My Knight in Shining Fangs [F...

By Thyriza

3.7M 100K 5.8K

[Fangs Series #1] Intimidating. Menacing. Perilous. Three best words that describe her own versi... More

Copyright
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine
Chapter Forty
Chapter Forty-One
Chapter Forty-Two
Chapter Forty-Three
Chapter Forty-Four
Chapter Forty-Five
Chapter Forty-Six
Chapter Forty-Seven
Chapter Forty-Eight
Chapter Forty-Nine
Chapter Fifty
Epilogue
NOTE!!
SPECIAL CHAPTER (1)

Chapter Fourteen

79.4K 2K 124
By Thyriza

Chapter 14

        12 Midnight. At hindi pa din ako nakakatulog. Alas kwartro darating ‘yung sundo nila Haril at Mica kaya kailangan gising din ako sa oras na ‘yan para maihanda ko sila ng pag-kain. Pero pa’no ‘yon mangyayari kung heto ako at mulat na mulat pa ang mga mata.

        Hindi ko na kasi maintindihan ang mga kinikilos ni Sir eh. One second he’s cold, another second he’s confusing.

        Oo confusing. Ginugulo niya ang tahimik kong buhay. Kahit pagtulog ko apektado na! Kung bakit kasi pinagsiksiksikan niya na hindi niya ako type tapos siya tinatanong kung bakit hindi ko siya type. Ano’ng klaseng lalaki siya? Ang gulo niya promise!

        Tapos hinalikan niya pa ako. Gosh! Here we go again. Naalala ko nanaman. Why on earth he kissed me? What for? Hindi ko tuloy alam kung may mukha pa akong maihaharap sakanya bukas—or should I say mamaya kasi medaling araw na din naman.

        Sinubukan kong pumikit pero nakita ko bigla sarili k na kahalikan si Sir kaya agad din namang napamulat mata ko.

        Siya ang first kiss ko. Obvious ba?

        Bumangon ako at pumuntang salas. Binuhay ko ang TV para manuod at para pampaantok na din. Pero agad ko namang pinatay kasi walang magandang palabas. Kung pwede lang simigaw. Ni wala man lang akong mapagsabihan nitong iniisip ko. Kahit naman ako may kaibigan, hindi ko naman sakanila masabi ang tungkol dito dahil tutuksuhin lang nila ako.

Bumalik ako sa kama ko at nahiga. Nakatulala lang ako ceiling na animo’y may interesado akong makikita do’n.

Dumaan ang oras hanggang sa mag alas tres y media ng medaling araw. Bumangon ulit ako para magluto ng agahan sa dalawa. Pumasok ako sa kwarto nila at narinig kong tumutunog ang alarm ni Haril. Napangiti tuloy ako. May alarm-alarm pa siyang nalalaman eh hindi naman gumigising.

“Haril, gising na.” tapik ko sakanya. Gumalaw lang siya ng konti saka bumuka ang mata.

“Si Mica?” antok niya pang sabi.

“Tulog pa. Gisingin mo na din. Inom muna kayo ng mainit na gatas bago maligo saka kayo mag-agahan.” Sabi ko bago ako pumuntang kusina.

Mga quarter to 5 ata nang marinig ko ang busina ng kotse. Handan na naman sila Haril at Mica.

“Mag-iingat kayo do’n.” bilin ko bago ko sila hinalikan sa noo. Mabuti na lang at ok lang kay Mica na hindi ako sumama.

Pagkaalis nila, naligo na dina ko tapos kumain. Ok na gamit ko. Pero 7 AM pa naman daw kasi ang alis naming kaya hindi ako nagmadali.

Tuyo na man lamang ang aking buhok at hindi pa nagse-7. Nakaramdam na tuloy ako ng antok. 6:25 pa lang naman. Kahit 15 minutes lang na idlip ok na ako.

-=-

Nagising ako dahil sa malakas na ugong. Napakusot-kusot tuloy ako ng mata. Kaya laking gulat ko na lang na makitang nasa loob na ako ng eroplano.

“Ano’ng—“

“Good morning to you, too.” Sabi ni Sir. Hindi ko maintindihan kung bakit nasa private jet kami gayong bumili naman ako ng ticket.

“S-sir…” siya kaya nagbuhat sa akin papunta dito? Gustong gusto kong magtanong pero natatakot ako. O mas medaling sabihin na nahihiya.

Hindi nagtagal bumaba din ang eroplano. Hindi naman ako nahilo o ‘yung sinasabi nilang jetlag. Pero siguro dala ng kulang sa tulog kaya masakit ulo ko. Sumakay kami sa isang Van. Hindi ko alam na may men in black kaming kasama. Sabagay, isang VVIP ‘tong kasama ko.

I thought we were staying in a hotel or something. Pero sa isang mala mansion kami pumunta. Ang ganda niya. Parang bahay bakasyunan.

“This is our house when I was young. Dito ako lumaki.” Sabi ni Sir Kent nang makababa kaming sasakyan. Napatango lang ako sakanya. Wala ako sa mood magsalita eh. parang umiikot pa din paningin. Baka naman hindi lang talaga ako sanay sa biyahe.

“Let’s go inside.” Sabi ni Sir. Dala-dala ko ang isang travelling bag saka kami umakyat sa loob.

Hindi naman sumunod ang mga MIB ni sir kaya kami lang sa loob. The house is old. But there’s a touch of elegance at alam mong naalagaan siya. Nalaman ko din na kami lang dito kasi pinauwi si Sir ang care taker.

Sa isang guest room ako pinatuloy. Ok naman siya. Maganda at maayos. Binuksan ko ang bintana at tumambad sa akin ang tanawin sa labas. Malapit kami sa dagat. At tanaw ko din ang light house. Sana makapunta ako do’n kahit minsan.

Hihiga sana ako sa kama nang makarinig ako ng mahinang katok sa pinto. Pagbukas ko nito, tumambad sa akin si Sir na nakatayo sa may pintuan. Nagkatinginan kami and in just one swift, parang nahigop niya bigla ang kalas ko. Naramdaman ko nanaman ‘yung ilang sakanya.

“B-bakit po, S-sir?” hindi ako mapakali. Kung pwede ko nga lang pagsarahan ko siya ng pinto eh.

“I—i…” hinintay kong magsalita si Sir. This is the first time he stutter in front of me. “A-are you hungry? O gusto mo munang mamasyal. May oras pa naman.” Sabi niya pa. pero gusto ko sanang magpahinga eh. “Sasamahan kita sa pamamasyal.” Dagdag pa niya. Naku Theyn. Opportunity mo na ‘yan. Makakapaghintay naman ang pahinga diba?

“S-sige po, Sir. Gusto ko din naman pong libutin ang Villa niyo eh.” nakangiti kong sabi.

“A-alright. Nasa living room lang ako.” Sabi niya tapos umalis na. naguguluhan na sinara ko ang pintuan. Bakit gano’n si Sir?

Hinalukay ko ang bag ko at naghanap ng pampalit. Gusto ko sana ‘yung komportable. Kaya pinili ko ‘yung putting bestida ko. Tapos tinali ko din ang buhok ko kasi alam kong mahangin.

Humarap ako sa mirror saka napabuntong hininga. Kaya ‘yan Theyn Torres. Be confident.

Lumabas ako sa kwarto at pumuntang living room. Doon ko nakita si Sir Kent na pabalik-balik sa habang nakahawak sa baba niya. Parang hindi siya mapakali.

Tumikhim ako kaya napatingin siya sa akin. Para pa ngang gulat siya na makita ako eh.

“Let’s go.” Sabi niya tapos nauna ng lumabas. Sumunod naman ako.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nakasunod lang naman ako kay Sir eh.

“What do you think of this place?” he suddenly asked. Tumigil kami sa ilalim ng kahoy kaya nilibot ko rin paningin ko. Madaming matataas na puno. Tanaw ko pa naman ‘yung dagat. Parang paraiso dito.

“Paradise.” Nasambit ko na lang. kahit hindi ako tumingin kay Sir alam kong may ngiting sumilay sa labi niya.

“This is where I’ll settle down.” Nasabi niya dahilan para mapatingin ako sakanya.

“M-mag-aasawa na po kayo?” gulat kong tanong. Jeez! Ang swerte ng babae!

“Hindi pa. but… can you keep a secret?” tumango naman ako.

“Oo naman, Sir.”

“Wala na sa plano ko ang mag-asawa. Pero kailangan. Sabihin na natin na may isang Clan na kinabibilangan ko na sinabihan ako mag-asawa kung hindi…itatakwil nila ako.” Sabi niya na ikinagulat ko.

“Kulto po ba ‘yan? Bakit sila nakikialam sa personal na buhay?” narinig ko naman siyang tumawa ng mahina.

“They’re not cult. Concern lang ata sila kasi mag-isa ako sa buhay kaya tinatakot nila ako. Believe I am so fvcking against it.”

“So sino po ang babaeng papakasalan niyo? Si Ms. Aragon?”

“Hell no!” natawa naman ako kay Sir. Maganda naman si Ms. Aragon kahit nalalandian talaga ako sakanya.

“Eh sino po?”

“I’m on a process of winning her.” He said tapos tumingin sa akin. Hindi nanaman ako makaimik. Pati paglunok nahihirapan ako.

“Nahihirapan po ba kayong ligawan siya?” tanong ko.

“Hindi ko siya nililigawan. I… I don’t know how to court.” Nahihiyang pag-aamin niya.

“Ah. Eh pa’no ka niya magugustuhan kung hindi mo siya liligawan? Alam ba siya na may gusto ka sakanya?” tanong ko pa. torpedo pala ang boss ko eh. kawawa naman.

“I don’t have plans on telling her.”

“WHAT?!” malakas kong sabi. “Sorry Sir sa pag-sigaw ko. Pero… What? Bakit?”

“I…I just can’t. I can’t have her. Magiging magulo ang buhay niya.” Sabi ni Sir. Sabagay, kung si Sir naman talaga ang mapapangasawa mo ay gugulo talaga ang buhay mo. Kailangan din ata isang santa ang babaeng ‘yon. ‘Yung mahaba ang pasensya at kaya siyang intindin. Gaya mo? Tapos ‘yung nandyan lagi para sakanya. Kagaya mo nga. Tapos mamahalin siya ng totoo.

Pumunta kami sa may dagat. Sabi ni Sir stay put na lang siya sa buhangin kaya hinayaan niya akong magtampisaw sa tubig dagat.

Iniwan ko lang ‘yung slippers ko sa buhangin saka ako lumusong. Nakakatuwa kasi ang lakas ng current ng tubig. Sinasalubong ko nga ‘yung alon saka ako tumatalon. Kaya heto at basa na ang kalahati ng damit ko.

Pagtingin ko kay Sir nakita ko siyang nakatingin lang sa akin. Gusto ko sana siyang ayain pero iniwas niya tingin niya.

Naalala ko tuloy no’ng bata pa ako. Lagi ako no’n tumatakas kay Nanay makapunta lang sa dagat at namumulot kami ng shells. Kasama ko noon mga pinsan ko at imbes na alagaan ko si Haril kasi nagtitinda si Nanay sa palengke—ako naman naglalaro sa dagat.

Kaya nga ang itim-itim ko noon. Tapos brownish pa buhok ko kasi batang dagat ako. Nabago na lang ako no’ng nag high school ako kaya medyo bumalik naman kulay ko kahit papa’no.

“Tara na! I know you’re hungry!” sigaw ni Sir. Oo nga. Gutom na din ako. Late afternoon na din naman at breakfast lang ang nakain ko kanina.

Umawas ako sa tubig saka patakbong lumapit kay Sir.

“Basang-basa ka na. Pa’no tayo makakapunta sa bayan?” sabi niya. Natuwa naman akong malaman na sa bayan pala kami kakain.

“Magbibihis po ako. Madaling-madali lang.” sabi ko saka kumaripas na sa takbo.

Dahil na din sa lagkit ng tubig dagat kaya napagdesisyunan ko nang magshower. Sinuot ko lang ‘yung pedal jeans ko saka ‘yung free sized blouse na kulay cream. Nagsuklay ako saka ko sinuot ‘yung flip flops ko.

Paglabas ko ng bahay. Nakita ko si Sir na nakaupo sa isang big bike. ‘Yan ba ang sasakyan namin?

“Hop in.” he said. Ok. Magmomotor nga kami. At hindi pa ako nakasakay sa motor—ever!

Uupo lang sana ako patagilid pero nakita kong lumingon sa akin si Sir. “Kumabayo ka!” sabi niya tapos may inabot siyang helmet.

“Ready?”

“I think so?” pagkasabi ko noon ay bigla na lang umandar ang motor kaya napahawak ako ng mahigpit sa balakang ni Sir. Feeling ko maiiwan ako eh.

“Hold tight.” Sabi niya kaya halos mapayakap na ako sakanya. Homaygad! Ang abs ni Sir! Pakiramdan ko mangingisay na ako sa tuwa dito. Kaso syempre imagination ko lang ‘yon at baka mahulog pa ako sa motor.

Huminto kami sa isang food court. May iba’t-ibang stall doon at mga finger foods ang sine-serve. Pinauna akong bumaba ni Sir saka niya pin-park ang motor.

“Dito tayo.” Sabi ni Sir kaya sinunod ko siya.

Pumunta kami sa isang maliit na kainan. May mga iba’t-ibang pagkain do’n na especialty ata nila.

“Kent anak!” lumabas ang isang matandang babae. Basa ang kamay nito at ipinunas pa sa suot niyang apron. “Kailan ka pa dumating?” niyakap niya si Sir.

“Kanina lang po. I’ll be staying for 3 days.” Sabi niya.

“Ay mabuti naman. Gusto mo bang ipaghanda kita nang paborito mo?” masayang sabi nang matanda. Kailan kaya huling bumisita dito si Sir?

“Ay h’wag na po, Nay Gina. Sa kasama ko na lang po kasi hindi pa siya kumakain.” At do’n ako napansin ng matanda. Lumapit siya sa akin na ngingiti-ngiti.

“Siya na ba, Kent? Siya ba ang kasintahan mo?” sabi ng matanda dahilan para mapaubo ako. Mukha ba akong girlfriend ni Sir?

“Oh no, Nay. She’s my secretary. Isinama ko siya dito kasi may aasikasuhin ako.” Nakangiting sabi ni Sir.

“Kung gano’n ipapakain ko sakanya ang paborito mo.” Masayang sabi ng matanda saka bumalik sa loob. Lumapit namana ko kay Sir.

“Kailan po ang huling dalaw niyo dito sa Batanes?” tanong ko sakanya dahilan para tignan niya ako.

“I can’t remember. Pero alam kong matagal na akong hindi nakakabisita dito.” Sabi niya. Napatango lang ako.

Hindi nagtagal lumabas ulit ang matandang babae at may dalang tray. Inilapag niya ‘to sa mesa at doon ko nakita ang samo’t saring pagkain.

“Lumpiang dibang at sinigang na mayasang. ‘Yan ang paborito ni Kent. Kain nang madmai, hija.” Sabi ng matanda.

“Ang dami naman neto. Share tayo, Sir. Gusto mo?” sabi ko sakanya pero umiling lang siya.

“I can’t. I mean…busog pa kasi ako.” Sabi niya. Nagkibit na lang. Mabuti na lang at gutom ako kaya hindi ko siya pipilitin.

Halos maubos ko ang inihandang pagkain ni Nay Gina. Ang sarap kasi eh. iba talaga kapag lutong bahay at especialty na nila.

Nagpaalam lang kami saka ako dinala ni Sir sa isang burol. Buti na lang nakaya ng big bike ni Sir ang taas kasi hindi ko gugustuhin na umakyat sa burol na hindi nadadapa.

Namangha pa ako sa ganda ng lugar. Tanaw na tanaw ko ang light house. Nakakaakit tignan. Tapos ang gandang pakinggan ang tunog ng alon. Iba talaga kapag sa probinsya kumpara sa City.

Napatingin naman ako kay Sir na nakatanaw lang sa kalawakan. Ano kayang iniisip niya?

“Theyn.” Sambit niya sa pangalan ko. The way he say my name send shivers to my spine. Parang nakakaakit. Nag-angat ako ng tingin at tinignan ko si Sir.

“Bakit po?”

“What do you think of me?” nagulat ako sa tanong ni Sir. Bakit naman niya ‘yon tinatanong.

“Ano pong gusto niyong sagot ko? ‘Yung magugutuhan niyo o ‘yung pawing katotohanan lang?”

“Torres.” He reprimanded.

“Ok. So My opinion won’t affect my job?”

“Depends.” He shrug.

“I think you’re too damn sexy that the woman you should date is like a Victoria secret model.” Sabi ko.

“Is that a bad thing?” he said. Umiling naman ako. I think it’s a compliment.

“Masyado ka pong nakakatakot. Ilag sa’yo lahat pati ang mga stock holders. Si Sir Migo lang ata ang may lakas loob na kausapin ka eh.”

“That’s because Migo was my friend.”

“Was?” takang tanong ko.

“I don’t want to talk about it.” Sabi niya tapos tumalikod.

Ok.” sabi ko saka tumalikod din kay Sir. Bakit ba paiba-iba ang mood niya? Minsan ok. minsan hindi.

Pero may isang bagay akong gustong itanong kay Sir eh. at hindi ata ako matatahimik kapag hindi ko ‘to masabi.

“Eh Sir—“

“No questions, Torres.” Sabi niya. I grimaced. Pa’no niya nalaman na may itatanong ako?

“But—“

“I said—“

        “Why did you kiss me, Sir?” walang kagatol gatol na tanong ko.

---

AN: May typo error pala 'yung chapter 11 or 12. Hindi po 'yon Bataan. It's supposed to be Batanes kaso namali ako. hahaha So 'yung Batanes ay 'yung probinsya ni Kent. Kung naalala niyo sa book 2, nando'n din 'yon.

        May nagreklamo pala sa akin. Bakit daw hindi ako nagdededicate dito sa #MKiSF. Hindi ko din alam eh. Tinatamad ako. hahaha

-AteThy

Continue Reading

You'll Also Like

3K 111 25
Jazz was being kidnapped by New People's Army 5years ago. She was mistakenly thought that she was the daughter of Col. Lopez. Through her staying in...
801K 32.6K 39
When your nightmare turns out as your reality is the most terrifying event that you will imagine in your whole life. Can you survive when you know t...
318K 10.4K 33
Mafia Heirs Series Book 1 Gretel Drinx McNeil.
14.2M 620K 56
Para kay Hezira ay isang kathang-isip lamang ang mga bampira. Hindi siya kailanman naging interesado sa mga ito. Pero lahat ay nagbago matapos ang is...