Intoxicated

Par MalditangYsa

12.5M 229K 21K

Choices. Decisions. Sacrifices. Betrayal. Consequences. Circumstances. They say first love never dies. Tyrone... Plus

Teaser
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-eight
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Chapter Forty-one
Chapter Forty-two
Chapter Forty-three
Chapter Forty-four
Chapter Forty-five
Chapter Forty-six
Chapter Forty-seven
Chapter Forty-eight
Chapter Forty-nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty-one
Chapter Fifty-two
Chapter Fifty-three
Chapter Fifty-four
Chapter Fifty-five
Chapter Fifty-six
Chapter Fifty-seven
Chapter Fifty-eight
Chapter Fifty-nine
Chapter Sixty
EPILOGUE
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Special Chapter 4
Published under Psicom

Chapter Nine

187K 3.2K 125
Par MalditangYsa

Chapter Nine

Halos hindi ako makahinga habang kumakain. My heart is on my mouth and I can't breathe whenever he's this close. Napakalapit niya na kaunting pagsubo ko lang ay nararamdaman ko na ang braso niya sa braso ko. I can't understand why my body responds this way. And whatever this response is called, gosh I think I like it. I think I like his effect on me. It's too intense that everything else becomes irrelevant.

"My God!!!! Crush ka niyaaaaaa! Aaaahhhh!" Pinaypayan ni Princess ang sarili gamit ang kamay habang kinikilig kilig. Napangiti ako sa sinabi niya. I looked at how Tyrone threw the ball to his teammate. As usual ay punong puno na naman ang gym ng mga estudyante at sinisigaw ang pangalan niya.

"Imposible." Sagot ko.

"Imposible? Baliw ka na! Sige nga! Explain! Bakit ka niya niyaya for lunch? Aahhhhh! Ayoko na! Mamamatay na ako!"

Natawa ako sa sinabi niya, or more like kinilig. Hindi ko rin alam kung bakit niya ako niyaya kaninang lunch. Hindi ko alam kung bakit niya hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit niya ako pinakilala sa mga pinsan niya, eh minsan lang siya magdala ng babae sa mesa nila.

Bakit nga ba?

Shocks!

Kailangan ko na umuwi! Hinahanap na ako doon sa bahay. Inayos ko ang bag ko at nilingon si Princess na nasa tabi ko pa rin at namamatay pa rin sa kilig.

"Cess, uwi na ako." Sabi ko kahit ayoko pa naman talaga.

"Huh? Bakit? Hindi mo na hihintayin si Tyrone?" Inayos niya ang kanyang pigtail at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"Bakit ko naman hihintayin? Duh! Kailangan na ko ni Viviene!" Gusto kong idistract ang sarili ko dahil gusto ko rin sana hintayin si Tyrone sa kan'yang game. Kaso nagwoworry na ako kay Viviene. For sure wala pa yon kinakain.

"Sige na nga. Che. Bahala ka d'yan." Umirap siya but her eyes are locked on the court.

"Hindi mo ko ihahatid kahit sa gate lang?" Ngumuso ako at kiniblit siya. Hindi pa rin natinag ang gaga.

"Nope!"

"God, Cess. Can you at least be the best friend for just five minutes?"

"Nope!"

I rolled my eyes kahit hindi naman niya ako nakita. Tumayo na ako at nagkunwaring nagtatampo. Pero hindi man lang niya napansin ang pagtayo ko. Nakakainis. Muli kong tinitigan si Tyrone na may hawak na bote ng mineral water. Nakalingon din siya sa gawi ko--though I'm not sure kung sa akin siya nakatingin-- at nakakunot ang noo.

Goodness. Mukhang gusto kong umupo na lang ulit.

Pero hindi pwede kaya umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Dumiretso na ako sa pagbaba sa bleachers at hindi ko na rin tinitigan pa si Princess. Bahala siya.

Nang nasa labas na ako ng gym ay sumalubong sa akin ang hangin. Maingay pa rin ang loob ng gym at bago pa man ako manghinayang sa pag-alis ko ay nagsimula na akong maglakad palabas ng eskwelahan. It's starting to get dark at hindi ko maiwasan ang mamangha sa langit na kulay orange.

"Yvette!" Ani ng boses lalaki sa likod ko. Nilingon ko ito at nagulat ng makita ang nakatayong buhok at ang itim na hikaw ni Spencer. Nakangiti siya kaya't kitang kita ang kan'yang malalim na dimples. He is brisk walking kaya't tumigil na ako para maabutan niya ako.

What does he want?

"Yvette, right?" Bungad niya nang makarating na sa harap ko. Tumango ako at hindi na nakapagsalita pa dahil sa pagtataka.

"Going home this early? Hindi mo na hihintayin pa yung boyfriend mo?" He cocked his head to one side at muli kong nakita ang pagkakapareho nila ni Tyrone.

Uminit ang pisngi ko sa hindi malamang rason. Why am I bushing? "H-Hindi ko siya boyfriend."

The corner of his lips curled and I've seen this smile before. It's the same victorious smile of Tyrone. Grabe, magkahawig nga talaga silang dalawa. Sila lang yata ang may pagkakapareho sa magpipinsan.

"Can I drive you home?"

I felt my cheeks heaten more. "Ha? 'Wag na! Kaya ko na."

I turned to my heels dahil muli kong naramdaman ang awkwardness sa aming dalawa. Hindi ko inaasahan ang pagsunod niya sa akin but he caught up with me at ngayon ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko siya nilingon.

"Walk you home?" pagpipilit niya.

Umiling ako at ngumiti ng tipid. Malapit na kami sa gate at dumadami na ang mga estudyanteng tumitingin sa amin. Mayroon pang babaeng matangkad ang nalaglag ang panga habang palipat lipat ang tingin sa amin ni Spencer. It didn't help. Lalo akong nailang na kasama ko si Spencer. Kaya't nang makalabas kami sa gate ay hinarap ko na siya.

"Yes?" He smirked.

"Uhm... Kaya ko na umuwi mag-isa." Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kaya ang titig niya. It's like he's checking me out. Kinagat ko ang labi ko at umasang makuha niya ang gusto kong iparating.

"I insist." He said playfully.

"No. Hindi na. Kaya ko na." Sinulyapan ko siya at nakita siyang ngumuso. Kahit ba naman mannerism ni Tyrone pareho niya? O talagang si Tyrone lang ang naiisip ko lagi? Goodness.

"Alright," he shrugged "See you tomorrow then."

Nakahinga ako ng maluwag nang muli siyang pumasok sa gate. Pinanuod ko pa siya making sure na talagang hindi na niya ako susundan. Mabilis na may kumapit na babae sa kan'yang braso at iyon yung matangkad na babae na nakita ko kanina. She's whispering something to him at hinayaan lamang siya ni Spencer.

Nagkibit balikat ako at nagsimula nang maglakad pauwi sa bahay. Things are getting weird. Hindi ko maintindihan ang biglang paglapit sa akin ng dalawang Feledrico.

Nang makauwi ako sa bahay ay naroon ang mga kaibigan ni mama. Naglalaro sila ng cards sa sala at nakita ko rin na may mga pera na nakalagay sa harap nila. Mayroon ring chicken at coke. Bigla akong nagutom. Baka iyan din ang ulam namin.

"Mano po." Inabot ko ang kamay ni mama at tinitigan ang pera na nasa kan'yang harapan. May tatlong 100-peso bill at may isang 500-peso bill. Kinagat ko ang labi ko at inisip kung ilang kilo ng bigas na sana ang mabibili non.

"Pakainin mo na si Viviene." Aniya at binalik ang kamay sa kan'yang baraha.

"Opo." Nilingon ko ang mga kaibigan ni mama at ngumiti sa kanila. Ngumiti sila pabalik.

Pumasok ako sa kwarto namin ni Viviene at ibinaba ang bag ko. Nagbihis na rin ako at bumalik sa labas para hanapin si Viviene. Nakita ko siya sa dining table na kumakain ng kanin at ang ulam ay toyo. Nakalugay ang kan'yang buhok at mukhang pagod na pagod. Sa harap niya ay may platito ng isang piraso ng chicken legs na napakaliit. 

"Oh, Vi, bakit 'yan ang kinakain mo? May chicken ka naman ah." Lumapit ako sa kan'ya at tinabihan siya. Nilingon niya ako gamit ang mapupungay na mga mata at doon pa lang ay alam ko nang galing pa lang siya sa iyak.

"One lang po kasi ang binigay ni mama. Baka po gutom ka na." Binalik niya ang tingin sa pagkain at muling sumubo.

Mabilis dumapo ang awa sa aking puso. Masyado nang nakakaawa ang kapatid ko. No child deserves this. Noong bata pa lang ako, noong and'yan pa si papa ay masaya kami. Laging nagluluto ng pagkain si mama, tuwing linggo ay sabay sabay kaming pumupunta sa simbahan at namamasyal pagkatapos. Kapag may eskwela ay pinaglulutuan kami ni mama ng masasarap na almusal. Nakakamiss ang magkaron ng pamilya.

Hindi iyon naranasan ni Viviene. Baby pa lamang siya nang nawala si papa. At ngayin, naghihirap siya. Gusto kong iparanas sa kan'ya ang mga naranasan ko noon. Gusto kong malaman niya na kahit wala na si papa ay mayroon pa rin siyang pamilya. Napakalaking epekto nito kay Viviene, ramdam ko iyon. Pero paano ko magagawang iparamdam sa kan'ya ang mga iyon kung ganyan si mama?

Sana marealize na ni mama na hindi lang siya ang nawalan. Hindi lang siya ang nasaktan. At hindi siya nagiisa. Narito pa kami at ngayon ay kailangan namin ng aruga ng isang ina.

Bilib ako kay Viviene. She's too strong for a kid. Tanggap na niya ang sitwasyon namin and she acts maturely. Pero sa kaloob-looban ko ay gusto ko pa ring ienjoy niya ang pagiging bata. I don't want her to think of these problems and I don't want her to deal with these emotions.

"Sa'yo na yan, Vi. Hindi naman ako nagugutom." Pagsisinungaling ko. Nilingon niya ako at nakita ko ang saya sa kan'yang mga mata. Sa simpleng sinabi ko ay napasaya ko na siya ng ganon.

"Pero, ate. Baka hungry ka. Share tayo."

Ngumiti ako sa kan'ya at ininda ang nagbabadyang luha sa mga mata ko. Nasasaktan ako para sa kapatid ko. She deserved to be a kid. Dahan dahan akong umiling.

"May nanlibre sa akin kanina sa school. Kumain na si ate. Sige na. sa'yo na yan."

"Yehey!" Mabilis niyang kinuha ang maliit na piraso ng chicken at kinain ito. Pinanuod ko kung paano niya nilalasap ang bawat subo. Doon pa lang ay nabusog na ako.

Nang matapos na ako sa lahat ng gawaing bahay at nakatulog na rin si Viviene ay napagdesisyunan kong lumabas na muna para na rin makapag-isip isip. Tungkol sa mga nangyayari sa school at sa mga nangyayari sa bahay. This is my only time to reflect.

Naabutan ko si mama sa sala na nagsisigarilyo. Yumuko ako at pinlanong bumalik sa kwarto dahil ayoko siyang makausap. Ayokong may masabing hindi maganda. Kahit anong mangyari ay nanay ko pa rin siya at hindi ako dapat nagtatanim ng sama ng loob.

"Yvette,"

Natigil ako nang marinig ko ang pangalan ko. Bigla akong kinabahan. Tinitigan ko si mama na kasalukuyang itinatapon sa bintana ang kan'yang sigarilyo.

"Po?"

"Halika."

Sinunod ko siya at iminuwestra niya ang katabing silya para paupuin ako. Ginawa ko ito at naghintay ng sasabihin niya. Kinakabahan ako dahil minsan lang naman kami mag-usap at tuwing naguusap kami ay sinisigurado niyang importante ito. Kinakabahan ako sa magiging daloy ng aming pag-uusap.

Hindi siya nagsalita. Inabot niya lang sa akin ang isang 500-peso bill. Nilingon ko siya bago ko ito kinuha. Hindi ako makapaniwala. She never gave me money this big.

"Nanalo ako kanina. Baon mo na 'yan. Bumili ka na rin ng pwede niyong kainin ni Viviene. 'Yung totoong pagkain." Kumuha siya ng isa pang stick sa kan'yang pakete ng sigarilyo at sinindihan ito gamit ang lighter. Bumuga siya ng usok pero hindi ko na pinakialaman ang amoy nito.

Halos maluha ako sa narinig ko. Is this true?

"Sige na. Matulog ka na. May pasok ka pa bukas." She said in a dismissive manner.

Natauhan ako at ibinulsa iyong 500-peso bill ko. "Opo." Ngumiti ako ng malawak "Thank you, ma."

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

524K 13K 23
What happened to Mishael after he left for Athalia and Eleven? Will he have a chance to have his own once upon a time and happily ever after as well...
114K 3.3K 28
There are things in our life that better left unsaid.
4.4M 65.4K 46
Barkada Series #2: Jeremiah Santillan. Colyn wanted to escape her nightmare pero paano kung lagi nalang sila magkasama ng nagbigay sakanya ng 'night...
Worthless Par Rej Martinez

Fiction générale

3.5M 15.5K 7
Alexander Fajardo was Celine's first love. Kaya naman nang ginawa siyang pambayad utang ng kaniyang tiyuhin sa lalaki ay may parte pa rin sa puso niy...