Lost and Found

By peachxvision

299K 13.1K 6.4K

He was looking for love when he found something else. She found love while losing something else. More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37

Chapter 24

6.7K 262 203
By peachxvision

TALONG<3

Good morning, pinapanTASHA ko. Hahaha may score na agad ako! Ingat kay Baste. Hinuhuli niya talaga na tayo na e hahaha

5:37


Theo - 1, Tasha - 0. Korni mo po. Iloveyou . . . nagpapa-THEO-bok ng puso ko HAHAHA ano Theo - 1, Tasha - 3

5:43


TALONG<3

Bakit 3 pts yon? Pilit na pilit nga e dapat minus 1 yon hahah. Ligo na para makapasok nang maaga at makita na kita. Ano pala ulam? May dala akong pastillas

5:45


Ilang araw na kaming ganito . . . at ganito pala yung pakiramdam. Magkikita kami sa school, magreresume yung asaran, dadalhan ko siya ng baon, magtutulungan kami sa assignment . . . mga ganon effect. Nag-aasaran pa rin kami, pero maraming nakakapansin na may "nagbago" sa 'min. Para na daw kaming "tunay" na in a relationship. Hinahayaan lang namin kasi totoo naman. Haha!

Pinakapaborito kong parte ng araw ay uwian. Maglalakad kami tapos tatambay kami saglit doon sa tindahan malapit sa kanila-ang saglit naming medyo one hour and thirty minutes. At yep, this time, ako na ang naghahatid sa kanya. Siyempre, mas gusto ko siya makasama nang matagal. Kung doon kasi kami sa may amin tatambay, mas malaki yung tiyansa na makikita kami. Noong una tumanggi siya, pero nang sinubukan namin isang beses at nag-enjoy lang talaga kami magkasama, pumayag rin naman basta ihahatid niya ako sa sakayan. Isa pa, mas kampante ako na makita siyang safe. Pag nakauwi naman ako, magtetext rin naman ako.

"Hoy," sabi ko nang nakita kong kumakalikot siya ng cell phone koi sang beses na tumatambay kami. "Anong ginagawa mo diyan?"

Nakita ko siyang hinahalungkat yung kalendaryo ko sa e-mail ko. Nakita ko na may nilagay siya sa anniversary namin: Ipaalala kay talong na may ibibigay siya sa 'kin.

"Luh? Ano to?" tanong ko.

"Anniv gift," sagot niya.

"Agad?" natatawa kong sabi. "Bakit, natatakot ka na baka makalimutan ko?"

Ngumiti siya. "Oo, makakalimutin ka pa man din."

Sinandal ko yung ulo ko sa balikat niya at saka nag-iba ng topic. "Sorry kung ano ha . . . medyo hindi pa tayo legal kina Mama at Papa. Pero promise, kapag eighteen ko, sasabihin ko na sa kanila."

"Magdedebut ka ba?" tanong niya.

"Parang ayoko. Pera na lang."

Natawa siya. "Shet, wais ng future wife ko."

"Alam mo, ikaw, puro future yang napaghahandaan mo ah."

"Siyempre. Di naman mahirap yon lalo na kapag sigurado ka na sa makakatuluyan mo."

Pinalo ko siya sa braso, yung palo na hala ang harot ng sinabi mo pero kinilig ako.

"Aray ko," sabi niya habang natatawa. "Sige lang, paluin mo pa ako."

"Bastos."

"Hala siya! Anong sinabi kong bastos?"

Ganyan. Ganyan kami. Kami pero may tawanang halo kaya ewan . . . sana ganito lagi. Naalala ko tuloy noong nakita ko si Ate na umiiyak sa kwarto namin dati dahil sa ex niya. Sana . . . sana di mangyari sa 'min yon. Naniniwala naman ako kay Theo.

"Hoy, eight thirty na ng gabi," sabi niya. "Tara na."

"Shocks," sabi ko nang tiningnan ko yung relo ko. In-off ko kasi yung cell phone ko para di ako matawagan ng kahit sino. "Bakit ba kasi ang bilis ng oras kapag kasama kita?"

"Ganon kasi yon kapag na-e-enjoy mong kasama yung tao-di mo na namamalayan yung oras."

"Parang kararating lang natin e."

Tumayo na kaming dalawa. Hinalikan niya ako sa noo na talaga namang nagpaikot sa mga caterpillar ko sa tiyan. Pinakagusto kong ginagawa yung parang itatapat niya yung ilong niya sa ilong ko.

Siyempre, ang finale . . .

"You may now kiss the oily bride," sasabihin niya.

Noong unang beses, pumalag pa ako. Pero this time, hindi na. Ngingiti na lang, at parang nasa script, sasabihin ko, "Mr. and Mrs. Eggplant Omelette."

Magkahawak kami ng kamay na papunta sa sakayan ko.

"Nga pala, di ako papasok bukas," sabi ko. Prom na kasi bukas. Sino ba talagang papasok sa ganitong lagay? Ang utak naming lahat ay nasa kung paano kami magmumukhang fresh kahit pasahan na ng mga projects next week. "May papasok kaya?"

"Papasok ako. Di na kailangang magpapogi."

Nagpaalam na kami at sumakay na ako pauwi. Ang weird no? Yung kakahiwalay lang namin pero kukuhanin ko kaagad yung phone ko para magtext na akala mo naman di kami nagkita.

Ganito ba talaga to?

***

TALONG<3

Good morning sa pinakahot na mantika na kilala ko! Nakaputi ka ba mamaya? Idiretso na kaya kita sa simbahan? >:) Iloveyou!

5:28


Napangiti ako sa text niyang yon. Ang aga-aga, kahaharot? Haha.


HAHA ang basa ko pinakahot as in parang pinakamot haha. Pinaka-hot pala. WEEEEH. Mag-iinit talaga ako kung di ako first dance mo hmf. Aga mo magising. loveyouuu

7:09


TALONG<3

loveyou lang? Asan yung i? Sino may mahal sa kin? :( School na ako. Wow sasampu lang ata kami sa batch

7:10


ILOVEYOU<3<3<3 Pa-pogi ka po mamaya. Ay talaga hahaha yan kasi pumasok pa kayo e

7:11


TALONG<3

Di na kailangan basta gwapo ako sa mga mata mo ;)

7:12


Gwapo ka naman lagi. Hehehehe. Uy alam mo ba! Muntik na makita ni mama call mo kagabi shocks. Anyway sige tulog na me ulit hehe. Beauty sleep. Ilan kayo sa section?

7:13


Hinintay ko yung reply niya pero di naman dumating kaya natulog na lang ulit ako. Mga tanghali na ako nagising at wala pa rin siyang text. Baka nawalan ng load?

Anyway, mga bandang three ng hapon, nagsimula na akong mag-ayos. Siyempre, nagpaparlor at lahat. Sinuot ko yung pula kong gown. Alam ko namang wala akong tiyansa maging prom queen at di ko rin naman pinapangarap yon. Napangiti lang ako na nag-iba lang itsura ko.

Naka-half ponytail ako pero may kulot sa baba. Gusto kasi nga ni Theo na naka-ganon ako. Tapos halos naligo ako ng pabango sa leeg para kapag sinayaw niya ako, mabango-bango ako. Haha.

Pagpunta ko doon, una kong nakasalubong si Eli. Nakakatawa kasi reklamo siya nang reklamo sa gown niya.

"Hindi kasi ako dapat nakagown e," sabi niya. "Naka-tuxedo talaga dapat ako. Kung di lang talaga sa bonus!"

"Ganda mo kaya," sabi ni Allen. "My type of girl."

"Kinikilabutan ako sa sinasabi mo."

Inikot ko lang yung mga mata ko at ngumiti. Siyempre, hinanap ng mga mata ko yung prom date ko.

"Uy," sabi ni Eli sa 'kin, "bat di ka pumasok?"

"Ha?" sabi ko. "Bat ako papasok? Beauty rest ako no. So pumasok ka kanina?"

"Oo."

"Dapat papasok din ako eh," singit ni Allen, "kaso tinamad ako."

"Tsh, ganyan ka naman eh," sabi ni Eli habang kinakamot pa rin yung sa may hita niya dahil ata sa kati ng gown. "Pero andito kasi si Theo kaya akala ko andito ka rin."

"Ah . . . hehe, hindi naman umiikot mundo ko kay Theo, no," sabi ko kahit niloloko ko lang sarili ko sa utak ko.

"Buti naman. Sila lang naman ni Cat ang magkasama kanina."

Napatigil ako. "S-si Cat?"

Napatingin silang dalawa sa 'kin. Ewan ko kung bakit ganito yung pakiramdam ko bigla. Nawala na to simula noong field trip, pero heto na naman, bumabalik yung mainit na pakiramdam na parang sumusunog sa laman-loob ko.

"Nag-ce-cellphone ba siya kanina?" tanong ko.

"Huh? Bakit? Di ko alam e. Di ko na masyado pinansin."

Bigla akong natahimik. Sakto namang nakita ko si Cat na nakaputi, pangiti-ngiti sa mga kaibigan niya. Nakakainis na pumasok siya pero ang ganda niya pa rin. At ako, eto, nag-beauty rest na pero malapit na mag-smudge yung eyeliner sa 'kin dahil parang naiiyak ako.

"Uy, okay ka lang?" tanong ni Allen.

"Y-yup," sagot ko. "CR lang ako."

Pero hindi talaga ako nag-CR. Pumunta lang ako sa mga magulang ko (yes, manonood sila ng prom ko) at kinuha yung pamaypay. This way, kung dumating man si Theo, hindi niya muna ako malalapitan.

At sakto, nakita ko siyang dumating. Nakakatawa dahil violet yung suot niya. Ano to, pinanindigan ba talaga niya yung pagiging talong niya?

Nag eye-contact kami, pero tumingin ako kaagad kay Papa, kunwari may tinitingnan sa bulsa niya. O kahit ano na lang na topic. Isa pa, malapit ako sa magulang ko. Hindi naman niya ako mapapupunta-

Wait . . . WAIT. Papunta ba siya sa 'kin? OMG no.

Lumunok ako ng laway nang naramdaman kong nasa likod ko siya. Yung puso ko, sobrang bilis ng tibok. Nakita kong napatingin yung mga magulang ko sa kanya na parang nagtataka kung bakit may lalaki sa likod ko.

"Hello po, ma'am, sir."

MA'AM SIR? Ano, kukuhanin ba niya order nina Mama at Papa? isip-isip ko. Siguro kinakabahan din to. Napakagat ako sa labi at umikot yung mga mata ko dahil sa stress. Nagbuntonghininga ako. Ayoko makita yung mukha nina Mama at Papa. Malamang, matataas na rin kilay ng mga 'yon.

"Ano po kasi . . . prom date ko po si Natasha," pagpapatuloy niya.

Tumingin sa 'kin si Papa. "Wala ka namang binabanggit na prom date. Meron pala non?"

"Ano . . . Pa," sabi ko, "hindi naman compulsory pero kasi . . . ano . . . peer pressure e. S-sige po, una na po kami. Tara, Orpheus, pila na tayo."

Gusto ko kilabutan sa sinabi ko. Orpheus ano. Kailan ko ba siya tinawag nang ganon?

Nang medyo marami ng tao, humiwalay na ako sa kanya. Napansin niya naman agad yon kaya hinila niya yung braso ko.

"Ano ba," reklamo ko. "Makikita tayo nina Papa."

"May problema ba?" tanong niya. "Ba't parang ang cold mo?"

"Cold? Anong cold pinagsasasabi mo diyan?"

"O, ayan. Ayan."

"Bahala ka nga," sabi ko sa kanya at pumila ako. Hinabol niya ako pero wala . . . wala na ako sa mood. Nanginginig ako sa galit dahil sa nalaman ko. Ang daming umiikot sa utak ko.

Nag-umpisa na yung program at di pa rin ako nangungusap. Natural, wala ako sa top 10, pero si Theo andon. Proud girlfriend, gusto ko sanang sabihin, pero naisip ko na naman yung nangyari. Dumidikit ako kay Tanya at lumalayo sa kanya. Maya-maya, napagtanto ko na di na rin niya ako nilalapitan. Hinanap ko siya sa malayo, at iyon, nakikipagusap siya kina Baste. Ang malala, nakita ko rin Cat na papunta sa grupo nila.

Anong problema ng pusang yon?

Self, kalma. Kalma, okay? Ang mga mantika, hindi nakikipagcatfight. Tumatalansik lang from afar hanggang sa mapaso yung target.

Wala, nabuang na ako. Ano ba tong pinagsasasabi ko?

At iyon na nga, nakita ko silang nag-uusap, patawa-tawa. Ah ganon ah. Tawa-tawa ka pa diyan. Ewan, nanginginig ako sa galit . . . o selos. So much for a prom night.

Umikot ako para makaiwas sa kanila. Nangingilid yung luha ko. Di ko na alam kung anong gagawin ko sa mga nararamdaman ko. Kailangan ko lunukin tong selos ko para maging okay kami. Isa pa, baka naman kasi friendly lang, di ba?

Papunta sana ako kina Mama nang nakita ko yung lalaking may gray na buhok na nakita ko dati.

"Uy!" bigla niyang sigaw sa 'kin.

Naglakad ako kasi nakalimutan ko na yung pangalan niya.

"Tasha, tama?" tanong niya.

Tumango ako. "S-sorry nakalimutan ko na kasi name mo. Ano nga ulit?"

"Ganda mo sa suot mo ah," sabi niya.

Ngumiti ako. Yung gusto kong marinig sana kay Theo, sa iba ko narinig. "Haba naman ng pangalan mo, Ganda Mo sa Suot Mo Ah,' sagot ko.

Natawa siya sa sinabi ko. "Maganda rin naman kasi nagsusuot," sabi niya.

Bakit ba ako nalalapit sa mga pa-fall?

"Apelyido mo ba yon?" pabiro kong tanong.

"Mukhang parehas pala tayo ng univ."

"Wow, Bachelor in Small Talk, major in Changing of Topic," sabi ko na natawa siya. "Pero hindi mo pa rin sinasagot kung sino ka."

"Di mo naaalala pangalan ko? Ouch. Madali lang ba talaga ako kalimutan?"

"Teka, bat ka andito sa prom namin?" tanong ko.

"O, sinong may major in changing of topic?"

"Never mind," sabi ko, medyo paalis na at baka makita ako nina Mama. "Sige, una na-"

"Napadaan lang ako. Na-curious sa event. At iyan, nakasalubong na kita."

"Aaaah . . ."

Iaabot na sana niya yung kamay niya nang nakaramdam ako ng hawak sa may balikat ko. Sa loob ng isang segundo, biglang nasa likod na lang ako ni Theo. Napaatras yung kamay ni Hudson.

"Bakit ka andito?" tanong ni Theo.

"Napadaan lang, E . . . ," sabi ni kuya na gray ang buhok, sabay tingin sa 'kin. "Biglang napadaan tong si Tasha e, parang mukhang di siya masaya sa event na to." Tumingin siya sa 'kin at saka tinuloy yung sinasabi niya, "Sino ba kasing gunggong ang ka-date mo dito at iniwan ka?"

Nanlaki yung mata ko. At dahil nakatalikod naman si Theo sa 'kin, tinuro ko siya.

"Ah . . . ikaw pala," gatong pa niya.

Bwakang naman na makapaglagay ng asin tong isang to sa sugat. Ano na? Deep inside, nagpapanic na ako. Napatingin sa 'kin si Theo.

"Kilala mo ba kung sino to?" tanong ni Theo.

"Si . . . Ganda ng Suot Mo," sagot ko. Etong gray ang buhok, biglang natawa, kaya napatawa rin ako. Pinigilan ko talaga, promise.

"Ha? Ano, close na kayo bigla?" tanong ni Theo nang pagalit na nagulat ako.

"Teka, bat ka ba nagagalit?" tanong ko. "Di ba ikaw tong hindi nagrereply tapos kasama mo pala si Cat buong araw?"

Nakita kong napataas ng kamay si kuya gray ang buhok. Tumalikod ako at umalis. Narinig ko pa siyang sabihin na "Hudson! See you sa univ!" pero di ko na siya pinansin.

Nasa may dance floor na ako nang napahawak sa 'kin si Theo.

"Ano yon?" tanong niya.

"Anong 'ano yon'?"

"Yung kay Cat?"

"Si Eli ang nagsabi kanina. Kaya ka siguro hindi nagrereply. Kasama mo kasi si Cat."

"Ano ba, Tasha. Wala lang yon."

"Wala lang mo mukha mo."

"Tasha," sabi niya nang patalikod ako sabay hawak sa kamay ko, "nagseselos ka ba?"

"Ay hindi. Tuwang-tuwa nga ako na magkasama kayo ng babaeng nakasama mo noong bakasyon at umamin na may gusto siya sa 'yo," sabi ko na may sarcastic na tono.

"Isa," bilang niya.

"Ano ako, bata para bilangan mo?"

Bigla na lang siyang umalis. Nagulat ako pero nagkunwaring hindi nang ginawa niya 'yon. Ako talaga ang pinag-walkout-an?

Sumikip yung dibdib ko. Nag-away lang naman kami sa prom night namin, ano? May nakakakita ng ibang taga-batch naming yung bulungan naming sagutan kanina, pero wala na akong pake. Bumalik na lang ulit ako sa table ko at kumain nang kumain.

"Oy!" sabi ni Paul nang nakita niya akong sunod-sunod ang subo ng kanin. Kakatapos lang niya isayaw isa sa mga kaklase naming. "Dahan-dahan lang! Mabibilaukan ka niyan."

"Wolo okong poko," sabi ko habang walang poise na nagsalita na may pagkain pa sa bibig. Tapos maya-maya, napansin kong nakatingin sa 'kin silang lahat na nakangiti. Problema ng mga to?

Saka ko lang nakita na andon na si Theo na naka-kitchen gloves-teka, bakit siya naka-kitchen gloves?

"Hiniram ko to kay Madam Karina (yung TLE teacher namin). Wag ka na tumalansik," sabi niya. "Napapaso ako."

Nag-yii yung mga tao at pinatahimik ko sila. Hinahanap ko sina Mama at Papa dahil for sure, nakikita nila to. Ang hirap kiligin pag may tinatago.

"Sayaw na tayo, please?"

Bago pa man lumala yung tuksuhan, kinuha ko yung kamay niya na naka-kitchen gloves at sumayaw kami. Mabagal lang.

"Sorry na kung nagalit ka," sabi ni Theo. "Wala kasi akong load. Naisip ko na nagbi-beauty rest ka rin. Di ka rin naman nagtext e."

Di ako nagsalita. Iniisip ko kung anong sasabihin ko.

"Grabe kaya yung kaba ko nang hinaram ko sina Mama at Papa. Natawag ko pang ma'am, sir."

Napangiti ako.

"Yii . . . ngumingiti na."

Pinipigilan kong ngumiti, pero bumigay din ako. Pinisil ko yung ilong niya.

"Congrats kanina," sabi ko.

"Saan?"

"Nakasama ka sa top 10. Akala ko nga prom king ka na e."

"Asa," sagot niya. "Sinadya ko magpapangit para di maging prom king kung iba lang din naman magiging reyna ko."

Pinalo ko siya sa braso dahil sa kilig. Alam naman na niya yon. Pero siyempre, di ko pa rin pinalagpas yung issue. "Wala. Iniiba mo e. Ano, when the cat is away, the eggplant comes to play with the cat?" tanong ko.

"Wag kang magpauso ng kung ano diyan," sagot ni Theo. "Di lang naman ako talong a. Tortang talong ako. Kailangan ko ng mantika para mabuo."

"Wala akong responsibilidad na buuin ka. Pero ang catsup, bagay sa tortang talong. Kayo na lang kaya?"

"O, galit pa rin girlfriend ko?"

Umirap ako. "So anong klaseng gimik ang naisipan mo at may kitchen gloves ka, ha? Paano kung wala?"

"Ang totoo, bulaklak dapat ang dala ko. E nakita ko si Ma'am Karina tapos naisip ko 'yon. Nagbakasakali lang. E di kung wala, balik ako sa planong bulaklak."

"Mas gusto ko to," sabi ko nang may ngiti.

"Wag ka lalapit kay Hudson, please," sabi niya bigla. Hindi siya nakatingin sa 'kin. Alam ko namang may hindi sila magandang nakaraan, at hindi ko naman sinasadya kung ano man yung nangyari kanina.

"Selos ka?"

"Oo," sabi niya nang diretso.

"Bakit ka nagseselos sa taong di ko nga maalala yung pangalan?"

"Ganon lang siguro talaga. Parang ikaw kay Cat. Ako kay Hudson."

Natahimik kami saglit habang ninanamnam yung tugtog. Gusto ko na isandal yung ulo ko sa ulo niya, pero alam ko namang may nanonood. Tiningnan ko na lang siya sa mga mata niya nang diretso.

"Akala ko di na kita masasayaw e," sabi niya.

"First dance mo ba ako?"

Natahimik siya.

"Hindi, no?" dagdag ko.

"Medyo."

"Paanong medyo?"

"Hinahantay ko kasi talaga na maging okay ka. Inaya ako ni Cat sumayaw. Di naman ako makatanggi."

"Si Cat nag-alok?"

"Oo."

Nagmumura ako sa utak ko. Talagang trip niya yung torta ko, at natural, hindi ako papayag. "Pwedeng mag-no, alam mo yon?"

"Next time . . . hirap din naman ako mag-no."

"Sige, next time, please?"

"Eh iyon . . . humawak pa lang siya sa balikat ko, nakita na kita . . . at nakita ko na rin si Hudson."

"Tapos iniwan mo si Cat?"

Tumango siya. Ang evil spirit sa katawan ko, biglang napangiti. Medyo bad, pero kasi . . . sa sinabi niya, alam kong kahit anong mangyari, pipiliin ako ni Theo.

"Nag-sorry ako at si Baste nagsayaw sa kanya," sabi ni Theo.

Okay na ako sa explanation niya. Malamang, sinundan ni Cat si Theo gamit ang mga mata niya at nakita niya yung mga nangyari.

"Wag ka na magalit," sabi ni Theo. "Sayang yung violet kong tuxedo."

Natawa ako at tiningnan ulit siya sa mga mata. Nakahinga na ako nang maluwag. Nawala na yung sakit sa nararamdaman ko. Simula ngayon, pilit ko na lang aalalahanin kapag magkasama sila, na kahit anong mangyari, pipiliin ako ni Theo, pipiliin ako ni Theo.

"Gwapo mo ngayon, The Orpheus Romeo."

"Wag kang tumitig sa 'kin nang ganyan, Maria Natasha. Baka-"

"Hoy! Andito sina Papa ah!

Natawa siya sa pagkasabi ko. Bigla na lang nag-party music kaya umupo muna kami, kumain, nagtawanan, at bumalik sa dance floor. Nagsayaw lang kami kasama yung iba. Umupo muna ako saglit dahil ang sakit na ng mga papa ko.

"Kayo na ba?" tanong ni Eli bigla habang hinihimas ko yung ankle ko.

"Luh. Saan naman yan galing?"

"Kanina lang nag-aaway kayo tapos biglang bati na. Dalawa lang gumagawa non-mga batang naglalaro at mga mag-jowa. Alin kayo doon?"

"Mga batang naglalaro," sagot ko.

"Yan, pati feelings niyo laruan?"

Umirap lang ako at saka tinanong, "Wala kang balak sumayaw?"

"Wala. Hinihintay ko na lang magulang nina Allen tapos uuwi na kami."

"So asan si Allen?"

Tinuro niya yung dance floor gamit yung mga labi niya. Wala pang ilang segundo pagharap ko, nakita ko si Papa na sumeseniyas sa orasan niya. Tiningan ko yung relo. Grabe naman! Eleven palang e. Nakakaisang sayaw pa lang kami ni Theo.

Pumunta ako kay Papa. Sabi ko, "Five minutes, magpapaalam lang ako sa mga kaibigan ko."

"Sino yung nagsayaw kanina na may gloves?" tanong ni Papa. "Yung kanina ba yon? Nakita ko na ata dati yon, di ba?"

"Si Orpheus?" sabi ko.

"Bakit siya naka-gloves bigla?"

"Ewan ko don. Sige na, Pa. Para makauwi na rin kayo ni Ma."

Pumunta ulit ako sa dance floor. Nagpaalam na ako kina Eli. Nang nakita ko si Theo, siya na mismo ang pumunta sa 'kin.

"Aalis na agad date ko?" tanong niya. "Strict naman nina Mama at Papa."

"Sssh!" sabi ko. "Baka may makarinig e!"

"Di kita makikiss ngayong gabi?" tanong na naman niya na may pa-cute na simangot.

"Next time na. Text ko na lang kiss ko."

Ang ginawa ko na lang, nilagay ko yung kamay ko sa labi ko tapos nilagay sa labi niya. Ngumiti naman siya, halatang kinilig. Huhu. Promise, ang cute niya kapag kinikilig siya.

"I love you," bulong ko bago ako umalis.

Ang mga mata ko, na kay Theo. Wala pa ako sa mga magulang ko, nakita ko na agad si Cat na papunta kay Theo. Nakita ko si lang nag-usap, tapos nakita ko si Theo na tumingin sa 'kin. Alam kong nakatingin siya sa 'kin.

Tinaas ko yung hinlalaki ko na parang nagsasabing okay na ako. Kahit deep inside, medyo nagseselos pa rin ako. Huminga ako nang malalim. Pipiliin ako ni Theo.

Nakita kong may text siya pagkapasok ko sa sasakyan.

TALONG<3

Inaya niya akong sumayaw. Humindi ako. Hehe. Sabi ko may magagalit. :P

11:35

Kung gusto mo talaga, okay lang. :)

11:37

Hindi na siya nagreply pagkatapos. Naghugas ako ng mukha, at saka ko nakita na may text siya ulit.

TALONG<3

Pauwi na ako. Nawalan na rin ako ng gana nang umalis ka e. Gusto ko sana ikaw last dance ko. :(

May sakit sa puso ko. Ibig ba sabihin, sinayaw pa rin niya si Cat? Malamang, umokey ako e. Bakit kasi strict sina Mama? Hay, pero di bale na. Masaya naman na ako sa mga nangyari kanina.

Masaya nga ba ako?

Narinig kong sinarado na ni Papa yung ilaw sa kwarto nila. Medyo matagal-tagal din bago ko in-off yung akin. Pinikit ko na yung mga mata ko nang tumunog ulit yung cell phone ko.


TALONG<3

Tingin ka sa bintana

01:02


Napabangon ako sa text niya. Pagkakita ko, andon siya sa labas, may flashlight yung mukha niya na parang multo.


HUY! UMAGA NA HALA. DELIKS NA :( UWI NA PO.

01:03


Nakita ko siyang nagtext.


TALONG<3

Tatawag ako. Wag ka na lang magsalita hehe. Sayaw ka a. Buksan mo ilaw mo para makita kita. Nakalock naman na pinto mo, ano?

01:04


Ha? Sayaw? Anong sayaw?

Binuksan ko yung ilaw ko. Nakasara naman pinto nina Papa e, kaya malamang, tulog na rin sila. Pagtawag ni Theo sa 'kin, kumakanta na siya ng "Harana" ng Parokya ni Edgar.

"Uso pa ba ang harana . . ." simula niya.

"H-hoy anong-"

Pero pagtingin ko, mukha siyang ewan na sumasayaw mag-isa, hawak yung telepono. Gets ko na kung anong gusto niya gawin. At kahit mukhang kabaliwan lang yung gagawin ko, ginawa ko pa rin.

Yung kamay ko, nasa phone ko. Yung isa, nasa ere, parang may hawak na balikat.

Siya, yung isa nasa phone, yung isa, nasa ere, parang may hawak na baywang.

"Sino ba tong mukhang gago . . . nagkandarap sa pagkanta?" tapos tinigil niya yung pagkanta para lang sabihing, "Kahit na walang tugtog at gitara."

Nakangiti lang ako habang sinasayaw ang hangin, hawak ang telepono, at nakatingin kay Theo na sumasayaw rin sa hangin.

"Puno ang langit ng bituin . . . at kay lamig pa ng haaangiiin. Talong tingin ako'y nababaliw . . . giliw! At sa-"

Natawa ako. Wow. Knock knock joke pala to eh. Hay nako! Grabe, yung puso ko, wala na, tunaw na agad.

"Awitin kong ito, sana'y maibigan moooo . . . ibubuhos ko ang buong puso kooooo . . . sa isang munting haranaaaaa . . . para sa 'yo . . ."

Tinigil na naming yung pagsayaw. Nagbibigay ako ng mga mahinhin na tawa sa telepono, sinisigurado na hindi ako maririnig sa kabilang kuwarto.

"Tulog ka na," sabi niya. "Mas cute ka na nakapajama."

"Tse," sagot ko. "Huy, sige na, uwi ka na at umaga na. Malamang alas-dos ka na ng umaga gigising bukas. O, eto na."

Nagbigay ako ng flying kiss. Sumimangot ako dahil hindi naman niya sinalo.

"Hoy, bakit di mo sinalo?" tanong ko, medyo nagtatampo.

"Bakit? May iba ba pupuntahan 'yon? Alam ko namang diretso yon sa labi ko."

Natawa ako tapos narinig kong bumukas yung pinto nina Mama. Napababa agad ako ng telepono, at tumalon ako sa kama agad at nag play dead. May narinig lang ako na nagsara ng ilaw ko tapos bumaba sa hagdan.

Nagtext ako kaagad sa kanya, at nakareceive pa naman ako ng reply na okay lang. Nag-good night na kami sa isa't isa at saka ko pinikit yung mga mata ko, may mga ngiti sa labi. Sigurado ako, mahimbing ang tulog ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 99 9
This is the script version of Modernong Superhero. Short script lang po ito. Novel version siya dati. Date Started: April 14, 2020 Date Ended: April...
36.3K 1.8K 48
TL Series #2 • Frinz Alfonse Payne's Story • An online story that started with a deal. A deal that both of them would benefit from each other. The...
1.7M 78.9K 18
(Yours Series # 3) Kelsey Fuentes thought that after her failed experience in marriage, she would never dare try again. She was contented with her wo...
159K 1K 8
Claudette Millicent Zamora was insanely in love to the famous cold guy, Tyler Zen Del Fierro. Her highschool life revolved on pursuing him. She thoug...