THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 14

1.2K 32 5
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER FOURTEEN

Sa mga napapanood kong movies, kapag ang girl, hinalikan ng guy, napapapikit. Yun ang sabi ko noon sa sarili ko, pag may humalik na sa akin, pipikit din ako. Pero nang halikan ako ni Edge, nakadilat ako. I couldn’t believe that this obnoxious guy would kiss me in front of the guy I really like…in front of my friends…in front of our school building.

            At ang height ng heighest height arrogance ng lalaking ito ay pagkatapos, eto ang sinabi sa akin: “Satisfied?”

            Ang sagot ko? Isang pagkalakas-lakas na sampal!

            “How dare you!” humihingal sa galit na sabi ko. Sabay punas ng kamay sa bibig ko.

            Shocked siyempre sina Karen at Ramil at Edge.

            Pero mas shocked ang expression ni Edge. Hindi siya makapaniwala na isang babae ang sasampal sa kanya.

            “Now, I’m satisfied!” sagot ko.

            Ewan ko kung ano pa ang gagawin ni Edge pero noon na pumagitna si Ward. “Edge, ano ka ba? Why did you do that?”

            Hindi sumagot si Edge pero galit na nakatingin sa akin.

            Hinila na lang siya ni Ward at isinakay sa kotse. “Let’s go! Uwi na tayo!” Humarap din sa amin si Ward. “Sorry, guys. I guess going out is out of the question now.” Tumingin siya sa akin. “Sorry, Welcome. Will call you later.” Yun lang at sumakay na rin siya sa CRV. Saka humarurot iyon palayo.

            Windang naman sina Karen at Ramil.

            “Ano yon?” naiiling na tanong ni Ramil na hindi alam kung matatawa or what.

            “Bakit ka niya hinalikan? Hindi mo naman siya ginulat a? Ako ang nanggulat sa kanya. Dapat ako ang hinalikan niya.” Siyempre, iba ang concern ni Karen.

            “Oy, Welcome, magkuwento ka nga kung ano talaga ang nangyari sa inyo ng Edge na yon. Parang may undercurrent e. Parang may nagaganap na kayo lang ang nakakaalam. Out with it!” halos pag-uutos ni Ramil.

            “Uuwi na ako,” sabi ko.

            “No, you won’t,” sabi ni Ramil sabay hawak sa braso ko. “May nangyari sa inyo ng Edge na iyon at ikukuwento mo sa amin ni Karen.”

            Alam kong hindi na ako makakaiwas. Not with these two. “Huwag dito,” sabi ko na lang.

            “Starbucks tayo,” yaya ni Karen.

            “Wala akong pera,” sagot ko.

            “Lagi ka namang walang pera. Pero lagi ka naman naming nililibre so what’s new. Let’s go sago!”

            Nagpunta muna kami sa Starbucks sa SM North para maikuwento ko ang dapat ikuwento. Umorder ako ng pinakamahal na coffee.

            “Fire away!” utos ulit ni Ramil.

            “Kasalanan n’yo e,” sumbat ko.

            “Ha?” si Karen yun na hindi inaasahang iyon ang ibubungad ko.

            “Sabi n’yo, halikan ko si Ward. Para ligawan na niya ako. Sinunod ko kayo. Kaso, ang nahalikan ko ay yung kakambal niyang si Edge. Malay ko naman na may kakambal pala siya. Wala naman siyang sinasabi.”

Noon lang din pumasok sa isip ko nung kinawayan ko si Ward sa labas ng bookstore at hindi ako pinansin. Hindi si Ward yon. Si Edge. Kaya hindi ako nakilala. Mystery solved.

            Natawa si Ramil. “Oh my God, nakakahiya, Welcome!”

            “Sinabi mo pa. Panay nga ang dasal ko na lumindol no’n at lamunin na ako ng lupa, e.”

            “So, nakadalawang kiss na pala kayo ni Edge.” Iba talaga ang concern nitong si Karen, ano? “Nakakainggit ka.”

            “Ano’ng nakakainggit do’n? Asshole ang lalaking yon! Akala mo kung sino. Daig pa si Brad Pitt kung makaasta na gano’n ka-precious ang halik niya.”

            “Masarap ba ang kiss niya?” kinikilig at interesadong tanong ni Karen. “Nakalabas ba ang tongue niya?”

            “Yuck! Yuck ka, Karen!”

            “A kiss is not a kiss without your tongues touching also,” buong ka-ismartehan na sagot ni Karen na ewan ko kung saan niya napulot ang linyang yon.

            Napapikit ako with matching takip ng tenga dahil ayoko nang marinig si Karen. Ayoko nang ma-imagine ang sinasabi niyang kissing with the tongue. Yuck!!!

            Ikinuwento ko na rin sa kanila ang nangyari sa canteen. Ang banana cue. Ang pagkakabangga ko sa pinto. At siyempre, tawang-tawa si Ramil.

            “Girl, para kang eng-eng! Actually, nakakainggit! Para kang bida sa Koreanovela. Sana mangyari rin sa akin ang ganyan.” Yakap pa ni Ramil ang sarili na parang iniimagine ang sarili sa mga sitwasyong pinagdaanan ko.

            Sabay kami ni Karen na napatingin sa kanya, inimagine din namin si Ramil sa mga eksenang yon with Edge.

            “Hindi bagay,” sagot ni Karen.

            Ako naman, okay lang sa akin na maghalikan si Edge at Ramil. Tingnan ko lang kung ano ang reaksyon ng mayabang na Edge na yon na mahalikan ng isang bading!

* * * * *

            Minsan, parang nang-aasar ang mundo. Kung ano yung iniiwasan mong maalala, yun ang maraming reminder sa paligid. That night, ang palabas sa tv, yung halikan ni Gra-Matt…o Grace at Matthew sa My Destiny, ang nakakakilig na palabas sa GMA. Dati, kinikilig ako sa show na ito, pero ngayon na naghahalikan ang dalawa, may naalala ako na nakakainis. Kaya inilipat ko yon ng channel. Kaya nagalit si Nanay.

            “Ano ka ba, Welcome? Nanonood ang tao e,” sabi ni Nanay sabay agaw sa remote at balik sa Channel 7. “Ito na nga lang ang libangan ko pagkatapos kong magtrabaho maghapon, tatanggalin mo pa,” litanya ni Inang Mahal. Oo na, martir ka na, gusto kong sabihin. See, nagiging masama akong anak dahil sa Edge na yan!

            Lumayo na lang ako sa TV. Ang napagbalingan ko ng tingin ay si Nova na naglalaro ng mga manika niya. Pero ano raw ang ginagawa ng mga manika? Pinaghahalikan ni Nova.

            “Nova! Ano’ng ginagawa mo?” saway ko.

            “Naghahalikan yung mga manika. Parang yung sa tv,” pangangatwiran ng bunso ko ng kapatid.

            “Nay, kita mo yang impluwensiya ng pinapanood mo sa bata o,” buwelta ko sa nanay ko.

            “Nova, takpan mo ang mga mata mo, anak.” Yun lang ang nasabi ng nanay ko na nakapako pa rin ang tingin kina Grace at Matthew. Maya-maya pa ay napatili ito dahil sa sobrang kakiligan sa palabas.

            Napabuntunghininga na lang ako. Lumabas na lang ako ng bahay para tumunganga sa labas. Pero guess what kung ano ang nabungaran ko? Mga asong naglalampungan…at nag-aanuhan.

            Yuck! Pati ba naman animal world, nakikiisa to remind me of something na gusto ko na ngang makalimutan?

* * * * *

            11piyem.

“Welcome, gabi na, bakit hindi ka pa natutulog? May pasok ka pa bukas,” bati ng nanay kong mahal.

            Hindi ako makatulog. Naaalala ko pa rin ang nangyari sa school. At hinihintay ko ang text o tawag ni Ward. Sabi niya, tatawagan niya ako e.

            Bakit hindi pa siya tumatawag?

            12 midnight.

            Wala pa ring text o tawag. Nakakainis ha!

            Pinilit ko nang matulog. Nagbilang ako ng sheep o kambing. Pero ang pumapasok sa isip ko ay si Edge. Ang nakakabuwist na si Bad Boy Mr Wrong.

            1am.   

            Ayan, nakakatulog na ako…

            Brrrr Brrrr. Vibrate mode ng cellphone ko.

'           Si Ward!

            Sinagot ko agad. Pero pabulong para hindi marinig ni Mader.

            “Ward?”

            “Hello, Welcome! I’m here outside,” sagot ni Ward.

            “What do you mean: you’re outside?”

            “Narito ako sa labas ng bahay n’yo.”

            “Ano?”

            “I wanna talk to you. About what happened kanina sa school. Please, come out naman.”

            Napatingin ako kay Inang Mahal, naghihilik. Pati si Nova na nakayakap pa kaya nanay. Labas ako ng kuwarto. Silip sa kuwarto ni Kuya Bal. Tulog din.

Safe lumabas.

            So, labas naman ako. At ang bumulaga sa akin ay si Ward. Nasa labas ng bakuran namin.

            “Ano’ng ginagawa mo rito, Ward?” kinakabahan kong tanong. Pero may halong excitement.

            “I wanna see you. I wanna make sure that you’re okay. Na hindi ka galit sa akin dahil sa ginawa ni Edge. Ayokong magalit ka sa akin e. I really, really like you, Welcome.”

            Oh my God! Napaka-romantic! Ganito ba ang naramdaman ni Juliet nang inakyat siya ni Romeo sa balcony?

            Lumapit sa akin si Ward. Hinawakan ako sa balikat.

            “Naiinggit ako kay Edge. Dahil nahalikan ka na niya. Ako, matagal ko nang gustong gawin iyon.” Hinaplos ni Ward ang pisngi ko, pababa sa lips ko. “May I kiss you, Welcome?” tanong ni Ward.

            Oh my Gard!!! Tinatanong pa ba yan? Eeeeee! Of course, I want you to kiss me, Ward. Kahit may tongue pa! Karen, eat your heart out!

            Tumango ako. Meaning yes. At tulad nang pangako ko na kapag hinalikan ako, gusto ko nakapikit ako. So I closed my eyes.

            And he kissed me. Oh so tenderly. Para akong nasa heaven!

            Pero bigla siyang tumigil. At biglang tumawa.

            Napadilat ako. Napatingin ako sa kanya. Kay Ward.

            Pero hindi siya si Ward. Wala siyang nunal sa kaliwang mata.

            Si Edge ang kumiss sa akin!

            Paanong nangyari iyon?

            Noon ako nagising. Yes, panaginip lang!

            Hanggang sa panaginip ba naman, sinusundan ako ng Edge na ito?

            Bakit? Bakit? Bakit???

            “Welcome, matulog ka na!” sabi ng nanay ko na parang alam ang nangyayari maging sa panaginip ko.

            Pero hindi ako nakatulog. Nag-iisip. Bakit ko napanaginipan si Mr Bad Boy?

Continue Reading

You'll Also Like

447K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...
7.5M 208K 45
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
98.3K 2.5K 52
What will you do if you end up in someone else body?