Someone to love

By xxakanexx

5.5M 131K 16.5K

Hera Adriana Consunji is the queen - and as the queen, she is entitled of everything that has something to do... More

Prologue: If I were a boy
1. The Gods vs. the Goddess
2. Mission Impossible
3. Benefit
4. Still mine
5. Part of me
6. Deal with it
7. Intertwined
8. Ground Breaking
9. Underworld
10. Para sa kanya
11. Past is past
12. A Vejar with nothing
13. I'll take a Consunji
15. Never, never
16. Words
17. Problems
18. Hope
19. Hera
20. Saddest
21.News
22. Apollo Consunji's little queen
23. Double trouble
24. Sorry
Epilogue: Proposal

14. Hades and Hera

177K 5K 582
By xxakanexx

“I’ll take a Consunji, please, Father!”

 

Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawiun ko. Everyone is looking at me. How could Hades put me in this kind of situation? Humigpit ang hawak ko kay Hermes. Nanginginig ang buong katawan ko, hindi ko alam kung dahil sa nkahihiyan o dahil ba sa galit. Hinawakan ko ang ibabang side ng gown ko.

“Hera?” Hermes looked at what I was doing. “What are you trying to do?” He asked with so much curiousity. I looked at him. My eyes were dark and mad. Naiinis ako kay Hades. Isn’t it enough that he had scarred me inside? Does he really have to do this? Ipinapahiya niya ako sa harap ng maraming tao.

“I have to run.” Hinubad ko ang four inches Manolos ko at saka tumalikod. Bago ako tuluyang lumayo ay nakita ko si Hades na naglalakad papunta sa kung nasaan ako. Binilisan ko ang lakad ko. Lakad na naging takbo. Tumakbo ako palayo – palabas sa lugar kung nasaan siya. Kailangan kong makalayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Ayoko kay Hades. He had hurt me before. At kung pagaganahin ko ang puso ko – alam kong doon lang ako pupuntang muli. I’d get hurt again. I’d get crazy again. Ayoko nang mabaliw sa pag-ibig. Kapag nababaliw ang isang tao sa pag-ibog – maraming nawawala sa kanya. And in my case, I have lost what was supposed to be my everything.

Nakarating ako sa may gate. I wanted to go to my mom. Sa ngayon kasi, siya lang ang makaka-comfort sa akin. I was thinking of crying in front of her grave. I needed to do that to free what I am feeling inside. I feel so confuse. Iniisip ko kung anong dapat gawin kay Hades. Kailangan ko siyang masaktan but how can I do that? I couldn’t even stand being in the same room as him. Pinipigilan kong maiyak. Hindi ako iiyak. Hindi ko iiyakan si Hades Vejar dahil wala siyang kwenta. Iniwan niya ako noon. Ni wala siyang pasabi o paliwanag. I had waited for him for the longest time. Noong gabing hindi niya ako sinipot, kahit iniuwi na ako nila Papa ay naghintay pa rin ako. The morning after that – naghintay pa rin ako. I’ve waited for years. Kung tutuusin ay hindi ako tumigil sa kakahihintay sa kanya. Hinihintay ko pa rin siya hanggang ngayon – pero hindi ko siya kayang tanggapin.

I remember that day I found out he got back from I don’t know where. I was having breakfast with my mom. I was reading the newspaper when I saw his picture. May kasama siyang babae noon, hawak niya ang kamay nito at pababa sila mula sa kotse ni Hades. Hades was looking away from the camera but the woman was proudly looking at the press. Nabuo ang galit ko noon. What was he doing with that girl? Oo, nakadama ako ng selos pero kasabay noon ay ang matinding hinanakit. Hinanakit – dahil habang nagdurusa ako sa pagkawala ng anak ko ay nasa kandungan siya ng ibang babae at nagsasaya.

He left me miserable. He’s a heartbreaker. So how could I accept everything that he has said earlier? Kahit ginawa niya iyon sa harapan ng maraming tao – sa harapan ng buong pamilya ko at ng pamilya niya, anong magbabago? Maibabalik ba ng ginawa niya ang buhay ng batang dapat sana ay kasama ko ngayon? Kung hindi niya ako iniwan, kung sinundo niya ako noon, kung saana nagkaroon siya ng lakas ng loob na harapin ang pamilya ko, sana masaya kami ngayon kasama ng anak namin. Sana buhay ang batang iyon. Sana… Sana… Puro na lang ako sana. Hindi naman matutupad ang lahat ng sana na iyon dahil nawala na. Wala na sa akin ang pagkakataon. Inalis ni Hades sa akin ang pagkakataon na maging ina sa batang nasa loob ng sinapupunan ko noon. Nakakagalit.

“Hera!”

Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses niya. Sinundan niya ako. Alam ko naman na susundan niya ako pero bakit ganito ang pakiramdam? It’s like I have a butterfly garden in my stomach. I shook my head. I shouldn’t be feeling butterflies. I should be feeling anger. Iyon na lang ang dapat mayroon ako para sa kanya. Huminto ako at hinarap siya. We were in the middle of the street. Huminto naman siya at hindi na tinawid ang distansya naming dalawa. I was just staring – waiting for whatever will come put of his mouth.

He sighed.

“Mahal kita, Hera.” Wika niya. Humalukipkip ako.

“Do I care?” I asked him. “Palagi ko namang sinasabi sa’yo na matagal nang nawala iyang chance mo sa kung anong meron tayo dati. You lost your chance when you left me hanging on a thread that night.”

“Hera. Hindi ganoon iyon.” Ani niya pa. Napangisi ako. Hindi ganoon iyon? It was so typical of him. He’s a liar. Alam kong ginamit niya lang ako noon. I was young and innocent. Nagkamali ako noon. Hindi ako dapat nagpauto pa sa kanya. Hindi ako dapat naniwala sa mga sinasabi niya noon dahil wala namang totoo doon. How can he say he loves me? How can he look me in my eye and say those words?

“Kung mahal mo ako hindi mo ako dapat iniwan noon.” Matigas kong sabi. “Hindi mo ako napanindigan noon. Ngayon sinasabi mo iyan sa akin, paano mo ako mapaninindigan ngayon? You’re just going to disappoint me, Hades. Like what you always do.”

“Hindi kita iniwan.” Wika niya pa. patalikod na ako nang sabihin niya iyon sa akin. Natigilan ako. Hindi niya ako iniwan? Kung hindi niya ako iniwan wala kami dito ngayon. Ang kapal talaga ng mukha niya. Muli akong humarap sa kanya noon, tinitigan ko siya at pagkatapos ay inilang hakbang ko siya. Huminto ako sa harap niya pagkatapos ay sinampal ko siya. Hindi lang isa, dalawa, tatlo – maraming beses hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak. Dinuro ko siya. Matagal ko na dapat itong ginawa. I should’ve have confronted him years ago – noong kababalik niya pa lang. Kung nagawa ko iyon noon, siguro ay napalaya ko na ang sarili ko. Ang problema ko kasi, nakulong ako sa alaala naming dalawa. Sa pag-asa na hihingi siya ng tawad at ngayong ginagawa naman na niya ay hindi naman ako makapaniwal. Alam ko naman kasi ang katotohanan na hindi – kahit kailan ay hinding-hindi siya magiging totoo. Hades is nothing but a damn user. He used me to fulfill his needs back then and he will only use me now because of business purposes. Sino nga ba naman ang pipili sa babaeng ipinapakasal sa kanya? That woman belongs to the middle class and if he marries me – a Consunji – mas lalong lalakas ang impluwensya ng mga Vejar sa society. Iyon ang plano niya. Hindi niya ako mahal. Tulad noon ay ginagamit niya lang ako.

“Iniwan mo ako!” Sigaw ko. “Kung hindi mo ako iniwan! Wala tayo sa ganito! Kung totoo iyang sinasabi mong mahal mo ako! Wala tayo dito! Pero putang ina lang, Hades! Iniwan mo ako at dahil sa pag-iwan mo, maraming nawala sa akin! I lost everything I should have just because you got scared! I lost it necause of you! Iniwan mo ako!” Humahagulgol ako habang sinasabi ang mga salitang iyon. Ang sakit-sakit. Dama ko sa puso ko ang sakit na idinulot niya sa akin. Ang sakit ng pag-iwan at ang sakit ng pangungulila sa kung anong dapat meron ako.

“Hindi kita iniwan, Hera.” Muling wika niya. Hindi ko alam kung gaano niya katagal paninindigan ang sinasabi niyang iyon. Umiling-iling ako habang patalikod sa kanya. My heart was in too much pain. I can’t – I just can’t contain it anymore. Iyong tagal ng panahon na kinimkim ko ang sakit na nararamdaman ko – ngayon ko lang ito nailabas at ngayon lang bumalot ang lahat ng sakit. Kasing sakit ito nang pagkawala ni Mama.

“Hindi kita iniwan, Hera.” He said again in a louder voice now. “I was there. I saw you sitting on the left side of the swing. I was there. I was about to come to you and put you in my arms and take you away. I was there. I could still remember that moment, Mi Bella. I was there.”

My heart was in too much pain. Napahawak ako sa puso ko. Hindi ako makahinga. Hindi ako makapagsalita. Hilam na hilam na ng luha ang mga mata ko. Hindi ko na nga alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba sa galit o dahil sa panghihinayang na narararamdaman ko ngayong nalaman kong nandoon siya at hindi niya ako pinuntahan?

“If you were there…” I said. I faced him again. “Why didn’t  you come to me like you said you would?” I’m breathless. Maya-maya ay naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Napapikit ako.

“Laide Consunji got the best of me, Mi Bella. Alam kong tama ang lahat ng sinabi niya sa akin noon – that you deserve the best of everything. Na dapat pantayan kita. Ano nga bang kaya kong ibigay sa’yo noong mga panahong iyon? Pero ang hindi ko naisip ay madali lang pala ang mga bagay-bagay. Babalik lang ako kay Kronos, he will give me nack everything I own then I can be with you dahil pantay na tayo sa estado ng buhay. Hindi ako dapat nagpatalo sa sinabi niya sa akin noon. I never should have left…”

Sa lahat ng sinabi niya sa akin ay isa lang ang naintindihan ko. After he said Laide Consunji ay wala na akong naintindihan. Sinasabi niya sa akin na kaya hindi siya lumapit sa akin noong gabing iyon ay dahil kay Laide Consunji. My Aunt Laide whom I trust among all – second to my parents – that Laide.

How can she do that? Hindi. Hindi ako naniniwala. Hindi magagawa ni Auntie sa akin ang mga bagay na iyon. Hindi siya magsisinungaling. Alam niya ang sakit na pinagdaanan ko noon kaya hindi niya magagawa sa akin iyon. Isa siya sa mga taong nakakita kung gaano ako nasaktan noong iwan ako ni Hades. Isa siya sa mga umiyak noong mawala sa akin ang baby ko. Hindi niya ako sasaktan ng ganito. She knew everything. Hades is lying.

“Sinungaling!” Singhal ko. “Hindi magagawa ni Auntie sa akin iyan! Mahal niya ako!” Lalo akong napaiyak. Umiling si Hades.

“Isipin mo na ang gusto mong isipin, Hera. Pero hindi ako nagsisinungaling. Kasalanan ko kung bakit nandito tayo at hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko dahil sa nangyaring iyon. Kung hindi ako nakinig, hindi ka nawala sa akin, Hera. Mahal na mahal kita.” May pagsusumamo sa tinig niya. Nanginginig ang buong katawan ko. Habang nakatayo kami sa gitna ng daan ay napansin ko ang papalapit na sasakyan. Nakakasilaw ang liwanag na iyon. Huminto iyon sa tapat namin at mula doon ay bumaba si Aunt Laide. She was wearing a white lacey gown, her hair was flowing freely on her shoulders down to her waist. Kumikinang ang diamond earring niya pero halata ang kunot na noon. She’s not happy.

“Hera, get in the car,” Wika niya sa malalig na tinig. Nakita ko ang rekognisyon sa mga mata ni Hades. Hades took my hand.

“Hera, stay with me. Please, give me a chance. Another chance, I won’t waste it. Pantay na tayo. Mahal kita. I can be the best for you.”

“Hera. Get in the car.” Muling sabi ni Auntie.

“Hera please…” Si Hades ulit. I took a deep breath. Bumitiw ako kay Hades at pumasok sa kotse ni Auntie. Maya-maya ay umandar na kami. I could see him from the rear view mirror. Wala siyang kagalaw-galaw. Tinatanaw niya lang ang sasakyang kinalalagyan ko. Nanginginig pa rin ang buong katawan ko.

“Hera, hindi ka na dapat lumapit kay Hades. He’s not for you. You deserve better.” Litanya pa ni Tita. Binalingan ko siya. Umuulit sa isipan ko ang sinabi ni Hades sa akin. I was biting my lip to keep myself from asking her but I just couoldn’t.

“Totoo ba?” Wika ko. Tinitigan ko siya. “Totoo ba, Auntie?” I asked again. “Totoo ba na kinausap mo siya noon na iwan ako dahil hindi siya sapat para sa akin? Totoo ba?” My voice was shaky. Hindi nagsasalita si Auntie. I waited and waited. Tinititigan ko ang reaksyon niya. She was swallowing hard while trying to look away.

“Look at me and answer my question.” I said in a Lukas Consunji tone. “Is it true?!”

“Yes.” Pag-amin niya. Napaluha ako. Napahawak ako sa parteng iyon ng tyan ko. It’s like I was trying to get strenght from that part of my body.

“W-why?” I asked in a low tone. “Auntie, why? You knew how much I was hurting back then!? I lost my precious child! You cried with me! You took care of me! Lahat iyon – lahat iyon ginawa mo out of guilt?!” I hissed. My body was trembling with so much anger. Sinabayan pa iyon ng luha ko. “I can’t believe this! I expected more from you, Auntie! Kung si Papa pa ang gumawa o si Uncle Sancho, maiintidihan ko because they’re ruthless and heartless but then… you?” Tumaas ang sulok ng bibig ko. “Nakalimutan kong Consunji ka. Kapatid mo sila, iisa kayo ng ugali.” Naikuyom ko ang mga palad ko. Binalingan ko ang driver.

“Stop the car.” Sabi ko pa. Huminto naman ang sasakyan. Pababa na ako nang hawakan ako ni Auntie.

“Hera, stay here! It’s freakin raining!”

Bumaling ako sa kanya at tinitigan siya mula ulo hanggang paa.

“You are not my mother. So stop trying to be Apollo Consunji. Magunaw man ang mundo, my mother is a billion times better than you. She will never hurt me, and lie to me.”

 

Tuluyan na akong bumaba ng sasakyan. Umuulan. Sinabayan pa iyon ng mga luha ko. My heart now longs for Hades. Babalik ako sa kanya. Hindi ko na pipigilan ang sarili ko. I now realized that we are both victims and hurting one another will never do us any good. I ran towards the direction where I left him. I was silently praying for him to be there. I want him to be there. I wanna be with him because I’m so in love with him.

People where always cynic about love and being left behind not knowing what the real story behind the pain they were grieving for. Ako, naging tauhan ng galit at kasinungalingan. I should’ve given Hades a chance.

Habang tumatakbo pabalik ay iniisip ko ang mga pangako ni Hades sa akin – our love nest, he literally built a shrine for me in there. He fulfilled all his promise. He loved me.

Narating ko ang lugar kung saan ko siya iniwan. Huminto ako sa pagtakbo. Naroon siya. He was sitting in the middle of the street. Under the rain. I was crying. Nanginginig ang tinig ko, tinawag ko siya.

“Ha-hades…” Mahina lang ang boses ko. Hindi ko alam kung narinig niya o kung anuman. But when I saw him slowly looking at my direction, my heart leaped.

“I-I came back…”

He just sat there. Huminto ang ulan. Nakatitig lang siya sa akin. He sighed.

“My queen came back to save me from the abbyss of loneliness.”

He seemed happy. Tumayo siya. Inilang hakbang ako at saka hinagkan. His kissed were deep and intense. Hindi ako makahinga. It was as if he was tryinbg to make up for the lost years.

“Eternity, my queen…” Paulit-ulit niyang sinasabi iyon habang hinahagkan ako.

Eternity.

Continue Reading

You'll Also Like

828K 34.5K 33
Hottest Bachelors... They all have different life goals, purposes, and backstories...as well as different ways to get what they want out of life...in...
1.5M 26.6K 19
Si Juan Miguel y masyadong nag-e-enjoy sa kanyang Casanova lifestyle para magdesisyong mag-asawa. Bakit naman siya patatali sa iisang babae kung puwe...
Corazón Perdido By Cher

General Fiction

111K 5K 23
Alpha Series 2: Book 1
6.1M 81.9K 23
If something got stolen, will you do everything just to take it back? Consunji Legacy # 07