Fall For You (PUBLISHED!!!)

By paybills

12.6K 751 34

Published by Umprintables with a new title: "Fall For You." ❤ www.facebook.com/UMPRINTABLES More

teaser.
part 1.
part 2.
part 3.
part 4.
part 5.
part 6.
part 7.
part 8.
part 9.
part 11.
part 12.
part 13.
part 14.
part 15.
part 16.
part 17.
part 18.
part 19.
part 20.
part 21.
part 22.
part 23.
part 24.
published!!!
part 25.
part 26
AUTHOR'S NOTE

part 10.

392 27 0
By paybills

"'OY, mukhang marami ka nang naiinom," puna ni Josh kay Lia. "Ako 'tong galing sa Middle East at supposedly galit sa alak, pero ikaw itong kung lumaklak, eh, daig pa ang nabagansya nang ilang taon."
Nakapag-lunch at merienda na sila sa buffet. May mga nagsiuwian na pero mas marami ang natira na nag-iinuman at sayawan.

"Hayaan mo na lang ako, beshie," nakangising sagot ni Lia, lasing na nga. "Tingnan mo nga 'yong iba, o."

Eksaktong pagbaling nila sa pinaka-wild na grupo ng batchmates nila, may babaeng nagsasayaw sa ibabaw ng isang lamesa at inilililis pa ang paldang suot. Habang tumutugtog ng maharot na music ang banda, may mga parehang naghaharutan sa dance floor na ewan nila kung magkakaano-ano. May isa pa na biglang sumigaw ng, "Minsan lang tayo magluko sa mga asa-asawa natin!"

"Jesus," sambit ni Josh. "'Di ba manhinhin 'yang si Antonia noong high school?" Ang babaeng nagsasayaw sa mesa ang tinukoy nito.

"Naku, napariwara iyan noong college! Usap-usapang naging pokpok para makapag-aral hanggang sa tuluyan daw ibinahay ng isang barangay captain sa Cabanatuan."

"Wow, ang juicy naman niyan, May," humagikgik na sabi ni Lia. "'Yong magluluko raw sa asawa, si Charmaine Celerio. Sino'ng napangasawa niya? Kawawa naman."

"Seaman ang asawa niyan," sabi ni Erwin.
"Iyan na nga ba ang sinasabi sa hula," palatak ni Josh. "Kaya ako, 'pag nag-asawa ako, either dalhin ko siya sa Dubai o mag-for good na lang ako sa 'Pinas. Mahirap na."

"Depende naman sa tao 'yan. Hindi lahat ng may asawang nag-a-abroad ay nangangaliwa. 'Di ba, May?"

"Korek. Nasa tao 'yan."

"Subukan ko kayang mag-abroad?" sabi ni Erwin.

"Eh, di ikaw naman ang nangaliwa!" nandidilat na sagot ni May. Tulad ni Lia, marami-rami na rin itong nainom at namumula na ang mukha.

"Hindi naman lahat ng nag-a-abroad, nangangaliwa," sabi ni Josh.

"Pero maigi na rin na isama mo si Lia sa Dubai 'pag nagpakasal na kayo. Aba, mahirap na. 'Di ba, mars?"

Humagikgik si Lia. "Kami, magpapakasal? In his dreams!"

Tinaasan siya ni Josh ng kilay. "Ayaw mo? So, hanggang fling-fling na lang tayo? FBs, gano'n?"

Hinampas niya ito ng pamaypay. "Ulol. Baka akala ng mga 'to na--"

Naputol ang sinasabi niya nang biglang may tumikhim sa tagiliran niya. Pagtingin niya, si Iñigo iyon.

Kanina pa na-turn-off si Lia sa lalaki. Tama ang sinabi ni Josh. Mukhang marami-rami nga ang pinagdaanang pakikibaka ng mukha nito laban sa mga taghiyawat. Tingin din niya ay pustiso ang ngipin nito.

Ayaw na niya kay Iñigo. Ano'ng ginagawa nito sa table nila, nakangiti at nakatitig na para bang gandang-ganda sa kanya? Nasaan na si Jessica?

Pasimpleng luminga si Lia sa direksiyon ng table ng mga ito. Wala na ang babae roon.

"Mamaya magsisiuwian na. Hindi pa kita naisasayaw," sabi ni Iñigo.

"Er..." Napatingin siya kay Josh, na bale-walang nagkibit-balikat at uminom ng beer sa boteng hawak. Napilitan siyang sumama kay Iñigo sa dance floor.

Slow music na ang tinutugtog ng banda sa kasalukuyan.

"Binakuran kang maigi ni Josh," simula ni Iñigo noong sumasayaw na sila.

"Er... ikaw rin naman. Nasaan na si Jessica?"

"Ah, nagpaalam sandali na magbabanyo."

"Okay lang na nagsasayaw tayo? I mean, pagbalik niya--"

"Hindi kami ni Jess."

"Oh."

Ngumiti ito. In fairness, guwapo pa rin talaga ang loko in a Paolo Avelino way. Kaunting derma-roller lang siguro at may pag-asa pa ang mukha nito.

"Saan ka nga pala nag-college?" tanong na lang ni Lia maski alam na niya ang sagot.
Sa FEU ito pumasok at nag-PolSci, pero nag-transfer sa Cabanatuan at nag-shift sa Nursing. Na-realize siguro na ayaw palang mag-abogado. Alam niya rin nang makapasa ito sa board exam at maging registered nurse. Nagtatrabaho ito sa ospital sa Cabanatuan.

Marami siyang alam dahil stalker siya nito sa Facebook. Well, tapos na ang pansi-stalk niya rito. Hindi na mauulit iyon. Hindi na siya interesado rito.

"NE-UST ako gumraduate. RN ako, Lia. Nagbabalak akong mag-med school, pero next year pa siguro."

"Nice. Bagay sa 'yong magdoktor."
Nauwi pa sa kung saan-saan ang kuwentuhan nila. Mayamaya pa ay may sumagi sa likod ni Lia na sumasayaw rin. Paglingon niya, nakita niya si Josh na nakangisi sa kanya habang kasayaw ang date ni Iñigo--si Jessica.

Lia rolled her eyes at ibinalik kay Iñigo ang atensiyon. "Does it bother you na magkasayaw sina Josh at Jessica?"

"I told you, wala kaming relasyon ni Jess," natawang sagot nito. "Well, what about you? Does it bother you?"

Nag-init ang mga pisngi niya. "Of course not! Friends lang kami ni Josh. Alam naman ng lahat iyon."

Tumawa ito. "Well, mukhang hindi ka na-inform."

"Na ano?"

"Na kung umasta si Josh ay parang may claim siya sa 'yo. Sobra kung bakuran ka. Pansin ko na maraming tumitingin sa 'yo na batchmates nating lalaki pero ako lang ang nakapagtangkang lumapit."

"Ako? Come on, Iñigo."

"You're hot, Lia."

"Telege? Este, talaga?" Parang gusto niyang kiligin at maging letter E lahat ng lumalabas na vowel sounds sa bibig. "Diyan ako hindi na-inform."

"Mukhang hindi ka na-inform sa maraming bagay," tawa uli ni Iñigo.

Tumawa rin si Lia. "Well, ngayon well-informed na ako--thanks to you."

"Puwede ko bang makuha ang number mo?"

"Sure! Magaling ka bang mag-memorize?" At ni-recite niya ang phone number.
Inulit nito ang sinabi niya. Mukhang namemorya nga agad ng loko, pero naniguro pa rin at dinukot ang phone sa bulsa para i-punch ang number. "May missed call ka. 'Save mo number, ha?"

"Sure."

"Ite-text kita."

"Sige."

"Puwede ring tawagan?"

"Oo ba, basta hindi ako tulog o busy sa pagsusulat."

"Magte-text muna ako."

"That's better."

Nagpatuloy sila sa pagsasayaw maski nagpalit na naman ng tugtog. Pangatlo na yata iyon mula nang magsimula sila. Enjoy naman si Lia sa pakikipagkuwentuhan dito dahil at ease na siya. Akala pa naman niya ay mate-tense siya nang todo kapag napalapit dito. Mukhang paso na ang epekto ng lalaki sa kanya.

Hindi na siya hung-up dito. Makaka-'move on' na siya!

Napahagikgik siya sa isipin.

"Bakit?" takang tanong ni Iñigo.

"Don't mind me. Wala, may naalala lang akong mga katangahan ko no'ng high school."

Mukhang plano pa nitong mag-urirat pero may humawak na sa braso niya at, "That's enough. Plano n'yo pa yatang ubusin ang tugtog ng banda."

"Josh!" Sinimangutan niya ito. "Nagsasayaw pa kami ni Iñigo."

"Kanina pa siya. Ako naman," sabi nito.

Napapahiyang tumingin si Lia kay Iñigo. Nagkibit-balikat ito at may ekspresyon sa mukha na parang nagsasabing: "See? I told you." Tinanguan na lang niya ito at sumama na kay Josh para walang gulo. Next thing she saw, magkasamang lumalabas ng bulwagan sina Iñigo at Jessica.

"Gagawa na sila ng milagro sa parking lot," sabi ni Josh.

Tinaasan niya ito ng kilay. "Alam na alam mo, ha."

"Gawain ko 'yan, eh. Saka sinabi ko na sa 'yo, I know Jessica." Ngumiti ito. "Titirik ang mga mata ni Iñigo sa backseat ng kotse niya. Magaling 'magmilagro' si Jess."

"Sayang naman kung gano'n. Sana ikaw na lang at 'di mo na hinayaang si Iñigo ang pagmilagruhan."

"May ibang magmimilagro sa akin mamaya." Kinindatan pa siya nito.

Nainis si Lia sa na-imagine na scenario. "Well, mukhang marami naman ngang fuckgirls sa batchmates natin."

Tumawa ito. "Ayoko sa fuckgirls."

Tinaasan lang niya ito ng kilay.

Hinapit siya nito sa baywang at idinikit sa katawan nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang gising na pagnanasa nito na dumudunggol sa bandang puson niya.

"Josh!" nanlalaki ang mga matang bulalas niya.

"Feel what you do to me?"

Tinampal niya ito sa dibdib at nagtangkang umatras pero parang bakal ang grip nito sa kanya. Mas lalo nitong idiniin ang sarili sa kanya.

"J-Josh, we are not supposed to be doing this," sabi niya na hindi malaman kung ano ang mararamdaman nang mga sandaling iyon.

Para siyang lalagnatin na ewan. Maliwanag pa ang paligid. Kitang-kita pa sila ng mga naroroon. Ang konsuwelo na nga lang, halos wasted na yata lahat ng batchmates nila.

"But I want it so much," bulong ni Josh na ibinaon ang mukha sa hugpungan ng leeg at balikat niya. "So damn much, Lia."

"J-Josh, lasing ka lang..."

Naramdaman niyang gumapang ang mainit nitong labi sa leeg niya. Suminghap siya. Sinimulan nitong halikan nang tuluyan ang kanyang leeg, hugging her as fiercely as he could. Mamaya ay gumagapang na rin ang mga daliri nito sa makinis niyang braso, paakyat hanggang sa gilid ng kanyang dibdib.

Lia forgot everything but his touch. Para bang naglalaho ang mundo sa paligid nila. All she could see, feel, smell was Josh. Just Josh.

"I want you so badly. Now."

"Josh--"

"Please," halos paangil na nitong bulong sa tainga niya.

Josh, please don't let this ruin everything, pipi niyang sambit.

Nang walang marinig mula sa kanya, inakay siya nito palabas ng function hall patungo s parking lot. Ni hindi na nila nagawang magpaalam kina Erwin at May.

Isinakay siya ni Josh sa kotse at pagpuwesto nito sa harap ng manibela, mukhang hinamig muna nito ang sarili bago muling nagsalita. "Lia, please tell me kapag sumosobra na ako."

"Sumosobra ka na," sabi nga niya.

"If I go too far, ibig kong sabihin," natawa nitong paglilinaw.

Iba na rin ang pakiramdam ni Lia. Para siyang na-hypnotize na ewan nang mga sandaling iyon. She felt giddy.

Sinalubong niya ang tingin nito at siya na ang kusang kumilos. She pulled his face to hers and their lips met. His mouth tasted so sweet as his lips pushed back against hers with as much desire as she felt.

Si Josh ito. Si Josh, paulit-ulit niyang isinasaksak sa kanyang kukote. She tentatively sucked her lower lip into his mouth and tried to lick it with her tongue. Ganoon ang mga kissing scenes na isinusulat niya sa mga nobela.

Umungol si Josh. Nasiyahan si Lia dahil mukhang tama naman at effective ang ginawa niya.

He started working his hands slowly up her body, massaging and touching as he went. Itinaas nito ang laylayan ng bestida niya at ipinaloob doon ang kamay. He squeezed and kneaded her white bra-covered breasts.

"Ah, dream come true," mahinang sad nito at binitawan ang mga dibdib niya. "'Wag dito." Inayos nito ang dress niya at umayos na rin ng puwesto sa harap ng manibela. "Sa Jerry de Alicia tayo."

Resort doon ang tinukoy nito. Hindi pa siya nakakapasok doon.

Umalis na sila ng school grounds. Parang wala na si Lia sa sarili hanggang sa makarating sila sa pakay na resort. Ni hindi niya napagtuunan ng pansin ang hitsura ng paligid. Nag-check in sila sa isang private room at sa sandaling nakapasok sila roon, agad na nagdikit ang kanilang mga labi at buong katawan.

Hindi na alam ni Lia ang mga sumunod na nangyari, basta namalayan na lang niya na nakahubad na sila--bare skin on bare skin with her arms draped around Josh's neck. Ipinulupot nito ang mga braso sa kanya. They just felt the touch of their skin together for the first time.

Nahiga sila sa kama, with Josh kissing her hair while his hands moved up and down her bare tummy.

"Sexy," bulong nito.

"Talaga?"

Tumawa ito. "You really have no idea how hot you are," sabi nito at hinalikan siya sa puno ng dibdib.

"Well, na-inform na ako kanina."

"Huh?"

"Sinabi sa akin 'yan ni Iñigo."

"Sinabihan ka niyang 'hot'?" Nagusot ang noo nito.

"Uh-huh," aniya at ikiniskis ang sarili rito. "I love our skin together." Medyo nilandian niya ang boses. Kung matatauhan man siya pagkatapos niyon, sisisihin na lang niya ang alak bagaman higit sa nainom na beer ay si Josh mismo ang nakalasing nang totoo sa kanya.

Hinubad na niya ang puting bra, unable to calm her heart down. Iniitsa niya ang bra sa bedside table, then nestled her now bare chest against his, her hardened nipples pressing into his tan skin.

"Okay ka lang ba?" nangingiting tanong ni Josh. "Ang lakas ng tibok ng puso mo."

"Malapit na kasi akong atakihin sa puso," sagot niya. Birong-totoo iyon. Para talaga siyang aatakihin sa puso.

"Baka maunahan pa kita," natawa nitong sabi at hinaplos ang buhok niya patungo sa likod, teasing her skin with his hands.

Napasinghap siya nang makiliti ng mga daliri nito sa tagiliran. He then pressed his hands firmly against hers, circling up and down her body. Habang umaakyat ang mga daliri sa itaas ng likod niya, sa may parteng balikat, napakislot siya.

Itinigil nito ang ginagawa. "Not good?"

"No, really good," medyo hapong tugon niya. "M-medyo sensitive yata do'n sa part..."

"Saang part? Dito?" tanong nito na muling pinaglandas ang daliri sa sensitibong parte malapit sa kanyang balikat, dahilan para muli siyang mapapitlag. "May na-hit tayong spot, baby," parang excited nitong deklara.

"Ano'ng ibig sabihin n'on?"

"Ibig sabihin... okay na okay." Hinalikan nito ang parteng iyon ng likod niya at mas lalo na siyang napaigad, sabay unat. "Sensitive spots are good."

Umungol si Lia. Indeed, good.

Hinalikan siya nito, running his tongue along her lips before opening her mouth and taking the tip of his tongue in. Then she did it. She placed her hand right on the huge bulge in his pants, and it grew bigger and bigger in her hand. Seryoso niya itong tiningnan.

"Good?" inosenteng tanong niya.

Tumango ang lalaki, sunod-sunod.

Napabuga ng hangin si Lia, trying to divert her mind away from what was happening. What was happening so quickly. Their feelings were building so fast.

"Jeez... just knowing this is you..." Josh tensed and held back.

"Okay ka lang?" Napatingin siya sa pantalon nito. Nagwawala si 'Junjun.' "Tama ba 'yong ginawa ko?"

"Tamang-tama," sagot nito. "Sobrang tama na... sobrang..."

"Na?" Kinunutan niya ito ng noo.

"Uh... really good. A little too good," sabi nito. "Alam mo'ng ibig kong sabihin?"

She felt her cheeks flush. "Pasensiya ka na. Hindi ko pa alam ang gagawin. Ang alam lang, it's supposed to hurt like hell kapag pumasok ka na..."

Napatanga ito sa kanya.

"Ano?" nako-conscious niyang tanong.

"Hahayaan mo akong gawin iyon sa 'yo?"

"Ang ano?"

"Ang... pasukin ka, gaya ng sinabi mo?"
Noon siya medyo nag-alinlangan. "Hindi ba iyon ang gagawin natin dito?"


"Well..." Napabuga ito ng hangin. "Puwede rin namang huwag muna. There are other ways, you know. Hindi kailangang mag-all the way agad-agad... We can take it slow. Hell, we should take it slow. Ayaw kitang biglain."


"Kahapon mo pa ako binibigla. Actually, kamakalawa pa ng gabi, pagdating mo pa lang sa airport."


Ngumiti ito. "Ikaw rin naman, ah. Binigla mo rin ako."


"Sa anong paraan?" napasimangot niyang tanong. "Never kitang 'hinokage.'"


"Hindi mo alam ang epekto mo sa akin?" Hinawakan nito ang kamay niya at ipinatong iyon sa umbok sa crotch nito.


"Kahit sino, ganyan ang magiging epekto sa 'yo sa ganitong sitwasyon natin."



"Wala naman tayo sa ganitong sitwasyon noong nasa aiport tayo," sagot nito. "Nahirapan akong maglakad nang makita ka."


Napalunok si Lia sa sinabi nito.


Josh took her hand and lifted her head so he could look into her eyes. "I know what I want, Lia. I want to feel your soft skin against mine and nothing else."


"Iyon din ang gusto ko ngayon."



"Gusto kong ibaon ang sarili ko sa 'yo."


Hindi niya alam ang isasagot doon.



"Pero may tamang para doon. Hindi iyon dapat minamadali. Let's just enjoy ourselves for now, and who knows later..." Gumalaw ang Adam's apple nito. "Let's just take it slow, okay? Stop me if I go too far."


Tumango siya.



Naramdaman niya ang isang daliri nito sa waistband ng white panties niya. Hindi siya nagsalita nang magtama ang mga mata nila. Saka lang nito ibinaba iyon at tuluyang hinubad sa kanya.


"Let me taste you," bulong nito.

Napalunok siya at muling tumango.

Pinaghiwalay nito ang mga hita niya at ipinuwesto ang ulo sa hugpungan ng mga iyon. Napadaklot siya sa mga balikat nito. He flicked his tongue between her labia, then licked again--a little deeper this time.


"A-ano'ng lasa niyan?" curious niyang tanong sa kabila ng matinding tensiyon.


"Hmm... maasim na matamis." At walang anumang ipinagpatuloy nito ang ginagawa ng dila. He pushed it inward and kept it moving.


Panay ang ungol ni Lia ng pangalan ni Josh. Hindi huminto ang dila nito. She never wanted him to stop. Then her legs began clinching around his head.


"Oh, my God...!" bulong niya nang maramdaman ang dila nito sa kanyang clitoris. Napaigtad siya sa ibabaw ng kama. This was out of control.


He kept licking at her clit and she started bucking her whole body underneath him. He licked and she gasped and jumped and screamed his name...

Continue Reading

You'll Also Like

280K 15.3K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
846K 28.3K 38
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...