SEASONS of LOVE 1 The Series...

Por quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... Más

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 14 - Sparks Fly

1K 49 7
Por quosmelito

*Haru*

•••

   Hah! It's official.

   I hate that Sophie girl.

   At anong klaseng pangalan 'yon? Sophie? Katunog ng Shopee. Sophie, Shopee, Shophie. Kahit naiinis ay bahagya akong natawa sa naisip ko.

   Pero naiinis pa rin ako. Lalo na sa Dark Lord. Wala man lang siyang ginawa para umalis ang Sophie na 'yon sa kandungan niya.

   Sabagay, baka nga higit pa roon ang ginawa nila kahapon sa condo niya. Kung nagagawa nila ang magkandungan sa harap ng ibang tao, ano pa kaya kapag sila na lang dalawa?

   Napalitan ng lungkot ang nararamdaman kong inis. Parang gusto kong bumalik sa taas sa halip na para akong timang na naglalakad sa gilid ng kalsada.

   Gusto kong paalisin ang Sophie na 'yon at sitahin si Rain kung bakit hindi man lang siya pumapalag sa mga ginagawa ng babaeng 'yon.

   Pero ano naman ang karapatan ko?

   Wala.

   "Hi."

   Napaangat ang paningin ko sa nagsalita.

   "Ako?" Turo ko sa sarili ko.

   "Yup, I'm Oscar, but just call me Osky, and you are?" Inilahad niya ang kanang kamay habang nakangiti.

   "Haru." Tinanggap ko iyon at sinuklian ang ngiti niya.

   "Hi, nice to meet you, Haru. So, uhm, I was watching you from over there." Itinuro niya ang isang open-air na coffee shop sa kabilang kalsada. "Not that I was stalking you," saka siya tumawa. "But you look troubled."

   Lihim ko siyang pinagmasdan habang nagsasalita. Kasing taas ko siya, maputi, mabait ang bukas ng mukha. Nice smile.

   "Do you want someone to talk to?"

   "Ahm, hindi ko maintindihan pero, bakit?"

   "What do you mean?"

   "Bakit gusto mo akong kausapin. Ibig kong sabihin, hindi naman tayo magkakilala."

   "Oh. I'm a missionary, see?" Iminwestra niya ang kasuotan.

   Oh. Kaya pala ganoon ang suot niya. Itim na slacks, black shoes, white polo na may nameplate sa dibdib na may nakasulat na Tabamo, at necktie. At messenger bag.

   "And we spread the words of God. 'Yon, so, bakit malungkot ka?" Patuloy niya.

   Okay lang ba na idaing ko sa kanya ang maliit kong problema? I mean, hindi naman iyon ganoon kalaki.

   Pero sige, minsan mas mabuti nang magbuhos ka ng hinanaing mo sa isang taong hindi mo kilala. Knowing na hindi na ulit kayo magkikita.

•••

   "Ayon, naiinis lang ako kasi.." bumuntong-hininga ako at nagkibit-balikat saka humigop ng kape.

   "You're jealous."

   "Hindi. Ibig ko lang sabihin.."

   "It's okay. It's normal, especially kung may nararamdaman ka. But first of all, the Bible says, in Leviticus chapter twenty, verse thirteen; if a man lies with a male as with a woman, both of them have committed an abomination; they shall surely be put to death; their blood is upon them."

   "..."

   "Kasalanan ang magkaroon ng relasyon sa kapwa lalaki o kapwa babae. Pero, hindi kita sesermunan tungkol do'n." Ngumiti siya at tumingin sa paligid.

   May mangilan ngilan ding nagkakape sa coffee shop na iyon, pero mukhang meron din naman silang kanya kanyang pinag-uusapan.

   "Because we have our reasons kaya tayo nakikipagrelasyon sa kapwa natin ng kasarian. And one them is love. Di ba, like, what if, nakipag-siping ka sa kapwa mo lalaki but because of love? And, God is love. So is it still considered a sin?"

   "..."

   "But let's not dwell on that. Love is weird." Bahagya pa niyang itinirik ang mata habang nakangiti. "Punta tayo sa nararamdaman mo. Maraming sinasabi ang Bible about love. One is written in First Corinthians chapter thirteen, verses four to eight, it says; 'Love is patient, love is kind. It does not envy, it does not boast, it is not proud. It does not dishonor others, it is not self-seeking, it is not easily angered, it keeps no record of wrongs. Love does not delight in evil, but rejoices with the truth. It always protects, always trusts, always hopes, always perseveres. Love never fails.'

   "At totoo iyon. Iyan ang pag-ibig."

   "Pero hindi ko siya..."

   "Mahal? But you're jealous." Hindi ako kumibo dahil pakiramdam ko ay totoo iyon. "Did you know that God became jealous of the nation of Israel? Masama ang magselos, hindi ba? It's a sin. But they say God is a jealous god.

   "Ganito 'yan. God became jealous, because he treated Israel as his wife, pero ang nasyon ng Israel ay may ibang diyos na sinamba, at sino ba naman ang may gusto na i-share sa iba ang asawa niya? No one. So God got jealous, because he wanted to protect what was His, His possession, His treasure.

   "You see, jealousy is not always a bad thing. Minsan kapag nagseselos tayo, gusto nating manakit, that's the sinful side of jealousy. But most of the time, nagseselos tayo dahil gusto nating protektahan ang isang bagay na mahalaga sa atin. Nagseselos tayo, dahil nagmamahal tayo. And kung napansin mo sa binanggit ko kanina about love sa fisrt Corinthians. Walang nabanggit about jealousy, kung bawal ba ito o hindi, that's because love can be jealous sometimes."

   "Hindi ko alam ang sasabihin."

   "You don't have to say anything. Kailangan mo lang makinig. Maybe you're confused now. Malamang nga, tinatanong mo sa sarili mo kung nagseselos ka talaga, at kung nagseselos ka nga, nagmamahal ka ba? Right?"

   Tumango ako dahil tama siya na iyon ang tumatakbo sa isip ko.

   "Okay, now, I'll talk to you not as a missionary, but as an ordinary person with ordinary opinions. Sige, isa isahin natin, para malinawan ka. Just answer me with a yes or a no. Okay?"

   Ngumiti siya nang tumango ako.

   "Perfect. So, madalas mo ba siyang maisip? Say, may iba kang kausap pero bigla na lang siyang papasok sa isip mo?"

   Nahihiya akong tumango. Shems. Madalas mangyari iyon.

   "Okay, hindi na kita tatanungin kung naiirita ka kapag may kausap siyang iba, because that's already clear. Next question, do you like being near him?"

   "Mm-hm."

   "What about his face, nakikita mo ba ang mukha niya kahit nasa ibang bagay ang focus mo?"

   Tango.

   Shems! Yung totoo lang, siya ba ang konsyensya ko? Bakit parang alam niya ang lahat ng nangyayari sa akin?

   "Alright. One last question. Kaya mo bang makuha siya ng iba?"

   Ilang saglit akong nawalan ng kibo at nakatitig lang sa kanya.

   Kaya ko ba?

   Parang ang sakit naman no'n.

   "Pero, wala naman akong karapatang manghimasok sa buhay niya. Kahit siguro ang magselos, wala rin akong karapatan."

   "You're right."

   "'Kita mo na? Kahit ikaw sumasang-ayon na wala akong karapatang magselos."

   Ngumiti siya at humigop ng kape habang tila nag-iisip.

   "I don't know if everything I said makes sense to you. Baka nga nakalimutan mo na lahat ng sinabi ko. But what I'm trying to say is that, okay lang na magselos kahit wala tayong karapatan, basta mayroon tayong nararamdaman hindi iyon maiiwasan. Oh, that rhymed." Tumawa siya bago nagpatuloy.

   "Hindi ko rin alam kung paano ko mapapagaan ang pakiramdam mo. Pero ang advice ko sayo, give it a good fight."

   "Alin?"

   "This." Saka siya tumuro sa dibdib niya. "Your feelings."

   "Pero, hindi naman ako sigurado kung ganoon din ang nararamdaman niya. Baka nga ni hindi siya interesado sa tulad ko." Ngayong lumabas iyon sa bibig ko ay napagtanto kong iyon pala ang nilalaman ng puso ko.

   Shemay. Sino ba ang Osky na 'to?

   "Iyan ang problema sa ating mga tao."

   "Ha?"

   "Takot tayong sumugal. Pero alam mo kung kanino ako humahanga?"

   Nagkibit-balikat ako. "Kanino?"

   "Hanga ako sa mga taong hindi takot sumubok. Iyon bang tatalon pa rin sa pag-ibig kahit hindi sila sigurado kung may sasalo sa kanila sa ibaba. That's the purest kind of love. You just jump and fall."

   "..."

   "Kung masaktan ka, eh di masaktan ka. At least you tried. Sa lahat naman ng pagkakamali may lesson. Just like what Isaiah said in chapter fifty five verse ten to thirteen;

   "For as the rain and snow come down from heaven, and do not return to it without watering the earth and making it bud and flourish, so that it yields seed for the sower and bread for the eater, so is my word that goes out from my mouth: it will not return to me empty, but will accomplish what I deserve and achieve the purpose for which I sent it."

   "Sa mas madaling salita, ang sabi ni Isaiah ay, lahat ng pangyayari ay may dahilan at layunin. Kung hindi masusuklian ang nararamdaman mo, siguradong may matututunan ka naman sa bandang huli. So, may kapupuntahan pa rin ang pagtalon mo. Kuha mo?"

   Napatango-tango ako. Tama naman siya. Iyon nga lang ay ni hindi ako sigurado kung mahal ko nga ba si Rain. Hindi ko nga alam kung pagmamahal ba ang nararamdaman ko dahil hindi pa ako na-in love dati.

   Paghanga, oo naramdaman ko na. Pagmamahal? Hindi ako sigurado kung ano ang pakiramdam niyon.

   "But if you're still in doubt, pwede namang si God na lang ang mahalin mo. Sa Kanya, hindi masasayang ang pagmamahal mo."

•••

   Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang mga sinabi sa akin ni Osky. May punto siya sa lahat ng sinabi niya. At hindi ko inasahang mapapagaan niya ang pakiramdam ko.

   Siguro ay sa katotohanang hindi niya ako hinusgahan kahit ipinagbabawal ng salita ng Diyos ang pagtitinginan ng dalawang taong may parehong kasarian.

   Gusto ko pa sana siyang makausap nang mas matagal pero dumating na ang mga kasamahan niya kaya kinailangan na naming magpaalam sa isa't isa.

   Pakiramdam ko ay marami pa akong matututunan sa kanya.

   Dinukot ko ang phone sa back pocket ng pantalon ko at sinagot ang tawag.

   "Otouto, what's up? Are you free today?"

   Oo nga pala.

   "Ah, ahm, tinawagan ako ni Sir Rain eh. Sorry, nakalimutan kong sabihin agad."

   "It's okay. I know sometimes people can be forgetful when they're with their special someone. Hmm."

   Napangiti ako sa nanunukso niyang himig.

   "Pfft. Hindi 'no! Nawala lang talaga sa isip ko." Binagalan ko ang paglalakad at naghanap ng mauupuan. May nakita naman ako agad na bakanteng bench sa di kalayuan kaya pumwesto na ako roon.

   "Ahm. Magsisimba kami bukas nina Mama at kambal. Gusto mo bang sumama?"

   "You're going to chruch?" Paninigurado niya.

   "Oo."

   "Alright. I'm coming with you. What time?"

   "First mass. Six am 'yon."

   "Okay, it's a date then. I'll pick you guys up tomorrow."

   "'Wag na. Magko-commute na lang kami."

   "I hate it when you reject my every offer."

   Napakagat-labi ako sa nahimigan kong hinanakit sa boses niya.

   "Sorry. Ayoko lang na maabala ka. Pero, sige, kung okay lang sa'yo, before six dapat nasa bahay ka na."

   "What are you talking about? Of course it's okay with me, silly."

   "Sige."

   "Seriously, Haru, I wanna make it up to you. And I can't do that if you don't let me do the things I want to do for you." Sinabayan pa niya iyon ng buntong-hininga.

   Ngayon pa lang ay nai-imagine ko na kung gaano ka-swerte ang magiging mga anak niya sa hinaharap.

   Ngumiti ako kahit hindi kami magkaharap. "Oo. Sorry na, onii-san."

   "Hmm. Why do I feel like you're only calling me 'onii-san' to appease me?" Ngayon ay mas magaan na ang tono niya.

   Tumawa ako at nagkibit-balikat kahit hindi niya nakikita. "Gusto mo namang tinatawag kitang onii-san di ba? Onii-san."

   "Of course." Dinugtungan niya iyon ng mahinang tawa. "Ahm, I have to go. I'll call you later, okay?"

   "Okay."

   "Love you, otouto."

   Hindi ko alam kung ano ang isasagot. Thank you?

   Okay?

   Bye?

   "Well? I'm waiting." Pukaw ni Ichiro sa kabilang linya.

   "Ahm. Love you rin?" Sa halip ay patanong na tugon ko saka ako alanganing tumawa.

   "Tsk. Okay. That'll do. For now. You take care. Drive safely, okay?"

   "Okay. Bye."

   "Bye. I'll call you later."

   Nang mawala na siya sa kabilang linya ay ibinulsa ko na ang cellphone at sumandal sa kahoy na upuan.

   Walang gaanong tao ngayon hindi gaya kapag weekdays na naglisaw ang naka-suit and tie na mga empleyado. May mangilan-ngilan din naman ngayon. Siguro ay nag-oovertime sila gaya ng ilang empleyado ni Rain.

   Napahugot ako ng hininga nang umihip ang hangin. Presko iyon at malamig sa balat.

   "Malapit na pala ang summer, kaya siguro nagsisimula nang uminit."

   "Sinong kausap mo?"

   Marahas akong napalingon sa nagsalita.

   "Bakit ka ba nanggugulat?"

   "And why aren't you answering your phone? Kinailangan ko pang bumaba para hanapin ka, turns out, may ka-meet ka palang imaginary friend dito sa ilalim ng puno."

   "Ha-ha. Funny." Tumayo ako at nagpagpag ng hindi nakikitang alikabok sa pang-upo ko.

   Nasa tapat lang pala ako ng building niya kaya madali niya akong nakita.

   "Anong kailangan mo?"

   "Is that how you talk to your boss?"

   "Oh. Sorry, SIR. Ano ho ang kailangan niyo. Ho?" Gusto kong mapangiti dahil naalala ko ang kambal. Mukhang nahawa na ako sa attitude nina Junno at Jinn ah.

   Naningkit ang mapupungay niyang mga mata sa ilalim ng bahagyang magkasalubong na kilay.

   'Yang gwapong mukha na 'yan. Hmp!

   "I wanna go home."

   "Agad? Kala ko magbe-breakfast pa kayo ni Shophie?" Hindi ko naiwasang artehan ang pagbigkas ng 'breakfast' gaya ng kung paano iyon binigkas ng Shopee na yon.

   "Shophie?"

   "Sophie." Mabilis kong pagtatama.

   "No. I want a home-cooked breakfast. Come on."

   Iyon lang at tumalikod na siya patungong parking lot.

   Hindi ko napigilang mapangiti. Ibig bang sabihin, tinanggihan niya ang Shophie na iyon?

   Ha-ha. Good.

   Parang may spring ang mga paa kong bahagya pang nag-i-skip habang nakasunod kay Rain.

•••

   "Matagal pa ba 'yan?"

   "Saglit na lang ho." Nakailang tanong na ang kamahalan mula pa kanina at gusto ko nang itirik ang mga mata ko. "Pfft. Eh kung tumulong ka kasi kaysa sa mukha kang haring prenteng prente sa sofa?" Pabulong na dugtong ko.

   "Stop whispering to yourself. You look creepy."

   Nag-angat ako tingin kasabay ng pag-angat ng isa kong kilay. Napansin pa niya iyon?

   Oh.

   Pinagmamasdan ba niya ako?

   Pero hindi naman siya nakatingin.

   Pfft. Hey, daydreamer! Bakit naman niya ako pagmamasdan? Iiling iling na ipinagpatuloy ko na lang ang pagluluto ng almusal.

   Minsan napapaisip na rin ako kung bakit sinusunod ko lahat ng utos ni Rain samantalang hindi naman siya ang amo ko kundi si Mrs. Monteclaro. Pwede ko rin namang hulugan na lang tuwing sweldo iyong nagastos niya sa mga damit ko.

   Pero bakit?

   Dahil ba...

   Umiling iling ako. Hindi naman pwede iyon. I mean ilang linggo pa lang kaming magkakilala. Dalawa? Tatlo? May nai-in love ba sa ganoong kaikling panahon?

   Then para saan iyong 'one point, one point' na binibigay mo sa kanya?

   Iyong pagsunod mo sa mga utos niya?

   Iyong pagseselos mo kay Sophie?

   Iyo---

   Okay! Fine! I like him.

   I like him.

   "Who?"

   Napasinghap ako kasabay ng bahagyang pag-igtad ng mga balikat ko. "God! Bakit ka ba talaga nanggugulat? Montik na 'kong atakihin."

   "Ang OA mo." Naupo siya sa stool sa counter at kumuha ng dalawang piraso ng ubas sa tray at sabay na kinain. "Sino iyon?"

   "Sino ang sino?"

   "'Yung sinasabi mong gusto mo."

   "Wala. K-kumakanta lang ako." Naglabas ako ng mga gagamitin niya sa pagkain at sinimulang iayos ang mga iyon sa mesa.

   "Really?" Tila hindi kumbinsidong tanong niya na sinagot ko ng kaswal na tango.

   Pfft. 'Di ako aamin. Baka pagtawanan pa niya ako at sa halip na tumagal pa ako ng dalawang linggo ay baka humanap na agad siya ng bagong driver.

   I don't know, pero nakakalungkot lang isipin. Siguro nga ganon na lang. Ie-enjoy ko na lang habang kasama ko siya. Habang kailangan pa niya ang serbisyo ko.

    Mas maganda sana kung ako mismo ang kailangan niya. But then again, baka ako lang ang nakakaramdam.

   "Hanga ako sa mga taong hindi takot sumubok. Iyon bang tatalon pa rin sa pag-ibig kahit hindi sila sigurado kung may sasalo sa kanila sa ibaba. That's the purest kind of love. You just jump and fall."

   Bahagya akong napangiti nang maalala ko ang sinabing iyon ni Osky. 'Wag kang mag-alala, Osky, tatalon ako 'pag handa na 'ko.

   "You're really creepy."

   Napukaw ang pag-iisip ko nang muling magsalita si Rain.

   Ah. Creepy pala ah.

   Yumuko ako at kinuha ang kutsilyo nang hindi inaalis ang masamang tingin sa kanya.

   "What are you doing?"

   Sinimulan kong maglakad palapit sa kanya na parang zombie habang nakababa pa rin ang kamay ko pero nakaturo sa kanya ang kutsilyo.

   "Okay. Stop it, Haru. It's nonsense. You don't look scary, you look like a drunken zombie.

   "And you thought you could scare me out with a bread knife? Stupid." Dugtong pa niya sa tila nababagot na tono saka ako binato ng isang piraso ng ubas sa noo.

   "Pfft! Wala ka talagang sense of humor." Ibinaba ko sa counter ang bread knife at ipinagpatuloy ang paghahain.

   "I do. Ginagamit ko lang 'yon sa mas nakakatawang sitwasyon."

   "Tss. Oh. Kumain ka na. Siguro naman kaya mo nang magligpit pagkatapos mo?"

   "What do you mean?"

   "Ahm. Uuwi na ako?" Patanong ko ring sagot.

   Tinitigan niya ako saka bahagyang ikiniling ang ulo. Shems. 'Wag mo akong tingnan nang ganyan. Baka mahalikan kita nang wala sa panahon.

   "Hindi ko alam kung ayaw mo lang kumain kasabay ako o kung gusto mo lang talaga nang inaaya ka pa."

   Sinimangutan ko siya at tinungo ang cabinet na lagayan ng mga plato.

   "Eh 'di kumain." Nauna na akong maupo kaysa sa kanya habang iiling iling siyang sumunod.

   Magsasalin na sana ako ng pagkain nang muli siyang magsalita.

   "Let's pray."

   Nabitin sa ere ang kamay ko nang ilahad niya ang kaliwa niyang kamay sa ibabaw ng mesa.

   Hahawakan ko ang kamay niya? Oh no. Sa isiping iyon ay tila may lumuksong damdamin sa kalooban ko. Excitement?

   "Well?" Pukaw niya saka bahagyang iginalaw ang kamay.

   Walang kibo ko iyong tinanggap at pumikit. Mainit iyon at masarap sa pakiramdam. Parang ayaw ko nang bumitaw.

   Lihim na nagdiriwang ang dibdib ko sa pagdadaop ng mga palad namin. At agad ko iyong ihiningi ng tawad sa Diyos. I mean, sa halip na magpasalamat sa biyayang bigay Niya ay heto ako at iba ang iniisip.

   Gayun pa man ay hindi ko magawang mag-focus upang bumuo ng tahimik na panalangin. Nawawala ang konsentrasyon ko dahil sa ibinibigay na pakiramdam ng mga daliri ni Rain na nakapalibot sa mga daliri ko.

   Dang. Ni hindi ko man lang siya kinwestyon kung ano ang sumapi sa kanya at bigla ay gusto niyang magdasal bago kumain. Hindi naman niya iyon dating ginagawa. At may pahawak pa ng kamay!

   Isang eksaheradong tikhim ang nakapagpadilat sa akin.

   "Kanina pa ako nag-Amen."

   "Ah. He-he." Alanganin kong tawa habang pasimpleng binitawan ang kamay niya. "Kain na tayo."

   Kumuha ako ng kanin pero hindi ko iyon sa gamit kong plato inilagay kundi sa kanya. At ramdam kong nakataas ang kilay niyang pinanonood ako.

   Binalewala ko lang siya at itinuloy ang ginagawa ko. Bakit ba? Eh masarap sa pakiramdam eh. Saka hindi naman siya umaangal.

   "Eherm. Why are you doing that?"

   Nagkibit-balikat ako at naglagay ng ulam. Sa plato niya ulit. "Kapag ginagawa kasi ni Mama sa akin 'yan natutuwa ako. At natutuwa rin ang kambal kapag ako naman ang gumagawa niyon sa kanila."

   "So, sa tingin mo natutuwa ako?"

   Natigilan ako at napatingin sa kanya. Pfft. Nagkibit-balikat na lang ako at inasikaso ang sarili ko.

   Tahimik kaming kumain na tanging ingay lang ay ang mahihinang tunog ng plato at kubyertos.

   Kung hindi lang sana masungit ang Rain na 'to, perfect na.

   Pero bakit kahit gano'n ang ugali niya ay hindi ko pa rin magawang magalit sa kanya? Palitan natin. Masyadong mabigat ang salitang galit, sabihin na lang nating, hindi ko magawang mainis sa kanya nang totohanan.

   Pwera na lang kapag nasa paligid si Sophie. Pero mas naiinis ako kay Sophie kaysa kay Rain. Ni hindi nga ako nasasaktan sa magagaspang niyang salita.

   'Eh kasi nga mahal mo siya.'

   Siguro. Pero wala rin namang kapupuntahan kung ano man ang nararamdaman ko para sa kanya.

   I mean, tingnan mo siya.

   Gwapo, edukado, may sariling kumpanya, mayaman, attractive. Kahit sinong babae ang gustuhin niya ay tiyak na makukuha niya nang hindi man lang nag-e-effort.

   Ako? Mahirap, walang kotse, walang magarang bahay. Ni hindi ko natapos ang college. At driver lang niya. Higit sa lahat hindi ako babae. Hindi ko naman ikinalulungkot na hindi ako babae, ang ibig ko lang sabihin ay mukhang hindi naman pumapatol si Rain sa kapwa niya lalaki. Kaya walang-wala talaga akong pag-asa.

   'Bakit nag-i-stay ka pa?'

   Hmm. 'Di ko alam.

   "May gagawin ka ba bukas?" Mayamaya ay tanong niya.

   "Ha? Ah, ahm. Magsisimba kami nina Mama at kambal. Saka ni Ichiro."

   "Ah."

   "Gusto mo bang sumama?" Nakangiti kong alok.

   "It's a family day."

   "Hmm. Okay." Nagkibit-balikat ako at ipinagpatuloy ang pagkain.

   Nag-angat ako ng tingin nang mapansin kong nakatitig siya sa akin. "Bakit?"

   "Aren't you going to ask me again?"

   "Ano? Kala ko ayaw mong sumama?"

   "I didn't say that. I said it's a family day."

   Kunot-noo akong napakamot sa likod ng tenga ko. Hanep. Minsan gusto ko nang kumpunihin ang utak ng lalaki sa harap ko.

   "Okay, sige. Ahm, gusto mo bang sumama sa aming magsimba bukas?" Ulit kong tanong.

   "I'll think of it." Pabalewala niyang sagot saka nagpatuloy sa pagkain.

   'Di ko napigilang itirik ang mga mata ko. Seriously, ano bang drama niya? Bakit feeling ko nang-iinis lang siya? Iyong lihim niyang napakaliit na ngiti na halos hindi ko nakita. Tingnan mo kung sino ang weirdo.

   Nang matapos kaming kumain ay agad na siyang bumalik sa salas at nagbukas ng TV.

   Of course.

   Walang reklamo ko na lang na nilinis ang kusina at iniligpit ang mga kalat.

•••

   "It's not just a bag. It's Prada!"

   Kanina pa ako tuwang-tuwa sa pinanonood namin ni Rain na American movie.

   Pauwi na sana ako pero nakita kong napapangiti siya kaya na-curious ako. Kaya sa halip na magpaalam ay naupo ako sa tabi niya at inusyoso ang palabas.

   White Chicks ang title niyon at ang mga bida ay dalawang lalaking Black Americans na secret agents at nagpanggap bilang White American girls.

   "They're really funny." Bahagyang nakangiting komento ni Rain.

   "Natatawa ka na niyan?"

   "What do you mean?"

   "Ang liit-liit ng ngiti mo. Dapat ganito." Wala sa loob na hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at binanat ang sulok ng kanyang mga labi. "Ganyan."

   Nakatingin lang siya na tila hindi ikinatutuwa ang ginawa ko.

   "He-he." Patay-malisya akong umayos ng upo at muling humarap sa TV. "Sorry." Paanas na dugtong ko. Di ko alam kung narinig niya. Pero malamang ay hindi.

   "Kasi naman, kanina pa ako tawa nang tawang mag-isa. Ikaw wala man lang reaksiyon." Paliwanag ko kahit hindi siya nagtatanong.

   "Ang sabi ko nakakatawa sila, isn't that enough?"

   "Well, hindi naman masamang tumawa. Saka mas gumugwapo ka kapag hindi ka nakasimangot."

   "What?"

   What? Tanong ko rin sa isip ko. Sinabi ko bang gwapo siya? Shems.

   "Ah. Sabi ko, n-nakakagwapo ang pagngiti."

   "Then bakit hindi ka gwapo?"

   Nakasimangot akong lumingon sa kanya. "Eh---."

   "Sssh. Quiet." Aniya na sa TV nakatingin.

   Pfft. Evil. Evil Lord.

   Pangit ba ako? Hindi naman ah. Naku-cute-an nga sa akin si Ethan boo eh.

   Kumusta na kaya siya? Hmm. Siguro ay masyado na siyang maraming kliyente kaya di na siya ganoon kadalas tumawag. Di bale, mamaya ako na lang ang tatawag sa kanya.

   Natapos at natapos ang palabas na ako lang ang panaka-nakang tumatawa. Pero at least, nakikita kong ngumingiti rin si Rain sa mga nakakatawang eksena.

   At gustong gusto ko siyang kuhanan ng picture dahil bihira lang ang ganitong pagkakataon.

   Kung hindi lang masyadong halata na masaya akong makita siyang ngumiti ay ipinagsigawan ko na ang linya ng kantang paulit ulit na nagpe-play sa utak ko.

   "Drop everything now.
   Meet me in the pouring rain.
   Kiss me on the sidewalk.
   Take away the pain.
   Coz I see sparks fly, whenever you smile."

   "Ang ganda." Bulalas ko nang matapos ang palabas. "Nagustuhan mo r--."

   Natigilan ako nang malingunan kong natutulog na pala si Rain.

   Hmm. Antukin.

   "Rain." Bahagya ko siyang niyugyog pero hindi siya gumalaw. Minsan ko pa iyong ginawa upang siguruhing tulog nga siya bago ko siya maingat na ihiniga sa sofa.

   Iniusad ko rin ang single na sofa padikit sa paanan niya para hindi mangawit ang binti niya.

   Ang gwapo niya talaga. At mukhang anghel kapag natutulog.

   Okay lang kaya kung pi-picture-an ko siya? Isa lang naman. Inilabas ko ang phone ko pero agad ko rin iyong ibinulsa. No, mali iyon. Saka mukha akong stalker. 'Wag na.

   Nakuntento na lang akong pagmasdan siya at isa isahing itatak sa isip ang bawat detalye ng mukha niya.

   "I see sparks fly, whenever you smile, Rain." Bulong ko sa hangin.

•••

Seguir leyendo

También te gustarán

408K 7.4K 16
The Keith Lawrence and John Wayne Villacorta romance story, will give you most seductive and intimate turn around story in the making Keith was a poo...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
122K 4.4K 57
Si Ezekiel Azyra Elizar ay isang anak ng isa sa pinaka-magaling na AFP Chief Commander. Bata pala siya ay pangarap na niya ang maging isang sundalo a...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...