part 11.

359 27 0
                                    

HINDI na nag-attempt si Josh na galawin si Lia pagkatapos ng ibinigay nito sa kanyang mind-boggling orgasm through his experienced mouth. Hinayaan siya nitong matulog sa pagod at kalasingan. Bandang hatinggabi nang maalimputangan siya na kumukulo ang sikmura.

Nagising din ang lalaki sa pagkilos niya. Bumangon siya at nagbanyo. Sa sobrang hilo, bumaliktad ang sikmura niya at nagsuka sa bowl. Hinang-hina siya sa dami ng naisuka. Paglabas niya, nakatayo na si Josh at naghihintay sa kanya.

"May pagkain akong in-order. Lamnan mo ang sikmura mo," sabi nito.

"Thank you."

Nag-order ito ng roasted chicken at potato marbles, pati na corn muffins. She actually ate the whole thing, although nag-steal si Josh ng ilang kagat sa muffins, na sa pananaw ni Lia ay para bang sinesementuhan ang status nila bilang 'couple.' What was hers was his.

Couple? Parang nanunuya ang boses sa isip niya. Just because you made out and he showed you his mind-boggling skills in fellatio doesn't make you a couple.

Huminga siya nang malalim at ininom na ang pineapple juice.

Pagkatapos kumain, nag-toothbrush lang siya at naglinis ng katawan at bumalik na sa pagtulog. Tanghali na nang muli siyang magising. Nakaupo na si Josh sa couch at nanonood ng NBA game sa TV.
"Hi."

"'Morning," groggy pang bati ni Lia. "Anong oras na?"

"Almost afternoon na. Past eleven. Lunch na tayo?"

"Hindi pa ba tayo uuwi?"

"Gusto mo na?"

"Oo, kailangan ko nang maligo."

"Okay. Tara na kung ready ka na."

Nagpasalamat si Lia na walang pagka-awkward na namagitan pagkatapos ng nangyari kagabi. Casual ang binata kaya pinili niyang ipagkibit-balikat na lang iyon. Sure she had her very first orgasm, but it was not as if she had broken her hymen and lost her virginity.

Napakagat-labi siya nang maalala ang mainit na tagpo kagabi. Gumapang ang kilabot sa katawan niya at parang nilamig bigla ang pakiramdam. Niyakap niya ang sarili at tumanaw sa labas ng bintana ng kotse habang nagmamaneho si Josh.

"Okay ka lang?" untag nito sa kanya.

Tumango lang siya pero hindi umimik. Parang ngayon nagsi-sink in nang tuluyan sa kanya ang nangyari. Bigla ay awkward na ang sitwasyon. Ang liit-liit pa naman ng kotse niya. Ang liit ng espasyo sa pagitan nila ng lalaki.

Naramdaman na lang nila na nakahinto na sila sa gilid ng kalsada.

"Bakit?" takang tanong niya na saka lang ito tiningnan.

"May problema, eh. Ano 'yon?"

"Wala nga. Bakit ba?"

Tinitigan siya nito. "Meron, eh."

"Wala sabi."

"Meron, meron."

Inismiran niya ito at ibinalik na uli sa labas ng bintana ang atensiyon.

"Is it about what didn't happen last night? Disappointed ka ba?"

"Anong 'what didn't happen last night'?" bigla niyang baling uli sa lalaki, naniningkit ang mga mata at naka-defensive mode agad.
Tinaasan lang siya nito ng kilay. "In denial much?"

Namula si Lia at iningusan uli ito, na ngumisi lang sa kanya at ipinagpatuloy na ang pagmamaneho. Hindi na sila nag-usap hanggang sa makauwi sa bahay ng mga ito sa Brgy. Sto. Tomas.

Ngayon nagsisisi si Lia na nakipagkasundo agad siya tungkol sa pagpapaalaga ng baboy kay Tiyo Turing. Umaasa na ang matanda na malalamnan nito ang kural. Sina Erwin at May, nag-effort na rin na maghanap ng mga bibilhing biik.

Fall For You (PUBLISHED!!!)Onde histórias criam vida. Descubra agora