Just Stay

By ZYRLDJSS

58 0 0

Driana is a grade 11 student that study at Canister High. What will happen to her simple life, if she meet so... More

Just Stay
Chapter 1: Nice to meet you
Chapter 2: Lunch?
Chapter 3: Annoying Zackarias
Chapter 4: Angela
Chapter 6: With Di-Ey (Part 1)
Chapter 7: With Di-Ey (Part 2)
Chapter 8: Practice
Chapter 9: First
Chapter: 10: Play
Chapter 11: The owner
Chapter 12: Memories

Chapter 5: Club

1 0 0
By ZYRLDJSS

Club.

Naging maganda pa rin ang gising ko kahit na medyo puyat pa rin. Napapangiti na lang ako tuwing naaalala ko ang bonding namin kagabi. Umalis na ako sa dorm pagkatapos kong pakainin si Di-ey ng pagkain. Matapos kong ampunin si Di-ey nawala na din ang usap-usapan tungkol sa espiritong nag-gagala sa Storage room, guni-guni ko lang siguro talaga ang lalaki sa may bintana.

Tumingin muna ako sa paligid dahil parang may sumusunod sa akin. Guni-guni na naman siguro. May nakita ako sa pader na mga poster, ang nakalagay ay about sa mga Clubs. Hanggang ngayon hindi ko pa alam kung saan ako. Gusto ko sana sa Theater Arts Club dahil mahilig akong magsulat, scriptwriter sana. Pero gusto ko din mahasa pa ang boses ko, mahilig kasi ako sa music at kumakanta pero hindi magaling. Lagi lang pinapalakas ni Mommy at Daddy ang Self-confidence ko at sinasabi na maganda daw ang boses ko. Malaki ang tiwala ko kina mommy kaya siguro gusto kong ipursue ang singing.

Music Club or Theater Arts Club? Still thinking.

Dumiretso na ako sa room kasi mamaya pa ang proposal ng bawat club sa Auditorium base sa nakalagay sa Poster.

Umupo na ako, medyo maaga-aga ako ngayon kasi kakaunti pa lang ang kaklase ko na nasa room. Wala pa si Kaizer, siguro matagal sila natapos kahapon kaya napagod at tinatamad na naman sigurong bumangon ng maaga.

Ikinabit ko ang headset ko sa cellphone at pumili ng kanta tsaka ko inilagay sa magkabilang tainga ko.

Now Playing: If i let you go by Westlife.

🎶Day after day
Time passed away
And I just can't get you off my
mind
Nobody knows, I hide it inside
I keep on searching but I can't find🎶

Ang ganda ng mga kanta nila, nakakarelax. Sumasabay ako sa kanta nila napapikit pa ako dahil sa ganda, mahina lang naman ang volume kaya rinig ko pa rin ang boses ko.

"🎵The courage to show to letting you know  I've never felt so much love before🎶"

Sumasabay ako, ang ganda kasi talaga. Napamulat ako ng may humila ng isang headset sa tainga ko.

Si Zackarias. Naibaba na nya ang bag nya at itinutuktok ang paa na isinasabay sa daloy ng kanta. Hindi na ako sumabay at masyadong rude naman kung makikipaghilahan pa ako sa headset ko, hindi naman sya nanggugulo e. Tumingin na lang ako sa unahan habang nakikinig ng music.

"And once again
I'm thinking about
Taking the easy way out🎶" 

Bigla akong napatingin sa kanya. Ang ganda ng boses nya. Kaboses  nya si Zayn Maik ng One Direction. Napanganga ako. Wow! Nahiya ang boses ko sa galing nya.

Pinakinggan ko pa sya. Ang sarap sa tainga hindi nakakasawang pakinggan, malamig na kayang itaas pero hindi nakakarindi.

" But if I let you go
I will never know
What my life would be holding you close to me
Will I ever see you smiling back at me?
(oh yeah)
How will I know
if I let you go?🎶"

"Grabe! ang ganda ng boses mo." Lumingon sya sa akin at tinganggal ang headset sa tainga nya. Nagsmirk sya.

" Ikaw din naman. I heard your voice, so lovely" Sinabi nya yun sa pagitan ng pag-smirk. Tinanggal ko na din ang headset ko para marinig ko ng malinaw ang sinasabi nya.

"Ha?" Hindi ko medyo narinig ang sinabi nya kaya pinauulit ko.

" I said, you have a lovely voice. I heard you a while ago." Napatawa ako sa sinabi nya.

"Walang-wala ang boses ko sa ganda ng boses mo. I think you should join the Music Club, you can surely pass the audition."
He smiled as if he likes my opinion.

" Yeah. We can surely pass the audition together" Tumango ako at biglang napatingin ng magsink-in sa utak ko ang sinabi nya.

" You're j-just joking. I knew it. Y-ou're so f-funny" Nawala ang ngiti nya at kumunot ang noo.

" I'm serious. There's nothing funny in what i said. You dont have to worry, i can help you. Duo is allowed in audition and im willing to be your partner" He must be serious. By looking at his eyes, i know he is. But, i dont know if i can make it. Nagdadalawang isip pa ako kung Theater Arts Club or Music Club, kaya im not ready to deal with it. No doubt, kung bakit hindi sya kinakabahan maganda boses nya e.

"I'll think about it" He nod and smile peacefully.

" No pressure. Tsaka maganda ang boses mo, you have to be confident and proud of what you have." Napangiti ako sa sinabi nya.

Dumating si Maam Hernandez at inannouce ang tungkol sa Clubs. Lumapit si kaizer sa akin at tinanong ang gusto kong salihan. Sinabi ko na hindi ko pa alam. Sa Sports daw si Kaizer, he really need that para hindi na mahati pa ang atensyon nya. Doon din naman pumapaloob ang interest nya. Umalis din sya agad dahil sa practice.

Samantalang hanggang ngayon nag-iisip pa rin ako. Bawal ang dalawang club na salihan dahil may pagkakataong magkakasabay ang mga meeting at practice kapag may gaganaping program. Sa kaiisip ko, nakaramdam ako ng call of nature number 1. Tumayo ako at kailangan ko nang pumunta sa Comfort room. Nakaalis na si Maam kanina at vacant naman kami sa second subject dahil nilalagnat daw si Sir Francisco.

Sa dulo ng hallway nakapwesto ang Cr kaya madaanan ko pa ang ilang classroom para makapunta doon. May nagkaklase sa katabi naming room, HUMSS 2 ganun din sa HUMSS 3 at 4. Samantalang busy naman sa paglalaro ang HUMSS 5, 6, at 7. Madami ang nag-aaral sa Canister High School dahil maganda ang school at sikat na school talaga ito. May Comfort room sa magkabilaang dulo ng hallway, kaya lang mas malapit ang kanan kaya doon na lang ako. Anim ang madadaanan ko sa kanan samantalang walo sa kaliwa, ABM Strand ang nandoon.

Nasa tapat na ako ng Cr at binuksan na ang pinto.Pagkapasok ko doon nakita ko si Alliyah, dati kong classmate noong Junior HighSchool. Mag-Eeduc din sya pero nasa HUMSS 3 sya. Ngumiti ako sa kanya at para namang nagliwanag ang mukha nya.

" Thank God." Hinawakan nya ang kamay ko at parang maiiyak na.

" B-bakit? Anong problema? May masakit ba sayo?" Umiiling lang sya ng paulit-ulit.

" Bakit? What's wrong?" Umiyak na sya kaya bigla akong kinabahan. Niyakap ko sya at hinagod ang likod nya.

" Yung Grade 12 president ng Club namin, nag-paalam na sya na magkwi-quit. Sobrang bait nya at hindi namin alam kung paano na kami kapag wala na sya sa club. Personal problem kaya hindi pwede sabihin e. Pasensya na." Patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Ang alam ko kasi pwede na agad sumali sa club ang mga gusto talaga kaya kahit Grade 11 pa lang meron na silang club. Yung poster about sa club ay para sa mga estudyante na nirerequired na sumali.

Mukhang napamahal na talaga sila sa Club at members.

" Driana, alam kong magaling ka sa paglilider at magaganda ang mga kwentong nasusulat mo, nabasa ko na yun minsan at maganda talaga. Marami na ang gustong umayaw at kapag umabot na lang kami sa 10 members, madidissolve na ang Theater Arts Club." Nagulat ako sa sinabi nya. Mukhang problema talaga to. Hindi ako makahanap ng sasabihin, hindi ko alam.

" Driana, baka kapag nalaman nila na ikaw ang papalit kay Joan, magbago pa ang isip nila at piliin na lang na magstay." Napaisip ako sa sinabi nya. Paano na yung mga members na may talent talaga sa Acting, mawawalan sila ng club.

At baka kahit papaano ay may maitulong ako. Gusto ko tumulong at hindi na rin ako mahihirapan dahil isa naman sa gusto ko ang makapasok sa Theater Arts Club.

Ngumiti ako at tinapik ang likod nya. Nagkalas kami sa pagkakayakap at hinawakan ko ang kamay nya. Close friend ko rin sya dati, mabait at mapapagkatiwalaan sya.

" Wag ka nang mag-alala. Tutulong ako sa inyo hanggat kaya ko. Kaya wag ka nang umiyak dyan, masisira ang make-up mo" Napatawa naman sya sa sinabi ko at nagpakawala ng malakas na buntong hininga.

" Salamat Driana. Maaasahan ka talaga, tsaka hindi naman ko nagme-make up." I smiled. Masaya ang makatulong at ayaw kong makakita ng mga taong umiiyak. Tsaka masasayang ang talent ng mga gustong umalis sa Club kapag nagkataon na walang gustong tumulong sa kanila.

Tutulong akong kumbinsihin ang ibang members. Kailangang makagawa kami ng paraan para maraming mag-stay.

" May klase ba kayo, Driana? Pwede bang pumunta muna tayo sa Theater room? Nandoon kasi sila. Dito talaga ako pumunta para malayo doon, ayoko kasing makita nila na umiiyak ako." Ngumiti ako at tumango. Tutal wala namang klase at recess na ang sunod sasama na lang ako kay alliyah.

Bumaba kami hanggang makarating kami sa ground floor. Nandoon ang Theater Club, madadaanan ito papunta sa Cafeteria. Sa Ground/first floor ang room ng bawat clubs. TVL track naman sa Second floor pati library at Storage room. Sa third floor naman ang ABM at HUMSS. At Fourth floor ang STEM,  faculty  room at Offices. Ang bawat strand ay umaabot ng Tig-wawalong section tulad ng HUMSS at ABM,pero merong mas madami tulad ng STEM, ten i guess. Tig-lilima naman sa TVL, ang HE, Industrial Arts at ICT.

Nakarating kami sa pinakadulong room ng ground floor. May nakasulat na " Theater Arts Club" sa may pintuan. Binuksan ni Alliyah ito at parang wala man lang nakapansin sa pagpunta namin dito. May nakaupo sa sahig at nagcecellphone, nakatayo at inaayos ang mga nakakalat na papel sa lamesa, meron ding mga parang inaantok na at yung iba naman parang napilitan na lang mag-stay at gusto nang lumabas. Tumikhim si Alliyah para makuha ang atensyon ng bawat isa. Tumingin sila sa direksyon namin at parang nagulat.

Nang tumingin sila sa amin ni Alliyah ay nakilala ko ang iba dahil naging kaklase ko sila noong Junior HighSchool, yung iba naman ay pamilyar ang mukha. Siguro Grade 12 at naging batch mate ko rin. Ngumiti ako na parang naiilang, lahat kasi sila ay nakatingin sa akin.

" Oh, H-hi" yun lang ang tanging nabigkas ko. Nakakahiya kasi e.

" OMG, problem solve na pala e. Paniguradong hindi na mag-aalisan ang tropa nina Seb kapag nalaman nya to. Sila kasi ang may balak na mag-alisan kaya nagsamahan yung iba." Seb? Sya ba yung naghahanap sa akin sa library at kaklase ni Camille? Hindi siguro.

"Seb? " Nabigkas ko na lang bigla ang pangalang yun.

" Oo, si Seb, naging kaklase natin sya dati noong Grade 9. " Wala akong maalalang Seb. Siguro kapag nakita ko sya.

" Teka, itetext ko na lang sya para makapunta sila. Maaalala mo rin yun. Gwapo yun, sya nga ang laging nakakakuha ng lead role e. Nakadalawang beses na kaming lumaban sa ibang school e." kinuha nya ang phone nya at nagcompose ng text. About sa nasalihan nila, Nabalitaan ko nga yun. Kulang sila sa oras pero nagawa pa rin nilang manalo. Hindi ako nakapanuod noon dahil masama ang pakiramdam ko at kailangan kong umuwi sa bahay at magpahinga.

"Nabalitaan ko nga yun. Sayang hindi ko napanuod. Pero alam ko naman na magagaling talaga kayo, kaya kayo nanalo." Tapos na sya sa pagtetext kaya inilagay na nya ito sa bulsa nya. Ngimiti sya sa akin. Kaklase ko nga sya noong Grade 9, Francine ang pangalan nya.

" Dahil yun sa determinasyon ng president namin. Kinailangang nyang umalis, naiintindihan namin yun pero hindi talaga namin alam kong may kayang gumawa sa responsiblidad nya." Malungkot sya base sa mga mata nya. Mukhang sobrang napamahal na talaga sya sa President ng club.

" Tutulong ako sa inyo. Gagawa tayo ng paraan, wag kayong susuko" Nagsitanguhan sila. At parang nabuhayan ng pag-asa.

Tumunog ang cellphone ni Francine, kinuha nya ito at sinagot ang tawag.

['Hello! Seb. Nasaan na kayo?'] Iniloud speaker nya ang telepono nya kaya maririnig namin ang sagot sa kabilang linya.

"[' On the way na. May dinaanan lang kami e.Kasama ko na sila.'] Medyo malalim ang boses nya at parang may authority kung magsalita.

"[' May kasama si Alliyah para tumulong sa ating club. Kilala mo sya, kaya no need to worry hindi sya magiging pabigat, tulad nang sinasabi mo sa tuwing nagtatangka kaming magsuggest ng tutulong. Pumunta ka na dito.'] Nakikinig lang kami sa kanila. At di nagtagal ibinaba na ni Francine ang cellphone nya pagkatapos ng tawag. Hindi nya rin binanggit ang pangalan ko kaya naman, naiinis ang kausap nya. Wala rin namang nagawa ang kausap nya kaya naman nagpakawala na lang ito ng malakas na buntong hininga.

Nag-usap kami tungkol sa mga activity nila. Inayos namin ang lamesa at inilagay sa gitna, tsaka pinalibutan ng mga upuan. Nakatalikod sa pintuan ang inuupuan ko ngayon. Naghahanda rin sila para sa proposal nila, na gaganapin sa Auditorium. Proposal yun para makaengganyo na sumali sa club.

Nagtagal pa ng ilang minuto ang kwentuhan namin, hanggang sa narinig namin na nagbukas ang pintuan. Hindi agad ako nakalingon dahil may tinanong si Alliyah na syang katabi ko sa upuan.

May narinig akong nagsalita sa may bandang likuran ko.

" So, here we are. Nasaan na yung sinasabi nyong makakatulong sa atin?" Maangas sya kung mag-salita. Nang nasagot ko ang mga tanong ni Alliyah.

Lumingon  na ako sa nagsasalita sa likuran. Nakita kong natigilan ang pinakamalapit, pamilyar sya.

" Kurt?" Nang naalala ko kung sino sya, nasambit ko ang pangalan nya. Tumayo ako at humarap sa kanya.

" A-anong g-ginagawa mo d-dito?" Nagtaka ako sa ikinikilos nya. Bakit sya nauutal? Sya ang laging nambubully sa akin dati, pero naging kaibigan ko rin naman sya. Ang alam ko lumipat na sya ng school kaya hindi ko na sya nakikita.

" Sya yung sinasabi kong makakatulong sa atin. Di ba magaling syang magleader at nagsusulat din sya ng mga stories, kaya alam kong malaki ang maitutulong nya sa atin. Nakalimutan ko na kurt nga pala ang tawag mo sa kanya. " Naalala ko na Kurt Sebastian ang pangalan nya. Pero dahil kilala syang Sebastian at kapag narinig ang pangalang yun ay gulo agad ang naiisip ng iba, naisip ko na Kurt na lang itawag sa kanya, para naman maiba ang impression sa kanya. Alam ko kasi na mabait talaga sya.

" Seb na pala ang tawag sayo. Hindi ko alam na bumalik kana dito sa Canister High, hindi mo man lang ako nilapitan para sana nag-kausap tayo." Umiiwas sya ng tingin at parang namumula. Nahihiya siguro sa mga sinasabi ko kasi guilty sya.

" Lagi ka nyang pinupuntahan sa Library."

" Nag-aaral na din yang mabuti para sayo"

" Playboy yan pero Torpe naman pagdating sayo. Hindi man lang makalapit"

" He-he-he. P-palabiro talaga ang mga yan. W-wag mo na lang p-pansinin." Inakbayan nya ang katabi nya na nakita kung isa sa mga sumigaw at hinead-lock nya.

Kita ko ang ibang nagtatawanan at yung hineadlock naman ay parang malalagutan na ng hininga kaya binitawan na nya din. Uubo-ubo naman sya habang tinatapik ang dib-dib.

" Grabe ka naman, papatayin mo ba ako? Nagbibiro lang naman kami kahit na kalahati noon totoo." Tumawa sya at tumakbo na papalayo ng akmang babatukan sya ni kurt.

Nagtawanan ang lahat kabilang na ako. Naalala ko kasi sya kung paano sya mambully dati. Nilagyan pa nga nya ang upuan ko ng glue kaya nasira ang palda ko pero sya rin naman ang tumulong sa akin. Binigyan nya ako ng jacket, ako na lang kasi ang naiwan noon sa room dahil may tinatapos pa ako. Tinawanan nya ako pero sya rin naman ang tumulong noong nakita nya na paiyak na ako.

Marami na syang ginawang kabalastugan at ako lagi ang nabibiktima nya. Pero noong muntik na syang masuspend dahil pinatawag ang mama nya, naawa ako bigla. Dahil may nagsumbong sa mga ginagawa nya, nakita ko ang galit sa mga mata ng mama nya kaya naman nagsinungaling ako. Sinabi ko na walang bullyhan na nagaganap, ako lang ang pinatawag noon dahil ako lang naman ang puntirya nya lagi. Simula noon naging maging magkaibigan kami. Laking pasasalamat nya sa akin, ayaw nya kasing nakikitang nasasaktan at nagagalit ang mommy nya ng dahil sa kanya.

" T-tara na nga. Magsimula na tayo" Nauna na syang umupo at nagsi-sunudan naman ang iba habang tumatawa pa rin. Parang walang nangyaring problema, naging masaya lang.

Ipinakilala nila ako sa lahat ng members at nagsiupuan nasa kanya-kanyang mga silya. May nag-agree at hindi maiiwasan ang mga violent reactio lalo na sa mga babae.

Nagdiscuss sila about sa proposal. Nakikinig lang ako at nagbibigay din ng suggestion na sinang-ayunan din naman ng lahat. Sa darating na Biyernes ang Audition, dalawang araw simula ngayon. Si Kurt, Alliyah, Francine, yung hineadlock ni Kurt kanina na Mark ang pangalan, at ako ang magiging judge para sa Audition. Ayon sa kanila, meron nang naka-assign sa scripwriter, Director, Assistant Director, make-up artist, costume desingner, Props men na minsan ay pinagtutulungan ng lahat dahil may mga role din ang ibang nag-praprops men, at iba pa, kaya naman ang hinahanap namin ay mga Actors. Pero kung may mag-au-audition para sa ibang gawain ay tatangkilikin din namin.

Naliwanagan naman ang mga nagviolent reaction kanina at sumang-ayun nadin. Humingi sila ng pasensya, nagtampo lang daw sila dahil walang naganap na audition pagdating sa akin. Sinabi ko na naiintindihan ko naman sila, pero handa talaga akong tumulong. Naging maayos na kami dahil nakita naman daw nila ang potensyal ko, at tama lang daw na pumasok ako sa kanilang club. Napapanigiti ako tuwing naririnig ko sa kanila yun.

Dahil malapit ng magClass hour, nagpaalam na ako sa kanila tutal tapos na din naman ang meeting namin.

" Maraming salamat talaga Driana. Pasensya ka na sa inasal namin kanina, dahil pinagdudahan namin ang kakayahan mo. Sorry." Nakayuko sya habang sinasabi yun.

" Ayos lang. I understand, basta andito lang ako para tumulong dahil alam ko na lahat kayo ay may kakayahan at talento." Ngumiti sila sa sinabi ko at nagpasalamat ulit.

Lalabas na sana ako ng room ng may biglang humawak sa braso ko at napatingin ako dito. Si kurt pala.

" Sabay na tayo. Madadaanan din naman yun papunta sa Room namin" Nakahawak sya sa batok nya at binitawan na ang braso ko. Tumango na lang ako at pinagbuksan nya ako ng pinto.

" Kamusta ka na? Ang tagal din nating hindi nagkita ah. Lalo kang tumangkad, hanggang balikat mo na lang ako. Samantalang dati magkasingtangkad lang tayo." Naglalakad na kami sa hallway ng first floor. Tahimik lang sya at parang malalim ang iniisip kaya nag-open na ako ng topic. Tumingin sya sa akin at nag-smirk.

" Anong magkasing tangkad, e hanggang baba lang kita dati. Hindi ka na ata lumaki" Ikinumpara pa nya ang height ko sa kanya sa pamamagitan ng kamay nya. Natatawa na sya.

" Ang oa ha. Tumangkad ka lang naman kaya akala mo hindi na ako  lumaki." Sinuntok ko ang braso nya. Masyadong mayabang parang dati. Hinimas nya naman ito.

" Aray naman. Hanggang ngayon ang lakas mong manuntok. Babae ka ba?" Parang Si Hari, nasuntok lang tinanong na agad ang kasarian ko. OA lang naman sila, hindi naman yun malakas.

" Baliw! Saan ba ang room nyo?"

" Fourth floor"

"STEM ka? Engineer na talaga ang kinuha mo? Pumayag na ang Daddy mo?" Naalala ko naayaw ng Daddy nya na magengineer sya ang gusto ay mag-police.

" Alam nya naman. Pero wala naman syang magagawa, hindi naman kami nakatira sa iisang bahay, di ba?"

" Oo nga pala."

" Sabi din naman nya ay babawi sya. I dont know when! Naiintindihan ko naman ang sitwasyon nila  ni Mommy pero umaasa pa rin ako na babalik sila sa dati."

" Sorry ha. Hindi tuloy kita nadamayan noon.Wait lang! Totoo bang pinupuntahan mo ako sa Library?" Namula sya.

"O-oo." Nauutal sya habang sinasabi yun.

" Bakit kasi hindi ka sa room namin nag-iintay. Alam mo naman ata e. Hindi na kasi ako madalas magpunta sa Library, kaya hindi kita nakikita doon."

Marami pa kaming pinag-usapan at sa tagal naming nag-uusap hindi ko namalayan na nasa tapat na pala kami ng room namin. Nagpaalam na ako at pumasok na sa room nang nakangiti.

" You're almost late" Bungad sa akin ng nakasalubong na kilay na si Zackarias.

" Almost lang naman ah. Hindi pa late" Nag-igting ang panga nya at tumingin ng diretso sa akin nang nakaupo na ako sa silya ko.

" Pilosopo" bulong pa, rinig ko naman.
Hindi ko na lamang pinansin yun ng may bigla akong maalala.

"  Uy Zackarias. May nasalihan na akong Club, sa Theater Arts Club. Kaya galingan mo sa Audition mo sa Music Club ha."  Bigla syang napatingin sa direksiyon ko at nagsalubong ang kilay.

" Theater Arts Club? Bakit doon? Teka nga, members ba yung naghatid sayo dito kanina?" Parang biglang tinubuan ng sungay sa noo ang lalaking to,Anong nangyari dito?

" Oo, Bakit mo naitanong?" Clueless na tanong ko.

" Sumali ka ba doon dahil sa kanya? E may gusto yun sayo ah" Sira ba to?

" Anong pinagsasasabi mo?"

" Halata namang may gusto sayo yun ah. Manhid."

"Walang gusto sa akin yun. Kaibigan ko yun noong Grade 9 kami, kaya close kami. Tsaka anong Manhid?"

" Manhid ka nga talaga. Halata naman doon sa lalaki ah."

" Bakit ka ba sumisigaw? Tsaka marunong ka pa sa akin e ako ang nakasama nya."

" Lalaki ako kaya alam ko. The way he looks at you and the way he smile whenever he saw your lips smiling, kitang-kita. No Doubt. He likes you"

" E ano naman sayo? Bakit ba nagagalit ka dyan? Susuportahan pa rin naman kita sa Pagau-audition mo sa music Club ah."

" Manhid nga." Bumulong sya kaya hindi ko naintindihan.

" May iba na akong sasalihan. I dont want to join the Music Club Anymore. I need to secure my property baka may maka-agaw pa."

" Property? Nahihibang ka na ba? Sayang ang boses mo kung hindi ka sa Music Club, mag au-audition."

"Mas sayang ang property ko , if i did'nt taking care it of."

" Bahala ka na nga. Its your choice"

Nakakainis talagang makipagtalo dito, parating gusto sya  ang panalo. Hanggang natapos ang klase, badtrip pa rin ako. Natapos na din ang proposal sa auditorium ng hindi man lang ako nakapag-focus. Kainis.

Bahala sya kung ayaw na nyang sumali sa Music Club. Saan naman sya ngayon sasali? Minsan talaga napaka unpredictable nya. Bahala na talaga sya, wala naman akong pakialam doon kaso sayang ang talent nya.

Bahala talaga sya. Bahala talaga. Kainis, gusto lagi sya ang panalo.

Malaki naman ang maitutulong nya sa Music Club kasi maganda talaga ang boses nya. Bahala sya. Kainis talaga.

Continue Reading

You'll Also Like

149K 867 27
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
40K 2.8K 24
|ongoing| Ivana grew up alone. She was alone since the day she was born and she was sure she would also die alone. Without anyone by her side she str...
201K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
504K 14.5K 53
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?