By Chance..

By jellymushy

3.6K 29 17

Lahat tayo naghahanap ng taong magmamahal satin. Minsan kahit hindi natin ine-expect dumarating nalang yan. K... More

Introduction
Eksena I: Hey I just met you!
Eksesna II: And this is cuh-razy!
Eksena IV: It's hard to look right, at you baby..
Eksena V: I missed you so bad: FINALE

Eksena III: Call me Maybe?

308 2 3
By jellymushy

Asan na ba yung babaeng yun? Anak ng bakang bakla talaga. Kanina pa ko dito nagaantay sa kanya.Hindi naman nagrereply pag tinetext ko. Patay ang cellphone nung tinawagan ko.Asan na ba 'tong babaeng 'to? Kung hindi lang ako mabait, iniwan ko na'to e. Ala-una na, nalipasan nako ng gutom. Sa wakas, dumating narin sya.

Habang tumatakbo sya papalapit, alam kong kitang kita nya ang nakasimangot kong mukha,

"San ka ba galing?! Kanina pa kita tinatawagan ha.Patay cellphone mo. Ni hindi ka man lang nagtetext!"

Hingal na hingal sya.Nagmamadali ba namang tumakbo si Gaga e.

"Sandali.."

"San ka ba kasi galing?!Gutom na gutom nako, kanina pa kita inaantay jan oh!" sigaw ko sa kanya

"Sandali lang naman! wag mo kong sigawan kuya!" Humawak sya sa dibdib nya.Mukhang hindi sya makahinga.Kaya nagalala ako, no choice nako kaya tumakbo ako agad. Wala pang 5 minutes, binalikan ko sya.Nahimatay sya kaya itinakbo ko sya agad sa ospital.

{Hiroo Metropolitan Hospital}

Lumabas ang doktor, agad kong nilapitan

"hakushi Hank, kanojyowa buji desuka? [Dr.Hank, is she alright?]"

"Hai[Yes].She's ok now but still under observation."

"i thought she's ok?"

"Well, we found out that she has a Premature ventricular contractions.This is common and can occur in people with or without heart disease. She experience some skipped heartbeat. Maybe this is because of too much stress or nicotine in her body.In this case, this is harmless  and rarely needs treatment. She needs some rest & someone who can take good care of her for now.She's can go home now but needs to rest Ok?" sabay alis ng doktor.

Para akong na-stuck up sa sinabi ni Dok. Hindi ko sya ka anu-ano pero ako lang yung tanging taong karamay nya dito. Ni wala nga syang kaalam alam dito.

Mya mya, pumasok ako sa kwarto nya.

"Oi Kuya! Bakit mo ko tinakbo dito?" tanong nya sakin.

"Kuya ka jan. Sampalin kita jan e" sabay smile ko.Ayokong ipaalam sa kanya kung anung sinabi ng doktor.bawal nga syang ma-stress diba?!

"o e bakit nga? Anu daw sabi ng doktor? Mamamatay na ba ko?" sbaay tawa nya

"Loko! sabi ng doktor, pwede ka na daw umuwi. Kulang ka lang daw sa tulog"

"tulog? e late na nga akong nagising e.Nag attendance lang ako sa seminar tapos umalis narin ako agad kasi sabi mo magkita tayo."

"O e san ka ba kasi galing at hingal na hingal ka knina nung nagkita tayo?"

"Yung lalake kasi hinablot cellphone ko.Hinabol ko.Buti may isang lalake na tumulong sakin.Ayun.galing nga Pinoy din sya e"

"Ah.hyaan mo na yun.Tara na,magpalit ka na at ihahatid na kita sa apartment mo"

"Ok.Ok.Sunget mo!" sabay alis nya at punta sa comfort room.

-Chelly's POV-

Ayoko munang umuwi sa apartment kasi naboboring ako. Kaya niyaya ko muna si Prince charming na tour guide ko sa park.

"Anu bang ginagawa natin dito Mitch?" tanong nya sakin. Medyo iritable sya.Kasi nga unexpected 'tong lakad na'to.

"wala.Liwaliw lang." sabay tawa ko

"Kagagaling mo lang ng ospital.Kailangan mong magpahinga"

"O e eto nga oh. Uupo na dito sa Bench.Tsaka diba sabi mo sabi ng doktor ok naman ako?"

"Bahala ka!kulet mo!" sabay kamot nya sa ulo. Wala syang magawa e.Makulet talaga ako.

"Kwentuhan mo naman ako Kuya" habang hinihila ko sya para tumabi sakin sa Bench.

"Anung ikukwento ko?Tsaka tigil tigilan mo nga yung pagtawag sakin ng kuya.Mas matanda ka sakin!" sabay smile nya

"Sira! 23 palang ako no.Ikaw? ilang taon ka na ba?"

"25 nako.Pero hindi halata diba?" sabay senyas nya ng Mr.pogi

"O diba, 25 ka na.Kuya na kita!" sabay tawa ko ng malakas "teka, anu ba talaga real name mo ng ma-add kita sa Facebook"

"Kenzo. Kenzo Yamashiro, 25 years old from Makati City!!" sabay ngiti nya

"Loko ka rin no?Teka dala ko yung videocam ko.Saktong sakto, iVTR kita" habang kinukuha ko sa bag ko yung videocam, nagaayos sya ng sarili nya.

"o.game game!" sabay ayos nya sa buhok nya

Tumawa ako kasi parang ibang kenzo yung nakikita ko ngayon.Knina iritable sya tapos bigla nalang naging ok. May sapi ata 'tong taong 'to e.

"Hi!" sabay kaway sa video cam "I'm Kenzo Yamashiro, 25 years old from Makati City...Uhmm..anu bang sasabihin ko?" sabay smile nya.Tengenang smile yan talaga, nakakalaglag panty.

"uhmm.. tell me more about yourself!Anung work mo,ilan anak mo, ilan yung girlfriend mo," sabay tawa ko

"Kasama ba yun?" sabay smile nya, "sige sige.. uhmm.. I am an SQL developer.Single. Ok na ba yun?"

"ilan ba anak mo? Si Keiko, sabihin mo..Magkwento ka about sa girlfriend mo!"

Napansin kong medyo tumahimik sya at nalumbay

"Ui, sorry.Makulit ba ko?Sorry.nagalit ka ba?" tanong ko sa kanya

"Hindi ok lang.Bakit ba interesado ka sa buhay ko?" seryosong tanong nya sakin.

"Wala lang.Masama bang magtanong?"

"Hindi naman.Mas masaya kasi kung hindi mo na babalikan yung mga nakaraan."

"Ok.sige, hindi nako magtatanong.Sorry ulit" sabay lungkot lungkutan ako. Nagkaron ng DEAD AIR sa pagitan naming dalawa. Masyado yata akong makulit.Pero kasi naman, wala akong kaalam alam sa kanya.

"Wag ka ng malungkot.May girlfriend ako dati.Chel ang pangalan nya. Dito sya nakatira sa Japan" kwento nya

"O e asan na sya?Kamusta na sya?"

Tumingin sya sakin.Ang gwapo parin nya kahit medyo masungit.

"Sabi ko nga hindi nako magtatanong e.Sorry.Pasensya" sabay taas ko ng dalawang kamay ko

Ngumiti lang sya at tinuro ang langit, "Andun na sya e, Wala na sya"

"Ay! bakit? Quota na sya?" sa panghihinayang na mukha ko.

Ngumisi sya, "Oo, quota na sya, 4 years ago" sabay lungkot ng mukha, "Car accident yung kinamatay nya. Nung mga time na yun kasi hindi ko sya nasundo kasi nagaway nanaman kami ni Papa.Ayun.Pag dating ko ng ospital, wala na sya"

tumngin sya sakin. Kinabahan ako baka nakulitan na sya sakin.

"Tingin tingin ka jan?" tanong ko sa kanya "Siguro iiyak ka na no?"

Nagsmile lang sya sabay sabing, "Ang galing nga e.Masyadong mapaglaro ang tadhana. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napakwento ako sa isang tao na hindi ko naman lubusang kakilala. At Chel rin ang pangalan.Akalain mo yun." sabay tawa nya.

"Ok lang yan, anjan naman si Keiko, sya yung naging bunga nyo" sabay hawak ko sa likod nya

Tumawa sya ng malakas.As in malakas, "Si Keiko?Anak ko?"

"huh?uu.Diba anak mo si Keiko?"

"Sira! Wala kaming anak.Hindi ko anak si Keiko.Bunsong kapatid ko yun" sabay ngisi nya

Boooom! Para akong kinain ng  malaking manhole. Napahiya ako PERIOD. Shet! hindi talaga ako bagay maging detective.Palpak. Pero infairness, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.Wala syang girlfriend at lalong lalo na, wala syang ANAK. SINGLE sya.HoorayY!

"So, single ka pala.o e di may nililigawan ka?" napaka etchusera ko talaga.Pramis!

"Wala pa sa isip ko ulit magkagirlfriend.Kasi darating din naman yan e.Sa tamang oras at tamang panahon.Ikaw?May boyfriend ka na ba?"

Pabulong kong sagot, "Ikaw nalang nga sana e"

"Ha? Anu yun?"

"Wala sabi ko. Wala akong boyfriend. Naghahanap nga ako e.Reto mo nga ako" Kung hindi man sya ang prince charming ko, man lang sana bigyan nya nalang ako ng katulad nya.

Nagsmile lang sya at hinawakan ang balikat ko, "Magantay ka lang.Darating din yan sayo. Everything will fall into pieces. Magugulat ka nalang kahit hindi mo hilingin, nakaayos na ang lahat.Patience is a virtue"

"ang taray!!.." sabay clap clap clap "Hay ewan! basta nararamdaman ko, malapit na kaming magkita ng Prince charming ko" sabay smile ko sa kanya.

-Kenzo's POV-

Hinatid ko na si Mitch sa apartment nya para makapag pahinga sya.Out of nowhere parang gumaan ang pakiramdam ko.Para bang wala akong bagaheng dinadala.Hindi ko alam kung anung meron si Mitch, pero parang tinanggal nya yung tinik sa dibdib ko. Malapit nako sa apartment ni Papa ng makita ko yung Flower shop. Naisip kong bigyan si Mitch bilang Thank you sa ginawa nya.Actually, wala naman talaga syang ginawa.Pinatawa nya lang ako.

Pagdating ko sa hallway, nakita kong may kausap syang lalake. Lumapit agad ako.

"Nani no mondai mo? [Any problem?]"

"mondai nai, Onee-san [no problem Brother]" agot nung lalakeng tisoy.Lumapit si Mitch sakin at hinawakan ako sa braso

"Ui Kenzo, sya yung sinasabi kong tumulong sakin.Sya si Marcus.Pinoy sya pero dito sya nagstay sa Japan.Marcus, sya si Kenzo.Tour guide slash friend ko" sabi ni Mitch

Nakipag shake hands naman ako.

"Teka, anung ginagawa mo dito Kenzo?" tanong ni Mitch

"Ha? ah.. e wala.. kakamustahin lang sana kita.Baka kasi napano ka nanaman" sabay tingin kay Marcus

"Una nako Chelly.Kita nalang tayo bukas." sabay kiss ni Marcus sa pisngi ni Mitch.Bago umalis sumenyas pa na tatawag sya. Bwakanang! Anu 'to? Bakit parang naiinis ako?Parang gusto ko syang sapakin sa ginawa nya kay Mitch.Ni hindi man lang nagalit si Mitch.Badtrip!badtrip!Badtrip!!!

"Sabi sayo Kenz, makikita ko na Prince Charming ko e" abot ngiti ang ngiti ni Mitch

"Bakit hinalikan ka nun?! Kilala mo ba yun?! Kung sinu sino eneentertain mo, mamaya gagster yun dito e di napano ka na!Hindi ka talaga nagiisip!"

"Problema mo? Nagseselos?!"

"Selos? Anung..A-ako?magseselos?!Hindi no!" sabay abot ko ng bulaklak, "Oh..alis nako"

"Uy, tampururot naman 'tong Tour guide ko.Anu 'to?"

"Bulaklak,ipagtitirik nalang kita ng kandila" badtrip mode nako. Ewan ko ba bigla akong nainis sa nakita ko.

"So, pinapatay mo na pala ako?" sabay ngiti nya, "Para saan nga 'to?"

"Pasasalamat.Sige na, alis nako" dahan dahan akong lumakad papalayo sa aprtment ni Mitch.

Narinig ko nalang yung sinabi nyang Salamat nung malayo nako. Tena naman. Nagpalit anyo ako nung nakita kong hinalikan sya nung Marcus na yun sa pisngi. Parang nandilim bigla yung paningin ko.Gusto ko syang sakalin! Tangina! nagseselos ako.

Continue Reading

You'll Also Like

86.8K 4.6K 93
One of the Admin of a popular Facebook page was encouraged by his co-Admin to find a girl from the messages of their page. Out of boredom, he opened...
SPG By JaiWrites

Short Story

11.4K 20 14
SPG
3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.