Lovefools (SELF-PUBLISHED)

By pajama_addict

7.8M 64.6K 6.7K

Love. Foolishness. And the foolish. More

Lovefools
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6

Chapter 7

264K 7.4K 550
By pajama_addict

"Ang bright ng future mo kung ako 'yun." I laughed uncontrollably. Hindi ko alam kung bakit ako natawa sa sinabi n'ya. Sobrang mismatched kasi kami – mahilig s'ya sa mahinhin at alam kong ang gaslaw kong gumalaw; naghahanap s'ya ng Dalagang Pilipina at sa lakas kong magmura at mambara baka nga kahit bilang dalaga ay hindi pa ako papasa.

"Tuwang-tuwa ka, ah. Ikaw rin baka ma-fall ka sa akin n'yan."

"Pwede ba, Red. Tayo yata ang sure na sure akong hindi ma-di-develop kahit kailan. Tingnan mo naman ako, ang opposite ko sa pangarap mong maging ilaw ng iyong mansyon samantalang ikaw naman, medyo 'di ko talaga bet 'yung mga mapuputing singkit. Para ka kayang ibinabad sa glutha."

"Maputi ka rin namang tulad ko, ah. Ang sama mo talaga sa akin, Green."

"Oo maputi ako pero babae ako. Wala kayang masama sa pagsasabi ng totoo. 'Tsaka bakit disappointed ka? Crush mo ako, ano?"

"Baka ikaw nga itong may crush sa akin, eh. Ihanda mo na ang puso mo."

"Tigas ng apog mo!" I protested and he laughed.

Nakakaloka. At tuluyan na ngang naglaho ang mga mata n'ya...

"Kung makatitig naman si Green..."

"Excuse me, ha, pero naaliw lang ako kasi nawala ang mga mata mo n'ung tumawa ka."

"Defensive. Wala na titibok na puso mo para sa akin n'yan."

"Ang baduy! Kadiri!"

Tawa kami nang tawa.

Aminin ko man o hindi, gusto kong maging kaibigan si Red. Ang gaan kasi sa pakiramdam kapag kausap ko s'ya, para ko lang kakulitan ang mga Kuya ko.

"Ano ba naman ito, baka malipasan na ako ng gutom," reklamo ko sa kanya.

Ang haba ng traffic. Kaya tuloy sobrang nagsisi ako kung bakit ako sumama. Ano ba kasing pumasok sa utak mo, Green, at mega-volunteer ka?

"Sorry. Nawala sa isip ko 'yung traffic. Gusto kasi talaga kitang dalhin d'un sa isa sa mga paborito kong kainan."

"Keri lang. Okay na ring lumipat ka na kaagad kasi natatakot ako d'un sa apartment mag-isa. Baka nga imbes na matulog ay magdamag akong mag-aabang ng miyembro ng Akyat-Bahay gang. Kaso baka malipasan naman ako ng gutom sa lagay na 'to."

"Matulog ka muna para hindi mo masyadong maramdaman 'yung gutom. 'Di bale, 'di ako matutulog kaya you're safe."

"Hindi naman ako inaantok. Nagkainan na kasi ang mga bulate ko sa tiyan sa sobrang gutom nila kaya sobra akong na-di-distract."

"Try mong pumikit."

"Bakit mo ba ako pinapatulog?"

"Nakasimangot ka na kasi. Partida, na-experience ko na 'yung init ng ulo mo n'ung 'di ka pa badtrip, paano na lang kapag badtrip ka? Baka sumabog itong taxi ni Kuya."

"He he. Funny."

He laughed at my quip.

"Pero, Red okay lang bang aalis ka sa bahay ng Tita mo agad-agad? Nakapagpaalam ka na ba?"

"Oo. Worried nga si Tita kasi aalis na sila in two days at wala pa akong matitirhan. Gusto n'ya raw sanang may mahanap akong bahay bago sila umalis. 'Tsaka wala nang mga gamit sa bahay nila kasi ibinenta nila."

"Hala speaking of gamit. May futon ka ba? Isa lang kasi ang futon ko at d'un ako natutulog habang wala pang kama."

"May camping bedroll ako kaya 'yun na muna ang gagamitin ko habang hindi pa ako nakakabili ng kama."

"Okay lang sa'yo? Hindi ba manipis ang camping bedroll?"

"Gwapo ako pero hindi ako maarte."

"Sus. Gaya-gaya," I said and he burst out laughing.

Sa tagal ng biyahe ay nakaramdam na ako ng hilo. Wala akong motion sickness pero hindi ko talaga feel ang amoy ng taxi. Naku, Green h'wag kang sumuka! I silently told myself as I closed my eyes and leaned heavily against the seat.

"Green? Anong nangyayari sa'yo?"

"Red, nahihilo ako," I murmured weakly. "Nasusuka."

"Wala akong dalang candy."

I felt him move. "Sandal ka sa akin," he said.

Gustuhin ko mang mag-inarte ay hindi ko na talaga kaya. Hindi ko alam kung saan banda ako nakasuksok sa dibdib n'ya pero, maygahd, ang bango, bango, bango n'ya.

"Ang bango mo," I couldn't help but remark and I heard him laugh softly.

"Pawis ko lang 'yan."

"Sus," I mumbled as I inhaled deeply. "Pero ang bango mo talaga. Buti na lang mabango ka, mahilig ako sa mga lalaking mababango. Close na tayo, Red."

"Green, kahit kailan ay hinding-hindi ko isusuko ang puri ko sa'yo."

"Ang kapal mo."

"Biro lang. I'm just trying to make you laugh. Are you feeling better?"

"Oo, 'di ko lang talaga keri 'yung amoy ng taxi," bulong ko sa kanya.

"Matulog ka muna. Gigisingin kita kapag nasa bahay na tayo nina Tita. Don't worry, the food will be worth it. Masarap talaga ang pagkain d'un. Libre ko na, tutal nahilo ka naman dahil gusto mo akong samahan."

"Ayaw kong magpalibre. KKB na lang."

"Ayaw mo ngang magpalibre pero nakasuksok ka naman sa kilikili ko."

"Ang baboy mo, Red!" I opened my eyes. At tama s'ya nakasuksok nga ako sa kilikili n'ya. "Langya ka! Hindi mo man lang sinabi sa akin?!"

"Aba, bangong-bango ka, eh. Sino ba naman ako para hadlangan ang pagkakamabutihan ninyo?" He was laughing hard.

Ang balahura ng lalaking ito! Ipaamoy ba naman sa akin ang kilikili n'ya!

"Nagba-blush ka, Green?"

"Gago."

Tumalikod ako sa kanya.

"Hoy, h'wag kang magtampo, hindi ko naman ipamamalita na may relasyon kayo ng kilikili ko."

"Isa pa, Red tatadyakan na talaga kita palabas ng taxi!"

"Ser, nagagalit na po girlfriend ninyo." Narinig kong sabi ng driver.

"Hindi ko po s'ya boyfriend, Manong!" I vehemently denied.

"Si Cupcake, talaga. Nagtampo naman kaagad ang Cupcake ko. Halika ka nga rito, Cupcake. Amuyin mo lang ang kili-kili ko hanggang gusto mo..."

Baliw yata 'tong isang 'to. Naku, Green mamaya bigla ka na lang i-massacre n'yan!

"Wala ka namang psychological disorder, 'di ba? Mamaya serial killer ka pala. Ay, Diyos ko! Hindi ko man lang naisip 'yun!"

"Green, just because mabango ang kilikili ko ay serial killer na ako?" seryoso n'yang tugon.

"Proud na proud ka sa kilikili mo! Ang balahura mo!"

"Balahura daw." He chuckled. "Halika rito, sumandal ka na. H'wag kang mag-alala hindi kita type kaya kahit isang patak ng malisya ay wala akong nararamdaman para sa'yo."

"Lalo namang hindi kita type! Ang kapal ng fez!"

"Bakit ka nahihiya? Hindi natin type ang isa't isa, eh, 'di safe na safe tayo." He draped his arms around me and pulled me to lean against him. "Idlip ka, Green. Babantayan kita," he whispered.

I closed my eyes and fell asleep.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong natulog. Pero, noong iminulat ko ang mga mata ko ay nasa harap na kami ng isang three-storey na duplex.

"Nandito na tayo?" tanong ko kay Red.

"Oo. Mabuti gising ka na."

Nag-abot s'ya ng bayad bago binuksan ang pinto ng taxi at inalalayan akong bumaba. Hinila n'ya ako papunta sa kulay orange na gate.

"Tita!" he called out. "Tita, nandito na po ako! Halika, Green."

Medyo nahiya kasi akong pumasok kaya nanatili akong nakatayo malapit sa gate.

"Redley, ikaw ba 'yan?" Narinig ko ang boses ng isang babae.

"Opo, Tita."

"Akala ko ba hindi ka uuwi ngayon?" tanong ng isang medyo may edad na babae na nakasuot ng dilaw at bulaklaking blusa at dark blue na palda. Siguro nasa forties s'ya at katulad ni Red ay maputi at singkit din s'ya.

"Ngayon na po ako lilipat, Tita. May nahanap na po kasi akong apartment."

Nginitian ko ang Tita n'ya kasi nakatingin s'ya sa akin. "Good evening po," I greeted.

"Good evening din."

"Tita, s'ya po si Green, kaibigan ko po."

"Tutulungan ka n'yang maglipat?"

"Opo," Red replied.

I was aware that he did not mention that he would be living with me. And I was relieved. Mahirap kasi mag-explain, baka pati 'yung pagkakaiba ng klase ng relationships, eh, kailangan pa naming ipaliwanag nang bongga para maintindihan ng Tita n'ya.

"Pasok ka, Iha," she invited and I followed them inside.

"Dito ka, Green. Pasensya na at Monobloc chairs na lang ang natira, naibenta na kasi nila ang mga gamit nila."

"Okay lang naman."

"Kunin ko muna ang mga gamit ko. Mabilis lang ako."

Tumango ako at umakyat na si Redley sa hagdan. Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng bahay nila, wala na silang kagamit-gamit. I wondered briefly where they eat because there was no table in sight, and then, I saw a stack of styro-cups, paper plates, and plastic utensils.

"Pasensya ka na, Green, ha, hindi kita maaya ng meryenda. Magpapabili sana ako sa labas kaso wala naman akong mautusan." Apologetic ang boses ng Tita ni Red at ngumiti ako.

"Naku po, okay lang po. Hindi po naman ako gutom," sabi ko kahit na kumakalam na ang sikmura ko.

Umupo s'ya sa silya malapit sa akin at pakiramdam ko ay gusto pa n'yang makipag-usap.

Diyos ko naman po, h'wag n'yo po akong kakausapin, baka po kasi anong masabi ko, isip-isip ko na iniiwasang tingnan s'ya.

"Alam mo ba kung saan mag-bo-board si Red? Mabuti naman at nakahanap ng bahay 'yang batang 'yan at labis akong nag-aalala sa kanya. Aalis na kami sa susunod na araw at wala na s'yang matitirhan. 'Yung may-ari kasi nitong apartment ay nakahanap kaagad ng uupa rito. Gusto ko nga rin sanang dito na lang tumira 'yang pamangkin ko pero masyadong mahal at masyadong malaki naman itong bahay na 'to para sa kanya."

"Oo nga po, eh."

Sana lang 'di n'ya ako tanungin ulit kung saan titira si Red kasi 'di ko alam 'yung isasagot ko. Sasabihin ko bang sa bahay ko? Sasabihin ko bang mag-si-share kami ng apartment?

"U.P. Diliman ka rin ba nag-aaral?"

"Opo."

"Gaano na kayo katagal naging magkasintahan ni Red?"

"Nyak! Hanubey!" Hindi ko napigilan 'yung bunganga ko. "I mean...ano po... hindi po kami."

"Pwede ba naman 'yun? 'Yang pamangkin ko, hindi 'yan palakaibigan at ngayon lang 'yan nagdala ng babae rito. Hindi naman dapat ikinakahiya 'yang mga gan'yang bagay dahil normal lang sa mga kabataan ang pagkakaroon ng kasintahan. Basta tandaan ninyo, ha, aral muna."

"Opo," sagot ko na lang kaysa makipagdebate pa ako sa kanya para ipagtanggol ang relationship status ko. Hindi ako magaling mag-explain. Hanggang oo at hindi lang kaya kong sabihin sa ibang tao. Unless galit ako, d'un ka makakarinig ng isang dosenang kilometrong litanya.

Bumaba si Red at may dala s'yang dalawang bag. "Meron pa sa itaas," sabi n'ya. "Okay ka lang d'yan, Green?"

"Oo. Gusto mong tulungan kita?" Tumayo ako kaagad kahit hindi pa man s'ya sumagot. Ayoko kasing kausap ang Tita n'ya at 'di ako komportable na feeling n'ya ay girlfriend ako ng pamangkin n'ya.

"Hindi okay na—"

"Tutulungan kita!" I insisted. Nagpaalam ako sa Tita n'ya at dali-daling sinundan si Red sa itaas.

"Ang helpful mo pala?"

"Loko ka, ini-interview ako ng Tita mo! Akala n'ya girlfriend mo ako!" I hissed.

He laughed. "Kahit naman iisipin n'yang mag-asawa tayo, aalis na sila kaya okay lang."

"Anong okay d'un?! Okay ka lang?!" I whispered hotly. "Hindi ko keri na mapagkamalang may boyfriend, ano, kahit wala."

"O, eh, 'di totohanin na natin. Single naman ako."

"Ha?"

"Wala. Joke lang. Tutulungan mo ba talaga ako o magdadaldal ka lang d'yan?" tanong n'ya at sinimangutan ko s'ya. Dalawang malalaking bags pa ang ibababa n'ya kaya wala rin akong silbi kasi hindi ko naman mabuhat sa bigat.

"Ano bang laman n'yan puro bato?"

"Kung makareklamo akala mo naman sy'a ang nagbubuhat," sagot n'ya habang pababa kami ng hagdan.

"Ang kupad."

"Gianna, shadap."

"Redley, shadap, too."

After what felt like fifteen years ay naibaba na rin n'ya ang dalawang bag at tinulungan ko s'yang buhatin ang mga 'yun hanggang sa garahe nila. Akala ko ay okay na, may ritwal pa pala. Hindi lang halik sa noo ang ginawa ni Red, may dasal pa talaga. Kulang na lang pabaunan kami ng Tita n'ya ng insenso at bagua.

"Mag-ingat ka, Redley." Medyo naiiyak ang Tita n'ya. "Parati kang magdarasal. 'Tsaka umuwi ka naman ng Laguna, matagal na kayong hindi nagkikita ng Mommy at Daddy mo mula n'ung—"

"Dadalawin ko po si Lola sa Laguna, Tita." Red smiled. Mukhang may gusto pa sanang sabihin ang Tita n'ya pero nagpaalam na si Red. "Aalis na po kami. Mag-ingat po kayo. Gusto ko po sana kayong ihatid—"

"Hindi bale na. Okay lang kami," she cut him off. "Alam kong ayaw na ayaw mong nagpapaalam. Mag-ingat kayo." She waved goodbye at us.

"Bye po! Happy trip!" I said before I got inside Red's car. Hinintay muna naming maisara ng Tita n'ya ang gate ng garahe nila at makapasok s'ya ng bahay bago kami umalis. "Okay ka lang, Red?"

"Oo naman."

"Kung gusto mong umiyak, iyak ka lang, ha. Hindi kita huhusgahan."

"Baliw ka talaga."

"Kapatid s'ya ng Daddy mo?"

"Oo."

"Nasaan ang mga pinsan mo?"

"Nasa parents ng asawa ni Tita, nagpapaalam sa iba nilang pinsan," he replied.

"Bakit sila aalis?"

"Mas maginhawa raw ang buhay sa abroad." He smiled. "Palpak kasi lahat ng negosyong pinasok ng Tito ko dito kaya they will try their luck somewhere else. Ready ka na bang kumain?"

"Last year pa," I replied and he laughed out loud.

Malapit lang ang ipinagmamalaking bulaluan ni Red d'un sa bahay ng Tita n'ya at kahit ma-traffic, wala pang thirty minutes ay nand'un na kami. Si Red na ang umorder para sa akin.

"Mabilis lang ba? Gutom na talaga ako."

"'Yung bulalo nila nakasalang lang 'yun kaya tatakal na lang sila."

"Sure kang masarap 'yun, ha."

"Oo naman."

"Sabagay, masarap talaga kasi libre," sabi ko at nagtawanan kaming dalawa.

Mabilis ang service nila at wala pang ten minutes ay kumakain na kami. Hindi nga nag-i-exaggerate si Red kasi masarap ang bulalo. In fact, sa sobrang sarap hindi ko na s'ya pinansin at kain lang ako nang kain.

"Hinga, Green," he joked.

"Ang sarap."

"Sabi ko sa'yo, eh. Sulit ang biyahe, 'di ba?"

I gave him a thumb-up sign.

Mahigit isang oras din kaming kumain at sa sobrang busog ko ay halos hindi na ako makatayo.

"May gusto ka pang puntahan?" he asked.

I shook my head. 

"Okay lang ba na dumaan muna tayo ng Mercury Drug sa Philcoa para makabili ako ng sabon at iba pang gamit?"

"Okay," I answered stifling my yawn. Hindi na ma-traffic pero 'yung antok ko naman ay umaarangkada.

"Green, h'wag ka munang matulog. Sobrang busog ka kaya. Palipas ka muna nang at least two hours.

"Hindi ako matutulog," I murmured, my eyes closed. Ang badtrip nga lang daldal s'ya nang daldal kaya nauudlot 'yung pag-idlip ko.

"Kaya 'ayun nga, 'yung pinsan ko nagalit at—hoy, Green. Psst...uy!"

Langya naman 'tong lalaking ito, eh!

"Nakikinig ako sa'yo, gumora ka lang sa kasasalita d'yan, pasasaan ba't mapapaos ka rin."

"Salbahe ka." Tumawa s'ya. "Kailangan pa pala nating umikot para mag-park."

"Red, ano ba, pwede bang umuwi na tayo?" I whined. "Antok na antok na ako, eh."

"Pero, wala akong sabon, toothpaste, at shampoo. Paano naman ako maliligo mamaya?"

"May toothbrush ka bang dala?"

"Oo."

"Umuwi na tayo, makigamit ka na muna sa sabon, shampoo, at toothpaste ko."

"Hindi ka madidiri?"

"May buni ka ba?" I asked.

"Wala," he replied laughing.

"Ako rin, wala akong kahit anong sakit sa balat. Mukhang flawless ka naman kaya keri lang 'yun."

Lalo s'yang tumawa. "I really like you, Green. Hindi ka maarte."

Pagdating namin sa bahay, itinabi n'ya ang kotse n'ya sa harap ng gate ng unit ko kasi pang-isahan lang ang garahe ng apartment. Kaya lang bigla naman akong nag-alala na baka pag-trip-an ng mga walang magawa sa buhay ang sasakyan n'ya.

"Okay lang ba na nasa labas 'yan?"

"Bukas na natin isipin kung ano ang gagawin. Lalagyan ko na lang ng car cover. 'Tsaka nakagilid naman."

"Baka mamaya basagin nila ang mga salamin n'yan o nakawin ang side mirror."

"Hindi 'yan. May nagroronda naman yatang mga tanod dito. Besides, may takip naman kaya hindi takaw-pansin."

"Okay."

I yawned again.

"Akin na 'yung susi ng gate para mabuksan ko. D'yan ka lang, h'wag kang bababa."

I nodded and handed him the keys. I watched him open the service gate and waited for him to signal that I could get off the vehicle.

"Pasok kaagad sa loob ng bahay," he whispered ushering me inside before going back outside then closing the door behind him.

Pinanuod ko s'ya sa may bintana habang paisa-isa n'yang ibinaba ang mga gamit n'ya mula sa kotse.

"Red! Ang bagal mo. Antok na ako sabi, eh!" Parang gusto kong magpapapadyak ng paa sa inis kaya lumabas ako ng bahay para tulungan s'ya.

"Bakit ka lumabas?"

"Wala namang ki-kidnap sa akin dito. Ang bagal, eh, antok na ako," I grumbled.

He frowned but I helped him with his bags anyway. He locked the door then hauled his bags to the second floor bedroom.

"Mauuna ka bang maligo?" he asked.

"Oo."

Dalawang kuwarto at isang maliit na sala ang nasa second floor ng apartment at kung meron man akong inirereklamo ay 'yung nasa first floor pa ang nag-iisang banyo.

I took a quick bath and ran upstairs in my bath robe.

"Red! Ikaw na!" I shouted before I locked my bedroom door. Narinig kong bumukas ang pinto n'ya at bumaba s'ya. Binuksan ko ang pinto ko ulit. "Red!"

"Bakit?"

"Goodnight!"

"Goodnight, Green!" was his reply.

Hindi ko na s'ya namalayang umakyat kasi nakatulog na ako kaagad pagkahigang-pagkahiga ko.

I woke up in the middle of the night because I heard someone crying and at first, I thought, I was hearing things. "Ano ba naman 'yan! H'wag n'yo naman akong takutin, please!" I prayed as I hid under my blanket.

"Ate!" someone cried out.

I pulled the blanket off my face. Red?

I got up to check on him. "Red?" I knocked on his door. "Red, okay ka lang ba?"

"Ate!" sigaw n'ya ulit at walang-atubiling binuksan ko ang pinto n'ya. Nakalatag ang bedroll n'ya malapit sa bintana katapat ng pinto.

Pumunta ako kung saan s'ya nakahiga at lumuhod sa tabi n'ya.

"Ate..."

"Red, Gising! Uy, nananaginip ka." Niyugyog ko ang balikat n'ya at bigla s'yang bumalikwas. "Nananaginip ka," bulong ko habang tinapik-tapik ang likod n'ya.

"Green?"

"Oo. Bakit ka ba umiiyak? tanong ko habang pinupunasan ang mukha n'ya gamit ang kanyang kumot. "Gusto mong ikuha kita ng tubig?"

"Hindi na."

"Bad dream?" I asked. He still looked shaken and I guided him to lie down as I pulled his blanket up to his chin. "Matulog ka na, 'tsaka na ako aalis kapag nakatulog ka na. Babantayan muna kita, okay?"

"Okay," he replied softly and I started to hum, patting his arm lightly as if putting a child to sleep. He moved and I felt him engulf my hand with his.

"Green—"

He needed not say it because I understood.

"Usog," I said as I lay down beside him.

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.8M 59.4K 56
UDMC Boys Series #1 Published under Summit Media's Pop Fiction! "Huling taon na ni Sedric sa kolehiyo at pakiramdam niya ay ito na rin ang huli...
345M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...