Chapter One-Indirect kisses
To: Clade
Hey,I'm bored.
Nangalumbaba ako kasabay ng pagtingin sa paligid. The smell of tea and coffee, yummy. Super bango. Nakakawala ng stress.
Nagvibrate kaagad ang phone kong nakalapag sa wooden table. I checked it out.
From:Clade
Want me to pick you up?
Nangiti ako habang nagtype ng reply.
To:Clade
Nah. Nandito ako sa coffeeshop. Pupunta ka ba?
"Thanks." sabi ko sa waiter na nagdala ng order kong cake at coffee. Mas nagutom ako ng naamoy ko, shems. Medyo mahal pero okay lang, enjoy your life. You only live once.
From:Clade
Ofcourse. Wait for me.
I grinned like an idiot. My hero is coming. Napailing na lang ako habang nakangisi pa din. Maya-maya ay tumunog ang bell, lumingon ako sa pintuan at kinawayan siya.
Sinuri ng mata niya ang paligid at nangiti ng makita na ko. Ngumuso ako kasabay ng paglapit niya. Nakapang-business attire na naman siya, always naman pero di pa din ako sanay. Bagay sa kanya, at masasabi kong mas hot siya sa lagay na 'yon kaya napapalingon ang ibang customer dito.
Naupo siya sa kaharap kong settee. Tumingin siya sa cake ko. "Di ka na naman naghintay."
"Sorry na, nagugutom na kasi ko. May natira pa naman kaya masasabayan pa kita. Order ka na."
He shrugged. Napailing ako, madali siyang magtampo sa maliliit na bagay. "Ako pa ba ang o-order para sayo?"
Napangiti ko siya. Ayun naman, mas gwapo. "As always."
"Yeah." aniya kasabay ng pagkuha ng coffee ko at ininuman. Nag-init ang pisngi ko. Nanlaki ang aking mga mata kasabay ng pagpalo sa kamay niya ng mailapag na niya ito sa table. "What?" painosente pa!
"Kainis ka!" singhal ko. Alam naman niyang naniniwala ako sa indirect kiss eh, ininuman pa.
"Nauuhaw ako. At kung naiinis ka sakin, bakit ka nakangiti?"
"Always naman akong nakangiti."
"Yeah." aniya kasabay ng pag-inom ulit ng nakatingin sakin. And again, nanlaki na naman ang mata ko kasabay ng pagkagat labi sa asar sakanya. Lakas talaga mambuska nito!
Tumayo na ko kasabay ng pagkuha ng wallet ko sa bag. "Bibili na lang ako ng bago."
Naglakad na ko ng tinawag niya ko. "Cy!"
Lumingon ako ng nasa counter na ko, then I mouthed. "Ano?"
Umiling lang siya kasabay ng pag-inom ulit sa coffee ko. Di ko maiwasang di mapangiwi. Di naman sa maarte ako, ayaw ko lang talagang may nakikiinom lalo pa't lalaki. Nakakaasiwa kasi.
Umorder ako ng may kumalabit sakin. Dalawang babae na kasunod ko lang, nakangiti sila ng malawak. Ngumiti ako pabalik. "Ano 'yon?"
Tumingin sila sa kinalalagyan ni Clade kasabay ng pag-giggle. Teenagers talaga. "Bakit ba?"
"Ahmm, ikaw na girl.' sabi nung isa kasabay ng pagsiko sa kasama niya. Tumikhim yung nasiko at nagsalita. "May... Boyfriend nyo 'te?"
Kumunot ang noo ko. "Sino?"
"Si kuyang gwapo po. Hihihi." kinilig pa siya pati na din yung naniko. Natawa naman ako.
"Ma'am sukli nyo po." tumalikod ako sa kanila at kinuha ang sukli ko. Nilingon ko sila, "Di ko boyfriend."
Napatango sila. "Ahh."
"Oo, kaya kayo aral muna ha?" sabi ko kasabay ng paglakad palayo sa kanila. Natunganga naman sila. Kay babata pa, tsk! Mga naka-uniform pa, baka highschool.
"Sino yung mga kausap mo?" pambungad sakin ni Clade ng makabalik ako sa pagkakaupo. Nakakunot na naman ang kanyang noo, scary!
"Teenagers, crush ka." sagot ko kasabay ng paglapag ng wallet ko sa table. He frowned, Sumubo ako ng konting slice ng cake.
"I don't like them." tumango ako bilang pagsang-ayon. Tinuro ko siya ng tinidor. "You must. Ang babata para sayo, pedophile."
Tumawa siya. Ngumisi ako at sumubo ulit ng cake. Nakatitig siya sakin ng malalim ng nagsalita. "I don't like them because I already love someone."
Nasamid ako kaya napilitan akong inumin ang coffee ko na ininuman niya. Mabilis naman siyang nasa gilid ko na kasabay ng paghimas ng likod ko para mawala ang samid. "Are you okay?"
"Okay lang." sagot ko kasabay ng pagngiti. Bumalik na siya sa kinauupuan kasabay ng waiter na inihatid ang new coffee. Dapat kanina mo pa dinala 'yan, kuya. Bago pa ko masamid.
"Thanks." ngumiti ako sa waiter at tumango siya kasabay ng pag-alis dahil natakot ata. Nagtataka ko ng biglang nagsalita si Clade. "Bakit kailangan pang ngumiti ka sa iba?"
"Why not? Friendly ako." mas ngumiti pa ko ng malawak sakanya. Napailing siya kasabay ng paglean sa settee.
"Friendly pero tinarayan mo ko nung una tayong nagkita."
Tumawa ko, "Paano naman kasi napaka-ewan mo nun. Para kang... err nevermind. Basta, nakakaintimidate ka talaga."
Napailing siya. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari nung una naming pagkikita. Two months ago...
"Good morning Ma'am, Sir." yumuko ako ng halos kapantay na ng ulo ko ang aking tuhod. Umayos na ako ng pagkakatayo at nginitian ang mga big boss ng kompanya na pinagtra-trabahuhan ko pansamantala. Nakaismid lang sila kaya pinagbuksan ko na ng pintuan para makapasok sa meeting room.
Nang makapasok na silang lahat ay inayos ko ang aking damit na nagusot sa pagkayuko ko.
"Haharang ka na lang ba diyan?" napalingon ako sa nagsalita. Napakataray ng boses nito, di ko maiwasang mapangiwi ngunit di ko ipinakita rito. Pagkaharap ko sa aming Production manager sa department namin ay ngumiti ako ng napakatamis. Nanlaki ang butas ng ilong niya at napahawi ng napakaarte sa kanyang unat na unat na buhok.
"Ano? Ngingiti ka pa riyan, tumabi ka nga, Ms
Cyrish Aguilar." hinila ko ni Ma'am Ivy sa gilid ng di na ako nakaharang sa pinto. Magtatalak pa sana siya ng may dumating na big boss namin. Sinamaan na lang niya ko ng tingin at pumasok na sa loob ng meeting room. Napailing na lang ako. Bakit ba ang init init ng ulo sa akin nun. Di ko naman inaano. Minsan talaga may taong walang magawa sa buhay kung kaya't ibang tao ang inaaway ng walang sapat na rason o dahilan. Buhay nga naman, parang life.
Dumiretso ko ng lakad hanggang makarating ng elevator. Pinindot ko ang button at bumukas ang elevator. Napasinghap naman ang mga kasamahan kong naghihintay sa aking ginawa. Hala, anong problema ng mga ito?
Dire-diretso ang pasok ko at nilingon silang mga gulat at takot na nakatingin sa akin.
"Ano? Tutunganga kayo diyan? Pasok na. Dadalawa lang kami dito oh.." sabi ko sa kanila habang itinuro ang lalaking nasa likod ko. Naka-business attire ito at sinusuri ako ng tingin. Ano ding problema niya?
Di sila sumagot at tila tikom ang mga bibig. I gave my heavy sighed. Baka nga trip lang nilang di sumakay ng elevator at tumanganga lahat ron. "Ay nako kung ayaw ninyo. Bye!"
Kumaway pa ko habang nakangiti sa kanilang lahat na naghihintay at pinindot na ang button ng ground floor. Sumara na ang elevator kaya napatunganga ako sa aking harapan. Napakagat labi ako dahil ang tagal makababa ng elevator.
Tumikhim ang kasama ko sa elevator kaya napalingon ako sakanya. Tinitigan lang niya ko kaya tinitigan ko lang siya pabalik. Ano bang meron sa lalaking ito kung kaya't ayaw nilang makisabay rito sa elevator?
Nakakunot ang kanyang noo. Nakauwang naman ang kanyang labi na akala mo ay may sasabihing di masabi sa akin. Ang mga mata niyang kulay itim ay sinusuri ang mga tingin ko sa kanya. Moreno siya kaya mas lumalakas ang appeal. Napakaganda ng pagkakahubog na kanyang katawan, siguro nag-gym. Bagay na bagay sa kanya ang business attire. Lalaking lalaki ang dating.
Napaghahalatang gwapo siya kaya siguro walang may gustong sumabay sa kanyang ka-empleyado ko. Sa mga kalalakihang nakatanga kanina sa labas ng elevator, siguro ay naiintimidate sa lalaking ito. Sa mga babae naman ay walang maglakas loob sumabay dahil baka nahihiya o magpa- hyperventilate sila sa sobrang kilig sa presence niya.
Naglaro ang ngisi nito sa labi. Pumungay ang kanyang mata na akala mo ay naaliw sa nakikita. "Are you done?"
"Huh?"
Napailing siya kasabay ng pagngiti. He chuckled at the same time. Kumunot ang noo ko kasabay ng pagkagets sa tanong niya. Umiling ako kasabay ng pagpula ng pisngi ko.
"Hindi ah! Di kita tinitigan.I swear, di talaga." sabi ko habang umiiling. Tumalikod na ko sa kanya kasabay ng pagpikit ko dahil sa hiya. Ano ka ba, Cy! Ipakita ba namang namangha ka sa kagwapuhan niya? Seriously?
I flinched when he touched my shoulder. Ano ba 'yun! Nakaramdam ako ng boltahe ng kuryente sa katawan dahil sa paghawak niya. Napakagat labi akong nilingon siya. "Ano?"
Mukha naman siyang distracted or what. Napatingin pa siya mismo sa labi ko kasabay ng paglunok. Napaiwas ako ng tingin at tinanggal ang pagkakagat ng aking labi. Ay putek!
Tumikhim siya. Ang gwapo ng boses! Inis. "Hindi mo ko kilala?"
Nilingon ko siya at napakunot noo ako. "Sino ka ba?"
Napanganga siya sa aking sinagot. Hinarap ko na siya ng tuluyan. "Sino ka nga ba? Bakit di magawa ng mga kasamahan kong sumabay sayo?"
Ngumisi siya kasabay ng paglapit sa akin. Doon naman nag-pop up sa utak ko ang salitang, 'Danger, danger!'
Habang humahakbang siya papalapit, ako naman ay umaatras. Sino ba siya? Baka mamaya trip lang ng mga kasamahan ko 'to ah. Yung mga pang television na 'Wow mali', ganon. Makahanap lang sila ng pagkakatuwaan sa pamatay na katahimikan ng building.
Naramdaman ng aking likod ang lamig. Napailing ako dahil nasandal na ako sa gilid ng elevator. Talaga nga naman oh! Malas talaga kahit kelan.
Napakagat labi ako ng nataranta sa pagkakalapit namin ng lalaking ito. Nasa magkabilang gilid ko ang kamay niya upang matrap ako. Nagtama ang mga mata namin at bumilis ang tibok ng puso ko. Ako ata ang maghy-hyperventilate rito. Hinawi niya ang hibla ng buhok na nakatakip sa aking mukha. Nataranta ko ng ilapit niya ang kanyang mukha sa aking tenga. Napapikit ako sa tensyong nararamdaman ko.
"Don't bite your lip." bulong niya na nagpataas ng balahibo ko. Sinunod ko ang kanyang utos habang idinidilat ang aking mata. Nagtama ang tingin namin at sumilay ang ngiti sa kanyang labi. Tumunog ang ring at bumukas ang elevator. Hinaplos niya ang aking pisngi. "Good girl."
Napatunganga ako doon ng halos ilang minuto. Nakahawak ako sa aking pisngi habang nakangisi. Sino ba ang lalaking iyon? Di ko siya kilala pero bakit ganoon kalakas ang epekto niya sa akin? Di pa sinagot ang tanong ko. Kainis! Di ko siya kilala.
"Ate, lalabas ka ba?" mataray na tanong ng babaeng naka-uniform ng pang nurse sa akin. Doon ako natauhan at lumabas na.
"Sorry." sabi ko pa sa mga nakasakay nang naghihintay sa paglabas ko ng elevator. Dumiretso ko ng lakad ng di na nililingon ang elevator. Grabe lang, parang ayoko ng sasakay ulit don. Nakakahiya! Ang landi landi ko naman.