Kissed by the King (Published...

By imsinaaa

367K 14.9K 3.4K

He didn't want to play the game, but he ended up kissing the King. (Published Under Psicom) Date started: 11... More

Kissed By The King
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Wakas
Soon to be publish under PSICOM
Kissed by the King
Special Chapter 1
ANNOUNCEMENT

Kabanata XII

15.6K 747 119
By imsinaaa

Etros Laviano

"You really do like him, huh?" Kyle said. Nanatili ang tingin niya kay Etros na nagaabang ulit sa labas ng library ni Alexis.

Napakatigas ng ulo. Siya na ang naaawa sa kaibigan. Ngayon niya lang nakita si Etros na nagkaganito; na nasasaktan. Etros explained everything, why Alexis kept on pushing him away. Naiinis din siya kay Alexis, parang ito na kasi ang nagiging hadlang sa sarili nilang pag-iibigan. Imbes na ipaglaban ang nararamdaman kay Etros ay mas pinili na lang nito na talikuran at saktan ang kaibigan niya. Hindi naman niya masisisi ang lalaki. Laviano's are scary and some of them said that they are cruel; but despite of their cruelty, there's a kindness hidden in their hearts. Hindi iyon alam ng ibang tao. He's Etros' bestfriend and both of their family knew each other kaya alam niya ang totoong ugali ng mga Laviano.

Tinapik ng kaibigang si Kyle ang balikat niya nang makita ang paglabas ni Alexis sa library kasama ang dalawang kaibigan nito. Alexis eyes grew wider when he saw him. Akmang tatalikod sana ito ng pigilan ng mga kaibigan.

"Here's your king." Trina gave him a 'you can do it' look before smiling at him.

"Mauna na kami, Alexis." Paalam ni Paulo at Trina kay Alexis. Umalma ito na huwag siyang iwan pero hindi siya pinansin ng dalawa.

He mouthed thank you and they both nodded their head. Tinapik ulit ni Kyle ang balikat niya. Kyle's cheering him up.

"Gotta go. Have a nice day lovey doveys." Kyle said before leaving. Sumunod ito sa dalawang kaibigan ni Alexis.

Ngayon ay silang dalawa na lang ang naiwan. Nakatingin siya kay Alexis at ganon din ito.

"How's your day?"

Lumapit siya rito.

"None of your business, Etros."

"You're my business, Alexis."

Sinamaan siya nito ng tingin which he find cute. Hindi na siya nakapagtimpi at kaagad na idinampi ang labi sa malambot nitong pisngi. Alexis face blushed.

"Etros?!"

"Yes, my love?" He said with a smile.

Mas lalong namula ang pisngi ni Alexis sa sinabi niya. Etros called him my loves. Sinong hindi kikiligin? Kitang-kita ng mga mata niya kung paano pinakalma ni Alexis ang sarili. Nagpanggap pa ito na naiinis kahit na alam niya naman na kinilig ito sa sinabi niya.

"You're blushing."

"Hindi ako namumula dahil sa kilig! Namumula ako dahil sa galit!" Sigaw nito.

Napangiwi siya nang lagpasan siya Alexis. He won't let him walk away kaya hinawakan niya ito sa braso. Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan ng pagkaseryoso.

"Ayusin na natin 'to, Alexis. I can't bear losing you. Hindi ko na kayang palagpasin ang araw na ito na hindi natin naaayos ang problema." He pleaded.

Hinatak ni Etros ang katawan nito palapit sa kanya. He trapped him in his arms. Mariin niyang ipinikit ang mata. He missed Alexis so damn much. Maayos naman sila noon una, pero bakit naging ganito? Akala niya magiging madali lang ang lahat, lalo na't alam niyang mahal siya ni Alexis pero akala niya lang pala 'yon.

Yes, Alexis loves him but he can't fight for their love.

"I love you." He whispered.

Napasinghap si Alexis sa narinig na siyang naging dahilan para mamula ulit ang pisngi niya. Nararamdaman ngayon ni Etros ang mabilis na pagtibok ni Alexis. He'll win his heart no mAtter what. Kahit masaktan siya. Aalisin niya ang takot sa puso nito.

Nang marealize ni Alexis ang nangyari ay kaagad siyang nagpumilit na kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya. Buong lakas siyang itinulak ni Alexis, nagtagumpay naman ito.

"Pwede ba? Stop saying those three words, Etros." namumula ang mukha nito. His lips are trembling.

"I won't stop. Palagi kong ipapaalala sa 'yo na mahal kita hanggang sa tuluyan mo ng aminin sa sarili mo na mahal mo rin ako."

Alexis wants to say that he really loves Etros, hindi lang niya ito kayang ipaglaban. But he chose to shut his mouth.

"You're only hurting yourself, Etros."

Ngumiti siya ng mapait. Nasasaktan naman talaga siya.

"Yeah, you're right. I'm only hurting myself at ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ako. But I'll still love you and i'll win your heart no matter what, even though i'm hurting. Dahil alam kong mapapalitan din naman ng saya ang sakit na nararamdaman ko sa oras na maging akin ka."

Naiiling siyang tinalikuran ni Alexis. Palagi na lang siyang tinatalikuran. Laviano's wont let someone turn their backs on them— but he let Alexius turn away and watch him slowly walking away, away from him.

Kasalukuyan siyang nakatayo sa labas ng bahay nila Alexius. Ilang araw na niya itong ginagawa. Sinusundan niya ito sa pag-uwi. Kapag lalabas ito o sisilip sa bintana ay kaagad siyang magtatago; katulad na lang ngayon. Nagtago siya sa likod ng van nang lumabas si Alexis.

"Nay." Tawag ni Alexis sa ina na kakababa lang ng tricycle. Nagmano ay humalik siya sa pisngi nito bago tulungan sa pagbubuhat ng mga pinamili.

Nakamasid lamang siya sa mag-ina. He can't help but to smile. Alexis is a good son. Mahal na mahal nito ang ina. Dali-dali siyang umalis sa pagkakakadungaw nang mapatingin sa kanya pinagtataguan niya ang ina ni Alexis.

Did she saw him?

"Sige anak, pasok na." Rinig niyang sabi nito.

Naghintay siya ng ilang minuto hanggang sa marinig niya na ang pagsarado ng gate. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga bago umalis sa pagkakatago ngunit laking gulat niya nang makita ang ina ni Alexis na nakatayo sa hindi kalayuan. May hawak itong payong.

"Ilang araw at gabi na kitang napapansin na naka abang sa labas ng bahay namin. Inaabangan mo ba ang anak ko? Bubugbugin mo?" Akmang hahampasin sana siya nito nang magsalita siya.

"No! Hindi ko po gagawin 'yon sa anak niyo." He said.

Ibinaba nito ang kamay. "Bakit ba kasi nakaabang ka rito sa labas ng bahay namin? Umaga, hapon at hanggang gabi ay nakikita kitang naka abang. Kaklase ka ba ng anak ko? May kailangan ka ba sa kanya na hindi mo masabi?"

Gusto niyang sabihin dito na siya ang taong mahal na mahal ang anak niya pero natatakot siya sa magiging reaksyon ng nito. Now he understand Alexis.

"O nobyo ka niya?"

He froze. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang ginang. Seryoso ang mukha nito. Bigla niyang naramdaman ang panunuyo ng lalamunan kaya't lumunok siya.

"Base sa reaksyon mo, nobyo ka nga ng anak ko."

"I'm n-not, n-not yet. But I love him."

Nagpakawala ng malalim ng buntong hininga ang ina ni Alexis.

"Ikaw ba ang dahilan kung bakit umiiyak siya gabi-gabi?"

Umiiyak si Alexis?

"I always heard my son, crying inside his room. Wala naman akong ibang magawa kundi ang tumayo sa labas ng silid niya. Kahit na ilang beses ko siyang tanungin kung ayos lang ba siya o may problema siya ay hindi naman siya nagsasalita."

"He was eaten by fear."

naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. Nabasag lang iyon nang magsalita siya. Lalakasan na niya ang loob. He loves Alexis, handa siyang tanggapin ano man ang sabihin ng ginang sa kanya pero ano man ang pasya nito ay hindi niya lalayuan si Alexis.

"I know we're both man, but I love him so much. Handa akong harapin ang mga sasabihin ng ibang tao sa amin. Ipaglalaban ko siya sa lahat at kahit na sa pamilya ko kung tututol sila. Alam ko pong hindi tama sa paningin ng ibang tao ang nararamdaman namin para sa isa't-isa, but I don't care. Ipaglalaban ko siya— kami kahit na hindi niya ako kayang ipaglaban, because I love him. Kung paglalayun mo po kami o tututol, I'm sorry, but I can't do that. I can't bear losing him.  Kung kinakailangan ko kayong kalabanin, gagawin ko." Mahaba at seryoso niyang turan.

Nakatingin lamang sa kanya ang ginang. He can't see anger in her eyes but she's serious face remained. Hindi ito umimik, seryoso lang itong nakatingin sa kanya.

He felt his heart jump when she smiled. Ginulo pa nito ang buhok niya.

"Hindi naman ako masamang ina. Mahal mo siya at alam kong mahal ka ng anak ko, hindi ka naman iiyakan ng binata ko kung hindi ka niya mahal."

Mas lalo siyang nagulat nang yakapin siya nito.

"Bilib ako sa 'yo. Napakatapang mong bata. Kahit na alam mong magiging sentro kayo ng mga mapanghusgang tao ay handa ka pa rin na ipaglaban siya." Humiwalay ito sa kanya.

"Tanggap ko kayo.  Susuportahan ko kayong dalawa. Tandaan niyo. Lahat ng tao ay may katapatang magmahal, wala ng kinalaman ang kasarian diyan. Walang masama na magmahal ng kapwa lalaki o babae. Kung tutuusin nga sila pa 'yong talagang nagpapakita ng totoong kahulugan ng true love." dagdag nito.

Hindi maiwasang hindi mapangiti ni Etros sa sinabi ng ina ni Alexis.

"Thank you very much. Thank you for accepting us."

Nakangiti siya nitong tinanguan.

"Hayaan mo, kakausapin ko ang anak ko. I wan't you to stay strong. My son's heart was eaten by fear kaya niya nagawa iyon."

Akala ni Etros ay magiging mas mahirap ang lahat sa oras na malaman ng ina ni Alexis ang nararamdaman nila para sa isa't-isa. Akala niya'y tututol ito ngunit hindi pala. Lahat ng akala niya'y hindi totoo. He didn't let fear eat his whole being, sa halip ay hinarap niya ng buong tapang ang ina nito.

The following days. He tried to reach him several times. He tried to stop him but Alexis didn't listen to his pleas. Alexis was eaten by fear and doubts. Mas pinairal nito ang isip kaysa sa isinisigaw ng puso. Ito ang unang beses na nagmahal siya; kay Alexis niya lang naramdaman 'yon. He thought everything's gonna be alright once Alexis tell the truth, pero hindi pala.

Tatlong araw na niya itong sinusuyo. Nangako siya na aalisin niya sa puso at isip ni Alexis ang takot at pangamba. Mahal niya ito, he can't let him go. He needs him. Alexis is his life now. Ipaglalaban niya ito sa harap ng mga tao, maski sa pamilya niya.

Umalis siya sa pagkakasandal nang lumabas si Alexis sa silid aralan. Mugto ang mata nito at nananamlay. He knows that Alexis cried at dahil iyon sa kanya.

"Umalis ka na, Etros." Aniya nang akmang lalapitan niya ito.

Nasaktan siya sa sinabi nito. Hindi pa nga siya tuluyang nakakalapit pero itinutulak na kaagad siya palayo.

"I love you." He said.

Naiiling siyang nilagpasan ni Alexis. Sinundan niya ito. Hindi niya titigilan si Alexis.

"I love you, Alexis." Paulit-ulit niyang sabi.

Napapatingin na sa kanila ang mga estudyante. Ang iba ay nakangiti. May mga tao na hindi sila tanggap pero may mga tao rin na tanggap ang pagmamahalan nila; ng mga taong nagmamahalan kahit na magkaparehas ang kanilang kasarian.

Patuloy lang si Alexis sa paglalakad at patuloy pa rin siya sa pagsunod dito.

"Alexis, let's eat outsi—"

Hindi niya na natuloy ang sinasabi nang harapin siya ni Alexis. Nakatingin ito sa kanya ng matalim.

"Etros, tumigil ka na. Tapos na ang laro hindi ba? kaya tumigil ka na."

kahit na nasasaktan siya ay pinilit pa rin niyang ngumiti.

"I told you, i'm not doing this because of that game. I'm doing this because I love you."

Umiling ulit si Alexis. "Hindi na ako natutuwa sa ginagawa mo. Tantanan mo na ako!"

Parang sinaksak ng isang daang punyal ang puso niya. Why does he kept on pushing him away? Handa siyang ipaglaban si Alexis kahit na hindi siya nito kayang ipaglaban.

Nabahiran ng sakit at lungkot ang mga mata niya. Alam niyang nakikita ni Alexis na nasasaktan siya; na sinaktan siya nito. But even though he hurt him, he still loves Alexis.

"Hindi na rin ako natutuwa sa ginagawa mo, Alexis. Nasasaktan ako." Itinuro niya ang dibdib. "Everytime you pushed me away, my heart shattered into pieces. You're slowly killing me, Alexis."

Nagsimulang manginig ang labi ni Alexis. Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Akmang tatalikuran sana siya ni Alexis nang hawakan niya ang braso nito. He can't bear losing him. Ilang beses na siya nitong tinalikuran at sa tuwing pinagmamasdan niya ang papalayong bulto nito ay tila ba unti-unti na siyang namamatay.

"Why do kept on pushing me away? Hindi ba pwedeng ipaglaban nating dalawa ang isa't-isa? Alexis, some of them might hate us knor judge us. Pero kaya kong harapan lahat ng iyon basta't kasama ka."

Hindi na napigilan ni Alexis na tuluyang lumuha. Nasasaktan siya sa tuwing itinutulak siya nito palayo pero wala ng mas sasakit pa na makita ang taong mahal mo na umiiyak. Hindi na siya nag aksaya ng oras. Ikinulong niya sa kanyang bisig si Alexis at paulit-ulit itong hinalikan sa ulo.

"I can't, Etros. And it hurts so damn much."

Both of their hearts shattered into pieces when Alexis push him away— again. He can't fight for their love.

Wala siyang ibang nagawa nang tuluyan na siya nitong talikuran. Nakatulala lamang siya hanggang sa mapabalik siya sa sarili. Tumakbo siya at hinabol ito. Gusto man niyang lapitan si Alexis ngunit mas pinili na lang niya na sundan ito ng tahimik. He'll follow him— again.

Mas lalong nawawasak ang puso niya sa tuwing naririnig ang pag-iyak nito.

"Mahal kita Etros pero hindi ko ata kayang gawin ang sinabi mo. Hindi ako kasing tapang mo."

This time, si Etros naman ang napaluha nang marinig ang sinabi ni Alexis. That's the cue. He won't let him go, lalo na't lumabas na mismo sa bibig nito na mahal siya ni Alexis.

"Alexis!" Tawag niya rito nang bigla itong tumakbo.

He kept on running away! Bakit hindi nito harapin ang takot? Napamura siya nang mas lalong lumaki ang agwat ng distansya nilang dalawa. Patuloy lang siya sa pagtakbo, pakikipag gitgitan sa mga estudyanteng nasa hallway at kung minsan pa'y may nabubunggo siya. Hindi siya nag abala na tumigil sa pagtakbo at humingi ng tawad sa mga nabubunggo niya dahil baka tuluyan na niyang hindi maabutan si Alexis.

"ALEXIS!" Tawag niya ulit rito.

Umigting ang panga niya nang makitang sumakay ito sa tricycle at kaagad na pinaharurot ang sinasakyan. Mas binilisan niya ang takbo pero napatigil siya nang may biglang humarang sa dinaraanan niya. A group of a men in black. Etros knew who they are— tauhan ito ng kanyang ama at ina. Lalagpasan niya sana ito para ipagpatuloy ang paghahabol kay Alexis nang bigla siya nitong higitin sa magkabilang braso.

"The heck?! Let me go!" Nagpumitlag siya.

Anong ginagawa ng mga ito sa Pilipinas? Anong kailangan nila— no, scratch that, anong kailangan ng mga magulang niya sa kanya?

"Your mother wants to talk to you, young master."

Mas lalo siyang nagpumitlag. "I'm not going back to Europe!"

Hindi niya inaasahan ang sumunod na sinabi ng isa sa mga tauhan ng mga magulang niya. Bigla siyang kinabahan.

"They're here, young master. Your father knows everything. About you and that guy."

He froze. Nalaman na ng mga magulang niya. Wala siyang ibang nagawa kundi ang sumama sa mga ito. He heave a sigh. Katulad ng ipinangako niya kay Alexis, ipaglalaban niya ito sa mga tao at sa mga magulang niya. Kung kinakailangan ay kakalimutan na niyang parte siya ng mga Laviano sa oras na tumutol ang mga ito o may gawing masama kay Alexis.

He needs to be strong for the both of them.

Continue Reading

You'll Also Like

871K 32.8K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
499K 18.9K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
4.8M 135K 75
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
370M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...