Lurking in the Shadows

By FriagneAglia

292K 4.1K 165

Love. Possessive. Obsession. Being possessive of him is the way I started loving him. Nakaya kong gawin ang i... More

Foreword
Love: Indirect kisses
Love: Office girl
Love: The hero
Love: Bulacan Trip
Love: Broken Marriage
Love: The Legal Boyfriend
Love: Who's the Boss?
Love: Complicacy
Love: I'm not okay
Love: Feel the Changes
Possessive: Birthday Wishes
Possessive: Je ne peux pas partir sans vous
Possessive: Sisters Trouble
Possessive: Cydney Maris
Possessive: Quarrel
Possessive: Size Matter
Possessive: I like him
Possessive: All About Us
Possessive: Reluctant
Possessive: Intimate
Possessive:You never fail to suprise me
Possessive: Changes and assurance
Obsessive Love: Complication begins
Obsessive Love: Hot and Cold
Obsessive Love: Talk about past
Obsessive Love: The Missing Piece
Obsessive love: Another Lovestory begans
Obsessive Love: Why he acts like like that?
Obsession Love: The Wrong Indication
Obsessive Love: Under the white Christmas tree
Obsessive Love: Who do I believe?
Obsessive Love: Façade [ Part I ]
Obsessive Love: Façade [ Part II ]
Obsessive Love: He was wrecked, she was hurt [ Part I]
Obsessive Love: He was wrecked, she was hurt [ Part II ]
Obsessive Love: Lurking in the Shadows
Obsessive Love: You'll never find another me
Obsessive Love: Saudade [ Part I ]
Obsessive Love: Saudade [ Part II ]
Obsessive Love: Whirlwind Romance
Obsessive Love: The Naked Truth
Aftermath: The Final Goodbye
Aftermath: Wake-up Call
Aftermath: I'll Never Leave You
Aftermath: Our Angel
Aftermath: For the Sake of Love
Special Chapter: The First Love of Alliah (Part I)
Special Chapter: Lynne's Weaknesses (Part II)
Special Chapter: Little Herreras (Part III)
LITS: Facts and Questions

Love: Say It

7K 103 5
By FriagneAglia

Chapter Six: Say it

Weird. Isang salitang magde-describe kay Clade ngayong araw. Mula kaninang katawagan ko si Lynne ng umaga hanggang sa ngayon ay ganon siya. Di ko alam kung may narinig siya o ano. Kung may marinig man, ano naman?

"C-clade ano ba, natatakot na ko sayo." pag-amin ko at tinulak na siya upang malayo sakin. Nakakatakot kasi, ilang minuto lang din siyang nakatitig sakin ng di nagsasalita. Basta lang ay nakatitig siya pero alam kong malalim ang iniisip niya. Nagulat siya sa ginawa ko at biglang pumasok ng bahay. Napasandal ako ng tuluyan sa kotse. 'Yung mga ganong tingin, nakakatakot. Nakakalambot ng tuhod.

"Nak, di ba kayo mamasyal?" Nawala ang iniisip kong nangyari kaninang umaga ng nagsalita si mama na nakaupo sa tabi ko. Nanunuod kami ng tv sa sala. Nakataas pa ang dalawa kong paa at nakayakap ako sa aking binti. Kalahating araw na kaming nakatanga lang sa tv show. Wala naman atang balak maglibot ni Clade eh, nasa taas lang siya at di lumalabas. Ayoko namang puntahan dahil di ako makaget over sa titig niya kanina. Para siyang may gustong sabihin na di mapairating sakin. Di ko naman gets at di mahulaan.

"Businessman pala siya no?" siniko pa ko ni mama. Umusog ako palayo para di niya maabot. Kanina pa 'yan tanong ng tanong about Clade. Di ko nga sinasagot. Alam ko namang ininterview na nila si Clade kanina. Kaya siguro na badtrip. "Kaso ang babaw naman nun." bulong ko sa sarili.

"Anong mababaw?" tumingin ako kay mama. Chismosa talaga! Narinig pa 'yun, bulong na nga lang.

"Alam kong di tayo close, Cyrish. Pero ina mo ko, dapat ang mga ganyang bagay alam ko. Ilang taon ng kayo ha? Di ka nagsasabi. Alam kong may pagkukulang kami ng ama mo pero sana naman ipakilala mo lahat ng nagiging nobyo mo. Di 'yung magugulat na lang kami bigla," aniya Napailing ako, hirap talaga ng mahilig sa mga telenovela. Isinasabuhay!

"Di ko siya boyfriend, Ma. Please lang, at di ka magaling umarte." tumayo na ko. Naglakad na ko paalis ng sala ng magsalita siya. "Cyrish, di ako nakikipagbiruan sayo. Seryoso ko, alam kong may mali sa pagpapalaki namin sayo pero sana naman ipaalam mo sa amin ang nangyayari sa buhay mo sa Maynila."

Di ko na siya nilingon at pumanik na lang sa taas. Ayoko talagang nakakarinig ng mga ganoong bagay sakanila. Kahit naman magkwento ko sakanila, di nila maiintindihan. Ano nga bang pake nila? Puro lang naman sila away sa harap ko o sa ibang tao. Kinalakihan ko na nga ang ganong sitwasyon! Idinadaan ko na lang sa ngiti para hindi na ko maging malungkot sa kinahinatnan ng buhay nila.

Wala sa isip kong binuksan ang pinto ng kwarto ko, naalarma ko ng makitang nakaupo si Clade sa kama habang hawak ang cellphone at sinusuri ako ng tingin. "Are you okay?"

Umayos ako ng tayo at ngumiti ng pilit. Dito ko magaling, sa pagtatago ng lungkot ko sa ibang tao. Akala nila masaya ko palagi, akala nila perfect ang buhay ko. Psh, kung pwede lang kaso nobody is perfect!

Isinara ko ang pinto at nahiga sa kabilang side ng kama. Inunan ko ang kamay ko habang nakaharap sa kanya. Umiwas ako ng tingin ng magtama ang mata namin. Nakatingin pa din siya at alam kong di siya naniniwala sa ngiting pinakita ko sa kanya kanina. "Im okay." I smiled, mas tunay kesa sa kanina.

"You're not."

"How sure you are?" Tinignan ko siya. He shrugged, "I feel it. Bakit dahil ba sa kanina?"

"Okay ako."

"Don't lie to me. Kilala na kita. Kung dahil sa kaninang inasal ko, sorry. Di ko lang maiwasan."

"Maiwasan ang ano?" Kesa sumagot ay ngumiti lang siya kasabay ng paghaplos ng buhok ko. The nerve of this guy! Mas nacurious ako dahil sa inaasal niya. 

"Ano nga?"

"Wala."

"Ano nga kasi?" umiling siya. Sinundot ko ang tagiliran niya kaya napanlakihan niya ko ng mata. Tumawa ako, "What? Sabihin mo na kasi.."

Di siya sumagot at nagpatuloy lang sa paghaplos ng buhok ko. In a way, narerelax ang isip ko sa ginagawa niya. Nakakawala ng stress. Nakakawala ng kadrahaman ng buhay.

"Sabihin na kasi.." pangungulit ko pa ng ilang mintuo ang lumipas. "Ayoko, mamaya pagsisihan mo 'pag nalaman mo.." turan niya. Napatameme ako, para kasing may laman. Yung tipong ayaw mong marinig dahil matatakot kang baka magpabago ito ng aspeto at pananaw mo sa buhay.

Natahimik kami ng ilang minuto ng walang kibuan. Sadyang sounds lang ng tv sa baba ang naririnig namin. Tulala ako habang siya ay patuloy sa paghaplos ng buhok ko. Naalala ko ang sinabi ni Lynne, 'Mahirap mamangka sa dalawang ilog.'

Di naman ako namamangka sa dalawang ilog, diba? Di ako nagcheat kay Rod. Sumama lang ako kay Clade bilang kaibigan. Walang flings na nagaganap. At di talaga dapat dahil masama 'yon. Nakita ko kay Lynne ang epekto ng mangyari 'yon sakanya. Iniwan siya parehas. It's bad and I should not do the same thing.

"Cyrish."

"Hmm?"

"Magbihis ka, aalis tayo." tumayo na siya at bumangon na din ako. Tinignan ko siya ng nagtataka. "Alam kong ayaw mo rito sa bahay niyo, aalis tayo para sumaya ka. Magdala ka ng extrang damit."

"Bakit?" tanging nasabi ko. Paano naman nakakapagtakang alam niyang ayaw ko sa bahay na 'to. Nakakasuffocate kasi. Puro negative vibes ang nalalanghap ko.

"Don't ask, just obey me." aniya at lumabas ng kwarto. Napatunganga ako doon, so siya ngayon ang masusunod? Ganern?

I followed his instructions. Nagdala ko ng extrang damit kahit di ko alam kung saan ang punta namin. Alas dos na ng hapon ng nakaalis kami ng bahay dahil pinagawa pa niya ko ng sandwiches at juice. Pinalagay pa niya sa basket kasama ang niluto niyang adobo. Nagsaing din siya at naloloka ko, di ko alam kung bakit may ganito. Di ako inform na mahilig pala siya sa picnic!

"Saan ba punta natin?" tanong ko ng nasa biyahe na kami. Siya ang nagpaalam sa magulang ko at um-oo naman dahil malaki kaagad ang tiwala nila kay Clade. Lalo na si mama, halos tinulungan pa nga niya sa paghihiwa ng baboy si Clade at pamamalengke ng sangkap.

Akala nila si Clade ang boyfriend ko. Ilang beses ko ng itinaggi pero di sila naniniwala. Bakit nga naman hindi, e' first time kong magsama ng lalaki sa bahay. Kahit sino naman ata iisipin ay ganon, kasama ko pang umuwi at nagbakasyon.

"Doña Remedios Trinidad." simpleng sagot niya habang pasilip silip sa daan at sa gps. Okay part pa din naman ng Bulacan 'yun but ano meron don? Di pa ko napupunta don dahil malayo sa Malolos, Bulacan.

"Anong pupuntahan natin dun?" usisa ko, aba, magpicnic na lang sa malayo pa gusto? Kaloka si Clade! Kungsabagay ayoko naman sa bahay!

Di siya sumagot kaya tumunganga na lang ako sa pagtingin sa labas. Halos isang oras din ata akong nakaupo at nakatahimik sa biyahe. Pinarada niya ang sasakyan sa kalsad at pinatay ang makina.

"Eto na 'yun?" tanong ko. Ang nakapaligid lang naman samin ay ang kalasada at iilang bahay.

"Cy naman.." tinignan niya ko ng bored look. "Lalakarin pa natin."

"Ahh.. sabi ko nga!" ngumiti ako at bumaba na ng sasakyan. Kinuha niya ang wooden basket, nalasukbit sa malaki niyang braso ang bag. Halos ako nga ang walang dala, naglakad lang kami sa gilid ng kalsada.

"Ang init!" sabi ko ng naglalakad na kami sa mabato at parang magubat something. Ang tirik ng araw, alas tres palang kasi ng hapon.

"Tiisin mo, matutuwa ka mamaya." ani Clade na may pawis na din, lalo sa noo. Naghesitate pa kong punasan ng panyo pero dahil mabait akong tao. Pinunasan ko na, nagulat pa siya na kinahinto niya ng lakad. Tinignan niya ko ng nagtatanong. Ngumiti lang ako at tinulak siya sa braso para magpatuloy lumakad. Ang cute niya kapag nagugulat. Parang kanina lang din nung sinundot ko 'yung tagiliran niya.

"Magandang hapon, Ma'am sir." bati ng lalaking nakasalubong namin. "Bibisita po ba kayo?"

Tumango si Clade at kinausap yung lalaki. Tourist guide pala 'yon. Dinala niya kami sa lugar na hanggang ngayon di ko alam.

"Saan ba talaga?"

"Wag kang makulit." Hinawakan ni Clade ang kamay ko sa part na kung saan mabato ang daan para di ako matalisod. Napakunot ang noo ko ng huminto siya sa harapan ko. Ang nakaharap ko tuloy ang leeg niya. Tinagilid ko ang ulo ko para masilip ang tinatakpan niya pero tinakpan lang niya ang mata ko.

"Oy ano ba! Parang tanga ah." tinatanggal ko ang kamay niyang nakatakip sa'kin. Yung hawak niya kasing basket ay dinala nung tourist guide, nag-insist pa si Clade kaso mas mapilit yung mabait na tourist guide. Nilakad niya ko, narinig ko naman ang huni ng mga ibon, lagaslas ng tubig.

"Ma'am sir, swerte nyo at kaalis lang nung pamilyang kaninang nandito. Maeenjoy nyong dalawa 'to. Solo nyo ang Vervidia falls!" rinig kong turan nung tourist guide. Vervidia falls? May ganon ba rito sa Bulacan?

Dahan-dahang tinanggal ni Clade ang kamay niya sa mata ko. Nag-adjust pa ang mata ko sa tanawing breathe taking. Napangiti ako habang namutawi ang salitang, "Wow!"

Nangiti din si Clade at ang tourist guide. Nagsabi lang ng mga do's and dont's ang touruist guide at nagpaalam na. Babalik na lang daw siya mamayang magdidilim. Napailing pa nga ako sa huli nitong sinabi, "Iiwanan ko na kayo ng makapagsolong magsyota."

Bakit ba lahat na lang napapagkamalan kaming magsyota? Err, syota. Short time 'yun, diba. Anyway, I don't care.

"Are you happy?" nilingon ako ni Clade. Naglalatag ako ng cloth para sa kakainan namin mamaya, nilapag ko don ang basket para di hanginin. Ang lakas kasi ng hangin dito dahil ang daming punong nakapaligid. Kaya pati ang mga ibon ay masayang lumilipad sa taas.

"You're not. Why?"

"Wala," nagkibit balikat ako at naupo sa nilatag ko. Ayan parang picnic na ang peg namin, plus the water falls. Ang linis talaga nung tubig, halatang naalagaan ng mga taga-rito. Siguro di pa din nadi-discover kasi kahit akong Bulakenya, di ko alam na meron palang waterfalls dito sa bulacan area.

"Wala kang balak magswim?" tanong ko kay Clade na nahiga lang sa may tabi ko. Nakapatong ang ulo niya sa dalawang braso niya. Nakashades pa ang mokong!

"Ikaw ba? Di ka naman masaya. Psh,"

Ngumisi ako, arte. "Lalangoy ako, maya maya."

"Bahala ka, hanggang alas sais lang tayo rito." babala niya.Three hours pa naman, matagal pa. Tahimik siya kaya tumahimik din ako. Niyakap ko ang binti ko. Ninamnam ko na lang ang surroundings. Nakakarelax ang hangin. Napakasariwa, di tulad sa Manila na usok at alikabok ang malalanghap mo. Masarap talaga kung minsan ay mapupunta ka ng probinsya. Di naman totally probinsya ang itsura ng Bulacan but the freshness of nature, still the same.

"Clade.."

"Hmm?" napasimangot ako nung di ko makita kung tulog siya o ano. Nakashades kasi, anyway mas magandang nakashades na lang siya para di ako madistract sa sasabihin ko.

"Diba alam mo naman ako, kung ano ang maisip. Sasabihin.." tumango lang siya. Nakagat ko ang labi ko, "Kasi may nagsabi na namamangka daw ako sa dalawang ilog."

Di siya umimik kaya nagpatuloy ako. "E, hindi ako mapalagay kakaisip kung totoo ba. Alam mo 'yung pinagdududahan ako-"

"May dapat bang pagdudahan?" naupo siya at tinanggal ang shades niya. Nagtama ang tingin namin at napakaseryoso ng mata niya. "Sabihin mo, Cy. May dapat ba silang pagdudahan sa'tin?"

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Di ko maiiwas ang tingin ko dahil parang nadikit na ata ng glue. Di na ko nakapagsalita dahil parang umurong na ata ang dila ko.

"Kasi kung ako ang tatanungin, oo meron. I love you," nanlaki ang mata ko sa pag-amin niya. Bumaba ang tingin niya sa labi kong nakauwang, hinawakan niya ang pisngi ko at hinaplos ito. Sa di malamang kadahilanan ay di ako nagpumiglas. "and I know that you love me too."

Tumayo siya at lumayo. Pinagmasdan ko lang siya dahil di ako makapagsalita. Hinubad niya ang white t-shirt niya ng nakatalikod sakin, nakaharap sa falls. Napaiwas ako ng tingin dahil don, nag-init ang pisngi ko.

"B-but this is wrong, Clade." lakas loob kong sinabi ng tumayo ako. Wala na kong dapat pang ideny, alam ko namang sa sarili ko na gusto ko siya. Ayokong magsinungaling sa sarili ko pati sa kanya ngunit mali. Maling mali. "Dapat pigilan ko 'to. May boyfriend ako,"

Nakita ko ang pagtaas baba ng balikat niya na parang galit. "Sige lang pigilan mo, paano naman ang nararamdaman ko para sayo? Paano ko?"

"Pero alam mo namang may-"

"Boyfriend, boyfriend! Damn that guy!" sigaw niya at hinarap ako. Kita sa mata niya ang galit sa mga pinagsasabi ko. "How about me, huh, Cy? How about my feelings for you. Hinayaan mo lang akong magkagusto sayo at bibitawan mo ko ng ganito?"

"I'm sorry. Di ko alam na magkakagusto ka din sa'kin. Akala ko ako lang, akala ko mawawala din 'to pero hindi e. I don't know what to do, Clade! Dapat nilayuan nakita noon pa... kaso di ko magawa! I don't want to give up our friendship..." sabi ko sa kanya. Lumapit siya sakin at niyakap ako. Pumikit ako para di maiyak sa nararamdaman ko ngayon. Feeling ko ang sama sama kong tao. Nagkagusto ko sa iba dahil nawala ang boyfriend ko nang halos tatlong buwan, nagkulang siya pero mas nagkulang ako. Kung sana di ako nag-entertain ng iba, di ako magkakaganito. Somehow, it's all my fault.

I don't know how it started, di ko alam kung kailan nagsimula. I just feel it.

"Don't give up on me, Cy." bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Napalunok ako. Paano? "This is wrong, Clade. We should stop this feeling... kung ayaw nating masira ang friendship natin."

"No, di kita papakawalan lalo pa't nagsalita ka na.." humigpit ang yakap niya na parang takot siyang maagaw ako. "If stealing the woman I loved is a crime. I'm willing to be rot in jail just to be with her. I can do everything just for you. Can you do the same?"

Bumitiw siya sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Tinignan niya ko sa mata, "Can you do the same for me,huh, Cy?"

"I don't know. Basta ayoko kitang pakawalan. Ayaw ko din siyang mawala. Di ko alam ang gagawin, naguguluhan ako. Im selfish." I honestly said directly to his mesmerizing eyes. Tumungo siya at ilang saglit ay ngumiti. Alam ko... alam kong napipilitan lang siyang ngumiti. Nahihirapan siya ng dahil sa akin. Ramdam ko 'yon sa bawat paghinga niya.

"Im sorry. Di ako makapipili ng ganon lang. Amg hirap niyang bitawan dahil-"

"Don't say it, Cy. I knew you're a candid woman who never hesitates to say exactly what's on her mind but please, don't say it." kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon habang nakatingin sa mata ko, nung una palang alam ko ng attracted ako sakanya, sa elevator pa lang ramdam ko na pero di ko iniwas. Alam kong dadating sa ganito. At di ko na predict na ganito kahirap dahil ang akala ko... walang aminang magaganap dahil one sided at madaling makakalimutan ng puso ko.

"Kaya kong maghintay para sayo. Just say it, im willing to take risk. Just say that you love me too. Na may laban ako sa pagmamahalan nating dalawa.' hinalikan nya ulit ang kamay ko at lumayo na. Naglakad siya at tumalon sa falls. Napatunganga ako habang siya at lumalangoy. Anong gagawin ko?

Maling mali ito dahil may boyfriend ako. Mahal ko si Rod, mahal ko pa nga ba? Minahal ko din si Clade. Di naman pwedeng dalawa sila. Di pa nga kami nagkakaayos-gusto ko pa nga bang magkaayos pa kami? Kung di rin siya nagkulang, edi sana walang ganito. Kaso kung loyal ako, edi sana nagpakafaithful ako. Kainis! Ako na, ako na ang salbahe! Ako na ang may mali, totoo namang ako ang dahilan. Aminado ako.

Minahal ko si Clade sa maling paraan. Ang bilis lang ng sakanya. Halos buwan lang, di tulad ng kay Rod na taon. Pero paano kung walang Rod na boyfriend ko. Kami na kaya? Di na ko mahihirapan ng ganito? Oo ako na malandi, psh. Nagmamahal lang sa maling panahon at oras. Kainis, gasgas na reason.

Ang gulo! Torn between two lovers?

Natauhan ako ng makaramdam ng may nakatingin. Iyon pala ay si Clade. Nasa may gitna siya at tinititigan ako. Hinihintay ang isasagot ko. Lumapit ako sa falls at tumalon na bago pa mapaupo sa sahig. Ang lagkit kasi tumingin ng lalaking 'yun, nakakalambot ng tuhod. Naramdaman ko kaagad ang lamig ng tubig, kitang kita ang ilalim ng tubig dahil sa kalinisan. Niyakap ko ang sarili ko dahil nakaputing t-shirt ako, nakikita ang brassiere ko. Nakatitig pa naman sa bawat galaw ko si Clade, mahirap na.

"Whats your answer then?" sigaw niya. Malayo siya sa'kin at hinihiling kong wag siyang lalapit. Nakakapanghina kasi, tsk!

Naalala ko pa ang sinabi ko noon para kay Lynne ng pinagbawalan ko siya sa pagtwo-time, "Kapag mahal mo sila parehas, timbangin mo kung sino ang mas angat. Take risk. Nasa sayo naman kung hahayaan mong palaguin ang feelings mo para sakanilang dalawa. Basta tandaan mo lang na baka sa huli, ikaw ang masaktan." Bullshit. Ako ang nag-advise, ako din pala ang mag-a-apply sa sarili. How great!

I want to be happy. Even just for today. I should take risk, i am responsible for my feelings.

Lumangoy ako papunta sakanya. Nang nakalapit ako ay hinalikan ko siya sa labi. Kinakain ko din ang sinasabi ko kanina. Bahala na kung masaktan ako bukas, basta gusto kong matikman ang pagmamahal na kayang ibigay ni Clade ngayon...

"I love you too, Clade."

***

Continue Reading

You'll Also Like

Clara By mika 🌸

Short Story

16.4K 389 12
HIJA Series #1 (COMPLETED) Ako si Clara. Ito ang aking kwento.
712K 17.1K 77
"Just let us have the baby, sed..." Pagmamakaawa ko. "Ayokong may kahati sa atensyon mo." He seriously said. "Nababaliw kana." Hindi makapaniwalang...
4.6M 191K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
74.7K 1.1K 46
He is a nerd...but he is not just an ordinary nerd. A nerd who knows not only the history of the world but also the world of pleasure. A nerd who can...