Stay awake, Agatha (PUBLISHED...

By Serialsleeper

35.1M 1.2M 570K

Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the... More

Stay awake, Agatha.
Epigraph
1 : Her name is Agatha
2 : That idiot named Cooper
3 : New kid on the ward
4 : Of breakdowns and Ice cream
5 : Menace
6 : That awkward moment
7 : The challenge.
8 : The real Cooper Alvarez
9 : Pushing Daisies?
10 : Stimulants
11 : The Boyfriend Commandments
12 : Stay close and don't let go
13 : It's too late
15 : Long time no see
16 : Stay Away Agatha
17 : The truth about us
18 : The last chance
19 : The real jerks
20 : Because she stayed awake
21 : The Fool's move
22 : Back to square one
23 : Don't forget
24 : To-get-her
25 : Yet another star-crossed couple
26 : Nothing
27 : As long as
28 : Struck by Truth
29 : Three words she just cant say
30 : Nothing's well in farewell
31 : The road to you
Epilogue.
Author's Note
The Lost Chapter
BOOK RELEASE AND BOOK SIGNING EVENT ON DAVAO CITY!

14 : The Stranger

754K 29.8K 6.8K
By Serialsleeper

14.

The Stranger

Third Person’s POV

Nakasilid ang dalawang kamay sa bulsa at parang napakalalim ng iniisip ni Trent habang tinititigan ang isa sa sandamakmak na mga litratong nakadikit sa pader. Maraming mga litrato ng iba’t-ibang pasyente ang naririto ngunit nakatuon lang sa iisang litrato ng babae ang atensyon niya.

“Maganda si Agatha diba?”

Napapitlag si Trent nang marinig si Reema na nasalikuran lang pala niya at tinataasan na siya ng kilay. Nabigla si Trent sa naging tanong ng dalaga kaya dali-dali siyang umiling-iling kaya napabuntong hininga na lamang si Reema.

“If you like her, its normal. Who wouldn’t? She’s beautiful inside and out. Feel free to have a crush on her, just don’t crush her heart or else I’ll crush your balls. Do you get what I’m saying?” Banta ni Reema habang nakahalukipkip ng mga braso. Bagay sa ngisi ni Reema ang pagka-seryoso ng boses niya kaya hindi maiwasan ni Trent na kilabutan.

“N-nagagandahan lang ako sa kanya.” Nauutal na sambit ni Trent at agad na napahakbang ng paatras mula kay Reema.

“Okay, If you say so.” Makahulugang sambit ni Reema at siya namang tumititig sa mga litratong nakadikit sa pader. Nahagip ng paningin niya ang isang litrato kung saan magkakasama silang apat; Siya, si Javi, Cooper at Agatha. 

"Yan ba ang Cooper na sinasabi kanina ni Agatha?" Tanong ni Trent sabay turo sa imahe ni Cooper.

"Never mention his name again. Never let Agatha hear his name again." Maotoridad na sambit ni Reema kaya lalong naguluhan si Trent.

"Bakit? Diba magkakaibigan kayo? At isa pa parang napakalalim ng pinagsamahn nila ni Agatha." Ani Trent ngunit hindi umimik si Reema. Sa halip ay ngumisi lamang ang dalaga at walang kagatol-gatol na tinanggal ang mga litratong kinabibilangan ni Cooper.

Nilukot ni Reema ang mga litrato at itinago ito sa loob ng bulsa niya. Walang emosyon siyang naglakad sa pasilyo ngunit agad namang sumunod sa kanya ni Trent.

"Reema anong nangyari kay Cooper?" Tanong ni Trent na kanina pa naguguluhan.

"Lets just say he died." Sarcastic na sambit ni Reema ngunit lalo lamang naguluhan ang binata.

"But he didnt right?" Tanong pa ni Trent.

"Unfortunately." Bulong ni Reema sa sarili at bigla siyang natigil sa paglalakad. Nasa tapat na pala siya ng mismong kuwarto ni Agatha. Nakabukas ng bahagya ang pintuan at naririnig niyang may nagtatawanan sa loob kaya dahan-dahan siyang sumilip at ganun rin si Trent.

Hindi mapigilan ni Reema na mapangiti nang makita si Agatha na masaya kasama ang pamilya. Nagyayakapan pa ang mag-anak habang nagkukulitan, masayang-masaya ang buong mag-anak sa piling ng isa't-isa. 

"Trent do you want to know a secret?" Tanong ni Reema gamit ang napakahinang boses upang wag silang marinig ng iba.

"Ano?" Kunot-noong sambit ni Trent at bahagyang napasulyap sa kanya.

"Agatha's a liar. But instead of using words, she flashes her smile. Dont be fooled by her smile, deep inside the pain is already killing her. Agatha's had enough pain already, thats why she shouldnt see nor talk to Cooper anymore." Wika ni Reema kaya tumango-tango na lamang si Trent.

*****

Agatha

9:46 PM. Gabi na pero masaya parin ako kasi hanggang ngayon kasama ko ang mga magulang at kapatid kong miss na miss ko na. Araw-araw kong ipinagdarasal noon na sana mas matagal kaming magkasama at lagi kaming masaya, seeing their happy faces now, i'm contented. I just hope na hindi muna ako makakatulog. 

Oo masaya ako pero sa totoo lang, pakiramdam ko may kulang parin. Si Cooper. Nasaan kaya ang adik na 'yun? Hindi ba siya nasabihan na nagising na ako? Hay, sa kabila ng lahat ng sinabi ni Reema, naniniwala akong isang araw darating si Cooper. Muli kaming magkikita at magiging masaya gaya ng dati.

"Antagal na pala nating hindi nakapunta dito ng sama-sama." Sabi ni Daddy na kanina pa tahimik. Concentrate kasi siya sa kinakain niyang bulalo.

"Dad naman, dahan-dahan lang. Matanda ka na, mahirap na." Biro ko.

"Anak wag kang mag-alala, baka ang bulalo mismo ang mahighblood dahil sa daddy mo." Biro naman ni Mommy kaya napangiwi na lamang ako. Ang korni talaga ng mga biro ng matatanda.

"Ponzi hinay-hinay, baka malunok mo ang buto." Sita ni Daddy sa kapatid ko na kanina pa nginangatngat ang buto.

Bata pa si Ponzi kaya hirap siyang hawakan ng maayos ang kinakain niya. Tutal magkatabi kami, inakbayan ko na lamang siya at tinulungang hawakan ang buto habang nginangatngat niya ito. Ang cute talaga ng tiyanak nato.

Nagtatawanan kami habang nagkekwentuhan nang mapasulyap ako sa pintuan ng shop. 

Parang tumigil ang mundo ko at sa isang iglap, naramdaman kong biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil bato sa gulat o kaba. Kitang-kita ko siya. Nakatayo siya habang tinitingnan ang buong paligid. 

Nakasuot siya ng school uniform habang nakasabit sa kaliwang balikat niya ang isang strap ng backpack. Hindi na niya suot ang paborito niyang beanie kaya kitang-kita ko ang kulay pula niyang buhok at ang mga peircing sa tenga niya. Maraming nagbago pero nakikilala ko parin ang mga mata niya.

Tuluyang nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang tingin namin.

"Ate! Hindi ako makahinga!" Napapitlag ako nang biglang sumigaw si Ponzi. 

Napatingin ko sa kanya at nagulat ako nang mapansing nakadikit na pala sa mismong mukha niya ang butong hawak ko. Nataranta ako, dali-dali ko itong ibinaba at pinunasan ang mukha niyang basa na.

"Agatha okay ka lang ba?" Tanong ni Mommy ka tumango na lamang ako. Ibinalik ko ang tingin ko sa pinto ngunit wala na siya. Hindi na ako nagpaalam pa at lumabas ako mula sa shop, nilibot ko ang paningin ko. Hinanap ko siya ngunit wala siya.

Si Cooper ba talaga ang nakita ko?

Hindi.. Imposible... Kung si Cooper iyon dapat nilapitan niya ako. Siguro namamalikmata lang ako, masyado ko siyang gustong makita kaya kung ano-ano na ang nakita ko.

Hindi yon si Cooper....

*****

Hindi kami kasya sa kama ko at ayaw naman naming mawalay sa isa't-isa kaya naisipan namin ng pamilya kong matulog na lamang sa sahig. Ang saya, pakiramdam ko isang masaya at buong pamilya ulit kami. 

Napatingin ako sa relo ko at nakitang madaling-araw na pala at hindi parin ako dinadalaw ng antok. Sa totoo lang, natatakot talaga akong matulog. Baka kasi matagalan na naman at kung ano na naman ang mangyari. Kung makakatulog man ulit ako, sana makita ko muna si Cooper.

Si Cooper...

Hindi maalis sa isipan ko ang lalaking nakita ko kanina sa bulaluan. Marami silang pagkakaiba pero ang mga mata niya, parang kay Cooper talaga. Kung si Cooper nga yon, bakit siya umiwas? bakit hindi niya ako nilapitan?

teka, baka naman akala niya galit ako sa kanya kasi hindi siya bumibisita? Sabi kasi nila matapos daw ma-discharge si Cooper ay hindi na siya bumalik at nagparamdam pa. Baka akala niya hindi ko siya maiintindihan? Baka akala niya gaya ako ni Reema na galit na galit?

Aish! Cooper naman eh! Nasaan ka ba kasi? Ano bang nangyari sayo?!

Hindi ako mapakali kaya kinuha ko na lamang ang jacket ko at lumabas. Nakapatay na ang karamihan sa mga ilaw pero hindi ako takot. Mag-isa akong naglakad-lakad sa pasilyo ng ospital hanggang sa makarating ako sa rooftop.

Napabuntong-hininga ako at umupo malapit sa pader na paborito kong sandalan. Hindi ko mapigilang ngumiti nang maalala ko si Cooper. Noon kasi parati niya akong ginugulo sa tuwing nagmumuni-muni ako dito.

Bigla akong nakarinig ng mga yapak kaya napalingon ako sa pinanggagalingan nito. Nanlaki ang mga mata ko at otomatiko akong napatayo nang makita ko si Cooper. Nakatalikod siya mula sa akin pero alam kong siya ito dahil sa suot niyang beanie.

"Cooper hayop ka talaga! Baki--" Mistulang nabasag ang ngiti sa mukha mo at para akong nawalan ng sigla nang lumingon siya akin.

"S-sorry. Akala ko si Cooper ka." Nauutal kong sambit at dahan-dahan na lamang akong umupo. Si Trent lang pala.

"Miss mo na ba talaga siya?" Tanong ni Trent at umupo siya sa tabi ko.

"Bakit ka ba kasi nakasuot ng beanie."  Ngumiti na lamang ako at pasimpleng kinusot ang mga mata kong nagsisimula ng lumuha. Shit, luha naman 'wag ngayon. Ayokong umiyak sa harap ng isang taong di ko naman kilala.

"Cooper Alvarez ang pangalan niya diba?" Tanong niya habang nakatingin sa kawalan.

"Oo bakit?" Tanong ko pabalik ngunit ngumisi lamang siya bagay na nagpakunot ng noo ko.

END OF CHAPTER 14

Thanks for reading!

Vote and Comment <3

Continue Reading

You'll Also Like

623K 40.8K 162
Hi, bebi! An epistolary.
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
28.1M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
31.5K 924 35
Who wouldn't have thought in just a one dare, a one kiss her life began to change. Tila ba isang panaginip na ang man of her dreams niya ay napansin...