BARAKO SERIES: #2 Seduce Me...

By coalchamber13

534K 14.6K 628

Except for his best friend, no one knows he's gay. He kept his secret until his Secretary discovered it one d... More

Seduce Me
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Wakas

Chapter 14

16.8K 537 37
By coalchamber13

Wala akong ganang magwork ngayon dahil wala si Alonah. Nagpaalam itong magleave ng two weeks dahil namatay ang Uncle niya na nasa US.

Kaya kahit nabubuwisit ako sa kakulitan nakakamiss din pala. Walang maingay walang sumasalakay, walang sawa, walang Alonah.

Napahinga ako ng malalim.

Kinuha ko ang mga papeles at pinagkaabalahang ireview ang mga proposal kahit wala talaga akong gana. Wala kasi ang vitamin ko..

Si Alonah.

Dumalaw ang bestfriend kong si Felicity. Fresh na fresh ang aura niya. Nadiligan na kasi at may anak na.

" Oh, wala kang secretary?" Tanong sa akin ni Felicity. Buhat nito ang 6 months na anak nila ni Kuya Kael si, Lorenzo.

" Nasa US ang babaita umattend ng funeral ng Uncle niya. Ano ang nagtaboy sa iyo at dinalaw mo ako? Baka magwala na naman yang asawa mo dahil wala ka sa bahay." Ayaw na ayaw niya kasing lumalabas itong isa na hindi niya alam. Ito naman basta na lang lumalabas na wala man lang paalam. Minsan na lang kaming nagkikita ng bestfriend ko kay namiss ko siya.

" Hayaan mo yun! Nabuburyong na ako sa bahay! My god gusto ko naman mamasyal! Feeling ko ang losyang losyang ko na!" Napatirik ako ng mata. Akala mo naman ang dami na niyang anak kung makalosyang naman ito.

"Mahal ka lang nun kaya nag-aalala. Alam mo naman may balat ka sa pekpek nakadikit na sa iyo ang kamalasan." Wika ko. Inirapan niya ako.

"Buti wala ang exaggerated dito. Kaya pala walang humarang sa akin sa pinto pa lang." Natatawang sabi nito.

Napatingin ako kay Lorenzo na nakatingin sa akin. Naglalaway ang bata tinuturo niya ako. Napatirik ako ng mata gusto pa yata magpabuhat sa akin.

" Oh, buhatin mo daw siya." Binigay ni City ang anak sa akin. Napangiwi ako habang kinuha ko ang baby.

" Dadda.. Dadda.. " Sinubo niya sa bibig ang daliri tapos inilapit niya sa bibig ko. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa daliri na may laway ng baby.

Tawa ng tawa si City sa ginagawa ng anak. Siraulo talaga.

" Baby that's dirty. "Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kamay nitong may laway. Bigla itong lumabi na parang iiyak.

Hala ka.

Ginawa ko sinubo ko ang daliri ko sa bibig at pinakita kay Enzo. Ang bata biglang napahagikgik. Mukha akong ewan sa ginawa ko.

Eww...

" 'Yan ang kadiri anak." Sabi ni City sa akin.

" Kunin mo na nga itong anak mo. Manang mana talaga sa iyo ang hilig mang-bully" Reklamo ko.

Tatawa tawa si City habang kinuha niya sa akin si Enzo. Si Enzo kumapit sa leeg ko at iniiling iling ang ulo.

" Naku patay ka diyan bakla ayaw ng umalis sa iyo" Napatitig ako sa anak ni City.

Natawa ako nang nagbeautiful eyes sa akin. Hinalikan ko ang pisngi niya. He's so cute kamukha kamukha ni Kuya Kael. Pero kaugali ni City. Ako kaya kailan magkakaroon ng pamilya at anak?

Ilang linggo na ako dito sa US. Sinamahan ko muna si Mommy last week pa sana ako nakauwi.

" Mommy sasamahan muna kita dito sa US." Naawa kasi ako kay Mommy magmula ng mamatay si Uncle Sam laging umiiyak si Mommy. Hindi kasi sila nagkita ni Uncle ng matagal na panahon. Hindi namin alam na nasa stage 4 na pala ang colon cancer nito.

Sana daw pala noon pa kami nagpunta ng US para nakasama niya ang nakakabata nitong kapatid.

" Okay lang ako anak. Nandito naman sila Tita mo. Gusto ko muna silang makasama ng ilang buwan. Ikaw kailangan ka sa trabaho mo. Ikaw na lamang ang maunang umuwi." Inakbayan ko si Mommy.

" Okay Mommy"

Buti maaga ako nakapagpabook dahil namimiss ko na ang sweety pie ko. Ilang linggo din ako nawala sa piling niya. Inayos ko na ang mga damit ko at ang mga pasalubong ko sa sweety pie kong pogi.

Kahit may jetlag pa ang beauty ko dumiretso ako sa opisina ni Stefano para i-surprise ko siya. Miss na miss ko na talaga ang sweety pie ko.

Binati ko ang mga guard at mga empleyado na nakakasalubong ko. May pakaway kaway pa ang mayora niyo. Sabay rampa papasok ng elevator habang hila hila ang maleta ko.

OMG maleta talaga?

Huminga muna ako ng malalim bago inopen ang pinto ng opisina ni Stefano. Sisigaw na sana ako ng sweety pie ko pero natulala ako sa nakita ko.

Si Stefano nakahiga sa table naka boxer brief lang at may nakapatong na babae na wala ng salawal! Nanlalaki ang mata ko at napatakip ako ng bibig.

" What is the meaning of this Stefano!" Dumagundong ang boses ko sa buong opisina ni Stefano.

Napatingin sila pareho sa akin. Halos kumuyom ang kamao ng takpan ng katawan ni Stefano ang babae dahil hubot hubad na.

" Ilabas mo yang babaeng linta na iyan!" Ibinagsak ko ang dala dala kong malaking maleta. Sumugod ako para sabunutan ang babae na makati pa sa higad.

Nakipag patentero ako kay Stefano habang inaabot ang babaeng wala ng kasuotan.

" Please Alonah stop it!" Hinawakan ako ng mahigpit sa braso ni Stefano. Halos mag-apoy ang mata ko sa galit at selos.
Iwinaksi ko ang kamay nito.

Napaluha ako. Nasasaktan akong may ibang humahalik kay Stefano pero parang okay lang sa kanya. Samantalang ako halos maghubad na ako sa harapan niya nagagalit siya sa akin.

" Sino yang babaeng iyan!" Sigaw ko sa kanya. Kahit kilala ko na kung sino tinanong ko pa din. Para may matanong ako kahit galit na galit na ako. Nakita kong nakabihis na ang babae. Napahawak pa sa braso ni Stefano na mas lalong ikina init ng bunbunan ko.

Ubod lakas kong itinulak ang bakla na nakaboxer brief lang. Kung sa ibang pagkakataon maglalaway ako sa baby doll niya puwes ngayon hindi!!!!

Sinugod ko nang mag-asawang sampal at sabunot ang babae.

" Alonah stop it! Dont hurt her!" Wika ni Stefano habang pinipigilan niya ako. "Get out of here! " Sigaw niya sa akin na nakapagpatigil sa akin.

Pinahid ang luha ko. Sapat na ang narinig ko sa kanya. Itinataboy na niya ako. Well matagal na niya akong itinataboy ako lang naman ang tanga at manhid isini siksik pa ang kagandahan ko sa kanya.

" Okay kung iyan ang gusto mo. Mawawala na ako sa buhay mo." Tumalikod na ako at lumabas ng pinto. Bigla akong napahinto hindi ko kaya...

Binalikan ko ang dapat balikan. Napatingin sa akin si Stefano. Hindi ko maiwasang bumaba ang tingin ko sa baby doll ni sweety pie ang tambok ah? Nilagpasan ko siya. Akala naman niya siya ang babalikan ko? No way!

Naiwan ko ang maleta ko no duh.. Hindi ko kaya mawala ang mga binili kong damit galing ng US.

Inirapan ko silang dalawa. Tsaka ko hinila ang maleta kong malaki.

" Magsama kayong dalawa! Bakla ka!" Sigaw ko ng nakalabas na ako ng pinto.

Nang makalabas ako ng building umiyak ako na parang batang inagawan ng candy.

Nasalubong ko si Kuya Alexandro ang pulis na matulis. May kasama siya yung bestfriend ni Mikaelo na si Melissa. Bakit magkasama ang dalawa? Napairap ako dahil nakita kong magkaholding hands ang dalawa.

Oo na kayo na! Kayo na ang pinagpala ng diyos! Kayo na ang may lovelife! Kayo na ang masaya at nagmamahalan! Kayo na! Kayo na!!!!!

Napatingin sa akin ang dalawa na parang nagtataka.

" Bakit ka sumisigaw ate Alonah?" Tanong ni Melissa.

" Sinigaw ko ba?" Balik tanong ko din.

" Oo kaya rinig nila eh oh?" Itinuro niya ang mga empleyado na nakatingin din sa akin na parang ang sama ng sinabi ko.
Natatawa si Alexandro sa akin.

" Mahilig sa ampalaya si Alonah kaya bitter" Biro ni Alexandro.

Sa sobrang inis ko sa pagtawa niya sa akin tinuhod ko ang panggitna niya. Napaluhod sa sakit si Kuya Alexandro sa ginawa ko.

" Tangina! Bakit mo..shit!" halos mamalipit na siya sa sakit.

" Hala ka ate Alonah nabasag na ang betlog niya!" Sigaw ni Melissa sa akin. Nanlalaki pa ang mata habang inaalalayan niyang itayo si Kuya Alexandro na hawak hawak ang panggitna niya.

" Mawasak sana ang betlog mo! Tapos ilagay mo sa amplaya para hindi masayang! Bitterin mo din mukha mo!" Sigaw ko kay Kuya Alexandro na nakangiwi na sa sakit. Tinalikuran ko na sila.
Bahala siya sa betlog niyang basag. Gawin ko pang scrambled egg iyon eh.

Hindi na ako pumasok trabaho para ano pa. Magpapakatanga na naman ako? Nagdecide na akong magresign kailangan ko ng pagtuunan ang sarili ko. Sabi nga nila mahalin mo muna ang sarili kaysa ang iba.

Tinanggap ko ang offer ng isang client ko. Sa Cebu daw kasi niya itatayo ang dream house nito. Kaya pumayag na ako para makalayo na ng tuluyan sa Stefanong iyon.

Magstay ako sa Cebu for 2 months or hanggang matapos ang bahay na pinapagawa ng client ko.

Akala niya maghahabol pa ako sa kanya. Sabunutan ko ang dibdib niyang mabalahibo.

Magsama sila ng babae niyang mabulbol. 

Copyright©2018
All Rights Reserved
By coalchamber13








Continue Reading

You'll Also Like

899K 15.9K 35
Eve Galvez is living a simple life. Until one day she started receiving foods and text messages from someone she didn't know. (COMPLETED)
1.1M 31.8K 35
Felicity Natividad despises her ex-boyfriend. She is not interested in a man who is a womanizer and arrogant. Captain Mikael Dela Costa is a professi...
353K 5.5K 25
Book of Love Series Six books.Different people.Different situations.Different types of love. Different agony and trials that will test them in the na...
78.3K 2.7K 71
Book 1- Infidelity Affection Book 2- Gear On Affliction Prologue "What the fuck are you doing?!" Sigaw ng lalaking may pagka badboy ang datingan haba...