Class Zero

By Penguin20

7.2M 432K 181K

Isa ang Merton Academy sa mga kilalang paaralan sa buong Pilipinas. Karamihan sa mga nag-aaral dito ay mga ka... More

Class Zero
Teaser
Chapter 1: Prominent School
Chapter 2: Exam Result
Chapter 3: Different Treatment
Chapter 4: Class Zero
Chapter 5: Strange Encounter
Chapter 6: Real mission
Chapter 7: Physical training
Chapter 8: Awakening power
Chapter 9: Against Lawbreakers
Chapter 10: Leaving class zero
Chapter 11: Back to sense
Chapter 12: Back in Class Zero
Chapter 13: First Mission
Chapter 14: Investigating
Chapter 15: Pochi Monster
Chapter 16: Missing Post
Chapter 17: Lockup
Chapter 18: Against Lawbreakers
Chapter 19: Urgent Meeting
Chapter 20: Affected by her Death
Chapter 21: Warning
Chapter 22: Foundation Week
Chapter 23: Winning without cheating
Chapter 24: Change of Plan
Chapter 25: Seven Versus Ace
Chapter 26: Suspended
Chapter 27: Brilliant Plan
Chapter 28: Scouting the Place
Chapter 30: Seize the day
Chapter 31: Review
Chapter 32: Phoenix Necklace
Chapter 33: Forgotten
Chapter 34: Aftermath
Chapter 35: Getting better
Chapter 36: The twelve members
Chapter 37: The party
Chapter 38: Servant of Fire
Chapter 39: Servant of Elements
Chapter 40: Mission done
Chapter 41: Zero base
Special: Girly Tapang
Chapter 42: The alliance
Chapter 43: Let's compact!
Chapter 44: Seven's Mission
Chapter 45: The search
Chapter 46: Class Zero Vs. Hanzo
Chapter 47: Enemy in good term
Chapter 48: Saying the truth
Chapter 49: Knowing Vincent
Chapter 50: Servant of Illusion and Dreams
Chapter 51: Jamie Vs. Evan
Chapter 52: Revenge
Chapter 53: Compact
Chapter 54: Zero equals family
Chapter 55: Shaken Trust
Chapter 56: A New Mission
Chapter 57: The Teacher's Love
Chapter 58: Pressure of Leader
Chapter 59: Guarding her
Chapter 60: Dressing Up
Chapter 61: Leaders plan
Chapter 62: The Blind and The Steel
Chapter 63: Accepting Defeat
Chapter 64: The Greatest Enemy
Chapter 65: Final Exam
Chapter 66: Fun and Terror
Chapter 67: Part of the Society
Chapter 68: Let's Go Training!
Chapter 69: Clash of Leaders
Chapter 70: Decision He Made
Chapter 71: Train hard
Chapter 72: Progress
Chapter 73: Girls Bonding
Chapter 74: Sudden Energy
Chapter 75: Must Protect
Chapter 76: Unexpected Power
Chapter 77: Unforeseen Betrayal
Chapter 78: Class Magnus
Chapter 79: Royal Blood
Chapter 80: New Semester, New Chance
Chapter 81: New Challenge
Chapter 82: The Competition
Chapter 83: Dodgeball
Chapter 84: Merton VS. Sahandra
Chapter 85: The Good Effect
Chapter 86: Pavilion Date
Special Chapter: Preparation
Chapter 87: The Young Glitches
Chapter 88: Never Abandon
Chapter 89: Her Reason
Chapter 90: The Final Play
Chapter 91: Tears with Pain
Chapter 92: Out of Control
Chapter 93: Monsters
Chapter 94: Mole in the Dark
Chapter 95: His Escape
Chapter 96: Give and Take
Chapter 97: A day before War
Chapter 98: Start of War
Chapter 99: Kiryu Versus Hugo
Chapter 100: Fight until the End
Chapter 101: Preventing the Worst
Chapter 102: We are Class Zero
Epilogue
Last Note
Special Chapter: Black and White
Class Zero Book version!
Class Zero Book Details
BOOK SIGNING (MIBF 2022)
BOOK SIGNING (Grand Fans Day)
Manila International Book Fair 2023

Chapter 29: Class Zero VS. Lupin

78K 4.6K 1.3K
By Penguin20


Jamie

NAGMAMADALI kaming lima kung saan nanggaling ang malakas na pagsabog. Hindi lang isang pagsabog ang aming narinig kun'di sunod-sunod ito. Bigla akong kinabahan para sa kaligtasan nina Teddy at Claire, base sa mga naririnig namin ay mukhang nandoon na silang dalawa.

"Mild, maiwan ka na, wala ka namang maitutulong at baka maging pabigat ka lang," sabi ni Seven habang tumatakbo kami patungo sa lugar.

"Hey! I can give my moral support, hindi ako puwedeng mawala sa ganitong mga senaryo. Iyon nga ang dahilan kung bakit ako sumama." Balik ni Mild kay Seven. Matigas talaga ang ulo ni Mild, walang makakapigil sa kanya kung gusto niyang gawin ang isang bagay.

"Bahala ka," sabi ni Seven. "Jamie, Kiryu, protektahan ninyo si Mild." Bilin niya sa amin.

Malapit na kami sa lugar nung biglang may mga lawbreakers na humarang sa dadaanan namin. "Tumakbo na kayo, ako na ang bahala rito," sabi ni Girly at pinalaki na niya ang kanyang katawan. Hanggang ngayon ay nabibigla pa rin talaga ako sa tuwing nakikita ang kapangyarihan ni Girly. Hindi talaga ang super strength niya sa pagiging sobrang kikay niya.

"Mag-iingat ka," sabi ko sa kanya at pinagpatuloy naming apat ang pagtakbo. Si Girly ang maiiwan upang kaharapin ang tatlong level one na lawbreaker.

"I know right? Hindi mo na kailangan ipaalala sa akin," she tried to smack one lawbreaker using her hand, nagkaroon ng malaking lamat ang daan at ramdam namin ang pagyanig ng buong lupa.

Iniwan na namin si Girly at nagpatuloy sa pagtakbo. Nung makarating kami sa lugar kung saan mismo nangyayari ang gulo ay namataan namin si Claire na may mga galos at may mga sugat sa katawan, she's trying to heal herself. "Claire!" Tawag ko sa kanya at napalingon siya sa direksyon namin, as soon as she saw us ay napaluha siya.

Ito ang unang beses na masama si Claire sa misyon, marahil ay nagulat siya na ganitong mga bagay pala ang mga puwedeng mangyari. In this kind of mission, nakataya mismo ang mga buhay namin. "Ayos ka lang ba?" tanong ko sa kanya.

Kiryu and Seven didn't bother to stay at mukhang hinahanap talaga nila kung sino ang puno't dulo nang kaguluhang ito. "A-Ayos lang ako, pero si Teddy... he's fighting alone, ang kalaban niya ay miyembro ng Black Organization. Pinatakas niya lang ako." Sa sinabing ito ni Claire, alam ko nang nanganganib ang buhay ni Teddy.

Tumayo na rin ako. "T-Teka, Jamie, saan ka pupunta?" Tanong ni Mild habang nakaalalay siya kay Claire.

"Mild, ikaw na muna ang bahala kay Claire. Pupuntahan ko lang sila Teddy."

***

Teddy

THE mask guy is just seating in front of the car habang pinaglalaruan ang bomba sa kanyang kamay. Nakatingin siya sa akin, hindi ko man nakikita ang kanyang mukha pero alam kong natutuwa siya dahil nakikita niyang nahihirapan ako.

"Sinabi naman namin sa inyo, huwag na kayong maging balakid sa mga plano namin." sabi niya, naghagis siya ng bomba sa direksyon ko ngunit mabilis akong nagpalamon sa anino ko at lumipat ng lugar. My skill is shadow movement, hangga't may anino na nakapaligid sa akin ay kayang-kaya ko na magpapalit-palit ng lugar.

Malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong lugar. Muntik na akong masabugan doon, mabuti na lamang at mabilis ang flexes ko, mukhang nagbubunga ang matagal naming pag-e-ensayo.

Lumabas ako sa anino ng kotseng inuupuan niya, I tried to kicked him in the back of his head ngunit tila ba nabasa niya ang magiging kilos ko, hinawakan niya ang aking paa at malakas na ibinalibag sa kalsada. Ramdam ko ang sakit sa buo kong katawan dahil sa pagpapagulong-gulong, puro galos na rin ako.

Balak niyang hagisan muli ako ng bomba ngunit may isang bumubulusok na isang kutsilyo ang patungo sa kanyang direksyon kung kaya't hindi niya nagawa ang sunod niyang atake. Tumingin ako sa aking likod—si Seven, kasama niya si Kiryu.

I am glad that they came because I can't take it longer, masyadong maraming galos na ang mayroon ako sa katawan at hirap na rin akong gumalaw. "Sa wakas ay nagkita rin tayo ulit... Lupin," sabi niya na parang kilala ni Seven ang taong ito.

Lupin? Siya ba yung sinasabi ni Jamie na miyembro ng Black Organization na nakasagupa na noon nila ni Seven?

"Ang tagal din nating hindi nagkita, bata." Sabi ni Lupin habang nakaipit sa dalawang daliri niya ang kutsilyong inihagis ni Seven sa kanya. "Wala ka pa ring pinagbago, ilang linggo na ang lumipas ngunit mahina ka pa rin at hindi mo pa rin kayang pumantay sa lakas ko."

I saw the changed of expression in Seven's face. Tumatakbo siya sa direksyon ni Lupin habang pinapagalaw niya ang maraming tipak ng bato. Iwinasiwas niya ang kanyang daliri at bumubulusok na tumungo ang mga bato sa direksyon ni Lupin. Hindi biro ang kakayahan ni Seven, dahil sa kapangyarihan niya ay puwedeng-puwede siyang gumawa ng surprise attack na maaaring hindi asahan ng kalaban.

Naramdaman ko na lang na may dalawang Kiryu ang sinubukan akong itayo at inalalayan akong maglakad para lumayo sa lugar kung saan nagaganap ang laban. "You need to rest, thanks for buying some time," nakangiting sabi nung isang Kiryu sa akin. "Hayaan mo, kami na ang bahala rito ni Seven."

"Huwag ninyong maliitin ang kakayahan niya, mas malakas siya sa atin," bilin ko kay Kiryu, he's a happy go lucky type of guy, baka masyado niyang maliitin ang kalaban namin ngayon lalo na't miyembro ito ng Black Organization.

"Don't worry, kami na ang bahala sa kanya." Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Kiryu na ngayon ko lang nakita. "Magbabayad siya sa pananakit sa inyo ni Claire."

***

Seven

NAKASUOT man ng maskara itong si Lupin, alam kong siya iyon, his presence, his ability... Siyang-siya iyon. Sa lahat ng miyembro sa Balck Organization ay siya talaga ang piankagusto kong makalaban. Gusto kong ipakita sa kanya na ang minamaliit niya noon ang siyang tatalo sa kanya.

Umiwas si Lupin sa mga bato na pinalutang at pinasugod ko sa kanya. He threw a bomb to my direction, mabilis akong tumakbo palayo pero hindi ko inaasahan na malakas pala ito, nakaiwas man ako, may mga tipak ng building ang lumipad tungo sa aking direksyon. Mayroon pang tumama sa aking noo dahilan para magdugo ito.

"Seven!" Malakas na sigaw ni Jamie na tumatakbo tungo sa aming direksyon. What the?! Anong ginagawa ng babaeng ito rito? Anong kayang gawin ng baility niya, basahin ang iniisip ni Lupin? Mapapahamak lang siya rito.

"Kiryu," tawag ko kay Kiryu at lumingon naman siya sa akin. Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Lupin na naka-indian sit sa isang kotse habang pinaglalaruan ang isang bomba sa kanyang kamay.

"Use your ability, huwag mong hayaang makalapit si Jamie dito. Itakas mo na rin si Teddy at dalhin mo kay Claire," utos ko sa kanya. Tumango si Kiryu sa akin. "I will buy you some time, ako muna ang bahala kay Lupin."

Nagkaroon ng apat na Kiryu na kumalat sa paligid. Kinuha ko ang apat na kutsilyo na nasa aking bulsa at pinalutang ito sa ere. This is the good thing about my ability, hindi ko na kailangan ng pisikal na lakas para lang makapagpagalaw ng mga bagay-bagay.

"Ehhh, kutsilyo." Tinanggal niya ang kanyang maskara at sumilay sa akin ang mapaglarong ngiti sa kanyang labi. "Hindi ka pa rin talaga napapagod sa larong ito, bata. Siguro oras na para seryosohin ko ito," sabi niya

Iwinasiwas ko ang aking mga daliri at sumugod sa direksyon niya ang mga kutsilyo, as expected, maiiwasan niya ito. "Huli ka," ngumiti ako at mabilis na gumawa ng paraan para bumalik sa kanyang direksyon ang kutsilyo.

Somehow, nagulat siya sa ginawa ko pero nagawa niya pa rin naman itong maiwasan. "Mukhang minaliit kita, ngayon ako naman, bata." Sabi niya at may walong maliliit na bomba na nakaipit sa pagitan ng kanyang mga daliri. Nagawa kong magalusan ang kanyang braso at umagos ang pulang likido mula rito.

Hinagis niya tungo sa direksyon ko ang mga bomba. "Shit." Ginamit ko ang buo kong lakas upang mapagalaw ang isang malaking bato upang maipangharang ngunit nung sumabog na ang mga bomba, unti-unti itong nawasak hanggang sa matamaan na ako tuluyan ng mga bomba.

Galos at sugat. Iyon ang tinamo ko dahil sa nangyari, wala ring tigil ang pagdaloy ng dugo mula sa iba't-ibang parte ng aking katawan. Nagawa ko nga siyang masugatan ngunit naibalik niya sa akin ang atake na sampung beses na mas malakas.

"Seven!" Sigaw ni Kiryu.

"Ba't ka nandito? Nasaan sina Jamie at Teddy?" Tanong ko. Honestly, magiging pabigat sila sa labanan na ito kung nandito sila dahil dagdag lang sila sa mga dapat naming isipin at protektahan.

"They are in a safe place."

Jamie's ability is to read someone's mind and not to hurt someone physically kung kaya't hindi siya makakatulong rito. Si Tedsy anman ay maraming galos na sa katawan.

"Salamat sa pakikipaglaro, sana'y maging tanda sa inyo ito... Class zero." Sabi niya at hinagisan ako ng isang bomba.

I tried to stand up pero para bang hinang-hina ang katawan ko. Ang alam ko ay masasabugan muli ako ng bomba ngunit may mga kamay na humigit sa akin mula sa anino ko at kinuha ang katawan ko.

Nagulat na lamang ako na nakaupo ako sa tabi ni Teddy. Malakas na pagsabog ang aming narinig sa hindi kalayuan, he just saved my life using his skill. "You owe me your life, libre mo kong samgyupsal pagbalik natin sa school." Sabi niya sa akin.

"'Diba sinabi ko sa'yo na pumunta ka kanila Claire upang magamot ka," bilin ko sa kanya.

"Wow, wala man lang thank you," he smirked. "Tandaan mo, kung nagpagamot ako kay Claire ngayon ay baka fresh na bangkay na 'yang katawan mo."

Sinubukan kong tumayo, gladly, may lakas pa ako kahit papaano. Siguro ay namanhid na rin ang katawan ko sa sakit. "We must kill him." Sabi ko sa kanya.

"Kill him or we MUST escape?" Sabi ni Teddy sa akin. "Sa kalagayan nating lahat ay baka maunahan pa niya tayong patayin bago pa natin siya mapatay, eh."

"Do you think he will allow us to escape? No. May plano ako. Kaya mo naman gamitin ang kapangyarihan mo nang maayos, 'diba?"

"As long as there is a shadow, kaya kong mag-teleport sa kung saan-saang lugar." He explained to me.

Alam ko sa sarili ko sa sarili ko na gagana ang plano kong ito. Pinagmasdan namin si Kiryu na siyang nakikipaglaban ngayon kay Lupin kasama ang tatlo niyang clone.

Kinuha ko ang apat kong natitirang kutsilyo. "I will control this four knives at ikaw na ang bahala magdala ng mga kutsilyo na ito kay Lupin."

Teddy looked at me at pinaputok niya pa ang daliri niya sa kamay. "Game,"

I controlled one knife at bumubulusok ko itong pinasugod sa aking anino. Teddy used his skill at nilamon ng anino ang kutsilyo. Nakita ko na lamang ang kutsilyo na lumabas sa anino ni Lupin at sumaksak ang kutsilyo sa kanyang likod. "Gotcha," nakangisi kong sabi.

"Ahhh!" Malakas na sigaw ni Lupin at ininda ang sakit na kanyang nararamdaman. Napatigil siya sa pakikipaglaban kay Kiryu upang matanggal ang kutsilyong nakabaon sa kanyang likod. Naging daan ito kay Kiryu para masipa sa mukha si Lupin.

"Huwag mawawala ang atensyon mo sa kalaban mo ngayon," sabi ni Kiryu.

"You weaklings! Kung saan man kayo nagtatago, patay kayo sa'kin!" Malakas na sigaw ni Lupin at nagpakawala ng maraming bomba sa paligid.

Hinawakan ako ni Teddy at nagpalamon muli kami sa dilim at lumabas na lang kami sa likod ng isang gusali na hindi kalayuan sa kung nasaan si Lupin. Napangisi ako, kung magtutuloy-tuloy 'to, mananalo na kami.

"Teddy, ngayon na," isang bumubulusok na kutsilyo muli ang pinasugod ko sa anino ko at ginamit muli ni Teddy ang kanyang ability. Mukhang nagamay na namin ni Teddy kung paano pagsasamahin ang ability namin.

Tumingin muli ako sa diresksyon ni Lupin at mula sa anino ng isang post ay lumabas ang kutsilyo at bumubulusok itong tumama sa hita ni Lupin. Iwinasiwas ko ang aking daliri at mas lalong ibinaon ang kutsilyo sa kanyang katawan.

"Girly ngayon na!" Malakas na sigaw ang aming narinig at nakita ko na lang si Jamie na nakaupo sa balikat ng dambuhalang si Girly.

"Eto ang para sa'yo dahil sa pang-i-istorbo mo sa pagsa-sunbathing ko!" Malakas na sigaw ni Girly at sinuntok si Kupin hanggang bumaon ito sa kalsada.

"That's the reason kung bakit masamang ginagalit ang mga babae," naiiling na sabi ni Teddy. Tinulungan niya akong makapaglakad ng maayos at naglakad sa direksyon kung nasaan nandoon si Lupin.

There's a lot of blood flowing from his body. Anytime ay mababawian na siya ng buhay. "Nice one guys!" Natutuwang sabi ni Kiryu.

Sa 'di kalayuan ay natanaw ko sina Mild at Claire na naglalakad patungo sa aming direksyon.

"M-Magbabayad... Kayo..." Sinubukan pang tumayo ni Lupin ngunit inapakan ko ang kanyang tiyan.

"Tapos na, Lupin, talo ka na." Sabi ko sa kanya at ngumisi. "Sino ngayon sa atin ang mahina? Hindi kami nakapasok sa Class zero para sa wala."

He smirked hanggang ang mga ngisi na iyon ay naging tawa. "Ha... Hahaha! Nagpapatawa ka ba? Hindi ninyo... Mapapantayan ang kakayahan ng mga kasama ko sa Black Organization," hirap man siya sa pagsasalita ngunit sinabi niya pa rin ang banta na iyon.

***

Jamie

"BAKIT ninyo ito ginagawa? Bakit kayo pumupunta sa kung saan-saang lugar para lang manakit ng ibang tao?"  Pagbabato ng tanong ni Seven.

"To kill all the people here!" Masaya niyang sabi.

I looked to his eyes. "He's lying," sabi ko, habang tumatagal din ay gumagaling na ako sa pagbabasa nang iniisip ng ibang tao. Gathering information, iyon lang naman ang magiging ambag ko sa misyong ito. "They are looking for something, the Black Organization are looking for something." Hindi nawawala ang tingin ko sa mata ni Lupin.

Sinubukan ni Lupin na pumikit ngunit idinilat ni Kiryu at Mild ang mata nito. "Anong hinahanap ng grupo ninyo? Is that really important para umabot kayo sa ganitong punto?"

Tumingin pa ako sa mata ni Lupin. "A necklace, they are looking for a necklace. Gagamitin nila ang kwintas na iyon para sa mga experimentation na kanilang ginagawa." Paliwanag ko sa kanila. Maging ako ay naguguluhan kung ano yung kwintas na nababasa ko sa isip ni Lupin pero sumagi sa isip ko na baka ang kuwintas na hinahanap nila ay ang kuwintas na hawak ni sir Joseph.

Seven smirked. "Thanks for playing with us, Lupin. Ang sabi mo ay maling-mali na binangga namin ang Black Organization," mas diniinan ni Seven ang pagkakatapak niya sa tiyan ni Lupin dahilan para mapasuka ito ng dugo. "No. Maling-mali na binangga NINYO ang class zero, that's the right term."

Nakita ko na ginagamot na ni Claire si Teddy.

"Jamie, ikaw na ang bahala sa kanya." Bilin sa akin ni Seven at tumango ako sa kanya.

I am about to used my ability nung biglang magsalita si Mild. "Wait lang, wala pa 'kong ambag sa misyong 'to. Pa-trashtalk lang kahit isa..."

Mild faced Lupin and she raised her middle finger. "Fuck you." Sabi niya at napailing na lang ako. Kakaiba talaga ang babaeng ito. "Okay na, Jamie, do the honor."

Hindi nawala ang titig ko kay Lupin. "Inuutusan kita, patayin mo ang sarili mo."

We all walked away nung maisubo ni Lupin ang isang bomba.

Narinig na lamang namin ang isang malakas na pagsabog at tumalsik pa sa amon ang ilang dugo.

Our mission here is now done.

Continue Reading

You'll Also Like

183K 5.5K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...
220K 5.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
601K 38K 55
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
96.3K 2.8K 48
Highest rank: #69 on Mystery/Thriller Volume 1: Evil Cupid Chad Mendez, Kate Hernandez, and Arthur Santos are fourth year students who are currently...