"Bestfriend"

By vabletartlady

1.4K 50 10

Naranasan mo na bang mainlove? Naranasan mo na bang magkagusto? At take note! Sa BESTFRIEND mo??? Ang hira... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11.1
Chapter 11.2
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17

Chapter 15

37 1 0
By vabletartlady

"What I mean is. . .,

bitin niya sa sinabi tapos tumingin kay Carl na nasa tabi niya at inabot ang kamay nito at pinag intertwined yung mga daliri nila tas ibinalik yung tingin sa akin at. .

si Carl nga pala boyfriend ko na." nahihiya niyang sabi habang namumula ang mukha.

Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa sa narinig ko kahit na may idea na ako na sa ganito din naman sila pupunta.

Pero, WOW lang!

WOW LANG TALAGA!!!

Ang sakit!

Sobrang sakit tagos hanggang buto.

Parang gusto kong manuntok!

Gusto kong magwala.

Gusto ko na lang mawala sa kinatatayuan ko ngayon, kainin ng lupa, itapon sa dagat, kainin ng pating o kahit ano basta mawala lang itong sakit na nararamdaman ko.

Pero hindi pwede.

Hindi ko pwedeng ipakita sa kanyang nasasaktan ako ng sobra.

"W-Wow! Congrats bhes.I-I'm happy for you." sabi ko ng nakangiti. Sana lang di niya ko nahalata. Best actor na yata ako nito sa galing kong umarte. Hahaha. . .

Inayos ko muna ang sarili ko.

Tapos si Carl naman ang hinarap ko.

"Oy Carl ingatan mo tong bestfriend ko ha?! Hwag na hwag mong paiiyakin 'to, malalagot ka sa ken." banta ko sa kanya. Totoo yung sinabi ko. Lagot talaga siya sa aken!

"Oo naman tol! Hinding hindi ko siya papaiyakin. Mahal na mahal ko tong Bestfriend mo!" sagot niya sabay akbay kay Alliyah napaiwas tuloy ako ng tingin. Ang sakit kase sa mata.

"Oh by the way, who is she?" tanong ni Alliyah ng nakaturo kay Nerissa.

Kaya't napabaling ulit ang tingin ko sa kanila at tiningnan kung sino yung tinuturo niya.

Hala! Nakalimutan ko! Kasama ko nga pala itong babaeng to.

Oh great!

Pero bago pa ko makasagot siya na nagpakilala sa sarili niya.

"Oh, hi! I'm Nerissa." nakangiting pakilala niya sa sarili niya sabay abot ng kamay niya dito.

Pero hindi naman kinuha ni Alliyah yung kamay niya sa halip bineso beso niya ito.

Mga girls talaga. . . napapailing na lang ako.

"Hi I'm Alliyah. Ken's bestfriend and this is Carl, my boyfriend. Nice to meet you." mahabang pakilala niya.

Lagi talagang nakadikit sa name ko ang word na BESTFRIEND!

"Nice to meet you too din. Sa wakas nagkakilala din tayo." sagot naman ni Nerissa. Nice nagkwentuhan na sila. Sige lang parang wala silang kasama.

"Bakit naman? Haha." tanong ni Alliyah habang si Carl naman eh pumunta na sa counter para bumili ng pagkain nila. Dito na din syempre sila pumwesto sa table namin. Pang apatan kase itong inuokopa namin ni Nerissa.

"Ah, palage ka kaseng kinukwento sa kin nitong BESTFRIEND mo." tss. daldal talaga. Pinagdiinan pa talaga yung word na Bestfriend. Ayst.

"Talaga? Tungkol saan naman yung kinukwento niya? Siguro pinapapanget niya image ko sa yo noh?!" sabi niya ng nakasimangot at tiningnan pa ko ng masama.

"Hahaha. . Hindi naman. Mejo lang. Hahaha. . . " sagot naman ni Nerissa. Kaya't lalong sumimangot si Alliyah sa kin at pinaghahampas ako sa braso kaya naman panay ilag ko sa kanya.

Ang sakit kaya mamalo nito. Ang bigat ng kamay. Try niyo minsan.

"Oy Ken ang sama sama mo talagang bestfriend." aray ko naman. Bestfriend na naman.

Pang ilang beses niya na ba yan sinabi?

Apat? Lima? Ay ewan!

"A-aray naman bhes! Tama na! Ang bigat talaga ng kamay mo. Para kang lalake e. Sakit mo mamalo!" sabi ko na hawak hawak ko na yung kamay niya.

"Ang sama mo kase e. Buti nga sayo." sagot niya sabay labas ng dila.

"Haha. . Ang cute niyong dalawa. Hahaha. . ." tatawa tawang sabi ni Nerissa.

"Eherm. . . " nakabalik na pala si Carl kaya't binitawan ko na yung kamay ni Alliyah.

"Oh babe! Halika. Dito ka umupo." sabi ni Alliyah at tinuro yung upuan sa tabi niya.

Tumayo na din ako para umalis na tutal tapos naman na akong kumain. At saka alangan namang panoorin ko pa silang maglambingan. tss

Ayokong torturin ang sarili ko. Hindi ako sadista.

"O brad, nandito ka na rin naman mauna na ko sa inyo. Kukunin ko pa kase yung ibang gamit ko sa locker may pasok pa kase ako." paalam ko sa kanila.

"Ano ba yan bhes?! Ngayon pa nga lang tayo nagkita aalis ka na agad. Ang sama mo talaga." maktol ni Alliyah. Ang cute niya talaga magtampo.

"Hayaan mo na siya babe. Di mo ba narinig sinabi niya? At saka nandito naman ako e." pacute na sabi ni Carl. Psh.

"Sige na nga. If I know babae na naman yang pupuntahan mo e. Ansama mo!" sabi ni Alliyah.

"Gwapo naman. Hahaha . " sabi ko ng nakatawa kahit wala namang connect. hahaha

"San banda, bhes? Hahaha. . " tatawa tawang asar ni Alliyah.

"Sige na, una na ko sa inyo. Ingat ka bhes mamaya sa pag uwi. Bye!" paalam ko sa kanya at akmang tatalikod na ko ng bigla na naman siyang nagsalita.

"Ah ganon bhes!? Ganon aalis ka na lang bigla?" tawag niya sa kin ng nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay.

Tiningnan ko siya ganun din si Carlo at Nerissa na nagtataka.

Pero sa totoo lang alam ko naman na talaga yung dahilan kung bakit siya nagsalita ng ganon pero kunwari na lang hindi ko alam, nakakailang kase.

"Ano na naman ba?" tanong ko.

"Asan kiss ko?" sabay turo niya sa pisngi niya.

dug dug dug dug . . .

Bigla tuloy bumilis yung tibok ng puso ko pagkarinig ko sa expected ko ng sasabihin niya.

Ayst! Ito talagang babaeng to!

Napatingin tuloy ako kay Carlo na nagbusy busyhan sa pagkain. Si Nerissa nakatingin lang sa akin ng nakasmirk. Psh. Aasarin na naman ako nito mamaya.

Bumalik yung tingin ko kay Alliyah na naghihintay ng gagawin ko.

"Hahah. Ano ka ba bhes?! Iba na yung sitwasyon ngayon. May boyfriend ka na o. Saka baka magalit sa kin si Carlo nyan. Sige na ingat mamaya ha." yon na lang ang sinabi ko sabay pisil sa ilong niya. Ang tangos kase. Hindi ko na hinintay na mag react pa siya dahil panigurado kong hahaba na naman ang usapan at baka hindi ko na siya matanggihan pag nangulit pa siya kaya't umalis na ako.

Hindi ko na tiningnan si Carlo, nakakailang kase.

"Sabay na din ako sa kanya ha. Nice meeting you again Alliyah and Carl. Congrats nga pala sa inyong dalawa." narinig kong paalam din ni Nerissa at humabol na sa aking maglakad palabas ng canteen.

"Best Actor!" sabi ni Nerissa ng nakangiti habang naglalakad kami palabas ng canteen.

"H-ha?" anong sinasabi nito? Psh.

"Galing mo umarte. Bilib na talaga ako sa'yo! Hahah. Dapat siguro bilhan na kita ng trophy for Best Actor e. Hahah" natatawang sabi niya.

"Tss. Ewan ko sa'yo!" umiiling kong sagot sa kanya.

Di naman na siya ulit nangulit sa akin.

Salamat naman.

"O sige na, eto na pala ang room ko. Babush na BESTFRIEND ni Alliyah!" pang aasar niya sa akin.

Baliw talaga!

Tinanguan ko na lang siya tapos tumuloy na ko sa paglalakad.

Maya maya tumunog phone ko.

May nagtext kaya kinuha ko ito sa bulsa ng pantalon ko at tiningnan kung kanino galing.

Psh. Si Nerissa lang pala. Kakahiwalay pa lang namin namiss kaagad ako. Hahaha. . Kung wala lang yung boyfriend iisipin ko talagang may gusto sa kin yon e.

Hoooh. . . gwapo ko talaga!

Binasa ko yung message niya.

Hoy Unggoy, kung kelangan mo ng kausap nandito lang ako. U can call me anytime. Best Actor!

Tss. Unggoy talaga! Itong gwapo kong to tinawag niyang unggoy?!

Baliw na talaga siya!

Ay hindi! Hindi lang siya baliw malabo pa ang mata.

A/N:

Carl and Alliyah at the side. <3

Continue Reading

You'll Also Like

2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
343K 23.4K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
16.6M 720K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.