Wrong Direction *GxG* (COMPLE...

Από RaggedLyPretty

175K 3K 183

Isang babaeng disperada ng magkalove life gagawin niya ang lahat para makuha ang crush niya pati sa paglipat... Περισσότερα

|1|
|2|
|3|
|4|
|5|
|6|
|7|
|8|
|9|
|10|
|11|
|12|
|13|
|14|
|15|
|16|
|17|
|18|
|19|
|20|
|21|
|22|
|23|
|24|
|25|
|26|
|27|
|28|
|29|
|30|
Nonsense Writer
|31|
|32|
|33|
|34|
|35|
|36|
|37|
|38|
|39|
|40|
|41|
|42|
|43|
|44|
|45|
|46|
|48|
|49|
LAST CHAPTER
SPECIAL CHAPTER
The EX and WHY'S

|47|

1.9K 39 11
Από RaggedLyPretty

"Mom! Pupuntahan ko lang po yung client na ini recommend ni Dad sakin." Pagpaalam ko kay Mommy dito sa dining room namin.

"San ba kayo magkikita??"

"Sa Starbucket mommy yung may malapit lang sa Hilton Hotel."

"Sige! Mag text ka kung may mangyaring hindi maganda."

"Sure mom!"

Pagkatapos kong magpaalam kay mommy ay agad na akong nagtungo sa SB. Pagdating dun ay naghanap ako ng table para sa client ko. Hindi pa siya dumarating, ang tagal ha!!

"Hi! You must be Dela Victoria?" Tumayo ako at nakipag shake hands dun sa babaeng nasa mid 30's.

"Hi! That's me and kayo po??"

"I'm Maria so let's sit."

"Thank you po pala sa tiwala na ako ang gagawa ng bahay nyo ng asawa nyo po."

"Syempre! Magaling si Benidicto for sure ganun din ang anak niya. And it seems na magaling ka din sa interior design."

"Well.. ganun na siguro." Patay! Ipagdarasal ko na maganda ang outcome nito.

Ilang oras kaming nag uusap kung saan dapat e pwesto ang living room, dining room at etc.

Tumayo ako at tinignan niya ako kaya nginitian ko siya. "Excuse po muna, nature is calling."

"Ohh sure!" Sabi niya kaya tuluyan na akong naglakad pa punta sa CR. Pero sa entrance pa ako ng coffee shop ay may pumasok na tatlong babae na naka mask. Yung pang hostage taker na mask. Kaya natakot yung mga tao sa paligid. Tinignan ko lang yung tatlong babae at lumapit sakin. Hinawakan ako nung dalawang babae sa magkabilang braso kaya nanlaban ako.

"Bitawan nyo nga akong mga inutil kayo!!"  Lumapit sakin yung isang babae at tinakpan ang ilong at bibig ko hanggat sa..

"Hala! Magigising na ang bruha!"

"Ohh my ghaad!! Baka hampasin niya tayo."

"Naku naman! Ang bayolente pa naman ng babaeng 'yan."

Sino ba ang mga taong naririnig ko na nag bubulungan? Ang iingay ha!

Minulat ko ang aking mata at nilibot ang paningin sa paligid. Bakit ang daming tao? Nasa'n ba ako? May nahagip ang paningin ko kaya tuluyan na itong bumuka ng malaki.

"Pa'no ako nakarating dito???!!" Napatayo ako at sumigaw ng husto. Pinagtinginan ako ng mga tao but who cares!

"Baliw yata ang babaeng 'yan."

"May saltik sa utak!"

"Pa'no kaya nakapunta dito 'yan?"

May humila sakin pababa kaya napaupo ako sa sahig.

"Stacy??!!??"

"Yeah! It's me!"

"Pa'no ako nakapunta dito??"

"May kumidnap sa'yo."

"Kayo 'yun??"

"Uhh ha!!"

Sinabutan ko siya ng husto dahil sa sobrang inis. Kaya inawat kami ng mga kasama namin.

"Ano ba kayo??! Baka gusto nyong maiwan kayong dalawa dito??" Sabi ni bakla.

"Eto kasi!! May pa kidnap-kidnap effect pang nalalaman. Alam mo bang sobrang kaba ko nung mga oras na 'yun ha?!"

"Alam ko kasi hindi ka sasama kung yayayain ka namin ng maayos."

"Tsssk!! Ewan ko sa'yo!!"

"Calling of flight 5J- 582 You may now go on board"

"Its our plane!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita kaya nagkatitigan kami saglit pero nilagpasan niya lang ako.

Nandito nga pala siya.

Napalingon ako sa taong umakbay sa'kin at napakunot nalang ako ng noo na si piggy pala ito may pa taas-baba pa ng kilay niya. Agad kong tinanggal ang kamay niyang nakapulupot sa balikat ko.

"Gusto mo bang ahitin ko 'yang makapal na kilay mo ha??! Feeling close ka din ehh!"

"Chill!! Mag o-out of town pa tayo baka hindi ka makakasama samin."

Tinaasan ko siya ng kilay. "So?? Kung ikaw lang naman ang makakasama ko mas gugustuhin ko pang magpaiwan nalang." Pagtataray ko sa kanya.

Bigla nalang may humawak sa kamay ko at hinila ako papasok na ng airplane. "Are you just gonna stand there??" Natulala nalang ako na makita si TL na hinawakan ang kamay ko kahit kinaladkad niya ako. Ayeee!! She's so bittersweet! 😑

"Marsy! Dun ka naka upo sa row 8B." Sabi ni Stacy nung nakapasok na kami sa loob.

"Ganun bah? Sige." Agad kong hinanap yung seat number ko at laking gulat ko nalang ang katabi ko ay si PIGGY???? "Sigurado ka bang dyan ka nakaupo??" Galit kong sambit sa kanya.

"Oo naman! Tignan mo pa yung ticket ko. Heto ohh!" Sabi niya saka inabot sakin yung ticket niya, napaikot nalang ako ng mata at padabug na tumabi sa kanya. Mag so-sound trip na nga lang ako baka ma badtrip pa ang araw ko.

Nagsimula na kaming lumipad sa ere at nakikinig pa rin ako ng music.

May kumalabit sakin kaya tinanggal ko ang earphones ko. Tinignan ko ng masama si piggy dahil sa pang di-disturbo niya sakin.

"Kumain ka ohh! Tyak hindi ka nakapag almusal." Sabi niya saka nginitian ako. Tssk! Akala niya bagay sa kanya. Pwes hindi!!

"Seriously?? Namimigay ka ng plastic?? Kung ipalamon ko kaya sayo 'yan ng buo??" Inis kong saad sa kanya.

Pag ako hindi nakapag timpi pramis po may mag ska-sky diving dito ng libre. 🙄

"Kasi alam kong hindi ka kakain, nagbabakasali lang naman." Pagdadahilan niya. Ititaas ko ang palad ko sa mukha niya.

"Pwede ba! Wag mo akong kausapin kung hindi importante ang sasabihin mo. Kausapin mo lang ako kung naghihingalo ka na!" Inis kong saad sa kanya kaya tumahimik na siya.

Dahil inaantok ako ay hindi ko mapigilang makatulog.





"Ma'am gising na po! Nandito na po tayo sa Mactan International Airport." Dahan-dahan akong napamulat dahil may yumugyog sakin tinignan ko yung flight attendant sa tapat ng upuan ko at agad din binawi dahil nakuha ng paningin ko ang paligid na wala ng tao.

"Nasa'n na po ba yung ibang pasahero miss??"

"Bumaba na po."

"Ano??? Hindi man lang ako ginising ng loka-loka na 'yun."  Sabi ko sa sarili saka tumayo na.

Humanda ka sa'kin! Wag lang talaga kitang maabutan ng buhay.

Pagbaba ko sa eroplano ay nakita ko yung mga kasama ko na naglakad na papasok sa airport para kunin ang mga gamit. Nagmadali akong lumakad para mahabol si piggy nung malapit na siya sakin ay agad kong hinila yung damit niya sa likod.

"Aray!!!" Sigaw niya at pinaharap ko siya sa'kin. Puno naman ng pagtataka ang mukha niya dahil sa ginawa ko at sinimangutan ko siya. "Ano bang problema mo ha??" Inis niyang tanong. Tinaasan ko siya ng isang kilay at inikutan ng mata bago sumagot.

"Baliw ka pala ehh!! Bakit mo ako hinayaang maiwan sa loob ng eroplano ha?? Ikaw ang katabi ko kaya sana naman naisipan mong gisingin ako!! Hello!! Baka nakalimutan mong magkasama tayo sa trip na'to?"

"Diba ikaw lang naman ang nagsabi sa'kin na hindi kita kakausapin kung hindi ako naghihingalo. Natural hindi kita ginising kasi maayos lang ako." Pamilosopo niya pa. Itinaas ko ang kamay para hampasin na sana siya pero.

"Kung wala kayong balak na sumama sa'min mas nakakabuting magpaiwan kayo dito." Bigla akong natauhan dahil sa sinabi ni TL, halatang hindi niya nagugustuhan ang mga nangyayari sa'min.

"Ano ba kayong dalawa! Baka naman pwedeng magkasundo kayo kahit isang beses lang." sabi ni Stacy hindi ko siya pinansin at nilagpasan lang siya. May kutob ako na siya ang may gawa nung seating arrangement namin nung piggy na 'yun. Ang dami ko na yatang isusulat na pangalan sa Death Note. 😑

Lumapit ako kay bakla at sumabay sa kanya sa paglalakad.

"Girl! Behave ka muna ngayon! Wag mo ng pansinin si Rome! Kita mong nagseselos si ex ehh?" Agad akong napamulat ng mata dahil sa sinabi niya.

"Sigurado ka??"

"Oo naman! Kami kaya magkatabi sa airplane, at kanina niya pa kayo pinagmamasdan at tila hindi siya mapakali sa kinauupuan namin, kaya naman may theory ako na nagseselos etech!" Pabaklang sabi ni bakla. Ngumisi nalang ako at nagtaas-baba lang ng kilay. Ohh well I can't blame her! I'm irresistible. Hohoho!

Nagseselos ba talaga siya?? Ehh para namang wala siyang pakialam sa'kin kanina. Teka! Oo nga nuh! Naalala ko nung nasa Manila Airport pa kami ay bigla-bigla nalang siyang sumulpot at kinaladkad ako patungong eroplano. Haha! I have a plan. Ang pagselosin-si-ex-plan. Sino naman ang magiging target ko? Napalingon ako kay piggy sa likuran ko kausap niya si Stacy at hindi niya ako napansin na nakatingin sa kanya.

Siya??? Ohh well pag tya-tyagaan ko nalang ang babaeng 'yan. Masigla akong lumapit sa kanya na may kasama pang pa lundag-lundag. Huminto ako sa harapan niya kaya tinignan niya ako ng may pagtataka sa hitsura.

"Hi Piggy!!" Bati ko, napakunot naman siya ng noo dahil sa sinabi ko. May nasabi ba akong masama!?

"Piggy?? Sinong piggy?"pagtatakang tanong niya kaya dun ko lang na realize dahil nickname niya pala yung nasabi ko.

"Ahhh.. a-ano R-Rommie pala! Rommie tabi tayo sa van ha!?"

"Sinong Rommie??"

"Ikaw! Sino pa bang Rommie dito diba ikaw lang naman."

"Wow! Dati nilait-lait mo pa ako dahil hindi ko alam ang totoo mong pangalan ehh ganun ka din naman pala. Hindi ako si Rommie. Ako si Rome! With silent E."

"Tssk!! Whatever! Ang dami pang sat-sat hindi naman bagay sa kanya ang pangalan niya."

"Inggit ka lang kasi pang sosyal yung pangalan ko kesa sa'yo!!"

"Talaga lang ha—" hindi ko natapos yung sasabihin ko kasi tinakpan na ni Rome ang bibig ko. Agad kong tinanggal ang kamay niya dahil lasang alat.

"Pwee!! Yung totoo dagat ba pinang hugas ng kamay mo??"

"Guys kunin nyo na baggage nyo! Yung nag aaway dyan talagang iiwanan namin kayo!!" Sigaw nung abubot naming kasama. Tskk! Wala naman siya sa main characters.

Pagkuha namin sa mga bagahi ay naglakad na kami palabas ng Airport at may nakaabang na Van sa labas.

"Yan ang magiging service natin hangga't nandito tayo sa Cebu." sabi ni bakla.

Nag-unahan naman yung mga kasama ko na pumasok. Hay naku!! Nung ako na ang papasok ay sumenyas si TL na tumabi sa bakanteng upuan. Tinignan ko naman yung taong nakaupo sa may likuran niya at si piggy yun na pangiti-ngiti pa ang loka-loka. Sino ang pipiliin ko?? Ikaw ba syang pangarap ko o siya bang kumaka—

"Ano Beshy??? Tatayo ka nalang ba dyan!?? Naghihintay ka nalang na kusang ipapasok ka ng van??" Napalingon ako ni bakla na nasa likuran ko at tila naiinip na kung kailan ko maisipang pumasok sa loob, inismiran ko lang siya.

Pagpasok ko sa loob ay tinulak ako ni bakla kaya napunta ako sa harapan ng jeans ni TL. Ohh my ghaad! I smell something fishy! Hmmnn.. I miss this smell 😂

"Beshy!! Alam kong na miss mo ng kumain ng bibingka pero wag naman dito." Panunukso ni bakla. Agad akong umalis sa may hita ni TL at nagkatinginan kami saka ko hinarap si bakla at tinignan ng masama. Umupo na ako ng maayos na parang batang pinarusahan ng teacher niya.

Nakakailang palang katabi si ex. 😓 teka nga! Bakit ba ako ang maiilang ehh hindi nga ako ang ang may kasalanan. Isa pa siya ang dapat maghabol hindi ako.

6 hours ang byahe namin pa puntang Bantayan Island at nakarating kami sa isla, gabi na. Dumeretso kami sa resort na ni-reserve ni bakla at infairness pang mayaman ha! Maganda yung resort lalo na ang rooms nila dito.

"Sinong gustong tumabi sa'kin??" Pagsisigaw ni piggy. Pero walang pumansin sa kanya. Wait! Ako na nga lang nakakaawa ehh!

"Walang gustong tumabi sa'yo baka kasi manyakan mo!" Sabi ko.

"Subukan mo kayang tumabi sakin baka pag labas mo inlove ka na." Sabi niya at kumindat pa sakin, napangiwi nalang ako.

"Ewww!!"

Pumasok na ako sa room ko at dalawang tao ang pwedeng matulog dito. Sino kayang tatabi sa'kin??

Bigla nalang may pumasok kaya nilingon ko ito. Laking gulat ko nalang na si TL ang nandito.
"Dito ka matutulog??" Tanong ko sa kanya. Bigla namang nag iba ang hitsura niya na parang naiinis kaya lalabas na sana siya sa kwarto pero agad ko siyang hinawakan sa braso niya. Tinignan niya ang kamay kong nahawak sa braso niya saka tinignan ako. "Ahh.. kung gusto mo ditong matulog! Okay lang naman! Hindi naman ako madamot." Naiilang kong sabi saka tumalikod na.

Hindi ka talaga madamot kasi gusto mo rin naman siyang katabi diba?? Para-paraan.

"TL!! Okay lang ba na magkatabi kayo ni Rome?? Naiilang kasi si Betty sa kanya." Napalingon kami pareho kay Stacy na pumasok sa kwarto namin. Namin??? Hahaha wag ambisyosa besh!! Walang kayo!!!

"Ahh yeah! I gotta go!" Sabi ni TL at tinignan pa ako bago umalis.

Nung wala na siya sa room ay tinignan ko ng masama si Stacy. Inayos ko na ang mga gamit ko sa loob ng cabinet para hindi mapansin ang presence niya.

"Bitch!! Sorry nah! Alam kong galit ka sa'kin dahil kinidnap kita! Promise mag e-enjoy ka dito!"

Napabuntong hininga ako saka humarap sa kanya. Sumandal ako sa cabinet at nag cross arms at tinignan siyang nakaupo sa bed.
"Ano bang plano mo Stacy?! May balak ka bang ilakad ako ni Rome??" Prangkang saad ko na ikinabigla niya.

"Bitch! Alam mo naman yung pinagdaanan mo kay TL diba?? Wala ng sense para bumalik ka sa kanya kasi iiwanan ka rin lang naman nun."

"Bakit mo naman pangungunahan ang mga bagay-bagay?? Ni hindi ko nga iniisip 'yan ngayon kasi iba ang focus ko sa buhay ko ngayon at 'yun ang bumalik sa pagtratrabaho." Sabi ko sa kanya at humiga na ng kama.

"I'm so sorry Marsy!! Concern lang talaga ako sa'yo. Okay! Hindi na kita ilalakad kay Rome! Promise! Bahala ka na sa anong gusto mong gawin sa buhay mo." Yun ang huling sinabi niya saka natulog na kami.

Kinabukasan ay sobrang ingay nila sa labas. Wala na si Stacy sa tabi ko kaya naman nag ayos muna ako bago humarap sa kanila. Paglabas ko ay nandun sila sa may dalampasigan at kumakain na ng agahan. Mga bastos!

"Beshy!! Hali ka na! Kain na tayo!" Yaya ni bakla sa'kin.

Paglapit ko ay may inabot si Rome sa'kin na plato at puno ito ng pagkain. "Para sa'kin ba 'to?" Pagtatakang tanong ko.

"Hindi!!! Para sa aso!" Pilosopo niyang sagot kaya inikutan ko lang sya ng mata.

Tinignan ko ang pagkain at halos lahat nito ay seafoods.

"Give me that!!" Nagulantang ako dahil bigla nalang sumulpot si TL sa harapan ko. Para naman 'tong kabute.

Binigay ko sa kanya yung pagkain na inabot ni Rome sa'kin.

"Bakit mo kinuha??" Tanong ni Rome na parang bata.

"Do you want to kill her??? She has an allergy with seafoods specifically shrimps, squid and crustaceans. And all of it is in here."

Shut up nalang ako.

"Ang sweet ni ex nuh? Super concern. Hindi talaga mapapantayan ng present ang ex." Panunukso ni bakla.

"Naku! Pwede namang pantayan ng present kung ano yung pagkukulang ni ex." Sabi naman si Stacy.

"Mas mabigat pa rin si ex kesa sa present. Diba nga kadalasan ex ang pinagtataluhan ng present lovers."

"Oo nga pero ang ex nanatili sa past hindi sa present."

"Pwede kayang maging present si ex kung gugustuhin mo."

"Bakit pa? diba sinaktan ka na??"

"Bakit wala bang possibilities na hindi ka sasaktan ni present."

Papalit palit ang tingin namin sa dalawa dahil sa pag de-debate nila. Ano kayang problema ng dalawang 'to. At dahil walang magpaawat sa kanila ay sabay naming sinubuan ni ex ang dalawa. Ako kay Stacy at siya naman kay bakla. Nahiya tuloy ako baka kasi sabihin nila na nag usap kaming dalawa para gawin sa kanila 'to.

"Guys after this we will be going to swim dun sa Ogtong Cave, kaya bilisan nyo ng kumain." Sabi ni bakla na parang nag announcement.

Kinain ko na yung binigay ni ex sa'kin kasi inihaw na baboy at isda lang naman ang ulam kaya ayos lang. Pagkatapos naming kumain ay pumunta na nga kami sa Ogtong Cave. Nasa baba siya ng resort at medyo liblib sa loob. Meron ding nag swimming na ibang tourist kaya marami kaming kaagaw sa picture-picture. Magsusuot na sana ako ng two piece pero pinagalitan ako. 😑

Flashback

"Stacy? Bagay ba sa'kin yung suot ko." Sabi ko kay Stacy. Pinakita ko yung bagong bili kong swimsuit at sobrang na gandahan siya dahil ang seductive daw tignan kasi t-back yung underwear.

"Hmmnn.. sino ba ang papatuluin mo ng laway ha??" Sabi niya na may panunukso pa.

"Wala naman. Gusto ko lang maging daring!"

"Stacy!! I forgot to tell you tha—" hindi natapos ni ex yung sasabihin niya dahil sa nakita niyang scandal. At ako 'yun. Napansin ko rin ang ilang paglunok niya kaya mas lalo akong na conscious at agad kong tinakpan ang katawan ko para hindi na masayang ang laway niya. "Are you gonna wear that??" Tanong niya na halatang may inis na tono.

"Oo bakit naman hindi?!"

"Tssskk!! Bakit may pinapagandahan ka ba?? Gusto no bang ipakita 'yang katawan mo sa admirer mo para masabi niya na sexy ka??"

"Bakit ko naman ipalandakan sa admirers ko na pwede namang sa sarili ko 'to ginagawa."

"Talaga?? Sino bang niloloko mo??? You choose!! Cover up or naked??!!!!" Tanong niya na halatang sinasabi niya na 'if you choose naked I'm going to kill you bitch'

"Then I'll choose to be naked." Pang aasar ko sa kanya.

Lumapit siya sa'kin at parang kukunin ang swimsuit kong dala since inilahad niya ang palad sa'kin na naghihintay na e-aabut ko ito.

Agad kong tinakpan ang katawan ko sa itaas ng dalawang kamay kong naka cross sa magkabilang balikat. "Bakit ko naman ibibigay sa'yo 'to?"

"I thought you were choosing to be naked?"

"Okay!! Okay!! Mag ka-cover up ako!!!" Inis kong saad saka ngumisi siya sa'kin na parang sinasabi niyang 'I won!'

REALITY

Kaya nga I end up wearing t-shirt at shorts. Tssk!! Kainis! Kala mo kung sinong girlfriend. 😏


>>>>>>>>>>>>>>Nothing Follows<<<<<<<<<<<<

Pa hard to get pa ang lola nyo! Gusto din naman.

🤣😂

As Promise naka pag UD din.

-RaggedlyPretty-

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

175K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
579K 13.2K 40
Elise Mae Santos... Nakaramdam ng hindi maipaliwanag na pakiramdam sa transferee student na si Abbigail Suarez. Nahihirapan syang aminin sa mga ka...
170K 1.8K 43
Love at first sight??? Pwede din. Pero WAR at first sight ang nangyari sa tatlong bida sa story na to. Kung paano?? Basahin nyo. ENJOY!:D
464K 8.1K 30
isang taong tahimik ang buhay pero bigla nalang may susulpot na tao pero magkaiba ang ugali nila....paano kaya sila magkakasundo? sasabog kaya ang mu...