The Wrong One (BOS: New World...

By JFstories

10.4M 391K 94.2K

Hendrix Ybarra is your college professor by day, your manager in your part-time job by night, and your gorgeo... More

Prologue
Rix Montenegro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22 [Part 1]
Chapter 22 [Part 2]
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
EPILOGUE
New World

Chapter 11

307K 13.5K 4.3K
By JFstories

ANG walanghiyang lalaking iyon, ang sabi niya pala sa parents niya ay pakakasalan niya raw ako! Ano bang pumasok sa kukote niya at nasabi niya 'yon? May sira na siguro ang tuktok niya!


Ayon pa kay Madam Aviona, kahit kailan daw ay hindi nagkuwento sa kanya ang anak niya ng tungkol sa babae. Ni hindi nga raw ito nagsasabi sa kanya ng mga problema. Tahimik lang daw si Rix at bihirang magsalita. Kaya naman laking gulat daw niya nang tawagan siya nito para lang magkuwento ng tungkol sa akin. O di ba, napakasiraulo!


Padabog akong bumaba ng hagdan dahil kanina pa ako tinatawagan ni Rix. Pinapababa niya ako. Wala raw siyang kasama sa baba ng kanilang malawak na mansiyon.


Nang madatnan ko siya sa sala ay mag-isa lang siyang nakaupo sa mahabang leather sofa. Nilapitan ko siya. "Bakit ka ba tawag nang tawag?!"


Tumayo siya. "Ano ba kasing ginagawa mo sa itaas?"


"Kausap ko ang dad mo."


Napaatras siya. "Si Lander Montenegro? Kausap mo?"


"Hindi siya basta si Lander Montenegro lang. Tatay mo siya."


Oo, nakaharap ko na ang daddy niya na si Lander Montenegro. At oo, sobrang guwapo! Blue eyes din, at tama ako, ito ang kamukha ni Rix. Ito ang mas nag-enjoy habang ginagawa siya!


Pero sa totoo lang, natakot ako nang una kong makaharap si Lander Montenegro. Seryoso kasi ito masyado. Naalala ko tuloy ang mga bali-balita rito dati. Sikat ito na dati raw mafia prince. Isang taong misteryoso, seryoso, at maraming itinatagong sekreto. Nabasa ko pa sa lumang newspaper nina Gracia na nakulong daw ito ng ilang taon matapos nitong ilaglag ang sariling organisasyon.


May balita pa nga na si Sir Lander daw ang utak ng pag-kidnap sa Montemayor Princess na si Madam Aviona noon. Mortal na magkalaban daw kasi sa negosyo ang mga Montemayor at Montenegro. Pero sa tingin ko ay chika lang iyon. Hello?! Mag-asawa kaya ngayon sina Madam Aviona at Sir Lander. Ang sweet pa nga nila. Tawagan nila 'mahal', o sana all, di ba?


"Sige na, kung wala ka nang sasabihin, babalik na ako sa itaas!" masungit na sabi ko kay Rix. Nabitin kasi ang kuwentuhan namin ng dad niya.


"Did you really talk to him?"


"Oo. Birthday naman niya, di ba? Kaya hayun, kakwentuhan ko. Eh, kaso naman tawag ka nang tawag. Nasa kasarapan kaya kami ng pag-uusap."


"How could you possibly talk to my dad? You've only met him for a few hours, and he's a damned man of few words!"


"Anong masama roon eh, mabait naman ang dad mo? Saka nagkataon lang siguro na parehas kaming mahilig sa NBA."


"NBA?"


"Parehas kaming fan ng Golden State Warriors. Championship ang team namin nitong taon."


"Championship? Hindi ba champion?"


"Ganoon na rin 'yon. Nadagdagan lang ng ship."


"I don't watch TV. I never did."


"Pakialam ba namin sa 'yo!" Inirapan ko siya.


"Kanina si Mom ang katawanan mo. And now my dad? How the hell did you do that?"


"Problema mo na 'yon, 'di ko na problema 'yon." Humalukipkip ako. "Ikaw nga diyan hinubaran mo ko, eh!" bulong ko.


"Huh?"


"Wala. Babalik na ko roon. May kinukwento sa'kin 'yong dad mo tungkol sa kotseng pagong."


"I'm alone here. Ako ang kasama mo at hindi sila."


"Bakit di ka nalang makipagkuwentuhan diyan sa mga bisita?" May mga bisita na kasi kanina na dumating kami. Karamihan sa mga ito ay mga negosyante. Nasa back garden. May mini party roon, pero sad to say, wala roon ang celebrant.


Hindi kumibo si Rix. Napayuko lang siya.


"Wala ka bang barkada? Hindi mo ba sila inimbita?"


Naikuwento nga pala sa akin ni Aviona na hindi raw nakikihalubilo si Rix sa kahit na kanino. Mula pa noong bata siya, mas gusto niya nang nag-iisa. Kahit nga sa kinabibilangan niyang elite fraternity na Black Omega Society ay mailap si Rix. Sa madaling salita, wala siyang malapit na mga kaibigan.


May nakasulat na writeup sa kanya sa mga magazine. Meron daw siyang antisocial personality disorder kaya wala siyang close friends. Ewan ko kung chismis lang. Wala naman akong paki dahil di ko naman din alam ang meaning niyon.


"Ano bang klaseng buhay meron ka, ha? Subukan mo kayang maghanap ng kaibigan na puwede mong maging kaututang-dila."


Umangat ang isang kilay niya. "What the hell was that?"


"Iyong kaibigan na kabiruan. Iyong masasabihan mo ng mga kababuyan mo sa buhay."


Tinalikuran niya ako.


"Bahala ka na nga sa buhay mo. Aakyat na uli ako–"


"Kapag umalis ka, dadagdagan ko assignment mo bukas."


Nagtagis ang mga bagang ko. "Iuwi mo na lang kaya ako?"


Humarap siya sa akin at tumitig.


Nang magtagpo ang aming mga mata, napalunok ako. "A-ano na naman 'yan?"


"Don't move."


Pinagpawisan ako nang malapot. Namimisteryuhan ako sa asul niyang mga mata. "A-ano na namang plano mo?"


"Gusto lang kitang titigan."


Napalabi ako. "Akala ko ba hindi mo ko type?"


"Wag kang assuming. Tititigan lang kita, hindi kita mamahalin."


Bigla akong pinamulahan. "B-bahala ka kung ano gusto mong gawin." Umiwas ako ng tingin sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang kumabog ang dibdib ko. "H-hanggang kailan mo ako tititigan?"


"Until I grow old."


Nagulat ako sa sinabi niya. "A-ang hirap talaga intindihin ng english mo." Iniba ko ang usapan. "B-bakit mo nga pala sinabi sa parents mo na pakakasalan mo ako?" Hindi na ako makatingin sa kanya.


Napabuga siya ng hangin. Pagkatapos ay tinalikuran niya ako. Naglakad siya palayo sa akin.


Napakamot na lang ako ng ulo. Ang hirap talaga intindihin ng lalaking ito. Hindi ko talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya.


....


"ANONG nagawa ko? Bakit parang galit sa akin ang mga kaklase natin?" tanong ko kay Gracia habang naglalakad kami pauwi.


"Nagseselos lang ang mga 'yan."


"Ha? Bakit naman sila magseselos?"


"Eh paano, laging ikaw lang ba naman ang tinatawag ni Professor tuwing may recitation."


Umikot ang bilog ng aking mga mata. "Wala kasi silang alam sa nangyayari. Hindi nila alam na pinapahirapan ako ng Rix Montenegro na 'yon."


"Nahihirapan ka nga kaya?" Napahinto sa paglalakad si Gracia.


"Ha?"


"Hindi mo ba napapansin, 'insan? Ikaw lang ang may grade sa recitation. Bagsak ka nga sa mga quiz pero nababawi mo naman. Isa pa, bakit kahit late ka kanina hindi ka na niya pinarusahan. Bakit parang bumait na ata siya sa 'yo?"


Nalukot ang mukha ko. "'Insan, wala bang araw na hindi natin siya pag-uusapan?"


"Eh, siya kasi lagi ang topic sa university. Kahit sino naman kasi ay gaganahang mag-aral basta siya ang professor. In fact, sikat na rin siya sa ibang university. Ang bansag na nga sa kanya ay hottest prof, eh. Hindi na rin ako magugulat kung madi-discover ng mga estudyante na siya at ang mysterious manager ng Black Omega Society ay iisa."


"Bukas na natin siya pag-usapan. Puyat ako ngayon."


Pumamewang siya. "At ano naman ang ikinapuyat mo?"


"Isinama ako ni Rix kagabi sa kanila. Birthday kasi ng dad niya."


Hinampas niya ako ng bag. "Eh, kung kinakalbo kita! Bawiin mo 'yang sinabi mo!"


"Insan, bakit ka ba nagagalit? Nagseselos ka ba? May gusto ka ba sa kanya?"


Parang naloloka na ginulo niya ang kanyang buhok. "Ewan ko ba, 'insan. Naiinggit kasi ako sa 'yo. Kahit kasi Montenegro siya, nuknukan naman siya ng guwapo. Mayaman pa. Kapag naging kayo, pabili ka agad ng eroplano para travel-travel na lang tayo!"


....


SINO BA ITO? Malalim na ang gabi, eh nangangatok pa!


Nasa kalagitnaan na ako ng panaginip ko ng magising ako sa katok niya. Pinilit kong bumangon at pagewang-gewang na tinungo ang pinto. At dahil wala pa ako sa huwisyo ay basta ko na lang iyong binuksan.


Isang matangkad na lalaki ang napagbuksan ko.


"Hey." Agad na nasalo ko ang kanyang bughaw na paningin.


Nanlaki ang mga mata ko ng mahimasmasan ako. Napatakip ako sa dibdib ko. "Ano ba, nakasando lang ako?!"


Tumaas ang sulok ng sensual niyang mga labi. "So what? Nakita ko naman na 'yan."


Hinampas ko siya. "Kapal ng mukha mo, 'sabi mo hindi mo tiningnan?!"


Sumimangot siya. "Paano ako nangilabot kung hindi ko nakita 'yan?!"


Sinuntok ko siya sa dibdib. "Ipapapulis talaga kita!"


"Go ahead. Sasamahan pa kita." Pumasok siya sa loob.


"Bakit ka ba nandito? Nakakaistorbo ka, alam mo ba 'yon?"


"I'm giving you thirty seconds para magbihis."


"Ano 'to, nanay mo naman ang may birthday?"


"We're just gonna watch TV."


Napahikab ako. "Ganitong oras? Haler, it's very evening na kaya."


"I just wanna watch TV, okay?"


"Manonood ka lang pala ng TV bakit kailangang kasama pa ako?"


"I never had someone with me. Most of the time, I'm alone. I just wanna try to watch TV with someone beside me." Kahit nga raw mommy niya noon ay namomroblema sa kanya. Ayaw niya kasi manood ng TV katulad ng ibang bata. Ano kaya ang nakain niya ngayon at gusto niya nang manood?


Sinimangutan ko na naman siya. "Ayoko sumama sa 'yo! Inaantok na ako!"


"Fine. Susunugin ko na lang itong tinutuluyan mo."


"Sige, magbibihis lang ako." Naghagilap na ako ng isususot ko. "Ano nga palang papanuorin natin?"


Bumaling siya sa kawalan. "NBA, maybe."


....


ANO BA ITO? Ang sakit ng batok ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nanonood kami ng NBA ni Rix kaninang madaling araw doon sa condo niya. Ang masaklap pa, doon ako nakatulog sa balikat niya.


Ang sarap pa ng tulog ko roon. Siguro dahil ang bango niya at ang sarap higaan ng balikat niya. Lalo pa akong inaantok nang maramdaman ko ang mainit at mabango niyang hininga. Nabatukan ko ang aking ulo. Hala, ano ba iyong mga napag-iiisip ko?!


Anong petsa na hindi pa rin ako maka-move on, iyan tuloy ay mali-mali ako rito sa ginagawa ko trabaho. Nagulat ako nang biglang may humawak sa balikat ko at hinilot ito. Kamuntik ko nang masampal ito kung hindi ko pa nakita ang mukha ni Kevin.


"Relax, Martina. Mamasahiin lang kita."


"'W-wag na. Okay lang ako." Umiwas ako sa kanya. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niyang pamimilit sa akin na uminom noong nakaraan.


Pero makulit siya. Lumapit siya sa akin at minasahe ang likod ko. "Magaling ako magmasahe, alam mo ba 'yon?"


Naiirita talaga ako sa kamay niya. Masyado kasi siya kung makahawak sa akin. "O-okay lang talaga ako, promise."


Ngunit ayaw niya talaga ako tigilan. Heto siya at nakahawak pa rin sa balikat ko. Sa asar ay buong puwersa ko na tuloy siyang naitulak. Natawa lang naman siya, at hinawakan ulit ako sa balikat.


Idinaan ko na lang sa pagbabago ng usapan ang asar na nararamdaman. "Siya nga pala, Kevin. Galit ba sa'kin ang mga katrabaho nating babae?" Ang tatlong kasamahan naming babae sa coffee shop ay napapansin ko na iniiwasan ako.


Natawa siya. "Nagseselos lang ang mga iyon. Karamihan kasi sa mga iyon ay may gusto kay Manager. Hindi mo ba napapansin? Sa 'yo lang may pakialam si Manager. Sa amin wala siyang pakialam."


"Hindi, ah."


Bumaba ang kamay ni Kevin sa mga braso ko. "Kapag wala ka pa, mainit ang ulo niya. Nagiging good mood lang siya kapag dumating ka na. Hindi mo napapansin 'yon, ano?" Bumaba pa ang kamay niya sa baywang ko.


Inawat ko siya. "Kevin, tama na. Okay na ako."


"Ito naman, bakit ba iwas na iwas ka sa akin?" nakangiting tanong siya saka ako bigla na lang niyakap.


"K-Kevin–" Biglang may humila kay Kevin at marahas na isinandal siya sa pader. Napanganga ako nang makita ko kung sino ang gumawa nito sa kanya.


"Rix!" Napahiyaw ako ng makitang namumutla na si Kevin.


Hawak niya ang kwelyo ni Kevin at walang may alam kung ano ang iniisip niya. Pero kahit kalmante ang kanyang perpektong mukha ay hindi pwedeng hindi ka matatakot sa kanya.


Sinakal ni Rix ang lalaki at itinaas sa ere. Ang kanyang malalamig na mga mata ay bigla na lamang tila nag-apoy.


"She's mine," mariin niyang bulong.


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

125K 4.4K 17
[PROFESSOR SERIES II] Astrea Zaire Luceria thought she was incapable of loving someone. But the moment she laid her eyes on a certain Art Professor...
819K 27.7K 37
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...