My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 8

365K 5.9K 1.1K
By OppaAnja

My Tag 8

Sitti's POV

          "Congratulations Eastton University!" Masaya at malakas na cheer ng halos lahat na yata ng mga estudyante na nasa school namin.

          Okay. Sabihin na natin halos lahat ng mga schoolmates ko na nagpunta at nanood doon sa championship ng school basketball team namin.

          "And congratulations to Kaizer Buenavista for being the most valuable player ng season sa taon na ito!" Masayang announce nung coach nila yabang na hindi mo malaman kung bakla ba o medyo lang sabay taas ng baso niya sa harapan naming lahat.

          "Cheers?"

          "Cheers!"

          Ngayon ko lang nakita na sobrang puno ang gym ng school na ito maliban na lang kapag may big events talaga. Madalas kasi ang napupuno lang sa gym ay yung mga bleachers. Ngayon halos mapuno ng tao ang buong court.

          Sa ibang pagkakataon, mas gugustuhin ko pa na umuwi na lang sa bahay at tapusin yung panonood ko ng Shingeki no Kyojin at mag-a-anime marathon.

          Kaya lang nung nakita ko na maraming pagkain at nang sabihin sa akin ni Patty na ang handaan/after party na ito ay yung "project" kuno na binayaran namin noong nakaraang linggo, tumuloy na lang ako.

          Aba! Hindi ko sasayangin yung pera na binayad ko dito para lang hindi ko matikman yung pagkain nila ano! Saka mukhang masasarap yung mga sosyaleng pagkain na nasa mahabang table sa may gilid. Hashtag pagkain pangmayaman.

          Saka nakaramdam na rin ako ng gutom matapos ang napakabusy na araw na ito kaya kakain muna siguro ako bago ako umuwi sa amin.

          "Felicity! Hija!"

          Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na tumawag sa akin ng Felicity.

          Iilan lang yung tumatawag sa akin ng ganyan. At yung iilan na iyon ay nagngangalang Mama. Ganyan ang tawag ni Mama sa akin kapag malapit na akong masermunan o di kaya kapag gusto niya lang.

          "Lola ni Kaizer!" Gulat na sabi ko saka bigla kong naturo yung Lola ni Kaizer na papalapit sa akin.

          "How are you hija?" Tanong ni lola sa akin.

          Nagulat ako nang bigla na lang ispread ni lola yung dalawang kamay niya sa akin saka niya ako hinila at niyakap ng mahigpit sabay beso sa magkabila kong pisngi bago niya ako binitawan.

          At gaya nung huli kong kita sa lola ni Kaizer, glamorosa pa rin ang suot ni lola. Hindi uso sa kanya yung kahirapan dahil sa dami ng alahas na nakasabit sa leeg ni lola.

          "Ay! Mano po pala!" Sabi ko nang matauhan ako mula sa pagtingin ko mula sa mga nagkikintabang alahas ni lola saka ko kinuha yung kamay niya at nagmano.

          Tandaan. Hindi masama ang paggalang sa matanda. Kahit hindi natin sila kamag-anak o kaano-ano dapat lagi tayong nagbibigay galang at nagmamano sa kanila. Ang payo ni Sitti. Bow.

          Mamaya nga magmamano ako kay yabang. Wala lang. Pang-asar ko lang.

          Saka para makabawi naman ako sa mga pang-aasar niya sa akin ano! Lalo na doon sa tyan ng kaalam mo! Huh!

          "Good gracious hija! Sobrang bait mo talaga!" Natutuwang sabi ni lola sa akin matapos kong magmano sa kanya. "Ang swerte talaga ng apo ko sa'yo, hija."

          "Hindi naman po."

          "Lola!"

          Sabay kaming napalingon ni lola nang marinig namin yung boses ni Kaizer.

          Lakad-takbo siyang lumapit sa amin saka niya hinarap yung lola niya at nagmano gaya nung ginawa ko kanina.

          Aba! May alam din pala ang mayabang na 'to sa courtesy!

          "Ano pong ginagawa niyo dito, Lola?" Tanong ni Kaizer saka siya tumabi sa akin.

          "I heard na nananalo daw ang school niyo sa championship apo kaya ako pumunta dito para personal na batiin ka."

          Napatingin ako nang wala sa oras kay Kaizer at kahit hindi pa niya isipin, halata sa mukha niya na flattered siya at masaya siya na binisita siya ng lola niya sa school.

          Nakakatuwa. Mabait din pala minsan si Kaizer Buenavista ano?

          Next time nga lagi ko ng yayayain si lola kapag kasama ko si yabang para lagi siyang mabait kapag magkasama kami.

          "Hindi na po sana kayo nag-abala, lola." Sabi niya. "Baka po makasama sa inyo ang pagbabyahe ng malayo."

          Ay oo nga pala! Nasa malayong parte pala ng Pilipinas yung mansyon nila Kaizer. Teka! Saang lugar nga ulit iyon?

          "Actually hijo dumaan lang talaga ako dito para batiin ka ng personal. Aalis din naman ako mamaya." Sabi ni lola.

          "Hala! Sayang naman po byahe niyo lola kung sandali lang kayo!"

          Bigla kong naitikom ang bibig ko nang maisip ko na masyado palang pakialamera yung sinabi ko. Na hindi naman ako kasali sa usapan pero sumali agad ako.

          Kakahiya!

          Nagulat ako nang marinig ko yung mahinang pagtawa ni lola.

          Seryoso. Ano bang nakikita ng mga tao na nakakatawa sa mga pinagsasabi ko?

          "She's really a nice girl, Kaizer." Sabi ni lola doon kay yabang. "Mas gusto ko siya kaysa kay—"

          "Wag na po natin siya ungkatin lola. Hindi po siya kilala ni Sitti."

          Sinong hindi ko kilala? Saka anong dapat ungkatin?

          Napatingin ulit ako sa mukha ni Kaizer at napansin ko yung pagkakaiba ng ekspresyon niya doon sa ekspresyon na una kong nakita nang makita niya yung lola niya.

          Ano kaya 'yung pinag-uusapan nila? Hindi ko gets.

          'Paano mo ma-ge-gets eh hindi ka nga kasali sa usapan di ba?' Sabi ng boses sa utak ko.

          'Oo nga pala!'

          "I see." Sabi ni lola sabay napatingin siya sa akin at napapatango. "Oh well! I think its about time na umuwi na ako. Alam niyo na? Ayokong maging party crasher sa mga party ng mga bagets."

          Napangiti ako doon sa sinabi ni lola. Naalala ko kasi bigla Mama ko sa kanya.

          Ganoong-ganoon kasi magsalita si Mama.

          "Hahatid ko na po kayo sa labas." Sabi ni Kaizer sabay alalay sa lola niya palabas ng gym.

          Pero bago siya umalis, nilingon niya muna ako saka nagsalita.

          "Dito ka lang muna, TG. Ihahatid ko lang si lola."

          Tango na lang yung sagot ko saka magalang na nagpaalam sa lola ni Kaizer.

          Nang mawala na sila sa paningin ko, hindi ko mapigilang isipin yung sinabi ng lola ni Kaizer.

          Sino kaya yung hindi ko kilala pero kilala ni lola na sa tingin niya ay kilala ko? Ang gulo di ba? Puro kilala.

          Hindi kaya nagka-amnesia ako kaya  hindi ko na maalala kung sino yung sinasabi ni lola?

          "Wala kang amnesia, Sitti wag kang pauso." Sabi ko sa sarili ko saka napapalingon sa paligid para hanapin sila Patty at MM.

At yung mesa ng pagkain dahil gutom na gutom na talaga ako.

Kaizer's POV

          "You should tell her about Mia, hijo. Hindi maganda sa isang relasyon ang paglilihiman."

          Mabigat akong napabuntong-hininga saka umayos ng tayo mula sa pagkakadungaw ko sa bintana ng kotse ni lola.

          "Alam ko po."         

          "Alam mo pala pero bakit hindi mo sabihin sa kanya ang totoo tungkol kay Mia?"

          "Lola, hindi na po dapat malaman ni Sitti yung tungkol sa kanya." Pagod na sabi ko.

"Kaizer, a healthy relationship needs trust and honesty. You should know that."

Mabigat akong napabuntong-hininga. "Alam ko po, Lola."

          Bakit ba ngayon pa napili ni lola na pag-usapan ang babaeng iyon?

          "I'm just telling you some wise thoughts, Kaizer." Sabi ni Lola sabay tingin sa harapan niya. "Mamaya niyan dahil diyan sa paglilihim mo sa kanya eh masira ang relasyon niyo ni Felicity."

          "Hindi po mangyayari iyon, lola." Madiing sabi ko.

          Muling napatingin si lola direksyon ko saka siya ngumiti. "I hope so too, Kaizer. Alam mo at alam ko how we both like Sitti inside the family right?"

          Bigla akong pinamulahan ng mukha sa gustong iparating ni lola.

          "Lola naman!"

          Tinawanan ako ni lola bago siya ulit nagsalita.

          "Biro lang, hijo. Pero it will be nice to see Sitti as my real granddaughter di ba? Wala naman sigurong masama sa pangangarap ng isang matandang gaya ko di ba?"

          Hindi na lang ako nagsalita doon sa sinabi ni lola.

          "Kaizer, I can see it in your eyes na masaya ka kasama si Sitti." Biglang sabi ni lola na pumutol sa katahimikan ng paligid namin. "And I just want you to be happy. Kami ng mga magulang mo. We only want the best for you at kahit na sino pang piliin mo, whether we like it or not, susuportahan ka pa rin namin sa mga desisyon mo."

          Napangiti ako doon sa sinabi ni lola. "Salamat po, lola."

          "Don't mention it. Basta si Sitti pa rin ang manok ko."

          Natawa na lang ako doon sa huling sinabi ni lola saka ko pinanood yung sasakyan niya na umalis sa tapat ng school namin.

          Napalingon ako sa direksyon ng gym kung saan may pinaka maliwanag na ilaw sa buong school. Malapit na maggabi at alam ko na hindi pa ako papauwiin ng mga kasama ko hangga't hindi ako nagtatagal sa party nila na iyon.

          Napapailing na lang ako nang bigla na lang pumasok sa utak ko yung imahe niya saka ko mabilis na naglakad pabalik sa gym.

Sana lang ito na ang huling pagkakataon na mababanggit ang pangalan ni Mia.

Sana.

Sitti's POV

          FREE WIFI ZONE. Iyan na yata yung pinaka nakakatuwang mga salita na nabasa ko sa buong araw na ito.

          May free wfi sa loob ng gym! Yes!

          Mabilis kong inilabas yung cellphone ko saka in-open 'yung FB ko.

          Pinicturan ko kasi kanina 'yung mga nakahandang pagkain sa mesa dito sa may gym. Tatanong ko sa mga FB friends ko kung alam ba nila anong tawag sa mga iyon bago ako kumuha ng mga iyon.

          Siya nga pala, hindi ko nakita si MM. Siguro naghahanap na naman iyon ng marshmallows na kakainin niya. Pero nakita ko si Patty na kausap si Kris. At dahil sa ayokong makaistorbo sa kanila, hindi ko na lang sila nilapitan. Nakakahiya kaya!

          Si Margaret naman, balita ko may performance daw siya sa stage ng gym mamaya. Mukhang na-assign yata siyang magperform kapag nanalo ang school namin.

          Kaya siguro ganoon na lang yung galit niya doon sa mga taga-kabilang school ng tawagin nilang loser ang school namin. Siguro kaya siya nagalit kasi gusto niya talaga manalo ang team namin para hindi masayang yung prinaktis niya.

          O baka naman trip niya lang talaga awayin yung mga babae doon? Ah ewan! Basta! Manonood ako kay Margaret mamaya!

          Habang in-upload ko yung picture ng pagkain doon sa mesa, bigla na lang may nagpop na message sa messenger ko.

          Nagmessage sa akin yung OP ni Kaizer.

          Agad-agad ko iyong binuksan matapos ma-upload ng picture ko saka ko binasa ang laman noon.

          [Kaizer: Congratulations Eastton!]

          Hala! Alam niya rin 'yung pagkapanalo namin?

          Itatanong ko na sana kung paano niya nalaman na nanalo ang team namin kaya lang alam kong mapapahaba na naman yung usapan namin at sa bandang huli hindi naman niya ako masasagot ng maayos kaya iba na lang ang ni-reply ko.

          Sa grand meet up talaga! Itatanong ko na sa kanya yung mga tanong na matagal ng tumatakbo sa utak ko.

          [Sitti: Thank you!]

            [Kaizer: Nasa after party ka ba?]

            Napakunot-noo ako doon sa nabasa ko.

            [Sitti: Oo. Paano mo naman nalaman?]

            [Kaizer: Wala lang. Nandito din kasi ako ngayon eh!]

          Bigla akong napalingon-lingon sa paligid sa huling message niya na nabasa ko.

          Nandito ang OP ni Kaizer. Nandito siya sa mismong gym namin!

          Bigla akong napaharap sa cellphone ko ulit nang wala sa oras nang wala akong makitang "mukhang OP ni Kaizer" sa crowd ng halos mga babae dito sa gym.

          [Sitti: As in nasa mismong gym ka ng Eastton University?!]

            [Kaizer: Ah...yup!]

          Muli akong napalingon sa paligid ko.

          Bigla akong napahawak sa tapat ng dibdib ko sa sobrang kaba.

          Nandito ngayon sa loob ng gym yung OP ni Kaizer. Nandito ngayon yung tao na nagpapalakas ng loob ko bago ko pa nakilala sila Kaizer at yung iba pa.

          Nandito sa loob ng kwarto na ito ngayon yung misteryosong OP ni Kaizer.

          Nanginginig yung daliri ko sa kaba pero nagawa ko pa ring magtype ng irereply ko sa kanya.

          [Sitti: Pwede ba kitang makita?]

          Ang tagal ko nakatingin sa screen ng cellphone ko at doon sa tatlong tuldok na umaalon-alon sa chatbox ng aking messenger.

          At maya-maya lang halos mapatili ako sa gulat nang bigla na lang tumunog yung notification sound ni FB messenger.

          [Kaizer: Sure.]

          Hindi ako makapaniwala sa nababasa ko ngayon.

          Yung OP ni Kaizer...

          Si OP...

          Willing siyang makipagkita...sa akin.

          Mabilis akong nagtype ng susunod kong message sa kanya.

          [Sitti: Saan kita pwedeng makita?]

          Ilang sandali lang ang lumipas bago nagreply ulit yung OP ni Kaizer.

          [Kaizer: Nandito ako sa right ring ng court. Nakatayo ako sa mismong tapat noon.]

            [Sitti: Ano suot mo?]

            [Kaizer: School uniform.]

          Kahit na madaming tao sa side namin ngayon, hindi naman ganoon karami yung mga estudyante na nasa bandang right ring kung nasaan yung OP ni Kaizer ayon na rin doon sa reply niya sa akin.

          Medyo malayo ako sa side ng court kung nasaan yung OP ni Kaizer kaya sinimulan ko na yung mabibilis na lakad ko.

          Kailangan ko siyang makita!

          Kailangan ko siyang makausap!

          Kailangan kong malaman kung sino ba talaga kanila Kaizer, Kris at Mobi ang lalaki sa likod ng OP ni Kaizer.

          "TG!"

          Nagulat at nahinto ako sa paglalakad ko nang may bigla na lang may humawak sa braso ko saka ako hinila para mahinto ako sa paglalakad ko.

          At sa paglingon ko, bumungad sa akin ang mukha ni Kaizer.

          "Saan ka pupunta?"

          "Sa...sa..." Hindi ako makahanap ng isasagot ko sa kanya.

          Napatingin ako sa right ring ng court. Ilang dipa na lang ang layo ko sa ring na iyon at kitang-kita ko na yung likod ng posibleng OP ni Kaizer kasi siya lang yung nag-iisang lalaki na nandoon at yung nag-iisang estudyante na naka-school uniform kahit na pinayagan kaming magcivilian dahil sa game.

          "Halika na! Alam kong nagugutom ka na kaya papakainin na kita." Rinig kong sabi ni Kaizer saka niya hinila yung kamay ko.

          Balak ko sanang alisin yung kamay ni Kaizer sa braso ko kaya lang hindi ko magawa.

          Saka nakita ko na rin na papalabas na ng pinto ng gym 'yung sa tingin ko ay OP ni Kaizer.

          Hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

          Nang nasa tapat na kami ng buffet table at kinukuhanan na ako ni yabang ng makakain, bigla na lang tumunog yung messenger ko.

          "Si OP..." Mahinang sabi ko saka binasa yung message niya.

            [Kaizer: Sayang. Dumating na kasi si MVP. Sa susunod na lang.]

          Napatingin ako sa cellphone ko saka ako napatingin sa likod ni Kaizer.

          Wala na si Kaizer sa listahan. Ngayon dalawa na lang silang natitira.

          Si MM at si Kris. Sino kaya sa kanilang dalawa ang OP ni Kaizer?

          Sino?

LEAVE COMMENTS! ^________^v

Continue Reading

You'll Also Like

153K 5.4K 48
Crush is paghanga, iyon ang sabi nila. Oo, nagsisimula ang lahat sa paghanga hanggang sa lumalalim. Paano kapag malalim na? Crush pa rin ba ang tawag...
103K 1.9K 81
Part 1 [COMPLETED] Part 2 [COMPLETED] "Nang dahil sa facebook nagsimula ang salitang tayo." An Epistolary Novel Highest Rank: #39 in Short story #27...
1.8M 11.5K 11
"So, it's you and me again, huh, Jet?" Akala ni Jet naka-get over na siya kay Zoe. Halos kalahating taon din ang lumipas bago niya itong mulin...
2.8M 53.6K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...