Chapter 67

3.2K 33 1
                                    

KATHRYN POV

Dalawang lingo na kaming nakauwi dito sa Manila. Aaminin ko masyado nga akong nadala sa selos at di ko nagawang mag-isip ng mabuti. 

Alam kong nangako na ako na di basta-bastang iiwan si Dan at hintayin mo na ang paliwanag niya. alam niyo naman na tayong mga babae kapag pumasok na sa isip ng isang babae na may ginagawang kalokohan ang Asawa di mo na kailangan ng ibidensya para patunayan ang hinala mo dahil naniniwala ka sa sinasabing WOMAN's INSTINCT.

Yun ang mali ko dahil naniwala ako sa WOMAN INSTINCT ko. ngayon napatunayan ko lang na di lahat ng sinasabi ng instinct mo ay totoo. kailangan mo rin mag tiwala sa taong mahal mo.

Di ko sinasabi dito na Wala akong tiwala kay Dan. Sa totoo lang sobra-sobra ang tiwala ko sa kanya. Nag kataon lang na di ko maiwasang mag selos kahit  lage namang sinasabi ni Dan sakin na hindi ko kailangan mag selos sa kahit na kaninong babae. kasi kahit daw anong gawin ng mga babaeng lumandi at lalandi sa kanyan wala parin daw panama yun sakin.

Pero di ko talaga maiwasang magselos lalo na sa Samantha De Leon na yun di naman sa naiinsecure ako pero di ko lang talaga maiwasang magselos at mainis kapag naiisip ko siya. parang magsisiputukan ang mga ugat ko sa galit kahit na sabihin pa niyang She's over with my husband kung naka get over na nga siya bakit nilalandi pa niya. ganun ba ka pangit ang naging asawa niya kaya nilalandi niya ulit ang asawa ko. Bakit ko ba to iniisip na ha-highblood lang tuloy ako.

Wala kasi ang Asawa at ang panganay ko si Dan kailangan daw siya sa hospital. si AJ may training sa KAD's ang  toy company namin. He is the acting CEO of  Kad's sinasanay ko na siya ngayon habang bata siya alam kong masyado pa siyang bata para sa mga ganong training at matutuhan ang pag papatakbo sa negosyo namin. ito kasi ang gusto niya ang matutunan ang mga paikot-ikot ng mga negosyo namin habang maaga pa dahil kong hihintayin pa daw naming matapos niya ang pag-aaral niya ay magiging mas komplekado na daw yun para kanya at sabi niya pa kaya niya namang pag sabayin ang pag-aaral at ang pamamahala ng company.

Dahil malaki ang tiwala ko sa panganay ko I let him do what he wants and I know he wont disappoint me. alam ko kapag meron naman siyang di maintindihan magtatanong at hihingi siya ng payo samin ng Daddy niya. I give him full authority to decide and to operate the the company in his own way. I know he will not fail me.

Lumabas muna ako ng narinig ko na nagkakagulo sa garage kaya agad akong pumunta doon nakita kong naka pameywang ang bunso kong anak 

"Will you please let me drive this" Sabi ni Johniece habang tinuturo ang Pink Corvette II niyang sasakyan

I'm not Dr. LOVE (KATHNIEL FANFIC)Where stories live. Discover now