God is always there for us (D...

By Peyyyytttt_82

488K 4.4K 450

This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with n... More

1. Temptations
2. Loving your enemies
3. Nothing is Impossible with God
4. You are the Only Way
5. Be Humble
6. Love the Unlovable
7. He will never leave you nor forsake you
8. Prayer
9. Guard your heart
10. BE an EXAMPLE
***Writer's note!
11. TRUST
12. Be thankful
13. LOVE from GOD
14. NOTHING can separate US from the LOVE of God
***Christmas is Forever
15. The SEEN and UNSEEN things
16. The FAITH we have
17. We have limitation, but God's words are FOREVER
18. You live or die for a reason
19. God's acceptance
20. Live by God's will
21. Life and Death
22. Stay in Faith
23. Doubt
24. God or Money?
25. Do to others that you want them do to you
26. All Scriptures are inspired by God
27. Continually Seek the Lord
***Lenten Special
***Lenten Special 2
***Lenten Special 3
28. First and last
29. God's Words
30. OBEY your PARENTS
31. God FIRST before anything else
32. Judgment
33. Sinu-sino ang tunay na sa Kanya
34. To see is to BELIEVE?
35. Manatiling TAPAT
36. Afterward, You will understand
37. Way of righteous
38. MAGALAK lagi kay LORD
39. Kasama ang Paghihirap sa Pagkatawag sa atin ng Diyos
***Writer's Note (Pabasa)
40. Bitter in life? No more...
41. God's Perfect Timing
42. "Rest" that is given by the Lord
#Achievements101
#PLANofGODandSATAN
#Envy || Insecurities || Comparison
#PleasingMen
#Forgiveness
#Gadgets #TimefortheLORD
#FirstTimeInFaith
#ShareKoLang
#TRUTH #REAL
#FAMOUS VS. FAITHFUL #HUMILITY
#KumapitKaLang
#PlanoMOatPlanoNgDIYOS
#Pasko #Problema
#RealMeaningofCHRISTmas
#WALANGKAYO
#God'sWill
#Feb14
#Success
***Quote 1: Being Christian
***One Thousand Peso (One shot)
***How to Experience the Power of Prayer
***Must be Read
***Quote 2: One Night Stand
***Quote 3: Tunay na lalaki at babae
***Letter from the "Devil"
43. Charms and Beauty
44. How to Show Your Love at God
45. Lukewarm Christian
46. In this "World"
47. Don't give the devil a chance
48. Faith, Hope and Love
49. Overcoming Temptations
50. Ang Habag ng Diyos
#PrayWithoutCeasing
***"Pagtanggap" - tula
***Sulat na Para sa Iyo- Spoken Word Poetry
#Insecurities
51. Paghatol sa kapwa
52. Magpapakatatag
53. "Panginoon, Panginoon!"
54. When we repent...
55. Victory!
***May Problema ka?
***Buhay is Life
***Reverse Poetry #1
***GOD LOVES YOU! (reminder)
***Reverse Poetry #2
***Reverse Poetry #3
***Reverse Poetry #4
***COMEBACK (one shot)
***note
56. Be strong!
58. There is always a way out!!
59. Always be Ready
60. Bakit ni-a-alow ng Lord ang mga pagsubok sa buhay natin?
61. Sino ang makapagliligtas?
62. Pray First
63. Wake Up!
64. Pag-ibigan
65. Bakit may negatives pa?
66. By Faith
67. No Condemnation
68. Don't stop praying and praising!
69. His Love Endures Forever
70. Karapatan bilang Panganay
71. God sees us
72. Don't loose hope and always pray
73. God will fight for you
74. Quiet time with God
75. By God's Work
76. Be Still
77. If you fall SEVEN times, rise up EIGHT times
78. God's promises
79. The Throne of Grace
80. Start Again
81. Forgetting the Past and Looking Forward
82. Make effort
83. The Prodigal Son and Jealous Brother
84. Do you love me?
85. All Things Work Together for Good
86. What is Love?

57. Child of God

3.3K 30 1
By Peyyyytttt_82

Mga kapatid, bago natin simulan ito, may tanong muna ako.

Lahat ba ng tao'y anak ng Diyos?

.

.

.

Hindi. Iyong mga sumampalataya kay Jesus Christ at sumusunod sa Kanya ang s'yang mga anak ng Diyos. Lahat ay nilikha ng Diyos pero hindi lahat ay anak ng Diyos.

Ayon nga sa Juan 1:12, "Subalit ang lahat ng tumanggap at sumampalataya sa kanya ay binigyan niya ng karapatang maging mga anak ng Diyos."

Kaya ang title ng ating bible sharing ngayong araw na ito ay "Child of God"

Sa tingin ninyo, anu-ano ang mga characteristics ng isang anak ng Diyos?

.

.

.

So, these are the characteristics of children of God:

1. New creation (2 Corinthians 5:17)

Kaya't kung nakipag-isa na kay Cristo ang isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao, sa halip, ito'y napalitan na ng bago.
2 Mga Taga-Corinto 5:17

Nang simulang tinanggap mo si Jesus bilang Lord and Savior, wala na ang dati mong pagkatao. Isa ka ng bagong nilalang! Hindi ka na basta-basta; isa kang anak ng Diyos! Kung sino ka man sa nakaraan, hindi na 'yon mahalaga! Napalitan na iyon! Nariyan na si Lord sa puso mo; Siya na ang nangunguna! Isa sa characteristics ng pagiging anak ng Diyos ang pagiging new creation dahil nabubuhay ka na ngayon na ayon sa kalooban na Niya at hindi na ukol sa sarili mo. Naiwan na lang sa nakaraan ang dati mong pagkatao.

Huwag kang mag-alala, tutulungan ka Niya na mamuhay ayon sa Kanyang kalooban at kung willing ka.

Ayon sa Mga Taga-Filipos 2:13, "sapagkat ang Diyos ang kumikilos sa inyo upang inyong naisin at isagawa ang kanyang kalooban."

Bago tayo mag-proceed, may tanong ulit ako mga kapatid.

Bilang mga anak ng Diyos, okay lang ba'ng magpatuloy sa kasalanan?

.

.

.

Hindi. Dahil ang mga anak ng Diyos ay hindi "nagpapatuloy" sa pagkakasala.

So Next,
2. Does not continue sinning (1 John 5:18)

Alam nating ang mga anak ng Diyos ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala, sapagkat iniingatan sila ni Jesu-Cristo, at hindi sila maaaring galawin ng diyablo.
1 Juan 5:18

Hindi ibig sabihin na nagkasala ka ay hindi ka na anak ng Diyos. Kasi aminin natin minsan ay nagkakasala tayo. Pero hindi ka dapat magpatuloy sa pagkakasala.

Kaya bilang mga anak ng Diyos, iwasan natin ang mga bagay na nagiging sanhi ng pagkakasala o palaging magbabad sa presensiya ng Diyos.

Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina."


Mateo 26:41

Iniingatan tayo ng Lord. Hindi tayo maaaring galawin ng kaaway.

Ano nga ba ang kahulugan ng "continue sinning"?

Simulan natin sa pag-alam ng kahulugan ng "continue":

Continue
: to do something without stopping
: to keep doing something in the same way as before
: to keep happening or existing : to remain active or in existence without changing or stopping

Ibig sabihin, walang tigil sa paggawa ng kasalanan- active pa rin. Tuloy-tuloy lang. Never na kinilala si Lord. 'Yong tipong manhid na o wala nang pakialam sa nararamdaman ni Lord sa tuwing ginagawa ang mga bagay na laban sa Kanya.

Hindi dapat ganito. Child of God does not continue sinning.

Lahat nagkasala; lahat nagkulang. Lahat tayo'y may kahinaan. His grace is sufficient for us! We are not perfect but forgiven!

Lahat ng nagbabasa 'di ba mga anak ng Diyos? Amen!

At dahil Siya ang kinikilala mong Diyos at ikaw ay Kanyang anak, hindi ka na nagpapatuloy sa pagkakasala. Hindi na kasalanan ang naghahari sa 'yo dahil Siya na. Ang tunay na nagmamahal sa Kanya ay sumusunod sa Kanyang mga utos. Ang tunay na mga anak ng Diyos at mga nananatili sa Kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Kasi kung "nagpapatuloy" ka sa pagkakasala, tila 'di mo Siya nakilala.

Ang nananatili sa kanya ay hindi nagpapatuloy sa pagkakasala. Ang sinumang nagpapatuloy sa pagkakasala ay hindi nakakita ni nakakilala man sa kanya.
1 Juan 3:6

Faith pleases God. (Read Hebrew 11:6) "Faith without works is dead." (Read James 2:26) Works are fruits of your faith in Him.

Minsan dahil sa ating kahinaan, nagkakasala at nagkukulang tayo. Pero mga kapatid, huwag kalilimutan na kahit hindi tayo naging tapat, mananatiling tapat at matuwid ang Diyos kaya kung ipapahayag natin ang mga pagkakasala sa Kanya, maasahan na patatawarin at lilinisin Niya tayo sa ating mga kasalanan. (Read 1 John 1:9)

Ang Kanyang kabutihan ang s'yang nag-aakay sa 'tin na magsisi. Mga kapatid, hindi okay ang "nagpapatuloy" sa pagkakasala. Makakayanan natin na iwanan ang kasalanan- maging ang mga iniisip na 'di kayang bitawan kasi tutulungan tayo ng Diyos; magtiwala ka lang. Ang Diyos ang kumikilos sa 'tin upang ating naisin at isagawa ang kanyang kalooban.Higit na dakila ang pag-ibig ng Diyos sa mga kasalanan natin. Manatili lang sa Kanya. Sa isang kanta nga, "I may be weak but Your Spirit's strong in me... My flesh may fail, but my God, You never will~"

Kung mayroon man sa atin na nandito na may struggle sa kasalanan, isuko mo 'yan kay Lord! Hindi healthy ang mabuhay sa kasalanan kasi mapapalayo ka lang sa Kanya. Hindi galit at panunumbat ang maaabutan mo sa Kanya, kundi ang pag-ibig at pagpapatawad Niya. Hinihintay ka lang Niya.

Mahal mo si Lord, hindi ba? Anak ka Niya, 'di ba? Kaya 'wag nang magpapatuloy sa kasalanan.

Don't let sin seperate you from Him.

May tanong ulit ako... Dapat ba tayo maki-ayon sa takbo ng mundong ito?

.

.

.

Hindi.
3. Does not conform to this world (Romans 12:2)

Huwag kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Mag-iba kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kalooban ng Diyos; kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban niya.
Mga Taga-Roma 12:2

Ang mga anak ng Diyos ay 'di nakiki-ayon sa takbo ng mundo. Huwag tayong papakain sa sistema ng mundong ito dahil maraming bagay ang nandito na maaaring makapaglayo sa atin sa Diyos. Sayang lang ang effort sa pakiki-ayon sa takbo ng mundong ito. Focus na lang ating pag-iisip sa Kanya at sa Kanyang kalooban.

Sa tingin niyo, bakit hindi tayo makikiayon sa takbo ng mundo?

-Dahil na kay Lord ka na.
-Puno ng tukso ang mundo
-Upang masunod natin ang kalooban Niya
-Upang maging kalugod-lugod sa Kanya
-Walang bagay dito sa mundo ang magiging forever

Mga kapatid, ingat! Kung hindi kayo magawang masama ng kaaway, gagawin niya kayong busy para mawalan ng oras sa Diyos at hindi namamalayan na tayo'y nakikiayon na pala sa takbo ng mundo. Huwag nating hahayaan na mangyari 'yan o magpatuloy na 'yan ay mangyari.

4. Transformed by truth (John 8:32)

makikilala ninyo ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo."
Juan 8:32

Bilang mga anak ng Diyos, tayo'y bago ng nilalang at transformed by truth. Kaya napakahalaga na makapagbasa ng Bible sa araw-araw nating buhay.

Sabi ni Rick Warren, "The truth will set you free, but first it will make you miserable."

Mas okay nang masaktan ng katotohanan kaysa comfort na puro kasinungalingan.

(Ang salita ng Diyos ay buháy at mabisa, mas matalas kaysa alinmang tabak na sa magkabila'y may talim. Ito'y tumatagos maging sa kaibuturan ng kaluluwa at espiritu, ng mga kasukasuan at buto, at nakakaalam ng mga iniisip at binabalak ng tao.
Mga Hebreo 4:12 )

Ang truth ay ang word of God. Bilang mga anak ng Diyos, ang salita Niya ang gabay natin sa pang-araw-araw nating buhay. Ito 'yong nagpapaalala sa 'tin.

Halimbawa may nakaaway ka sa school at kating-kati ka ng makaganti kasi gusto mo ring maranasan niya ang ginawa niya sa 'yo pero naalala mo ang Matthew 5:44 "Love your enemies and pray for those who persecuted you" E 'di napapalalahanan ka. Tumagos hanggang sa kailaliman mo.

Kaya kapag natatamaan ka ng word of God, 'wag iilag a? 'Wag maglalagay ng shield kapag tinamaan ka. Magpatama ka lang. Never kang matututo kung panay ang ilag mo sa katotohanan. Maaaring maging miserable ka sa una, ngunit palalayain ka nito.

Pagbulay-bulayin natin ang katanungang ito: "Ano ang sinabi ng Lord sa 'yo sa pamamagitan ng Word Niya na 'di mo pa nasisimulang gawin?"

Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.(Santiago 1:22)

Mga kapatid, bilang mga anak ng Diyos, paano mo pinapakita na mahal mo Siya?

.

.

.

By keeping His commandments.
So Next ay...
5. Keeping His commandments (John 14:15)

"Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.
Juan 14:15

Ang mga anak ng Diyos ay kini-keep ang commandments Niya. Kung mahal talaga natin Siya, gagawin natin ang Kanyang inuutos. Huwag nating hayaan na hanggang salita na lang ang "I love you, Lord" Huwag tayong magmahal sa pamamagitan ng salita kundi sa pamamagitan ng gawa. (Read 1 John 3:18)

We made God smile sa tuwing ginagawa natin ang mga bagay na nakakapag-please sa Kanya at ginagawa natin 'yon dahil sa pag-ibig natin sa Kanya hindi dahil sa pakitang-tao lang.

May pinagdaraanang ka bang pagsubok, kapatid?

.

.

.

Ang next natin ay...
6. Transformed by trouble (Romans 8:28)

Alam nating sa lahat ng bagay ay gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, silang mga tinawag ayon sa kanyang layunin.
Mga Taga-Roma 8:28

Ang mga anak ng Diyos ay hinuhubog Niya sa pamamagitan ng mga pagsubok. Lahat ng pagsubok ay may purpose. Ni-allow 'yan ni Lord na mangyari sa 'tin kasi alam Niyang malalagpasan natin iyon kasama Siya! Trials came to make us not to destroy us. Ang blessed natin na mayroon tayong Lord sa buhay sa kabila ng mga pagsubok ay nakikita natin ang positibong magiging epekto nito sa 'yo.

Minsan naman, may nakakalimot na sa Lord. Pain is God's megaphone according to Rick Warren. Hindi tayo natutuwa sa tuwing dinidisiplina tayo. Sa halip, tayo'y naghihinagpis. Pero ang bunga nito ay para sa ikakabuti natin- to be transformed by trouble. Patunay talaga nito na tayo'y mga anak ng Diyos kung tayo ay Kanyang dinidisiplina.

God can bring good out of the worst evil. Don't give up- grow up! God uses problems to draw you closer to Himself.

Ang buhay mo'y hindi resulta ng niloko-loko lang, sa s'werte, o sa kamalasan. May Master plan niyan. Everything that happens to you has spiritual significance.

Pagbulay-bulayin natin ang katanungang ito: "Ano'ng pagsubok/problema ang dumating sa buhay mo na naging dahilan ng iyong paglago sa Kanya?"

7. Christlike character (2 Corinthians 3:18 b)

At ang kaluwalhatiang iyan na nagmumula sa Panginoon, na siyang Espiritu, ang siyang magbabago sa atin mula sa isang antas ng kaluwalhatian hanggang tayo'y maging kalarawan niya.
2 Mga Taga-Corinto 3:18 b

Ang isa sa purpose Niya sa mga anak ng Diyos ay maging Christlike character. Tayo ay nag-e-exist dahil sa purpose Niya. God uses His Word, people and circumstances to mold us.

Dapat nakikita si Lord sa mga ginagawa mo. Hindi ba parang sa 'tin mismo... May nagsasabi na kapag nakikita ng isang tao sa isang anak ang ginagawa ng magulang "like father like son". So katulad rin dito... anak ka Niya e kaya nakikita rin sa 'yo kung sino Siya. Para magawa 'yon, you must be an example.

1 Timoteo 4:12b Sa halip, sikapin mong maging halimbawa sa mga mananampalataya, sa iyong pagsasalita, pag-uugali, pag-ibig, pananampalataya at malinis na pamumuhay.

bilang isang Kristiyano, we must influence good things hindi 'yong tayo pa ang nagli-lead sa kanila ng masama. Ang pagiging Kristiyano ay dapat nakikita si Kristo sa 'yo.

Be careful on how you live. You will be someone's/unbelievers' bible ever may read.

God began doing a good work in you, and I am sure He will continue it until it is finished when Jesus Christ comes again (Philippians 1:6 NCV) Hindi nagmamadali si Lord; lagi Siyang nasa tamang oras. It takes time ang process ng pagiging Christlike charcter- it is life time! Walang shortcuts sa maturity. Katulad ng bunga sa isang puno. It takes time to ripe. Ganoon din sa 'tin.

Ito dapat ang makitang bunga sa 'tin:

Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.
Mga Taga-Galacia 5:22‭-‬23

Bago tayo matapos, may nais lang muna akong iiwan na verse at conclusion.

sapagkat nasusulat, "Magpakabanal kayo, sapagkat ako'y banal."
1 Pedro 1:16

Banal ang Diyos na pumili sa 'tin- kaya maging banal din tayo. Magiging banal tayo dahil sa finished work of Jesus Christ. At patuloy nating gawin ang mga nakakapag-please sa Kanya.

Kaya tayo'y naging mga anak ng Diyos hindi dahil sa mga ginawa natin, sa kagustuhan o sa kagagawan ng tao kundi ang pagiging anak natin ay dahil sa kalooban ng Diyos.

Sapagkat dahil sa kagandahang-loob ng Diyos kayo ay naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; at ang kaligtasang ito'y kaloob ng Diyos at hindi sa pamamagitan ng inyong sarili; hindi ito bunga ng inyong mga gawa kaya't walang dapat ipagmalaki ang sinuman.
(Mga Taga-Efeso 2:8‭-‬9)

TO GOD BE ALL THE GLORY! 😇💕

Continue Reading

You'll Also Like

488K 4.4K 130
This book is composed of writings about God, like devotionals and Godly writings. Each chapter labeled with numbers highlights one or more Bible vers...
72.7K 1.5K 22
COMPILATION of inspirational messages, personal thoughts and opinions including Bible Verses that will encourage you on your journey with God. Chris...
60.3K 5.2K 59
Lahat tayo ay makasalanan Hindi ito natin maiiwasan Ngunit buksan ang isipan Nang magising sa katotohanan -Kuya Elmo Bakit nga ba tayo nagiging makas...
94.8K 3.2K 12
Hindi lingid sa isip ni Sean na hindi lamang siya ang may dinadalang problema sa mundo. Akala niya ay siya na ang pinaka-problemadong tao sa buong mu...