Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 953K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 6

923K 32.3K 10.3K
By jonaxx


Kabanata 6

Friends

I can't exactly remember when he started ignoring me, though.

"Hindi ako makapaniwala! Gago rin talaga 'tong ex mo, e, 'no?" si Edu.

Nagsusulat ako ng assignment at nakitang papasok si Leandro sa school. When our eyes met, I was about to wave. Naisip ko kasi na sa lahat ng kaibigan ni Kuya Levi, siya lang ang hindi medyo hindi ko makasundo. Kaya lang, hindi niya ako pinansin, gaya ng dati.

Alam ko namang hindi na talaga kami kaswal na nagkakabatian tuwing nagkikita kami sa school. Pero pagkatapos noong huling birthday ni Kuya, I figured I must smile or wave at him at school, when we meet. Lalo na dahil close sila ni Kuya. It's just so weird to be so close to Adriana and George but not on Leandro.

"Sinong kinakawayan mo?" si Nan, napansin ang napanis kong kaway.

Binaba ko ang kamay na may ballpen at nagsulat na lang. Umiling ako bilang sagot kay Nan bago muling tiningnan si Leandro na ngayon ay mawawala na patungo sa college building.

"Wala naman," sagot ko.

"Lalong tumatagal, lalong gumuguwapo si Castanier no?" si June.

Natigil ako sa pagsusulat. I wonder if they noticed how I tried to be friendly at him.

"Kaso... ang suplado raw!" si Nan, sumang-ayon. "Nagconfess ang pinsan ko sa kanya."

"Sino? Si Aria?"

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Nancy's cousin Aria is one of the prettiest of their batch. Dalawang taon ang agwat sa batch nina Kuya Levi at freshmen sa college ngayong pasukan! She'd even pass as the prettiest if Chantal, Leandro's sister, isn't there.

"Sinumbong ba siya sa Dad niya? I mean, although Leandro is a good student, he isn't well-off and isn't your family strict about it?" natatarantang tanong ni June.

Nagkibit ng balikat si Nan. "Hindi ko na alam ang tungkol diyan. Basta narinig ko. Todo iyak daw si Aria sa locker room pagkatapos ng confession, e!"

Intrigued by what happened, nakapangalumbaba na ako. "Paano niya raw ginawa?"

"Friends na naman sila ni Leandro raw dahil kay Chantal. Tapos nilapitan daw niya si Leandro noong mag-isa ito sa library..."

Pa-suspense pang nagku-kuwento ni Nan. HIndi na ako mapakali at gusto ko nang malaman ang susunod!

"Tapos?"

"Gumawa ng love letter si Aria at binigay kay Leandro. Tiningnan lang daw ni Leandro at tinanong kung ano 'yon! Tapos sabi ng pinsan ko, love letter."

"Tapos?"

"Tapos?" I am at the edge of my seat.

"Tapos sabi ni Leandro na thank you. Kinuha ang love letter. At... 'I see you only as my little sister, Aria'."

Parang nalukot ang puso ko sa pagkakasabi ni Nan. Hindi ako makapaniwala. I imagine the pretty and brave Aria crying on the locker room after that. She's pretty and would make a good girlfriend!

"We don't really need the opinion of my uncle, do we? Unless gusto rin siya ni Leandro."

"That's so... painful!" si June na ngumingiwi ngayon.

"Yup. And it's her first attempt to have a boyfriend. Matagal niya na raw gusto si Leandro."

"R-Really?" my heart hurt at that.

"Naku! Mga gaya noon, hindi talaga papasa ang mas bata," si Edu.

Napalingon kaming tatlo sa kaibigan. Syempre iba kapag opinyon ng lalaki kaysa sa aming tatlong babae.

"Ba't naman?"

"You know... explore-"

"Explore? I kiss my boyfriends, Edward. And I'm younger than Aria. That means Aria can do it to unless Leandro wants someone who has more experience?"

Ngumisi si Edu. "Hindi ganyan, Chayo. Iba pa!"

Kumunot ang noo ko sa kakaibang ngisi ni Edu. Kalaunan ay umirap nang naralize kung ano ang ibig niyang sabihin.

"Hindi naman siguro ganoon 'yon," si Nan, nakuha rin.

"We can never tell. Ang tagal nila ni Keira. Ano sa tingin n'yo? Walang nangyari ron?"

Naeeskandalo sa mga sinasabi ni Edward, sumimangot ako.

"Ano ba 'yang pinagsasabi mo?!"

Hinampas ni June ng notebook si Edu. Tumawa si Edu at umilag sa pangalawa at pangatlong hampas.

"Tumigil ka, Edward! Hindi lahat ng lalaki tulad mo!"

"Hindi lang halata sa mga 'yan, e! Tanungin mo ang Kuya Levi mo, Chayo!"

Naisip kong magtanong dahil sa hamon ni Edu pero tumigil ako. Ayoko kaya! Ano naman kung malaman ko?! At isa pa... ayokong malaman!

"Kung sa bagay," napaisip si June. "Leandro seems like a mature man in a relationship. Pribadong pribado nga ang relasyon nila noon, e."

Now that June is thinking, mas lalo lang akong kinabahan na baka totoo iyon. Hindi ko alam kung bakit ayaw ko. What's wrong with me?

"Possible," si Kervin na minsan lang sumingit tuwing ganito ang usapan. "Especially because he doesn't have a new girlfriend after Keira. Boys have this obsession with their firsts..."

I think I got scarred by that idea! Hindi na ako nakapagsalita, nanunuyo na ang lalamunan.

While I am having different boyfriends every now and then, explore and kiss, hindi ko kailanman naisip na aabot sa ganyan! Ngayong naisip na gagawin ni Leandro iyon, hindi ko na alam!

"Ilang taon na ba silang wala? At si Keira rin hindi pa nagkakaboyfriend, 'di ba?" si Edu naman ngayon na kinaiiritahan ko na.

"Really possible. Maybe they are hung up with each other? Nag-uusap ba?" tanong ni Kervin kay June.

Nagkibit-balikat si June. "Ewan ko! How will I know, anyway? Si Chayo oh, madalas magkasama si Kuya Levi at si Castanier."

Umiling ako dahil sa totoo lang, hindi ko nga nakikita si Leandro na kasama si Keira. Minsan kapag kasama ang grupo pero hindi iyong silang dalawa lang.

Aside from that... let's not forget the fact that he has been ignoring me for a long time. Oo nga at hindi kami friendly sa isa't-isa pero ilang attempt ko ng ngiti at palagi niyang binabalewala.

But... I haven't tried talking to him. Hmm...

Hindi matanggal sa isipan ko na hung up pa nga siya kay Keira. Lalo na sa parteng... uminit ang pisngi ko. Yumuko ako, nahihiya sa naiisip. I can vividly imagine him on Keira.

"Buti pa ang isang 'to," si June.

"Nagpapaselos lang 'yan. Hindi ko talaga nararamdaman na may something," si Nan.

Napatingin ako sa pinag-uusapan nila. Hindi nga lang natanggal ang isipan ko sa kay Leandro at Keira.

Nakita ko si Ralph at si Ella na pumasok ng campus, magkaholding hands. Mayabang na naglakad si Ralph at tumingin sa banda namin. Umiling ako at inayos na ang mga papel.

First time kong magka boyfriend ng hindi taga rito sa school. Sa La Carlota siya nag-aaral kaya hindi kami nagkikita kapag ganitong eskwela. We rely on texts most days and then we meet during the weekends sa cafe sa bayan. However, it's been two months and I'm growing tired of it.

"Kumain na nga tayo. Nakakawalang gana 'yang si Ralph," si June.

Tumayo ako at dumiretso na kami sa cafeteria. Like our usual weekdays, isang lamesa kaming magkakaibigan. Masaya ngayon dahil marami kami. Madalas kasi kaming tatlo lang at itong boys ay pipiliin pang pumunta sa bayan para kumain. They say the food in the cafeteria is bland. Hindi ko tuloy alam kung ganoon nga ba o may ime-meet lang silang girls.

Habang naglalapag ng tray sa lamesa namin, hindi matanggal ang tingin ko sa pinakagilid na lamesa sa cafeteria. Leandro was there with some papers on his large table. May iilang babaeng lumapit at bumati sa kanya. He greeted them back and then waved. Ibinalik niya ang mga mata sa sheets at kunot noong tiningnan ang mga iyon.

"Speaking of the devil... Si Leandro, oh. Ano 'yan? Walang pasok?" tanong ni June nang nakita ang tinititigan ko.

Hindi naalis sa isip ko ang napag-usapan kanina kaya buong pagkain tuloy namin tahimik ako habang paminsan-minsan siyang tinitingnan. After eating, I went to the bathroom to freshen up. Pagkatapos at pagbalik sa upuan, nakita kong nandoon pa rin si Leandro.

"Tara na!" aya ng mga lalaki.

Tumayo kaming lahat. Marami kami kaya siguro napaangat ng tingin si Leandro sa banda namin. I was already watching her and although my heart jumped at his look, I still tried to be nice and smile.

Kitang-kita ko na nakita niya ang ngiti ko. Nagtagal ang mga mata niya sa akin at walang ekspresyong binawi at binalik sa tinitingnang papel.

What is wrong with him? Okay lang kung first time niyang gawin ito pero naka ilang beses na.

"Sandali lang, ah..." sabi ko at iniwan na ang mga kaibigan ko.

I heard Nan ask where I was going. Hindi ko na siya sinagot at siguro naman sa nakikita nila ngayon, alam na nila kung saan nga ako pupunta. Sumulyap si Leandro sa akin at nang nakitang palapit na ako, nagligpit agad ng nagkalat na papel sa lamesa.

I glanced at the blue sheets on the table and saw the label "Electrical Circuit Drawing". Nasa harap na ako ng lamesa niya ngayon.

"Hi!" I said, trying to be at least friendly because it bothered me that my smiles aren't reciprocated.

He sighed and continued arranging his things.

"Uh..." nababalisa na ako. Hindi naman ako nahihirapang makisalamuha sa mga lalaki pero nahihirapan ako rito. "S-Si Kuya?"

"Nasa klase siguro," sagot niya nang hindi ako tinitingnan.

Oh. Great! At least he responds, huh?

"Saan?" hindi na ako nag-isip nang tinanong ko iyon.

He sighed heavily. His intense eyes pierced through me. Naramdaman ko tuloy na nahahalata niya ang ginagawa ko.

"You can text him," he said with a hint of sarcasm.

Tumayo siya at nag-ayos pa ng gamit. Bago pa ako nakapagsalita ay umalis na siya sa harapan ko. Nakaawang ang bibig dahil sa nabiting dagdag na tanong, pinagmasdan ko siyang nagmamadaling umalis.

"Class?" Nan asked, hindi napansin ang medyo malamig na tungo sa akin ni Leandro.

"M-Maybe..."

Hindi na ako nilubayan ng pangyayaring iyon buong araw! Alam ko namang hindi ako friendly sa kanya noon at sobrang daming beses na kaming nagkasagutan at nagkairingan pero ganoon na lang ba talaga ang tungo niya sa akin lagi?

"Kuya, galit ba si Leandro sa akin?" I murmurred to myself, trying to practice my question later.

Kaya lang, aabutin pa ba talaga ito ng pag-uwi kung alas tres pa lang at nasisiguro kong mamaya pa ang labas ni Kuya Levi sa klase?

"Hindi ka pa uuwi, Chayo?"

Kaninang lunch break iyon at ilang oras na ang lumipas, hindi pa rin ako nakakarecover sa nangyari sa cafeteria.

"Hindi pa. Wala pa si Kuya Levi."

"Okay! Ang daming projects! Mauna na ako!" si Nan.

I don't really mind. I have some things to do...

Hindi kalaunan, sinuyod ko na ang mga kiosk. Habang ginagawa iyon, nagtipa na rin ako ng mga texts kay Kuya Levi.

Ako:

Kuya, secret lang natin 'to ah. Huwag kang mag kwento na nagtanong ako. Classmate kayo ni Leandro now?

Kuya Levi:

Wala 'yong prof namin sa isang subject kanina kaya wala 'yong pasok ngayon. Wag mo akong itetext sa klase!!! Wala

Ngumiwi ako at nagpatuloy sa pagsuyod sa mga Kiosk sa college department. When I realized he wasn't there and he wasn't in the cafeteria, dumiretso na ako sa aming library.

My head swung in each cabinet of books to see if he's on the column. Paulit-ulit ko iyong ginawa hanggang sa namataan ko siyang nakaupo sa isa sa mga lamesa, with the sheets he was reading back in the cafeteria in front.

Hindi siya nagligpit ng gamit. Pero hindi niya kasi ako nakitang lumapit at hindi niya siguro inasahan. I thought I am just imagining his sudden avoidance. Gusto kong magbuntong-hininga sa relief na nadama pero napawi ang relief na iyon nang umupo ako sa harap at tumuwid siya sa pagkakaup.

He then started keeping his things.

What the hell is wrong?

"Hi!" medyo naiilang ko nang bati.

Ngayon ko lang tuluyang napansin na totoo ang iniisip ko. He really is avoiding me!

His thick brows were raised. Nakasimangot siyang nagsimulang mag-ayos ng mga gamit. Hindi ko makaligtaan ang ayos at linis ng pagliligpit niya. But why is he suddenly leaving? E, hindi naman siya mukhang aalis kanina, ah?

"Are you avoiding me?" diretsahan kong sinabi.

He laughed mockingly and shook his head. "Why would I?"

Nagpatuloy pa rin siya sa pag-aayos ng gamit. Naiirita na sa ginagawa niya at medyo naaawa ng kaunti sa sarili...

"Mukhang hindi ka naman aalis kanina, e. Nagligpit ka agad nang nakita akong umupo rito. G-Gaya sa nangyari sa cafeteria?"

"I want to study," he said but still continued doing it.

"A-Am I disturbing you, then?" medyo nahihiya kong tanong at mabilis na tumayo.

Tumigil siya sa pagliligpit ng gamit. Nanatili ang mga mata niya sa sheets at kinuha ang kanyang ballpen.

My pounding heart is physically hurting for some reason. Hindi ko alam kung bakit medyo nakakaramdam ako ng awa para sa sarili.

"I'm sorry... S-Sige... sa kabila na lang ako," sabi ko.

Binagalan ko ang paglipat sa pag-aakalang pipigilan niya ako. Kung bakit ko inisip na pipigilan niya ako, ewan ko.

Nilapag ko ang bag ko nang nakalayo ng ilang lamesa sa kanya. Nilingon ko siya. I saw him watching me darkly and then his eyes drifted back on the sheets. Nagpatuloy siya sa ginagawa, mas seryoso ngayon at halos hindi gumagalaw.

Umupo ako sa upuan at ilang sandaling natulala. I realized it suck to have this kind of relationship with him. I know I have not been very kind. Alala ko rin kung gaano ko siya minaliit at ininsulto noon. Ito ba ang dahilan kung bakit ganito ang tungo niya sa akin?

Nilingon ko siya at nakitang gumalaw ang ulo niya habang nakatingin sa sheets. Tumayo ako at iniwan ang bag. Kahit na may daanan sa kabila, sinadya kong dumaan sa harap niya. His eyes drifted on me, expecting that I will disturb him again. I smiled shyly.

"Dadaan lang ako. K-Kukuha ng librong babasahin," sabi ko at mabilis nang gumalaw palabas doon.

And on the columns, silently, nagbuklat ako ng libro. Kaya lang ang mga mata ko pumupunta sa kanya imbes na basahin ang mayroon doon.

Binalik ko ang libro at kumuha ulit ako ng isa. This time, pinilit ko na ang mga mata kong basahin ang libro kaya lang muling bumalik ang tingin ko sa kay Leandro. I bit my lower lip. I wonder if... I can be at least friends with him?

Continue Reading

You'll Also Like

649K 23.5K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
14.7M 131K 67
Isang gabi ng lagim, Tahimik ang paligid, Pero sandali bago kayo mag-isip ng kung ano- ano, Hindi ito Horror. Kwento ito ng landian. In a sossy way...
119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
26.1M 1.2M 43
Josefa Hanabella Valiente is the ugly girl of Altagracia. She is often bullied because of her ugly looks. Binansagan siyang ng maraming pangit na pan...