The Wicked Cinderella

By HotNovember23

505K 8.4K 1.3K

[BOOK 1, completed, unedited] Wala raw permanente sa mundo kundi pagbabago. Siya na ngayon ang malupit na kon... More

Notable Notes
Trailer
The Wicked Cinderella
Wicked Chapter One
Wicked Chapter Two
Wicked Chapter Three
Wicked Chapter Four
Wicked Chapter Five
Wicked Chapter Six
Wicked Chapter Seven
Wicked Chapter Eight
Wicked Chapter Nine
Wicked Chapter Ten
Wicked Chapter Eleven
Wicked Chapter Twelve
Wicked Chapter Thirteen
Wicked Chapter Fourteen
Wicked Chapter Fifteen
Wicked Chapter Sixteen
Wicked Chapter Seventeen
Wicked Chapter Eighteen
Wicked Chapter Nineteen
Wicked Chapter Twenty
Wicked Chapter Twenty-One
Wicked Chapter Twenty-Two
Wicked Chapter Twenty-Three
Wicked Chapter Twenty-Four
Wicked Chapter Twenty-Five
Wicked Chapter Twenty-Six
Wicked Chapter Twenty-Seven
Wicked Chapter Twenty-Eight
Wicked Chapter Twenty-Nine
Wicked Chapter Thirty
Wicked Chapter Thirty-One
Wicked Chapter Thirty-Three
Wicked Chapter Thirty-Four
Wicked Chapter Thirty-Five
Wicked Chapter Thirty-Six
Wicked Chapter Thirty-Seven
Wicked Chapter Thirty-Eight
Wicked Chapter Thirty-Nine
Wicked Chapter Forty
Wicked Chapter Forty-One
Wicked Chapter Forty-Two
Wicked Chapter Forty-Three
Wicked Chapter Forty-Four
Wicked Chapter Forty-Five
Wicked Chapter Forty-Six
Wicked Chapter Forty-Seven
Wicked Chapter Forty-Eight
Wicked Chapter Forty-Nine
Last Wicked Chapter
ANNOUNCEMENT no. 2

Wicked Chapter Thirty-Two

5.8K 113 16
By HotNovember23

Author's Note number 1:

So... yung entry na mababasa rito ay hindi ang original entry na gusto kong ipost. Bali yun ang same entry na naibaon ko sa limot at hindi na naipost noong mga panahong dapat ay unang lalabas ang tungkol sa diary ni Prince. Bali dapat mauunang mabunyag yung tungkol sa diary bago yung feelings ni Prince.

Ahh medyo korni at madrama masyado yung entry. Ang pambabae ng dating kaya pinalitan ko na lang. So... here's a peek of his diary!

 

---

Wicked Chapter Thirty-Two 

Cindy,

Ba't kasama mo na naman yung lalaking yon? At talagang dinala mo pa siya sa pamamahay ko. Hayup na yon, talagang dito pa ginustong gumawa ng katarantaduhan. Kung hindi pa 'ko dumating baka kung ano nang nagawa sa'yo nung gagong yun. Ba't mo ba kasi siya dinala-dala rito? Nakakapang-init ng ulo!

"Wow ha! Awayin talaga 'ko sa entry niya?" kumento ni Cindy sa nabasa. Kailan lang nang maisulat ang entry na iyon, iyon ay noong mahuli ni Prince si Zach na pilit na hinahalikan si Cindy. Noong nakaraang Biyernes lang nangyari iyon, isang araw bago maghiwalay ang dalawa.

Hindi iyon ang unang entry sa diary ni Prince. Basta lang kasing nagbuklat ng pahina si Cindy at saktong doon siya napapunta.

Ipinagpatuloy niya ang pagbabasa:

Badtrip. At ano bang klaseng boyfriend siya? Ni hindi niya alam na ayaw mo sa pinya? Sabi naman kasi sa'yo hindi siya ang lalaking para sa'yo eh. Bakit ba kasi ayaw mong makinig? Ang tigas talaga ng ulo mo!

"Ha! Buti alam mo! Asa ka talagang makikinig ako sa'yo!"

Palibhasa kasi nasanay ka nang palagi kang nasusunod. Ngayon pinagsisisihan kong sobra kitang kinukunsinti sa maraming bagay.

"Aba gagong 'to! Sino ba may sabi sa'yong kunsintihin mo 'ko?"

 At talagang nag-away na naman tayo nang dahil sa kanya. Ano ba kasing meron sa lalaking yon at hindi mo siya maiwan-iwan? Sayang. Ready naman akong makipag-break kay Stephanie anytime eh. Kaso hindi ka pumayag na makipag-break din kay Zach.

"Aba gago talaga!" kumento na naman ni Cindy. "Kunwari pa siyang ayaw makipag-break sa asong yon tapos hinihintay niya pala 'kong makipaghiwalay kay Zach? Kaya pala pagkatapos ng break up namin ni Zach eh pumayag agad siyang iwan na yung babaeng yon. Psh, ginawa pa 'kong dahilan! Siraulo talaga!"

Hindi mapigilan ni Cindy ang magkumento sa nababasa niya. Hanggang sa mag-iba ang pakiramdam niya dahil sa damdaming nakapaloob sa mga sumunod na linya. Masyado kasi iyong seryoso. Sobrang seryoso, mabigat, nakakahawa.

Cindy, hanggang kailan ba tayo magiging ganito? Ayoko talaga sa lahat yung nag-aaway tayo eh. Kelan mo ba talaga 'ko mapapatawad sa nagawa ko? Bakit hindi mo maintindihang hindi ko yon sinasadya? Na aksidente lang ang lahat?

Hindi pa talaga tapos ang entry na yon pero hindi na itinuloy ni Cindy ang pagbabasa. Isinara niya ang notebook at humiga sa kama niya kung saan rin siya nakaupo.

"Psh! Ang drama, parang tanga. Kalalaking tao, may diary! Bakla yata yung palakang yun eh! Baklang casanovang palaka!"

Bumalik siya sa pag-upo. Tinignan niya ulit ang notebook. Itinaas niya ang tingin sa puting kisame at binuklat-buklat ang mga pahina niyon na para lang siyang naglalaro. Napahinto lang siya sa ginagawa nang may bigla siyang naalala.

"Nung nag-break kaya kami ni Zach... ano kayang sinulat niya rito? Tsk! Mamaya pinagtawanan na 'ko nung gagong yun! Ilang beses niya pa naman akong sinabihang lolokohin lang ako ni Zach... at tama siya."

Ibinaba niyang muli ang tingin sa notebook. Nakabukas na iyon sa isang blangkong pahina.

"Naman! Baka mamaya tinawag niya pa 'kong tanga!" asar na aniya saka ibinalik ang mga pahina hanggang marating niya ang petsa noong Sabado.

Noong makita na niya ang hinahanap, agad niyang sinimulan ang pagbabasa.

Cindy,

Sorry. Umiyak ka na naman at wala akong nagawa para patahanin ka.

Bahagyang napangiti si Cindy. Talaga ngang sinisisi ni Prince ang sarili niya sa nangyari. Mukhang hindi naman pala siya nito pinagtawanan o tinawag na tanga matapos ang gabing yon.

Weird! sa isip-isip ng bruha ngunit itinuloy na rin niya ang pagbabasa.

Pero gusto kong malaman mong andito lang ako lagi para sa'yo. Hinding-hindi kita iiwan na tulad ng lalaking yon. Kasi hindi ako tulad niya.

Unti-unting naglaho ang nabuong maliit na ngiti sa mga labi ni Cindy. Biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Iba na ang nararamdaman niya. Parang ayaw na niyang ipagpatuloy ang pagbabasa. Iba na kasi ang naiisip niya. At ayaw niyang malamang tama siya.

Ngunit hindi niya mapigilan ang sariling mga mata. Marahil ang isang bahagi niya ay gusto talagang malaman ang totoo. Napalunok na lang siya sa sunod niyang nabasa.

Kasi ako mahal kita.

Humigpit ang hawak ni Cindy sa notebook. Sandali niyang inilingon ang mga mata sa ibang direksyon. Nakataas ang noo, paulit-ulit siyang kumurap. Para siyang napuwing. Pasalin-salin ang tingin niya sa iba't-ibang bahagi ng sariling silid na parang hindi siya pamilyar sa lugar na iyon, na para siyang may kung anong hinahanap, o gusto niya lang magmasid sa paligid.

Lumunok siya't malalim na bumuntong-hininga. Pumikit siya at paulit-ulit na umiling.

"Hindi, imposible," aniya sa sarili.

Imposible nga namang talaga. Ano ba si Prince, baliw? Bakit naman siya magugustuhan nito? Ah hindi, mali ang tanong. Bakit nga naman ito mahuhulog sa kanya? Sa kabila ng lahat, sa kabila ng kalupita't pang-aalipin niya sa lalaki, bakit siya nito mamahalin, bagay na nakasulat sa sarili nitong talaarawan?

Nawala si Cindy sa iniisip niya nang may kumatok sa kanyang pinto. Kasabay pa nito ay ang pagtawag ng binatang iyon sa ngalan niya.

Agad na itinago ni Cindy ang hawak na kwaderno sa kanyang likuran. "B-Bukas yan!"

Bahagyang bumukas ang pinto. Hindi naman pumasok si Prince. Binuksan niya lang iyon para ipasok ang ulo sa silid nang masabi niya ang sasabihin.

"Nasa kusina na yung ice cream mo. Ikukuha ba kita rito o bababa ka na lang?"

"Ah... ah..." Hindi mapigilan ni Cindy ang mautal. Hindi rin siya makatingin nang direkta sa mga mata ng binata. "Ano... bababa na lang ako. Sige na. Iwan mo na 'ko."

Nagtataka man sa ikinikilos ng babae ay tumango na lang si Prince.

"Okay," ika nito saka isinara ang pinto ng kwarto.

Nakahinga na nang maluwag si Cindy nang tuluyang magsara ang pinto ngunit naroon pa rin ang malakas na pagtibok ng kanyang puso. Buong oras na nasa likuran niya lang ang mga kamay niyang hindi mabitaw-bitawan ang hawak niyang notebook.

Muli niyang tinignan ang huli niyang nabasa sa notebook.

Kasi ako mahal kita.

Iyon pa rin ang nabasa niya. Walang pinagbago. Walang nagbago. At mukhang walang magbabago. Iyon talaga ang nakasulat. Binasa niya pa ang mga salitang kasunod niyon:

Mahal na mahal kita.

Napapikit na naman siya. Parang isang biglaang flash ng camera ang nabasa niya. Hindi sa nasisilaw siya. Sa halip, para sa kanya'y masakit ang mga salitang iyon sa mga mata.

Namasdan niya ang panginginig ng sarili niyang kamay nang subukan niyang buklatin sa ibang pahina ang notebook. Ini-scan niya lang ang laman ng naunang pahina.

Pareho sa nabasa niya kanina ang dulo ng entry. Inilipat niya sa ibang pahina ang notebook. Ganoon pa rin. Ganon nang ganon ang bawat entry. Sa dulo ay ipinahahayag ni Prince ang nararamdaman niya kay Cindy.

Cindy, mahal kita.

Sorry na prinsesa ko. Hindi na mauulit yon.

Ayoko talagang nagtatalo tayo. Sorry na.

I love you.

Gusto kong isiping nagseselos ka kaya ka galit.

Kung sana kasi ako na lang ang minahal mo.

Mahal na mahal kita.

Badtrip. Nakakapagselos talaga!

Kahit ano pang mangyari, kahit ano pang sabihin mo, mahal kita.

Sana pag may lakas na 'ko ng loob na aminin sa'yo yung feelings ko, wag kang magagalit.

Kasama mo na naman yung lalaking yun. I swear one day babawiin kita sa kanya!

I love you, Cindy.

Ilan lang yan sa mga nabasa niya.

Naipikit na naman niya ang mga mata. Mahigpit. Kung pwede lang, siguro ay hindi na niya gugustuhing idilat ang mga iyon. Umiling na lang siya nang paulit-ulit.

Hindi niya talaga magawang tanggapin ang alinman sa mga ng nabasa niya.

Hindi kasi iyon tama. Para sa kanya, isa iyong napakalaking kahibangan.

Author's Note number 2: (Pakibasa)

Can you check out my new story entitled "Maling Gayuma"? Ongoing pa at depende sa trip lang ang update. Sana po ay basahin ninyo. Maraming-maraming salamat po lalung-lalo na dun sa mga taong patuloy na binabasa ang kwento ng malupit at bruhang Cinderella. Malay natin, isang araw bumait din yan hahahahaha!


Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 31.1K 100
Editing. "Manyak ka no?! Rapist! Ibaba mo ako!" Naghyhysterical na siya sa takot habang hinahampas niya ng kamay ang matipuno nitong braso. "Hinding...
175K 3.5K 21
Dice and Madisson
428K 9.2K 81
Saan ka dadalhin ng pagmamahal mo sa bayan at sa pagmamahal mo sa pamilya at sa itinatangi ng puso mo... Hello Wattpad.... Hope you enjoy reading thi...
237K 10.1K 85
Hunter #647 Diego Dimasalang. Gwapo. May abs. Nakatago nga lang sa layers ng taba.