Veiled Diaries #1: Shriveled...

cinnderella द्वारा

5.6M 183K 70.7K

Dallace, a rebellious student, feels neglected since her father's death. Her mother's new family exacerbates... अधिक

Shriveled Poison
Trigger Warning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue

Chapter 5

113K 4.3K 2.7K
cinnderella द्वारा

Chapter 5

My flu went out after three days, naiwan ang ubo ko dahil na rin sa pagyoyosi. Iyon na ang hindi mawawala sa akin simula noong subukan ko at kasanayan, mahirap na siyang alisin pa sa routine ng araw-araw ko. Sa pagbabanyo, pagtapos kumain, pag walang magawa at sa inuman, iyon na ang kasama ko sa lahat. Hindi ako sanay na walang nahihithit sa isang araw dahil hinahanap na ng labi at baga ko ang usok ng sigarilyo.

Nakakatawa na kung kailan pa ako nagkasakit, doon pa ako nakakakuha ng matataas na score sa quizzes at activities namin. Kung tutuusin para sa akin ay madali pa ang programang kinuha ko kesa sa programa ng ibang estudyanteng nakakasalamuha na puro engineering, architecture at iba pang madugo sa utak. While I'm only taking Tourism Management, nahihirapan pa ako roon dahil umabot ako sa fourth year na puro pangongopya lang sa exam at hula-hula na masuwerteng tama. Though, I just repeated my fourth year because I failed last year. The school was about to kick me out but Mom asked for one last chance, she doesn't want me to transfer because it would be another expenses. Siyempre, bagong uniform at iba pang kailangan.

So technically, this is my last chance to study and finish the degree. Kung hindi ako makakapasa sa school year na ito, wala akong magagawa kundi ang magtrabaho na para sa sarili at walang natapos na programa. It's not bad, actually, I know some people who didn't get to finish their studies due to financial issues but they have a decent work now. Si Isha, hindi nakatapos pero nagtatrabaho ngayon sa isang hotel bilang receptionist. May mga opportunity pa rin, diskarte lang ang pinaka kailangan.

I sucked my cigarette while walking on the long sidewalk, I'm wearing my plain white crop shirt and a black skinny jeans with a pair of black boots. Nakalugay ang aking maikling buhok, nakaipit sa tainga ang ilang hibla habang nakasuot ng pulang snap back sa ulo. I smirked cockily when I saw Aladdin walking with a busty girl clinging on his arm in front of his car that was parked near the sidewalk. Binuksan ni Aladdin ang pinto ng kotse niya, patakbo akong lumakad doon at tinawag siya.

"Aladdin!"

Kumunot ang noo niya, tumingin silang dalawa sa akin ng kasama niyang babae na may malaking dibdib at halos lumuwa sa suot niyang tube. I know her! She's a freelancer model somewhere and we were in the same program, mas nauna lang siyang nakatapos last year. She's wearing a gray tube dress that looks very nice on her because of her tiny waist and proud hips.

Hmm, not bad for Aladdin's taste.

Ngumiti ako kay Aladdin. "I just wanna ask something privately... can we have a minute?"

Nagtaas ng kilay iyong babae, si... teka, nakalimutan ko pangalan.

"At bakit kailangang private pa? Hindi ka marunong makiramdam? He's with me." mataray noong sinabi.

Ay wow, sumasapaw!

I wrinkled my nose, umisang hithit pa ako sa yosi ko bago iyon pinitik sa lapag at inapakan. I breathed out the smoke and smiled at her.

"Hindi ka rin yata marunong makarinig, e. Kausap ba kita?"

Nangunot ang noo niya, matalim ang mga mata at bakas ang galit.

"Anong pinapalabas mo? Na mahihila mo si Aladdin anytime even with his girlfriend in front of you?"

Ang labo ni Ate girl, aagawin ko ba iyan? Para sabihin ko sayo, natikman ko na ang labi niyan at pinagsawaan. Tira-tira na lang iyan, kaya huwag na masyadong protective! At sigurado akong marami ng babae ang nakatikim diyan na mas wild, tsk.

"Hindi pa rin mababago niyan na hindi ikaw ang tinanong ko kung puwede siyang makausap, siya dapat ang sasagot." natatawa kong sinabi.

Nakakainis din siya, ah. Hindi naman siya ang tinanong ko, sumasapaw masyado. Akala mo laging aagawan, alam ko namang maganda ako ngayong araw dahil naka OOTD pa pero hindi ako boyfriend stealer!

"Dallace." Aladdin warned, hinawakan niya sa baywang ang babae. Napairap ako pasimple. "Let's just talk later, ihahatid ko muna si Queenie."

Queenie, my ass.

She held his arm immediately and glared.

"Sino ba 'yan? Bakit kailangang dalawa lang kayong mag-usap? Hindi, Aladdin. Hindi." umiling siya at padabog na pumasok ng kotse.

Napasipol ako. "Oh, taray. Mahilig ka pala sa nagmamaganda—"

"Dallace." muling warning ni Aladdin habang seryoso ang mga mata. "I'll just call you later."

Diretso na siyang lumakad sa kabilang side at pumasok sa kotse niya, napanguso ako habang sinusundan ng tingin ang pag-andar noon. The window is heavy tinted, nakakainis! Ang sabihin niya, umiiwas siya! Ilang beses ko na siyang nareject, ah? Bakit ngayon lang siya umiwas? Nagsawa na? Ilang araw na akong tumatambay sa hideout nila tuwing uwian pero parati rin siyang wala kaya umaalis din agad doon. Wala naman akong matinong nakakausap, madalas puro sugal sila Simon o kaya naman puro tulog.

Nagbagong buhay na ba si Aladdin?

Suminghap ako at kinamot ang kilay ko, dinukot ko ang isang bubble gum sa bulsa at binuksan iyon para nguyain. Nakakainis si Aladdin, paano niya ako nagawang balewalain bigla? Noon naman kahit nireject ko na siya, magkaibigan pa rin kami. Ngayon nag iba ang hangin bigla, ako na ang iniiwasan at binabalewala. Well, hindi naman talaga importante ang itatanong ko. Gusto ko lang talaga siyang makausap, hindi ko naman inexpect na magkikita rin kami rito.

Lumakad na ako para tumuloy sa Alpha habang nagpapalobo ng bubble gum sa bibig, nakita ko agad si Xanthus doon na bumaba mula sa dala niyang motorbike. He's wearing a camouflage fitted shirt, black jacket and a faded rugged jeans with black Nike sneakers. That is so unusual outfit of him today but the cleanliness is still screaming especially in his damp primed hair.

Agad kong nginuya ulit ang bubble gum at inayos ang sarili ko bago maligayang tumakbo palapit sa kanya, kumunot ang noo niya nang magtama ang tingin namin. Inipit niya sa kanyang braso ang helmet na dala at marahang lumakad, sumabay ako roon.

"Hi!" I greeted.

"Hi?" he greeted back, a bit hesitant with rumpled thick brows while looking at me.

Oh gosh, he smells nice as the wind blows suddenly.

"Nakita kita kagabi, tinawag kita kaso hindi mo yata narinig."

"Saan?" his voice is natural deep and low that's really shivery. Lalo na pag Tagalog.

"I was on the corner of Sampaloc St., waiting for a cab. Ang bilis mo pa ngang mag motor, kaya siguro hindi mo talaga ako napansin." nakanguso kong sinabi habang nakatingala sa kanyang mataas na height.

Nagtaas siya ng kilay, kunot pa rin ang noo at nakatingin sa akin. Binuksan niya ang glass door ng Alpha at pinauna akong pumasok doon. Ang gentleman niya talaga! Sa tatlong araw na puro katamlayan at kalungkutan ang dala ko dahil sa trangkaso nitong nakaraan lang, palagi ko siyang nakakausap sa Alpha kapag nagagawi siya at puro nice gestures lang ang nakikita ko sa kanya. He even gave me another set of medicine and vitamin candies. Sa isang malapit na ospital siya nakaduty dito.

"I didn't see you. What were you doing there?" he asked. Kumunot ang noo ko. "I mean, what did you do there?"

Mas lalo akong tumabi sa kanya para ibulong ang sagot. "Doon kasi ang hideout ng mga kaibigan ko, nagtambay lang ako kasama sila."

"I remember it was late last night when I passed by on that street. 3 AM?" kunot noo niyang sambit. Nilapag niya ang helmet sa isang lamesa at nanatili ang mga mata sa akin.

Napanguso ako. There's something fluttering inside my chest. "Oo, ganoong oras naman ako umuuwi pag naabutan na ng curfew sa bahay. Doon ako nagpapalipas sa Sampaloc."

"It's so late for a woman like you to walk around that street and go home alone, don't you have some friends to drive you home?"

He walk towards the first stall, kaya sumunod lang ako sa kanya. I chuckled and shrugged.

"Baka mas lalo lang akong mapahamak kung may isang maghahatid sa akin sa mga iyon, they are always high. Mapapaaway lang lalo sa kalsada o kaya makakabunggo." natatawa kong sabi.

Damn, he sounds and looks worried. Gustong gusto ko siyang kausap sa ganitong itsura at tunog, para bang kahit hindi sabihin ang eksaktong 'ingat ka' ay nasa boses na niya iyon agad. My heart contorted a bit but the thought of someone's worried about me made me smile while walking slowly with him, kumuha siya ng ilang junk foods na mamahalin sa stall at muling sumulyap sa akin.

"If you already know the cases, why are you still going home that late? You can always choose the right time of your curfew. That's the reason why you have it, to be always safe."

My chest tightened, ngumisi ako at umiling. "Kasi ayokong umuwi ng maaga, gising pa ang Mommy at stepfather ko. Ayokong makarinig ng sermon."

"Maybe because you're not following their rules." he said quietly, the carefulness was evident in his tone.

Diretso akong tumingin sa mga mata niya, gusto kong matawa sa sarili dahil kahit concern niya ang naririnig ko ay sinasaktan pa rin ang kalooban ko. It's just very overwhelming in a painful way of realization about the home I have every single day. The home who doesn't feel home... for me.

"Wala namang nagbabago, kahit sundin ko pa 'yung rules at curfew. They will still rant and throw words—" mabilis akong napahinto sa pagsasalita nang tumunog ang cellphone niya.

Nagkatinginan kami, tumango ako sa kanya at tipid na ngumisi. Huminto siya sa pagpili bibilhin para sagutin ang tawag, I just chewed my bubble gum while looking at him. Nilapat niya sa tainga ang cellphone habang nakababa ang tingin sa stall at mga pagkain sa harapan.

"Yes..." he breathe. "I'm just near your school." he gazed at me.

That made me look around the stalls, kunwaring hindi nakikinig sa kanya. Wala akong magawa kundi ang tumingin din ng mga chichirya at cupcakes sa stall habang naghihintay.

"Alright... no it's okay, you can go out with them." he said understandingly. "I can't go out, I have a duty tonight. It's fine, really. Just take care, I miss you, too... bye." iyon ang banayad niyang mga sagot sa kausap.

Medyo bumagsak ang balikat ko roon, wala pa man ay nakukumpirma kong nobya niya ang kausap. He sounded sweet and worried but still allowing what would his girl wanna do without him, huminga akong malalim nang maramdaman ko siya sa aking likuran. My heart tumbled as I turn to him, his right brow was arched while looking at the set of assorted cupcakes I'm holding. Kinuha niya iyon, napasinghap ako at sinundan agad siya sa paglalakad.

"Are you going somewhere today?" he asked.

Pumarte ang labi ko sa pagkalito pero umiling ako. Tumango lang siya at mabilis na ang paglalakad, tumungo siya sa fridge para pumili ng inumin.

"Girlfriend mo 'yung kausap mo?"

He gazed at me and a little smirk played on the corner of his lips. "Yea..."

My world stop shaking but I didn't react the way I felt the sudden heaviness inside my chest, napatawa ako at tumango. He took a pair of one litter drinks and walk to the counter, wala sa sarili akong napasimangot habang nakatingin sa malapad niyang likuran at nagbabayad na ng mga binili niya kay Totoy cashier. Nilingon niya ako, gulat ako roon kaya inalis ko agad ang simangot at pekeng ngumiti.

"Want anything else?" he asked me.

Napangiwi ako at umiling, ano pa bang ginagawa ko rito? Magtatambay lang naman sana ako at pagtitripan si Totoy, e. Bakit ililibre niya pa ako?

He nodded, after paying it. Dinala na niya ang supot at lumapit sa lamesang pinag-iwanan niya ng helmet, ngumuso ako at umupo sa isang malapit na upuan.

"Ingat ka," ngiti ko sa kanya at kumaway. Ingat ka, magbebreak pa kayo ng jowa mo.

It really makes me feel bitter now, hindi naman sa nag eexpect ako na single siya dahil sa guwapo niyang lalaki, malabong single talaga! Kaso ang nakakabitter lang ay narinig ko pa talaga kung paano niya kausapin iyon! Hay buhay, parang life. Malas na nga, malas ko pa sa crush ko.

Abort mission, Dallace! He's off limits! Taken, not ready to mingle!

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin, his lips cornered slightly as he took off my red ball cap and put the helmet on my head carefully. Namilog ang mga mata ko, tatanggalin ko na sana iyon pero hinila na niya ako sa pulsuhan kaya napatayo ako at nagpadarag sa kanyang hila palabas ng Alpha. I wriggled my arm.

"Hey! Ano ba?"

"I'll make you feel the fresh wind..." he chuckled roughly, inayos niya ang maliit na belt ng helmet sa ilalim ng aking chin saka ngumisi.

Sumampa na siya sa motorbike niya at nilingon ako na nakatayo pa rin at nakatingin sa kanya, halos napatulala pa ako ng ilang segundo dahil sa pagkamangha sa kanyang mga kilos at sinabi. He scanned my clothes, bahagya siyang napailing nang mapasadahan ang hantad kong puson. Hinubad niya ang jacket niya at binigay sa akin, naiwan ang camouflage niyang shirt sa katawan.

"Wear it, you might catch cold and stomach aches."

"S-Sasama ako sayo?" nauutal kong tanong, sa buong buhay ko ngayon ko lang naitanong ang ganito na namamangha pa.

His forehead wrinkled while looking at me, he nodded. "May masama ba? Let's go..."

Oh. My. God. Xanthus Kraig Ylarde wants me to come with him?

Napasinghap ako at mabilis na sinuot ang malaki at mabango niyang jacket, hanggang ibabaw ng tuhod ko ang haba noon at lampas sa mga kamay ko ang haba ng sleeves. Tuwang-tuwa at excited akong sumampa sa motorbike niya, sa kanyang likuran. Iniiwasan kong mahawakan siya pero siya mismo ang umalalay ng kamay sa akin habang sumasampa ako. Ilang segundo pa nang makaayos na at kumportable ang lagay ko, halos mapatili ako nang paandarin na niya ang motorbike paalis, napahawak ako sa dulo ng shirt niya sa likuran.

"I'll hold here, is it okay?" pasigaw kong tanong para marinig niya habang nagdadrive.

Hindi siya nagsalita, hinawakan niya ang kaliwang pulsuhan ko at siya mismo ang naglagay sa kanyang baywang.

"It's okay as long as you won't fall..."

Humalakhak ako. "Paano kung mahulog pa rin ako?"

"Hold me with your both hands tight." he commanded simply.

I flinched.

Tss. Literal na sineryoso ang tanong ko, wala man lang banat pabalik. Siguro hindi niya nagets, sayang naman.

The whole time was a blast, sa city pa lang iyon na maraming sasakyan at masikip pero nang makarating na kami sa tahimik na paligid ng kabukiran ng isang lugar, naging mas masarap sa pakiramdam ang hangin at bilis ng kanyang pagmamaneho. The whole place on the right and left side is evergreen with horses and cows, there are cute little goats following their mother goat as we pass through the place I called evergreen. This isn't the first time I saw the vicinity, although it was my first time appreciating the view. Madalas kasi ay nadadaanan ko lang ito kapag sumasama sa biyahe nila Aladdin papuntang Tagaytay.

"Wow!" sigaw ko sa pagkamangha sabay singhap sa hangin, I needed to push up the glass of the helmet a bit to inhale the fresh harsh wind.

After my fever, I really need this place! Kung wala lang girlfriend si Aladdin, siguro mag-aalala rin siya kapag nalamang may sakit ako noong nakaraan at dadalhin ako sa ganitong lugar. However, he would just spoil me have a drink with him and smoke. Pero masaya ring kasama si Aladdin, nasa sa akin pa rin naman kung makikisama ako sa trip niya. E, parehas kami ng trip kaya ang ending, masaya. Ewan ko lang itong si Xanthus, we'll try it!

The road got higher, sobrang nag eenjoy lang ako sa likuran niya habang abala ang mga mata ko sa pagtingin sa paligid. Ilang minuto pa na ganoon kami bago siya lumiko at huminto sa isang bangin na may bakod sa dulo, the warm sun is still shining gold in front of us as it reflects on the wide sea below the high cliff. Bumaba ako at halos magmadaling inalis ang helmet pero agad akong ngumiwi sa sakit noon, hindi ko natanggal ang belt. Xanthus is watching me, natatawa ako dahil nakakahiya pala ang itsura ko sa pangyayaring iyon.

I look like an ignorant kid while so excited to see a beautiful view of the ocean, pinarada niya lang basta roon ang kanyang motorbike at inisang hakbang ako para tulungan sa pag-aalis ng helmet.

Napatitig ako sa kanya, mas magandang view pala 'to. I chuckled inwardly, the bad boy look on his face visibled right now. The way his hair was all messed by the violent air, it added spice in his whole look. Kapag naka all white uniform siya, tingin ko lang sa anya sobrang linis at mabait na nurse pero ngayon. He reminds of badboy characters in some movie I usually love to watch, his thick brows were in a perfect shape that made his eyes shrouded by it. Parang matalim tuloy lagi ang tingin niya kahit hindi naman talaga.

He took off my helmet and gave back my red ball cap, ngumiti ako nang malapad at kumindat sa kanya.

"Sana sinabi mo na mas maganda pang view ang mukha mo kesa sa pupuntahan natin," halakhak ko.

Tumaas ang isang kilay niya saka nilapag ang helmet sa motorbike. "Kulit mo."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya, nagkibit balikat ako at patakbong pumunta sa dulo ng bangin. There are pair of big rocks near the edge with a flat surface, doon ako sumampa para tumayo at mas makita ang buong view.

"Careful..." he reminded from behind.

I nodded. Mountains, small houses and the whole wide look quiet ocean in the center of us gives me too much to see and feel. I don't know why but I really like the quiet place here where I'd only hear the bird chirps, sound of the wind and how it's blowing the ocean underneath the cliff.

While standing and scanning the view in front, I looked back to see Xanthus. Nakapamulsa ang isa niyang kamay sa pantalon habang nakatingin, he gently put the plastic bag on the other flat surfaced rock and smirked at me. Doon ko naramdaman ang aking ekspresyon habang nakatingin sa kanya, I was smiling widely and genuinely at him. Napanguso ako agad at umiwas ng tingin, lumakad ako sa malaking bato para makababa ulit at lapitan siya. He took steps forward to take my hand and support me while getting down.

Patalon akong bumaba sa harapan niya, ngumisi ako sa kanya habang nakatingala.

"Thanks for bringing me with you here, hindi ko alam na dito ka pala pupunta ngayon. Ang ganda ng view. Ang tagal na rin simula noong makakita ako ng ganitong view, e."

Buhay pa si Dad noon, kami lang namang dalawa ang mahilig mag fishing at mag sightseeing noon. Kung saan lang mapadaan na ganitong lugar, humihinto pa iyon para lang kuhanan ako ng litrato noong elementary days ko pa lang. Every weekend we'd go fishing and some other things outdoor, hindi nakakasama si Mommy dahil may hika. Iyon ang buong akala ko, hindi ko alam na bukod sa hika may iba pa siyang hobby. Ang magtaksil sa likuran namin ni Daddy.

"I thought you liked traveling much or not on the places like this?" he asked, medyo gulat pa sa sinabi ko.

I shrugged. "I don't usually travel, wala akong pera pang travel puwera na lang kung school activities at tour. Doon lang ako traveler. Pag normal days, kung saan lang mapadpad."

"You can travel without money, for this kind of free places."

"Oo, pero wala na rin akong kotse panggala kaya hindi ko nagagawa." ngumuso ako. "So, dito ba sana kayo pupunta ng girlfriend mo ngayon?"

He sighed calmly while looking at me.

"She's more into beaches, island hopping and other countries to travel." he shrugged and chuckled like it was adorable for him.

Really? Ang fancy naman pala.

Napatango ako. "Ah, mayaman siguro."

Umupo ako ulit sa bato, humarap ako sa magandang view. Naupo rin siya sa tabi ko, nakatupi ang isang tuhod niya at doon pinatong ang isa niyang braso habang ang isa niyang binti ay nakahiga naman sa inuupuan namin.

"She grew up like that."

"Ilang buwan na kayo?" I'm silently crossing my fingers that they're just in a relationship for weeks!

He chuckled.

"Three years and counting..."

Nagparte ang labi ko habang nakatingin lamang sa harapan, I blinked my eyes. What the hell? Seriously? How the fuck can he do that long term relationship!? My heart hurts for some reason I don't understand, okay... three years and counting. Ouch, that's the reason. Maybe because I'm bitter about long term relationships I couldn't even imagine myself in. Pakiramdam ko hindi para sa akin ang pagtatagal, ang pananatili ng isang tao kaya hindi ko na sinusubukan pero ngayong naririnig ko iyon. Parang nakakainggit sa hindi malamang dahilan at napapatanong ako sa sariling kakayanan.

Pagak akong natawa ng mahina.

"Uy, ang tagal n'yo na pala. Stay strong and keep going..."

May magtatagal kayang ganoon sa akin? May magtatagal kayang lalaki sa ugali o magiging ugali ko pa habang tumatagal ang pagsasama? Palagay ko wala, ako nga nahihirapan na sa sarili ko. Ibang tao pa kaya. Mommy ko nga kaya akong itaboy, ibang tao pa kaya. Ako nga gustong iwanan ang sarili ko, ibang tao pa kaya. Iyong ganoon na facts, alam ko na agad ang kahihinatnan ko kaya mahirap sumubok. My chest tightened terribly, no one can really stay with me. Sarili ko, gusto kong iwanan dahil ayoko na sa akin. How rude, Dallace.

"Thanks." he said. "How 'bout you? Do you have a boyfriend?"

I chuckled. "No time for shits."

"Shits?" natatawa niyang sambit. "Wala bang nanliligaw sayo?"

Nagkibit balikat ako, nanigas ang mga mata ko sa view kahit na parang itim na iyon. Basta, ayaw kong tumingin sa kanya dahil natatakot ako sa sarili kong ekspresyon.

"M-Mayroon naman, pero ayoko sa commitment."

"Really... why?" he asked quietly.

"I just don't really wanna be with someone temporary. Gusto kong maging committed sa taong walang balak makipagbreak kahit ano pang maging ugali ko, gusto ko kasal agad ang offer sa akin at kaya akong pagtiyagaan kahit sobrang hirap na. Iyong hindi mapapagod." my heart is twisting up because I know, there's none...

He went silent for awhile before I heard his calm sigh beside me.

"You'll find the right man for you, but you also need to be patient with yourself so you could have your fine breath. Some people isn't leaving because they're tired of us, they are leaving to teach us how to find ourselves first and stand alone for our stronger selves. It's not the person who we have the worst that makes us tired, it's the pain. It's tiring but it'd just need a rest to continue long way..."

My lips separated, I slowly turn my head to him. His lips curled a bit.

"You're not tiring even how much you see the worst of yourself only. I'm saying this because I can see how strong and brave you are, you just can't get to see your best parts yet 'cause of the people and surroundings around you but you'll eventually meet someone who can see everything the best in you..."

My nose tightened in sudden emotions that I had to calm my soft nerves I didn't expect I have just now, damn shit.

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

44.8K 1K 57
status: OPEN bcs why not cover by: Satirical_
2.4M 108K 43
SIS (Social Issue Series) #2: Stereotyping Piercing, Tattoo, Dyed Hair. Usual indications of a badass. Kapag babae ka at meron ka nito ay malamang fu...
422K 9.7K 54
Marami man ang humadlang kay Emilia at Jethro. Hindi nila hinayaang matapos ang lahat para sa kanila. Sa una palang alam na nilang hindi tamang umibi...
4.3M 103K 44
Isaac Horan jumped from a girl to another girl. He's not a Casanova. Not a typical playboy. That's just his way of finding the one he wants to spend...