KATHRYN POV
Being a Wife, a mom and the CEO of the two leading company in this country at the same time is hard. Napaka hirap di ko na tuloy alam kung papano ko hahatiin ang oras ko.
Mabuti na lang at nandiyan si Joyce para pamahalaan ang BHR. Makakapagtiwalaan naman si Joyce hindi lang siya basta-bastang empleyado ng BHR kaibigan ko narin siya. kaya di ko na kailangan pumunta dun araw-araw pumupunta lang ako dun every friday para i.review ang mga Financial statements, income statements at iba pa at para narin permahan ang mga documents na kailangan ng perma ko.
Being the wife of Dr. Daniel John Ford, Wala akong na iba pang mahihiling. He was the perfect husband. As he promise na walang araw na di niya sasabihin na mahal niya ako. Pinaparamdam niyang ako at si AJ ang priority niya. Lage siyang may dalang bouquet of roses. paramg yung tipong nililigawan niya lang ako. kung ka sweetan lang naman ang labanan malamang panalo na ang Asawa ko.. Lage nga kaming nakikita ng mga kasama namin sa bahay na naglalambingan na yung tipong parang mga teenager lang kaya kami. Nakakahiya man pero lage kaming nahuhuli ng anak namin na naghahalikan. at ang sinasabi lang ni AJ samin "GROSE" natatawa na lang kami
And being a mom is fulfilling. kahit nandiyan si yen para asikasuhin ang lahat ng kailangan ng anak ko.but I make to the point na Hands on parin ako sa pag-aalalaga at pag aasikaso kay sa anak ko at syempre sa asawa ko.
Pagpasok ko pa lang sa opisina ko dito sa Kad's nakita ko na kaagad ang naka tambak na mga folder sa working table ko. Ang mga documents na kailangan kong i.review at permahan kailangan ko kasing tapusin to ngayon kasi bukas kailanga kong samahan si AJ at si Yen para mamili ng mga gagamitin ni AJ para sa Play nila sa school. sa susunod na araw
Ang play na yun ay di daw basta-basta na play. kasi nga naman halos lahat ng nag-aaral dun ay mga anak ng mayayaman. That's they only time na magkikita-kita ang mga nasa mga high class level. Mga Business mans, Goverment officials and the socialite's will be there. ganun din naman sa school dati ni AJ sa states kaya nga minsan na papagod na ako. nakakapagod kaya yun ang makipag plastikan sa ibang tao. mabuti na lang at nandun din si bez may makakausap ako.
*
MALL
Namimili kami ng mga kailangan ni AJ para sa play nila bukas. Pagkatapos ng dalawang oras natapos at nabili rin namin lahat ng kailangan niya.Nang may nadaanan kaming isang store na may mga binibenta na mga Gadgets ng biglang pumasok si AJ kaya sinundan naman namin ni Yen
" I want that mom" Sabi ni AJ na tinuturo ang isang PSP
"Meron ka na niyan sa bahay" Sabi ko
"I want a new one" Sabi niya
"Meron ka na niyan sa bahay ah tatlo pa nga eh"Sabi naman ni Yen
"I said I want a new one Yeyen"Sabi ni AJ.
"Let's go" Sabi ko at hinawakan ang kamay niya
"Mom I said I want that" pagmamaktol niya
"Aris John Hindi lahat ng gusto mo makukuha mo" Sabi ko ng pinanlakihan siya ng mata
"Mom you can afford to buy it" Sabi ni AJ " bat di mo na lang bilhin" Sabi niya ulit
"Like I said hindi lahat ng gusto mo makukuha mo kaya huwag mo ng ipilit ang gusto mo"Sabi ko
"Mom ngayon ko lang naman pinilit ang gusto ko ha" Sabi niya at patakbong lumabas ng store. Napatingin naman sa amin ang mga tao.
Minsan naiisip ko kung mali ba ang pagpapalaki ko sa anak ko. Lage ko naman sinasabi sa kanya na hindi lahat ng gusto niya makukuha niya. Bakit ba ang tigas ng ulo niya.Lumabas narin kami ng store at nag lakad papunta sa parking lot ng mall
"Ms. Dria nag text po si Maki ang sabi umalis na daw sila ni AJ" Imporma ni yen sakin
"Nagtampo ata talaga" Sabi ni Yen
"San daw nag punta" Tanong ko
"Hospital po" Sagot ni yen
"So magsusumbong siya sa Daddy niya" Sabi ko
"Bat ba ang tigas ng ulo ng alaga mo yen" Sabi ko. Sumakay na kami ng sasakyan at sinundan ang magaling kong anak. naman talagang may pinagmanahan.
*
HOSPITAL
DANIEL POV
Katatapos ko lang mag round kaya nandito ako ngayon sa opisina ko hinihintay kong may mga pasyente pa ako na naka schedule ngayon. Susunod pa kasi ako sa mag-ina ko sa Dress shop ni Joanna para kunin ang isusuot ko sa Play ng anak ko bukas. maaga pa naman baka kumakain pa yung mga yun. Tatawagin ko na sa si mica para mag paorder ng pagkain ng may kumatok
"Pasok" I said
"Doc" Tawag ni Mica
"Tatawagin na sana kita para--" Di ko natapos ang sasabihin ko ng biglang nakita ko ang batang nasa likod ni Mica
"Son" Sabi ko
"Dad" Malungkot na sabi niya
"Mica you can leave" Sabi ko at lumapit sa anak ko
"Who's with you" Tanong ko
"Ako lang" Nakayuko niyang sabi
"What's the problem" Nag-aalala kong tanong
"Si mom kasi" Sabi niya na parang naiiyak. Pinagalitan na naman siguro to ng Mommy niya
"Anong nangyari" Tanong ko matagal bago siya naka sagot.
"Kasi--"
"Kasi gusto niyang bilhan na naman siya ng bagong PSP" Sagot ng isang pamilyar na boses. tiningnan ko lang ang tao na nag mamay-ari ng boses my Wife
"Yun lang pala"Sabi ko " Dont worry Son bibilhin natin yun, nag lunch na ba kayo" Tanong ko sa anak ko umiling lang siya
"Ano hindi mo yun bibilhin" Matigas na sabi ni kath
"Im going to buy it" Sabi ko ng naka ngiti, alam kong ayaw na ayaw niya ini spoiled ko si AJ. Anong magagawa ko nag iisa ko siyang anak sa ngayon kaya lahat ng gusto niya ibibigay ko
"Thanks Dad your the best" Sabi ni AJ at naka ngiti na
"Hindi mo yun bibilhin huwag mo ngang i.spoiled ang anak mo Dan" Sabi na naman ni Kath
"Hindi ko siya ini spoiled" pagtanggi ko
"Ano yang ginagawa mo" Sabi ni Kath
"He is my son kaya lahat ng gusto niya ibibigay ko" nakangiti kong sabi
"Ewan ko sayo" Sabi ni kath padabog na lumabas. Ang hirap pa naman suyuin nito.
"Yen ikaw na muna bahala kay AJ susundan ko lang si kath" Sabi ko at patakbong lumabas
Nakita ko si kath sa Harap ng Elevator
"Babe" Tawag ko sa kanya na makalapit ako sa kanya
"Babe naman kausapin mo naman ako" Sabi ko
"Huwag mo nga akong matawag-tawag na babe" Sabi niya
"Babe para PSP lang kaya ko naman bilhin yun eh" Sabi ko
"Yun na nga yun eh Lahat ng gusto ng anak mo binibigay mo" Sabi niya
"Pano kung lumaki si AJ na kagaya ni Julia at ng ibang mga spoiled brat, sino ang sasakit ang ulo diba tayo" Sabi niya
"Im sorry" Sabi ko ng biglang bumakas ang elevator at lumabas si Sam
"Kathryn"Gulat na sabi ni Sam pagkakita kay Kath
"Your back" Sabi ni Sam
"Hon Sorry natagalan ako" Sabi ni Sam at kumapit sa braso ko. kung nakakamatay lang ang titig ni kath malamang ililibing na si Sam bukas
"How are you kath" Sabi ni Sam pilit ko namang tinatanggal ang mga kamay ni sam sa braso ko
"Kami kasi ni DJ we're happy and so much inlove" Naplunok ako sa sinabi ni Sam
"Talaga" Sabi ni kath na nakataas ang isang kilay. Anong pinagsasabi nitong si kath Huwag mong sabihin na naniniwala siya kay Sam
"Kat di--"
KATHRYN POV
Kung makahawak to sa Asawa ko parang di pa nakahawak ng lalake ha.
"Kath di--" Di ko pinatapos si Dan sa sasabihin niya
"Talagang di ka maka get over sa ASAWA ko no" Dahil sa sinabi ko napa bitiw si Sam sa pagkakahawak sa braso ni Dan, Akala siguro nitong si Sam maniniwala na naman ako at aalis tulad ng dati.Sorry na lang siya Di na ako tanga ngayon
"A-asawa" Nauutal niyang sabi
"Babe bat ba kasi nag Asawa ako ng kasing gwapo mo."Sabi ko ikinawit ang kamay sa braso ni Dan. "Yan tuloy maraming lumalandi sayo" Dagdag ko,
"Dr. De Leon Meet my wife Kathryn Ford" Proud na pakilala ni Dan sakin
"Nice meeting you again Dr. De leon" Sabi ko ng naka ngiti
"We need to go, Nag hihintay na kasi ang anak namin samin,See around Dr. De Leon" Sabi ko at tinalikuran namin siya ni Dan
"Wala na talagang ibang lalandi sakin nito" Biglang sabi ni Dan habang papasok kami sa opisina niya.
"Ouch" Sabi niya,pano kasi hinampas ko ng kay lakas-lakas
"Babe di ka naman mabiro" Sabi niya ng naka ngisi
"Subukan mo lang talagang mag pa landi, Makikita mo" Pagbabanta ko sa kanya, Bigla naman niyang hinawakan ang kamay ko
"Kahit landiin pa nila ako Isa lang naman ang gusto kong lumandi sakin" Sabi niya "At ikaw yun, Huwag masyadong selosa babe" He said ang kiss me at my forehead
Pano ba ako hindi magseselos? Sa sobrang gwapo nitong Mister ko alam kong maraming gustong agawin siya sakin. At isa na dun si Dr. Samantha De Leon na hanggang ngayon patay na patay parin sa Asawa ko.Pero gaya nga ng sabi ni Dan AKO LANG at MAHAL niya ako. Kaya kailangan kong i.control ang pagseselos ko.
Pagkatapos namin mag lunch bumalik kami sa Mall para bilihin ang PSP na gusto ni AJ ayaw ko man pero di ko mapigilan ang mag-ama. At di pa na kontento si AJ sa PSP nag pabili pa ng kung ano-ano sa Daddy niya.Dati naman nung na states pa kami pag nag shopping ako at kasama si Quen di nag sasabi si AJ kay Quen na gusto niya yun kahit pa tinatanong siya ni Quen. Pagkauwi na ni AJ si sinasabi sakin na gusto niya yun.
Speaking of Quen 3 days narin niyang di sinasagot ang mga text at tawag ko. Lalo tuloy akong na gui-guilty,Alam kong di madali sa kanyang tanggapin na kasal na ako. Pero kailangan niya yung tanggapin dahil siya lang ang mahihirapan. Ayaw ko naman na masaya ako pero ang isa sa mga tinuring kong malapit na kaibigan ay nahihirapan dahil sakin. Sana naman maging maayos din si Quen.Sana
*