Fall Again

By barbsgalicia

13.6M 219K 27.7K

After getting her heart ruthlessly broken, Leila believed that love is a murderer. She became as cold as ice... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
EPILOGUE
Special Chapter #1

Chapter 6

515K 8.2K 1.1K
By barbsgalicia

***PRESENT TIME***

LEILA PEREZ

BIGLANG TUMULO ANG luha ko habang nakahiga rito sa kama. Punyeta ang aga-aga, nagda-drama ako.

Bumabalik na naman kasi sa isip ko si Levi. Ilang araw ang lumipas simula noong malaman ko kay Claire ang tungkol sa pagdating dito ng hayop na 'yon. Sinubukan kong kalimutan at balewalain, na umaktong normal, pero naiinis ako kasi hindi ko magawa.

These past few days, bigla-bigla ko na lang maaalala lahat ng pinagdaanan kong sakit at hirap simula noong iwanan ako ng lalaking 'yon. Akala ko tapos na ako sa phase na 'to dahil maraming taon na ang lumipas pero shit, may mga bagay pala talagang hindi kayang ayusin ng panahon.

Sa tuwing naaalala ko, nalulungkot pa rin ako. Lalo na kapag mag-isa na lang ako sa tinitirhan kong apartment. Hindi ko maiwasang hindi maalala. Matapang akong babae, pero sa tingin ko, sa oras na ipakwento sa 'kin ang nangyari sa amin ni Levi noon, maiiyak ako. Hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang naranasan ko simula noong iwan niya ako. Kulang na lang ay magpakamatay ako.

Nagliliwaliw na lang ako para maiwasan na ang pag-iisip. Ayoko nang ma-stress!

Ngayong araw nga, pupuntahan ko 'yong kaibigan kong tattoo artist—si Baron Medel. May tattoo shop siya sa isang mall sa Ortigas.

Bumangon na ako ng kama at naligo para makaalis kaagad.

Alas-diyes ng umaga nang makarating ako rito sa mall. Pumarada ako sa tapat. Kabubukas pa lang kaya hindi ako nahirapang maghanap ng mapagpa-parking-an. Dumaan ako saglit sa 24-hour na fast food restaurant para bumili ng pagkain, tapos dumeretso na ako sa shop ni Baron sa loob.

Hindi niya alam na dadalawin ko siya kaya for sure masu-surprise 'yon. Ilang linggo na rin kasi kaming hindi nagkikibuan. Galit sa 'kin 'yong animal na 'yon kasi binasted ko na naman siya.

Pagkarating ko naman sa shop niya, imbis na ma-surprise ko siya e ako pa itong kamuntik nang malaglagan ng panga. May kalampungan na naman siyang babae!

"HOY!"

Nataranta siya at naitulak agad 'yong babae na naka-kandong sa kanya. "Shit, Leila!"

I just rolled my eyes at him.

'Yong babae naman ay nataranta rin tapos binaba agad 'yong naka-angat na mini skirt. Kinuha niya 'yong bag niya sabay tumakbo na palabas nitong shop. Binunggo pa nga ako! Hindi man lang nag-excuse me!

Sinigawan ko nga. "Hoy miss, 'yong strap ng bra mo nalaglag!"

Napailing-iling ako pagkatapos at nagbalik na ng atensyon kay Baron. As usual, isang matapang na titig ang hello niya sa 'kin. Hinayaan ko na lang. Ganyan talaga 'yang hinayupak na 'yan. Galit sa mundo.

"O zipper mo o, bukas pa." Tinuro ko 'yong pantalon niya. "Isara mo nga 'yan. Kahit kailan talaga, ang laswa-laswa mo. Dito talaga sa shop, Baron?"

"Bakit kasi dere-deretso ka?" Magkasalubong ang mga kilay niya sa 'kin. "Hindi ka ba marunong kumatok?"

"Bakit, hindi ka rin ba marunong mag-renta ng motel room? Dito ka pa talaga nakipag-chuchukchakan. Tsaka bakit kakatok pa ako? E ang linaw-linaw ng nakapaskil diyan sa pinto: O-P-E-N. Kung gusto mo pa lang kumatok muna ang mga tao e 'di sana ang nilagay mo riyan, 'knock before you enter'!"

Inirapan ko siya sabay deretso ko na sa pahabang mesa sa loob para ilagay ang mga dala ko. Nilabas ko 'tong binili kong pagkain galing sa paper bag.

Nagulat na lang naman ako nang bigla niya akong higitin sa siko para paharapin. "Ano bang problema mo?"

"Wala. E ikaw, anong problema mo at kinukunutan mo na naman ako ng noo? Kasalanan ko bang nahuli kita? Ang sungit mo. Pinuntahan na nga kita, may dala pa akong pagkain."

"Ba't mo ako pinupuntahan? Sinabi ko bang gusto na kitang makita?"

Bumagsak ang panga ko. "Wow! Thank you, ah. Napakawalang kwenta mo talaga. Ilang linggo na ang lumipas, 'wag mong sabihing galit ka pa rin sa 'kin?"

Inis na akong kumalas sa kapit niya. Kinuha ko 'yong burger at fries na dapat ay peace offering ko, pero nagbago na ang isip ko at hindi ko na ibibigay. Akin na lang. Nakaiirita kasi! Ang daming arte sa katawan.

Lalabas na dapat ako rito sa shop, kaso ang bilis niyang humabol at hinawakan ulit ako sa siko. "Oy."

"Ano?"

"Sa'n mo dadalhin 'yang burger?"

Napabagsak ako ng mga balikat sabay ikot ng mga mata. Tingnan mo 'to, abnoy talaga e. Ewan ko ba kung paano ko natiis 'tong taong 'to ng ilang taon.

Sinaksak ko na sa baga niya 'tong pagkain. "O! Ang arte-arte mo." Inirapan ko ulit siya, tapos umupo na sa kalapit na bench na pang customer.

Siya naman, binalik 'yong burger at fries do'n sa mesa.

Sinimulan na niyang ayusin 'yong mga gamit pang-tattoo niya pagkatapos. Ilang saglit na lang kasi ay siguradong may darating na siyang mga customers. Kilala sa larangan ng pagta-tattoo 'tong si Baron. Mga bigatin talaga ang mga nagpapatinta sa kanya.

Pinanonood ko lang siya habang abala siya ngayon sa pag-aayos. Wala siyang suot na T-shirt kasi nga nakipaglampungan na naman siya kanina. Litaw na litaw tuloy ang malapad niyang katawan na tadtad ng mga naglalakihang tattoo.

Hot ang katawan niya, yes. Pero mukha siyang adik sa paningin ko.

Minsan nga, 'adik' ang tawag ko sa kanya. Kinukunutan niya lang ako ng noo kapag ganoon. Ewan ko ba kung bakit pagdating sa 'kin, ang sungit-sungit niyang hinayupak na 'yan. E sa ibang tao naman, makulit siya at mahilig magbiro.

'Yong buhok niya, hindi ko maintindihan ang style. Medyo shaved sa magkabilang gilid, tapos pagdating sa gitna, makapal na tayo-tayo.

Meron siyang malaking tattoo sa kanang braso—karugtong 'yon n'ong nasa dibdib niya. May hebrew characters din na naka-tattoo pababa sa likod niya. Hindi ko alam kung anong totoong ibig sabihin n'on. Tinanong ko sa kanya dati, pero ang sagot niya sa 'kin, bible verse raw.

Kamuntik ko talaga siyang matadyakan no'ng sinabi niya 'yon. Bible verse? E baka nga hindi pa nakahahawak ng bibliya 'tong lalaking 'to, e! He's a bad boy.

Mabuti na nga lang talaga at mukhang pang-cover at centerfold ng women's magazine ang katawan at itsura niya, kasi kung hindi, mapagkakamalan talaga siyang tambay sa kanto.

Dagdagan pa ng hikaw niya sa kaliwang tainga. Mayroon din siya sa dila. Minsan pinaglalaruan niya pa 'yon. Kadiring tingnan, pero dahil nga gwapo siya, turn on pa rin para sa mga babae niya. Kapag humarap pa 'yan, lalantad 'yong tiyan niyang akala mo ay phinotoshop—ang perfect ng abs at ng v-line! Kaya 'yong mga babae, hala sige lang ang patol.

Oo, babaero 'yang animal na 'yan.

Mas mabilis pa yata siyang magpalit ng babae kaysa magpalit ng damit. Siya 'yong tipong kada ilang buwan lang, may bago na naman. Katulad n'ong naabutan ko kanina. Bago sa paningin ko ang babaeng 'yon. Ewan ko nga kung saan niya na naman 'yon napulot. Pero I'm sure, hindi naman sila magtatagal.

Si Baron Medel, sinumpa yata 'yan no'ng kabataan. Lahat ng mga naging girlfriends niya, dalawang buwan lang nagtagal sa kanya. Hindi yata siya marunong mag-alaga ng babae. The best siyang maging kaibigan. Pero boyfriend? I'm not sure.

"Bakit ka nga nandito?" bigla niyang tanong kaya napabalik na ako ng atensyon sa kanya. Nakatingin lang siya sa 'kin. "'Di ba magkagalit tayo?"

Napangiwi ako. "Magkagalit nga. Kaso kailangan ko ng pera, e."

Yes, 'yon 'yong isa sa mga dahilan kung bakit kinailangan ko siyang puntahan para makipagbati.

Tumayo ako. Nilabas ko 'yong brown envelope mula sa cloth bag ko at pinatong 'yon sa mesa kung saan siya nag-aayos.

Napangisi siya nang mayabang. "Ano na naman 'yan?"

"Ano pa ba? E 'di 'yong mga pictures no'ng nakaraang tattoo event. Bayaran mo na ako. Malaki-laki naman ang napanalunan mo ro'n, kaya dali, bayad! Ni-rush ko ang printing niyan, ha."

Tiningnan niya ako nang masama. "Wala pa 'kong pambayad. Wala akong dalang pera rito. Bukas na lang."

"Hindi pwedeng bukas, aba! Kailangan ko nang magbayad ngayon do'n sa apartment. Ilang buwan na akong hindi nakapagbabayad kasi wala nga akong makuhang matinong shoot, 'di ba? Baka mapalayas na ako ro'n. Tsaka may bibilhin akong lens. Kailangan ko ng pera."

"Wala pa nga akong pambayad."

"Ikaw? Mawawalan ng pambayad? E mas malaki ang kinikita mo kaysa sa 'kin." Nilahad ko ang palad ko. "Akin na ATM mo, ako na lang ang magwi-withdraw."

"Tangina gusto mo talaga parati kang nasusunod, 'no? Hindi ka uubra sa 'kin. Umalis ka na. Isama mo 'yang mga litrato mo. Kukunin ko na lang kapag kaya ko nang bayaran."

"Leche naman, Baron! Sabi mo sa 'kin ngayong araw ka magbabayad? Binasted lang kita, nakalimot ka na."

Bigla niyang binagsak 'yong kapit niyang clear folder sa table. "Pwede ba, wag mo nang ipaalala 'yan. Ang manhid mo talaga, 'no?"

"Hindi ako manhid, okay? Wala lang talaga akong pakialam. Hindi naman kasi ako mabubuhay diyan sa pagmamahal na sinasabi mo."

Umigting ang panga niya sabay balik na lang ulit ng atensyon sa pag-aayos ng mga gamit. "Umalis ka na."

"E paano na nga 'yong pambayad ko sa apartment?"

"Ang tigas talaga ng ulo mo. Bukas na nga. Sinabi ko na kasi sa 'yong do'n ka na sa unit ko tumira, ayaw mo naman."

"Medyo gago lang? Bakit naman ako titira sa 'yo? E 'di nagmukha tayong mag-live-in partners! Please lang, Baron ha. Hindi ko ma-imagine, kaya please lang. Tsaka baka maging sagabal pa ako sa 'yo at sa mga babaeng kinakama mo ro'n."

Bigla niya akong tinapunan ng seryosong titig. "Handa akong itigil ang pambababae ko para sa 'yo, Leila. Ikaw lang naman 'tong hinihintay ko."

Inirapan ko siya. Napaka-drama! Akala niya yata maaantig ang puso ko. Excuse me, bato 'to.

Kinuha ko na lang 'yong envelope na may mga lamang pictures. Pinasok ko na ulit sa loob ng bag ko. Ayaw niya? Fine! Hahanap na lang ako ng ibang mapagkukuhanan ng pera. Ang pinaka-ayoko e 'yong namimilit ng ayaw e. Madali naman akong kausap. Ayokong namomroblema kaya hahanap na agad ako ng solusyon.

Nagnakaw ako ng dalawang pirasong fries, tapos tinalikuran ko na siya.

Lalabas na sana ako ng pinto kaso bigla niya akong tinawag.

Bumuntong-hininga ako sabay lingon. "O ano, magbabayad ka na?"

"Bumalik ka muna rito saglit."

"Bakit?"

"Basta."

"Bakit nga! Sabihin mo muna sa 'kin kung ba't kailangan kong bumalik diyan. Baka mamaya sayangin mo lang ulit ang oras ko."

Napabuntong-hininga siya para siguro pigilan ang sarili niyang mapikon. Tapos siya na lang ang lumapit sa 'kin.

Medyo nailang nga ako no'ng tumapat na siya kasi wala nga siyang suot na T-shirt. Medyo humakbang na lang ako paatras.

"Sa'n ka pala nagpunta kagabi?" tanong niya.

Diyos ko, ewan ko kung matatawa ako o ano. Ang bilis mag-shift ng mood at topic e.

"Napansin ko gabing-gabi ka na nakauwi sa apartment," dagdag niya pa agad. "May shoot ka?"

"Pakialam mo?"

"Tsk, tinatanong kita nang maayos."

Napairap na lang ako. "Wala akong shoot. Wish ko lang, 'di ba? May pinuntahan lang kami."

"Kami?" Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit, sinong kasama mo?"

"Si Vannie."

"Akala ko kasama mo na naman 'yong nagpa-tattoo dati sa 'kin. Napapadalas ang pagkikita niyo ng Allen na 'yon, ah."

Siningkitan ko siya ng mga mata. "Ano bang meaning sa 'yo ng 'madalas'? Bihira ko na nga 'yong makasama. Tsaka bakit kung magsalita ka riyan e para kang jealous boyfriend? Boyfriend ba kita, ha? Tumigil ka. Ginawan mo pa talaga ako ng issue."

"Para kasing may gusto ka na ro'n."

Halos malaglag sa sahig ang panga ko!

Si Allen?

Si Allen na asawa ng pinsan ko? Gusto ko? Fuck! "Tantanan mo nga ako! Hindi ko 'yon type, excuse me! Hindi ako pumapatol sa may asawa."

Ngumisi naman siya sa 'kin. "Oo nga pala. Ang type mo kasi 'yong mga teacher."

Natigilan ako.

Sanay akong wala talagang filter ang bibig nitong si Baron, pero ito ang unang beses na hindi ako natuwa sa sinabi niya.

Tinalikuran ko na lang siya at tuluyan na akong lumabas ng shop. Hindi ko siya nilingon.

##

PAGKABALIK KO SA parking lot at pagkasakay sa sasakyan ko, initsa ko agad 'tong bag ko sa harapang upuan.

Leche talaga! Naalala ko na naman tuloy 'yong pagbabalik ng Levi na 'yon. Si Baron kasi, napaka-insenstive! Dahil lang masama ang loob niya na binasted ko siya, bigla niya akong babanatan ng gano'n ngayon.

Matagal nang may gusto sa 'kin si Baron. Ilang beses na siyang umamin pero palagi ko lang din siyang tinatanggihan.

Ano naman kasing gagawin ko ro'n sa pagmamahal niya? Maipambabayad ko ba 'yon ng renta sa apartment? Nagkasamaan kami ng loob pero kinalimutan ko na nga. Siya 'tong parang babae kung magtanim ng tampo. Wala naman kasi akong sinabi sa kanyang maghintay siya sa 'kin. Hindi ko rin naman siya pinapaasa. Siya 'tong hindi alam ang salitang 'pagsuko'.

Mabait naman si Baron. Kahit palagi niya akong tinatabla, maasahan naman siya. Lagi ko nga 'yong ka-kwentuhan kapag badtrip ako. Alam niya rin ang tungkol sa nakaraan ko. Pero sadyang hanggang kaibigan lang ang tingin ko sa kanya.

Simula noong iwanan ako ni Levi, wala na akong interes at wala na akong balak magka-interes sa mga lalaki. They're all the same. Tsk, bakit ba kasi hindi na lang makuntento si Baron sa pagiging magkaibigan namin? Kaliwa't kanan na nga ang mga babae niya.

Nabalik na lang ako sa wisyo ngayon nang biglang mag-vibrate ang cellphone ko.

Kinuha ko agad sa bulsa. And speaking of the adik—tumawatag si Baron.

Napairap ako sa hangin bago ko sinagot. "O, ano?"

"Sorry. Ako ang mali," sabi niya agad. "Nasa'n ka? Pababa na ako, pupuntahan kita."

"Wag na! Nakaalis na 'ko ng parking lot," kunyari ko lang. "Ang hirap kasi sa 'yo, hindi ka rin marunong makaramdam. Kung ayaw mo akong bayaran, e 'di wag. Hindi kita pipilitin. Maghahanap na lang ako ng ibang raket." Binabaan ko na siya ng telepono.

Bubuhayin ko na sana 'tong makina ng sasakyan pero bigla na namang tumunog ang phone ko. Ang kulit talaga nitong si Baron!

Sinilip ko ulit ang phone ko, pero hindi naman na pala siya ang tumatawag. Si Raquel na, 'yong kasamahan kong photographer.

Medyo nahimasmasan ako. Sinagot ko agad ang tawag. "Raquel?"

"Sis! Good news!"

"Hay naku, siguraduhin mo lang na good news talaga 'yan, ha? Kasi badtrip ako. Ininis na naman ako ni Baron."

"Oo nga, good news! May event tayo next week! O ayan ha, hinanapan na kita ng raket. Siguro naman mababawasan na ang problema mo?"

Napahinto ako sa pagbubuhay ng makina at napasandal sa upuan. Diyos ko, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib!

"At ito pa," dagdag ni Raquel. "Nagbayad na agad ng down payment 'yong kliyente kahit na sinabi kong hindi pa ako sure dahil itatanong ko muna sa 'yo kung tatanggapin mo 'yong event. So, wala tayong kawala rito dahil bayad sila."

Nanlaki ang mga mata ko. "Nagbayad na agad?"

"Yes! Photo and video package ang kukunin nila sa 'tin. Ide-deposit ko na lang sa account mo mamaya 'yong pera."

"Hay, salamat!" Gusto ko pa yatang pumalakpak! Sabi na e, swerte pa rin ako. "Game na game ako riyan. Teka, anong event ba 'yan? At sinong contact person? Ibigay mo sa 'kin ang number para makapag-set ako ng meeting sa kanya."

"Wedding ito, sis. Levi Alarcon ang pangalan ng nakausap ko. Kaso hindi niya binigay ang number niya. Kaya 'yong sa kapatid niya na lang ang nakuha ko. Ise-send ko sa 'yo 'yong number maya-maya. Nagda-drive lang kasi ako ngayon."

Kamuntik kong mabitawan ang cellphone ko.

Hindi ako nakasagot agad. Nakatulala lang ako sa manibela ng sasakyan habang panay ang paghe-hello sa 'kin ni Raquel sa kabilang linya. Para akong biglang nawala sa sarili.

"Uy, sis? Nandiyan ka pa?" Muling pagtawag ni Raquel.

Napapikit ako nang madiin bago nagawang sumagot.

"Raquel, I'm sorry. Cancel that shoot."

• • •

Continue Reading

You'll Also Like

83.4K 4K 28
Passionate baker Jenny Zamora unexpectedly falls for her rich, loyal customer's son, Gavin Trinidad. With the cakes and sweets she regularly bakes fo...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
260K 1.3K 5
Sam is very successful, independent prosecuting attorney who wish to vanish all the criminals in Philippines. Between meetings, trials, learning the...