EIGHT HOURS AND TEN MINUTES #...

By jhuennstorm

510K 9.7K 618

Anong gagawin mo kung magising ka isang araw na may katabi ka sa isang silid na lalaki at pareho kayong wang... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
Authors Note.

CHAPTER 5

19.6K 444 11
By jhuennstorm

NABALIKWAS ng bangon si Cassandra  nang marinig niya ang malakas na tunog ng alarm niya. Nang tingnan niya ang orasan niya alas-siyete pa lang ng umaga. Inunat-unat niya ang katawan niya.

Humikab siya. "Good morning self." Sabi niya sa sarili.

Nakapikit pa ang isang mata niya nang tumayo siya. Pagkatapos nagtipla siya ng kape at pagkatapos nang tungo siya sa banyo upang mag toothbrush at maligo. Ito ang daily routine niya sa tuwing lunes hanggang biyernes.

Sa isang mataas at malaking building hininto ng taxi driver ang sasakyan pagbaba niya agad siyang pumasok sa loobna malaking buildingna iyon.

"Good morning." Bungad na bati ng security guard na nag check ng bag sa entrance.

Ngumiti siya rito. "Good morning."

Taas noo siyang naglakad patungo sa tapat ng elevator upang sumakay sa elevator imagine nasa seven floor ang office niya kaya kailangan niyang sumakay ng elevator upang agad makarating.

Pagsakay niya ng elevator mga pamilyar na mga empleyado ang nakakasakay niya. Araw-araw kasi niya itong nakakasakay sa elevator. Ngiti ang naging pagbati niya para sa mga ito.

"Uy! Alam mo ba may bago ng boss tayo." Sabi ng babae.

Hindi niya ito nilingon nakikinig lang siya sa mga ito.

"Oo nga, bukas daw ipapakilala ng may-ari ng company na ito."

Kumunot-noo siya. Gusto sana niyang magtanong kung totoo iyon dahil wala namang nababanggit ang boss niya na isa rin sa anak ng may-ari ng malaking kumpanya na ito.

"Sana hindi masungit. Ang sungit kasi ng boss natin." Sabi pa nito.

Nagbukas ang elevator sa seven floor kaya lumabas na siya. Bitbit ang mga ngiti at positive vibes na dala niya ngayon. Dire-diretso siyang nagtungo sa office ng boss niya. Personal secretary siya ng anak ng may-ari ng kumpanya.

Pagkababa pa lang ng bag niya sa kanyang table tumunog na agad ang cellphone niya. Boss niya ang tumatawag.

"Good morning boss." Bungad niyang bati rito.

"Good morning. Cassy, I'll be there in a minute. I need a cup of coffee with slight sugar.

Agad niyang sinipat ang oras. Mag-aalas nuebe pa lang ng umaga. Masyado itong maaga ngayon kumpara sa oras na pasok nito araw-araw.

"Cassy!" Sabi sa kabilang linya.

"Y-Yes, boss!" Taranta niyang sagot.

"Okay, bye!" Pagkatapos pinutol na nito ang tawag.

Nagmadali naman siyang gumawa sa coffee maker ng kape. Gusto pa naman ng boss niya na pagdating nito umuusok ang kape. Ito kasi ang palaging pinapagawa sa kanya tuwing pumapasok ito.

Ilang saglit pa dumating ang boss niya. Si Eladia Chen. Very stunning ito sa suot nitong damit. Matangkad, maputi at may singkit na mata na bumagay naman dito.

"Good morning boss." Sabi niya rito pagkatapos inilapag niya ang kape na pinatimpla nito sa kanya.

"Good morning." Tipid nitong sagot.

"Boss, just call me if you have an order." Sabi niya rito.

Tumingin ito sa kanya. "Yes, please. You need to work early tomorrow." Sinipat nito ang orasan. "By eight in morning."

Tumango siya. "Yes, boss."

"By the way, Cassy, prepare those documents about our last three months reports. I need it tomorrow."

"Yes, boss." Sagot niya.

"Good." Sabay ngiti nito.

Pagkatapos pumihit siya patalikod upang umalis sa harapan nito. At nagtungo na siya sa table niya. Kailangan kasi niyang asikasuhin ang mga previous report nila para bukas.
Kung kaya't naging abala siya at hindi na niya namalayan ang oras.

"Cassy."

Mabilis niyang inihinto ang ginagawa niya at pagkatapos agad niyang nilingon ang boss niya nasa harapan niya.

"Yes, boss." Tumayo pa siya.

Sinipat nito ang orasan at muling binaling sa kanya ang tingin. "Late na para sa lunch."

Yumuko siya. "Sorry, boss nakalimutan ko ang oras. Hindi ko po naalala na tanungin kayo." Sabi niya. Bagama't hindi naman ugali ng boss niya na nagpapa-order ng foods para kumain sa loob ng office niya. Hindi pa rin niya ito naalalang tanungin.

"Don't worry. Hindi naman ako kumakain dito sa loob ng office. Concern lang ako sa iyo dahil hindi ka pa kumakain."

"Busog pa ako." Labas sa ilong ang sinabi niya lalo't naririnig na niya ang pagkulo ng tiyan niya.

"I don't believe you, let's go with me kakain tayo ng lunch with my brother."

"Hindi na po boss." Pailing-iling pa siya.

"I don't allow rejection came from you. C-mon follow me!" Pumihit pa ito patalikod at nauna na itong lumabas ng office.

Huminga siya ng malalim at pagkatapos sumunod na siya sa boss niya. Ito lang ang hindi niya gusto sa boss niya. Hindi tumatanggap ng rejections. Kaya para hindi siya mawalan ng trabaho. Kailangan niyang sumunod sa gusto ng boss niya.

Tahimik siya nang sumakay sa kotse ng boss niya. Hindi ito ang unang beses na makasakay sa kotse ng boss niya. Madalas siyang hilahin ng boss niya kung saan-saan. Minsan nga kahit hindi na related sa trabaho sinasama siya pero kasama pa rin ito sa overtime pay sa kanya.

"This is your chance para makilala mo na rin ang bagong president ng company."

Tumango siya. Ngunit ang kabang nararamdaman niya ay hindi niya maipaliwanag. Hindi niya kayang makita ngayon ang presidente ng kumpanya na siya lang. Nahihiya at natatakot siya sa magiging presensiya nito. Sa boss pa nga lang niya katakot-takot na hiya ang nararamdaman niya para rito doon pa kaya sa bagong presidente.

"We are here." Sabi pa nito.

Huminga siya ng malalim upang bawasan ang kaba niyang nararamdaman. Pagkatapos lumabas siya ng kotse at sumunod sa boss niya.

"Faster! Cassy, kanina pa raw siya naghihintay. Ayaw na ayaw pa naman niyang naghihintay." Sabi pa nito.

Mas lalo siyang nakaramdam ng kaba sa sinabi nito kung kaya't buo ang loob niyang magsinungaling ngayon.

"Ouch!" Halos sumigaw siya upang marinig ng boss niya ang daing niya. Napaupo siya habang hawak-hawak ang tiyan.

"What's wrong Cassy?" Tanong ng boss niya nang lumapit sa kanya.

"Boss, A-Ang sakit ng tiyan ko." Daing niya.

"Dadalhin kita sa hospital." Sabi pa nito.

"No need boss, mag-taxi na lang ako." Sabi niya habang hawak pa rin ang tiyan.

"Are you sure?"

Tumango siya. "Masyadong abala kung hindi niyo masisipot ang nanghihintay sa inyo."

"Okay, just call me kung anong result okay."

"Yes, boss." Sabi niya.

Sinamahan pa siya hanggang sa makasakay sa taxi. Nagi-guilty siya sa pagsisinungaling niya. Ngunit iyon lang ang paraan para matakasan niyang makilala ang bagong presidente. Gusto niya kasi sabay-sabay nilang mga empleyado makilala ang presidente at hindi siya lang mag-isa.

                   *******

Sinalubong niya ang kapatid niyang si  Eladia Chen nang matanaw niya itong papasok sa loob ng restaurant na napili nila para maglunch. Niyaya kasi niya ito upang humingi ng konting idea sa trabahong inalok sa kanya ng Daddy niya.

"Matagal ka bang naghintay?" Sabi nito.

"Thirty minutes late. Sanay na akong naghihintay sa'yo ate." Sabi niya nang makaupo sila.

"Biglang sinumpong ng sakit ng tiyan ang personal secretary ko kaya na late ako ng konti." Sabi nito.

"Baka makikipag date sa boyfriend kaya sumakit ang tiyan." Sabay tawa niya.

Nagkibit balikat ang kapatid niya. "Anyway, the foods look delicious. Let's eat while we talk."

"Better." Sagot niya.

"Abraham. what  do you want to know about our company?" Panimula nito.

Huminto siya sa pagkain. "Everythings that i need to learn."

"Sure, i will be your trainor in one month pagkatapos ikaw na ang mag-isa."

Tumango siya pagkatapos muli siyang  nagpatuloy kumain. Hindi naman huminto ang bibig ng ate niya sa kakapaliwag sa kanya ng mga bagay na kailangan niya sa kumpanya. Kaya halos umabot sila ng dalawang oras sa restaurant na iyon.

Gusto niya sanang umatras ngunit nagbigay na ng tulong ang Daddy niya sa paghahanap ng babaing naka-one night stand niya sa bar.

#AyanMagkikitaNaSilaBukas.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8K 102 37
Lions Series No. 6 : JUDE MARCO [ Book 1 ]
127K 1.9K 43
Neon Ashe's Experimental Pervert bestfriend unintentionally falling in love with her.
580K 18.4K 32
Kilala ako bilang Maarte, Malandi, Inggitera, Palaaway, Bully. Sabihin man nila ang lahat ng masasama sa'kin. Wala akong pakialam. Ang gusto ko lang...
10.1M 318K 44
Hannah has always had unconditional feelings for Drico Antonio Divanne. But with the ancient goblet stolen and a prophecy in place, is Hannah willing...