The Presidents Son

By mysticflordeluna

132K 2.9K 189

Note: ➡️ 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞𝐝 [ 𝐉𝐮𝐥𝐲-𝟐𝟗-𝟐𝟎𝟐𝟏 ] ••• ⚖ ••• Palaban at matapang ang loob at handan... More

WARNING ⚠
Authors Note
PROLOGUE : The Massacre
CASE # 1 : My Worst Nightmare
CASE # 2 : What The Fck!
CASE # 3 : Bestfriend
CASE # 4 : Not Interested
CASE # 5 : Pacencia
CASE # 6 : Ate's Love
CASE # 7 : Basag Trip
CASE # 8 : Probinsyanang Escort
CASE # 9 : More Beer, Please!
CASE # 10 : Intimacy & Privacy
CASE # 11 : Babe?
CASE # 12 : Bakit Wala Kayong Ulo
CASE # 14 : Ulyanin
CASE # 15 : Pakikipaglandian o Pakikipagkaibigan
CASE # 16 : Pusoy Ang Dahilan
CASE # 17 : Darlin'
CASE # 18 : Baka Ma-Inlove Ka Sa'Kin
Case # 19 : Bad Smell
TEAM DELTA PNP RANKING
CASE # 20 : Kumportable
CASE # 21 : Tiwala
CASE # 22 : Binibining Marikit
CASE # 23 : Selos
CASE # 24 : Do or Die
CASE # 25 : You Can't Die For Me
CASE # 26 : Ice
CASE # 27 : Gumising Ka Na
CASE # 28 : Kalma Puso!
CASE # 29 : Ahas?
CASE # 30 : Mindanao
CASE # 31 : Bana
CASE # 32 : Aswang (wakwak)
CASE # 33 : Training
CASE # 34: Fiesta
CASE # 35: Titig
CASE # 36 : Duty First
CASE # 37 : Unang Halik
CASE # 39 : I'm Sorry
CASE # 40 : Boss
CASE # 41 : Batas!
CASE # 42 : Kaibigan
CASE # 43 : Patay Gutom
CASE # 44 : SPG
CASE # 45 : Giyera
CASE # 46 : Makatakas!
CASE # 47 : Bangungot!
CASE # 48 : Pagpapatawad
CASE # 49 : Paalam Kaibigan
CASE # 50 : Serbisyo
CASE # 51 : Soon to be Wife
CASE # 52 : May Lamok Lang :)
CASE # 53 : Duty or Heart?
CASE # 54 : Please, Trust Me
CASE # 55 : F*ck You, Ice!
CASE # 56 ; Hemorrhage
CASE # 57 : Pabor
CASE # 58 : Bakers Street
CASE # 59 : Bonfire
CASE # 60 : Balik sa Realidad!
CASE # 61 : Hampaslupa!
CASE # 62 : Istasyon
CASE # 63 : Ending

CASE # 38 : Selpon

1.3K 37 0
By mysticflordeluna

Bahala na! Basta ang mahalaga'y nasa tabi kita sa mga oras na ito.

- Candice Romero

__________

"ANG bilis ng araw at ngayon na pala kayo babalik ng Maynila," malungkot na sambit ni Lola Peding.

Agad niyang niyakap ang abuela upang kahit papaano'y maibsan ang lungkot na nararamdaman nito. "La, babalik din po kami ni Kurt dito. Kaya huwag ka nang malungkot."

"Opo Lola. Don't worry kapag naayos na namin ang lahat, babalik kami dito. ASAP!" masiglang segunda pa ng binata.

Masaya siya at mukhang komportable si Kurt sa pamilya niya. Ang sarap mangarap. Kaso agad rin niyang ipinaalala sa sarili ang estado ng buhay nilang dalawa. Hindi por que nag-kiss na kayo'y mag-aassume ka na bakla!

"Pangako mo 'yan apo ah," nakangiti ngunit malungkot pa ring wika nh kaniyang abuela.

"Opo promise," anito saka nakipag-pinky finger sa mabait na abuela ni Candice.

"Parang bata." Natatawa namang bulong ng dalaga sa nasaksihang eksina. "Alam niyo para kayong magka-love team na dalawa sa isang pelikula. Iyong paaalis na si lalaking bida tapos malulungkot kunyari si babaeng bida, kaya mangangakuan sa isa't-isa. Ang cheesy niyo ah," kantyaw niya upang kahit papaano'y gumaan ang sitwasyon nila.

Sa totoo lang ay ayaw niya ng ganitong eksina. Ayaw niya 'yong pakiramdam ng nag-papaalam. Ayaw niya ng malungkot. Pero hindi niya kayang pigilan ang hindi malungkot. Nakakainis!

"Ewan ko d'yan sa'yo, Candice! Kasi kung nagkataon lang na ako'y isang dalaga't bata pa. Naku! Yari itong asawa mo sa'kin," natatawang biro ni Lola Peding.

Agad namang nagtawanan ang lahat sa sinabi ng kaniyang abuela. Agad ring napangiti si Candice, nang kaniyang makitang ngumiti ang dalawang matanda.

"Mamimiss ko kayo- kayong lahat. Samok ba uyy!" Mariin ngunit natatawa niyang wika. Gusto na kasing mag-unahan sa pagtulo ng kaniyang mga luha, kaya agad niyang tinigasan ang salita, upang pigilan ang huwag mapaiyak.

"Mag-iingat kayo sa beyahe apo at aasahan namin na tutuparin ninyo ang pangakong babalik kayo dito. Malungkot na naman ulit kasi wala na naman kayo dito. Sasaya ulit tayong lahat pagbalik niyo," bilin naman ng kaniyang abuelo na kanina pa nakatingin sa kanilang tatlo habang panay ang biruan.

Tumayo siya upang yakapin ito. "Mamimiss na naman kita lo," malungkot niyang sambit habang yakap-yakap ang abuelo.

"Ako din Candice. Ako din." Alam niyang pinipigilan lang nito ang huwag maiyak.

"Mag-iingat kayo dito ni lola ah, dapat malusog pa rin kayo sa pagbabalik namin," bilin niya.

"Sus! Kalabaw lang ang tumatanda," sagot ng kaniyang abuelo sabay halakhak ng malakas.

Kailan kaya niya muling masisilayan ang tawa ng mga ito? Matagal-tagal na panahon ulit. Tsk! Hindi niya alam kung kailan ulit siya makakabalik, lalong hindi niya alam kung malusog pa rin ba ang mga ito sa pagbabalik niya.

"I love you. Mag-ingat kayo dito," mahina niyang usal. Saka tuluyang sumampa sa kabayong kanina pa naghihintay upang maihatid sila sa Lungsod.

***

NASA bus na sila nang magdesisyon si Ice na buksan ang kanyang selpon. Tatawagan niya si heneral, at kukumustahin niya na rin ang kaniyang team. Mula noong dumating si Leeroy sa bahay ng kaniyang abuelo't abuela ay wala na siyang narinig pang balita sa mga ito.

Agad naman siyang napangiti ng makita ang sunod-sunod na text ng kaniyang dalawang kapatid na babae. Alam niyang nami-miss na siya ng mga ito. Hindi siya nakapagpaalam ng maayos sa mga ito, kaya hindi kataka-taka kung bakit halos isang daang mensahe ang pumapasok ngayon sa kaniyang inbox.

"Sino 'yan?" Takang tanong ni Kurt.

"Mga kapatid ko," nakangiti niyang sagot.

Hindi na muling nagsalita pa si Kurt, matapos itong tumango. Ibinaling na nito ang tingin sa labas ng bintana. Habang siya naman ay isa-isang binubuksan ang laman ng mga mensaheng galing sa kaniyang makukulit na kapatid.

"Ate, kunyari ka pa ah! Type mo rin pala si Kurt." - Charise
"Ate, totoo bang asawa mo si Kurt?" - Camille
"Ate, marami kang dapat ipaliwanag sa'min. ASAP!"

Iyon ang mga mensaheng kaniyang nabasa dahilan upang mapangiti siya sa mga kalokohang iniisip ng kaniyang mga kapatid. Jusko! Kung alam lang ng mga ito ang nangyayari sa puso niya'y baka napuno na siya ng kantyaw!

Kung saan-saan na napunta ang isipan niya nang biglang magulat sa pagtunog ng kaniyang selpon.

"Okay ka lang ba? Masyado kang nerbiyosa. Nakakagulat ka naman," relamo Kurt. Nagulat rin sa pagsigaw niya.

"Pasensya naman. Malay ko bang may biglang tatawag sa'kin. Hindi na ako nasanay sa ringtone ko ah. Tsk!" Aniya saka sinilip kung sino ang herudes na tumatawag sa kaniya ngayon.

"Sinong tumatawag sa'yo? Ang team mo ba?"

Agad na umiling si Ice, sapagkat "Pards" ang pangalang nababasa niya ngayon sa caller i.d.

Agad namang nagsalubong ang kilay ni Kurt. "Anong kailangan niya? Halatang miss na miss ka na ng isang 'yan ah!"

"Ewan ko? Malalaman ko ang sadya kapag sinagot ko 'to," pamimilosopo niyang sagot.

"Huwag mong sagutin 'yan!" Dikta ni Kurt.

"E 'di wow!" Angal niya sabay pindot ng recieved call. "Oh! Pards napatawag ka?" takang tanong niya sa kaibigan.

"Pards, kumusta ka na? Buti naman at sinagot mo na ang tawag ko. Akala ko nagtatampo ka sa'kin," anito sa kabilang linya.

"H-ha? Bakit naman ako magtatampo sa'yo? May mga kailangan lang akong asikasuhin no'ng nakaraang araw pards, kaya hindi ako masyadong naging active sa lipunan," aniya sabay lingon kay Kurt na tila nag-uusok na ang ilong sa 'di niya malamang dahilan. Agad naman niya itong inirapan.

"Hindi por que nag-kiss na tayo, Kurt ay magpapa-kontrol na lang ako sa'yo ng basta-basta. Ano ka helo!" Bulong ni Ice sa sarili.

"Ahh, gano'n ba? Tapos mo na bang asikasuhin ang lahat ng kailangan mong asikasuhin pards? Ano ba iyong mahalagang bagay na iyon? Hindi ka man lang kasi nagpaalam sa'kin," anito. Himig nagtatampo.

"Ahh, pards. Wait lang ah. Medyo mahina ang signal mo. Putol-putol e. Paki-ulit nga no'ng sinabi mo," aniya.

Ang totoo'y malinaw niyang naririnig ang sinasabi ni Jose. Nahihirapan lang siyang sagutin ang mga katanungan nito. Mahigpit na ibinilin noon ni Major General Go, na walang sinoman ang makakaalam sa misyong ginagawa nila ngayon. Hindi pwedeng makalabas ang impormasyong nalalaman nila. Masyadong confidential ang lahat. Hindi naman sa wala siyang tiwala sa kaibigan. Kailangan lamang niyang maging maingat.

"Pards, malabo pa rin e," muli niyang reklamo kahit hindi naman totoo. Humahanap lamang siya ng palusot. "Ahh, pards. Tawagan kita kapag maayos na ang signal ah. Pasensya ka na pards," paalam niya at agad ring pinindot ang end call, hindi pa man nakakapagpaalam si Jose.

"Bakit hindi mo sinabi ang totoo kay Jose? Akala ko ba kaibigan mo siya?" Maya maya ay tanong ni Kurt.

"Hindi ko kilala kung sino ang ahas sa misyong ito, Kurt. Ang hirap magtiwala sa kahit kanino. Mga kapatid ko nga'y hindi alam ang dahilan ng pag-uwi ko," paliwanag niya. Nanatili ang tingin sa selpon na kanina pa nakapatay. "Malaki ang tiwala ko kay Jose, pero hindi sa misyong ito. Lalo na't mariing ibinilin ng heneral na huwag magtiwala sa kung sinoman," aniya saka nilingon ang lalaki.

Agad namang tumango ang lalaki. "Sabagay tama ka," sang-ayon nito.

Muli na namang nanaig ang nakakabinging katahimakan. Nang magsalita si Kurt, sabay sa paghinto ng bus.

"Gusto mo ng masanas at tubig, Ice?" Tanong nito ng may nakitang nagalako sa labas ng bus.

"May sakit ba ako para tanungin mo kung ano ang gusto ko?" Sarkastikong sagot ng dalaga.

"May regla ka ba? Ang sungit mo naman. Nagtatanong lang naman e," anito saka muling nilingon ang mga tindero/ tindera.

Maya maya pa ay inabutan na siya ni Kurt ng mansanas, tubig, mangga, candy-

"Ang dami naman nito? Pinakyaw mo na ba lahat ng paninda nila?" Takang tanong ni Ice.

"Hindi ko kasi alam kung ano ang gusto mo. Kaya binili ko na lang lahat," sagot ni Kurt.

Wala sa loob na biglang nangati ang sintido ni Ice. "Kaloka ka!"

Isang matamis na ngiti lang ang sinagot ni Kurt. Saka kinagat ang hawak na mansanas. "Kumain ka na. Sabi mo wala kang sakit. Kaya ayaw mong tinatanong ka. Ayan na lahat. Kainin mo," ani Kurt.

"Kapag ako natae sa bus na ito. Lagot ka sa'kin!" Inis na wika ni Ice saka binuksan ang mineral water na binili ng binata.

"Hoy! Bastos talaga ng bibig mo, Candice," natatawang saway ni Kurt.

"Kainin mo 'to," abot niya sa nilagang itlog.

"Para sa'yo 'yan lahat."

"Hindi ko mauubos 'to," naiinis niyang wika.

"Ilagay mo lang d'yan. Kakainin nating dalawa 'yan," nakangiting wika ni Kurt, saka siya tinulungang ayusin ang mga binili. "Ayaw kasing magpatanong e," asar pa nito.

"Ewan ko sa'yo!" Mahina niyang singhal. Pinipigilan ang pagtaas ng boses, baka maistorbo pa nila ang kapwa nila pasahero.

Agad namang tumawa si Kurt, gaya ng singhal niya'y mahina lang rin ang tawa nito. "Halika nga rito," anito sabay kabig sa kaniya upang gawaran siya ng halik sa noo. "Kapag natatae ka na. Ipahinto mo ang bus na ito. Sabihin mong tatae ang anak ng presidente," bulong pa ni Kurt.

"Letse!" Aniya sabay palo sa balikat ng binata.

Tumatawa naman itong sinalo ang hampas niya. "Siguradong titigil 'to."

"Ha! Kung paniniwalaan ka nila," tudyo niya.

"Bakit hindi? Kamukha ko kaya ang tatay ko."

Kunwa'y sinuri-suri naman niya ang mukha ng binata. "Hmm, hindi masyado." Aniya sabay ismid. "Sa palagay ko mas maniniwala sila kaoag sinabi mong anak ka ng NPA," muli niyang tudyo.

Agad namang umasim ang mukha ng binata. "Talaga ba?" Anito at akmang kikilitiin siya.

"Sisigaw talaga ako rito, kaya umayos ka!"

"Hahalikan kita, para matahimik ka."

"Sus! PDA ka na naman."

"Bakit masama ba?" Nagtatanong ang mga tingin ni Kurt habang nakatitig sa kaniya.

Tumango-tango si Ice at manipis na ngumiti. "Conservative ang mga tao rito. 'Di gaya sa lugar na kinalakihan mo. Kapag hinalakan mo ako rito, imbes na kiligin ang mga 'yan. Mandidiri pa ang mga 'yan sa'yo at sasabihan kang; Mga kadiring tao ito! Kumuha kayo ng hotel. Lechugas!"

"Gano'n? Sige punta muna tayo sa hotel, Ice. May hotel ba rito?" Walang alinlangang sagot ni Kurt.

Agad namang nanlaki ang mata ni Ice sa deretsahang wika ni Kurt. "Akala mo sa'kin. Easy to get!"

Hindi na nagawang sumagot ni Kurt, dahil panay tawa na lang ang ginawa nito. Panay hampas naman siya sa balikat ng lalaki. Nainsulto ang pagkababae niya roon ah. Tsk! Hindi na siya teenager, pero bakit pakiramdam niya ngayon ay bumalik siya sa disi-sais anyos. Hindi man niya nakikita ang mukha'y ramdam niyang namumula siya sa kahihiyan.

Muli siyang kinabig ni Kurt at ini-akbay ang braso nito sa balikat niya. "Biro lang. Masyado ka namang seryoso," anito.

Hindi niya ito sinagot. Sa halip ay ginawaran niya ito ng nanlilisik na tingin.

"Magpahinga na tayo. Mukhang mahaba-haba pa ang beyahe. Umidlip muna tayo, Ice," aya ni Kurt.

Akmang gagalaw si Ice, upang tanggalin ang nakaakbay na braso ng binata. Nang magsalita ito.

"Saan ka pupunta?"

"Iidlip," sagot naman ni Ice.

"Umidlip ka d'yan sa braso ko," anito sabay nguso ng sariling braso. "Mas komportableng umidlip sa braso ko, kaysa sa matigas na sandalang ito. Kaya ipikit mo na iyang mga mata mo," utos ni Kurt.

Mag-iinarte pa ba siya? "O-okay," aniya saka sinunod ang sinabi ni Kurt.

Tama naman ang binata na mas kumportableng sandalan ang braso nito. Hays! Buhay pag-ibig. Pusong nakatakdang mawasak!

"Bahala na! Basta ang mahalaga'y nasa tabi kita sa mga oras na ito. Nakasandal ako sa braso mo at naaamoy ko mismo ang suot mong pabango," kausap ni Ice sa sarili, bago tuluyang hinayaang hilain siya ng antok.

Salamat sa patuloy na pagbabasa.

Author: Flor De Luna
- Luna 🌻

Continue Reading

You'll Also Like

420K 9.1K 54
Fixed marriage. Yan ang kinakaharap ni Keirro at Akiya. Hindi sila sang-ayon ngunit may parte kay Akiya na masaya lalo na't matagal na nyang gusto an...
151K 18.3K 87
THIS STORY IS UNDER EDITING. Sa Kabila ng mga Pasakit...Naroon ang Pagasa na pagkatapos ng lahat, mabubuong muli ang mga nasira na. Walang ibang mah...
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
259K 5.4K 39
Isang babaeng probinsyana ang mag ta-trabaho sa Manila, para sa pamilya. Hindi nya alam na ipag kakasundo pala sya sa amo ng anak nya para lang ito a...