Pengeng Piso

314 15 7
                                    

A/N: A memory of my childhood days. Wala lang bigla ko lang naisip iyon masasayang araw ko noong high school days. By the way, some parts of this story are inspired from real events. Enjoy and have a happy reading.

PENGENG PISO
(a short story)

Pengeng papel.

Pengeng pulbo.

Pengeng candy.

Penge nito, penge niyan.

Lahat na lang yata sa loob ng classroom ay hinihingi. Ultimo piso ay hinihingi na rin... At ako naman itong si utu-uto ay hindi man lang nagdalawang-isip na ibigay ang madalas niyang kinukulit na piso. Ngunit sa sobrang pagiging mapagbigay ko, bago ko pa namalayan... Hindi lang pala piso ang binigay ko kanya kundi pati na rin ang aking batang puso.

Nagsimula ang lahat nang maging kaklase ko si Randy noong second year high school. Hindi ko siya pansin noong una. Hindi naman kasi siya kasing guwapo katulad ng crush ko na si Lance. Hindi rin siya katangkaran. Sa tantiya ko mas matangkad pa yata ako sa kanya ng konti. Bukod doon ay medyo tahimik din siya kumpara sa mga maiingay at magugulo kong mga kaklaseng lalaki. Palibhasa nanggaling si Randy sa kabilang section kaya naman iilan lang ang kakilala niya sa klase. Hindi rin siya palakibo at madalang siyang makilahok sa mga recitations.

Mabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa sumapit ang buwan ng Enero. Dahil unang biyernes, mayroon misang ginanap pagkatapos ng flag ceremony. Pagkatapos ng misa ay nag-uunahan kaming magkakaklase na makarating ng classroom. Iyon kasi ang pagkakataon namin na makahanap ng magandang arm chair dahil karamihan sa mga ginagamit namin ay kung hindi sira ay mayroon naman diperensya.

Buong akala ko ay ako kauna-unahang nakarating ng classroom iyon pala ay mayroon mas nauna pa sa akin. Nadatnan ko si Randy na tahimik na nakaupo sa dulong bahagi malapit sa bintana. Ewan ko ba kung anong mayroon ang puwestong iyon at madalas na pinag-aagawan iyon ng karamihan sa mga kaklase ko.

Walang kibo na tinungo ko ang paborito kong puwesto sa gitnang bahagi ng row one at hinagilap agad ang inaasam na upuan. Ngunit ganon na lamang ang tuwa ko dahil nasa mismong puwesto ko ang pinakamagandang arm chair sa loob ng silid-aralan na iyon. Kung sinusuwerte nga naman!

"Nakaka-distract naman itong upuan ko. Umuuga!" Reklamo ng buddy-buddy ko na si Emmalyn na palagi kong katabi sa lahat ng asignatura. Bukod na maiksi ang isang paa ng kanyang upuang kahoy ay sira rin ang sandalan nito.

"Ang bagal mo kasi!"

"Hindi mo man lang ako pinag-reserve ng magandang upuan." May himig na pagtatampo na sabi pa niya.

"Ikukuha sana kita ng maayos-ayos na upuan kaya lang naunahan ako nila Edward at Badyong. Alam mo naman ang dalawang iyon madalas mang-agaw ng upuan." Ang tinutukoy ko ay ang mga kaklase na puro kapilyuhan yata ang laman ng utak. Bago pa makapag-react ulit si Emmalyn ay dumating na aming guro, si Mrs. Santiago.

Hindi ko malaman kung sinusuwerte lang ako o natataon na lang. Sa araw-araw kasi ay palaging maganda ang arm chair na napupunta sa akin. Hindi ko na kailangan makipag-agawan sa mga kaklase dahil pagdating ko ng classroom ay naroon na ang upuan na tila naka-reserved para sa akin.

"Baka may secret admirer ka," panunukso sa akin ni Emmalyn.

"Sa taba kong ito sino naman ang magkakagusto sa akin?"

"Kung mataba ka, eh ano pa ang tawag sa akin?" Balik-tanong nito. "Friend, hindi ka mataba. Akala mo lang iyon kasi marami ka pang baby fats sa katawan."

Gayunpaman, kung ikukumpara ako sa mga kaedad ko na teenager masasabi ko na malaman at malaki ang built ng aking katawan.

"Alexa, may candy ka pa ba d'yan?" Patuloy akong kinukulit ni Badyong at talagang hindi niya ako tinigilan hangga't hindi ko siya binibigyan ng candy.

Short Story CollectionsWhere stories live. Discover now