Adrestia Trefoil: Lacuna

By Dakureimi

846 145 16

In every puzzle, once a piece is missing, it will never be solved. Just like the murder case of Equity and Wi... More

Author's Note
Prologue
I
II
IV
V

III

34 18 0
By Dakureimi


IT'S really getting cold out here but I want to see mommy and daddy get home. Hindi ko alam kung anong oras na pero nasisigurado kong malalim na ang gabi.

Walang humpay sa pagbuhos ang ulan. Ang lupang kinatatayuan ko ay palambot na nang palambot. Basang-basa na ang aking damit at sapatos pero hindi pa rin nagpapakita ang kotseng sinakyan kanina nina mommy at daddy. Posible kayang nakalimutan na nila ako? Baka masyado akong naging pasaway kaya ayaw na nila sa akin.

"Prudence? Anong ginagawa mo rito sa labas?" Napatingala ako upang kilalanin ang taong nagsasalita.

"Tito Diego?" hindi siguradong wika ko. I can't really remember his name for he rarely visit us. But according to mommy, he is a good guy and I could trust him.

"Yes, it's me. I'm glad you didn't forget my name," nakangiting pagpapakilala niya sa akin. Although, there's something weird about his smile.

"Puro putik ka na, tingnan mo. Ang dungis-dungis na ng inaanak ko. Tara, pumasok muna tayo sa bahay?" aya sa akin ni tito at niyakad ako papasok sa aming bahay na agad kong pinigilan.

"Gusto ko pong hintayin sina mommy at daddy," pangangatwiran ko sa kaniya. Yumuko naman siya upang pantayan ako.

"Hindi ba't ayaw ng mommy mo na magkasakit ka? If you stay longer under the rain, you'll get ill. For sure your mother will be sad. Do you want that?" Mabilis kong sinagot ng tatlong iling ang tanong ni tito.

I know mommy will not only get sad but she'll be also get mad. Papagalitan lang ulit ako ni mommy kapag hindi pa ako sumunod kay Tito Diego. Baka hindi na sila bumalik kapag nalaman nilang nagiging bad girl ako. I don't want that to happen. Gusto ko pang makita si baby girl.

"Okay, tito. Let's get inside the house," pagsang-ayon ko't humawak sa kanan niyang kamay.

Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad niya akong binalot sa tuwalya. Tinulungan niya rin akong magpalit ng damit at pinainom ng hot chocolate.

"Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin habang inaabala ko ang aking sarili sa panonood ng 'Barbie: Princess and the Pauper'.

"Hindi pa po. Ang sabi po kasi sa akin nina mommy at daddy, maaga po silang babalik at lulutuan nila ako ng sinigang," sagot ko habang hindi inaalis ang atensyon sa pinapanood na palabas.

"Bukas pa kasi makakabalik ang mommy't daddy mo. Kaya sa ngayon, ako muna ang mag-aalaga sa iyo. Ayos ba 'yon?" tanong niya sa akin habang suot-suot ang kakaiba niyang ngiti.

"Kung iyon po ang sabi sa inyo nina mommy at daddy, wala pong problema sa akin," magalang na sagot ko.

"Pasensya na at hindi marunong magluto si tito. Pagtiyagaan mo muna ito, okay?" Bumalot naman agad sa ilong ko ang amoy ng noodles na nilapag niya sa harapan ko. And since I'm starving, I didn't hesitate to quaff it up. No room for being picky today.

"Pagkatapos mo diyan ay magsipilyo ka na't matulog. You have school for tomorrow, am I right?" Kahit hindi ko tingnan si tito ay alam kong tumabi siya sa akin upang panoorin ako dahil sa paggalaw ng sofa.

"Yes, Tito Diego, I will."

NAALIPUNGATAN ako nang makaramdam ako ng panlalamig. My bladder can't hold it any longer, I badly need to use the comfort room.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at walang ingay na binuksan ang pinto ng aking kwarto. Mahirap na at baka akalain ni Tito Diego na hindi pa ako natutulog. Baka isumbong niya pa ako kina mommy at daddy.

Agad akong napatakip ng aking bibig dahil sa gulat. Muntikan na akong mapasigaw nang maabutan ko si tito na nakatalikod sa harapan ko. Maigi na lang at may kausap si tito sa telepono kaya hindi niya ako napansin.

Lumakad siya pabalik sa harapan ng guest room kaya agad kong kinuha ang oportunidad at nagtungo sa hagdanan. Pababa na sana ako nang siya'y nagsalita at nakuha nito ang aking atensyon.

"Hindi ko pa nasasabi sa bata, Edeline. Naghahanap pa ako ng tamang tiyempo." If I'm not mistaken, he's referring to me for I'm the only kid in the house. I wonder what are they talking about.

"Hindi ko pwedeng madaliin dahil mahirap ang sitwasyon, Ed. Bata pa lang si Prudence at hindi madali para sa kaniya na intindihin ang lahat. Bigyan niyo pa ako ng oras para sabihin sa kaniya ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang." The feeling of discomfort suddenly left my body. I became too numb to feel anything.

Did I just heard it right? Iniwan na talaga nila ako? Ano bang nagawa kong mali? Naging pasaway ba ako masyado?

"Don't worry about the young Yancey. I will protect her with all my might. Sa ngayon ay mas pagtuunan niyo ng pansin ang kaso nina Equity at Wisdom." Pinatay ni Tito Diego ang tawag at sinilid sa kaniyang bulsa ang telepono.

"What about my baby sister? Is she dead too?" Nawalan ng kulay ang mukha ni tito nang makita niya akong nakatayo sa kaniyang harapan.

"Bakit gising ka pa?"

"Don't avoid my question. Did my sister died too?" I asked coldly. To be honest, I desperately wanted to cry but I couldn't. Ni isang luha ay hindi pumatak kahit anong pilit ko.

"I'm sorry you have to learn it this way, Prudence." Bumagsak ang balikat ni Tito Diego. He stared at me in a pitiful way and I don't want any piece of it.

"Where are their bodies? I want to see them."

"As you wish." Nagtungo pababa ng hagdanan si tito. Walang pag-aalinlangan ko naman siyang sinundan hanggang sa makalabas kami ng bahay. Nang marating namin ang kaniyang sasakyan na nakaparada sa tapat ay pinagbuksan niya ako ng pinto bago pinasakay.

Buong biyahe ay pinanood ko lang ang bawat makakasalubong naming sasakyan. Hindi ko alam kung anong oras na ngunit pansin ko ang pagdalang ng mga kotse sa daan, dahilan upang mabilis kaming makarating sa aming pupuntahan.

"What is she doing here, Diego? I thought you need more time." Isang babae ang sumalubong sa amin ni Tito Diego pagkapasok namin sa isang gusali. Siya siguro si Edeline, ang kausap kanina ni tito sa telepono.

Hindi naman siya pinansin ni tito at nagpatuloy lang sa paglalakad. Muntik na akong mabangga sa kaniyang likod nang bigla siyang tumigil sa harap ng isang pinto ng kwarto.

"Are you ready?" pangangamusta sa akin ni Tito Diego pero hindi ko siya kinibo. Ready or not, I just want to see them. Then maybe, they'll wake up if they see me. Maybe this is just another prank after all.

Binuksan ni tito ang pinto, dahilan upang bumungad sa aking paningin ang mga katawan nina mommy't daddy na nakahiga sa malamig na metal na kama. Sa pagkakataong iyon ay hindi ko na alam ang aking nararamdaman. Naghahalo-halo na ito sa aking dibdib. Nakaramdam ako ng takot, ng kaba at ng lungkot. Parang gusto ko na lang sumabog.

"Mommy, daddy, I'm here!" nakangiting wika ko. Dahan-dahan ko silang nilapitan. Ang kanilang mga balat ay mas maputla na kumpara sa normal nitong kulay. Ang kanilang mga katawan ay nagsisimula nang manigas, dahilan upang hindi ko ito magalaw.

"You can end this now. Alam ko pong niloloko niyo lang po ako. Bumangon na po kayo diyan." Niyugyog ko ang kamang hinihigaan nilang dalawa ngunit hindi sila sa natinag.

"Gising na po, mommy't daddy! Hindi po ba kayo nilalamig? Hindi po ba nananakit ang likod niyo kakahiga?" Tuluyan nang nanuyo ang aking lalamunan. Ang mga luhang ayaw pumatak kanina ay nagtila talon at walang tigil sa pag-agos pababa sa aking magkabilang pisngi.

"Mommy! Daddy! Hindi niyo po ba ako naririnig?! Bumangon na po kayo diyan! Hindi na po nakakatuwa!" sigaw ko sa pagitan ng aking mga paghikbi ngunit wala pa ring progreso. Nanatili pa rin silang nakahiga at hindi gumagalaw.

"Mommy... Daddy..." iyak ko at niyakap ang nanlalamig nilang nga katawan. Nagsimula na akong sinukin dahil sa kawalan ng hininga pero wala na akong pakialam.

"NAPAG-ALAMAN po namin ang pagkamatay ng parehong magulang ng bata kaya nandito po kami upang kuhanin siya."

"Tito Diego, I don't want to come with them. Don't let me go, please!" I begged him while I'm hiding behind his back. I hugged him tightly as I could so that the people in the front door could not take me away.

"Hindi niyo pupwedeng kuhanin ang bata dahil sa akin siya iniwan ng kaniyang mga magulang. Kung gusto niyo ng kumpirmasyon ay maaari niyong kausapin ang aking abogado tungkol sa will ng mga Yancey at sa custody ng bata," matigas na sagot sa kanila ni tito kaya bahagya silang natigilan. Makalipas ang ilang segundo ay nagpaalam sila't nagsabing babalikan nila ako kapag hindi napatunayan ang sinasabi ni tito.

"You're not going to leave me too, right?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 48.8K 66
Silhouette Montevero stepped down from her position as a secret agent to achieve a normal life. She's already living a peaceful life when a powerful...
7M 235K 50
Erityian Tribes Series, Book #4 || Taking spying to an extraordinary level.
284K 17.6K 39
SPG 18 "There were times I wish I could unloved you so I could save what's left of my sanity. It's a never-ending torture to love someone who can't l...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...