Until We Meet Again (Hanggang...

By sohi_a

535 19 0

Genres: Humor | Tragedy | Romance | Short Story Isang kwento tungkol sa dalawang taong pinaghiwalay ng tadhan... More

Hanggang sa Muli 1
Hanggang sa Muli 1 [2]
SoHiAh_NiChi's NOTE
Hanggang sa Muli 2
Hanggang sa Muli 2 [2]
SoHiAh_NiChi's NOTE

Hanggang Sa Muli 2 [3]

65 2 0
By sohi_a

"If we ever see each other, let's just head for the opposite direction."

- Alex (6 years ago)

【ALEX】

Naka-uwi na ako. Nandito ako sa kuwarto at nakatitig sa kawalan.

"Damn." nasabi ko na lang bigla. Sigurado akong umiyak siya. Halata naman sa boses niya tsaka suminghot kaya siya!

The path I chose to take made us drift further apart from each other.

Minsan, hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Ayoko siyang makita pero di ko maiwasang sundan siya ng tingin kahit patago. Ayokong marinig yung boses niya pero pinakikinggan ko pa rin ang pagsasalita niya. Gusto kong lumayo pero nanghihinayang naman ako.

Naisip ko rin na sayang ang pinagsamahan namin. Mapupunta lang sa wala dahil sa pag-iwas ko. Minsan, gusto kong bawiin pero wala na, ito na ang pinili ko at hindi na ako magdadalawang isip na ituloy 'to.

Si Michelle din yung tipong ang hilig magtago ng nararamdaman! Napansin ko lang 'yon. Hipokrita yun eh! Sabihin ba naman magmo-move on na siya pero ayaw niya naman! Sarap talagang hambalusin!

Naputol ang pag-iisip ko nang mag-ring ang telepono ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita kong si Rachel.

"Bakit?" agad kong sabi.

"Hi! Musta na?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Wag mo ngang sayangin ang oras ko!" sabi ko at binaba na ang tawag.

Nagsimula ang muli niyang pagtawag sa akin nung inamin kong mahal ko si Michelle. Hindi ko sinasagot ang mga tawag at mga text niya. Ngayon ko lang ginawa yun.

Muling tumunog ang telepono ko at nung tingnan ko, may text naman. Galing pa rin kay Rachel. Pagkabasa ko nito, nagtaka ako.

bh3 i'M h3R€ @ d p4rK! i'lL t3Ll u s0m37!nG xoxo ♥ ← Yan ang nasa text.

"Da !@#$" nasabi ko na lang.

Dahil may kakilala akong nakaka-intindi ng alien language na 'to finorward ko sa kanya at ayun, nalaman ko kung anong ibig sabihin.

Alam ko na kung anong park ang tinuturo niya. Sa park noong una naming magkita.

Pagkapunta ko doon, hinanap ko siya. Pero hoy! Ginagawa ko 'to dahil gusto ko nang tigilan niya ako.

"Alex!" rinig kong tawag niya mula sa malayo.

Sinundan ko ang boses na yun at nakita ko si Rachel na patungo sa direksyon ko. Simple lang ang suot niya.

Habang tinitingnan ko siya ngayon, hindi na ako magtataka kung nagustuhan ko man siya o ano. Mabait naman siya eh. Magaling siyang umintindi. Wala siyang pakialam sa itsura ko at ang pinansin niya ay ang kalooban ko.

"Alex, tara't umupo sa bench!" yaya niya. Sumunod na lang ako. Tutal, may sasabihin na rin naman ako sa kanya.

"Hihi! Ang saya koooooo ~" sabi niyang ngingiti-ngiti.

"Rachel, get to the point. Bakit mo ba ako pinatawag dito? Anong kailangan mo?" tanong ko.

Tiningnan niya ako, "Pa'no kung sabihin kong ikaw ang kailangan ko at gusto kitang makasama?" sa palagay ko, may ibig sabihin ang tingin niyang 'yun. Is she testing me?

"Paano kung sabihin kong wala na akong pake?" tanong ko pabalik.

"Awts! Hahaha!" tawa niya. Halatang peke pati ngiti niya. Hindi na lang ako umimik pa muna.

"Alam mo, mula nung nawala ka, mula nung pinili mong sumama kay Michelle, nagsisi ako." sabi niya. Parehas na kaming nakatingin lang sa harap namin.

"Naisip ko, mula ngayon, wala nang mangangamusta sa akin. Wala nang maggu-"good morning" o "good night" sa akin. Wala nang mag-aalala para sa akin. Wala nang magtatanong kung kumain na ba ako. Wala na akong kikilalaning Alex dela Torre na mahal ako." tumigil siya at bumuntong hininga.

"Alam mo, paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga nangyari nung tayo pa tsaka nung bago pa maging tayo, at nung nakipag-break ka sa akin." naptingin na naman ako sa kanya. Ewan ko ba, feel ko eh.

"Ang nagawa ko these days ay manahimik lang at i-iyak ko na lang 'tong nararamdaman ko. Sa palagay ko kasi, kahit gaano kahirap kong ibalik ang dating tayo, imposible na. Alam kong hindi mo na ako pakikinggan dahil habang tumatagal, unti-unting lumalaki ang pagitan natin sa isa't isa. Alam ko ring ang dami kong nagawa. Naging makasarili ako at naging masama ang trato ko sayo pero.." medyo naiiyak na siya.

"..hindi ko kasi alam kung paano ko matatago ang nararamdaman ko eh. Mahirap aminin sa sarili na wala ka na, wala na tayo." tuloy niya.

Tumingin siya sa akin at ngumiti, "Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko. Ikaw ang laging nandiyan para sa akin. Napagtitiisan mo ako. Naiintindihan mo ako. Wala nang iba pang tulad mo. Sana maging masaya ka kay Michelle. Sana magkaayos na kayo." sabi niya.

Tatanungin ko na sana siya kung paano niya nalaman ang sa amin ni Michelle pero bigla siyang tumayo at naglakad palayo na wala man lang sinasabi.

Medyo bumibigat ang nararamdaman ko. Ewan ko, baka may feelings pa ako sa kanya pero mas nangingibabaw ang kay Michelle.

Ganito pala ang pakiramdam ng may aalis na sa buhay mong napaka-importante sayo noon.

Naramdaman ba 'to ni Michelle? Nasaktan ba siya? Naisip niya ba ang mga sinabi ni Rachel?

Naka-upo lang ako doon habang nag-iisip. Naalala ko 6 years ago, sabi ko, ibabalik ko ang dating kami. Kaso di pa nagtagal, ayun, may nangyari na namang hindi kaaya-aya. Nagkagalit na naman kami.

May nagsabi sa akin ng, "Ano daw nangyari sa 'ibabalik ko ang dating tayo' mo sabi ni Michelle."

Pero sobrang sakit kasi. Kailangan kong malimutan ang nararamdaman ko kasi sa huli, ako na naman ang masasaktan.

Kamusta na kaya si Michelle? Kumain na ba siya? Okay lang ba siya? Mag-isa na naman ba siya o kasama niya si Mitch?

Ni minsan, pumasok ba ako sa isip niya? Nag-alala ba siya tungkol sa akin?

Hindi na ako nagtagal doon at napagdesisyunan ko nang umuwi.

【MICHELLE】

Nakatitig lang ako sa kisame, nag-iisip.

Nangyayari na naman ang nangyari noon. I thought that everything will run smoothly but it's never easy.

Kung noon, gumawa ako ng effort na kahit sa maliit na bagay na gawin ko ay mabalik ang dating kami, ngayon, hindi na. Mahirap pero titiisin ko na lang.

Just when I realized my own feelings, things came down to this.

Oo na. Ganito ako kaapektado dahil mahal ko siya. PROBLEM?

Narinig ko amg ringtone ko kaya nang tingnan ko ay may tumatawag pala. Si Lawrence.

Agad ko namang sinagot. Mahirap na. Baka mabaliw ako dito dahil sa katahimikan.

"Mich, musta ka na?" tanong niya mula sa kabilang linya.

Pumeke ako ng tawa, "Heto stressed." sagot ko.

"Hahaha! Halata nga sa tawa mo eh. Oh, anong nangyari?" tanong niya at ayun kwinento ko na sa kanya. As in lahat-lahat.

"Alam mo Mich, sa tingin ko, dapat mo na lang respetuhin ang desisyon niya. Gusto kasing mag-move on ng tao eh. On the other hand, sabihin mo na sa kanya ang nararamdaman mo. It might be too late pero malay natin diba? At least nasabi mo ang nararamdaman mo. Tsaka si Alex 'yan! Di ka matitiis nun!" sabi niya.

"Hindi raw matitiis. Utot mo!" sabi ko at napatawa na rin.

"Pero siyempre, di tayo nakakasigurado. Ang punto ko, sabihin mo na. Yun lang." sabi niya.

Napangiti ako, "Maraming salamat talaga, Lawrence. Kinailangan ko talaga ng kausap. Buti tumawag ka." sabi ko.

"Okay lang! Basta next time, pag kailangan mo ng kausap, dito lang ako." sabi niya at ayun, nagpasalamat na naman ako at dun na rin natapos ang pag-uusap namin.

Ilang araw ang lumipas at ilang araw ko ring plinano ang mga sasabihin ko sa kanya ngayong araw na 'to. Natigil na ang mga ginagawa nila Rachel and friends niya sa akin at bumalik ang lahat sa normal. Kami lang ni Alex ang hindi.

"Michelle." tawag sa akin at dahil dun, nagulantang ako.

"Mitch? Bakit?" sabi na eh, wala na akong nararamdaman sa kanya.

"Lilipat na nga pala ako ng university bukas. Ito oh." sabi niya at nagbigay ng pulseras na handmade lang.

"Wow! Salamat! Uy, wala akong nabigay sayo! Dapat sinabihan mo ako nang mas maaga!" sabi ko.

Napatawa siya, "Hindi na. Nasa sa 'kin pa yung binigay mo noon. Yung yellow?" sabi niya sabay ngiti.

Nanlaki ang mga mata ko, "Ha?! Teka, saang university? Bakit biglaan naman?" tanong ko.

"Basta malayo dito. Mga magulang ko kasi eh." sabi niya't napakamot sa batok niya.

Natawa na lang ako at doon nagsimula ang casual na usapan namin ni Mitch. Maya-maya, nakita ko sa peripheral vision ko si Alex.

"Uy, sige, una na ako ah. Ba-bye! Next time ulit!" sabi ko't hinabol si Alex.

Teka, lumabas na ba siya ng gate?

Tumakbo ako palabas pero napatigil ako bigla, "ALEX!!!!" sigaw ko pero di siya natingin.

Dire-diretso lang siya sa paglakad.

"HOY! ALEX DELA TORRE!!!" wala pa rin. Hala, tatawid na siya! Mawawala ang chance ko!

No choice, "ALEX DELA TORRE! MAHAL KITA!!!!" sigaw ko.

Sa mga sandaling 'yon, nakarinig ako ng tunog at para akong pinagbagsakan ng langit at lupa.

Lumingon siya. Ngingiti na sana siya. Lalapitan niya na sana ako pero biglang umepal yung sasakyan eh.

Nagsimula nang bumigat ang nararamdaman ko. Maraming tao ang lumapit sa kanya at maya-maya lang ay may ambulansya nang sumugod sa kanya sa ospital. Narinig ko ang tawag at iyak ni Rachel sa akin pero di ko magawang gumalaw.

Parang tangang nakatayo lang ako doon. Nakatitig sa kung saan nakatayo pa si Alex na humihinga, kung saan siya nasagasaan at kung saan tumuyo ang dugo niya.

Bakit di ako umiiyak? Bakit walang luhang lumalabas?

"Michelle!! Michelle!" tawag niya sa akin.

Wala sa sarili ko siyang tiningnan sabay sabi ng, "M-mitch. Ngi-- ngingiti na sana siya... Lalapitan niya na sana ako at sasabihan ng "Ang panget mo." Tatawanan niya na sana ako. Magkakabati pa sana kami. Binalewala ko na nga yung fact na ako na lang ang gagawa ng paraan para mawala na ang nararamdaman niya sa 'kin. Mitch, M-may pag-asa pa sana... May pag-asa pq sana kami."

Niyakap niya ako, "Mich. Wag kang ganyan." sabi niya na para bang natatakot.

"Babatukan pa sana niya ako at magtatanong kung bakit ngayon ko lang sinabi." doon na ako nagkaroon ng urge na umiyak. Iniyak ko ang lahat ng sakit.

"You may not be by our side but your memory will remain forever." medyo naluluha na siya. "We love you, son. We're sorry for not being there for you always." tuloy niya.

Hinaplos-haplos ng asawa niya ang likod niya. Parehas silang umiiyak.

Nang umalis sila, tinitigan ko ang natutulog na si Alex sa kanyang kabao.

"Alex? Ang tagal mo namang magising. Ano yung sagot mo? Sinabi kong mahal kita diba? Anong nangyari? Bakit ayaw mong gumising? Ano ka ba! May mga lugar pa tayong lilibutin. May mga bagay pa akong gusto kong sabihin. Gumising ka na kasi..." bulong ko.

"Michelle, tama na." sabi ng isang boses.

Tiningnan ko siya, "Ah, nandito ka pala Mitch." sabi ko at binalikan ng tingin si Alex, "Tingnan mo oh, si Mitch nasa tabi ko. Buti pa siya gising. Ilang araw ka bang di natulog at ayaw mong gumising???" tanong ko.

"M-mich, tara na." sabi ni Mitch at ayun, wala na akong nagawa kundi ang sumunod na lang.

Nasaksihan kong ilibing si Alex. Wala na. Wala na talagang pag-asa. Alam ko na naman na hindi na siya magigising eh. Alam ko namang patay na siya eh. Ayoko lang tanggapin.

Iniisip ko, sana panaginip ko na lang ito. Sana magising na ako. Hindi ko na kaya.

"Anak? Hindi ka na naman ba kumain?" tanong niya. Hindi ko namalayang nandito na pala sila.

Hindi ako sumagot. Nakatitig lang ako sa labas ng bintana ko. Ayokong pumasok, ayokong lumabas. Bawat lugar kasi, naaalala ko siya.

"May bisita ka." sabi niya pa.

"You b**ch!" sabi niya at sinampal ako pero tumingin lang ako sa kanya.

"Oh Rachel, ikaw pala. Kamusta na?" tanong ko sa iisang tono sabay tingin ulit sa bintana.

Hinarap niya ako sa kanya gamit ang paghabloy sa baba ko, "Hoy babae! Gaano katagal mo bang gustong saktan si Alex?!" tanong niya.

"Hm?" tanong ko sabay tawa, "Wala naman akong ginagawa ah? Siya nga 'tong nang-iwan."

"Sa tingin mo, hindi nahihirapan si Alex sa pinanggagagawa mong pagmumukmok diyan?! Sa tingin mo, masaya siya dahil naghihirap ka?!!" at tinanggal niya ang kamay niya sa baba ko.

Umiwas ako ng tingin, "Madaya siya. Ni hindi niya man lang hinayaang marinig ko ang sagot niya." nagsimula na akong lumuha.

"Ang sakit. Para na rin akong pinatay. Sana ako na lang ang nawala. Sana ako na lang ang nabangga. Sana---" di ko na natuloy dahil...

"Sa tingin mo ginusto niyang mamatay?!" napatingin na ako sa kanya at nakita kong maluha-luha na siya, "I bet gusto pa nga niyang yakapin ka at ipagsigawan sa mundo na sayo lang siya eh. I bet gusto niyang sabihin sayo na ikaw lang ang mahal na mahal niya." sabi niya. "I bet magiging kayo. I bet magiging masaya kayo!" tuloy niya na ikinagulat ko.

Di na lang ako umimik at doon na kami nag-iyakan at di nagtagal, umalis na siya.

FOUR YEARS LATER...

"Mahal kita. Gusto kong maging tayo. Ayokong may kasama kang ibang lalaki. Naiinis ako, nagseselos ako." naalala ko na naman yung mga sinabi niya years ago.

"Anak, tara na." tawag ni mama.

"Opo ma! Teka lang." sabi ko at hinanap yung litratong yun.

"Ayun!" sabi ko nang makita ang litrato namin ni Alex na tinago ko dati.

Saka ako sumunod sa mga magulang ko. Ngayon, sasabay na ako sa Saudi kasama nila. Naka-graduate na ako.

Pag naaalala ko siya, masakit pa rin pero hindi na kasintindi noon. Unti-unti nang nahihilom ang sugat.

Si Mitch, ayun, business man na. Si Rachelle, fashion designer na't may boyfriend na rin. Sila Marg at Lawrence? Ayun, going strong pa rin. Ako? Heto, may business na itatag yung papa ko sa Saudi.

Kahit kailan, hindi mawawala ang mga alaala niya at ang pag-ibig ko para sa kanya.

Kapag muli kaming magkita, I swear, hindi ko na hahayaang maulit ang lahat. I will make things right habang maaga pa lang. Hindi na ako magsasayang ng oras.

Kaya Alex, hanggang sa muli!

Continue Reading

You'll Also Like

413K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...