Clark Academy school Of Magic...

By Mechole_03

65.6K 1.9K 92

Welcome to Clark Academy "Raised your sword, let the brightest sun recognize it, keep your sword shine​ when... More

Work of Fiction
MecholeZeroThree
Description
PROLOGUE
Chapter 1: Name
Chapter 2: DORM!
Chapter 3 : Official students
Chapter 4 : First day
Chapter 5: WHAT?!
Chapter 6 : Strange Feeling
Chapter 7: Everything has changed
Chapter 8: Dancing under the moon
Chapter 9: A-Aiken?
Chapter 10: A battle between the two lumuice
Chapter 11: Mission ( In love )
Chapter 13: He Teleported
Chapter 14: Plasticity
Chapter 15: Scape​
Chapter 16: Betray
Chapter 17: Hurting
Chapter 18: Sold
Chapter 19: Figure out
Chapter 20: Pretend
chapter 21: Family
Chapter 22: Darkness​
Chapter 23: Let him go
Chapter 24: Riddle
Chapter 25: Visible
Chapter 26: Drowning
Chapter 27: Trying
Chapter 28: Dive
Chapter 29: To know everything
Chapter 30: Behind Those lies there's a Truth
Chapter 31: Torturing
Chapter 32: First Love
Chapter 33: Twin brother
Chapter 34: Right time and place
Chapter 35: Downfall
His point of view
EPILOGUE
Mechole_03
SPECIAL CHAPTER

Chapter 12: Mission ( Situation)

1.2K 37 2
By Mechole_03


Cyleir POV.

Ilang minuto na ang lumipas hanggang ngayon nakaupo parin ako katabi ng lumang fountain. Maliban sa naiinis ako sa mga nangyari kanina gusto ko munang magpalipas ng oras.

Ang sarap tignan ang bawat paggalaw ng mga tao sa labas. May mga couples na magkahawak ng kamay and it make's me irritated...

Simula nang namatay ang mga magulang ko I don't believe in forever. Namatay sila and they left me with this damn life! Buhay pa ba ang tawag dito? I think Oo pa naman. Until I'm still breathing. Sa tingin ko buhay parin ang tawag sa meron ako.

I don't believe in forever pero I believe sa katagang pagmamahal. Natutunan ko sa taong nagpalaki sa akin. Si Lola, Sa gulang niya hindi niya ito iniinda para lang iparating ang pagmamahal na hindi napunan ng mga magulang ko.

Nabaling ang tingin ko sa isang matandang biglang lumitaw​ na agad ding naglaho? Hindi gaanong nakita ang tunay niyang pigura ngunit may naramdaman akong kakaiba sa kanyang presensya.

Lumapit ako sa isang puno 'kung saan siya lumitaw. Agad kong sinuri ang bawat sulok ng puno.

Nagbabakasakaling may mahahana akong kahit na anong hint 'kung
ano ang nais ng matandang iyon.

Wala naman akong nakita ngunit may isang puting paruparu ang dumapo sa aking mga daliri. Matapos niya itong dapuan isang simbolo ang lumitaw. Kakaibang simbolo na hindi ko mahulaan.

What is the meaning of this damn symbol? Bigla nalang siyang dadapo tapos bigla ring mawawala? Mukhang hindi naman yata makatarungan ang mundo ngayon? Inalagaan ni Lola ang balat ko tapos lalagyan niya lang nang napaka creeping
simbolo!

Nakapangalumbaba akong bumalik sa lumang fountain habang iniisip ang mga nangyari. Paulit ulit kong tinignan ang simbolo pero ang hirap tukuyin kung ano!

Isang hugis tatsulok na may apat na bilog sa loob. Ang bilog ay may ibat-ibang kulay pula, bughaw, berde at panghuli ang kayumanggi.

Isang pinaka malaking bilog na kulay ginto. Isang kulay na ginto na nagmula sa pinaghalong kulay ng apat na bilog. Damn it! When did I learned to combine colors? Shit, this is making me crazy.

"Wait a minute!" I said when I realized something.

Hindi kaya may kaugnayan ang simbolong ito sa aklat? 'Yun ba ang nais iparating ng matanda kanina?

Ilang beses akong nagpabalingbaling pero wala akong makuhang sagot. Akala ko lalabas ako para magpahangin pero nabigo yata ako sa bagay na 'yun. Mas lalong yatang sumakit ang ulo ko. It's because of that mysterious old man!

"Isang babaeng nakaupo sa isang fountain sa ilalim ng puting buwan?"

"Damn it!"

Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko dahil sa gulat.
Ano na naman kaya ang kaylangan nang isang ito at naisipang pumunta dito?

"Kabute ka ba?" Naiinis kong tanong.

"Hindi" Agad niyang sagot.

Hindi 'raw kabute pero ang hilig namang manggulat. Ano sa tingin niya ang tawag sa kanya? Ano ito laro? Hide and seek? Anong klaseng lalaki kaya ang taong 'to? 'kung gusto niya ng laro 'wag ngayon. I'm not in mood to do something hilarious.

"Bakit ang hilig mong manggulat?" Tanong ko.

"Ginulat ba kita?" He answered directly.

Iniinis ba ako ng lalaking​ 'to?
Ang bilis niyang sumagot wala namang kwenta. Ano kaya ang gusto niya at nag sayang pa ng oras para pumunta dito.

Hindi ako nagsalita dahil tumitig lamang ako sa maamo niya mukha. Maamo? Iba akong klaseng babae pero hindi ako sinungaling. Kasakit akit ang taglay ng lalaking 'to​. He have his charming face​ ngunit hindi sapat 'yun para ma attract ako sa isang lalaking tulad ni Lucas.

Lalong lalong nagpapakita ang kislap ng kanyang mata dahil sa liwanag ng buwan. Ang matangos niyang ilong pababa sa kanyang labi ay masasabi kong nakakabighani kaya hindi ako magtataka kung bakit maraming babae nagkakandarapa sa isang
Carlo Shaine Lucas.

"Are you done checking me?"

Tanong niya na agad kong sinagot.

"Am I?"

Umiling lamang siya at agad akong tinalikuran. Ano 'to? Lahat ba sila iiwan ako? Bigla na lang lalaho nang hindi manlang sinasabi ang dahilan.

"Where are you going?"

"Home?"

Ano 'raw? Ano sa tingin niya ang iniisip niya? Home? Sa tingin niya ba kaya niyang mag lakbay sa ganitong oras? Alam kong malakas siya pero delikado.

"Sa akademya? Did you know!--"

"That's not what I meant.."

Agad niyang pinutol ang sasabihin ko. Humakbang siya nang kaunti saka huminga nang malalim at nagpatuloy sa pananalita.

"I can't believe that a woman like you is so slow to understand what I'm trying to say.Isa kang ilusyonada pero you can't get my point.Gusto ko lang sanang bamalik ka na sa tahanang pansamantala nating tutulungan.. Tomorrow is a day for our mission so better for you to take a rest.."

Pabulong niyang sinabi na nagpatayo sa lahat nang balahibo meron ako. He's too much serious. Nakakatakot siyang titigan lalo nasa malapitan. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Maybe kinakabahan ako, Alam kong 'yun ang dahilan...

Nilait pa talaga ako huh? Ang mabait.

"Mr. Carlo Shaine Lucas.. Thank you for your concern but I don't like you! I mean yang bunganga mo?! Pwede mo akong sabihan nang hindi nilalait ang kakayahan ko! Diyan ka na nga!"

Saka ko siya nilagpasan. Mas mabuti ngang magpahinga na ako. Mahaba habang oras ang kailangan namin para sa misyon namin bukas. Kung kinailangan naming maglakbay gagawin namin para mahanap lang ang matandang iyon. Kailangan naming mangalap ng impormasyon tungkol sa aklat.

******

Kinabukasan maaga kaming nagising dahil narin siguro sa aming misyon. Lahat kami ay handa ng mangalap ng impormasyon. Napansin kong inisantabi na muna ni Seleine ang problema nila ni Frost.

Wala silang imikan habang naglalakad kami sa kagubatan. Ang gubat na ito ay parte din ng bayan ng Arizona.

"Do you think this is the right way?"

Tanong ni Seleine habang nagmamasid sa buong paligid.

"Why don't we ask her?"

Tanong ni Frost sa akin? Teka 'bat ako? Anong pumasok sa kokote ng lalaking ito at bakit ako ang tatanungin niya sa tamang daan?
have he lost his mind? Ano sa tingin niya may alam ako? I didn't know anything even a little shit, if that what he thinks.

"Wait, Why? me?" Nalilitong bigkas ko.

Sumilay ang isang kakaibang ngisi sa kanyang labi. Can I consider it as a smile? Maybe it's a smirked? Guguho ang mundo kung sakaling ngingiti ang lalaking 'to.

"What about the symbol on your fingers?" Frost said.

"Huh?"

Inangat ko ang aking mga daliri at nakita ko ang biglang pagliwanag nito. What is the meaning of this? Lumikha ito ng isang portal ngunit papaano? Nilingon ko ang mga kasamahan ko. Sa tingin ko ang hirap yatang iguhit ang mga mukha nila kung sakaling magpipinta ako maliban nalang kay Frost. What do I expect? He knows a lot kaya hindi na ako nanibago.

"Let's go"

Nangunang pumasok si Frost at sinundan lang namin ito. Pagpasok namin agad 'ding sumara ang portal. Bumungad sa amin ang isang maliit na tirahan.

Maalikabok ang bawat sulok ng tirahan. Puno ng ibat-ibang nakakalat na kagamitan ang bawat sulok nito. Ang nakakapanibago puro salamin ang paligid. May kakaiba sa lugar na ito and I know what it is?

"Don't move"

Sabay naming saad ni Frost. Kahit kaylan talaga mapagmasid ang isang 'to. Naguguluhang tumango ang mga kasamahan ko sa binigkas namin ni Frost. I know they didn't knew the magic behind this house.

"Everything you can see is just an illusion. We aren't allowed to touch anything or else you'll fall to another place which is a magic behind this house" Seryosong saad ni Frost.

Tama siya lahat nang nakapaligid sa amin ay isang mahika lamang na gawa sa ilusyon. Masyadong malakas ang pagkakagawa kaya mahirap tapa

tan ang ganitong mahika ng isang tulad kong ilusyonada.

"What should we do now?" Tanong ni Seleine na halatang naguguluhan.


Isa lang ang magagawa namin at alam kong naiisip na iyon ni Frost.

"We need to find the owner." Saad ni Frost na agad sinundan ni seleine ng isang katanungan.

"You mean the owner of this house?"

"Exactly" Sagot ko.

Bigla kaming nagulat ng biglang
lumabas ang isang ermintanyo
mismo sa harapan namin. Ang balbas nito ay sumasayad sa sahig ganon 'din ang kanyang mapuputing buhok. Kakaiba 'rin ang kanyang kasuotan.

"Bloody hell" Bulong ni Frost kasabay ng pagbabago ng buong kapaligiran sa isang pitik lamang nang ermitanyo.

We're falling! Umaalingawngaw ang sigaw namin ni Seleine dahil parang hinihila ang kaluluwa namin paibaba! Naramdaman ko isang malamig na sensyon sa aking likuran kaya agad akong napa ayos nang posisyon it's like an a ice ride.

"You girls are too noisy" Bulong ni Frost na nakasakay rin sa isang tipak ng yelo gaya namin.


Kung ganon he used his lumuice
that why we're​ riding a piece of ice. Sinusundan namin ang matandang ermitanyo na kasalukuyang lumilipad paibaba and then I saw a garden?

Taniman? Sa gitna nito ang isang maliit na tirahan. Agad pumaibaba ang ermitanyo habang bumibigkas ng isang salamangka saka unti unting nakatayo sa harap mismo nang tirahan habang nakangiti niya kaming tinignan.

"Be careful kids" Nakangiting saad ng matanda na para bang may masamang binabalak!

Dumaan kami sa isang kulay pulang linya. Ito ba ang dahilan kung bakit may kakaibang salamangkang binanggit ang matandang iyon?

Ano ngayon kung dadaan kami?
May mangyayari ba?

"That old man! Bloody hell!"

Matapos bigkasin ni Frost ang katagang iyon sabay sabay kaming nahulog pa ibaba dahil sa biglang pagkawala ng yelo na sinasakyan namin kanina. Nasa mataas pa kami na parte at sigurado pag nahulog ako sasakit ang buong katawan ko. Hindi naman siguro ako mamatay masasaktan lang ako but shit I can't imagine myself being fractured!

"Good luck to my sexy damn body"
Bulong ni Seleine.

Nakuha niya pa talagang purihin ang sarili niya! Sabagay kung mahuhulog siya baka hindi ko alam kung anong mangyayari. But we have no choice! Pansamantala kaming mawawalan nang bisang gumamit ng lumuice dahil sa pananggang​ iyon. Tinutukoy ko ang pulang linya kanina.

Nilingon ko si Frost. Nakapikit lamang ito habang pinaghahandaan ang pagkahulog. Siguro 'dun kami mahuhulog sa mga taniman.

"Good luck to myself" Bulong ko.

Akala ko tuluyan na akong mahuhulog sa taniman.

Taniman ba o putikan? pero may naramdaman akong kakaibang enerhiya and it's came from Frost.

"Axxocelem!"

Bumulusok ang matinding liwanag kasabay nang malamig na sensyon matapos niyang banggitin.

Nakatayo kaming nakalapag sa harapan nang maliit na tahanan habang nakatingin kami kay Frost. Paano niya nakayanang gumamit nang ganoong klaseng salamangka? Hindi iyon nakakapagtaka dahil collide students siya pero minsanan lang siyang gumamit nang ganoong klaseng salamangka.

"Is that a magic spell?" Lucas asked.

Tumango lamang si Frost sa tanong ni Lucas at walang pag aalinlangan pumasok sa tahanan kahit wala pang permisong naibibigay ang ermitanyo. May respeto naman talaga si Frost pero baka nainis siya sa panangga kanina kaya siguro nabuntong niya sa matanda.

Papasok sana ako ngunit biglang umilaw ang simbolo at tuluyang naglaho? Papaano? Lahat sila ay naka tingin sa akin. Nakaguhit ang katanungan sa mukha ni Seleine at Lucas kung bakit nagkakaganoon ang simbolo. Matapos itong magliwanag naglaho na lamang ito na parang bula.

"That's​ the symbol I gave to you last night..." Wika nang matandang ermitanyo.

Habang si Frost na dapat ay papasok ay matalim na nakatitig sa matanda. Mula sa titig ni Frost agad mong malalaman na naghihintay ito nang eskplinasyon. Sa tingin ko hindi lang si Frost ang naghihintay ng bagay na iyon kami 'rin hindi namin alam kung para saan ang simbolong ibinigay niya.

Kung ganon siya ang matandang nakita ko sa puno na bigla nalang naglaho at napalitan ng paruparo na siyang nagbigay ng simbolo pero para saan? What for?

"Let's go inside so I can explain it clearly​..."

Tumango lamang kami sa kanya maliban kay Frost na inirapan lamang ang matanda. 'Yan ang isa sa problema kay Frost. Huwag mong sasagarin ang pasensiya niya kung ayaw mong hindi ka niya pansinin baka nga gawin ka niyang yelo. Ngunit pasalamat ang matandang 'to? dahil may kaylangan kami sa kanya.

Pagpasok namin halos malula na kami sa mga nakikita. Is this a factory of a books? Umaabot na ito sa taas sa sobrang dami. Lahat nang bagay sa loob ay masasabi kong organized..

Ibat-ibang kategorya ang aklat meron sa loob nito. Kung may kukunin ka man na isang aklat sa itaas kaylangan mo pang gumamit ng hagdan pero kung tulad ka nang matandang 'to. Hindi na kinakailangan dahil may kakayahan naman siyang lumipad tulad ng mga fixes.

Muntik ko nang makaligtaan. Hindi namin kasama ang fixes sa paghahanap sa matandang ermitanyo dahil inatasan sila ni Frost upang magpaiwan sa tahanan na pansamantala naming tinulugan kagabi. Inatasan silang magbigay nang sulat sa akademya upang ipaalam na sa pagsapit nang gabi ay makakauwi kami kung kinakailangan nilang mag tungo duon ay walang problema nariyan naman si Clueddet.

Isang nakalutang na lamase at upuan ang mayroon sa itaas na bahagi. Nakapatong roon ang iba't-ibang aklat na sa tingin ko ay pinagtapusang gamitin ng matanda.

Sa ibabang bahagi may isang salamin kung saan makikita ang unang lugar na kinalalagyan namin kanina na isa lamang ilusyon. Kung ganon nakikita kami rito ng matanda kanina kaya pala bigla nalang siya lumitaw kanina.

Sa isang kumpas nang matanda bigla nalang kaming nakaupo sa lumulutang na upuan kaharap ang lamesang tinutukoy ko kanina.

Gaya ng sinabi ko naroon ang mga aklat na mukhang pinagtapusang gamitin. Sa isang kumpas ng matanda bigla na lamang itong gumalaw at lumutang pabalik sa kategoryang
dapat na kinalalagyan. Ano kayang meron sa matandang 'to at bakit kumpas lang nang kumpas?

"Explain..." Saad ni Frost na hinihintay lamang ang sasabihin ng matanda at ganun rin kami.

"Alright, then..." Huminga siya nang malalim at para bang naghahanda sa pwede niyang sabihin.

"I know this is all about the book---"

Naputol ang sasabihin niya nang magsalita si Frost..

"Book of the prophecy.."

Tumango na lamang ang matanda at isinawalang bahala ang sinabi ni Frost. Sino ba naman ang matinong tao na bigla kanalang itatama nang hindi pa natatapos ang sasabihin?Kung hindi lang ako takot maging yelo baka binatukan ko na.

"Ang aklat ng propisiya ay naglalaman nang puot at buong pusong pag gawad ng isang babaeng siyang dahilan ng kapayapaan at kasakiman sa mundo. She's the past crystalice created by the gods and goddesses. Handa siyang mag sakripisyo para sa ikakabuti ng lahat ngunit sa masamang palad na buo ang kasakiman. The Dark Claige betrayed her. Hindi nila kayang tanggapin na may isang babaeng kaya silang higitan and that exactly the reason beyond the first war." Mahabang paliwanang ng matanada.

"Paano ang mga tao? Ano ang nangyari sa kanila?" I asked. Nakita ko siyang ngumiti.

"Maraming nasawi sa digmaan,Then the crystalice Thaliya Zippora De Amor came to protect us and save the whole magic world with her all strength. She's​ confidently fighting with the heart which is her main lumuice..."

"Then, how did she die?" Tanong ni Seleine na isa ring pumasok sa kokote ko. Paano siya namatay? Isa siyang malakas tapos mamatay siya ng ganuon na lamag. Huminga nang malalim ang matanda at nagpatuloy sa mga sasabihin..

"She didn't die...."

Hindi namatay? Pero sabi nila namatay ang yumaong crystalice matapos ang first war. Ngayon sasabihin niyang hindi? Kung hindi namatay eh ano? Tinignan namin ang bawat galaw nang matanda dahil hinihintay namin ang sasabihin niya.

"but she hide.."

"Where?"Tanong ni Lucas.

Tama! kung nagtago siya saan? Nasisiguro kong masyadong malakas ang mahikang ginamit para sa isang lugar na hindi matunton...


"Forbidden place..."

"Huh?" Saad ko.

Ano naman ang lugar na iyon? Ang gulo nama palag imtindihin. Sa lumipas na taon na paninirahan ko sa mundong ito ngayon ko palang maririnig ang totoong istorya.


"After the war she decided​ to have a balance. A balance for peace. She made the Elmer's. Ginawa niya ito para sa kapakanan ng lahat. Elmer's are the elemental controllers​ na humahati sa clan. Matapos ang digmaan gamit ang kanyang natitirang lakas hinati niya ang tubig, hangin, lupa, at apoy sa dapat na kinalalagyan. Binigyan niya nang tagapangalaga ang bawat elemental at ang iba pang kakayahan."

"Then what happened​ next?"

Tanong naming lahat liban nalang​ kay Frost na nanatiling kalmado. Masinsinang hinilot ng matanda ang kanyang sentido na para bang nagiisip nang pwedeng​ sabihin.

"I don't know. Matapos ang digmaan bigla nalang siyang nawala na parang bula at hinayaan na ang Elmer's sa inaakalang magiging maayos ang lahat matapos niyang balansehin
But she was wrong about that...
Naging mapagmataas ang ibang kauri ng Elmer's at dahil dito nabuo muli ang Dark Claige..."

Huminga siya ng malalim saka muling ikinumpas ang kanyang mga kamay at sa isang iglap nasa labas na kami nang portal na pinasukan namin kanina.

"That's all I know...Minsan na akong naging tagapangalaga ng aklat pero bigla itong nawala kasabay ng pagkawala ng crystalice na si Thaliya. That's why they keep on blaming me because they think that I steal the book? How pathetic they are.. "

Tumawa ito ng hindi ko maintindihan kung para saan ang ganoong klaseng tawa? Pansin ko ang laging pagsulyap niya sa akin. Hindi ko alam pero sa tuwing tumatama ang paningin ng matandang 'to sa akin ay bigla nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hinaplos niya ang kanyang sentido at nagpatuloy sa pagsasalita.

"and before I forgotten the symbol I put on your fingers last time is just an illusion. An illusion than can open this portal..."

Turo niya sa portal

"Goodbye kids..I trust you all students of Clark Academy..."

Sa huling pagkumpas niya ng kanyang mga kamay unti unti siyang nawala na parang bula kasabay ng kanyang portal ay nawala narin.

Sabay sabay kaming tumango para magpatuloy. Tapos na rin ang aming misyon ngunit kakaunting impormasyon lamang ang nakuha namin mula sa matandang iyon.

Muli kong inangat ang aking mga kamay upang tignan ang aking mga daliri. Naalala ko pa ang simbolong inukit ng matandang iyon. Kakaiba kung titignang mabuti. Isa pang katanungan na bumabagabag sa aking isipan ay hindi ko manlang nakuha ang kanyang mga pangalan?

Ngunit sa tingin koy hindi na importante iyon. Ang mahalaga natapos na rin ang aming misyon. Makakauwi na muli ako sa akademya.

Kaylangan ko pang habulin at asikasuhin ang mga bagay na hindi ko natapos sa loob ng tatlong araw. Tatlong araw akong nawala sa akademya at nakakasiguro akong marami akong kaylangan habulin. Iba pa duon ang mga papeles na aayusin sa loob ng opisina bilang isang myembro ng Official Students.

Hindi ko pinangarap mapabilang duan. Ang head ang pipili sa estudyanteng gusto nilang maging isang official saka buboto naman ang mga estudyante ng akademya roon sa mga napili ng heads and sad to say I'm one of them...

At hindi na iyon mapapalitan hanggat ikaw ay mag aaral pa ng akademya. Mapapalitan kalang 'kung tapos na ang iyong oras sa loob ng akademya dahil makakalabas kana at tutulong sa clan kung saan ka nararapat.

Kaunti lamang ang nalalaman ko tungkol 'dun kung maghahanap ng impormasyon sa heads dapat na magtanong kung kakayanin or kung matitiis ang pag uugali meron ang presidente ng Official Students subukan mo 'dun baka sakaling kaya mo.

"I'm just curious about that old man? I don't get his point? He says​..He trust us?... and what does it mean?"

Tanong ni Seleine sa maarteng pagkakabigkas. Pwede naman sigurong magtanong na walang halong arte? I don't like the way she spoke.

"He trusted​ us because...?"

Nagbibiting bigkas ni Frost kay Seleine. Simple lang naman kasi ng tanong di pa masagot. Sa tingin ko magsisimula namang mag away ang dalawang ito and I don't want to be involve with them..

"Sinabi ng matanda na pinagkakatiwalaan niya tayo dahil batay sa sinabi niyang pinagbibintangan siyang ninakaw ang aklat. Mas pinili niya magtago at paglakbay sa ibat-ibang lugar gamit ang kanyang portal. Ibigsabihin nakasalalay sa atin kung sasabihin natin ang tungkol roon o hindi? So if you can't understand it cleary?..I'm not going to interpret..." Kahit sa ginawa ko nag interpret na ako.

Saad ko saka siya iniwang nakabuka ang bunganga. Nanguna akong naglakad sa kanila pabalik sa tahanang pansamantala naming tinulugan kagabi.

Pansin ko ang malasap na hangin sa loob ng gubat. Matirik narin ang araw. Nakakasiguro akong mahaba habang oras pa ang kaylangan pabalik roon.

Habang naglalakad nakaramdam
ako ng kakaibang presensya kasabay ng kaluskos mula sa mga halamang nakapaligid. Agad lumapit sa kinaroroonan ko ang mga kasamahan ko dahil alam kong naramdaman 'din nila iyon.

Hindi na ako magtataka kung may masasamang creatures sa loob ng gubat na ito. Ang gubat ang pangunahing tahanan nila.

Muling malakas na kaluskos ang narinig namin kaya mas naging alerto kaming lahat. Isang hakbang ang inastras namin dahil galing ang kaluskos sa aming harapan. Kasabay nito ang biglang paggalaw nang kalupaan.

Lumabas ang isang higanteng halimaw na hindi ko matukoy kung ano? Nakatutok ang kanyang paningin sa aming kinaroroonan. May malalaking mga mata at matutulis na kuko. Marumi 'rin ang kanyang kabuuan.

Lumapit siya sa amin at nagpalabas ng itim na enerhiya kasabay nang muling paggalaw ng lupa ganun din ang bawat ugat ng halaman papunta sa aming kinaroroonan.

Bago pa man kaming tuluyang matamaan gumawa kaagad si Seleine​ ng isang panangga gamit ang kanyang lumuice na tubig. Water barrier. Siguro ang tawag dun?

"Listen.. Let's have a plan.. Seleine and Lucas kayo ang magiging first defense..and I'm gonna be the last.."

Kalmadong bigkas ni Frost. Tumango naman si Lucas habang si Seleine ay nahihirapang tumango dahil nahihirapan na siyang panghawakan pa ang barrier. Marahil sa ngayon ay naghihina na kami dahil sa mahaba habang araw na paglalakbay at pakikipaglaban simula noong nagsimula ang aming misyon. Kaylangan mag karoon kami ng plano gaya ng desisyon ni Frost.

Bumaling ang tingin ni Frost sa akin at muling nagsalita.

"Change...You know what I mean"

Tumango ako bilang sagot. Nakuha ko ang nais niya. Isa akong ilusyonada at nais niyang baguhin ko ang paligid habang sila ay nakikipaglaban.

Patuloy sa pagpapalabas ng itim na enerhiya ang kalaban para sirain ang barrier. Nahihirapan na si Seleine na kontrolin ito kaya napag desisyonan naming simulan ang plano. Sabay sabay kaming tumango kasabay ng pagbigkas ni Frost kay Seleine.

"Let go.."

Kasabay ng pagkawala ng barrier ay agad kaming pumwesto. Nasa harapan si Seleine at Lucas bilang first defense at nasa likuran naman si Frost bilang last. Nasa huliang bahagi ako dahil hindi naman ako makikipaglaban sadyang gagamitin lang ako ng ilusyon.

Mabilis na umatake ang halimaw gamit ang itim na enerhiya at ang mga matutulis na halaman. Agad nagpalabas ng isang bilog na gawa sa tubig si Seleine kasabay ng malakas na hangin na nagmumula kay Lucas.

Air controller si Lucas. Kaagad kaming nakaiwas sa pag atake nito dahil sa first defense na ginawa nila. Napangisi naman ang dalawa sa magandang aksyon na ginawa nila. Mahirap talaga kalabanin ang parehong elemental controller.

Sa isang pinakamalapit na puno pinutol ito ng halimaw papunta sa amin agad naman itong sinangga ni Seleine ng water blaze kasabay ng air explosion ni Lucas ngunit hindi pa 'man it tuluyang nawawala.

Muling umatake ang halimaw. Ang mga malalaking bato at matutulis na halaman. Pansin kong hindi pa tuluyang natatapos nila Seleine at Lucas ang mga puno kanina kaya mas lalo silang mahihirapan.

Mabilis na umangat sa ere si Frost at nag paulan ng ice blades kasabay ng pagputok na hindi ko alam kung saan nanggagaling? Isang napaka kalamig na sensyon ang kumawala kasabay ng pagtilapon ng lahat ng ginamit ng halimaw na pangatake.

"Bloody hell..."

Simpleng bulong ni Frost kaya napatingin sa kanya si Seleine at Lucas dahil sa simpleng ginawa niya agad niyang napabagsak ang bawat atake ng kalaban. Hindi ko matukoy kung bakit sa tuwing umaatake si Frost ay humahangin 'rin?

Napapansin kong aatake na naman ang halimaw kaya napag desisyonan kong ito na ang oras para baguhin ko. Kung mapapansin puro yaman likas ang gamit niya. Ang Nature? Sa tingin ko mahihirapan siyang maghanap ng pang atake kung mawawala ang kaylangan niya.

Ipinikit ko ang aking mga mata at iniisip ang nais ko. Inikumpas ko ang aking mga kamay saka minulat ang aking mga mata. Sa isang iglap napunta kami sa himpapawid kung saan puro ulap ang meron. Napa ngisi ako ng makita ang takot ng halimaw. Bakit? Wala na siyang pang atake.

Nginisian ako ng mga kasamahan ko at sabay sabay kaming tumango hudyat na dapat tapusin na namin ang laban.

Umangat si Frost at inilabas ang kanyang matulis na sword of flames made of ice. Si Seleine at Lucas naman ay nagpalabas ng malakas na pang atake . Si Seleine gamit ang kanyang water blaze kasabay ng air explosion ni Lucas.

Malakas na hangin at malamig na sensyon ang nanaig dahil narin siguro sa halo halong kakayahan ngunit nanaig ang kakayahan ni Frost sa lahat. Nagpalabas ng napaka laking itim na enerhiya ang halimaw at matutulis na patalim na hindi ko alam kung saan ng galing.


Muli kong ipinikit ang mata at iniisip ang nais ko. Pag mulat ko sabay sabay na punyal ang lumabas na napapalibutan ng lumalagablab na apoy at yelo papunta sa kinaroroonan ng halimaw. Halata ang takot sa kanya.

TAN..G..A ilusyon lang 'yan! Bigkas ko sa aking isipan. Kinuha ng mga kasamahan ko ang oras na iyon para tapusin ang laban.

Mabilis na umatake si Seleine at Lucas na hindi namalayan ng kalaban kaya tumilapon​ ito ng limang metro. Agad itong nawalan ng malay at lakas. Panghuli ang sword of flame​ ni Frost na dahilan ng kanyang ikinamatay.

Nang matapos ang laban saka bumalik sa dati ang lugar. Sabay kaming napahiga at hindi ininda kung marumi o hindi liban nalang sa kasamhan naming lalaki na nanatiling nakatayo.

******

Pagdating namin sa maliit na tahanan na pansamantala naming tinulugan nasa labas na nito ang karwahe ng akademya.

Agad kaming sinalubong ng mga fixes at hinawakan sa balikat sa isang iglap nasa loob na kami ng karwahe na ngayon ay naglalakbay pabalik.

Naalala ko ang halimaw. Hindi manlang natakot na pasukin ang sitwasyong kami ay kanyang makakalaban. Hindi masamang lubaan pero dapat alam mo 'kung ano ang ipinaglalaban mo.


Minsan sa sitwasyong​ papasukan mo ikaw itong hindi nakakalabas
Kaya dapat alam mo kung tama o mali bago ka sumalang. Minsan kasi nahuhulog ka sa sarili mong patibung.

Don't put your self to a situation you don't know to escape

_______________

Mechole_03

Happy 4370 words!

Edited ✔

Continue Reading

You'll Also Like

7.4K 475 42
Peculiar Series #2 Book after TNIMTFBE. The experimentation continues. The saga didn't end yet not the tree but their fruits. How would they stop th...
19.2K 525 10
· . ⋆ · ━━━ percy jackson and and the olympians · . ⋆ · ━━━ luke castellan x fem oc! started: 29/12/23 ended: ???
38.2K 640 17
"Park Ji-ho, you'll always be mine." A girl who's life was turned upside down but brought a new world that she would've never expected. Lee Su-hyeok...
78.6K 1.4K 61
Riley Madden is a student at Ilvermorny school of magic in America when she, along with all of the Ilvermorny High Schoolers get the chance to come t...