WP New Stories' One-Shot Stor...

By WPNewStories

28.5K 446 374

Sali na kayo sa mumunting anniversary special contest namin! Welcome po ang LAHAT! :) More

Admins' Note
Qualification/Requirements
How to Join?
Criteria
Judges
Prizes
ANNOUNCEMENT!
ANNOUNCEMENT II
Reminders
Entry 1: Tulong Mo Tulong Ko
Entry 2: I'll Wait For You, Forever
Entry 3: Maghihintay ako...Andrew
Entry 4: Lollipop
Entry 5: The Image
Entry 6: Supercalifragilisticexpialidocious : THE WHITE ROSE
Entry 7: Estranghero Ng Buhay Ko
Entry 8: Fixed Star
Entry 9: Missing: Ballpen
Entry 10: 1960's Promises
Entry 11: Maging Pink Man Ang Uwak
Entry 12: Bantay
Entry 13: Saint Sinner X
Entry 14: Send it to Him
Entry 15: A Promise to Felice and Felix
Entry 16: Betrayed
Entry 17: Dear Diary
Entry 18: Nang Dahil sa CAT
Entry 19: Tres Marias
Entry 20: The Sakura Man- Class Representative's SecretThe
Entry 21: Dala Mo Ba?
Entry 22: The Melody of Time
Entry 23: The Rabbit's Mask
Entry 24: Serenade of Two Hearts
Entry 25: Be My Melody
Entry 26: Bato Bato Pik
Entry 27: When Destiny Takes Hold
Entry 28: Kwentong Soundcloud
Entry 29: The Barrier
Announcement and Reminders
Judgment Period is Extended!
Announcement
Scores for the First Round
Winners of First Round
Congratulations Winners!
Mechanics for the Second Round
Genre
Admins' Note
New Prizes
Last Extension!
Round Two: Rules and the Like
Pair 1: Romance + Horror (Lola Auring)
Pair 1: Romance + Horror (The Sakura Man: The Urban Legend of Lolita Girl)
Pair 2: Romance + Comedy (Huwag kang Ngingiti)
Pair 2: Romance + Comedy (Love Catcher)
Pair 3: Romance + Paranormal (Weird)
Pair 4: Romance + Fantasy (Sana)
Pair 4: Romance + Fantasy (Into Your World)
Pair 5: Romance + Action (The King's Rosary)
Pair 5: Romance + Action (Not a Gangster Story)
Pair 7: Romance + Adventure (Escaping Realm)
Pair 7: Romance + Adventure (To You My Future)
Scores for the Second Round
Winners for the Second Round
Wild Card Scores and Winners
Mechanics for the Third Round
Keep Writing
Criteria for the Final Round
Entry 2: The Sakura Man's Identity
Entry 3: Amicia
Entry 4: Royally His
Entry 5: Unpublished
Entry 6: What Makes a Man
Entry 7: Tatlong Araw
Extended!
Clarification
Scores for the Final Round
Winners of WP New Stories' One-Shot Story Contest
A Message from Admin Simplyextraordinary
Announcement!

Entry 1: Save Me

250 4 6
By WPNewStories

Genre: Romance and Thriller

A/N I: Since I chose thriller as the other genre, the plot of this story will tackle deep and sensitive topics. I highly suggest the readers to be open-minded as you read through the story. I am categorizing it as PG-13 since some scenes are not suitable for very young readers. Thank You.

"Tulong...

pakiusap...

...iligtas mo ako."

NAPAMULAGAT ako nang marinig ko ang boses na iyon. Tila'y nagsusumamo itong tumatawag sa'kin. Hindi ko mawari kung kanino ito nanggagaling ngunit ramdam ng puso ko ang paghihinagpis niya.

Sa pagdilat ko ng aking mga mata, putting kisame ang bumungad sa'kin. Pinilit kong alamin kung nasaan ako kahit na nanlalabo pa ang aking paningin at wala akong masyadong naririrnig. Hindi ko rin maigalaw ang aking mga paa't kamay. Tanging mga mata ko lang ang aking nakokontrol sa mga panahong iyon.

"Damian, naririnig mo ba ako?"

Isang mala-anghel na tinig ang sumunod na pumukaw ng aking pansin. Biglang nabuhayan ang aking loob. Kilala ko kung kanino iyon nagmula.

"Damian, si Eve 'to."

Naramdaman ko ang paghimas ng malambot niyang kamay sa'king buhok. Ibinaling ko ang aking paningin sa kanya. Unti-unti kong naaaninag ang napakagandang mukha ng aking kasintahan. Pinilit kong magsalita pero ngiti lang ang tanging nagawa ng aking mga labi. Gayun pa man, panatag na ako dahil alam kong nasa tabi ko lang si Eve.

Nailigtas ko nga siya.

Sandaling nabigyan ako ng pag-asa. Pag-asa, na magiging normal ang lahat sa'min ng aking pinakamamahal.

Subalit, hindi nagtagal ang imahinsyong iyon nang masilayan ko kung sino ang nasa likuran ni Eve.

Isang pamilyar na mukha ang nakatuon sa'kin. Nakalabas ang mga ipin nito habang binibigyan ako ng malademonyong ngiti. Nakakakilabot.

Bumaba ang aking titig sa kumikinang na bagay na nasa kanyang kamay. Isang matalim na kutsilyo ang kunwa'y marahang idinidiin niya sa kanyang palad. Napatigil siya saglit sa ginagawa at saka'y sinipat ng tingin si Eve. Mas lumawak ang mga ngiti nito habang unti-unting humahakbang papalapit sa walang-kamalay-malay kong nobya.

Eve, umalis ka na!

Sinubukan kong magpumiglas, sumigaw at magwala para maprotektahan ko't mabalaan si Eve ngunit tanging pag-ungol lang ang nagagawa ko.

"Damian, huwag ka ng mag-alala. Maayos na ang lahat." pagpapakalma ni Eve sa'kin. Hindi niya pa rin napapansin ang nagbabanaag na panganib sa likuran niya.

Nang iilang pulgada na lamang ang pagitan nila, saka inilipat ng demonyong 'yon ang paningin sa'kin. Naglaho ang ngiti niya nang inilagay niya ang libreng hintuturo sa kanyang bibig na para bang nagpapatahan ng isang bata. Dahan-dahan niyang iniangat ang kutsilyong hawak sa isang kamay at saka itinutok sa mismong likuran ni Eve.

Huwag!

Mariin kong naipikit ang aking mga mata. Hindi ko na maatim ang mga nangyayari sa'king harapan. Gusto kong sisihin ang sarili ko dahil wala akong ibang magawa kundi ang pagmasdan lang sila.

Buong akala ko'y nailigtas ko na ang aking kasintahan at nagawa ko nang pigilan siya sa kanyang masamang binabalak ngunit bakit andito pa siya? Nalilito na ako. Hindi ko na alam kung ano pang gagawin ko. Naramdaman ko na lamang ang pagpatak ng aking mga luha.

Pakiusap! Iligtas niyo si Eve!

Matapos kong isigaw iyon sa'king isipan, bigla akong nakaramdam ng paggaan ng kalooban. Nawala ang lahat ng pag-alala. Biglang tumahimik ang lahat sa paligid at naramdaman ko na lang na nasa ibang lugar na ako.

PAGDILAT ko ng aking mga mata, nakita ko ang sarili sa'king kwarto, nakaupo sa sahig habang sapo-sapo ang aking ulo. Nadama ko ang pagtulo ng pulang likido mula sa aking mga daliri at agad akong nakaramdam ng hapdi.

"Damian... Damian... Damian... Hanggang kailan ka ba magtatanda? Sabi ko sa'yo eh. 'Di mo ako kaya." Mapanuyang sabi ng isang pamilyar na boses.

Matapos kong marinig iyon, muling nanumbalik ang galit sa'king damdamin. Nag-angat ako ng ulo at nang magtama ang aming mga mata'y biglang naikuyom ko ang aking kamao. Kumirot ang mga sugat sa'king mga daliri ngunit hindi ko na ininda pa iyon.

Wala na akong ibang maramdaman kundi ang pagkasuklam sa taong kaharap ko.

"Tsk tsk tsk. Alam mo ba kung ano ang nangyayari kapag masyadong nagpapabulag sa babae?" tanong niya habang pina-ikot-ikot ang isang mansanas sa kanyang palad. Tinapon niya ito sa ere at hinayaan na mahulog sa sahig. Inapakan niya ang kapirasong prutas na iyon at saka ako tinignan. "..bumabagsak."

Bumaba siya sa'king lebel nang hindi inaalis ang malademonyo niyang ngiti. "Pero wag kang mag-alala. Naayos ko na lahat para sa'yo."

Mistulang nasilaban ang aking ulo nang maramdaman ko ang paghimas niya sa'kin. Marahas kong winakli ang kanyang kamay kaya siya napahalakhak.

"Pwede ba, Hyde! Huwag ka ngang magkunwaring may pakialam!" bulyaw ko na lamang sa kanya. Hindi ko na matiis ang kinikimkim na galit.

Simula pa noon, kinamumuhian ko na siya dahil wala siyang ibang ginawa kundi kontrolin ang aking buhay. Sa bawat araw na lagi ko siyang nakakasama, palagi kong nararamdaman kung gaano ako kahina kung ikukumpara sa kanya.

Pero ngayon, sisiguraduhin kong mag-iiba na ang lahat.

Saglit na nabago ang ekspresyon ng kanyang mukha nang marinig niya ang nagngangalit kong boses. Marahan niyang sinapak-sapak ang kanyang dibdib at umarteng nasasaktan.

"Ouch! Ang sakit mo namang magsalita. Sabi nila 'blood is thicker than water.' Hindi mo ba alam iyon?" daing niya na hindi ko binigyan ng pansin. Sa tagal na naming magkasama, malinaw sa'kin na nagkukunwari lamang siya.

Oo nga't pareho kaming Figaro.

Iisa lang ang dugo't laman namin subalit malaki ang pinagkaiba ko sa kanya. Lalong-lalo na sa aking ama dahil lingid sa kaalaman ng tao, demonyo ang pamilya ko. Nanlilinlang at pumapaslang sila para lang makakuha ng kapangyarihan at yaman. Hindi ko kayang sikmurain iyon kaya't ginagawa ko ang lahat upang hindi mapabilang sa sindikatong pinapatakbo nila.

Hinding hindi ko hahayaang madungisan ang buhay ko.

"Haaaay... Alam ko. Galit ka dahil sa ginawa ko kay Eve, di ba? Eh masyado na kasi siyang pumapapel kaya tinakot ko lang. Konti lang naman!" Paniniguro niya pa na may halong tawa.

"Walang hiya ka!"

Nakita ko ang pagkabigla sa kanyang mukha nang bigla ko siyang sunggaban sa kuwelyo at hatakin siya patayo. Pinanlisikan ko siya ng mata kung kaya't dahan-dahan nawala ang ngiti sa kanyang labi.

"Tsk tsk tsk. Pati sa'kin, nawawalan ka na ng respeto. Sana pala tinuluyan ko na lang siya." Umangat ang kanyang dalawang kilay habang nakipagtalasan ng titig sa'kin. Hindi siya natitinag kahit halos sakalin ko na siya sa higpit ng paghigit ko sa kuwelyo niya. Sa halip ay napangisi pa siya. "Ahhh! Ba't di ko na lang kaya ituloy?"

Halos magdilim ang aking paningin sa'king narinig. Itinulak ko siya hanggang sa mapasandal ko na siya sa wasak na salamin na nasa likuran niya. Sa sobrang lakas ng pagkakadiin ko ay nagsibagsakan ang iilang mga parte nitong nabiak nang suntukin ko siya kanina.

"H*yop ka! Huwag mong sasaktan si Eve!" muli kongbanta. Sabay nito ang pag-angat ko ng isang kamao na itinutok sa kanyang pagmumukha. Hindi rin siya nagpasindak. Mas naging mapaglaro lamang ang mga titig niya.

"Gusto mo, unahan na lang tayo?" alok niya pa. Kumunot ang aking noo dahil doon. Napansin niyang naguluhan ako kaya muling bumuka ang kanyang bibig. "Kapag naunahan mo akong hanapin siya, hahayaan ko na kayong magpakasaya. Pero kung ako ang mauuna..."

Inilapit niya ang kanyang mukha sa may tenga ko at ibinulong ang kasunod niyang sasabihin. "...gigilitan ko siya sa harap mo."

Pinanlamigan ako sa'king narinig. Kusa ng gumalaw ang aking kamay at marahas na sinuntok siya sa kanyang panga. Lalong bumuka ang mga sugat ko sa mga daliri kaya umagos na naman ang mga preskong dugo dito.

"Mamamatay ka muna bago mangyari iyon!" singhal ko ngunit sinagot lang niya ito ng halakhak.

Pinunasan niya ang dugong tumulo rin mula sa kanyang labi at inayos ang kanyang panga.

"Talaga?" hamon nito. Tumayo siya ng tuwid at nilapitan ako ng walang bahid ng takot. Tinapik niya muna ang aking balikat bago nagpatuloy. "Tignan natin kung kaya mo."

Pagkatapos noon, tuluyan na siyang naglaho sa'king paningin.

AGAD kong sinimulan ang paghahanap kay Eve.

Mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan habang tinatahak ang daan patungo sa rest house ng aking kasintahan. Matapos akong mag-change gear, muli na naman akong napasulyap sa side mirror upang masigurong malayo ang pagitan ko sa nakamotor na si Hyde.

Hindi niya dapat ako maunahan.

Kinapa ko ang aking cellphone at sinimulang i-dial ang numero ni Eve. Itinapat ko agad iyon sa'king tenga nang magsimulang magring sa kabilang linya.

Iilang araw na ring wala akong naririnig mula kay Eve at alam kong kagagawan itong lahat ni Hyde. Kung hindi niya tinakot si Eve, kung hindi niya sinabi kay Eve ang tungkol sa'ming pamilya, hindi sana kami magkakahiwalay.

Pero, aaminin ko rin. May kasalanan din ako. Kung sana sinabi ko sa kanya noon pa ang sekreto ko, baka ay natanggap pa rin niya ako. Hinihiling ko na lang na sana'y hindi pa huli ang lahat.

Kilala niya ako. Hindi ako masamang tao.

'Hello? Damian? Ikaw ba yan? Okay ka na ba?' Sunod-sunod na rinig kong tanong ng nasa kabilang linya. Nabuhayan ako ng loob nang masigurong boses iyon ni Eve. Puno pa rin siya ng pag-aalala sa'kin.

"Makinig ka muna sa'kin, Eve. Alam kong naglihim ako sa'yo pero kailangan mo akong paniwalaan. Nasa panganib ang buhay mo. Si Hyde.. he's going to hurt you."

'Damian, hindi kita maintindihan.' putol niya sa'kin. Ramdam ko ang kalituhan sa tono ng pananalita niya kaya sinubukan ko siyang pakalmahin.

"Don't worry, Eve. I won't let that happen. Hangga't nandito ako, hindi ka niya masasaktan." pagpapatuloy ko.

Saglit na tumahimik si Eve sa kabilang linya. Kasunod nito ang mumunting paghikbi niya.

'Da-Damian, please. Huwag ka na munang pumunta dito. Hi-hindi ka pa-'

Biglang naputol ang mensahe ni Eve nang napasigaw siya. Sa tingin ko'y may umagaw sa cellphone na hawak niya.

"Eve! Eve! Anong nangyayari?! Sumagot ka, please!" pigil-hininga kong pagsambit sa kanya nang hindi ko na marinig ang kanyang boses. Bumilis ang pagkabog ng aking dibdib sa pag-aakalang may masamang nangyayari na sa kanya.

Napatahimik na lamang ako nang may boses ng lalaki nang sumagot sa telepono ni Eve. 'Layuan mo na ang kapatid ko, h*yop ka! Ikaw ang pumapahamak sa kanya!'

Hindi na ako nakapagsalita pa ng agad akong binabaan ng kapatid ni Eve.

Pati pala si Zac ay kinasusuklaman na rin ako.

Alam kong siya rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko na malapitan ang aking nobya matapos ang komprontasyon nila ni Hyde. Siya ang nagbabantay kay Eve. Ilang beses kong sinubukang magsumamo sa kanya upang makausap o kahit na masilayan ko man lang ang aking nobya ngunit napakatigas niya. Hindi niya ako pinapakinggan.

Hindi ko rin naman siya masisisi.

Minsang pinahamak ng pamilya ko ang kapatid niya kaya naiintindihan ko kung ayaw na rin niyang mapalapit ako kay Eve.

Isang busina ang nagpabalik sa'kin sa daan.

Napalingon ako sa tabi at nakita ko ang motorsiklong itim na minamaneho ni Hyde. Walang takot siyang nakikipagkarera sa'kin kahit na may mga sasakyan pa sa kabilang lane. Kahit na nakatago sa ilalim ng helmet ang itsura niya ay naaninag ko pa rin ang mapang-uyam na ngiti sa kanyang labi.

Hinatak ko ang kambyo ng aking sasakyan at mas pinabilisan pa ang pagpapatakbo nito. Nakita kong inikot rin ni Hyde ang hawakan ng motor niya at nakipagsabayan sa bilis ng aking takbo.

Nagpaligsahan kami sa kahabaan ng highway hanggang sa may mapansin akong nakatirik na sasakyan sa di kalayuan ng aking lane. May isang taong nakahiga sa ilalim nito't kinukumpuni ang makina. Gusto kong ipihit pakaliwa ang manibela para maiwasan ko ang nakatirik na sasakyan subalit may pumipigil sa'kin.

Kapag tumigil ako, malalampasan ako ni Hyde pero kapag pinihit ko ito pakanan, mababangga ko si Hyde at mapipigilan ko siya sa balak niya.

Kaso, kaya ko ba?

Makakayanan ko ba talagang saktan si Hyde?

Iilang segundo na lang ang nalalabi para makapagdesisyon ako. Naramdaman ko ang pagtulo ng pawis sa'king noo. Bigla kong naulinigan ang tawa ni Hyde. Nangilabot ako nang marinig ko ang boses niya na parang bumubulong sa'king mga tenga.

"Damian... Damian... Damian... Hanggang kailan ka ba magtatanda? Sabi ko sa'yo eh. 'Di mo ako kaya."

Wala na akong nagawa kundi apakan ng mabilis ang break dahilan para mabundol ko ang aking sarili sa manibela. Nang maiangat ko na ang aking ulo, hindi ko na mahagilap pa si Hyde. Sa inis ko'y marahas kong sinapak ang manibela.

Sinisiguro ko. Ito na ang huling pagkakataong makakaramdam ako ng awa sa'yo, Hyde.

Agad kong hinatak ang kambyo, inapakan ang gas at pinihit ang manibela para sundan ang demonyong nakawala sa'king paningin.

KINUHA ko ang baril mula sa compartment na nasa harapan ng shotgun seat. Ito ang baril na bigay sa'kin ng aking ama. Ni minsan ay hindi ko pa ito nagagamit at wala rin akong balak na gamitin ito.

Ngunit sa mga sandaling ito, wala na akong ibang mapagpipilian.

Ito na lamang ang paraan para mapigilan ko siya sa masamang balak niya at nang sa ganoon ay mailigtas ko rin si Eve.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay, biglang umalingawngaw sa tahimik na lugar na iyon ang isang putok ng baril. Agad akong napalinga-linga at tumambad sa'king harapan ang duguang si Zac. May tama siya ng baril sa kanyang tagiliran at halos mawalan na ng ulirat. Sinubukan ko siyang lapitan ngunit napatigil ako nang makahagilap ako ng isa pang pigura sa may hagdan.

Tahimik lang na nakamasid si Hyde. Nakasandal at nakapatong ang mga kamay nito sa hawakan at pinaglalaruan ang isang patalim. Kitang-kita sa mukha niya ang saya habang pinagmamasdan ako.

"Kuya Zac!!!"

Sabay kaming napalingon ni Hyde sa ikalawang palapag ng bahay kung saan nanggagaling ang sigaw. Nakita ko ang takot sa mga mata ni Eve nang madatnan niya ang kapatid niyang nakahandusay na. Nilipat niya ang paningin mula sa kapatid niya at papunta sa'kin.

"Damian... please... umalis ka na."

Habang sinasabi niya iyon, dahan-dahan rin siyang napapaatras. Sinubukan kong sundan siya pero napako ako sa'king kinatatayuan nang biglang tumawa si Hyde.

"Wow! Kita mo nga naman. Mismong girlfriend mo na ang nagpapalayas sa'yo. Tsk tsk tsk." Pahayag niya habang umalis sa pagkakasandal sa hawakan at dahan-dahan na tinahak ang pinagtakbuhan ni Eve. Rinig ko ang bawat pagtama ng kutsilyo sa bakal na hawakan kada hakbang niya sa hagdan.

"Hyde! Huwag!"

Mabilis na gumalaw ang aking mga paa para sundan si Hyde. Halos liparin ko na ang buong hagdan sa bilis ng aking takbo habang sinisigaw ang pangalan niya. Nang makaabot na ako sa tuktok, agad kong itinutok ang aking baril sa lahat ng sulok ng ikalawang palapag. Naririnig ko sa di kalayuan ang palahaw ng aking nobya kaya madali kong pinagtatadyak ang bawat pintuan na masilayan ko.

"Eve! Huwag kang mag-alala." naisigaw ko na lang sa kawalan.

Oras na makita ko ang halimaw na iyon, agad kong ipuputok ang baril na ito sa sentido niya.

Nang makarating ako sa pinakadulong kwarto, nakita kong nakatayo lamang si Eve sa may bintana. Namumugto na ang mga mata nito sa sobrang pagtangis at nanginginig na rin ito sa sobrang takot.

Awang-awa ako sa kanya.

Ibinaba ko ang baril sa'king mga kamay at inilahad ang aking palad sa kanyang harapan. Dahan-dahan ko siyang nilapitan ngunit sa bawat hakbang ko lalo siyang umaatras papalayo-- humahagulgol at umiiling.

"Andito na ako. Huwag ka ng matakot, mahal ko." Marahan kong pagpapakalma sa kanya.

Nang konti na lamang ang agwat namin sa isa't isa, biglang nanigas ang aking buong katawan at napatigil ako sa aking kinatatayuan.

Lumitaw sa likuran ng aking kasintahan ang halimaw na si Hyde. Nakita ko kung papa'no pumulupot ang isang kamay nito sa leeg ni Eve at saka'y idiniin ang patalim sa kanyang balat.

"Tsk tsk tsk. Pa'no ba yan, Damian? Ako pa rin ang nauna."

Mas inilapit pa ni Hyde ang kutsilyong hawak niya kaya't napasinghap na lamang si Eve sa takot. Agad kong itinutok ang baril sa ulo ni Hyde.

Ngumisi lamang si Hyde nang makita niya ang ikinilos ko. Napatingin siya sa hawak kong baril at saka sa akin. "Talaga? Ipuputok mo 'yan?"

"Damian.. please.. umalis ka na."

Napatingin ako sa aking kasintahan. Kahabag-habag ang kanyang kalagayan ngayon. Hindi na siya halos makagalaw sa higpit ng pagkakadiin ng patalim sa kanyang balat. Muli kong binaling si Hyde at sinubukang magmakaawa sa kanya. "Hyde, bitawan mo na siya."

Sinubukan kong humakbang papalapit sa kanila ngunit hinila niya rin papalayo si Eve.

"Edi iputok mo. Tignan natin kung alin ang mas mabilis, ang kutsilyo ko o baril mo." Mapaglarong hamon niya sa'kin.

Doon na nasilaban ang aking utak sa kanyang pinagsasabi. Mahigpit kong hinawakan ang aking baril na nakatutok sa ulo ng demonyo.

"Hay*p ka! Papatayin kita!"

Garalgal na ang boses ko sa sobrang galit ngunit hindi niya pinuna ang aking pagbabanta't sinagutan lang niya ako ng isa pang hamon.

"Oh? Iputok mo na! Ipitik mo na ang gatilyo."

Sinubukan kong pindutin ang gatilyo tulad ng iniutos niya sa'kin pero biglang nanigas ang aking daliri. Kung tutuusin, napakadali lang ng pinapagawa niya. Tiyak ko naman na mas mabilis ang bala kesa sa kutsilyo. Pag natamaan ko na siya, ligtas na si Eve.

Ngunit, bakit may pumipigil sa'kin na gawin iyon?

Muli akong napatitig kay Hyde nang magsimula siyang humalakhak. "Hahahaha. Ano?! Di mo magawa! Ang hina mo talaga, Damian."

Halos tumunog na ang aking buto sa higpit ng pagkakadiin ko sa'king panga habang pinapakinggan ang pangungutya niya sa'kin. Gustuhin ko mang isiping hindi iyon totoo pero alam ko sa kaloob-looban ko, tama si Hyde.

"Alam mo kung bakit? Dahil sa'kin, tinanggap ka ni ama. Pa'no kasi.. ang hina-hina mo at napakalaki mong duwag. Wala kang silbi sa pamilya. Kung hindi lang ako dumating, baka matagal ka nang pinatay ni ama."

Animo'y patalim na sumasaksak at dumidiin sa aking puso ang mga salitang binitawan niya. Ang hirap pakinggan ng mga pasaring niya lalo pa't inaamin ko ring tama siya. Simula nang dumating siya, nawalan na ng atensyon sa'kin si ama. Siya na lang ang naging paborito nito. Siya na lang ang laging bukambibig nito.

Wala akong binatbat sa kanya.

Tanging sa mga mata lang ng kasintahan ako nagiging importante. Kung kaya't hindi ko hahayaang pati kay Eve ay maging mahina ako.

"Aminin mo na, Damian. Hawak kita sa leeg."

Nagpanting ang aking mga tenga sa kanyang sinabi. Walang takot ko siyang nilapitan hanggang sa ang mismong bunganga ng baril ay nalapat na sa kanyang sentido. Napapikit siya sa ginawa ko pero hindi pa rin naglalaho ang kanyang ngiti.

"Tumahimik ka! Hindi mo ako kontrolado! Kayang-kaya kong pasabugin ang utak mo ngayon!" giit ko sa kanya. Nanlilisik na ang aking mga mata at nanginginig na rin ang kamay kong nakahawak ng baril.

Ngunit, umalingawngaw pa lalo sa tatlong sulok ng kwarto ang malakas na paghalakhak ni Hyde. Napadilat siya at walang takot akong minata.

"Ba't di ka tumingin sa salamin at saka mo sabihin iyan." Kumurba ang malademonyong ngiti niya at saka'y sinipat ng tingin ang isang sulok ng kwartong kinaroroonan namin.

Napasunod ang aking mata sa kung saan siya nakatutok at laking gulat ko kung ano ang nadiskubre ko sa salamin.

Hindi ako makagalaw. Halos hindi na ako makahinga. Nanghina ang aking mga tuhod. At, naging blanko ang aking isipan.

Imposible.

Dahil ang tanging repleksyon lang na nakikita ko sa salamin ay ang akin at ang kay Eve.

"Tignan mo. Pagmasdan mong mabuti kung ano ang nakikita mo." Muling bulong ni Hyde.

Akap akap ko sa likod ang aking kasintahan na umiiyak. Nasa kanang kamay ko ang kutsilyo na nakatutok sa leeg ni Eve habang sa kaliwang kamay ko, nakadiin ang bunganga ng baril sa mismong sentido ko.

Wala sa salamin si Hyde!

Wala ang halimaw na iyon.

"Hindi... Hindi iyan totoo!" Madiin kong ipinikit ang aking mga mata. Kagyat na tumulo ang mga luhang kanina pa gustong kumawala mula dito. Pilit kong iwinawakli sa isipan ang mga nakita ko.Pinaglalaruan lang ako ng aking mga mata! Tama! Kasuningalingan ang lahat.

"Shshshsh...Totoo ang nakikita mo, Damian." Bigla kong naramdaman ang presensya ni Hyde. Narinig ko ang mahinang boses niyang bumubulong sa'kin. "Ikaw at ako ay iisa."

"Hindi! Papatayin kita!" puno ng hinagpis kong naisigaw. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa baril.

Gusto ko nang iputok ang gatilyo para matapos na pero may pumigil sa akin na isang boses.

"Huwag, Damian! Huwag mong gawin 'yan!" Nagmamakaawang sambit ni Eve sa'kin. "Please... Damian. Huwag mong saktan ang sarili mo."

Idinilat ko ang aking mga mata at muling bumungad sa harapan ko si Hyde. Itinutok niya sa bibig ng aking kasintahan ang patalim. Pinagtatawanan niya pa ako habang ginagawa niya iyon.

"Hahahaha. Ang bait pala ng girlfriend mo. Kahit hinihila na siya ni kamatayan, kapakanan mo pa rin ang nasa isip niya. Tsk tsk tsk. Nakakaawa nga lang dahil sa mismong kamay mo pa siya mamatay."

Pareho kaming napatingin sa salamin. Muling nawala ang imahe ni Hyde at tanging ako at si Eve na lamang ang nasa repleksyon ng salamin. Nasa kamay ko ang patalim na nakatutok sa'king kasintahan. Naririnig ko ang halakhak ni Hyde sa loob ng aking isipan kahit hindi ko siya makita. Nakakabingi!

Biglang pumasok sa isipan ko ang mga pangyayari kanina. Ang pagsasagutan namin sa loob ng kwarto ko.. Ang pagsuntok ko sa kanya.. Ang pagkabasag ng salamin.. Ang dugo mula sa mga sugat ng aking kamay.. Ang walang takot niyang pakikipag-unahan sa'kin... Ang biglaang pagkawala ng kanyang motorsiklo.. Ang pagkakabaril ni Zac.. Kahit na walang baril na hawak si Hyde...

Nagsimulang magtagpi-tagpi ang lahat ng mga pangyayari sa loob ng aking isipan at parang sasabog na ang aking utak sa kakaisip. Ayaw kong maniwala. Gustuhin ko mang balewalain ang lahat pero unti-unti nang sumusuko ang aking isipan.

"Oh ano na? Mamili ka na. Ang sarili mo o ang girlfriend mo?" Naulinigan ko na naman ang boses niya.

Hindi totoo ang nangyayari. Hindi ang mga kamay ko ang may hawak ng patalim. Hindi ko sasaktan ang si Eve. Hindi ako si Hyde!

"Tama na! Tama na!"

"Damian, please... Labanan mo siya. Hindi ka masamang tao. Alam mo iyan."

Gusto kong paniwalaan si Eve. Hindi ako masama. Pero sa mga oras na ito, hindi ko na nako-control ang aking mga kamay.

Kung totoo ngang nasa loob ko ang halimaw na si Hyde, papa'no ko siya magagawang protektahan kung pati ang sarili ko hindi ko ma-control?

"Hindi.. hindi ko na alam.. Hindi ko na kaya."

Nakapatong na ang daliri ko sa gatilyo. Wala na akong ibang maisip na paraan kundi ang patayin ang halimaw sa loob ko.

"AHHHHHHHH!!"

Kasabay ng pagsigaw ko ay ang pag-alingawngaw ng isang putok. Naibagsak ko ang hawak kong baril at naramdaman ko ang pagmanhid ng aking buong katawan. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula sa'king tiyan. Bumagsak ako sa sahig at napatingin ako kay Eve. Awang-awa siyang nakatitig sa'kin.

"Dam... Damian!" Humagulgol siya at saka'y yumuko para hawakan ang aking palad. Biglang may tumabi sa kanyang isang pigura.

"Si..sinabi ko nang layuan mo ang kapatid ko... Mabulok ka na sa impyerno, hay*p ka!" Buong lakas na naisinghal sa'kin ni Zac kahit nakikita kong nahihirapan na siyang tumayo dahil sa tama niya. May hawak siyang baril na nakatuon ang bunganga sa'kin.

Bumalikwas agad si Eve para yakapin ang kanyang kapatid. Narinig ko ang pagsusumamo niya. "Kuya Zac, tama na! Please! Huwag mo na siyang sasaktan. Hindi niya sinasadya ang lahat. Maawa ka."

Hindi pa rin nawawala ang tawa ni Hyde sa'king isipan. Naglalaho't bumabalik ang kanyang mukha kahit na saan ako tumingin. Nababaliw na nga siguro ako. Wala na akong ibang magawa kundi ang pakawalan ang mga luha sa'king mga mata.

Hindi ko na kaya. Nawawalan na ako ng pag-asa. Mas mabuti na nga siguro ang mamatay para matapos na ang lahat.

Ngunit habang naririnig ko ang paghagulgol ni Eve sa harapan ko, habang nakikita ko ang pagpoprotekta niya sa'kin at habang patuloy ko pang nararamdaman ang kanyang pagmamahal...

..nagkakaroon ako ng maliit na pag-asa.

Kung kaya't gamit ang natitira kong lakas, ibinigkas ko ang mga salita ng pagsusumamo.

"Tulong...

pakiusap...

...iligtas mo ako."

MULI kong naulinigan ang boses na iyon. Nanumbalik ang lahat ng mga alaala. Ngayon ko lang napagtanto kung kanino nanggaling iyon, kung sino ang nagsusumamo at kung sino ang humihingi ng tulong.

Walang iba kundi ako.

Naimulat ko ang aking mga mata nang makaramdam ako ng pagdampi ng malambot na labi sa aking noo. Una kong nasilayan sa pagdilat ko ang magandang mukha ng aking kasintahan. Puno ng pag-asang nakatitig si Eve sa'kin. Hindi pa rin niya ako sinusukuan.

Patawarin mo ako, Eve.

Puno ng paghihinagpis kong sambit sa kanya kahit na alam kong hindi niya iyon maririnig. Sana makita niya pa rin sa mata ko ang aking tunay na nararamdaman.

"Shshshshsh.. Huwag ka nang umiyak, mahal ko. Ligtas ka na."

Pinawi ni Eve ang mga luhang dumadaloy sa'king pisngi. Kahit na sa simpleng bagay na iyon, naramdaman ko ang kanyang wagas na pagmamahal sa'kin sa kabila ng lahat ng nagawa ko.

Wala na si Hyde.

Wala na ang halimaw sa'king isipan.

Kahit na hindi ko nasisigurong naglaho na nga ng tuluyan ang halimaw na iyon, hindi na ako nag-aalala pa...

...dahil sapat na ang pagmamahal ni Eve para mailigtas ako mula sa demonyong kumukontrol sa'kin.

A/N II: Damian's condition is based on a real phsyciatric disorder which is called Dissociative Identity Disorder or previously known as Multiple Personality Disorder. It is a condition wherein a person assumes two or more distinct characters with different personality that is unknown to the person. Some Movies with this kind of theme are "the Ward", "the Nun", "Black Swan" and "Sybil".

Continue Reading