Kissed by the King (Published...

By imsinaaa

372K 15.1K 3.4K

He didn't want to play the game, but he ended up kissing the King. (Published Under Psicom) Date started: 11... More

Kissed By The King
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Wakas
Soon to be publish under PSICOM
Kissed by the King
Special Chapter 1
ANNOUNCEMENT

Kabanata XI

15.5K 722 178
By imsinaaa

Alexis Garcia

Karamihan ng graduating student ay nagsasaya dahil sa wakas ay makakapagtapos na sila. Ngunit si Alexis ay walang ibang nararamdaman kundi lungkot at sakit. Sa oras na magtapos na sila ay mag-iiba na ang landas nilang lahat, pati na ang kay Etros. He left him even though he's begging him not to let him go.

Tama ba ang naging desisyon niya? Tama bang hindi niya ipinaglaban ang nararamdaman? Tama ba na pinairal niya ang takot kaysa sa pagmamahal?

Napabalik siya sa sarili nang may tumapik sa balikat niya. Si Paulo, nasa likod nito si Trina. Umupo ang dalawa sa bakanteng upuan ng kaklase niya.  Nakatingin lang ang dalawa sa kanya. He smiled— ang ngiting hindi mo makikitaan ng saya.

"Huwag mo kaming ngitian kung hindi ka naman masaya." Seryosong sabi ni Paulo.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi niya.

"Nilamon ka na ng takot, Alexis. Pinangunahan mo ng takot 'yang puso mo." Aniya Trina. Ibinaling nito ang tingin sa whiteboard ng classroom.

Hindi nila inaasahan na 'yon ang gagawin ni Alexis. Alam nilang dalawa na mahal nito si Etros. Ang akala nga nila'y magiging maayos na ang dalawa. Nang sabihin nito kay Etros na siya ang nakapares nito sa laro ay halos mapatalon na si Trina sa saya habang si Paulo naman ay nakangiti. Ngunit nawala ang saya na nararamdaman nila nang marinig ang sunod na sinabi nito. He rejected him, iniwan niya si Etros.

"He's hurt, Alexis."

Parehas naman silang nasaktan.

"He even cried. Asking why did you that to him."

Nagulat siya sa sinabi ni Paulo. Hindi makapaniwala niyang tiningnan ang dalawa. Trina nodded her head. Umiyak si Etros?

"Iniyakan ka niya at alam mo ba na kapag iniyakan ka ng isang lalaki, ibig sabihin ay mahal ka nito." Trina gave him a look, iyong tingin na nababakasan ng awa. Nasasaktan si Trina sa ginawa ni Alexis.

"Gusto mo bang malaman kung gaano ka niya kamahal?" Paulo asked. Hindi siya sumagot.

"I asked him, bakit hindi ka niya pilitin na umamin sa kanya, at alam mo ba ang isinagot niya sa akin?"

Tumayo si Paulo. He tapped his shoulder— again.

"I may be a Laviano but i'm not that cruel to force someone I love. Hihintayin ko siya, hihintayin kong siya mismo ang umamin at magsabi sa akin without forcing him." He paused. "Iyan ang sinabi niya sa akin."

Hindi na napigilan ni Alexis na mapaiyak sa sinabi ni Paulo. Kahit na kaya ni Etros na pwersahan siyang paaminin ay hindi nito ginawa, dahil mahal siya nito.

"Wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao. Wala silang magagawa dahil siya ang itinitibok ng puso ko. They can judges us, but that doesn't mean I'll stop loving him." Dagdag pa ni Paulo.

Mas lalo siyang napaiyak. Takot na takot siya pero si Etros ay buong tapang na ipinaglaban ang nararamdaman nito para sa kanya.

"Mag-usap ulit kay—"

"Buo na ang pasya ko." He said between his sobs.

Walang nagawa ang dalawa kundi ang pakinggan ang mga sinasabi niya. They both looked at him with a pity.

"He doesn't deserve a guy like me. Ang isang duwag na hindi siya kayang ipaglaban."

...

Napatigil si Alexis sa paglalakad nang makita ang isang pamilyar na bulto ng tao. Naka abang ito sa may gate ng unibersidad. Nakatingin ito sa kanya. Pakiramdam niya'y tatakasan siya ng lakas sa paraan ng pagtingin nito.

Nagsimula itong maglakad palapit sa kanya. Inipon niya ang lakas bago ihakbang ang paa. Pinakalma niya ang sarili. Hindi niya hinyaan na may makitang emosyon si Etros sa mukha niya. Na makita nitong nanghihina siya sa presensya nito, na nasasaktan siya.

Lalagpasan niya sana si Etros nang higitin siya nito. Napatingin ang mga estudyante sa kanila. Mariin niyang nakagat ang ibabang labi.

"You're making a scene, Etros." Kalmado niyang sabi.

"Let's talk."

Inalis niya ang pagkakahawak nito sa kanya. "Wala ako sa mood na makipag-usap. Excuse me." Aniya bago ipagpatuloy ang paglalakad.

"Damn it! We need to talk, Alexis!"

Hindi niya ito pinakinggan, sa halip ay dire-diretso lang siya sa paglalakad. Hindi naman tumigil si Etros sa pagsunod sa kanya. Lahat ng nakakasalubong nila ay napapatingin sa kanilang dalawa.

"Tumigil ka na, Etros. Stop following me for pete's sake!" Sigaw niya rito.

Hindi naman pinakinggan ni Etros ang sinabi niya. Nakasunod pa rin siya rito at paulit-ulit na sinabi na mag-usap silang dalawa. Hindi niya ito tinigilan hanggang sa tuluyan ng nainis si Alexis. Humugot siya ng lakas ng loob para lingunin ito. Ganoon na lang ang pagdagundong ng puso niya nang makita ang mukha nito. He looks tired.

Nangilid ang luha sa kanyang mga mata nang dambahin siya nito ng yakap. Ibinaon pa ni Etros ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat niya. Sobrang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya. He wants to hug him back, but he can't.

Unti-unti niyang itinulak si Etros palayo sa kanya. Kalmado niya itong tiningnan. Hindi pwedeng makita ni Etros na nasasaktan siya.

"Ano pa bang kailangan mo? Hindi ba't sinabi ko ng huwag na tayong magkita?"

Umigting ang panga ni Etros sa sinabi niya.

"Ikaw ang kailangan ko. Alexis, let's fix this matter."

Inilayo niya ang kamay nang akmang hahawakan sana siya nito.

"Stop hurting me, Alexis! Stop hurting yourself! Bakit ba takot na takot ka sa sasabihin ng ibang tao?!"

"Etros! Parehas tayong lalaki! Don't you get it? Sa mata ng ibang tao, mali 'yon! Maling mali! Isa tayong nakakadiring nilalang sa mga paningin nila!"

Napangiwi siya nang marahas na hawakan ni Etros ang braso niya.

"I don't give a damn about their opinion's. Mahal kita. Wala na silang magagawa kundi ang tanggapin tayo."

"Etros, kung wala kang pakialam sa sasabihin ng ibang tao, pwes ako meron." Aniya bago alisin ang pagkakahawak nito.

"I d-don't love you, Etros." Nauutal niyang sabi.

Mas lalong dumilim ang mukha nito.

"You don't love me? You want me to believe that stupid lies of yours?"

Nag-iwas siya ng tingin. Hindi na dapat siya tumigil sa paglalakad. Hindi niya na dapat ito hinarap.

"Hindi ako nagsisinungaling."

"Talaga lang ha?"

Hindi na siya nakasagot pa nang bigla nitong hawakan ang batok niya. Ang sunod na nangyari ay ang pagdampi ng labi ni Etros sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya. His heart went crazy— again. Habol hininga siya nang lumayo na ito sa kanya.

"I won't stop. I know you love me. I know you're lying." Pinagdikit ni Etros ang noo nilang dalawa.

"I'm a Laviano, Alexis. This young Laviano loves you and Laviano's will do everything to have what they love you."

Nag-unahang tumulo ang luha sa kanyang mata. Etros loves him, he loves him too, pero masyado siyang duwag na harapin ang ibang tao, na marinig ang mga mapangusgang mga salita na lalabas sa bibig ng mga ito.

"Aalisin ko ang takot diyan sa puso't isip mo. Ipaglalaban kita kahit na hindi mo ko kayang ipaglaban."

Nakaramdam ng sakit si Alexis sa huling sinabi nito. He's willing to fight and protect him, even though he can't do the same thing. Bakit ba kasi napaka duwag niya?

"Sila na ba ni Etros?"

Napako siya sa kinatatayuan niya. Agad niyang iginala ang tingin. Doon niya napagtanto na marami pala ang nakakakita sa kanila.

"Shh, baka marinig ka nila."

"They're in love with each other?" hindi makapaniwalang sabi ng isa sa mga nakakita sa kanila.

Nagsimulang manginig ang katawan niya. Nanghihina na rin ang paa niya.

"Kaso parehas silang lalak—"

Tinakpan niya ang tainga. Ayaw niyang marinig ang mga komento nila  kaya bago pa dumami ang mga tao sa paligid nila ay tumakbo na siya palayo.

Narinig pa niya ang pagtawag ni Etros sa kanya ngunit hindi niya ito pinansin. Dire-diretso lang siya sa pagtakbo palayo. Palayo sa mga taong mapanghusga.

Continue Reading

You'll Also Like

347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
809K 38.4K 27
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
762K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...