Kissed by the King (Published...

By imsinaaa

368K 14.9K 3.4K

He didn't want to play the game, but he ended up kissing the King. (Published Under Psicom) Date started: 11... More

Kissed By The King
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Wakas
Soon to be publish under PSICOM
Kissed by the King
Special Chapter 1
ANNOUNCEMENT

Kabanata X

15.8K 745 152
By imsinaaa


Alexis Garcia

Dalawang araw ng hindi pumapasok si Alexis, mas pinili niya na lang na manatili sa bahay nila. Tapos naman na ang exam kaya wala ng gagawin. Paghahanda na lang para sa graduation sa susunod na buwan ang aasikasuhin nila. Kasalukuyang siyang nagkukulong sa kwarto. Ayaw niyang lumabas dahil baka makita siya ng kanyang ina na nasa ganoong kondisyon, mugto ang mata at nasasaktan.

Kailangan nanaman ba niyang ibaon sa limot ang nararamdaman kay Etros? Isang malaking sampal sa kanya ang mga sinabi ng mga babae two days ago. Totoo naman ang sinabi ng mga ito. Parehas silang lalaki at malalagot siya sa mga Laviano. Nahihirapan na siya.

Tumunog nanaman ang cellphone niya. It's Etros, he's been calling him several times pero ni isa sa mga tawag nito ay wala siyang sinagot. Sa oras kasi na marinig niya ang bose nito ay paniguradong bibigay na ang puso niya. Walang lakas na inabot ni Alexis ang cellphone na nakapatong sa side table bago ito patayin.

Tumagilid siya't hinarap ang bintana. Maganda ang panahon, kabaliktaran ng nararamdaman niya.

Apat na magkakasunod na katok ang umalingawngaw sa silid niya. Mabuti na lang at naka lock ang pinto kung hindi ay baka nasa loob na ng silid niya ang ina.

"Anak? Hindi ka nanaman ba papasok?" Nababahiran ng pag-aalala nitong sabi.

"Hindi po nay, masama po ang pakiramdam ko." Sobrang sama ng pakiramdam niya. Parang pinipiga ang puso niya.

"Sige anak. Nasa baba lang ako. Tawagin mo ako kapag may kailangan ka."

Sumagot siya ng Opo. Narinig niya ang papalayong yabag ng paa ng kanyang ina. Biglang sumagi sa isip ni Alexis ang maaaring gawin ng mga Laviano sa oras na malaman nito ang tungkol sa kanila ni Etros. Baka idamay nito ang pamilya niya— ang kanyang ina.

Hindi maiwasang matakot ni Alexis sa kanyang naisip. Paano kung ganun nga ang gawin ng mga Laviano? Paano kung saktan nga nito ang kanyang ina?

Siguro nga dapat na niyang iwasan si Etros. Dapat niya na sigurong kalimutan ang lalaki.

Kinabukasan. Walang lakas na tinahak ni Alexis ang pasilyo. Maraming estudyante, karamihan ay mga ka-batch niya. Mga graduating na kasi kaya wala ng masyadong ginagawa.

Dire-diretso lang siya ng lakad hanggang sa makarating siya sa classroom nila Trina. Nag-aalala itong lumapit sa kanya. She tapped his shoulder and ask him if he's alright.

"Alam mo bang tatlong araw ng wala sa mood si Etros? Halos magwala na nga ito sa sobrang galit." Aniya bago siya paupuin sa katabing upaun nito.

Hindi siya nagsalita.

"Ano bang nangyari sa inyo ni Etros? Okay naman kayo ah."

Hindi ulit siya umimik. Masyado kasing okupado ang isip niya. Nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Trina. Alam niyang may problema ang kaibigan, kitang-kita niya ang namumugto nitong mata at ang pananamlay nito. Ito ang Alexis na nakita niya noon nang masaktan ito dahil kay Etros. Nang pilit nitong kinalimutan ang nararamdaman para sa lalaki.

"Alexis, umamin ka na sa kanya. Paulo told me that you were forced to play the game at si Etros ang nakapares mo. Sabihin mo na sa kanya na ikaw ang nakapares niya sa laro. Umamin ka na sa kanya. Don't hurt yourself again. Alam kong alam mo na gusto ka na niya— no, I know that he loves you. Alam mo 'yan Alexis. But why do kept on hurting yourself? Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya lahat ng katotohanan?" Trina said. Nasasaktan na siyang makita na nagkakaganito ang kaibigan. Naaawa na siya.

"Because i'm scared."

"Ayon pa rin ba ang dahilan? Natatakot ka sa mga Laviano? Sa sasabihin ng mga tao?"

Alexis nodded his head as an answer.

"Alexis, kung mahal mo si Etros, ipaglalaban mo ito. Huwag mong pansinin ang sasabihin ng mga tao sa inyo. Hindi lang naman sa pag-iibigan ng magkaibang kasarian umiikot ang pag-ibig. Lahat ng tao ay may karapatang magmahal."

Sana nga'y ganun kadaling ipagsigawan sa buong mundo ang pagmamahal niya kay Etros. Marami pa rin ang hindi sang ayon sa pagiibigan ng magkaparehang kasarian. Maraming tutol at sigurado siyang isa na roon ang mga Laviano.

"Gustuhin ko mang sabihin sa kanya na mahal ko siya ay hindi ko naman magawa. Natatakot ako. Inuunahan ako ng takot. Takot sa mga sasabihin ng mga mapangusgang tao, sa gagawi ng mga Laviano sa oras na malaman nil—"

Hindi na natuloy ni Alexis ang sinabi nang biglang dumapo sa pisngi niya ang palad ng kaibigan. Hindi makapaniwala niyang tiningnan si Trina na ngayon ay naluluha na.

"Damn it, Alexis! Kaya ka nasasaktan dahil mas inuuna mo ang takot! Stop being too paranoid! Huwag mong pangunahan ng kung anu-anong hindi magandang ideya iyang kaisipan mo! Huwag mong pangunahan ang lahat."

Nag-iwas siya ng tingin. Nasampal na nga siya ng mga sinabi nito tapos sinampal pa siya.

"Umamin ka na."

Umamin. Isang salita na mukhang madali lang gawin.

"Halika! Sumama ka sa akin at hahanapin natin si Etros."

Walang anu-ano'y hinatak siya ni Trina. Tinotoo nga nito ang sinabi. Nagpunta sila sa classroom ni Etros ngunit wala ito. Sunod nilang pinuntahan ang cafeteria ngunit nabigo ulit sila. Trina texted Paulo, sinabi niya rito na hanapin si Etros para makapag-usap na ang dalawa.

Tumigil sila sa field— sa ilalim ng puno kung saan nakita siya ni Etros na umiiyak. Ilang beses niyang tinanong ang sarili kung kaya ba niyang harapin si Etros, kung kaya niya ba ang sakit na mararamdaman sa oras na sabihin niya kay Etros ang totoo.

"He's here." Turan ni Trina na siyang naging dahilan para manghina ang nga paa niya. Bumilis ang tibok ng puso niya at dahil iyon sa kaba.

Hindi na niya napigilan si Trina nang iwanan siya nito. Hindi niya magawang tingnan si Etros. He remained silent. Ang atensyon niya'y nakapokus sa damuhan. Habang papalapit ng papalapit si Etros ay ang siya naman pagbilis ng puso niya.

Gusto niyang umatras pero buo na ang desisyon niya. Kailangan na nilang mag-usap. Napapagod na siyang masaktan at matakot. Napapagod na siyang magtago.

Nanuyo ang lalamunan niya nang huminto si Etros sa harapan niya. Nanatili siyang nakayuko. Hindi na siya nagulat nang yakapin siya nito. Mahigpit at tila ba ayaw siyang pakawalan. Iyong yakap na hindi lang pagmamahal ang mararamdaman ko, he felt safe in his arms but at the same time, he felt a sharp pain in his heart.

Hinayaan niya si Etros hanggang sa ito na mismo ang lumayo sa kanya. Akmang hahawakan sana siya nito nang umiwas siya. Rumehistro ang sakit sa mga mata ni Etros. He avoided his touch.

"You're avoiding me." Hindi makapaniwala nitong sabi.

"Ayusin natin 'to. Let's tal—"

"Ako ang nakapares mo." Putol niya sa sinasabi ni Etros.

He spoke. Narinig na nito ang boses niya. Ang akala niya'y magugulat ito ngunit siya ang nagulat sa sinabi ni Etros. Saglit na naghari ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa. They're both looking at each other's eyes. Maya-maya lang ay ngumiti si Etros.

"I know."

He knows?

"Matagal ko ng alam na ikaw 'yon. I felt it when I saw you, when I touched you and when I kissed you. And I even know that you don't want me to know that it was you." Etros said with a smile.

"I've waited for this. Na ikaw mismo ang magsabi sa akin and you don't know how happy I am right n—"

"Let's end the game."

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Etros. Tapusin na ang laro?

"Nahanap mo na ako, nahanap na rin kita. Tapos na ang laro Etros. Let's not see each other anymore." Gusto niyang pasalamatan ang sarili dahil hindi siya pumiyok o nautal nang sabihin 'yan.

He faked a smile. Nasasaktan siya sa nakikita niya. Sa nakikita niyang sakit sa mata ni Etros.

"Why?"

"It was just a game, Etros. For the sake of the game. Sa katunayan ay dapat matagal na nating natapos ang laro, matagal mo ng alam kung sino ako, ganun din ako."

"I didn't find you because of that game! Hinanap kita dahil gusto kita! No let me fvckin rephrase that— I love you Alexis."

Umiling siya. Bakit? Bakit kung kailan gusto na niyang umiwas nang tuluyan ay doon pa nito sinabi ang tatlong salita na matagal na niyang gustong marinig dito?

"Kalimutan mo na ang nararamdaman mo, Etros. Parehas tay—"

"I don't give a damn! Parehas tayong lalaki? Who cares?! Mahal kita." Hinawakan nito ang kamay niya. "I love you so damn much."

Marahas niyang binawi ang kamay bago umatras palayo sa kanya.

"This is a goodbye, Etros. Pinal na ang desisyon ko."

Napatingin sa kanila ang mga nasa field nang sumigaw si Etros. Ang sigaw na nababahiran ng sakit at galit.

"Dahil ba sa isa akong Laviano?!"

Hindi siya sumagot. Sa halip ay tinalikuran na niya ito but Etros stopped him. Napangiwi siya nang mahigpit nitong hawakan ang palapulsuhan niya.

"Ipaglalaban kita sa kanila."

Umiling siya.

"Bitawan mo ako."

"No! I won't let you go. I know you love me too so please, don't do this to me. Don't hurt me, I'm begging you."

Nag-iwas siya ng tingin, kasabay nito ay ang pagtulo ng luha sa mata niya. Mas lalong nawasak ang puso niya nang tuluyan na siyang kumawala sa pagkakahawak nito. Malalaking hakbang ang ginawa niya palayo kay Etros, palayo sa taong mahal niya. He didn't bother looking back dahil natatakot siya na baka balikan niya ito sa oras na lumingon siya.

He loves him, tama si Etros sa sinabi nito pero mas pinangunahan siya ng takot. Natatakot siya na baka hindi niya kayang ipaglaban ang nararamdaman kay Etros. He's a coward. Malaking duwag na hindi kayang ipaglaban ang taong mahal niya.

Tapos na ang laro. Tatapusin na rin ni Alexis ang nararamdaman niya.

Continue Reading

You'll Also Like

734K 37.1K 21
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
100K 1.8K 32
* (rough draft, Filipino, and discreet version of My Drop-Dead, Gorgeous Rebound) In love na si Fae Santiago sa kinakapatid niyang si Carl Easton ba...
3.4M 94.7K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
630K 23.1K 71
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.