ulit. Pinanood niya ito na sumakay sa shuttle at kumaway pa.

Paunti nang paunti na ang mga volunteers na naiwan pero wala pa rin ang service doon. Nasaan na kaya iyon?

"Huffle" Natigilan siya sa narinig. Umabot hanggang sikmura na dapat hanggang tainga lang ang tinig nito. "Nandito ka pa?"

Hindi wala na, video ko na 'to

Napailing na lang siya sa sariling isip, "Hindi ka pa ba uuwi?" Sunod nitong tanong sa kanya.

"Inaantay ko na lang yung sundo" Bigla naman tumunog ang cellphone niyang pinahiram ng hotel, "Speaking... excuse me.."

"Hello, Ma'am?" Iba ito sa sumundo sa kanya sa hotel kanina, "Ma'am Huffle?"

"Yes, speaking..." Wala naman ibang pwede tumawag sa kanya bukod sa service lang dahil hindi niya numero ito. "Where are you?"

"Ma'am, this is Rahman--" anito, "I'm the transportation coordinator of the hotel you are currently staying at.."

"Yes, I am already waiting here"

Sandali ito nawala pero narinig niya ang buntong hininga nito, "I-I am afraid to inform you that your driver, Taufik, couldn't fetch you today since just this afternoon he rushed his wife to the hospital  to give birth"

"Oh my god!" Napatakip siya ng bibig.

"We are sorry for the inconvenience, we would send a new service but unfortunately the next available will be around 7 PM?"

Nanlaki ang mga mata niya, "7 PM?" that's too long! Wala siyang matutuluyan!

"Yes, Ma'am. We are so sorry..."

Huminga siya nang malalim. Walang maitutulong ang init ng ulo sa sitwasyon niya ngayon lalo na't nanghingi na rin ng despensa ang tao.

"Nevermind it, I'll be just taking the cab" she said, "Thanks for informing me..." Sana pala sumabay na siya kila Eli kanina, hindi pa naman niya alam ang lugar na ito.

Binaba niya ang tawag at napabuntong hininga ulit. Bahala na nga!

"Is everything okay?" Napalingon siya muli at nakitang nandoon pa rin ito!

"Ah, oo.. tumawag lang yung service..." aniya.

"Bakit daw?" Usisa pa nito. Nagkatinginan sila sa mata at hindi na muli kumalma ang puso niya.

Kinuha niya ang bag at sinukbit na sa balikat, "Hindi ako masusundo kasi nagkaemergency. Anyway, uwi na ako--"

"Hatid na kita" natigilan siya sa sinabi nito, lilingon na dapat siya pero agad naman itong nakalapit sa kanya, "Let's go?"

"Ah, hindi na" tanggi niya, "May kikitain pa kasi ako" Bigla niyang sabi na pati sa sarili ay napatanong... sinong kikitain mo, Huffle?

"Kikitain?"

Tumango na lang siya, bahala na! "Ah, oo.. Baka makaabala pa ako"

"Saan ba kayo magkikita?" Patay! Wala naman siyang alam sa lugar na ito! "Masyadong malaki ang lugar baka maligaw ka"

Bakit ba alam na alam nito ang lugar? "Matagal ka na ba rito?"

"Hindi naman gaano" he said, "But, I know this place" Oo nga pala, talento nito iyon - ang magkabisado ng direksyon.

Bakit nalimutan mo ang direksyon ng buhay mo kasama ako?

Shit! Nahugot pa! Gusto na niyang sabunutan ang sarili, "Hindi na, Theo. Baka magalit pa si Crissa kapag may mangyari sa'yo"

Napatingin siya rito at sandali itong napatigil pagkuwa'y napatango, "She'll skin me alive kapag may nangyari sa'yo" pagkuwa'y masuyong ngumiti ito.

Damn it! Bakit walang nakukulong sa ganitong ngiti? Nakakawalang wisyo!

"C'mon, Huffle. You don't have to avoid me, just let me take you to where you are heading. For Crissa?"

Wala na siyang nagawa.

---

Malamig sa loob ng sasakyan ni Theo pero kahit na malamig ay parang pagpapawisan siya sa init!

"Mainit ba?" Inadjust nito ang aircon.

"Salamat" Hindi na siya nagreklamo dahil baka kung ano pa ang masabi niya, "Sa 'yo, 'to?" tukoy niya sa kotse.

Ngumiti ito, "Yes" pagkuwa'y diretsong nakatingin sa kalsada, "Sino pala ang kiki--" Bigla nitong hindi tinuloy ang sinasabi.

This is awkward.

"You're joining charities now?"

Mapait siyang ngumiti, "Proxy lang kay Kuya," aniya, "He has something important to attend kaya ako ang pinakiusapan niyang papuntahin rito"

"I see" he responded, "How was it?"

"What?"

"Your first time" he asked, "Reaching out"

It actually feels good. Kailan ba noong huling ginawa nila ito kasama ang mga kapatid pati magulang? Binata pa si Kuya Raven at Kuya Gryffin.

"Masaya" aniya, "Ang daming nagpunta... para din silang Pilipino kung ngumiti... malalaki"

Sandaling nagkaroon nang katahimikan sa pagitan nila. Dapat na ba niyang i-brought up ang tungkol kay Crissa?

"How's your shop?" Putol katahimikan nitong tanong.But, wait. Shop? Her brows furrowed, hindi niya natatandaan na nasabi niya rito na may pastry shop na siya.

Mukhang nakuha rin nito ang expresyon niya, "N-Nakwento ni Crissa" he coughed, "Yeah, she was talking about you and Catherine a lot"

"Does she know?" Great! This is it. Ito na ang oras para pagusapan nila ang tungkol sa kanilang nakaraan at paano sasabihin kay Crissa.

Tila nakuha naman ni Theo ang tinutukoy niya pagkuwa'y umiling ito, "No"

Damn, "She has to know" diretsa niyang sambit, "and it has to be one of us to tell her" bago pa nito malaman sa iba. It could ruin his relationship and her friendship with her.

Hindi nakasagot si Theo, nagpatuloy lang sa pagmamaneho. Parang bumalik sila sa panahong hindi na sila nagkikibuan, walang pagpapanggap na maayos sila.

"Let me" he said, "Let me be the one to tell her, this is all on me..." he looked into her eyes, "Please?"

Tumango siya, "Okay..."

---

She's late.

Ala-singko ang call time pero six thirty na nang umaga! Fudge!

Nagmamadali siyang magayos, iniwan na kaya siya ng service? Damn.

"Good morning, is Taufik available today?" She asked the receptionist over the phone, "I got up late so I wasn't able to meet him on the call time"

"Oh, I'll transfer you to their department" She politely said at agad namang may nagpickup ng tawag, "Transportation Office, this is Rahman speaking"

"Rahman! This is Huffle Delaverde, the one who called yesterday about the service"

"Oh, yes! How may I help you, Miss?" He kindly asked.

"I had a call time around 5 AM with your service, unforuntately,I got up late. I would just like to ask if there's any chance that I could still hire one because I need to get there ASAP"

"Oh, wait a second" He said. Habang hinold nito ang tawag ay nilagay na niya sa bag ang mga gamit, nagsapatos na rin siya para mabilis. "Hello, Ma'am?"

"Yes?"

"We have just one available service and it's a shared ride, you just have tell the driver your location and he will drop you off, will that be fine?" He said.

"Yes, thank you!" Wala na siyang choice. Kailangan niyang magpunta doon! Nakakahiya at late pa siya.

Paano naman siya hindi mapupuyat? Simula nang dumating na naman si Theo ay hindi na siya napayapa pa.

She waited inside the service van, may inaantay na lang na pasahero para makaalis na sila.

"Where to go, Ma'am?" Tanong ng driver pagkuwa'y binuksan niya ang phone para makita ang iterinary.

"Tridi village, Malang, East Java" Sambit niya sa driver, "How fast could you get me there?"

"You're going there, too?" Too? Pati ba ang makakasabay ay doon pupunta? "Thirty minutes tops" sagot nang service, "Oh, there he is! Let's go"

Pagkalingon niya sa papasok na kasabay ay ganun na lang ang pagkakabigla niya nang si Theo ang sumakay! What the?

"Ikaw?"

"Oh, Huffle!" Gulat rin nitong sambit, "You're staying at this hotel, too?"

Obvious naman hindi ba? But, what are the odds really. Pinaglalaruan ba sila ng tadhana?

"Theo, shall we go?" Ngumiti ang driver rito at parang magkakilala pa sila? "You're late!"

Tumango si Theo habang siya ay napasandal na lang sa upuan. Damn it. Ano ba ang nangyayari? Ito ang tinutukoy ng driver na pupunta sa lugar na pupuntahan niya.

Bakit ngayon pa?

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 451 34
"I have many ways to make him fall for me, so wait for it bitch." -Lauren Jae Adair Lauren had loved Lucas for years. She had no courage to confess i...
191K 2.6K 43
(Filipino/English) There is no need to rush in love. Everything takes time. And everything that's worth the wait is worth the price.
21.7K 868 43
Chesca met Caige when she's in the process of mending her broken heart. Tinulungan siya nitong bumangon at naging dahilan si Caige sa pagbalik ng kas...
5.5K 318 25
A man who happens to remember every detail of the lifes around him, sakit na pipiliin nyang alisin sa buhay nya para hindi na maging miserable, pero...