BS #1: Egsel's Art Subject

Od shannybelleza

202K 7.2K 1.2K

Belleza series #1 | COMPLETED "I liked you the moment I saw you sketching me." - Tristan Louiz Vargaz Nang ma... Viac

Egsel
Tristan × Egsel
00
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
Epilogue
Mitt's Letter for Egsel

05

5K 208 6
Od shannybelleza

Kasama namin ngayon ang buong pamilya ni Margaret sa may pool area pagkatapos kumain. Sa sobrang daldal ni Ivy ay napuno ng tawanan ang gabi namin.

Na-text ko na rin sina kuya at mamshie kanina nang makarating dito.

“It's okay, tita. Maraming katulong si sir Mitt pero halos hindi naman siya roon tumitira dahil may condo siya na mas malapit sa opisina niya kaya hindi ganoon ka-bigat ng gawain namin. Para nga lang din kaming may-ari roon e,” biro ni Ivy sa huling sinabi.

Tinanong kasi siya ni tita kung kumusta na ang trabaho niya.

“Kaya pala ang arte-arte na,” bulong ko pero alam ko ring narinig niya pa rin iyon. Inirapan niya lang ako.

“So you have time for boyfriends?” panunukso ni tita sa kan'ya.

Agad na namula si Ivy saka pasimpleng lumingon sa akin.

“Wala, tita, ‘no. Loyal ako sa kuya ni Egsel,” aniya.

“Weh ba? Kahit crush mo mga kuya ni Margaret?” tanong ko.

“Woy! Fake news ka ah!” agad na angal niya.

Si Garet naman ang binalingan ko. “Fake news daw ako? Ano nga sabi niya kanina tungkol kay kuya Aivan?”

Agad na tumayo si Ivy at lumapit sa amin.

“Ituloy niyo ‘yan! Kakalbuhin ko talaga kayong dalawa!” banta niya.

Natatawa kaming lumayo sa kan'ya.

“Luh. Nagmamaldita pa oh,” ani ko.

“Bakit? Ano ba sinabi ni Ivy tungkol sa panganay ko?” tanong naman ni tita.

Nakita ko ring tumaas ang kilay ni kuya Aivan.

“Naku! Wala, mommy! Nanti-trip lang iyang dalawa!”

“Sabi niya—”

“ANA MARGARITA!” tili ni Ivs.

Tawang-tawa kami sa naging reaksyon niya.

Natapos ang gabi na may ngiti sa labi. Pinatulog na kami nang maaga ni tita at tito dahil may trabaho pa sila bukas at alam niyang pagod din kami sa byahe.

Kahit na may sariling kwarto si Margaret, dito siya nakitulog sa guestroom kung saan kami ni Ivy. Sabi niya ay kasya naman kami sa kama kaya makikisiksik na lang din siya.

“Kapag nakalabas tayo rito, ikaw naman pagti-trip-an ko, Egsel Dianne,” saad ni Ivy nang pareho na kaming tatlo na nakahiga.

Ako ang nasa gitna nilang dalawa.

“Asar talo ka rin naman,” sagot ko.

Yumakap sa akin si Margaret. “Magbabangayan na naman kayong dalawa. Matulog na nga tayo. Maaga pa kayo bukas.”

“Anong oras pala alis natin bukas, Ivs?” tanong ko.

“Kahit alas otso, okay lang. Tinatamad din naman akong bumangon nang maaga.”

“Sasama ako sa inyo bukas sa paghatid. Walang pasok si kuya Aino kaya baka siya na lang pakikiusapan kong maging driver natin,” ani Marga.

“Ibang klase talaga mga driver ni Ana Margarita. Pogi nga nga, mayaman pa,” hirit ni Ivy.

“Kung gusto mo ipahiram ko pa sa ‘yo si kuya Amos e.”

“Kahit sino basta willing maging sugar daddy ko.”

Muli kaming natawa.

“Maghahanap na lang din ako ng sugar daddy para hindi na ako mag-trabaho,” saad ko naman.

“Si sir Mitt! Walang jowa ‘yon tas mayaman. Yayaman ka rin bigla kapag iyon nabingwit mo,” si Ivy.

“Ayoko sa boss ko o sa boss mo. Duh. Pangit no'n.”

“Ayos lang. Pangit ka rin naman.”

Pabiro ko siyang siniko saka kami sabay na natawa. Kalaunan ay natahimik kaming tatlo hanggang sa tuluyang nakatulog.

Kinabukasan, maaga akong nagising. Alas singko ay mulat na mulat na ako. Siguro dahil na rin iyon ang nakasanayan ko noong nasa probinsya ako.

Nakanganga si Ivy habang ang hinhin ng pwesto ni Margaret habang natutulog. Madali lang din naman akong nakabangon dahil hindi sila nakalingkis sa akin.

Nanghilamos lang ako at nagmumog saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko ang mag-asawang Vallega sa kusina't nagluluto.

“Good morning, tita, tito,” bati ko sa dalawa.

“Ang aga mo naman nagising, anak?” tanong ni tito Adam sa akin.

Napangiti ako. No wonder why Margaret and her kuyas were raised well. They have great parents e.

“Nasanay lang po, tito. Anong niluluto niyo?” tanong ko naman at lumapit sa kanila.

“Kakasimula lang namin, actually,” ani tita. “Just a simple breakfast lang, Selly. Fried rice, eggs, bacon. Something like those.”

“May maitutulong po ba ako?”

“Oh, no, no. It's okay, anak. We can do this na. If you want, magtimpla ka na lang ng kape or gatas para sa ‘yo. May tinapay din diyan. You can toast it,” saad ni tita.

Tumango ako at hindi na nagpumilit. Baka kasi bonding time na rin nila itong dalawa. Ayokong maki-epal.

Nagtimpla na lang ako ng hot chocolate na nakita ko roon at kumuha ng tinapay. Mukha pa ngang mamahalin dahil hindi ko alam ang brand. Sa amin, kapag Gardenia na brand ng tinapay mo, mayaman ka na.

Nagpaalam ako sa kanila na sa sala na lang tatambay muna. Binilinan nila ako na pwede kong buksan ang TV ngunit pagdating doon ay sa may pool area ako napadpad.

Hindi naman ganoon kalamig ang umaga kaya magandang dito tumambay. Ang dami pang halaman at kahit papaano ay kita ang pag-angat ng araw kaya masisikatan ako. May mga upuan din naman sa gilid so hindi na ako nahirapan.

Ngunit nagulat ako nang makitang nandoon si kuya Aivan at nagbabasa ng libro. Nang mapansin ako ay bahagya siyang ngumiti.

“You're early,” aniya.

Umupo ako sa katapat niyang upuan.

“Body clock, kuys. Nasanay sa probinsya na gumising nang maaga e,” sagot ko at sumimsim ng dalang hot chocolate.

Tumango siya. “So you're going to finish your studies here?”

“Kung papayagan ng amo, kuya, oo.”

“Siguro naman papayag iyon. Sino raw ba magiging amo mo?”

“Hindi ko pa po kilala e. Sabi ni Ivy kaibigan ng amo niya. Tristan pangalan.”

Bahagya siyang nag-isip.

“I am friends with Matteau Mitt. If she's saying that your amo is his friend whose name is Tristan, maybe Ivy's referring to Tristan Louiz Vargaz?” saad niya saka muling lumingon sa akin.

I shrugged. “Siguro po. Hindi ko rin naman kilala.”

Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko.

“Hindi mo kilala?” paninigurado niya.

“Opo. Sikat ba siya para makilala ko?” nagtataka kong tanong.

Tinitigan ako saglit ni kuya saka natatawang umiling.

“Makikilala mo rin naman siya mamaya kaya hindi na ako magsasalita.”

Wala akong nagawa at tumango na lang din.

Kumuha ako ng isang tinapay na dala ko rin saka sinawsaw sa hot chocolate ko.

“Gusto mo po?” alok ko kay kuya.

“Sinasawsaw ba talaga ang tinapay sa hot chocolate?” tanong niya.

“Oo ah. Hindi niyo po ba 'to ginagawa?”

“I've seen Margaret doing it a few times pero naninibago pa rin ako.”

I just shrugged. Hindi rin naman kumuha ng tinapay si kuya.

Ilang minuto ay nagpaalam na siyang maliligo at mag-aayos. Tumango lang ako dahil puno ng tinapay ang bibig ko.

Hindi ko namalayan nakaisang oras din pala ako roon. Pagbalik ko sa loob ay gising na ang lahat. Naliligo na rin ang iba pang may trabaho. Nang matapos silang lahat mag-ayos ay saka kami sabay-sabay na kumain.

Baliktad kasi sila rito. Nag-aayos muna bago kumain, hindi kakain muna bago mag-aayos.

Naging payapa naman ang umagahan namin. Naiwan kaming tatlong babae, si kuya Aino at mga kasambahay sa bahay. Ang iba naman ay may trabaho. Bilin pa sa amin nina tito at tita na mag-iingat sa byahe mamaya.

Alas-syete noong nagsimula na kaming kumilos. Sa kwarto niya naligo si Margaret habang kami ni Ivy ay salitang naligo sa bathroom na narito sa kwartong tinulugan namin.

Wala pang alas otso ay nakaalis na kami. Si kuya Aino ang nagda-drive. Nasa tabi niya si Margaret. Nasa likod naman kaming dalawa ni Ivy.

“Doon kami ni Egsel sa mansyon ni sir Mitt bababa. Nagtext sa akin si sir kagabi. Sabi niya dadaanan na lang daw ni sir Tristan si Egsel doon total sabay naman silang uuwi mamaya,” saad niya.

Bigla akong kinabahan. Kung kahapon ay ayos lang ako, ngayon, parang unti-unting nagsi-sink in sa akin na wala na ako sa Cebu at magtatrabaho ako sa isang among hindi ko kilala.

Nakakakaba. Hindi ko alam kung anong aasahan. Hindi ko alam kung makakapag-adjust ba ako kaagad.

“Malapit lang naman Makati sa QC. Sana nga lang hindi pa ganoon ka-traffic para makarating tayo agad,” ani kuya Aino.

Biglang nag-ring cellphone ko.

“Kuya?” bungad ko nang makitang si kuya Reo ang tumatawag at sinagot iyon.

“Nakaalis na kayo?” tanong niya.

“Opo. Papunta na kaming Makati.”

“Sino kasama mo? Sumama ba si Margaret sa inyo?”

“Yep. Si kuya Aino nagda-drive.”

“Hi, kuya Reo!” sigaw ni Margaret kaya nilapit ko sa kan'ya ang cellphone at ni-loudspeak.

“Hi, Marga. Si Angelus?”

“Bakit? Miss mo agad ako?” tanong naman ni Ivs.

“Tinatanong ko lang. Baka kasi nakalimutan ka nila.”

Umirap lang si Ivy at hindi na sumagot. Nag-usap kami saglit ni kuya saka siya nagpaalam. Nasa University na naman kasi siya. Sinabihan ko lang siya ikumusta ako kay mamshie at papshie.

Medyo traffic sa EDSA pero nakalusot naman kami agad. Ngunit umabot din ng isang oras ang byahe namin.

Bigay lang nang bigay ng directions si Ivy kay kuya Aino kahit may Google map naman. Nang makapasok kami sa isang exclusive village na halatang mayayaman ang nakakatira ay pinaiwan pa sa guard ang ID ni kuya.

“Dito na,” excited na saad ni Ivy nang huminto kasi sa isang malaking bahay.

Tiningnan ko iyon. Hindi naman talaga siya mansyon type pero malaki.

“Tara, tara!”

Kinuha muna namin ang gamit sa likod ng sasakyan saka nag-doorbell si Ivy. Isang guard ang nagbukas ng gate.

“Uy, Ivy! Nakabalik ka na pala!” saad ni kuya manong.

Kuya na nga, manong pa.

“Syempre naman, kuya Dante! Alam ko kasing mami-miss niyo kaingayan ko e,” mahangin na sagot ng babaita.

“Yabang talaga,” bulong ko kay Margaret na tinawanan niya lang.

“Mga kaibigan ko pala, kuya! Si Margaret tas kuya niya, si kuya Aino. Siya naman si Egsel, bagong kasambahay ni sir Tristan,” pakilala niya sa amin.

“Ang gaganda niyo namang tatlo. Walang duda kung bakit kayo naging magkaibigan.”

“Sa tingin mo ba, kuya, makikipagkaibigan ako sa pangit?” biro ni Ivy.

Tumawa si kuya Dante. “O sya, sya. Pumasok na kayo. Nandiyan pa sa loob si sir Mitt. Hindi ko alam kung late lang ba papasok o wala talagang balak umalis.”

Mas lalo akong kinabahan. Nandiyan amo ni Angelus Ivy!

“Oh. Sige, kuya! Good morning ulit!”

Ngumiti kami sa kan'ya saka pumasok. Sumama sa amin si kuya Aino at Margaret. Sabi nila titingin lang sila saglit saka uuwi. Wala namang pasok si kuya kaya ayos lang.

“Good morning, people in the Earth! The pretty Angelus Ivy Bernadino is back!” sigaw ni Ivy nang makapasok sa bahay.

Napangiwi ako. Tangina. Wala talagang hiya 'to sa katawan.

“Ang ingay mo sa umaga, Ivy.”

Hindi namin agad na may nakaupo pala sa sofa na nasa sala.

“Hala! Sir Mitt! Nandiyan ka pala!” sigaw ni Ivy. “Good morning po! Na-miss mo ba ganda ko?”

Tuluyang tumayo si sir Mitt.

“Mas payapa ang bahay noong wala ka,” saad niya.

Napangisi si Margaret. Ako naman ay napatitig sa lalaki. Pamilyar kasi siya sa akin.

“Hindi ka pumasok, sir?” tanong na lang ni Ivy.

Umiling ang lalaki. “Masakit ulo ko.” Lumingon naman siya sa amin. “Mga kaibigan mo?”

“Ay. Opo!” Hinila ni Ivy kaming dalawa ni Margaret. “Si Margaret at Egsel, my pretty bestfriends. Iyon naman si kuya Aino, kapatid ni Marga.”

“Aino? Aino Zekiel Vallega? Brother of Aivan Zin?”

Ngumiti si kuya Aino at tumango. “Matteau Mitt Villarel, right?”

“Wow.” Lumingon siya kay Ivy. “Hindi mo naman sinabing may kaibigan kang bigatin.”

“Duh, sir. Si Margaret lang kaibigan ko. Hindi ko kaibigan mga kapatid niya.”

“Kasi crush mo,” hindi ko maiwasang sabat.

Napalingon tuloy silang lahat sa akin.

“Weh? Inggit ang walang matipuhan,” pang-aasar ni Ivy saka ako benelatan.

Umingos ako.

“This is Egsel?” tanong ni sir Mitt.

“Yes, sir,” sagot ni Ivy.

“Egsel Dianne Reyes po,” pakilala ko sa lalaki.

“Egsel Dianne...”

Bahagyang nangunot ang noo niya ngunit umiling din kalaunan.

“I'm Matteau Mitt Villarel, the owner of this house.”

Nakipagkamayan ako sa kan'ya at tipid na ngumiti.

“Tristan will be here for lunch. Since I won't go to work and he has something urgent to discuss with me, he decided to just come over. Might as well introduce you to him.”

Tumango lang ako.

"Uhm. So yeah. Ikaw na bahala sa kanila, Ivy. Babalik lang ako sa kwarto,” aniya saka nagpaalam sa amin.

“Aalis na rin kami, Selly, Ivs. Dadaan pa kami sa opisina ni kuya para doon na kakain ng lunch,” pahayag naman ni Margaret pagkatapos.

“We'll see you again soon. Hanap tayo ng University na malapit sa ating tatlo para hindi tayo mahirapang bumyahe. Let's call or text,” ani ko.

“Yeah. Maghahanap ako mamaya. Though I'm thinking of going to PNU since it's a recommended University for teachers. Malapit lang din.”

I've heard about it and I honestly wanted to go there, too.

“PNU rin bet ko e. May nakilala akong teacher na roon grumaduate. Ang niya galing, teh,” komento ni Ivy.

“Kaso okay lang ba iyon sa 'yo, Marga? It's a public school,” sabi ko at sinulyapan pa si kuya Aino na tahimik lang nakikinig sa amin.

“Para namang hindi tayo galing sa public school. I don't mind, really. As long as I'll have a good learning environment and effective professors, I'm good.”

“Goods. Tingnan natin mamaya. Video call na lang dahil magkakalayo-layo na tayo. Sabay tayong mag-inquire. Baka hindi pa tayo umabot sa admission nila,” si Ivy.

Sumang-ayon kaming dalawa. Hinatid namin ulit sa labas sina Marga at kuya Aino. Pagkatapos ay sumama ako kay Ivy papunta sa maid's quarter. Naroon ang kwarto niya.

Maayos naman sa loob. Hindi rin marumi o pangit ang lugar. Halatang mabait ang amo dahil nasa matinong lugar sila pinapatulog.

“Si sir Mitt lang ba mag-isa rito? Saan mga magulang niya?” tanong ko pagkatapos ilapag sa gilid mga gamit ko.

“Nasa ibang bansa. Half Filipina, half Chinese nanay niya. Daddy naman niya ay pure Amerikano. Doon sila naka-base sa America ngayon. Umuuwi lang kapag trip nila o may event pa dapat puntahan.”

“Sino mga kasama mo rito?”

May dalawang double deck na kama kasi sa iisang kwarto. Malaki naman space kaya hindi masikip.

“Ako lang mag-isa sa kama na 'to. Diyan naman sa isa ay sina ate Marie at ate Mary, magkapatid. Bale tatlo kami rito.”

“Kumusta bilang amo si sir Mitt?” hindi ko maiwasang itanong.

“Sobrang bait ni sir. Medyo may pagkababaero pero hindi kami inaalipusta. Hindi rin kami hinahayaang maging isa sa mga babae niya. Malaki respeto ko ro'n kahit na minsan ay parang tropa ko lang siya kausapin imbes na amo,” sagot niya at natawa pa.

“Crush mo rin 'yon, ‘no?” pang-aasar ko.

“Dati, oo. Pero ngayon, nagsawa na ako sa mukha niya.”

Napahalakhak ako. Grabe talaga bunganga nitong si Ivy.

“Tara sa labas. Ipapakilala kita sa ibang katrabaho ko. Tutulong na rin tayong magluto para sa lunch mamaya.”

Pagkarating sa kusina ay naroon ang sinasabi niyang sina Marie at Mary. Parehong nasa mid-20s na at parehong cook dito. Kasama nila ang isa pang ginang na may medyo katandaan na. Ang pakilala ni Ivy sa akin ay si nanay Pearl daw iyon, ang parang mayordoma ng mansyon. May iba pa raw silang kasama pero nasa kan'ya-kan'yang trabaho na kaya hindi ko na nakita.

Nagpakilala ako sa kanila at nagsimula ring tumulong sa pagluluto. Welcoming naman silang tatlo kaya walang naging problema.

Bandang alas dose nang may narinig kaming busina ng sasakyan. Sakto namang kakababa lang din ni sir Mitt. Binigyan niya ako ng maliit na ngiti nang makita ako.

Ayos na ang lamesa. Bilin ni sir kanina na h'wag na masyadong bonggahan ang pag-aayos dahil casual meeting lang naman daw ang magaganap saka kaibigan naman niya si sir Tristan.

Mula sa kusina, naririnig ko boses nilang papalapit.

“Nandito na sila. Mukhang kasama ni sir Tristan si Justine,” bulong sa akin ni Ivy.

Nanatili ako sa kusina habang sila ay pinagsisilbihan ang mga panauhin. Kaya naman mula iyon. Naghuhugas kasi ako ng mga ginamit namin kanina.

“Uy, babae! Gusto ka na raw makilala ni sir Tristan!” sitsit ni Ivy sa akin.

Sakto ring kakatapos ko lang manghugas.

“Ako na maglilipit nito, Egsel. Puntahan mo na roon sila sir. Bugnutin pa naman iyon si sir Tristan. Kabaliktaran ni sir Mitt,” ani ate Marie.

Nagpasalamat ako sa kan'ya saka sumunod kay Ivy.

Papalapit pa lang sa gawi nila ay kitang-kita ko na ang tatlong lalaking nakatayo. Si sir Mitt ay kausap si sir Tristan habang iyong Justine naman ay amused na nakatingin sa akin.

“Wow!” bulalas ng huli.

Napalingon din tuloy sa akin ang dalawa.

“What a coincidence!” tila natutuwa pa niyang ani.

Napaikot ako ng mata. Gago. Sila pa talaga.

“Here she is,” saad ni sir Mitt. “Tristan, this is Egsel Dianne Reyes. Ivy's friend and your new PA.”

Kunot-noo akong tumingin sa kan'ya.

“PA? Akala ko ba kasambahay?” nagtataka kong tanong.

“Akala ko rin e. Hindi naman kasi binanggit ni Tristan. Ngayon niya lang naiklaro na personal assistant pala kailangan niya,” paliwanag niya.

“E ano bang trabaho niyan?” Turo ko kay Justine.

“Assistant niya si Justine sa business world. Hindi na niya kakayanin kung pati sa pagmo-model ni Tristan ay siya pa ang magha-handle.”

Modelo rin ‘to?

“Hindi ba mas convenient kung iisang tao lang hahawak ng schedules niya? Para hindi magulo?”

“That's why you'll communicate with Justine all the time,” si sir Tristan na ang sumagot. “Just tell me if you don't want the position. I can look for another person who's willing to work for me.”

“Woy, Egsel! Ayusin mo desisyon mo sa buhay! Hindi ka maganda para maging choosy!” singit ni Ivy sa usapan.

Binigyan ko lang siya ng isang masamang tingin bago muling nilingon ang kaharap.

“Sure po. Wala namang problema sa akin,” sagot ko.

Rinig ko ang dramatic na paghinga nang maluwag ni Ivy.

“We'll talk later about the other terms and conditions. Tatapusin ko lang 'tong meeting namin ni Mitt at sasama ka na sa akin mamaya sa bahay.”

Hindi ako tumango o sumagot. Nang walang marinig na sagot sa akin, umalis na sila.

Agad naman na lumapit sa akin si Ivy.

“Woy! Bakit iba tingin ni sir Tristan sa ‘yo ah? Kilala ka ba niya?” chismosa niyang tanong.

I shrugged. “He was the one I drew when I went out with Margaret months ago.”

“What the fuck, Selly!” Nagtitili niya akong hinampas. “Kakaiba ka talaga magpapansin!”

“Hindi ko siya kilala. I found him a good subject for my art so I drew him. Malay ko bang siya magiging amo ko.”

Lumayo ako sa kan'ya nang nakitang nanggigigil siya sa akin. Ang sakit niya kasi manghampas.

×××××

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

9.3K 148 34
Ang kislap ng mata nito ay nakatingin lamang sakin.. Napailing na lamang ako. " Alam mo maraming nagugutom na Bata Kaya ubusin mo" nakita ko Kung p...
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.6M 220K 50
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
28.6K 772 35
[REVISED VERSION] She offers him her heart and give him a child. Despite her imperfections, he accepts her. She gives him everything she has, yet she...