MR. STRANGER (COMPLETED)

By THURNIE

428K 11.7K 350

Rated Spg!! Mature content so be aware of some scenes or words that will be offend you. Once upon a stupid... More

notes
Teaser
Prologue
1.flashback
2. Andria the palaka
Chapter 3.
4. Back to work
chapter 5.
chapter 6.
Chapter 7.
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16 (spg)
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOGUE
READ ME

Chaptet 8.

12.2K 396 6
By THURNIE

Sana suportahan nyo ang kwentong ito until the end through votes and comments. Paki follow din ako kung okay lang. Thanks...

Unedited;

SHANLIE

Maaga akong gumising upang makahanda ng agahan.

Nasa hapag kainan na kami. Hindi ko alam kung anong nakain ng hinayupak na ito at hindi pa siya umalis. Galit parin ako sa kanya. Pinag alala ka niya ako kahapon. Sinama ba naman niya ang mga anak ko nang hindi ko nalalaman. Hassyt!!!

Magkatabi kami ni prince at siya naman ay nasa tapat ko, habang nasa tabi naman niya si princess.

Tahimik lang kaming kumakain.
Si Princess ang bumasag sa katahimikan.

"Your beautiful mommy ko. "
Tss!! Alam ko na galawan ng anak ko. Basta naglalambing yan may kailangan.

"What is it sweety? " tanong ko sa kanya. Medyo yumuko pa ito.

"Can I call him daddy? " napaubo ako sa tanong ng aking anak. Sa dami naman puwedeng itanong, yun pa talaga. Bumara ang kinakain ko sa aking lalamunan. Kaagad akong inabutan ni Tyler ng tubig. Kinuha ko at ininum ito.

Nakakainis kasi ang lalaking ito nasa tapat ko. Grrrr...... Kung hindi papansin ,eh di sana di naisip ng anak ko ang bagay na iyon.

"Princess, let's talk it later. Okey? Finish your food first."
Hindi na siya umimik sa sinabi ko.

Pagkatapos naming mag-agahan, hinugasan ko ang mga pinagkainan namin. Sila maman ay bumalik sa sala.
Narinig ko ang tawanan nila.

Tsk! Wala bang balak umalis ang asungot na ito. Nahihirapan tuloy akong gumalaw sa sarili kong pamamahay. Grrrr!!!! Nakakailang naman kasi ang presensya niya. Lalo na't kung magkalapit kami, bigla nalang kumakabog ang puso ko ng mabilis . Hindi ko talaga maintindihan eh.

Pagakatapos Kong maghugas ng mga pinggan, lumapit ako ng ilang metro sa kinaruruonan nila.

Nakakainis na. Promise, nakakainis talaga. Eh paano ba naman kasi, hindi man lang ako napapansin ng mga anak ko
ngayon dahil sa asungot dito sa bahay namin. Tsk!

Nagtatawanan ang mga ito habang si Princess ay nakakandong Kay Mr. De Zeru.
Si Prince naman ay namumula na ang mukha sa kakatawa sa tabi nila.
Para silang mag ama na masaya.

Ngayon ko lang nakitang ganoon kasaya ang mga anak ko. Kahit hiindi nila sasabihin sa akin, nakikita ko yun sa mga mata nila. Lalong lalo na si Prince. Ngayon ko lang siyang nakitang tumatawa na nagniningning ang mata at si Princess naman ay abot tainga ang ngiti.

Napabuntong hininga nalang ako sa kahit anong bagay na pumapasok sa aking isipan. Bigla akong nalungkot. It's my fault kung bakit wala akong ipapakilang totoong ama sa mga anak ko. Naglandi lang isang gabi may nabuo kaagad but I never regret of what I had done.
Sila ang naging dahilan kung bakit ako nagpatuloy sa buhay.

Lalo lang namang gumagwapo si Mr. De Zeru sa tuwing ngumingiti na may halong tawa.
It's my first time saw him like that. Because sometimes every time I saw him, his always serious and beast mood.

Tumingin ako sa kanila at tumikhim ng mahina.

"Arhhemm''

Sabay sabay silang tatlo bumaling sa gawi ko. Napansin kong naging seryoso naman mukha ng bwisita naming. Tssk! Moody lang ang peg??!!

"Mommy! Come over here.! " Bibong tawag sa akin Princess.

"Yes mom, come here. Daddy Tyler have some joke and it is funny. " Segunda pa ni Prince.

Habang si Bwisita namin tahimik na nakatingin sa akin. Nakakailang ang mga titig niya sa akin.

At tsaka, close na din sila ni Prince, anak naman ng tokwa oh! Ang bilis kuhanin ang loob ng mga anak ko. At marunong din pala siyang magjoke.

Habang papalapit ako sa kanila bigla namang nagaalburuto ang tibok puso ko. Kinakabahan ako. Hindi ko nalang ito pinasin bagkus ipinagpatuloy ko lang ang aking paghakbang papunta sa pwesto nila.

Umupo ako sa isang sofa sa isang side. Huminga mona ako ng malalim bago nagsalita.

"Ahm, mga anak pwede ba monang pumasok mo na kayo sa silid natin. Eh kakausapin ko lang ang bisita natin."
Wika ko at sabay tingin sa mga anak ko na may pinapahiwatig.

"Yes mom" sagot ni Prince.

Si Princess naman parang walang naririnig. Nanatili lang itong nakayap ng mahigpit Kay Mr. De Zeru. Nakita Kong niyakap din siya pabalik.

"Sweety. " tawag ko sa kanya.

Narinig kong nagbulungan pa ang mga ito bago sila naghiwalay. Humalik pa si Princess sa pisngi ni Tyler bago umalis ito sa kandungan niya.

Malawak ang ngiti ni Princess ng humarap ito sa akin. Lumapit sa akint at tumingkayad pa siya upang halikan ako sa pisngi.

"Bye daddy Tyler. "
Kumaway pa ito bago tuluyang humakbang papunta sa silid namin.

Nang makaalis ang mga anak ko titig na titig ito sa akin, pero hindi ako nagpatalo, sinalubong ko ang mga titig niya. Tsk! Ano kala niya sa akin, talunan? Tsk!
Kahit na nakakabighani ang asul niyang mga mata ay hindi ko ito aatarasan no?

Siya na rin mismo ang unang umiwas ng tingin sa aming dalawa. Timungin pa ito sa kanyang wristwatch bago inangat ang mukha.

"What do you want to talk about? " seryoso niyang wika. Tsk! Naamnisya na siya kaagad. Kengena naman oh!
Nang titigan niya ako ng matalim, bigla akong napaiwas ng tingin. Kinakabahan ako eh.
Kumuha mona ako ng lakas bago nagsalita.

"You can go now and don't ever, never show up your face to my kids! And don't you dare to do it again like what you had done yesterday.! Because you have no right to do it.! You got it!!!!" Singhal ko sa kaniya. Ngayon ko lang inilabas ang sama ng loob ko sa kanya simula kahapon.

Nakita ko ang paggalaw ng kanyang panga.

"Do you think that I have no right to them.? " napailing pa ito na para bang may mali ang sinabi ko.
"I have a righ because I am th......... " Napahinto ito pagsasalita ng biglang tumunog ang kanyang phone.

Narinig ko ang pagbuntong hinga niya bago kinapa ang kanyang cellphone sa bulsa to answer it.

Hindi na ito umalis sa inuupuan. "Hello." Sagot nito sa tumatawag. "Yes, wait me there. Pupunta ako." Yun lamang tanging sinabi niya at ibinaba na nito ang cellphone. At muli itong bumaling sa akin.

"I need to go. Let's talk in other time. Maybe tomorrow."
Saad niya at napatayo ako kaagad.

"We don't need to talk again. Basta wag mo lang kakalimutan what I said earlier." Inirapan ko siya at sabay lapit niya sa akin.

Bigla akong nataranta sa paglapit niya kaya napa atras ako. Matalim ang titig niya. Atras ako ng atras hanggang sa naramdaman ko na ang malamig na pader sa aking likod. Ilang pulgada lang ang lapit ng aming mukha. Konting maling galaw ko ay magdadampian ang mga labi namin. Amoy na amoy ko ang mabango niyang hiniga.

Napalabi ako bigla. Sinubukan ko siyang itulak pero wala nangyari. Nahawakan niya ng mahigpit ang aking mga kamay. Inilapit niya ang kanyang mukha sa aking tainga. Dikit na dikit ang aming mga katawan at ramdam na ramdam ko ang mainit niyang hininga. Sobrang bilis ang pintig ng aking puso ngayon.

"You like it or not. We are going to talk tomorrow. And about what you said earlier, wala akong susundin. "
Bulong into sa aking tainga.
Nagtaasan ang mga balahibo ko.
Inilayo niya ang kanyang katawan sa aking pero nanatili paring hawak niya ang mga kamay ko. Imigting pa ang panga niya.
"Damn it! Don't you dare to come again on your work. I already sent your resignation letter to that fucker." Napakunot noo ako. Ang hilig magmura ang asungot na ito. At sino ba siya ha? Pati ba naman trabaho ko pinapakialaman. Tinawag niya pang fucker si Xander . Kahit playboy yun mabait naman siya.

At nagbigay na siya ng resignation letter. Tsk! Eh wala na nga akong trabaho ngayon. Siya pala ang may pakana kaya ako tinanggal ni Xander sa trabaho.

Biglang kumulo ang dugo ko. Inipon ko ang buong lakas ko sabay kumuwala sa kanya.

"Sino ka ba sa akala mo ha?? Sino ka para pakialaman ang trabaho ko at ang buhay namin ng mga anak ko. Bago lang kitang nakilala pero kung umasta ka parang alam mo ang lahat.!! "
Hindi ko namalayan tumutulo na pala ang mga luha ko. "I hate you!!! Umalis ka na!! At wag na wag ka ng bumalik dito!!! " bulyaw ko sa kanya at pinaghahampas ko siya dibdib gamit ang aking mga kamay.
Hindi ko na napigilan ang hikbi ko. Napaiyak na ako sa sobrang galit sa kanya. Mawawalan ako ng magandang trabaho nang dahil sa kaniya.

Hindi ko alam ang gagawin ko kapag tuluyang mawala sa akin ang aking trabaho. Dahil ko kinukuha ang pang araw araw namin ng mga anak ko.

Hindi siya umimik at patuloy parin ako paghahampas sa kanya. Pero hindi siya natinag nanatili lang itong nakatayo. Hanggang sa ako na mismo ang sumuko sa paghahampas sa kanya. Masakit na sa kamay eh. Parang bato naman kasi ang hinahampas ko eh.

Napahawak ako sa 'king buhok at napaupo sa lapag.

Naramdaman ko nalang ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. Umalis na siya. Sana hindi na siya bumalik.

------🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌺🌻🌻

Votes and sharing your thoughts is highly appreciated.

TYLER CADE DE ZERU.......... AKIN KA NALANG...... AHAHAHHAHA...... JOKE ONLY.,, PARA KAY SHANLEI NA YUN EH..

Continue Reading

You'll Also Like

142K 3.4K 54
What will you do if you end up in someone else body?
116K 4K 16
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
52.6K 2.8K 23
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...