Against the Heart (Azucarera...

By jonaxx

43M 1.4M 954K

Charlotta Yvonna del Real is the queen of Altagracia. Anak ng may-ari ng malaking Azucarera, she has it all... More

Against the Heart (Azucarera Series #1)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Wakas

Kabanata 2

1.1M 36.2K 29.2K
By jonaxx

Kabanata 2

Unbroken

Sinundan ko sila. Sa kung saan ko sila huling nakita kanina habang nakaupo ako sa kiosk, dumiretso ako roon at luminga-linga.

Dito nagtatapos ang High School department. Nasa college na ang mga susunod na building at ang malapad na soccerfield na ang makikita. Hindi pa rin ako tumigil, ignoring the possibility of Ella's turn for the Junior High building. Mas madali kasing isipin ang maruming paratang para sa dalawa. They had to be together!

Hindi gaya ng Basic Education department, may pasok ang college kahit na dapat ay lunch break. Pero sa piling mga courses at subjects lang. Nasisiguro kong walang pasok iyong si Leandro dahil pumasok siya sa school, kalagitnaan ng period na ito.

Nakalagpas na ako ng gym at sa mga kiosk sa tabi lang ng soccerfield pero hindi ko nakita ang dalawa. Bumaling ako sa bandang kanan kung nasaan ang mga college building. Walang pag-aalinlangan kong tinahak ang corridors nila kahit pa na hindi ko na maalala ang huling punta ko roon.

After the first college building, I stopped on my tracks when I saw another kiosk with some familiar faces around it. Si Adriano, at George! Ang dalawang ito na lang ang nanatili sa mga kaibigan ni Kuya dahil ang iba'y sa Bacolod o Cebu na nag-aral. Kuya Levi was expected to go to Manila for college but he didn't.

Sa grupo, wala si Kuya pero naroon din ang mga kaibigang nasa mababang sosyedad. Kaya naman, inisa-isa ko ang mga iyon sa pag-iisip na naroon nga si Leandro at isinama pa ang isang Junior High sa grupo.

"Need anything, Chayo?" a low voice spoke behind me.

I made a fast inhale and turned around quickly. Abot-abot agad ang kaba ko dahil alam ko kung sino iyon. Leandro Castanier stood in front of me with a dark look on his eyes. Hindi, e! Hindi... kasama niya si Ella! Alam ko!

I craned my neck trying to find a hidden person behind him kahit na wala naman siyang kasama nang harapin ako.

"Sinong kasama mo?" I said and craned my neck again on the other side of him.

Just one shot of the brow for his own question at me. He did not say a word but I can almost hear it.

"I saw you with your girlfriend."

He looked at me straight in the eyes and the question on it remained. Tila ba walang kahulugan ang sinabi kong iyon at hindi niya kayang paunlakan ng kahit isang salita. He intimidated me because of that reaction.

"S-Si Ella, ang girlfriend mo, hindi ba?" paratang ko para masagot ang kung anong tanong sa itsura niya.

His lips twisted and he shook his head. "No. She's not my girlfriend."

"Huwag ka nang magkaila. Nakita ko kayong dumaang magkasama."

Habang sinasabi ko ang mga iyon, unti-unti kong naiisip kung ano ba ang pinaglalaban ko? He denied it and I should be done after. Kaya lang... may girlfriend kasi siya. He did not deny having one so why won't it be Ella, right? Lalo na dahil nasabi ni Edu na madalas si Ella sa practice nila at nakita ko pa silang magkasama ngayon.

"Bakit? Boyfriend mo si Edward dahil nakikita ko rin kayong magkasama." he fired back at me.

"Of course, not! Edu is just a friend!"

He smiled. "Then, Ella is not my girlfriend."

Bago pa ako makaapila ay sinubukan niya nang lagpasan ako. The tall highschool valedictorian firing some learned logic in things like these, binanatan ko siya bago tuluyang makalagpas sa akin.

"You're lying! Kaya mo siguro siya pinagtatanggol noon, 'no? Kasi girlfriend mo?"

Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako. I was provoking him, alright. But when I saw him stop near me, provoked, parang gusto kong tumakbo at magtago. Pakiramdam ko, hindi ko siya kayang pakiharapan ng mas malapit pa sa distansya na ito.

"Look... Ilang taon lang ang tanda ni Ella sa'yo? Isa?"

Hindi ako nakapagsalita.

"Hindi ako pumapatol sa bata, Chayo. Ang mabuti pa, bumalik ka na sa kiosk n'yo. At huwag kang malikot."

My jaw dropped. Nilagpasan niya ako at hindi agad ako nakabawi sa sinabi ni Leandro. Iniisip ko pa kung ano ang maaari kong isigaw para mapahiya siya bago tumakbo. Kaya lang, nagtagal ang pag-iisip ko at inabot na ako ng minuto, panis na kung may sasabihin pa ako. Instead of firing back, I walked briskly out of the college department and then made it back on our kiosk, where he thinks I belong!

"Anong nangyari?" tanong ni Edu nang nakita ang pagmamadali ko.

Irritated at everything, binalingan ko si Edward.

"Ang sabi mo si Ella ang girlfriend niya! Hindi naman pala!"

"Huh? Paano mo nalaman?" si Nan na mukhang alam na pero hindi makapaniwala.

June laughed loudly. "You went there, didn't you? Tinanong mo si Leandro, Chayo?"

"Hindi nga? Chayo? Tinanong mo?"

I scowled the whole day because of that. Umukit sa utak ko ang bawat salitang binitiwan ni Leandro.

Gusto kong aluin ang sarili ko sa katotohanang hindi si Ella ang girlfriend ni Leandro. Kaya lang, hindi ko alam bakit naiirita ako sa mismong mga salitang ginamit niya. Hindi ako pumapatol sa bata. Huwag kang malikot.

I feel like I'm a little over four years old when he talked to me that way. Bukod pa roon... totoo naman kaya iyong sinabi niya? Na hindi niya girlfriend si Ella?

Paano kung paraan niya ito para hindi ko malaman? Para pagtakpan ang pinakamamahal? Dahil alam niya na matindi ang galit ko kay Ella dahil sa history ng pamilya.

Ano pa nga ba ang pinakatamang gawin kundi ang magtanong sa kapatid na dati pa man, close na kay Leandro, hindi ba?

"Kuya Levi..." I called him while we're making our assignments in a long hardwood table of our study.

Madalas, hindi naman kami nagkikita ni Kuya Levi sa study. Iba ang schedule naming nakasanayan. At kapag nagkikita naman sa study, halos hindi mag-usap. He's in front of his laptop while I'm with my books. Sinadya ko talaga ang pagsakto sa schedule niya rito para lang matanong ko siya.

"Hmm?" he said without looking at me.

"Girlfriend ba ni... Leandro... si Ella?"

Bumaling si Kuya Levi sa akin. Nagkasalubong ang kanyang mga kilay at halos iwan ang atensyon sa laptop. I waved my pink furry pen to let him see that I'm here to study, and not to actually interrogate him.

"Ella?" bahagya niya pang nalimutan. "Hindi, ah!"

"Liar!" I said with a pokerface. "Hindi ko naman aawayin si Ella, e. Kung hindi niya ako lalapitan. Nagtatanong lang naman ako, Kuya, huwag mo nang pagtakpan ang kaibigan mo."

Natawa si Kuya Levi. "Chayo, first year college na kami. Grade nine si Ella. Halos kasing edad mo lang 'yon. Bakit gugustuhin ni Leandro 'yon? Mag-isip ka nga..."

Wow. That was offending.

"Bakit? Hindi na ba puwedeng magkagusto ang kaedad mo sa mas bata? 'Tsaka, five years lang naman, e!"

Tumawa si Kuya. "Puwede pero siguro mga... Grade eleven or twelve naman. Sobrang bata naman ang Grade nine," he said while thinking.

"Whatever! Will you just tell me if they are together or not? Honestly? I'm not buying your reason, Kuya. It is possible and in this case, very possible kasi nakikita si Ella sa practice games n'yo!"

"Ano ka ba? Marami naman talagang nanonood sa practice games namin. Isa pa, ang layo ni Keira kay Ella..."

Umiiling iling si Kuya Levi at muling bumaling sa laptop.

I froze. Keira? Anong kinalaman ni Keira rito?

"S-Si... Keira ang girlfriend ni L-Leandro, Kuya?"

"Oo kaya tumigil ka na sa pagpipilit mo roon kay Ella."

My mind blanked.

Keira is one of the few girls the high society is respecting. Hindi sila mayaman o may-ari ng kahit anong malaking business sa Negros pero disente ang kanyang pamilya. Her father is a regular police officer and her mother is a public school principal. Bukod sa parehong honorable ang mga magulang niya, mabait din siya at kilalang matalino. She's also very sporty and she recently won as muse of the town's prized Bailes de Luces - an event of street dancing with lights.

Nakita ko siya sa gabing iyon. Manghang mangha ako sa ganda niya at sa graceful moves ng kanyang sayaw. We were all in deep awe that I begged Kuya Levi to court her. Hindi nga lang pinatulan ni Kuya ang gusto ko.

She's simple but very fashionable. Hindi nagsusuot ng pekeng gamit pero lagi'y may class ang dating. Minsan siyang nagsuot noon ng one strap sandals kahit na ang uso'y puro gladiators. When I saw her wear it, I bought some, too. Then started wearing it, too. She is a trendsetter! At nasisiguro kong sang-ayon si June at Nan sa sasabihin kong ito!

"Hindi nga?" I snapped.

Hindi na ako pinansin ni Kuya Levi.

"Hindi mo ba niligawan iyon, Kuya?" kulit ko.

Umiling siya.

"Ayaw mo ba roon? Ang ganda no'n, Kuya..."

He still ignored me. Nanatili ang mga mata sa screen.

Muling sumagi ang mukha niya sa isipan ko. That jet black hair, soft features, and... plump lips. Bahagyang sumagi sa isipan ko ang isang eksenang madalas kong makita sa palabas! Uminit ang pisngi ko.

Girlfriend ni Leandro si Keira? Did they kiss?

"Kuya, sana ligawan mo si Keira," I almost desperately said.

Natawa lang si Kuya Levi at umiling.

I don't buy it. Someone like Keira Abad can't like Leandro Castanier. She's too pretty and... fabulous! Binalingan ko ang assignment ko at nakitang halos butas na ang papel sa diin ng signpen ko.

"Bagay!" June announced.

"Guwapo at maganda siguro ang magiging anak niyan kapag nagkatuluyan," si Nan naman, tinutukoy ang tambalang Leandro at Keira.

Hindi ko alam pero simula nang nasabi ni Kuya Levi ang tungkol sa kanila, napansin ko na madalas nga silang makitang magkasama. Kahit pa kasama ang grupo nila pero mapapansin mo talagang magkatabi ang dalawa.

"Kaya pala mukhang blooming 'yang si Keira noong Bailes. She's got a hot boyfriend!" si June.

"Hindi sila bagay," sabi ko at nag-iwas ng tingin sa natatanaw.

"Ano kaya 'yan? Cheek tint or clay blush?" tanong ni June, nabalewala ang opinyon ko.

Nag-angat ulit ako ng tingin sa grupong nasa harap. Nakasalubong nila ang iilang kaibigan kaya tumigil sa malayong harap namin at nag-uusap. I saw how Leandro is talking to Adriano. Kung paano lumapit si Keira sa kanila, confidently, and she laughed. Her cheeks were flushed and then I realized that's what they were talking about.

"Tint siguro. 'Yong bago ngayon? I have one coming. Pinaship pa from Manila. Iyon pala kasi ang nakalimutan ko nang nagshopping kami last week," si Nan.

"Saan ka bumili?" nakisali ako, kuryoso habang tinitingnan ang pisngi ni Keira.

"It's a drugstore brand so probably meron sa Bacolod. May binili lang din akong damit kaya sa Manila pa galing iyong tint."

"Pa-try muna kapag meron na sa'yo. Bibili ako kapag okay sa akin," si June.

"I bought three. I can't decide which shade is better for my complexion, e."

"P-Pa-try din. Kapag meron ka na, Nan," singit ko.

"Sure!"

"But I'm thinking, if we apply these things this early, hindi kaya mas maaga rin ang signs of ageing natin?" si June. "Ang bata pa natin para riyan. We should get a hypo allergenic one or something that is mild?"

"It's for teens so I expect it is mild!" si Nan.

Nagtagal ang isip ko sa nasabi ni June. Hindi iyon agad natanggal sa isipan ko hanggang umuwi at tahimik na nakealam sa kuwarto nina Mommy at Daddy.

Sa loob kasi ng kuwarto, may napakalaking walk in closet, kagaya ng akin. At gaya rin ng sa akin, ang sunod sa walk in closet ay isang bath tub room na may view ng Mt. Canlaon. Ang kaibahan lang, sa tapat ng bathtub ni Mommy, naroon ang lahat lahat ng mamahaling kolorete.

Nagpaalam na ako kanina kay Mommy na may titingnan ako sa kuwarto nila. Pumayag naman siya pero nagpatuloy sa pagtulong sa mga kasambahay na magluto. Kaya mag-isa ako roon sa harap ng malaking tukador habang nilalagyan ng blush on ang mukha. I tried to put some soft eyeshadow on my eyelids, too. Maayos na ang kilay ko at hindi ako marunong ng kagaya sa ginagawa ng iba kaya hindi ko na ginalaw. Then I applied a soft red lipstick.

Kumatok si Mommy at hindi na hinintay ang pagpapaunlak ko sa pagpasok. She smiled when she saw me tinkering on her make-ups.

"Oh, ba't mo naisipan?" tanong niya sa banayad na boses.

Nasa likod ko siya ngayon, tinitingnang mabuti ang aking mukha. She lifted my chin to check it more.

"Wala lang po."

"You really have the gift of soft touch. Kahit hindi ka sanay, maayos ang pagkakalagay mo."

I smiled.

"Is there an event at school where you might need to put on make up?"

Umiling ako. "Nagli-lip and cheek tint na po si June at Nancy, e. Naisipan ko lang din."

"Hmm. But you're just kids..."

"I'm thirteen, Mom," sabi ko.

Humalakhak si Mommy at umiling. "Naku, Chayo... Ano ba 'to? Alam kong may mga manliligaw ka na pero... may boyfriend ka na ba?"

"Wala, po, Mommy. May hinahangaan lang sa school. Iyong si... Keira Abad."

"Ah. Si Keira. Oo nga, ang gandang bata nga no'n."

"Nagli-lip and cheek tint din kaya nga naisipan din nina Nan at June iyon."

"I like that girl. She's very graceful and sweet. Pero anak, first year college na 'yon. Grade eight ka pa lang."

"I like her, too. I like her fashion sense... and the way she carries herself... I like her name, too. Keira."

Tumawa si Mommy. "Ayaw mo ba sa pangalan mo, Charlotta?"

Sumimangot ako. I was named after my grandmother, Karlotta. The spelling of my name is a variant of it but it sounds the same. Pagkatapos... ang nickname kong Chayo ay masyadong pambata. It was derived from my Mom's name, Rosario.

"My name is a bit childish," I confessed.

"Hay naku. Why do I feel like you want to grow up so fast? Hija, do you like someone now?"

Namilog ang mga mata ko. "Wala, Mommy!"

"Grow up slow and don't give in to the pressure of those boys. If they tease you for being childish, let them, and continue to be you."

Umiling akoat mapait na sumimangot dahil sa totoo lang, hindi ko gagawin iyan. Come and call me childish, you will see!

"Bakit po? Tinawag ka rin po ba ni Daddy ng ganyan noon?" Kahit na nasisiguro kong hindi. Mommy is nowhere childish. I just think the worst of Dad because I can picture him being a jerk playboy on Mommy.

"Hindi, anak. Your father says the perfect words with the perfect timing," mapait na sinabi ni Mommy habang ngumingiti.

Nalito tuloy ako kung masaya ba siya o malungkot sa sinabi niya. Maybe both. Because a woman so in love with a cheating man can't be happy. Pero hindi ako makapaniwalang kahit na may hinanakit si Mommy, napuri niya pa rin ang paraan ng panliligaw ni Daddy sa kanya noon.

Perfect words at the perfect time, huh?

Hinaplos ni Mommy ang buhok ko.

"Ano pong pakiramdam ng magkaboyfriend?"

Napatalon si Mommy sa biglaan kong tanong. "Chayo!"

Ngumiti ako. "It's inevitable, Mommy. I am growing up. I am thirteen now and will be fourteen soon. Then fifteen, then sixteen, and so on... I will have a boyfriend and so on..."

"Oo, pero, Chayo ang bata mo pa!"

I remained smiling. Umiling si Mommy at nangiti na lang din sa akin.

"I cannot stop you from doing whatever you like, hija. Pero sana, huwag muna. I don't want your heart to be broken at a very young age. I want you to explore the depths of your feelings but please... I hope you leave your heart and a piece of your soul somewhere secured."

Hindi ko pa lubusang maintindihan iyon pero nakinig ako kay Mommy.

"Love an honorable man in the future... with a whole and unbroken heart," banayad niyang sinabi.

Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 61.6K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...
722K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
6.1K 195 11
Will you take risk for the sake of love?