Every Game

By KnightInBlack

4.9M 227K 80.1K

Dark Series #1 "Every game has a story." *** Our life is a game. Each of us has our way on how to play it. So... More

Work of Fiction
Every Game
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Final Chapter
Epilogue (1/2)
Epilogue (2/2)

Chapter 23

98.1K 5K 1.1K
By KnightInBlack

Chapter 23: Reaction

Ito na ata ang pinakamahabang gabi ng buhay ko. Hindi ko alam kung ilang minuto na akong nakatayo, nakatingin sa kawalan habang iniisip lahat ng magandang dulot ng sakripisyong ito. I've never been this satisfied on a decision I made. Saving this game will always be my top priority.

Who would have thought I could go this far in this game? This game has become not only his game but also mine. I've never been this desperate to reach something in instant because I believe everything has a perfect time. But not in this game, this can't wait longer knowing... the end is near.

Choosing to save this game will always be worth it.

Nang mangalay ay bahagya akong nag-inat ng katawan. Napalingon ako kay Rocky sa loob ng sasakyan. Nakahiga ang ulo nito sa manibela at ginawa niyang unan ang kanyang braso. Ang mukha niya ay nakatagilid at nakaharap sa direksyon ko.

Mas lumapit ako sa bintana ng sasakyan. Wala sa sariling napangiti ako habang pinagmamasdan ang payapa niyang mukha. Mabibigat ang paghinga nito base sa halatang pagtaas-baba ng kanyang balikat. He was in a profound sleep. I wonder how long he has been standing here and waiting for me to wake up? When was the last time he had a good sleep?

Hinawakan ko ang salamin ng bintana, umaasang mahahaplos ang kanyang mukha.

"You're such a tough man, Rocky," I whispered. "Stop thinking no one is capable of loving you. Just think of me and you're good. I'm sorry for giving you up. I'm sorry for hurting you, baby."

Nangilid na naman ang luha sa aking mga mata pero sa pagkakataong ito ay dahil na sa saya.

"Kaunting paghihirap na lang, malaya ka na," bulong ko. "But remember that this stubborn girl will always believe in you. I love you..."

Umayos ako ng tayo para punasan ang luha sa aking mata. Suminghap ako ng hangin bago binalingan ng tingin ang saradong restaurant. After this task, there will only be three tasks left before the game ends... finally.

It's been a long ride...

Bumalik ako sa pagkakasandal sa sasakyan ni Rocky. Wala sana akong balak pumasok kung hindi lang bumuhos uli ang malakas na ulan. Umikot ako sa isang pintuan at sinubukang buksan 'yon pero bigo ako, nakakandado ito.

I bit my bottom lip as I felt my body shivered. Isama pa ang malakas na ihip na hangin.

I tried to open the door again but unfortunately, it still didn't work.

Kakatok na sana ako para gisingin siya pero huminto rin ako. He just had a good sleep. Hinayaan niya akong matulog kanina, hindi ko nga alam kung ilang oras siyang nasa labas at nakatayo. He didn't bother to disturb me. Siya naman ngayon.

Bumagsak ang mga balikat ko.

Lumingon-lingon ako sa paligid at naghanap ng masisilungan. Nasa kabilang kalsada pa ang isang maliit na silungan kaya kinailangan ko pang tumawid. Halos madulas pa ako dahil sa pagkukumahog.

Sumandal ako sa pader dahil naaabutan pa rin ako ng mga malalaking patak ng tubig. Hinawi ko ang mga patak ng ulan sa katawan ko. Halos basa na rin ang buo kong damit. Piniga ko ang buhok ko para mabilis itong matuyo.

I hugged myself as I stared at Rocky's car across the road.

"Have a good sleep, baby," I whispered.

Niyakap ko ang sarili ko habang pinapatila ang malakas na ulan. Basa na rin ang mga binti ko at tumataas na ang mga balahibo ro'n dahil sa sobrang lamig. Napaubo ako nang mas lumakas ang hangin.

Yumuko ako at pinaglaruan ang tubig sa aking paa.

Lumingon ako uli sa sasakyan ni Rocky. Kumunot ang noo ko nang makitang nakabukas na ang pinto no'n. Saka ko lang napagtanto ang isang lalaking dahan-dahan na naglalakad sa direksyon ko. Walang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata at tila wala rin sa kanya ang malakas na pagbagsak ng ulan.

Napalunok ako bago inayos ang sarili.

"Bakit hindi mo sinarado ang pinto ng sasakyan mo?" tanong ko nang huminto siya sa harapan ko. "Baka mabasa ang loob no'n at may masira pang gamit."

Nakagat ko ang labi ko nang pasadahan niya ng tingin ang buo kong katawan. Bumali ang leeg nito bago tinangka akong hawakan pero huminto ito, bumagsak uli ang kanyang mga kamay.

Why can't you hold me now?

Oh, yeah. This is my choice. Damn it, Mads. Stop acting like you did nothing to make him act this way!

"Get in my car," he said. His voice was as cold as the weather.

"No. Basa ako," sabi ko.

Napanganga ako nang maglakad ito sa gitna ng kalsada at huminto siya roon.

"What are you doing?!"

"Get in my car," he threatened me.

Kumalabog ang dibdib ko nang makitang may paparating na sasakyan. Mabilis na tumakbo ako papunta sa kanya at hinila siya patabi sa kabilang kalsada. Malayo pa naman ang sasakyan pero kapag nagtagal ako ay maaari siyang mahagip no'n.

"W-What was that?" I asked. Hinawi ko ang tumutulong tubig sa mukha ko.

Bagsak na rin ang buhok ni Rocky dahil sa ulan. He was just staring at me using his blank expression. Those brown eyes were showing lack of interest --- like he didn't do anything at all.

"Bakit hindi ka pumasok?" tanong niya, binalewala ang tanong ko.

"I-It was locked," I stuttered. "But that's fine. Para makapagpahinga ka rin. Sumilong naman ako sa kabilang kalsada."

Kumuyom ang kanyang kamao kaya gusto ko 'yong hawakan pero alam kong hindi na pwede. I made up my mind. I won't stand in his way anymore. Ayoko nang pahirapan pa ang mga sarili namin. I'll just stick with my decision and avoid complicating things more.

"Why didn't you knock?" He raised his eyebrows.

I shook my head. Tumingin ako sa sasakyan niya.

"P-Pwede ba akong pumasok kahit na basa?" nahihiya kong tanong.

I don't think I can still withstand this weather. Baka lagnatin ako at maantala pa ang task ngayong araw. Habang mas tumatagal kami sa larong ito ay palalim din nang palalim ang sakit. I need no excuses to play today.

Hindi ko na siya hinayaang sumagot, mabilis na sumakay ako sa driver's seat. Pinagmasdan ko si Rocky na tiningnan lang ako. Inalog nito ang kanyang ulo bago sumunod.

He closed the door and started the engine.

"W-Where are we going?" I asked.

He didn't answer me. Nagmaneho ito nang hindi sinasagot ang tanong ko. Hindi ko na rin inulit pa ang tanong ko. Ibinalin ko na lang diretso sa daan ang aking tingin.

I was shivering here. Maya't maya rin ang paglingon sa akin ni Rocky. He was gripping the steering-wheel tightly, like what he used to do when he's suffocated. But unlike the last time, he was careful driving now.

We stopped in a store. Mabilis na lumabas ng sasakyan si Rocky kaya lumabas din ako. Patakbo kaming pumasok sa store. Napayakap ako sa sarili nang sumalubong ang malamig na loob. Halatang kabubukas lang nito dahil kasalukuyan pang nag-aayos ang mga staff.

Nilingon ako ni Rocky. "Tatayo ka na lang diyan?"

Napatitig ako sa kanya nang ilang segundo bago naglakad sa mga damit. Wala akong panahong mamili nang maganda dahil sobrang nilalamig na ako. Pumili na lang ako ng simpleng damit na pwedeng panlaban sa lamig kahit na maghapong umulan.

Natigilan ako nang maalalang wala nga pala akong dalang pera.

Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot sa harapan ko si Rocky. Sandali itong tumitig sa akin bago kinuha ang damit na hawak ko at pumila na ito sa counter.

I waited for him to finish paying for those.

Sabay kaming naglakad sa Rest Room, walang imik. Kumaliwa siya sa mga panlalaki at ako naman sa mga pambabae. Hindi niya ako nilingon hanggang sa makapasok siya. Ako naman ay saka pa lang pumasok pagkatapos.

Lumapit ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili. Bagsak ang magulo kong basang damit. Hapit na hapit sa katawan ko ang suot kong damit. Maputla rin ang labi ko dala ng lamig.

Naghilamos ako bago pumasok sa cubicle para magpalit ng damit. Ako lang mag-isa rito dahil kami pa lang naman ang customer. Nang matapos ay lumabas din ako agad at bumalik sa harapan ng salamin Pinatong ko sa lababo ang mga basa kong damit.

Sinuklay ko ang basa kong buhok gamit ang mga daliri ko.

He's acting cold now. He couldn't even touch me, couldn't even scold me for acting stubborn again or looked at me like how he used to. This is still part of the path I chose. But I admit it, nasasaktan ako. Pinili ko ito pero hindi ko kayang piliin kung ano ang mararamdaman ko.

Pinagmasdan ko ang mga basa kong damit. Hindi ko na rin ito madadala sa bahay kaya minabuti ko na lang na itapon 'yon sa basurahan. Sandali pa akong nag-ayos ng sarili bago lumabas.

Bumungad sa akin si Rocky. Nakapagpalit na rin ito. Basa pa rin ang buhok niya pero maayos na ngayon.

Umangat ang kamay niya na may hawak na paper bag.

"Para makapag-ayos ka pa," aniya.

Tumango ako bago tinggap 'yon. Babalik na sana ako sa loob nang hawakan niya ang braso ko. Tila kinurot ang dibdib ko dahil sa ginawa niya. Saka ko lang napagtanto na nakatingin pala siya sa relo niyang nakasuot pa sa akin.

Aalisin ko na sana 'yon nang hawiin niya ang kamay ko.

"Let it stay there, it looks good on you."

Binitawan niya uli ang kamay ko. Kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para bumalik na sa loob ng Rest Room. Pinatong ko sa lababo ang paper bag at inilabas ang laman no'n.

Napangiti ako nang makita ang mga pang-ayos ng sarili gaya ng suklay, polbo, lipbalm, pabango pero isa lang ang nagpahalakhak sa akin ay ang eyelash curler. Seriously? Ba't ang random ng binili niya? Saka sa tingin ba niya ay gumagamit ako ng ganito?

Nagsuklay ako ng buhok at ginamit din ang pulbos. Naglagay din ako ng lipbalm sa labi para mas umayos kulang nito. Ginamit ko rin ang pabango na binili niya. Hanggang sa hawak ko na ang eyelash curler. How to use this one?

Pinikit ko ang isa kong mata habang dahan-dahan na inipit ang pilik-mata ko. Nahirapan ako dahil nanginginig ang kamay ko. Ginawa ko rin 'yon sa isa ko pang mata. Parang wala namang nagbago. Mali lang siguro paggamit ko.

Binalik ko uli sa paper bag ang mga gamit na 'yon. Pagkalabas ko ng Rest Room ay wala si Rocky. Lumabas ako sa main store pero hindi pa rin siya mahagilap ng mga mata ko. Pagkalabas ko ng store ay naabutan ko siya sa gilid.

Napatingin siya sa akin.

"Sorry. Bawal kasi itong ipasok sa loob," tukoy niya sa hawak niya. "Here. Have a coffee." Inabot niya sa akin ang isang kape at kinuha niya sa akin ang paper bag.

"T-Thank you," I uttered.

We just stood there, sipping our coffee while watching the rain. Wala kaming imik. Naninibago ako. He doesn't tease me like he used to. This arrangement is suffocating me but again... this is my choice. Dapat ko lang itong panindigan.

Tumingin bigla sa akin si Rocky. Natigilan ako sa pagsimsim sa kape.

"May kulang ba sa binili ko?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang paper bag. "Nagmadali lang ako at kumuha nang kumuha. Did I miss something?"

"I don't use eyelash curler," I chuckled.

"What's that?" he asked.

"Iyong isa mong binili," sagot ko. "Never mind. I just comb my hair whenever I go out. Hindi ka na rin sana nag-abala pa kasi matutuyo rin agad ang buhok ko. Pero... salamat."

"You didn't use it," sabi niya nang mapatingin sa buhok ko.

"Use what?"

May kinuha ito sa loob ng paper bag.

"This one." Inilabas niya ang isang pack ng sanrio. "Kumuha ako kasi akala ko gumagamit ka. I saw you once used it. Or you just don't use it often?"

Naalala ko na naman kung paano niya ako inasar na nabuhol ang buhok ko.

"It takes almost an hour to do that," sabi ko. "Baka abutin tayo nang mas matagal dito kapag nagtirintas pa ako."

"Kung gusto mo naman, wala naman sa akin 'yon." Tipid na ngumiti siya. "I just realized it looked good on you. I wouldn't mind waiting, Mads."

"You sure?" paniniguro ko.

Tumango siya bago inabot sa akin ang isang pack ng sanrio. Inubos ko agad ang kape ko bago kinuha rin sa kanya ang paper bag.

"Pwede ba akong pumasok sa sasakyan mo?" tanong ko. "I can't do it here, walang salamin."

"Yeah, sure."

Hinatid niya ako sa loob ng sasakyan bago siya bumalik sa bungad ng store. Malapit lang naman ang parking sa entrance ng store kaya kitang-kita ko pa rin siya rito. Nakatayo lang siya roon, sumisimsim sa kape habang nakatingin sa malayo.

Inayos ko ang rear-view mirror paharap sa akin. Mula rin sa salamin ay kitang-kita ko siya. Paminsan-minsan ay nahuhuli ko ang pagsulyap niya sa akin pero madalas ay sa iba siya nakatingin.

I started to braid my hair.

Parang nagbalik kami sa dati, 'yung kakakilala lang namin sa isa't isa. Pero mas mahinahon ngayon. He was cool talking to me and I wasn't being my sarcastic self in front of him. I think we are better this way.

Mas mabilis akong natapos ngayon. Mayamaya rin ay umalis na kami ro'n ni Rocky para bumalik sa restaurant.

"I told you, it looks good on you," he whispered.

Hindi na lang ako kumibo. Pagkabalik namin sa restaurant ay bukas na rin ito. Saka ko lang napagtanto na umaga na rin pala. Maliwanag na at wala na ang malakas na ulan.

Dalawa pa lang ang customer sa loob pagkapasok namin, bale pangatlo kami. Umupo kami ni Rocky sa pangdalawang table. Lumapit sa amin ang isang waiter at nag-abot ng menu book.

"Can I order anything? Gutom ako eh," paghingi ko ng permiso kay Rocky.

"No worries. Anything you want."

Tumingin ako sa menu book. Halos maglaway na ako agad kahit na picture pa lang ang nakikita ko pero parang aatras din ata laway ko dahil sa presyo ng mga ito. But then again, Rocky is with me. I have nothing to worry about, especially about the bills.

Sinabi ko sa waiter ang mga orders ko habang si Rocky ay nanahimik lang. Binalik niya sa waiter ang menu book at umiling ito.

"I'm full," he said.

"Hindi ka pa kumain," angal ko. "Come on..."

"I lost my appetite. I don't think I can eat here."

"Ito na lang cookies," turo ko sa menu book. "Kailangan mong kumain kahit na konti lang."

Humarap ako sa waiter at sinabi ang isa pang order. Pagkatapos makuha ng waiter ang order namin ay umalis na rin ito.

Sinamaan ko ng tingin si Rocky. "Don't starve yourself. This is the task, Rocky." Pinakita ko sa kanya ang relong sa suot ko. "Hindi pa tapos. It means we need to eat."

He frowned. "I don't like this place."

"You don't need to like it."

Sumandal na lang ito sa kanyang upuan at hindi na nagsalita.

Napailing na lang ako.s

We haven't eaten anything yet since last night. Nagkape lang kami kanina. Ako nga ay gutom na paano pa kaya siya? Malamang na naalala niya lang ang parents niya kaya nawalan siya ng gana pero hindi sapat 'yon para gutumin niya ang sarili.

"Ano bang klaseng task ito?" padabog na sabi niya. "We will just eat here then what? That's all?"

"Ayaw mo ba no'n? Easy lang ang task?"

"You don't know what you're talking about."

"Fine. Let's just eat, okay? Kapag hindi pa rin tapos ang task after, we need to look for something else. Baka may clue sa paligid."

Hindi na uli ito kumibo.

Dumating na ang order namin. Hindi ko na nahintay pa si Rocky at kumain na ako agad. Nakatingin lang siya sa akin at mukhang walang balak na kumain kahit na cookies lang.

"Eat." Mas inilapit ko sa kanya ang platito na may cookies.

He shook his head.

"Come on, Rocky." I showed him the watch on my wrist. "Hindi pa tapos ang task. Maybe we need to eat. Or kapag wala pa rin ay humanap na tayo ng clue sa paligid. But for now on, please you need to eat."

Natapos na akong kumain pero hindi niya pa rin nagagalaw ang kanya.

I gave him a lazy look. "Kumain ka na. Baka kung mapaano ka niyan." I couldn't help but to feel worried.

"Stop worrying about me."

"Stop being stubborn and eat, " may diin kong sabi.

"No. I won't eat anything from this place," he insisted.

Kumuha ako ng isang cookies at kumagat doon. "It's good! Give it a try."

"Take it all."

"Oh, come on." I rolled my eyes. "Kahit na isa lang, please?"

Tumingin ito nang ilang segundo sa akin bago bumuntong-hininga.

"Fine!" Kinuha niya ang platito at kumuha roon ng cookies.

Ngumiti ako bago inilibot ang tingin sa paligid. What's the task here? There must be something wrong in this place or maybe a clue. Basta. Hindi naman maaaring kumain lang ang pakay namin sa lugar na ito.

Napatalon ako sa gulat nang mag-vibrate ang relo sa palapulsuan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang salitang, "Congratulations!"

Napatingin ako kay Rocky.

"Done?" He smirked.

Napatingin ako sa platito. "Hindi ka pala gutom ah?" biro ko nang makitang simot ito.

"Let's get out of this place." Tumayo na agad ito at handa nang umalis.

"Wait," pigil ko. "I'll just go to Rest Room. Sandali lang ako," pagpapaalam ko.

Lumapit ako sa isang waiter para itanong kung saan ang Rest Room. At nang malaman ay nagmadali akong pumunta roon. Pumasok ako sa cubicle at sandaling umihi.

Pinagmasdan ko ang relo sa palapulsuan ko. I don't know what's with this game. Parang walang patutunguhan. Parang random lang ang tasks. But then again... that's impossible. I must be missing something to this.

Naghugas ako ng kamay at agad ding lumabas,

Naabutan ko si Rocky sa gilid ng exit.

"Tara na?" aya ko sa kanya pagkalapit.

He nodded his head.

Pumasok kami sa kanyang sasakyan. Napasandal na lang ako dahil sa dami ng nakain.

"Sigurado kang hindi ka magugutom?" tanong ko. "If you want to eat to other restaurant, willing naman akong samahan ka."

Hindi ito sumagot. Napansin kong hindi niya pa binubuhay ang makina ng sasakyan. Nakayuko lang siya at tila malalim ang iniisip. Napansin ko ang nakakuyom niyang kamao.

I heard him let out a heavy sigh.

"Can you drive?" he suddenly asked.

"Why?" I started to feel worried.

"I'm still sleepy," he answered.

Umikot ito sa kabila kaya ako ang lumipat sa driver's seat. Pinagmasdan ko siya kung paano siya yumuko at itinago sa ilalim ng kanyang damit ang kanyang mga kamay.

"Are you cold?" I tried to touch him but he flinched. "W-What's wrong?"

"Drive..." mahina niyang sabi.

Wala akong nagawa kung hindi ang magmaneho gaya ng pakiusap niya.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Wala akong nakuhang sagot sa kanya.

Mayamaya ay narinig ko ang pagsinghap nito.

"Baby, I'm cold..." he whispered.

Mabilis na iginilid ko ang sasakyan at hininto. Humarap ako sa kanya. Napansin ko ang nanginginig niyang kamay sa ilalim ng kanyang damit. Mabilis na hinawakan ko 'yon at inilabas.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malilit na pula. He was shaking too.

"It's cold..." he whispered.

Without saying anything, I grabbed his phone. Naghanap ako ng malapit na ospital.

Damn it!

He's having an allergic reaction.

I stopped my tears.

Fuck it!

Nangmakahanap ay mabilis na nagmaneho ako uli.

Narinig ko uli ang pagsinghap niya ng hangin.

"Baby, I'm cold..."

"Stop... you're scaring me."

Calm down, Mads...

Naramdaman kong isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.

"Baby, hold me, it's cold in here," he whispered.

Doon na tuluyang bumagsak ang luha sa aking mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

Sweet Dreams By Ai

Short Story

236K 3.6K 2
What if dream and reality collides? (Completed and Two Shots)
1.2M 28.3K 12
(COMPLETED) Bago mo bitawan ang isang bagay, siguraduhin mo munang kaya mong makitang hawak hawak yun ng iba. ~Bob Ong
2.1M 80.9K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
572K 28.3K 58
"She's not a mage or a monster or a magical being. She's not anything we know of.. She's not even human." "She's the most unique existence." "She's d...