Short Story Collections

By aLexisse_rOse

68.7K 1K 162

"You don't find love... love finds you!" More

Right Next To Me
Pengeng Piso
Last Love Song (Part One)
Love Last Song (Part Two)

Doon Sa LRT Station

8.6K 307 68
By aLexisse_rOse

A/N:

This story is based on the real life event in Central station happened not too long ago. Naalala ko lang ang tungkol dito nang minsan sumakay kami sa LRT ng co-writer ko habang papunta ng PPC (Precious Pages Corp). Funny it seems but it's the same spot and same station.

This wouldn't have been possible kung hindi sa pangungulit ni Billy Willy Dee :D Siya po ang dahilan kung bakit nasa mundo ng watty ang istorya na ito. And to anonymous guy, whoever and wherever you are... thanks for the unforgetable and kilig moments.

DOON SA LRT STATION

Wala sa loob na napatingin ako sa suot na wrist watch. Hindi naman rush hour ngunit nakakapagtaka na dagsa ang mga pasahero. Halos mapuno ang central station ng mga taong umaasam na makasakay ng LRT train.

Limang train na yata ang dumaan pero bigo pa rin akong makasakay. Sa dami ng mga pasahero ay para na silang mga sardinas na nagsisiksikan sa loob ng bawat bagon. Ngayon ko gustong magsisi kung bakit naisipan ko pang makigulo sa mid-year sale sa SM Manila. Sana pala hindi ako nagpagabi ng uwi at sana pala nagtiyaga na lang akong mag-abang at makipagsiksikan sa jeep.

"Hindi ba tayo pwede doon?" Sabi ng babae sa tabi ko. Napalingon ako at sinundan ng tingin ang tinuturo niya.

"Kung pwede lang, eh di sana kanina pa tayo nakasakay," sagot naman ng kasama nito.

Ang tinutukoy ng babae ay ang special lane para sa mga senior citizen, pregnant woman, PWD at iyong may mga bitbit na maliit na bata. Naka-reserved para sa kanila ang unahang bahagi ng train.

"Halika, i-refund na lang natin ung pamasahe natin. Aabutin tayo ng siyam-siyam dito bago pa tayo makasakay ng LRT."

"Mabuti pa nga at mag-jeep na lang tayo," sang-ayon ng kasama nito at sabay nilang nilapitan ang naka-duty na guwardiya sa entrance.

Napaisip tuloy ako. Kung i-refund ko na lang din kaya ang pamasahe ko at mag-jeep na lang? Subalit binigyan ko pa ng isang pagkakataon ang sarili ko. Isang train pa. Ngunit hanggang sa dumating ang hinihintay ko ay nanatili pa rin ako sa aking kinatatayuan. No dice! Hopeless na talaga ako.

Nanlulumo na pumihit ako patungo kay Manong Guard. Ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa kanya nang may kung anong bumagsak na bagay sa aking harapan. Feeding bottle?

Yumuko ako para damputin iyon at inabot sa may-ari.

"Thanks!" Boses iyon ng lalaki.

Doon lamang ako nag-angat ng mukha. I saw him carrying a little boy. Anak yata niya. Bukod doon ay mga bitbit din itong traveling bag. Halos hindi ito magkandaugaga sa dami ng dalahin.

"Thanks ulit, miss," he said smiling. Napangiti rin ako. Nakakahawa kasi ang maaliwalas niyang mukha. Saka ko naalala ang pakay ko sa katabi niyang guard.

"Manong, ipapa-refund ko po ang card ko."

"Bawal ang refund," masungit nitong sagot. May pagkasuplado pala si Manong Guard.

"Bakit iyong dalawang babae kanina pinayagan ninyong magpa-refund?" Hindi ko napigilan mapasimangot.

"Doon ka magreklamo sa window 4. Ang hirap sa inyo pabagu-bago kayo ng isip. Nahirapan lang ng konti sa pagsakay, magbaback-out na agad," mahabang lintaya nito at hindi na ulit ako pinansin .

Bagaman naiinis sa kasungitan ni Manong Guard ay hindi na ako nagpumilit. Hindi ko rin kayang makipagtalo lalo na sa nakakatanda sa akin. Dismayado na tinalikuran ko na lamang siya. Aalis na sana ako nang may biglang kumalabit sa balikat ko.

"Miss, puwedeng magpatulong sandali?" Tanong sa akin ng lalaki kanina na may karga na bata.

Bago pa ako sumang-ayon ay walang babala na inaabot niya sa akin ang kanyang anak.

"Carlos, kay Ms. Pretty ka muna, ha?"

Sa kabiglaan ay napilitan akong kargahin ang batang lalaki na namimilog ang mga mata na nakatitig sa akin. Sa tantiya ko ay nasa tatlong taon gulang na ito, cute at medyo chubby. Malaki ang pagkakawig ng bata sa lalaking kasama nito.

"Wooh!" Ini-stretch ng lalaki ang mga braso nito na marahil ay nangawit dahil sa mga bitbitin. Bukod kasi sa malaking knapsack na nakasukbit sa likuran nito ay may dala rin itong sling bag at traveling bag.

"Miss, pasensya na sa istorbo. Pahinga lang ako sandali, okay lang ba?"

Tumango lamang ako habang patuloy na nakatitig sa lalaki. Doon ko lamang siya napagmasdan ng mabuti. Hindi siya kaguwapuhan pero masasabi ko na may appeal siya. Maputi rin siya at matangkad pero ang lalong kumuha ng atensyon ko ay nag-iisang dimple sa kaliwang pisngi niya. Cute!

"Miss, sabihin mo lang kung nabibigatan ka na kay Carlos." Magmula kanina ay hindi nawawala ang ngiti niya sa labi kaya naman hindi ko rin maiwasan na mapangiti.

"Okay lang." Mabilis kong sagot. Kahit ang totoo ay nangangawit na rin ang mga braso ko.

"Dido, sino siya?" Matatas na tanong ng bata sabay turo sa akin. Bago pa makasagot ang lalaki ay eksakto naman na may paparating na train. Nagmamadali na isinukbit niya ang mga bitbitin na bag at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.

"Bilis!" Nakarinig kong sabi niya habang hinihila ako patungo sa special lane. Napasunod na lamang ako sa kanya hanggang sa harangin kami ng guwardiya.

"Boss, mag-ina ko!" Bigla akong inakbayan ng lalaki at hinapit palapit sa kanya. I swear, nagtasaan lahat ng balahibo ko sa katawan.

May pagdududa na tinitigan kami ng guwardiya. I forced a smile. Sinakyan ko na lang ang tripping ng kasama kong lalaki. Besides, makikinabang din naman ako roon. "Sige, sakay!" Pagkaraan ay sabi ni Manong Guard. Tinulungan pa niya kami na maisakay ang bitbit na traveling bag ng lalaki.

"Salamat bossing!"

Iginiya ako ng lalaki sa unahang bahagi ng train at magkatabing naupo. Nakaramdam ako ng ginhawa nang sumayad ang pang-upo ko sa upuan. Kanina pa kasi nangangalay ang mga binti.

"Akina si Carlos," sabi ng lalaki at tangkang kukunin ang bata ngunit tumanggi ang huli.

"Ayaw!" Sabi pa nito sabay iling.

"Nakita ka lang ng chicks ayaw mo ng sumama sa akin," nangingiting sabi ng lalaki at pinisil sa pisngi ang bata.

Next station, Carriedo station... Ang susunod na istasyon ay Carriedo station.

"Dido, nagsasalita 'yung train!" Sa sinabi ni Carlos ay napabulanghit ako ng tawa. Hindi lang pala ako kundi lahat ng nakarinig na pasahero. "Nagsasalita' yung train!" Ulit pa niya.

"Hindi iyon train. Tao ang nagsasalita," marahang wika ng lalaki.

"Tao? Eh nasan siya?" Lumingon pa si Carlos na tila hinahanap ang nagsasalita sa intercom. "Wala naman!"

"Nakita mo iyong mama sa loob? Siya iyong nagsasalita," sabi ko naman at ituro sa kanya ang lalaking operator na nasa unahan sa likod ng tinted na pintuan.

Namimilog ang mga mata ni Carlos na sinundan ng tingin ang kamay ko.

"Magtatatlong taon pa lang siya pero napakadaldal na niya."

"Bibong bata. Cute at nakakatuwa."

"I'm Dindo," aniya at inilahad ang kamay sa akin na agad kong tinanggap. Kaya pala Dido ang tawag sa kanya ni Carlos. I couldn't help but smile.

"I'm Alise. Hindi ako makakasakay ng train kung hindi dahil sa tulong mo. Kaya salamat."

"Wala iyon. Pabor din naman sa akin iyon dahil nakalibre ako sa pagbuhat kay Carlos," aniya na may himig na pagbibiro.

"Saan station ka nga pala bababa?" Tanong niya sa akin.

"Sa Monumento."

"Talaga? Doon din kami bababa ni Carlos."

"Dido, piti siya," sabat ni Carlos sabay turo sa akin.

"Crush mo si Miss Pretty? Huy, binata na si Carlos!"

The boy just giggled at pumihit paharap sa akin. Nakakatuwa dahil sa murang edad niya ay marunong na itong mag-appreciate ng tunay na kagandahan. Ehem!

"Kiss kita!"

Hindi na ako nakapiyok nang ilapit ni Carlos ang kanyang mukha at nag-landing ang nanunulis niyang nguso sa pisngi ko. Iyon na yata ang pinakamatunog na halik na natanggap ko na may kasama pang laway. Pero okay lang. His cuteness gave me a light feeling.

"Dido, kiss mo rin siya!"

Napalingon akong bigla sa katabing lalaki. Katulad ko ay nagulat din siya sa tinuran ni Carlos.

"Dali! Kiss mo na si piti!" Pangungulit pa nito.

I blinked. He blinked. Ako ang unang nag-iwas ng tingin at mabilis na binalingan ang bata.

"Carlos, ako na lang ang ki-kiss sa'yo." Isang matunog na halik ang binigay ko sa kanya.

"Kiss mo rin, Dido!"

Hehe... Pilyong bata!

Wala akong narinig mula kay Dindo ngunit sa gilid ng mga mata ay nakita ko na nakatitig lang siya sa akin. Halos manigas ang leeg ko na huwag lumingon sa kanya.

"Ang bata-bata mo pa, pilyo ka na!" Naisip kong sabihin at muling hinalikan si Carlos sa pisngi upang ikubli ang pagkailang na nararamdaman.

"Akina si Carlos, baka nabibigatan ka na."

Bahagya akong napapitlag nang biglang magsalita si Dindo at tangkang kukunin sa akin ang bata.

"Okay lang. Sa Monumento ka rin naman bababa, hindi ba? Doon mo na lang siya kunin sa akin." Pilit akong ngumiti ngunit hindi ko magawang salubungin ang kanyang mga mata.

Hindi na nagpumilit si Dindo at hindi na ulit siya nagsalita pagkatapos n'yon. Hindi na rin ako nag-abala na kausapin siya at sa halip ay nakipaglaro na lamang ako kay Carlos.

Habang tumatagal ang pagtitig ko sa bata ay mas lalo kong nakikita ang similarities nila ni Dindo. Most of his features ay nakuha niya sa lalaki. Kung sabagay hindi na ako dapat magtaka. Natural lang iyon dahil mag-ama sila. Subalit ang pinaka nagustuhan ko ay ang pares ng mga mata niya, may pagkasingkit. Ewan ko ba kung bakit natutuwa ako sa mga lalaking halos wala ng mga mata kung ngumiti. Sayang nga lang dahil taken na si Dindo at mayroon pang anak.

Teka! Ano ba itong iniisip ko? Mabilis kong ipinilig ang ulo at lihim na sinuway ang sarili.

Nang huminto ang train sa 5th avenue station ay hindi ko napaghandaan ang malakas na impact ng pagpreno nito. Mabuti na lamang at may mga braso na maagap na nagprotekta sa akin.

"Ano ba yan!" Reklamo ng matandang babae sa harapan namin na napakapit ng mahigpit sa railings.

"Okay ka lang?" Narinig kong tanong ni Dindo. Tumango lang ako at tumingala sa kanya. Then our eyes met. And before I knew what hit me, my heart just couldn't stop beating crazy. This is not good!

"Dido, niiipit mo na ako!" Biglang sigaw ni Carlos habang pilit niyang itinutulak ang katawan nito palayo. Sa lakas ng boses niya ay nagtawanan tuloy ang mga kasama naming pasahero. Hindi ko mapigilan mapabungisngis habang nangingiti naman na napapailing si Dindo sa pagiging bibo ni Carlos.

Ilang sandali pa ay dumating din kami sa aming destinasyon. Hindi ko maipaliwanag ang kakaibang bigat sa dibdib ko sa nalalapit naming paghihiwalay. Kaya naman nag-insist pa rin ako na kargahin si Carlos hanggang sa tuluyan kaming makalabas ng station.

Maisip ko pa lang na magkakahiwalay na kaming tatlo ay nalulungkot na ako. Gayunpaman ay nagpapasalamat ako sa kakaibang experience ko para sa araw na iyon. Once in blue moon lang akong sumakay ng LRT. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mayroong good-looking guy na magmamagandang loob na tulungan akong makasakay at may bonus pa na super cute na little boy na inaliw ang aking paglalakbay.

"Carlos, hayun si Mommy!" Sabi ni Dindo sabay turo sa babaeng naghihintay sa ibaba ng hagdanan. Iyon marahil ang kanyang asawa.

"Baby ko!" Agad kaming sinalubong ng babae at kinuha sa akin ang bata. "Na-miss mo ba ang mommy? Hindi ka ba naglikot sa biyahe?"

"Ate, anong hindi? Napaka-hyper kaya ng anak mo!"

Ate? Tama ba ang narinig ko?

Hindi pa ako halos nakakabawi sa pagka-shocked nang ipakilala ako ni Dindo sa kanya.

"Ate, siya nga pala si Alice. Kung hindi dahil sa kanya baka sinukuan ko na ang kakulitan ng bulunggit na ito." Pabirong ginulo ni Dindo ang buhok ni Carlos at muling tumingin sa akin na may ngiti sa kanyang mga labi.

"M-magkapatid kayo?" Hindi ko gustong itanong iyon pero kailangan kong makasiguro.

"Yup. Magkapatid kaming dalawa kahit hindi halata," pabirong sagot ng babae. "Ako nga pala si Elena at anak ko ang makulit na bulinggit na ito."

"Hello po..." Pagkatapos ay pasimple kong binulungan si Dindo. "Bakit hindi mo sinabi sa akin na pamangkin mo pala si Carlos?"

Bago pa ito makasagot nang muling magsalita si Elena... este si Ate Elena pala!

"Alice, maraming salamat sa pag-aalaga mo kay Carlos. Ang totoo ay napanatag ang loob nang sabihin sa akin ni Dindo sa text kanina ang tungkol sa'yo. Hindi mo lang alam kung gaano ako nag-aalala."

Now, it was my turn to smile. "Ang totoo ako nga po ang dapat magpasalamat kay Dindo. Kung hindi dahil sa kanya-" Hndi ko naituloy ang sasabihin nang biglang sumingit si Dindo.

"Ate, hindi mo lang alam kung gaano kami pinahirapan at pinagod ni Carlos sa biyahe. Mabuti na lang talaga at nandyan si Alice para tulungan ako!"

"Oo nga, ililibre na kita ng dinner. Puwede na ba iyon bilang kabayaran sa paghihirap mo? Alice, sumama ka na sa amin."

"Huh?"

Hinawakan ako ni Dindo sa kamay sa aking pagkamangha. "Sumama ka na. Alam mo ba na minsan lang manlibre si Ate Elena?"

Hindi na ako nakatutol ng bigla na lamang niyang hilahin patungo sa kalapit na fastfood store. Well, kahit naman hindi niya ako pilitin ay hindi naman ako tatanggi.

I think this is it! Malakas ang pakiramdam ko na lovelife na ang kasunod nito.

The End.

Continue Reading

You'll Also Like

3.1M 37.7K 106
CURRENTLY EDITING (SOME CHAPTERS AY WALA) "Minahal kita ng tapat at wagas. I did everything to make you stay. But, I guess hindi kayang burahin nang...
648K 7.9K 74
EDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga...
9.4M 190K 73
(COMPLETED) Published under RISINGSTAR Printing Enterprise (149.oo only) Available in all leading bookstores Nationwide- you can also order the book...
2.1K 244 45
Vasquez Series #1 Lianne Lualhati, a college student, finds herself captivated by the daily horoscope readings that seem to perfectly align with the...