SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 4 - Hello and Goodbye
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke

1K 54 2
By quosmelito

*Haru*

•••

   "Wait! Uhm, pwede ba tayong huminto saglit?"

   "Why?" Tanong ni Rain.

   "May bibilhin lang ako. Manong pakitabi lang sandali."

   "Manong? Twenty-nine pa lang ako ah." Reklamo ng driver pero ihininto rin ang taxi.

   Ngumisi lang ako at hindi sumagot. Sinadya ko talagang tawagin siya n'on para makaganti sa pagtatawa niya sa akin, alam ko naman na hindi pa siya ganoon katanda base sa itsura at tikas niya. Wala. Gusto ko lang mang-inis.

   Binuksan ko ang pinto saka ako nagmamadaling bumaba. Baka mainip ang Dark Lord ay mag-beast mode na naman.

   Lakad-takbo kong tinungo ang natanawan kong nakahilerang nagtitinda ng mga damit at agad na namili ng para sa kambal at isang bestida para kay Mama.

   "Eto ho ang bayad."

   "Salamat." Anang ale saka iniabot sa akin ang plastic.

   Tumango lang ako at agad nang bumalik sa sasakyan.

   "Whose that for?" Bungad ni Rain nang makaupo ako.

   "Sa kambal saka kay Mama. Nagpapasalubong yung kambal eh." Nakangiti kong sagot sa rear view mirror.

   Hindi siya sumagot at muli lang itinuon ang pansin sa labas. Ngayon ko lang napansin na bahagyang namumula ang pisngi niya. Hindi iyong klase ng pula na nagba-blush. Kundi parang naiinitan.

   Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon.

   Nang makabalik kami sa condo niya ay agad na kaming bumaba matapos niyang magbayad.

   "Sandali." Habol ko sa kanya nang akma siyang papasok sa entrance ng building.

   "What? I need to rest. Make it fast." Kunot-noo na naman siya.

   "Ahm. S-salamat. Dito." Saka ko itinaas ang shopping bags na hawak ko.

   Bumuntong-hininga siya saka tuluyang humarap sa akin. "Again. Iyang phone, kapalit ng nasira ko iyan. As for the clothes, hindi libre yan. Pagtatrabahuhan mo. So, stop saying nonsense things."

   Tatalikod na sana siya nang muli siyang pumihit paharap na tila may naalala.

   "Tara sa taas. Ipagluto mo 'ko." Iyon lang at tuluyan na niyang itinulak ang revolving door at pumasok.

   Wala naman akong reklamong sumunod. Saka maaga pa rin naman. Siguro ay alas-tres pa lang ng hapon.

    Nang makita kong papasara na ang elevator na sinakyan niya ay napatakbo ako.

   Hindi pa tuluyang muling bumubukas nang mabuti ang pinto ay pumasok na ako nang patagilid. Yumuko ako para tingnan kung sasabit ba ang paper bags.

   "Aw!" Daing ko nang mauntog ang noo ko sa gilid ng pinto.

   Tiningnan ko nang masama ang Dark Lord nang makarinig ako ng mahina at maikling tawa. Sa kanya lang naman manggagaling iyon dahil kaming dalawa lang naman ang sakay ng elevator.

   Pfft. Hindi na ako hinintay na makasakay, nakuha pa niyang tumawa sa pagkakauntog ko. Walang puso.

   Umayos ako sa tabi niya habang hinihilot ang nasaktang bahagi ng gilid ng noo ko. Sa pagbaba ng kamay ko ay dumampi ang likod niyon sa likod ng kamay ni Rain.

   Agad ko iyong itinaas at ihinawak sa kaliwa kong braso. Kahit saglit lang ang skin contact na iyon ay ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya.

   Bakit ganoon?

   May kuryente bang dumadaloy sa katawan niya?

   Nag-iinit ang pisnging nagpatay-malisya na lang ako at pasimpleng dumasog palayo.

   Bakit parang ang tagal naman naming makarating sa condo niya?

   Huminto ang elevator sa ikatlong palapag at nagsi-sakay ang isang grupo ng mga kabataan. Nakita kong may pumindot sa button na letter 'P' para sa pent house.

   Hindi naman sila ganoon kaingay. Pero dahil marami sila ay namalayan ko na lang na nasa sulok na kami ni Rain at magkatabi.

   Kung kanina ay bahagyang nagdampi lang ang mga balat namin, ngayon ay magkadikit na ang kaliwa niyang braso at kanan ko.

   Bakit ba ganito? Simpleng pagdidikit lang naman ng mga balat namin pero parang gusto kong pagpawisan.

   "Hey, cutie."

   Napaangat ang tingin ko sa matangkad na lalaki sa harap ko na nakaharap sa akin.

   Hindi naman sa inisip kong ako iyong tinawag niyang cutie. Na-curious lang ako dahil masyadong malapit ang boses sa mukha ko.

   "Ha? Ako?" Tanong ko nang mapansin kong sa akin siya nakatingin at nakangiti.

   "Mmm-hmm. Are you a Chinese?" Tanong niya.

   "Hindi." Nakangiti kong iling.

   "Oh. I thought you were a Chinese. Because, I'm 'China' get yo numba." Patuloy niya sabay lahad ng cellphone niya sa harap ko na umani ng hiyawan at ilang palakpak mula sa mga kasama niya.

   Ang ilan ay binatukan pa siya at tinapik sa balikat kasabay ng, "iba ka talaga, bro," "lakas mo!" "naks!" at iba pang kantyaw.

   Hindi ko alam kung mag-iinit ang pisngi ko o tatawa sa hayagan niyang pakikipag-flirt. Hindi ko rin sigurado kung seryoso siya o nanti-trip lang.

   Pero sa halip na mainis ay bahagya rin akong tumawa at nagkamot sa likod ng tenga ko.

   Isang tikhim ang nakapagpatahimik sa loob ng elevator kasabay ng isang kamay na umakbay sa balikat ko. Ang lahat ay parang iisang taong nakatingin sa amin.

   "Excuse us, boys." Walang emosyong sabi ni Rain saka ako iginiya palabas ng elevator.

   Nakarating na pala kami sa palapag ng unit niya.

   "Ouch! Taken na, brod."

   "Haha. Napapala ng playboy!"

   "Sad life, bruh!"

   Iyon ang mga kantyaw at tawanan na narinig ko bago tuluyang sumara ang elevetor.

   Hindi ko naman alam kung ano ang gagawin o iisipin. Kailangan talagang akbayan ako ni Rain palabas ng elevator?

   At ngayong magkalapit kami ay parang may kakaiba akong naamoy sa kanya.

   Alak ba iyon?

   Bakit hindi ko naamoy kanina habang isinusuot ko iyong cast niya?

   'Eh kasi pokus na pokus ka sa pangangarap nang gising!' Sagot ng isip ko.

   'Tahimik! Kalalagay lang niya ng cologne kaya hindi ko naamoy!'

   'Uh-huh?'

   Hindi iyon gaanong maamoy. Kung hindi ko siya sasamyuing mabuti ay hindi ko maaamoy ang mahinang samyo ng amoy ng alak.

   Kaya ba namumula ang pisngi niya dahil nakainom siya?

   Paano siya nakapasok sa mall kung nakainom siya? Sabagay ay mukhang antok na antok iyong guard kanina sa entrance.

   "'Wag kang tumunganga diyan. O baka gusto mong habulin iyong lalaki sa elevator at ituloy ang paghaharutan niyo?" Kuha niya sa atensyon ko.

   Hindi ko namalayang nakatayo na siya sa harap ng bukas na pinto ng unit niya. 'Di ko alam pero parang nilamig ang balikat ko sa pagkawala ng kamay niya roon.

   "Hindi ako nakikipagharutan!" Depensa ko.

   "Whatever. Igawa mo ako ng soup." Iyon lang at pumasok na siya.

   Bubulong-bulong akong sumunod sa loob at naghubad ng sandals. Hindi na ako nagtsinelas dahil carpeted naman ang sahig.

   Patamad siyang naupo sa sofa at binuksan ang flat screen TV.

   Ibinaba ko lang sa gilid ng upuan niya ang hawak kong paper bags at tumungo sa kusina.

   Naghalungkat ako ng mga sangkap na pwedeng gawing soup saka ako nagsimulang magluto.

   So, ito ba ang ibig niyang sabihing pagtatrabahuhan ko ang pagbili niya sa akin ng mga damit? Ang maging alila niya?

   Pero ayos lang, basta huwag lang niya akong uutusang tumalon mula sa rooftop ng building na ito.

   Nang maisalang ko ang lahat ng sangkap ay naupo ako sa tabi ng mesa at itukod ang dalawa kong kamay sa baba ko at matiyagang naghintay na maluto ang pagkain.

   Kumusta na kaya si Ethan? Hindi ko siya matawagan dahil sira ang phone ko. Nang huli ko naman siyang makausap ay nagmamadali siya at hindi kami gaanong nakapagkwentuhan.

   Pero kung busy siya, ibig sabihin lang niyon ay maganda ang nangyayati sa career niya sa ibang bansa.

   Napangiti ako dahil doon. Nasasabik man akong makita siya at nalulungkot na wala siya rito ay masaya pa rin ako para sa kanya.

   Tiningnan ko ang nakasalang at nang matiyak kong luto na iyon ay nagsalin ako sa katamtamang laki ng bowl at dinala sa salas.

   "Heto na." Inilapag ko ang mangkok sa center table nang hindi tumitingin sa Dark Lord. "May kailangan ka p---." Napahinto ako nang mapansin kong nakasandal siya at natutulog. Halos dumikit na balikat niya ang kanyang pisngi dahil sa himbing niya.

   "Tsk."

   Mukhang hindi siya komportable sa pwesto niya at tiyak na sasakit ang leeg niya kapag nagtagal siya sa ganoong posisyon.

   Marahan ko siyang niyugyog. "Rain."

   Hindi siya magising kaya ang ginawa ko na lang ay dahan-dahan siyang ihiniga. Dinambot ko ang isang throw pillow at maingat na ipinuwesto sa ilalim ng ulo niya.

   Saglit ko siyang minasdan.

   Mas gwapo pala siya sa malapitan. Bagay na bagay sa kanya ang balbas at bigoteng nagsisimula nang tumubo sa panga at mamula-mula niyang pisngi.

   Ang matangos niyang ilong na tila wala man lang kahit isang pore ay gumagawa ng sobrang hinang tunog dahil sa paghinga niya. Maliit din ang noo niya dahil sa maninipis na papatubong buhok sa gilid niyon.

   Ang mga labi niyang bahagyang nakaawang ay tila kaylambot. Hindi iyon pink, pula,o itim.

   Kulay Old Rose iyon na lalong nakadagdag sa malakas na dating ng mapang-akit na hugis ng mga labing iyon.

   Napalunok ako habang hindi maalis-alis ang mga mata ko sa mga labi niya.

   Pero kailangan ko lang kumpirmahin kung tama ang nasa isip ko.

   Isa lang.

   Lumuhod ako sa gilid ng sofa at muling napalunok.

   Isa lang. Hindi naman niya mamamalayan. Gusto ko lang malaman.

   Unti-unting bumaba ang mukha ko sa mahimbing na mukha ni Rain.

   Hindi ko mapigilan ang pagdagundong ng dibdib ko dahil sa nagwawala kong puso.

   Then, ginawa ko na.

   Tama ako.

   Uminom nga siya ng alak base sa amoy ng hininga niya na tumatama sa ilong ko na nakatapat sa labi niya. Lasenggo talaga.

   "Are you trying to rape me?"

   Parang may spring ang mga paa kong agad na tumayo at lumayo sa ngayon ay nakadilat nang Dark Lord.

   Mabuti na lang ay hindi ako tumama sa table kung saan nakapatong ang soup.

   "Ah. U-uhm. I-ihiniga lang kita. Kasi, b-baka sumakit iyong leeg mo s-sa ngawit. Nakatulog ka kasi."

   "Then, bakit sobrang lapit ng mukha mo sa mukha ko? Care to explain?" Naupo siya at ipinaling-paling ang ulo habang nakahawak sa leeg.

   Napakamot ako sa likod ng tenga saka alanganing ngumiti

   "L-luto na yung soup mo. A-aalis na ako." Dinampot ko ang paper bags at akmang aalis.

   "Sit."

   Alanganin akong tumalima at yumuko.

   "So?" Kuha niya sa pansin ko.

   "Ahm. Ha?" Patay-malisya ko.

   "Isang 'ha' mo pa."

   "G-gusto ko lang namang malaman kung nakainom ka. Wala akong balak na p-pagsamantalahan ka." Nakayuko kong sagot dahil ngayon ako nahihiya sa ginawa ko.

   Baka isipin niya ay napaka-usisero ko.

   Pero, inamoy ko lang naman ang hininga niya para malaman kung nakainom ba siya. Anong masama roon? Wala naman 'di ba?

   "So what if I'm drunk? May magagawa ka ba?"

   Hindi ako nakakibo dahil hindi ko alam ang isasagot.

   "Sorry." Ang tangi kong nasabi.

   Bumuntong-hininga siya habang hinihilot ang sentido. Umayos siya ng upo saka nagsimulang kumain.

   Magpapaalam na sana ako nang muli siyang magsalita.

   "Kumuha ka ng iyo. Sabayan mo 'ko. Then after we eat, masahihin mo'ng ulo ko." Hindi tumitingin sa akin na utos niya.

   Eh kung batukan na lang kaya kita para lumala iyang sakit ng ulo mo? Gusto ko sanang sabihin. Sa halip ay tumayo ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng sarili kong pagkain.

   Gutom na rin ako at mukhang masarap ang pagkakaluto ko sa soup, so why not?

   Matapos kong magsalin ay sa kusina na lang din ako pumwesto. Dapat ba tumabi ako sa kanya? I don't think so. Hindi naman kami close.

   "What are you doing?" Pasigaw na tanong niya mula sa salas dahil medyo malayo iyon at malakas ang volume ng TV.

   Nag-angat ako ng tingin. Wala namang division ang sala at kitchen kaya nagkakakitaan pa rin kami.

   "Uhm. Kumakain?"

   "Stupid. Dito ka."

   Minsan naguguluhan na talaga ako sa kung anong ugali meron ang Dark Lord na 'to. One minute mabait, the other minute nuknukan ng sungit. Kaya siguro wala siyang love life.

   'Sigurado kang wala siyang love life?'

   Kumunot ang noo ko sa naisip ko. Bakit parang ang lungkot isiping meron na siyang kasintahan?

   Tahimik akong pumwesto sa single na sofa at nagpatuloy kumain.

   "Plano mo bang kandungin 'yang mangkok hanggang sa makayari ka? Dito." Mayamaya ay sabi niya saka umisod nang bahagya.

   Kahit awkward sa pakiramdam ay tumabi ako sa kanya. Pero mukhang balewala lang naman sa kanya kahit halos ay magkadikit na kami so bakit kailangan kong mailang?

   Sa kawalan ko ng sasabihin ay nag-focus na lang ako sa panonood at pagkain.

   Maganda ang palabas, commercial pa lang ang napanood ko sa Avengers: Infinity War, pero inaabangan ko iyon. O mas tamang sabihing inaabangan ko iyong i-download ni Marie at hihingi ako ng kopya. Para hindi ko na kailangang mag-sine at gumastos.

   Mayamaya ay marahang itinulak ni Rain ang mangkok niya sa gawi ko. "Gusto ko pa. Ikuha mo 'ko."

   Gusto ko sanang magreklamo dahil hindi naman siya lumpo. Pero naalala ko ang sinabi niyang 'pagtatrabahuhan mo iyan.'

   Tumayo ako at tinungo ang kusina.

   Hindi ko naman kasi sinabing bilhan niya ako ng damit. Nakompromiso tuloy ako.

   Pero mainam na rin ito. Kung mangungutang ako sa iba, walang magpapautang sa akin ng ganoong kalaking halaga ora-mismo.

   At least, may nadagdag sa mga damit ko.

   Maingat kong ibinaba sa harap niya ang ikalawang bowl niya ng soup at muling nanood.

   Sayang, napalagpas ko iyong sumunod na eksena sa pagsakal ni Thanos kay Loki. Ano kaya'ng nangyari?

   "He killed him."

   "Ha?" Napatingin ako kay Rain.

   "Thanos. He killed Loki."

   "Ah." Nagsalita ba ako nang malakas?

   Nagpatuloy lang kami sa panonood at pagkain nang walang kibuan. Para kaming nasa sinehan. Walang pakialamanan, focused lang sa movie.

   "Tapos ka na?" Tanong niya matapos ang ilang sandali.

   "Oo."

   "Good. Move."

   Bahagya akong dumasog at nahiga naman siya. Nakaunan naman siya sa throw pillow pero ang ulunan niya ay nasa gawi ko.

   "Mamaya mo na itabi 'yan. Hilutin mo muna'ng ulo ko." Nakatagilid siya paharap sa TV at bahagayang nakabaluktot ang mga paa para kumasya siya sa sofa.

   "Ahm. May vapor rub ka ba o oil?"

   "Meron. Kunin mo sa kwarto ko. Sa side table, top drawer."

   Tumayo ako at binitbit ang dalawang mangkok at idinaan sa kitchen bago pumasok sa kwarto niya at hanapin ang pangmasahe.

   Nakita ko naman agad iyon kaya bumalik na ako sa salas.

   Sinimulan kong lagyan ang sentido at kilay niya saka iyon minasahe nang marahan.

   Ngayon ay hindi na ako makapag-focus sa pinapanood ko dahil baka malagyan ko ng vapor rub ang mata niya.

   Haay.

   Ngayon ay napapaisip ako kung ano ang tingin niya sa akin.

   Alila?

   Utusan?

   Taga-silbi?

   'Iisa lang ibig sabihin ng mga 'yon, duh!' Sagot ng isip ko.

   Hindi naman ako nalulungkot o nasasaktan sa pakitungo sa akin ng Dark Lord.

   Weird, pero.. bakit parang ang saya ko pa lalo na ngayon na minamasahe ng mga daliri ko ang noo niya?

   Wala naman siyang reklamo so sa tingin ko ay hindi naman ako palpak magmasahe.

   "Ahm. Rain?"

   "Hmm?"

   "Ahm. H-hindi naman sa nakikialam ako. Pero, ahm."

   "Spill it out. Nanonood ako."

   "Ah. Wala. Wala naman."

   Gusto ko sanang itanong kung bakit lasing na naman siya. Kagabi lang ay lasing siya. Then mukhang okay naman siya kanina sa bahay noong nag-aalmusal kami.

   Tapos, pagkahatid ko sa kanya ay uminom na naman pala siya.

    Palihim ko siyang tinitigan dahil hindi naman niya ako kita sa peripheral niya.

   Siguro ay malungkot siya?

   May pinagdadaanan?

   Kung gayon, ano?

   Bago ko pa man mapigilan ang sarili ko ay sumipa na naman ang nature ko na makialam sa problema ng iba.

   "May problema ka ba?"

   Bumaling siya sa akin at tumingala. Lahat na lang ba ng anggulo ay gwapo siyang tingnan?

   "Why do you ask?"

   "Ahm. Kasi, madalas kang na-naglalasing. Noong naaksidente ka, nakainom ka rin noon." Nag-iwas ako ng tingin dahil hindi ko matagalan ang titig niya.

   Muli siyang bumaling sa TV at kinuha ang kamay ko. Bahagya akong nabigla sa inakto niya. I swear, kamag-anak niya si Thor. May kuryente talaga eh.

   Okay. Maybe, imagination ko lang iyon.

   "Dito pa." Inilagay niya iyon sa sentido niya at balewalang inayos ang unan at tumihaya. "'Di mo pa namamasahe itong kabila."

   Umayos din ako ng upo nang makaramdam ako ng kaunting ngawit.

   "Kumakanta ka 'di ba?" Mayamaya ay tanong niya habang nakapikit. Kala ko ba nanonood siya?

   "Ahm. Medyo."

   Kinapa niya ang remote sa table. Iniabot ko iyon dahil medyo malayo. In-off niya ang TV at inilaglag lang sa carpet ang remote.

   "Nanonood ako." 'Di ko napigilang reklamo dahil maganda na ang eksena. Naroon na sa part na pinagtutulungan nina, Iron Man, Doctor Strange, Spiderman, Quill, at ng iba pa si Thanos para mahubad ang suot niyang Infinity Gauntlet.

   "We'll watch it next time."

   We?

   Oh.

   Okay.

   "Kumanta ka."

   "Ha?"

   Dumilat siya at tumingin sa akin.

   "Bagay sa iyo ang pangalan mo. Haru. Ha ka nang Ha eh." Saka siya pumikit.

   Wait. Nag-joke ba siya?

   Oh! Haha! Marunong mag-joke ang Dark Lord!

   Hindi nakakatawa ang joke niya, actually, ay napakaterible ng attempt niya, pero hindi ko napigilang mapangiti. Well, hindi lahat ng darklord ay nagjo-joke.

   Tila naghihintay siyang magsimula akong kumanta.

   Ano naman ang kakantahin ko? Saka hindi ba masyado namang cheesy na kantahan ko siya? At ang awkward naman no'n.

   Cheesy? Bakit kayo ba?

   'Yon na nga eh. Hindi kami.

   "I'm waiting." Pukaw niya sa akin.

   Huminga ako nang malalim.

   Wala namang masama kung kantahan ko siya. Kung ano-ano lang ang iniisip ko samantalang sa kanya ay balewala lang.

   Pumikit ako at inisip ko na lang na audience ko si Rain. At hindi siya si Rain.

•••

*Rain*

   "I'm waiting." Nakapikit kong sabi.

   I don't know, but suddenly I wanted to hear his voice the moment he asked me what was wrong with me. His question hit something in me that I couldn't comprehend.

   Parang gusto kong sabihin sa kanya kung ano ang pinagdadaanan ko. I wanted to pour my heart out to him. Tita Cel was always there for me, ready to listen. Pero minsan mas nakakagaan ng kalooban kapag sa ibang tao ka magsasabi ng problema mo. A stranger perhaps.

   Haru was a stranger.

   'Or was he?' Tanong ng maliit na boses sa likod ng isip ko.

   But something was stopping me, so instead of doing that I asked him to sing for me.

   There was this feeling that even I couldn't explain. It just felt like I needed someone now.

   Someone by my side, doing nothing.

   Just beside me.

   And I found Haru was a good companion.

   Then he started singing...

"I remember tears streaming down your face when I said I'll never let you go.
When all those shadows almost killed your light.

I remember you said, don't leave me here alone.
But all that's dead, and gone, and passed tonight.

Just close your eyes, the sun is going down.
You'll be alright, no one can hurt you now.
Come morning light, you and I'll be safe and sound.

Don't you dare look out your window, darling everything's on fire.
The war outside our door keeps raging on
Hold onto this lullaby even when the music's gone, gone.

Just close your eyes, the sun is going down.
You'll be alright, no one can hurt you now.
Come morning light, you and I'll be safe and sound.

Just close your eyes, you'll be alright
Come morning light, you and I'll be safe and sound.

Oh oh,
Ohhh."

   I was in awe. Every word he sang pierced through my heart painfully.

   Now I wonder kung alam ba niya ang pinagdadaanan ko. It seemed like asking him sing was a bad idea, for my tears wanted to free themselves from my eyes.

   I just lied there, with him singing me his lullaby.

   Somehow, I felt a little, just a little, at peace.

•••

*Haru*

   Tapos na akong kumanta ay nakapikit pa rin si Rain. At masasabi kong napakapayapa ng kanyang mukha.

   Napangiti ako dahil mukhang nakatulog na naman siya. Sana ay nakatulong na maalis ang sakit ng ulo niya ng pagmasahe at pagkanta ko sa kanya.

   Hindi ko siya gustong abalahin kaya naman hinayaan ko na lang siyang magpahinga. Kailangan ko na ring umuwi para hindi na ako abutan ng dilim.

   Maingat akong tumayo mula sa sofa.

   Nilinis ko rin ang mga ginamit ko sa kusina at ang pinagkainan namin. Pumasok ako sa kwarto niya at kumuha ng manipis na kumot at inilapat ko iyon sa katawan ni Rain.

   Ayon sa nabasa ko ay mas makirot ang sugat kapag malamig ang panahon. At malamig sa loob ng unit niya. Kaya naman naisipan kong bahagyang taasan ang temperatura ng aircon.

   Matapos kong siguraduhing malinis na ang paligid ay maingat kong binitbit ang paper bags at tahimik na tinungo ang pinto.

   Lumingon ako sa pwesto ni Rain pero hindi ko siya makita dahil nakatalikod ang sofa sa pinto.

   Siguro ay malungkot siya rito dahil nag-iisa lang siya. Kaya siguro ako lagi ang napagbubuntunan niya ng kasungitan.

   Sa halip na makaramdam ng inis ay napangiti ako, na ipinagtaka ko sa sarili ko.

   Siguro ay dahil nararamdaman kong hindi naman talaga masama ang ugali niya.

   Malungkot lang siya.

   At alam kong mahirap kalaban ang kalungkutan.

   Tuluyan na akong lumabas at tahimik na isinara ang pinto. Awtomatiko naman iyong nagla-lock kapag isinara kaya hindi ko kailangang mag-alala.

•••

*Rain*

   Nagdilat ako ng mga mata nang marinig ko ang pagtunog ng sumarang pinto.

   I was just pretending to be asleep.

   I know Haru was a great kid. He even put out our mess and left no single thing unclean.

   He even tucked me in.

   A smile wanted to crept up on my face, but then again, he was not Summer.

   Magkaiba sila.

   My Summer was sweet, innocent, pure. While Haru, why am I even comparing them?

   No one could compare with Summer.

   Tumayo ako at tumungo sa balkonahe saka tumingin sa ibaba. Kahit sobrang liit ng imahe ni Haru mula sa kinaroroonan ko ay hindi maipagkakailang siya iyong nagbibisikleta palayo.

   Something was nagging at me.

   'He's a sweet boy. Admit it, you stupid punk!'

   Whatever. Pumasok ako at dumiretso sa kwarto para matulog.

•••

*Haru*

   "Ma, hindi 'to regalo no. Babayaran ko 'to."

   Pinipilit kasi ni Mama na regalo sa akin ni Rain ang mga laman ng bitbit kong paper bags at gustong mag-init ng pisngi ko sa nanunukso niyang ngiti.

   "Hmm. Diyan nagsisimula 'yan."

   "Kuya thank you sa pasalubong ah?" Singit ni Jinn.

   "Salamat, boo." Segunda naman ni Junno.

   Napapangiti kong ginulo ang buhok nilang dalawa. "Aba, marunong na kayong mag-thank you ngayon ah?"

   "Eh, kasi kuya.." Ani Jinn na tila nag-aalinlangan.

   "Sabihin mo na." Susog ni Junno.

   "Ikaw na."

   "Bakit ako? Sabi mo ikaw?"

   "Ano ba 'yon?" Tanong ko dahil tiyak na hindi kami makakayari sa paghihilian nila.

   "Eh, may field trip kami sa Biyernes, Kuya, pwede ba kaming sumama?"

   "Please?" Dagdag ni Junno na pinalungkot pa ang mukha.

   "Saan? Saka bakit sa akin kayo nagpapaalam. Kay Mama kayo magsabi." Saka ko nilingon si Mama na nakangiti. "Nagpaalam na sila." Hindi iyon tanong, na sinagot ni Mama ng tango.

   "Payag na si Mama. Ikaw na lang. Nakalimutan kasi naming sabihin kanina, kasi nandito yung boypren mo."

   "Pers taym namin 'to Kuya. Kaya pumayag ka na. Gusto mo masahihin ka namin mamaya. Di ba, Jinn?"

   "Oo naman!"

   "Hoy, kayong dalawa. Hindi ko boyfriend si Rain, boss ko siya. BOSS. Okay? Nakakahiya sa tao, baka kung ano isipin no'n." Wari ay pagalit ko sa dalawa.

   "Pero payag ka na, Kuya?" Balewalang patuloy ni Junno.

   "Sa isang kondisyon."

   "Ano?" Panabay nilang tanong na tila handang makinig habang nakatingin sa akin ang umaasang mga mata.

   "Isasama niyo si Mama." Ang ine-expect ko ay sisimangot sila at aangal pero sa halip ay nag-apir pa sila.

   "Kasama naman talaga si Mama."

   "Saka 'yong ibang parents ng mga classmate namin."

   Nangingiti akong napatingin kay Mama.

   "O sige. Susweldo na ako sa Martes. Tamang-tama, may maibabayad na kayo."

   "Yes!" Sabay nilang reaksyon.

   "Pero mamaya imamasahe niyo likod ko."

   "Sure! Easy."

   "Basic!"

   Kunot noo akong napangiti sa sagot nila. Kabataan talaga ngayon.

   Tumingin ako kay Mama nang mapansin kong nakatitig siya sa akin.

   "Bakit, Ma?" Nakangiting tanong ko.

   "Wala naman, anak. Hindi man ako sinwerte sa asawa ay sinwerte naman ako sa anak."

   Nangingiti akong lumipat sa tabi niya habang ang kambal ay iniwan kami sa kusina at tumuloy sa kwarto para isukat ang binili ko sa kanila.

   "Ma, swerte rin naman kami na ikaw ang Mama namin. Bakit kamo?" Inakbayan ko si Mama.

   "Oh, sige bakit, anak?"

   "Eh kasi hindi mo kami ipinamigay, ang dami kayang single parent diyan na iniiwan lang ang mga anak dahil hindi nila kayang buhayin."

   "Iyon ang hindi ko kayang gawin anak."

   "Kaya nga swerte rin kami, Ma. Hindi man kumpleto ang pamilya natin sa bilang, pero kumpleto naman tayo sa mas malalim na ibig sabihin ng pamilya.

   "Saka, mukhang magkaka-'Papa' na kami." Dagdag kong tukso sa kanya.

   "Anak, ang mabuti pa ay mamahinga ka na. At ako na ang bahala sa kinainan natin." Pag iiba niya ng usapan.

   Itago man ni Mama ay ramdam kong may pag-asa si Mang Bert base sa pag iiba ng kulay ng pisngi niya sa tuwing tutuksuhin ko siya sa butihing ginoo.

   "Ayieee." Patuloy kong tukso.

   "Tigil-tigilan mo ako Haru. Ang asikasuhin mo ay ang boss-cum-boyfriend mo."

   "Ma naman!" Hindi ko alam pero bakit ba nag-iinit ang pisngi ko kapag sinasabi nilang kasintahan ko ang Dark Lord?

   "Sino na ngayon ang kinikilig?" Tumawa si Mama sa mapanuksong paraan saka nagsimulang maghugas ng plato.

   Ako? Kinikilig?

   Hindi 'no!

•••

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
61.4K 3.8K 37
Ating tunghayan ang kwento ni Keil at ang kanyang 10 years na unrequited love sa kanyang kababatang si Davien. Mauwi kaya ito sa isang masayang pagm...
154K 5.8K 28
Covered By: Ate Daphne