Always The Second Best

By _Isabelle_

436K 10.9K 2.2K

More

Always The Second Best
Chapter 1 - Seeing Him Again
Chapter 2 - Si Puti
Chapter 3 - Sa Leeg
Chapter 4 - Some things may change but some other things may not
Chapter 5 - A crazy idea
Chapter 6 - Spending Time
Chapter 8 - New Year Happenings
Chapter 9 - When you really like something so much
Chapter 10 - Twenty Four Hours
Chapter 11 - Failed
Chapter 12 - The Start
Chapter 13 - You are beautiful
Chapter 14 - Esther and Seth
Chapter 15 - Unexpected
Chapter 16 - Love and Heartaches
Chapter 17 - One week
Chapter 18 - Mountain of feelings (Part 1)
Chapter 19 - Mountain of feelings (Part 2)
Chapter 20 - Shell
Chapter 21 - "Miss"
Chapter 22 - Realization
Chapter 23 - Underneath it all (First Part)
Chapter 24 - Underneath it all (Last Part)
Chapter 25 - Borderline Bestfriend
Chapter 26 - The Prince Charming and The Ogre
Chapter 27 - When you love someone you become ..."
Chapter 28 - Haunting Memories
Chapter 29 - Perfect Love (Part 1)
Chapter 30 - Perfect Love (Part 2)
Chapter 31 - Perfect Love (Last Part)
Chapter 32 - Zeke and Niel

Chapter 7 - If a picture paints a thousand words

11.6K 266 44
By _Isabelle_

"Pakisawsaw na rin po sa suka," sabi ni Hannah sabay ngiti sa bagong tindero ng barbeque sa plaza. Nahihiyang ginawa iyon ng lalake sabay abot ng isaw na inorder namin.

"Thanks, pogi." Inabot na ni Hannah ang isaw at nilagay sa mesa namin. Nakita kong namula ang lalakeng tindero. Mukhang nahulog din siya sa charms ni Hannah. Ganito naman lagi ang epekto ni Hannah.

"Niel!!! Kamusta na? Ang tagal mo akong hindi kinakausap ha. Ano bang nangyari sa'yo?" Pakiramdam ko ay mag-iiskandalo si Hannah sa lakas ng boses niya.

"Busy. Namundok." Kumuha na agad ako ng isaw at kaagad na sumubo.

"Sabi nga, tumawag ako sa'yo noon last weekend kasama mo raw si Zeke. Kayo na ba?" Muntikan naman akong mabilaukan sa sinabi ni Hannah.

"No! Pinilit akong sumama kasi wala raw siyang kasama."

"At pumayag ka naman?"

"Huling pagkakataon na pumayag ako."

"Hindi kayo bagay Niel. Alam mo ba ang sama ng ugali niya. Kapatid ba talaga iyon ni Eli?" Napataas naman ako ng kilay sa sinabi niya.

"Paano mo naman nasabi?"

"Natatandaan mo noon hinatid ko si Eli sa airport?" Tumango ako. Iyon ata ang araw na hindi ko makakalimutan. "Noon pauwi pinasabay ako sa kanya ni Eli pero alam mo ba ng makaalis na si Eli binigyan lang ako ni Zeke ng pera at magtaxi na lang daw ako. Ang sama ng ugali!"

Napangiti naman ako sa ginawa ni Ezekiel kahit nga tama ang sinabi ni Hannah na masama ang ugali niya.

"Ano namang sinabi mo?"

"Wala, nakatulala ako sa kasamaan niya. Siya lang ang nakagawa sa akin ng ganoon. Pinahiya ako! Kaya ikaw, Niel tigil-tigilan mo ang lalakeng 'yan. Kahit pa kapatid siya ni Eli at gwapo pa huwag na huwag mong patulan. Hindi siya bagay sa'yo."

"Wala akong balak na patulan si Ezekiel. Parang kuya ko lang 'yon."

"Good! Kasi ako talaga ang unang tututol sa pag-iibigan niyo kapag nagkataon."

Tumango na lang ako.

"So, you want the whole story, right?" Tumango na lang ako. Kanina pa kating-kati si Hannah na ikwento kung paano naging sila ni Eli. Naikwento na niya iyon noon tinawagan niya sako sa school at wala akong naintindihan dahil sa pag-iyak ko pero sa huli di pa rin ako nakaiwas sa detalye ng kwento. Kahit na ayokong marinig sa huli wala rin naman akong magagawa.

"You remember when you went to Baguio, right? Alam mo bang nagtampo ako sa inyo kasi hindi niyo ako sinama." Naalala ko naman noon time na iyon. Wala naman talaga sa balak ni Eli na isama si Hannah. Tinanong ko pa nga siya.

"Walang plano 'yun. Madalian." Sinabi ko na lang.

"It's okay. Tumawag ako sa kanya ng pauwi na ata kayo at talagang nagalit ako sa kanya. At syempre dahil super sweet si Eli nagsorry siya. Tapos niyaya niya akong lumabas kinabukasan. Date daw kami." Nangingislap pa ang mga mata ni Hannah. Tumango na lang ako.

"Ayun, kinabukasan nagdinner kami. Masaya as always pero alam mo parang may nagbago kay Eli. Parang may something eh. Hindi ko pa alam noon una pero sa huli naisip ko na ang rason kung bakit."

"Ano naman 'yon?"

"Nalulungkot siya kasi babalik na siyang Australia. Sabi niya marami raw siyang mamimiss dito. Sabi ko bakit hindi na lang siya manatili pero nakapagdesisyon na raw siya. Atsaka wala na raw kasing point na manatili siya rito." Umirap pa si Hannah na para bang inaalala ang pag-uusap nila. "Then I get the hint. Itong kababata mo, Neil ha. Pasimple pa hindi na lang sabihin ng deretso."

"What do you mean?" Kahit ako hindi ko makuha ang hint na sinasabi ni Hannah.

"Nagpapalipad-hangin ang kaibigan mo, Niel. Hindi pa magsabi ng deretso na bigyan ko siya ng rason para mag-stay. Pero gustung-gusto ko talaga si Eli, Niel kaya kahit wala sa sinumpaan kong oath ng pagkababae ang maunang magsabi ng nararamdaman ay wala na akong nagawa. I told him I really like him. Then he told me that he likes me too. Then kami na. As simple as that."

Nagulat naman ako sa kwento ni Hannah. Ganoon kadali? Well, halata naman na gustung-gusto siya ni Hannah at palagay ko ay ganoon rin naman si Eli sa kanya kaya ganoon na lang kadali ang pagkakaroon nila ng relasyon. Kung sa palagay ko ay ako ang nagsabi noon kay Eli baka tinawanan niya lang ako ng malakas at mauwi lang siguro sa joke time sa huli pero maaring di rin mangyari iyon kasi gentleman si Eli. Baka sabihan lang ako ni Eli ng gaya ng sinasabi niya kapag sinasabi ko na mahal ko siya. 'I love you always, best.'

"Okey lang naman sa'yo di ba, Niel? Tinanong naman kita kung gusto mo si Eli sinabi mo na as a friend lang naman 'di ba? Hindi ka naman galit sa amin?"

Napatitig ako kay Hannah ng matagal. She seemed happy sa relasyon nila ni Eli. Kahit naman aminin ko ngayon na matagal ko ng mahal si Eli wala na akong magagawa. Maybe, I might as well accept the fact that Eli and I are not for each other. I should accept that fact and I should be happy for both of them. At susubukan ko, susubukan kong hindi masaktan at susubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko kay Eli. Buburahin ko sa alaala ko ang kaisa-isang taong naging 'first' ang tingin sa akin sa maraming bagay kasi sa huli kahit ako ang una sa kanya hindi pa rin ako ang minahal niya.

"I... I am happy for you Hannah."

...

"Why you are not answering my call these past few days? Are you ignoring me?"

Umiling lang ako sa harap ng laptop ko. Kausap ko si Eli via Skype. Wala akong balak na buksan ang Skype kung hindi sinabi ni Mama na nakailang tawag si Eli sa kanya at hinahanap ako.

"I am just busy," sabi ko sabay pilit ng ngiti. Nahihirapan pa rin akong makipag-zusap kay Eli na hindi masaktan. Kahit sinasabi ko sa puso ko na tigilan na at tanggapin na lang ang desisyon nila Hannah at Eli pero matigas ang ulo ng puso ko. Pakiramdam ko ay may sarili siyang utak at nakafocus siya na masaktan ngayon.

"Busy? Kasama sino? Si Zeke?"

Napailing na lang ako sa sinabi ni Eli at pakiramdam ko ay galit siya. Bakit alam ata ng lahat ng tao na kasama ko si Ezekiel pero once lang iyon. Noon weekend lang iyon

"Noon weekend lang iyon, Eli. Pinilit ako ng kapatid mo na sumama sa kanya. Kung alam mo lang Eli."

"You could have just rejected him." Pakiramdam ko ay tinaasan ako ng boses ni Eli. Si Eli ba itong kausap ko?

"I tried, Eli pero alam mo kung gaano kapilit ang kapatid mo."

Hindi nagsalita si Eli at nakatingin siya sa phone niya. Pakiramdam ko kumirot lalo ang puso ko.

"Huwag mong sabihin na dinedate ka ni Kuya?" Tumingin lang ako kay Eli at hindi siya nakatingin sa akin. Busy siyang may katext o ewan sa celphone niya at naiinis ako na para bang naiiyak.

"Ano naman kung nagdadate nga kami ni Ezekiel. Wala naman masama."

"What?!" Tumingin sa akin si Eli ng hindi makapaniwala. Maya-maya pa ay nakakunot na ang noo niya. "Nagdadate kayo ni Zeke?!" Malakas ang boses ni Eli at muntikan na akong mabingi dahil nakaheadset ako.

"Kalma lang Eli. Nakakabingi. Nagseselos ka ba?"

"Niel naman..." inis niyang sabi sa akin.

"Joke lang, okey? Ikaw pa rin ang mahal ko, ikaw lang eh... pinagpalit mo agad ako." Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob para sabihin iyon. Kahit na pabiro pa iyon.

"Hindi naman kita pinagpalit. Mahal pa rin naman kita, sobra."

Natawa na lang ako. Namaster na talaga ni Eli na mahalin ako ng sobra bilang kaibigan. Naiiyak na lang ako sa katotohanan na iyon.

"Tama na, Eli baka magselos na si Hannah. Baka hindi siya sanay na ganito tayo ka-verbal sa pagmamahal natin sa isa't isa bilang magkaibigan."

Tumawa siya at hindi ko alam kung ang tawa na iyon ay peke o totoo. Pakiramdam ko ay may halong sarcasm.

"Hindi mo man lang binanggit sa akin na kayo na pala." I looked at him straight. Sa aspeto na iyon naiinis ako kay Eli kasi nauna ko pang nalaman kay Hannah. "Kayo ha, may namumuo na pala sa inyo hindi mo man lang ako binalitaan."

"Sorry. It happened too fast. Kahit ako nagugulat hanggan ngayon."

"Ganoon ba. Buti pa si Hannah sinabi sa akin. Alam mo bang ikaw lang ang lalakeng unang inaminan ni Hannah na gusto ka niya. All her life puro lalake ang naghahabol sa kanya."

Hindi siya nagsalita at tumango lang sa akin.

"Gustung-gusto ka niya, Eli and she was brave enough to admit it."

"Oo nga eh. And she was very persistent."

"Persistent?"

"Tanungin mo na lang si Hannah."

"Hay, ikaw ang kausap ko. Ano nga?"

"She keeps on insisting that we should try having a long distance relationship but I really don't want. Pero ang kulit niya at paulit-ulit siya. Hanggan sa wala na akong choice." Bakit hindi naman ganito ang kwento ni Hannah?

"Wala ka ng choice kaya pumayag ka?" Nadisappoint ako sa sinabi ni Eli. Pumayag siya dahil napilitan siya. Pakiramdam ko naman ay hindi siya totoo kay Hannah.

"Niel, you know Hannah, right? Kapag gusto niya ipipilit niya."

"Kilala kong mapilit si Hannah pero Eli relasyon niyo 'yan. Pumayag ka dahil napilitan ka lang doesnt seem like a good foundation."

"Hindi sa ganoon. I like Hannah a lot too pero hanggang doon lang iyon. Pero noon sinabi ko na gusto ko rin siya iba ata ang naging meaning noon sa kanya." Napabuntong-hininga na lang ako. Eli uses sweet words too often kaya ganoon.

"You could have explained it Eli. Hindi iyon parang pumasok ka sa relasyon na wala kang responsibilidad. Eli, pakiusap lang, liwanagin mo kay Hannah kung ano ba kayo. Kung gusto mo siya na makarelasyon liwanagin mo at kung hindi ipaliwanag mong mabuti."

"I already explained it to her. I also told her that I am in love with someone else but she keeps on insisting and I cannot do anything to stop her so I just give up."

Isa rin sa mga quality ni Eli na palagay ko ay sineshare namin magkaibigan, pareho kaming lousy rejector. Alam ko kung gaano kapilit si Hannah pero may mali rin si Eli magpadala. Kahit na labag sa loob ko ang magkatuluyan sila hindi ko matanggap ang rason ni Eli.

"Nagsinungaling ka pa na may mahal ka ngang iba."

"It's the truth, Niel. I am inlove with someone else." Umiling na lang ako.

"Then ayusin mo 'to Eli kasi ayokong masaktan mo si Hannah. She is also my bestfriend and I love her. If you are really in love with someone else then be with her, Eli hindi kay Hannah na napilitan ka lang." Palagay ko ay lumakas ang boses ko. Ayoko ng pinapakitang pagiging irresponsible ni Eli.

"I want to, Niel but the thing is... basta." Nagbuntong hininga na lang siya. "Yes, I'll do that for you Niel. I will, I promise."

"Hindi mo dapat ginagawa para sa akin 'to Eli. Gawin mo ito para kay Hannah at para sa taong mahal mo." Nagbuntong-hininga na lang ako.

"Yes, I am doing this for you and for Hannah."

"Eli! Ano ba?!" Inirapan ko na lang si Eli. "Sinabi ko ng huwag mo ng idawit ang pangalan ko. Wala akong kinalaman sa relasyon niyo."

"Sorry. Is this our second fight now?" Tinaasan ko siya ng kilay. "The first was when we visited the school and I asked you if you want me to stay?"

"Siguro. Hindi ko alam." I think Eli changed a lot kaya malimit na kami mag-away ngayon. "Ayusin mo 'tong gulo mo na 'to Eli."

"I will. I am sorry, Niel."

"Hay, Eli..."

"Ikaw ba ipagpapatuloy mo bang makipagdate kay Zeke?"

"Hindi nga ako nakikipagdate sa magaling mong kapatid, Eli. May iba akong gusto at hindi si Puti 'yon. Parang kuya ko lang ang kuya mo. Alam mo naman 'yon 'di ba?"

"Mabuti ng maliwanag. At sino naman yan gustong-gusto mo aber? Wala ata akong balita." Natawa na lang ako sa sinabi ni Eli. Parang kanina lang ay inis ako ngayon naman ay natatawa ako. Ano ba 'tong pag-uusap namin?

"Sikreto ko na 'yon. Ikaw nga may mahal ka na hindi mo rin sinasabi sa akin. Fair lang." Irap ko sa kanya.

"Sasabihin ko sa'yo yun akin basta sabihin mo rin yun sa'yo."

"Ayoko nga." Kung sino man ang mahal ni Eli ayoko ng malaman pa. Mas mabuti ng hindi ko alam para di ako masaktan. Ngayon pa nga lang sa malabong relasyon nila ni Hannah nasasaktan pa rin ako na kahit papaano ay alam ko na ang kwento pero malaman iyon taong mahal niya baka lalong hindi ko kayanin.

"Ang corny mo, Niel. Ganyan ka pa rin gaya nun mga bata tayo."

"Ganoon talaga Eli." Sinabi ko na lang ng mahina. Kung aamin ulit ako kay Eli hindi na ito ang pagkakataon iyon. Lalo pa ngayon alam ko na may minamahal siyang iba.

"Ako sasabihin ko sa'yo mamaya. I mean send ko 'yon picture sa'yo mamaya. Kilatisin mo kung maganda ha. Mauna na muna ako, Niel. Got an appointment. Catch with you later."

"Ikaw ang bahala Elijah." Irap ko sa kanya. Wala na nga akong balak na malaman tapos ipapaalam pa sa akin. Papakilatis pa sa akin kung maganda. Nakakainis talaga si Eli. Gustung-gusto niya talagang saktan ako.

"Hintayin mo ha. I love you."

"Okey." Nawalan na talaga ako ng gana. "Ingat ka."

"Nasaan na ang I love you ko?"

"I love you your face." Naiinis na talaga ako kay Eli. Para bang nanadya siyang saktan ako.

"Ganoon. Galit ka pa ba sa akin dahil sa ginawa ko kay Hannah? Aayusin ko naman eh. Mamaya pagkauwi ko. Promise."

"Hindi iyon Eli. Sige na baka malate ka. Ingat."

"Wala talagang I love you?" Nagbuntong hininga na lang ako. Hindi ako titigilan ni Eli.

"I love you." Mabilis kong sabi.

"Ano? Hindi ko maintindihan, Niel. Pakiulit." Pakiramdam ko ay nang-aasar si Eli.

"Eli, bakit pinapahirapan mo naman akong mabuti?"

"Ha? Hindi naman ah. Dati naman sinasabi mo sa akin iyan ng hindi ka nahihirapan. What's wrong, Niel?" Tama ka Eli, ako ang may problema. Nahihirapan na akong itago pa talaga ang nararamdaman ko pero pilit pa rin ako ng pilit itago.

"I love you, Eli." Sabi ko na totoo sa nararamdaman ko. Hindi naman niya siguro mararamdaman iyon. Malaki ang distansiya namin sa isa't isa at may pagkadelayed ang connection. Hinding-hindi niya mararamdaman 'yon.

"That's better." Sabi niya habang nakatingin lang sa screen. "I miss you." Ngumiti pa si Eli.

...

"Kuya akin na 'yan." Kinuha ni kuya ang phone ko. Minsanan na lang umuwi si kuya ng bahay at tuwing uuwi siya ng weekend mang-aasar na naman siya.

"Sinong katext mo ha?" Pinipilit buksan ni kuya ang phone ko pero nakalock iyon. Buti na lang.

"May bago pa ba sa katext ko? Kung hindi si Hannah eh di si Eli. Ano bang problema mo?"

Tumingin lang sa akin si kuya ng matagal na para bang hindi naniniwala. Tumunog ang phone ko at hahablutin ko sana pero lalong itinaas ni kuya.

"Kuya, please." Tiningnan niya muna ang phone ko matapos ay inabot sa akin.

"Dinedate ka ba ni Zeke?" Nagulantang naman ako sa sinabi ni kuya. Muntikan na akong mahulog sa kama ko. Bakit ba ang lahat ng tao ngayon ay tinatanong kung nagdadate kami ni Puti? Minsan lang ako sumama sa kanya tapos tingin nila nagdadate ma kami. Kinikilabutan ako sa iniisip nila. Si Puti? Wala sa hinagap kong makipagdate sa taong hinding-hindi ko magiging gusto.

"Kuya pati ba naman ikaw?" Umiling na lang ako. "Alam mo naman na parang kuya ko lang si Puti. Siya yun kuya na lagi kong kaaway at hindi ko gusto. Alam mo naman yun 'di ba?"

"Okey. Masyado ka naman defensive. Sabihin mo lang kung nililigawan ka ng gago na 'yon. Makakatikim yun sa akin." Umirap na lang ako.

"Kuya walang ligawan na magaganap. May girlfriend siya at hindi niya ako type at lalung-lalong hindi ko siya type. Tama na please." Pakiramdam ko ay nagsinungaling ako kay Kuya.

"Girlfriend?"

"Oo, kuya at ten years na sila. Jade ang pangalan. At please lang kuya umalis ka na ng kwarto ko at magpapahinga na ako."

"Ikaw ha, kakarating ko lang. Pero sino nga bang nagpaiyak sa'yo noon last week?"

Umiling na lang ako. Masyadong usisero ang kapatid ko. Close kami ni Kuya pero sa matters ng love I dare not to tell him.

"May sikreto ng malupit si bunso ah. Pwedeng manghula? Nagsisimula ba sa letter E ang pangalan niya sumunod ay letter L tapos ay I? E.L.I. Hmm. Hindi pamilyar ah. Ang hirap hulaan." Binato ko ng unan si kuya para umalis na sa kwarto ko at tumakbo nga siya sa may pintuan. "Mahal mo ba siya, Niel? "

"Kuya mamundok ka na!" Binato ko pa ng isang unan si kuya. Tawa siya ng tawa habang inaasar ako.

"Nagtext na ang nagcause ng heartache mo. LQ ba kayo? Bati na?"

Tumayo na ako at balak kong paghahampasin ng mahabang unan ng tuluyan na siyang lumabas ng kwarto na tawa ng tawa. Nilock ko na agad ang pinto para hindi na niya ako gambalain.

Naupo na ako sa kama at kinuha ulit ang phone ko. Nagtext si Eli. Palagay ko ay tapos na ang appointment niya.

Nagulat ako dahil hindi message ang nakita ko sa whatsapp. Picture. Picture ko noon nasa Baguio kami. Teka, iyon yun tinatawag ko siya na tingnan ang view at hindi siya tumingin. He took a stolen picture of me? Iyon ba yun hawak niya ang phone niya at may katext siya? He took a picture of me during that time?

Ang pangit ko sa picture. Ang oily ng mukha ko tapos mukha akong sabukot dahil magulo ang buhok ko dahil malakas ang hangin. Pang-asar talaga si Eli. Hinihintay ko ang punch line niya sa litrato ko siguradong meroon.

...

Isang oras ko ng hinihintay ang punch line ni Eli pero mukhang busy siya. Nakaonline naman siya pero hindi niya ako tinetext. Nagbubuo siguro ng matinding pang-asar sa akin.

Itetext ko na sana si Eli ng may nagflash sa screen ko na tawag. Si Ezekiel. Pinatay ko kaagad ang phone ko. Ayoko siyang makausap.

Continue Reading

You'll Also Like

58.1K 1.2K 38
All she wanted to do is to prove to her parents that the profession she chose is better than handling their fishery business in the province. That ev...
727K 25.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
328K 281 1
Sa pag-ibig, kapag pumasok sa puso nino man, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.