If I Fall (Taglish)

By shirlengtearjerky

13.9M 234K 47K

Tagalog/English [PUBLISHED UNDER POP FICTION - 2017] More

If I Fall
0.5: You're The One That I Want
Chapter 1: First Day High(way to hell) Part 1
Chapter 2: First Day High(way to hell) Part 2
If I Fall Chapter .5 (#2) - You're The One That I Want
Chapter 3: Second Day's The Charm?
Chapter 4: SASSA
Chapter 5: Spell Physics? H-E-L-L!
Chapter 6 - Honors Class
Chapter 7 - Uh oh.. Secret Revealed?!
Chapter 8: Ex Marks The Spot
Chapter 9 - What Goes Around Must Come Back Around
Chapter 10: Friday I'm in...?
Chapter 11: The Devil Made Me Do It
Chapter 12: You, Me, Plus The Devil Makes Three
Chapter 13 - Not My Cup of Tea
Chapter 14: Knight in Shining.. NOT!
Chapter 15: A Night Like This
Chapter 16: The Thing With First Impressions
Chapter 17: Picture To Burn
Chapter 18: Academics For Dummies
If I Fall Chapter .5: You're The One That I Want (#3)
If I Fall Chapter 19: Stuck With You
If I Fall Chapter 20: Hot For Hoops, Not For You
If I Fall Chapter 21: August Rush
If I Fall Chapter 22: Tipping Point
If I Fall Chapter 23: The Clash
If I Fall Chapter 24: Flashback (Janine)
If I Fall Chapter 25: The Mixed Tape
If I Fall Chapter 26: Twelve Hours
If I Fall Chapter 27: No Good Without You
You're The One That I Want Update (#6)
If I Fall Chapter 28: Who's Who
If I Fall Chapter 29: Every Night Is Another Story
If I Fall Chapter 30: To Date Or Not To Date, That Is The Question
If I Fall Chapter 31: Switcheroo
If I Fall Chapter 32: Two Trick Pony
You're The One That I Want Update #7
If I Fall Chapter 33: Fourth Comings
Chapter 34: Harder To Breathe
Chapter 35: Your Ex Girlfriend Sucks
Chapter 36: Inexpressible Love (n)
Chapter 37: All The Small Things
Chapter 38.1: On The Side Of Me
Chapter 38.2: Please, Please, Please Let Me Get What I Want
Chapter 38.3: Lost In Space
Chapter 38.4: You And I
Chapter 39: October Blues
Chapter 40: Hands All Over
Chapter 41: Pep Rally
Chapter 42: Rumor Has It
Chapter 43: Flashbacks (Vivien)
Chapter 44: Friends, Lovers or Nothing
Chapter 45: MTF.. BCWSBF?
Chapter 46: What Are You Willing To Lose?
You're The One That I Want Updated #8
Chapter 47: Weights And Measures
Chapter 48: The First Cut Is The Deepest
Chapter 49: Fuschiang Pag-ibig. Track 01
Chapter 50: The Unopened Letter To The World
You're The One That I DO NOT Want
Chapter 51: Champagne For My Real Friends, Real Pain For My Sham Friends
Chapter 52: I Know It's True, But I'm Sorry
Chapter 53.1: Memory Lane [First Year]
Chapter 53.2: Memory Lane [2nd Year]
Chapter 53.3: Memory Lane [3rd Year]
Chapter 54: Are You True?
Chapter 55: Turning My Safety Off
Chapter 56: Twenty Three
Chapter 57: Truth, Bitter Truth
Chapter 58: (I Just) Died In Your Arms
Chapter 59: Yet
Chapter 60: There Is A Light That Never Goes Out
Chapter 61: Love Is A Losing Game
Chapter 62: Perfect Little Secret
Chapter 63: Bad News For People Who Love Good News
Chapter 65: Evidence
Chapter 66: I Can't Lie
Chapter 67: Show Me What I'm Looking For
Chapter 68: Steal Your Heart
Chapter 69: As Long As It Matters
Chapter 70: I Can't Make Me
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (I)
Chapter 71: The Worst Day Since Yesterday (II)
Chapter 72: I Would Do Anything For You
Chapter 73: Stand By Me
Chapter 74: Forever Young
Chapter 75: Time Of Our Lives
One Last Angry Look
Author's Note: If I Fall Sequel

Chapter 64: You Know I'm No Good

109K 2.8K 1.3K
By shirlengtearjerky

Chapter 64: You Know I'm No Good




Dedicated to the Sethizens & Sethrang shippers! Matutuwa siguro kayo dito. Bakit?



Kasi this chapter ay puro POV LANG NI SETH.. feat. Barbs as well.



Hehehehe. Comment and vote if you liked the chapter! Sana magustuhan nyo XD



PS: 11 to go 




**




Isa sa ayaw ko dito sa babaeng 'to ay yung bibig nya.




"P*TANGINA SAN MO BA AKO BALAK DALHIN!? KAKASUHAN KITA NG KIDNAPPING!! O DI KAYA EXTORTION OF MONEY!!"




What the fck is she talking about? Nakakainis talaga 'to. Sarap busalan ng bibig! Wag ko nga sagutin to.




"HOY HAYOP KA KINAKAUSAP KA NG MATINO!! PUNYETA ANO KA BINGI?!" she grabbed my shoulder. "KAILANGAN MO BA NG HEARING AID!!!"



"Oh shut up."



She gaped at me, para bang sya pa 'tong offended. Pano naman kaya ang tenga ko? Di na sya naawa? "Shut up!? HAYOP KA SHUT UP KA DYAN! YOU'RE WASTING MY PRECIOUS TIME!!"



"Right back at ya." Mas nainis pa sya sakin.



Teka, pano nga ba kami napunta sa ganito?




*FLASHBACK*




Oo, exempted ako sa Math exam namin this week. Nakalimutan ko na exempted nga pala ako dun. Sorry naman diba? Boring naman kasi pumasok.



Dapat babawiin ko nga sa kanya yung pustahan, unfair naman kasi yun na exempted ako tapos sya nagrereview nang mabuti. Kaso di ko sya mahagilap sa building. Nung nagkita naman kami, galit na naman sya. Why is she PMS-ing everyday? Di ko talaga magets. Ako pa nga nagcheck ng paper nya, imba taas! Siguro kung di ako exempted panalo talaga sya, ang mali lang nya sa True or False. Nagulat ako na nandun sya sa cubicle ni Ma'am. Babawiin ko pa naman sana kung tatambay sya sa bridge. Kaso ayun.. ako nga nanalo.



Babawiin? Di na! Natuwa ako sa reaksyon nya eh. Tataas yung kilay nya tas magsasalubong.. lalaki butas ng ilong.. tapos yung masakit sa tengang boses nya. It really amuses me.




Ako panalo. Ako magdedecide kung anong gagawin nya.




"ARE YOU FCKING KIDDING ME!?! ARE YOU FCKING KIDDING ME!?"



Puro ganyan ang sigaw nya nung nagkita kami sa bridge, kahapon, Friday. Pinag-isipan kong mabuti kung anong ipapagawa ko sa kanya.



"Bakit ka umaangal dyan? Di ba ikaw ang nagsabi na pustahan tayo?"



Her nostrils flared. Again. Nakakatawa. "I did not!! Hoy gago ka wag na wag mong ibabalik sakin!! TSAKA EXCUSE ME I AM NOT YOUR TOY!! BAKIT KO NAMAN GAGAWIN YUN HA?"



Bakit palagi na lang naghahanap ng excuses 'tong babaeng 'to? Nakakainis. "Ikaw nagsimula ng pustahan. You gave me the i--"



"Pero ika-"



"Bastos ka rin noh?" tahimik sya. "Kitang nagsasalita ako eh. Tapos magagalit ka pag di maayos ang explanation ko. Ikaw naman tong sumisingit."



"MARUNONG KA PA LANG SUMAGOT?" mukhang amazed pa sya.



"Ewan ko sa'yo. Basta yun ang gusto ko. I won t-"



"HINDI KA NANALO! DI KA NAMAN NAG-EXAM!"



"Pataasan lang ang pustahan natin, walang sinabi na kung panong paraan pwede. Exempted ako, so 100 na. 98 ka lang."



"T@ngina wag mong nila-lang ang 98!! Dugo, pawis, ihi at uhog ko yun for 3 weeks! Gago ka!!" muntik na syang kumuha ng bato kaso nabigatan ata sya. Buti na lang.



"Basta bukas, dapat gawin mo yun."



"PANO KUNG AYAW KO?!"



"Or else, I'll make you do it."



Namutla sya agad. Nakakatakot ba ako? Di naman diba? "Umayos ka. Not funny."



"Who says I'm being funny? Nakita mo na ba akong nagbiro? Hindi diba?"



"I'm not gonna do it," sumeryoso na sya. "Di ako papayag na paglaruan mo ako."



"Oh come on, Barabas. Alam kong kalokohan din ang ipapagawa mo sakin kung sakaling ikaw ang nanalo. I told you, we think alike."



"Eh sa--"



"Basta bukas. Settled na yun. No buts."



She crouched down para pulutin yung bato. "Gago. Bahala ka, di ako magpapakita sa'yo bukas." At binato nya nga sakin yung hawak nya.




Ano bang ipapagawa ko sa kanya?




Gusto ko syang magbihis na babaeng-babae.



For a day.




* END FLASHBACK *




Tumigil sya sa harap ko, galit na galit na naman. "ANO BANG PROBLEMA MO BELLO?! ARE YOU HAVING FUN?! PWES AKO GAGO HINDI!"



Napatingin samin yung mga napadaan. Shit, ayoko pa naman ng makaagaw-atensyon. Pumunta na nga kami sa pinakamalayong mall na alam ko (Imagine the ride going here. Mapapamura ka na lang din) para walang makakilala sakin. Pero ano 'to? Naging perya ata kami. Tangina lang.



"Pwede bang tumahimik ka na lang? Ang ingay mo. Sarap pasakan ng Zonrox at Mr. Muscle."



"Kulang ka pa ng liquid sosa!" dagdag nya. Ano yun? "Yuck di mo alam? Cheap ka!"



"Ewan ko sa'yo," iniwan ko na sya dun. Grabe ang ingay nya talaga!



Dinala ko sya dito para bihisan ng pambabae. Disclaimer: straight ako. Natutuwa lang ako sa facial expression nya. Kaso this is boring. She's boring.



"SAAN KA PUPUNTA!? HOY BELLO!!" sigaw na naman nya. Bahala sya dyan. Nakakainis.



"HOY!! SAN KA PUPUNTA!!"



"UUWI NA! ANG BORING MONG KASAMA!" That suits her fine. Eh sa totoo naman eh. She's not that interesting. I mean her exterior is interesting, but once you get to spend a day with her? Sana hindi na lang pala.



Sarap na ng lakad ko eh! Nang..




*paaaaaak!!!"




"Fckshit! Ano ba!?" tangina ang sakit! Si Mike Tyson ba 'to? Kung makasuntok sa braso ang sakit!



Binira nya kamay ko para humarap ako sa kanya. She's mad. "WAG MO AKONG IIWAN DITO! IKAW NAGDALA SAKIN DITO!!"



"You have the option to leave me. Now go." Ayaw pa rin nyang umalis. "Boring kang kasama. This is just a waste of time."



Oh. She look.. hurt? Medyo lumamlam kasi mga mata nya. "I'm not boring. Ikaw kaya yun!"



"Kaya ako boring kasi boring ka rin. Umuwi ka na habang maaga pa. I think you need some sleep."



"Gago. Ang dami mong palusot! 

UUWI AKO KUNG BABAYARAN MO PAMASAHE KO!!"


Now she's funny. Di ko alam kung anong kinakatakutan ng classmates at ibang schoolmates ko sa kanya. She's plain.. and funny. Ano ba, paulit-ulit ka na lang ba, Seth? "Bakit ko babayaran pamasahe mo?" sumeryoso ako ng onti. "Ano ka, chicks?"



"PAKYU BABAYARAN MO TALAGA YUN!!!"



Sasagot na sana ako kaso may lumapit saming guard. "Ah Ma'am? Ser? Okay lang po ba kayo? May problema ba?"



Nagkatinginan kaming dalawa. "Wala naman po, Kuya. Okay lang kami," sabay pa kaming dalawa.



Ayaw namang maniwala samin ni Kuya Guard. "Sigurado ho ba kayo? Kanina pa po kasi kayo sumisigaw Ma'am. Kung may LQ po kayo sa labas na lang po ng mall nyo pag-usapan. Medyo agaw-atensyon na po kasi."



Sumasakit na pisngi ko sa pagpipigil ng tawa! It's all her fault! Nadadamay pa ako! The look on her face.. priceless. Namumutla na nahihiya na ewan! "Kuya okay lang po talaga kami. Pasigaw lang po talaga ako magsalita," medyo nahihiya nyang sabi sabay siring sakin. Nahihirapan na talaga ako magpigil, baka san lumabas to.



Tumango na lang si Kuya, tapos umalis na rin. Akala ko okay na, nang bigla akong higitin ni Barabas papalayo dun sa lugar na yun. "Saan mo ako dadalhin!?"



"Sa huling hantungan mo, pakyu!"



This is fun.



**



Pero mali sya ng lugar na pinagdalhan sakin. Dun nya ako hinila sa part na puro boutique na pambabae.



"Sigurado ka bang dito mo ako dadalhin?" I asked her. Oblivious pa rin sya sa ginawa nya.



"DITO KITA DADALHIN!!"



"Sa Forever 21 talaga?" I can't hide my smirk anymore.



Bigla na lang syang tumigil sa paglalakad, kaya bumangga ako sa likod nya. "Get off me!" sigaw nya sakin. "Bakit mo ko dinala dito!?"



"Uhh.. ikaw ata ang humila sakin dito, Barabas?" nandilim na ang tingin nya sakin. "What? You dragged me here!"



She was about to rebut nang sya naman ang hilahin ko palayo ng Forever 21.



"Saan mo ba ako dadalhin!?" di naman sya pumipiglas pero lakas pa rin ng boses nya.



Buti na lang may malapit na ATM dito na bakante. "Dyan ka lang," I warned her. Sumunod naman sya.



"Ano bang gagawin mo dyan?"



"Babaklasin ko 'tong ATM."



(O______O) "Hehehehe sure ka ba dyan?"



"Tanga ka ba? Malamang di ko babaklasin yan. Isip nga, Barabas!"



"Wag mo nga akong tawagin na ganun!"



I ignored her. Daming sinabi eh! Magwiwit--



"T@NGINA BAKIT ANG LAKI NG IWIWITHDRAW MO!?" she suddenly screamed.



"Ha? Anong malaki?"



Sumiksik agad sya sa tabi ko, para bang bodyguard. "Sure ka? P20,000!?!"



"Naka-input na diba? Di mo ba nakikita?" tanga ba talaga 'to?



"BAKIT ANG LA--" I covered her mouth. Nang di na sya makahinga I released her. "Hayop ka!! San mo gagastusin yan?"



"Wala lang," I nonchalantly replied. "Panggastos ko."



"TWENTY THOUSAND IPANGGAGASTOS MO LANG? SIRA KA BA!? TUITION NA YAN AH!?"



Psh, ang ingay nya. Ininput ko na lang ang PIN ko at ayun, pinaprocess na. Gulat na gulat sya sa ginawa ko. In her terms, "Nganga."



Nang makuha ko na ang pera, inabot ko sa kanya yun. "Anong gagawin ko dito!? Ikaw magdala nyan!"



"Wala akong malaking bulsa. Kasya naman siguro sa bulsa mo yan," tinuro ko pa yung bulsa ng cargo pants nya. I'm not keen with fashion but she looks so shabby. Tangina kanina pa ako nage-English ah?



Aangal pa sana sya nang nilagay ko sa bulsa nya yung bills. "Ikaw na magtago nito."



"A-ayoko!! Ayoko!!" namutla na naman sya. Pero sumabay na sya sakin sa paglalakad.



Haaayyy.. ang sarap maglakad ng walang maingay! Kaso..



"Wag mo nga akong siksikin! Lawak ng daan o!" I hissed at her. Pano ba naman, todo siksik na sakin! Pero nakakatawa sya. Cautious sya sa paligid, para bang fugitive sya. Nakayuko pa na ewan!



I nudged her. "Barabas lumayo ka nga sakin."



"Ayoko nga! Baka malaman nila na may dala akong 20k!"



"Masyado kang obvious, alam mo yun."



Saktong napadaan kami sa may bandang sale, siksikan ang tao. No choice kami kundi makisiksik para makaalis dun.



"Ingatan mo pera ko!" sabi ko sa kanya. Dahil maraming tao, medyo nakahiwalay kami.




"WALA AKONG DALANG PERA!!"



Napalingon agad ako. Si Barabas yun, todo tungo habang sumisiksik sa gitna ng maraming tao.



"Wala akong pera! Wala akong pera!!! Pramis wala akong pera!! Tabo alis kayo dyan! Wala nga akong pera sabi eh!!"




(_ _ ") Bakit naman nya pinagkakalat yun? Pero tangina nakakatawa sya! Stressed na stressed na di ko malaman! Binilisan ko yung paglalakad para makarating ako dun sa dulo. Para syempre mapagtawanan ko sya.




*after 2 minutes*




"GAGO KA BAKIT MO AKO INIWAN DUN!!!"




"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!"



Lahat na ng naipon kong tawa nalabas ko na. Grabe, imba kasama 'tong babaeng to! She's so unpredictable! 

Hinawakan ko na sya sa braso bago pa nya ako masuntok. At natatawa pa rin ako. Eto na siguro ang pinakamaraming tawa na nagawa ko sa buong buhay ko. Seryoso.


"Uuwi na ako!!" galit nyang sabi sabay piglas sakin. "Iuuwi ko rin yang pera mo!"



"Aaww bakit ka uuwi?" mas naasar sya, I can tell. "Ang saya kaya natin!"



"IKAW LANG ANG MASAYA GUNGGONG KA! UUWI NA AKO!"



Teka.. nagiguilty ako. Galit na ata talaga sya. "Uy joke lang. Di na mauulit. Pramis. Nakakatawa ka lang talaga."



"Ginawa mo akong clown! Hayop ka!"



"San mo gustong kumain?"



Nanlaki na naman mga mata nya. Amusing. "Bakit, lalasunin mo ako?"



"Nagtatanong ng maayos. Ililibre na nga kita e."



Saglit syang nag-isip. Feeling ko nag-iisip sya ng mamahaling restaurant na kakainan, knowing na 20k ang nasa bulsa nya ngayon. "Sa McDo."



"Sure kang Mcdo?" wow, I'm not expecting that from her. Mcdo.. lang? Something's fishy.



She nodded. "Oo nga. Dali!"




Sa kabilang dulo pa ng mall ang Mcdo so nilakad pa namin nun. She's less cautious this time. Pero nakakatawa talaga yung mga mata nya e, makatingin parang mandadakmal ng tao.



As usual maraming tao sa Mcdo, himalang may bakanteng pwesto. Ako na yung nag-offer na magbantay ng table tas sya na oorder.



"Anong sayo, boss?"



"Quarter-Pounder akin. Tas Mcfloat. Ayusin mo ah."



Bigla akong bumait noh? Wala lang. Minsan lang ako maging ganto. At ang sarap lang nyang pagtripan. Kung sa Charleston ko ginawa to.. walang thrill.



It took her 15 minutes bago makabalik sa table namin. "Ba't ba a-- what the fcking hell is that!?"



Nakangisi pa 'tong Barabas na 'to! "Order ko. Angal?"



"ANO KA, MAY FEEDING PROGRAM?"



"Wala lang! Bakit, masama ba?" bumaling sya sa crew. "Kuya palagay na lang po dito. Thanks!"



The crew and I exchanged quizzical looks. Tangina..



Anong binili nya?




20 na large fries.



Tangina.



20. 




Ni hindi nga magkasya sa table lahat ng order nya. Lagpas 1300 din siguro to. This girl.. grabe.



"Oh bakit ka nakatulala dyan?" nang-aasar nyang sabi. "Ayaw mo bang kumain?"



"Gumaganti ka ba sakin?"



Kunwari pa syang nagtataka. "Ako gumaganti? Di kaya. Sabi mo libre mo, sinulit ko lang. Angal?"



Di ako makapaniwala. As in ang dami. Akala siguro nung cashier marami kaming kakain, eh sya lang naman!



"O eto. Kawawa ka naman," inabutan nya ako ng isang lalagyan ng fries at 3 sachets ng ketchup. "Pera mo naman ginamit ko."



"Unbelievable," pero kumain din ako.




Tahimik lang kaming kumain, which is good. Ayoko talaga ng maingay pag kumakain e. Imbis mabusog ka sa pagkain, mabubusog ka dahil sa hangin.



*after 3 minutes*




"Sindikato ka ba?"




Halos mabilaukan ako sa sinabi nya. "What the heck?"



She leaned over. "Atin-atin lang naman to. Dami mong pera. San mo nakuha?"



Tinulak ko yung noo nya palayo sakin. "Tumigil ka nga. Di ako miyembro ng sindikato."



"Eh.. bente boy ka ba?"



"What the fck is a bente boy?"



Natawa pa sya. "Di mo alam yun? Yung sa plaza pag gabi! Mga lalaking poks na ayos na sa bente."



Again, muntik na naman akong mabilaukan. "You're weird."



"San mo nga nakuha yung 20k?" she asked. Nasa pangatlong container na sya ng fries. "Secret lang natin."



"That's my own money," I answered plainly. "Happy?"



"So mayaman ka talaga?" I gave her my 'duh ano ba' expression. "Okaaay.."




*after 1 minute*




"Bakit ang tahimik mo?"



Paubos nako sa burger ko eh. Istorbo. "Kumakain kasi ako."



"Palagi ka kayang tahimik! Ngayong 4th year ka lang namin naramdaman e!"



"So?"



"INVISIBLE KA BA!?"



"Babae ka ba? Isip naman."



She sighed. Inis na 'to sakin. "Bakit ayaw mong magparamdam sa school? Seriously you're kinda creepy."



"I don't like that school."



"Bakit?"



"The Buzz ba 'to? Kumain ka na lang dyan."



"Ayaw mo sa Charleston? Bakit ka pa pumasok dun?" I opted not to reply, sayang sa oras. "Hoy, tuod ka na naman!"



"Alam mo yung privacy?"



"Alam mo yung invasion of privacy?"



She's witty, in an annoying way. "Ewan ko sa'yo," sabi ko sabay kuha ulit ng fries sa kanya. She didn't mind.



"Alam mo ang weird mo talaga. Ang hirap mong intindihin."



"Eh di naman ako nagpapaintindi."



"Wow, balik sa short replies?" she smirked. "Non-conformist again, huh."



"Eat up. Kung akala mong madidistract ako ng sandamukal mong fries, asa ka. Magbibihis babae ka ngayon."



Sumama agad ang tingin nya sakin. "Bakit ba gusto mo akong pagdamitin ng pambabae! Babalatan kita dyan!"



"Gamit ano, bread knife?" mas nainis sya. "Wala lang. Natutuwa lang ako. And I've seen pictures of you nung Miss Intrams. Gusto ko makita yun ng live."



Hinagisan nya ako ng tissue na may ontingh ketchup. Bastos. "Gago. Kung inaakala mong makikita mo 

nagkakamali ka!" sabay lamon sya ng sunud-sunod na fries.


"Bakit matakaw ka?"



"Ganto lang talaga ako kumain."



"Di ka na ba nagbabasketball?"



"Matagal na di."



"Mahal mo basketball?"



"O--" sinamaan nya agad ako ng tingin. "Teka nga, ba't mo ba ako dinadaldal?"



I shrugged. "Wala lang. Just initiating a decent conversation."



"Decent decent your ass!" nasa pang-apat na fries na sya. "Wag mo nga akong kausapin. Kumakain ako."



"Okay." Bipolar din pala sya. Her eating habits are not healthy. Oily tapos malamig? Cholesterol ang abot nito.




*after 2 minutes*




"Oy, pumasa ka ba ng UPCAT?" she asked me.



"Di ako nag-UPCAT."



Nahulog pa nya ang fries na isusubo pa lang nya. "WHAT!? DI KA MAGCOCOLLEGE?"



"Porke di nag-UPCAT di na magcocollege? UP lang ba ang university dito sa Pinas?"



"Wala akong sinasabing ganyan ah."



"Yung tono ng boses mo kasi. Let me guess.. pumasa ka noh?"



She nodded. "Ano, may idadagdag ka pa?"



"Ba't ba ang defensive mo?" nacurious lang ako bigla. "Ikaw na pumasa sa UP. Di kasi halata sa itsura mo na matalino ka."



She shot me a death glare again. "Di ako matalino, naka-tsamba lang sa English. Tumahimik ka nga dyan."



I ignored her last line. "Anong course mo?"



"Journ." Tipid sumagot.



"Nice. UP Diliman. Goodluck sa'yo dun."



"Ikaw san ka mag-aaral?"



"La Salle."



For the second time, she gaped at me. "Talaga?"



"Bakit, mukha bang di ko kayang mag-aral sa La Salle?"



Binato nya ako ng fries. "Wala akong sinasabing ganyan!!!"



"Ayusin mo kasi mukha mo. Mapanghusga e."



"Sorry naman ah! Ewan ko sa'yo." a beat. "La Salle ka? Anong course?"



"Chem Eng. Don't judge me."



"Chem Eng ka?" may digust sa boses nya. "Talaga? Chem Eng? Magaling ka ba sa Math?"



"Oo naman. Tanong mo pa kay Mrs. de Jesus. Dapat nga kasali ako nung Math acads kaso tinanggihan ko." Di ako nagbibiro, magaling ako sa Math.



"Bakit ayaw mo mag-UP? Sayang opportunity!"



"Ayoko lang. Masyadong mainstream sa UP eh. Pag pumasa ka yabang mo na. No offense ah. Tapos yung iba nakapasa nga, di naman magseseryoso. Puro party, kakupalan.. lahat na. Sayang sa pera ng magulang. Marami nga akong kilala na summa eh."



"Summa?"



"Summa-sampung taon?"



Tawa nang tawa si Barbs. "TANGINA MAY HUMOR KA PALA!! DI LANG HALATA!! HAHAHA!!"



"College joke kasi yan, Barbs. Tawang-tawa ka naman."



"Eh nakakatawa eh! Pero sayang, di ka nag-exam."



"Actually I don't give a damn about their education and stuff. Kung quality education lang naman, kaya na ibigay yun ng La Salle. Isa lang naman ang gusto sa UP eh."



Nacurious na naman. "Ano?"



"Eraserheads. Yun lang."



"Shungek, di nga nakagraduate ang Eheads dun! Diba pinapili sila, thesis o rakenrol. Rakenrol sagot nila," kain na naman sya.



"Napanood mo yung docu nila sa Myx?"



"Oo kaso matagal na yun eh! Eheads lang talaga?"



"Oo nga. Kasi yung mga kanta nila.. defined eh. Makakarelate ka talaga. Yun lang, nothing more."



"Oh? Eh maiba naman, ba't ka lumipat sa Charleston?"



Napangiti ako dun. "Bakit masarap ang french fries pag galing sa iba?"



"Don't change the topic, ass. Di ka nakakatuwa."



"I want to keep my private life.. private. Masisira ang non-conformist image ko." Natawa sya. "What? Masama ba yun?"



"Di naman. Iba kasi yung dating pag ikaw ang nagsabi, parang di kapani-paniwala. Alam mo bang.. natakot sila sayo nung Who's Who shoot? Ang creepy mo raw talaga."



"Ako, creepy? Sa buhok oo pero di ako creepy. But I'm dangerous."



"HAHAHAHA!! Ume-Edward Cullen ka na naman! Di bagay sa'yo!! Pero bakit ang mysterious mo? Nakakainis!"



"Find out too much about a person and you lose interest."



Natahimik sya sa sinabi ko. Alam kong ganun din naman ang isasagot nya kung sya naman ang tatanungin ko nun.




We sat there, eating in silence. Di namin napansin na naubos na namin ang 20 na french fries na inorder nya, 5 akin, the rest kanya na. Halos 2 hours na pala kami dun.




"San tayo?"



I was actually surprised when she asked me that. Akala ko aalis na sya after kumain. "Akala ko uuwi ka na?"



"Wala lang. Di kasi ako naniniwala dun sa 'find out' spiel mo eh. Gusto ko kasi nakikilala ko yung tao nang mabuti. I don't want.. conundrums anymore."



"Conundrum?" Lalim nun ah.



"Riddle," medyo nainis pa sya. "Basta conundrum. Tara na! San tayo pupunta?"



A grin formed on my face. "Forever 21."




(O____O) "Wag lang dun at kung saan pang girly shops please."



"Pera ko yan, so ako ang may say sa pupuntahan."



"E di itatakas ko 'to!"



"Ipapakulong kita. Theft."



Kumunot na naman ang noo nya. "Tell me.. are you gay?"



"Hindi ah. Gusto lang talaga kitang pagtripan. Ano bang itsura mo pag nakabihis babae ka?"



Napatulala na lang sya sa sinabi ko, as if may natandaan syang di maganda. "Barabas? Hoy. You're stalling."



"W-what? Ayoko nga. I hate girl clothes."



Hinigit ko ulit sya sa braso. "Wala ka nang magagawa pa. Pupunta tayo dun. No excuses."




**




"PUCHA DI KO SUSUOTIN YAN! KITA NA KUYUKOT KO DYAN!!!"




"MUKHA AKONG STARLET DITO!!! PANG-BOMBA TABLOID!!!"




"AYOKO NG FLORAL!!! LITO ATIENZA LANG ANG PEG!!!!"




"BAKIT BA KULANG SA TELA MGA DAMIT DITO!?"




(_ _ ") <-- itsura ng mga saleslady sa Forever 21. Lahat na lang ng iabot nila sa babaeng to tinatanggihan nya. Okay naman yung damit, sobrang girly lang.




"Di ka matatapos dyan hanggang wala kang sinusuot, Barabas," sabi ko habang naghihintay sa labas ng fitting room.




Binuksan nya ang pinto at sumilip. "Gago. Ayoko nga magdamit ng ganito!"



"Gawin mo na. Isipin mo na lang highschool bucket list mo yan: magsuot ng something girly for a day." Di na sya sumagot, pinakyu na lang nya ako.



May saleslady ulit na lumapit sa kanya at nag-abot ng damit. Ang daming mura na naman ang umulan sa fitting room na yun.




"Sir." May lumapit din pala saking saleslady. "Ano ho.. kaano-ano nyo yang babae?"



"Pinsan ko ho." Kung alam mo lang, wala sa lahi namin ang may sayad kagaya nyan. "Bakit po?"



"G-grabe po kasi ang bibig e. Sorry po sir, offensive naman ata yun."



"It's fine. Tanggap naman namin sya kahit ganyan sya. Kakalabas lang nya kasi sa rehab, anger management issues." Todo tango naman yung babae.




"SETH ANTHONY WALANGHIYA KA!! LECHE KA!! HUMANDA KA SAKIN PAG LUMABAS AKO DITO!!"



"Siguraduhin mo lang na nakadamit ka pag lumabas ka dyan. K--"




Akala ko exaggeration lang sa mga kwento at palabas yung stunned silence pag nakita mong nagbago ang itsura ng isang tao. Ang korni kasi nun para sakin. Parang OA kasi na matatameme ka sa 

itsura ng tao. Extra ordinary? Wala yun sa vocabulary ko.


But when she stepped outside the fitting room..



kinain ko lahat ng sinabi ko.




"Hoy gago. Ano na? Masaya ka na?"




Nakadress sya na floral tapos cardigan. Himalang tinali pa nya yung buhok nya.




"Hoy eagle scout! Ano na nangyari sayo dyan?"




...




"HAHAHAHHAHAHAHAH!!" di ko na talaga mapigilan pa tawa ko, sorry. Nakakapanibago kasi itsura nya! Hindi sya yung maton sa Charleston na kung makapag-utos e parang gangster na ewan. Ang benta ng itsura nya sakin.




*paaak!*




"Aray masakit!" nagawa pa nya akong sapukin! Wag lang syang magsalita at gumalaw pagkakamalan mo talaga syang maayos na babae.



"Bakit mo ba tinatawanan ha!? Masaya ka na clown ako!? Gago!"



"Maayos ka naman pala pag binihisan eh. Mukha kang tao. Seryoso." sumama pa tingin nya sakin. "What? Seryoso ako."



"Okay na 'to diba? Pwede na hubarin?"



"Teka," nilabas ko phone ko. "Picture muna."



"NO!! WALA SA USAPAN YAN!!"



"Wala talaga. Panalo ako, Barabas. Isang picture lang para pangblackmail."



"GAGRADUATE NA TAYO TAS MAGHAHANAP KA PA NG PANGBLACK MAIL!? OKAY KA LANG!?"



"Oo okay lang." Bago pa sya makareact, kinunan ko na sya ng picture. "Ayan!"



"Erase that!!!"




"YIIIIIIIEEEEEEEE!!!!"




Di namin namalayan na pinagtitinginan na kami ng lahat ng tao sa shop. May isa pa ngang naka-heart heart pang nalalaman. Nakakainis.




"Sir kung di kayo magpinsan bagay kayo ni Ma'am!" comment ni Ate kanina na medyo kinikilig pa ata.



"PINSAN!?" tingin sya sakin. "ANO NA NAMAN PINAGKA--" tinulak ko na sya sa fitting room. "HAYOP KA!!"



"Dalian mo na dyan, Ate. May appointment pa tayo kay Doc mamaya." Pinipigilan ko na naman ang tawa ko.



Minutes later lumabas na sya, sabay hagis sakin ng damit. "Masaya ka na? Pwede na ba akong umuwi?"



"One more thing. Let's buy this."




(O____________O) "SABI NA NGA BA GAY KA EH!!! KAYA MO AKO PINAPASUKAT KASI TYPE MO MGA D--" tinakpan ko bibig nya. Mapapahamak pa ako nang di oras eh.




Ang dami-dami pa nyang pinagsasabi habang nasa cashier kami (muntik pa nya akong wrestlingin kanina!) pero di yun naging hadlang para mabili ko yung damit na sinuot nya.




"O eto, dalhin mo," inabot ko sa kanya yung paper bag. "Wag mong itatapon yan. Babayaran mo yan."



"Anong gagawin ko dyan? Di naman ako nagsusuot ng ganyan e."



"Aba malay ko. Itago mo tas suotin mo sa Diliman. Wag mo lang ipamimigay o susunugin. Kahit di mo gamitin basta itago mo."




Di na kami nag-usap hanggang sa makasakay kami sa bus. Dun kami umupo sa tatluhan, as usual. Wala naman akong sakit ah! Pero okay na yun, nasa gitna namin yung paper bag.




Tahimik lang kaming dalawa sa byahe. Buti na yung ganto. At least nakuha ko ang gusto ngayon, ang tumawa nang tumawa.




****



BARBS' POV



Isa na siguro sa pinakastressful na araw sa tanang buhay ko.



Grabe. Kung alam nyo lang naiihi ako sa kaba nung dala ko yung 20k sa bulsa ko! That was the first time na may dala akong malaking amount ng pera. Well nung binili ko naman phone ko si Mama may dala ng pera ko.



Ang weird. Di ko alam kung bakit sumama ako sa kanya ngayong araw na 'to. Siguro gusto ko lang ma-feed yung curiosity ko sa kanya. May ganung mga tao kasi diba? Na once may something sa kanya na naging interesado ka, di mo sila titigilan.



Interesado akong malaman kung bakit trip nyang maging non-conformist. Kasi effective sya! One year namin syang di namalayan! Well absent naman kasi sya palagi. Basta!



Ngayong araw? May nalaman naman akong bago sa kanya. Marami actually. Isa na yung ang panget nyang tumawa. Akala ko wala nang papanget pa sa pagtawa ni Wes! Meron pa pala.



Kaso nakakalungkot, pauwi na. Balik na naman sa tahimik na Eagle Scout. Ang dami ko pang gustong itanong sa kanya eh, kung may kapatid ba sya, hobbies.. mga ganun. Ayoko na kasing manghula, pagod na akong lokohin pa ang sarili ko.




"Excited ka na bang grumaduate, Barabas?"




Akala ko imagination ko lang yun, pero shet kausap nya pala ako!! "H-ha?"



"Sa Graduation. Next week start na ng practice ng JS. Tapos grad pic taking. The shits. Excited ka ba para dun?"



Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Lean, nakakalungkot. "Honestly.. I don't want this to end. I hate countdowns. Si Rocky kasi, halos araw-araw nagcocountdown. Nakakapanlumo tuloy."



"Bakit ka pala pumayag na sumama sakin dito?"



"Tama ka kasi," he smiled. Bwiset. "Gusto kong may ma-try na bago before grumaduate. Di man to kasama sa original list ko, pero okay na rin. Tagal ko na ring di nagsuot ng dress! Elementary pa ata ako nung last akong nagsuot nun."



"Don't tell me nag-suit and tie ka last year nung JS?" tinawanan pa nya ako.



"Di ako nag-JS last year! Makatawa ka naman!"



Natigilan sya nun. "Talaga? Parehas pala tayo. Di rin ako aattend this year. Boring."



"Same here. Ayoko talaga ng JS Season. Mga kabarkada ko lang naman natutuwa dun."



"Hiwa-hiwalay na kayo noh?"



"Di ah. Dalawa kami sa Diliman tas dalawa sila sa Los Baños. Okay na rin yun. Ba't ba ang dami mong tanong? Ayaw mo lang na tinatanong ka noh?"



Natawa sya. "Di ah. Ang dami mo lang kasing sinasabi. Tsaka facial expression mo."



Then biglang nagflash sa utak ko yung araw na sinabi nyang "And I like to hear your voice." Tangina nakakainis! "Ewan ko sayo," sabi ko sabay tingin sa bintana.



"Buti ka pa may barkada. This is the downside of being a non-conformist. Akala nila kakaiba ako masyado, di naman. Walang kumakaibigan sakin. Ang lungkot lang."



"Ba't ang drama mo?"



"Actually pina-Piattos lang kita dyan. Ang drama mo kasing tignan."

(-_____-)  "Wag ka na ngang magsalita. I'd like to preserve your image na may humor ka." Totoo, benta sakin kanina yung summa-sampung taon. Sorry na po sa mababaw ang kasiyahan!

Tumahimik na naman kami. Nakaka--

"What I said earlier.. tungkol sakin yun. Di kita pina-Piattos or something," napatingin tuloy ako sa kanya. At ang mokong, tutulugan ata ako!

"Ewan ko sa'yo. Matulog ka na lang." Mas sumiksik pa ako sa may bintana, baka mamaya may maulit na namang di kanais-nais eh.

Teka.. so does that mean ayaw nyang maging non-conformist? Bakit ang weird, bigla akong nawalan ng interes sa kanya. Hala, he's right. Dapat nga may touch of anonimity ang isang tao para maging interesado ka pa dun. TEKA BA BARBS BAKIT KA NAGPAPAAPEKTO SA MGA SINASABI NG GUNGGONG NA YAN!?! *erase erase erase*!!

**

Nakabalik kami sa may Town nang tahimik. Di ko nga namalayan na nagising na pala tong katabi ko.

"Okay ka lang?" tanong ko sa kanya. Medyo sumeryoso ulit ichura nya eh. He nodded in reply. Back to the cranky Eagle Scout.

Bumaba kami ng bus. Ang weird ng feeling. Ewan.. bigla akong natakot eh. What's happening to the world!?

"Hoy Bello," tawag ko sa kanya. "Di ko to mauuwi;. Anong gagawin ko dito?"

"Diba sabi ko sayo itago mo? Kulit din ah." Okaayy.. bakit naging si Angry Old Troll na naman sya? Ang weird!

"Okay.. no need to be hostile or what! I'm just asking!"

Naglakad lang sya papalayo sakin. Ewan, bakit ang bilis nya maglakad? Pati ba sya hahabulin ko na rin? Bahala na sya.


"Nga pala, Barbara."


May something sa pagtawag nya sa pangalan ko na nakakatakot. Buong araw tinawag nya akong Barabas tapos.. eto? Anong meron? Di ako nagsalita. I waited for him to look at me, which he did.


"Last na 'to ah."


A soft but audible "Why" escaped from my lips. Bakit biglang naging dry ang lalamunan ko? I hate this feeling.

"Basta," di pa rin sya tumitingin sakin. "Last na 'to. Wag ka nang pupunta sa bridge, wag mo na akong kakausapin. basta, last na to Barbs."

"Bakit nga? I don't understand!"

"Di mo nga maiintindihan. Ayoko nang idamay ka pa."

ANO NA NAMAN BA TO AH!?!? PUCHA NAMAN O!!! "What?! ANO NGA YUN!!!"

At last, tinignan na nya ako sa mga mata. I don't feel good about this.

"You asked for this. But me? No, I never asked for this..


Coz I think..

I think I'm falling in love with you and I don't quite like it."

For the second time, tama si Cyrus.
Don't ask questions if you're not ready for answers.


*****

I'm deeply sorry kung boring ang first part! Nasira kasi yung phone ko kaya di ko na naretrieve yung nauna kong tinype. Ngarag kasi this week kaya di ko na matandaan -___-  Sorry for that!

Sa mga humula kung sino ako sa SASSA nung Ch63, maraming nagsabi na ako raw dun si Rocky. HAHAH HINDI, SI BARBS AKO DUN. Basta. Choss!

Next week na po ang update!

PS: Wag kasi kayo manghula, madidisappoint lang kayo XD

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 46
Light Story Only. For Fun Only. BOOK 1 slice of life
262K 17.9K 85
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
32.8K 1.5K 20
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
28.3K 1.1K 40
Many people always complaining about the sun. Kesyo ang init daw ng sikat ng araw, masusunog ang balat nila, pagpapawisan sila at mabubura ang mga ma...